Alexander took a very deep breath before he speaks to her. Nararamdaman na niya na naiinip na si Eliza kahihintay sa kanya sa sasabihin niya kung nasaan ang Tita Linda nito na nakaalis na kanina pa.
"Eliza, umalis na ang Tita Linda mo," dahan-dahan na sabi ni Alexander kay Eliza. He's looking at her eyes as she speaks to her. Eliza's eyes got bigger when she heard him saying that her aunt left. Umawang pa lalo ang mga labi niya. "Umalis na ang Tita Linda mo kaya wala na siya dito sa opisina ko, Eliza. Kung nandito pa sana siya ay makikita mo siya kaso wala na siya. Umalis na siya. Kaya wala na siya dito dahil umalis na siya," pahabol pang sabi ni Alexander sa kanya. "A-Ano po ang sinabi mo, Sir Alexander? Umalis na po si Tita Linda? Talaga po ba? Totoo?" nagtatakang tanong ni Eliza kay Alexander. Alexander nodded again. "Oo, Eliza. Umalis na nga ang Tita Linda mo. Wala na siya dito sa loob ng opisina ko," malumanay na sagot ni Alexander kay Eliza. "Bakit wala na po siya dito sa opisina mo? Dito siya pumunta, 'di ba? Dito mo siya pinapunta sa opisina mo? Nasaan na po ba siya? Saan po siya pumunta? Niloloko n'yo po ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Eliza kay Alexander. "Eliza, hindi kita niloloko, okay? Nagsasabi ako ng totoo sa 'yo. Hindi kita niloloko. Umalis na talaga ang Tita Linda mo dito sa opisina ko," sagot ni Alexander sa kanya. Kinunutan pa lalo ni Eliza si Alexander. "Talaga po ba? Bakit hindi ko po alam na umalis na siya? Bakit hindi siya nagsabi sa akin? Ang sabi niya kanina ay hintayin ko lang siya doon sa sala kaya doon lang ako. Umaasa ako na bababa siya doon ngunit mag-iisang oras na ay wala pa rin siya. Hindi pa rin siya bumababa. Nagtaka na ako, Sir Alexander. Bumaba po ang personal assistant mo at siya lang ang nakita ko na mag-isang bumaba. Hindi niya kasama ang Tita Linda ko at nagtaka pa lalo ako. Kung umalis na po siya ay bakit hindi niya nagawang magpaalam sa akin? Hindi siya puwedeng umalis na hindi magpaalam sa akin dahil sinabihan niya ako na hintayin ko siya doon sa baba kaya hinintay ko siya doon. Imposible naman na umalis siya na hindi nagpapaalam sa akin. Hindi po ako naniniwala, Sir Alexander. Ang sama naman ng Tita Linda ko n'yan kung umalis na siya na hindi man lang nagpapaalam sa akin," katwiran na sagot ni Eliza sa guwapong si Alexander. "Eliza, maniwala ka man o hindi sa sinasabi ko sa 'yo na umalis na talaga ang Tita Linda mo. Iyon ang totoo, okay? Umalis na talaga siya. Kung nandito siya sa loob ng opisina ko ay nakikita mo sana siya ngunit wala na siya, 'di ba? Kaya wala na siya dito dahil umalis na siya. Umalis na siya at 'yon ang totoo," sabi pa ni Alexander sa kanya. Sinasabi naman nga ni Alexander sa kanya ang totoo. Hindi ito nagsisinungaling sa kanya. Eliza took a deep sigh and said, "Kung totoo po talaga na umalis na siya bakit hindi siya nagsabi sa akin na aalis na ako? Alam naman po niya na naghihintay ako sa kanya at sinabihan nga niya ako mismo na hintayin ko siya sa baba. Imposible naman po na gawin 'yon niya sa akin na iwan niya ako dito sa mansion mo na walang pasabi o ano pa po." "May kailangan kang malaman, Eliza..." mahinang usal ni Alexander sa kanya. "Ano po? Ano po ang kailangan kong malaman? Sabihin mo po sa akin ang totoo lalo na kung nasaan talaga ang Tita Linda ko. Baka nandito lang po talaga siya sa loob ng mansion mo. Ayaw mo lang sabihin sa akin," tanong ni Eliza sa kanya. Nagmamatigas pa nga ito na paniwalaan ang sinasabi ni Alexander sa kanya sa tono ng pananalita niya. "Sinabi ko na sa 'yo ang dapat mong malaman, Eliza. Ayaw ko nang ulitin pa, okay? Kung nandito pa siya dapat nandito pa siya. Alam mo na kung ano pa ang totoo sapagkat sinabi ko na sa 'yo. May kailangan kang malaman sa akin. Ang sasabihin kong 'to sa 'yo ay dahilan kung bakit hindi mo na makita pa dito sa loob ng opisina ko ang Tita Linda mo kahit anino pa niya, Eliza. Makinig ka sana sa sasabihin ko sa 'yo, Eliza. Imposible nga para sa 'yo na iwan ka ng Tita Linda mo na walang pasabi sa 'yo ngunit ginawa talaga niya 'yon sapagkat..." "Sapagkat ano po, Sir Alexander? Sabihin mo na po sa akin. Naguguluhan po ako sa totoo lang," reklamo ni Eliza kay Alexander na napapasapo na lang ng kanyang noo. Naguguluhan na rin siya. Naiisip rin niya na maaaring totoo ang sinasabi ni Alexander na umalis na talaga ang Tita Linda niya. Kung nandito pa sana ito sa loob ng opisina ay makikita niya. Wala naman sigurong dahilan para itago ang Tita Linda niya ni Alexander. Muling nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Alexander bago nagsalita sa kanya. Tumingin pa nga ito ng seryoso sa kanya. Ilang segundo muna ang lumipas at saka lang nito muling ibinuka ang kanyang mga labi para sabihin sa harapan ni Eliza kung bakit wala na ang Tita Linda niya. Alexander slowly opened his mouth and said, "Iniwan ka na niya sa akin, Eliza. Alam mo kung bakit?" "B-Bakit po?" nakaawang ang mga labi na tanong ni Eliza kay Alexander. Nauutal pa nga ito na magtanong sa kanya. Tahimik lang si Nico na nakikinig sa kanilang dalawa. Wala naman siyang sasabihin dahil hindi naman siya ang kailangan na magpaliwanag kundi ang boss niya na kaibigan pa niya na si Alexander. "Iniwan ka na niya dahil binenta ka na niya sa akin, Eliza. Hindi ako nagbibiro sa sinasabi ko sa 'yo, okay? Walang rason para magsinunggaling ako sa 'yo kaya sinasabi ko ang totoo, Eliza. Iniwan ka na ng Tita Linda mo dahil binenta ka na niya sa akin. Kaya wala na siya ngayon dahil iniwan ka na niya, Eliza. She sold you to me. Sa tingin ko ay may ideya ka na kung bakit niya nagawa 'yon," sabi ni Alexander sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Eliza matapos marinig ang sinabing 'yon ni Alexander sa kanya. Sinasabi nito na binenta na siya kaya siya iniwan na nito. Ayaw niyang paniwalaan ang sinabing 'yon ni Alexander sa kanya ngunit nararamdaman niya na totoo ang sinasabi nito. Kung hindi totoo ang sinasabi nito ay dapat nakikita pa niya ang Tita Linda niya pero hindi, eh. Kahit anino nito ay hindi na niya makita pa kaya posible ngang totoo. "Hindi 'yan totoo! Hindi ako ibebenta ng Tita Linda ko. May malaking problema kaming kinakaharap ngayon ngunit hindi niya magagawa 'yon. Hindi niya ako ibebenta. Ano ako sa tingin mo? Isang hayop lang na matapos alagaan ng ilang buwan o taon ay ibebenta na? Hindi po ako hayop. Tao po ako kaya hindi niya magagawa 'yon, Sir Alexander. Hindi po ako niya ibebenta," giit pa ni Eliza kay Alexander. Bago muling nagsalita si Alexander kay Eliza ay humihip muna ito ng hangin. "Maniwala ka man o hindi ay nagsasabi talaga ako ng totoo sa 'yo, Eliza. Binenta ka na sa akin ng Tita Linda mo at 'yon ang totoo. Binenta ka na niya sa akin kaya umalis na siya. Hindi na siya nagpakita pa sa 'yo. Umalis na siya kanina dala-dala ang binayad kong pera. Kahit tanungin mo pa si Nico na personal assistant ko ay puwede mong gawin para maniwala ka talaga. Nagsasabi ako ng totoo," sabi ni Alexander kay Eliza. Humarap si Eliza kay Nico na personal assistant ni Alexander para tanungin kung totoo nga ang sinasabi ng boss niya. Inunahan na ni Nico si Eliza. Hindi na niya hinintay na tanungin pa siya nito kundi nagsalita na nga siya. "Hindi nagsisinungaling si Sir Alexander, Eliza. Lahat ng mga naririnig mo na sinasabi niya ay totoo. Binenta ka ng Tita Linda mo sa kanya. Iyon ang totoo. Hindi kami nagsisinungaling o gumagawa-gawa ng kuwento sa harapan mo. We're both telling the truth, okay? Mahirap man maintindihan o tanggapin ang nalaman mong 'yon ngunit 'yon talaga ang totoo na nangyari. Binenta ka na sa kanya ng Tita Linda mo dahil kailangan n'yo ng malaking halaga ng pera. Umalis na ang Tita Linda mo kanina bago pa kita puntahan sa baba para papuntahin dito sa opisina ni Sir Alexander para sabihin ang lahat ng kailangan mong malaman. Dala-dala ng Tita Linda mo ang perang binayad ni Sir Alexander. Paniwalaan mo na ang naririnig mo ngayon sapagkat 'yon ang totoo. Hindi lang si Sir Alexander ang nagsasabi sa 'yo pati ako ay nagsasabi rin. Walang pinagkaiba ang sinasabi namin sa 'yo. Uulitin ko muli sa 'yo ha, hindi gawa-gawa ang naririnig mo sa aming dalawa ni Sir Alexander. Totoong-totoo ang lahat ng naririnig mo, Eliza," mahabang paliwanag ni Nico sa harapan ni Eliza na nakaawang pa rin ang mga labi at kunot ang malalapad na noo.Napamura na lang si Eliza sa isipan niya matapos na marinig ang sinabing 'yon ni Nico sa kanya. Kung ano ang sinasabi ni Alexander sa kanya ay ganoon rin ang sinasabi nito sa harapan niya. Kaya siya nagsasalita para patunayan na rin na totoo nga ang sinasabi ng boss niya upang maniwala na talaga si Eliza na binenta na siya ng kanyang sariling tita kay Alexander.Napatakip si Eliza ng kanyang mga labi sa narinig niyang 'yon. Ramdam niya na totoo ang sinasabi ni Nico sa harapan niya. She couldn't speak after that. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa nalaman nga niyang 'yon mula sa dalawang lalaki na nasa harapan niya lalo na kay Alexander na boss na bumili sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa dalawa."Now you heard him, Eliza. He's defending me not just because I'm his boss, but that is the truth. Iyon ang totoo. Hindi ako nagsisinungaling sa harapan mo. Mismong personal assistant ko na ang nagsasabi sa 'yo. Kung ano ang sinabi ko ay ganoon rin ang sinabi niya sa 'yo. Baka isipin mo pa n
Alexander was right. Kung gusto nga ni Eliza na bumalik sa Tita Linda niya kailangan na ibalik niya ang perang binigay nito sa kanya bilang bayad sa pagbenta sa kanya nito. Aminado naman si Eliza na hindi niya maibabalik ang perang 'yon na bayad sa Tita Linda niya ni Alexander sa pagbenta sa kanya nito sapagkat wala siyang ganoon kalaking halaga ng pera. Sigurado naman siya na wala siyang kawala nito. Hindi siya makakatakas o makakaalis sa mansion ni Alexander. Kailangan niyang sumunod sa sinasabi nito sa kanya. Nabili na siya ni Alexander. Binili siya nito mula sa Tita Linda niya gamit ang pera nito. Pagmamay-ari na nga talaga siya nito. Hindi na nagsalita pa si Eliza matapos ang sinabing 'yon ni Alexander sa kanya. Nawalan na siya ng gana na magsalita. Na-realize pa niya na kahit ano'ng gawin niya na pagsabi ng kung ano ay walang mangyayari. Kung sa laban ay matatalo siya kahit lumaban pa siya nang todo kaya mas mabuti na sumuko na lang at tanggapin ang katotohanan na pilit pinapaa
"Ba't ka tumigil?" tanong nito sa kanya. Alam na ni Eliza kung ano ang tinutukoy nito sa kanya. Nahiya siya sa harapan ng guwapong si Alexander. Umiwas siya ng tingin dito. Wala pa rin siyang imik kaya muling nagsalita si Alexander sa kanyang harapan. "Nahihiya ka ba sa akin, Eliza? Kung nahihiya ka kaya hindi mo na pinagpatuloy ang ginagawa mo ay sasabihin ko sa 'yo na hindi mo naman kailangan na mahiya lalo na sa akin, okay? Alisin mo na ang hiya-hiya mo, Eliza. Nandito ka na sa akin at saka kumain ka na. Kaya kita pinadalhan ng mga pagkain para kumain ka kung nagugutom ka. Kumain ka na, Eliza. 'Wag ka nang mahiya pa. Walang rason para mahiya ka sa akin," sabi ni Alexander kay Eliza.Nagpakawala si Eliza nang malalim na buntong-hininga. Naghahagilap pa siya kung ano ang isasagot niya kay Alexander sa sinabi nito. Nahihiya talaga siya. Sinasagot nito sa kanya na hindi niya kailangan na mahiya ngunit hindi naman maiwasan na maramdaman niya 'yon na mahiya siya. Tahimik pa rin si Eliz
Ang gusto ni Alexander bago niya bilhan ng mga damit at ibang gamit na kailangan ni Eliza ay ipakita na dito ang magiging room niya sa mansion kaya 'yon ang ginawa niya. Dinala niya si Eliza sa magiging room niya. Mabuti ay pumayag naman ito sa kanya na ipakita ang magiging room niya sa mansion. Tahimik lang si Eliza at patango-tango sa kanya. Nakasimangot ito. Naiintindihan naman ni Alexander kung bakit ganoon si Eliza. Hinayaan lang niya ito. Ginagawa lang niya ang kanyang dapat gawin para sa dalaga na si Eliza. Maganda si Eliza. Hindi lang ang mukha nito ang maganda pati ang pangangatawan nito. Hindi tuloy maiwasan na makaramdam ng pagka-attract si Alexander sa kanya. Kasalukuyan pa rin silang dalawa nasa loob ng room na 'yon na para kay Eliza. Malaki ang room na 'yon. May malaking kama si Eliza. Mabango sa loob ng magiging room niya. Para ngang umulan ng pabango doon sa bango. Maganda ang magiging room niya. Sigurado siya na malambot ang magiging kama niya. Nakasimangot siya ha
Maraming biniling mga damit at gamit si Alexander para kay Eliza na ngayon nga ay sa mansion na titira sa ayaw at gusto nito. Sa tulong ng personal assistant niya na kaibigan pa niya na si Nico ay hindi siya nahirapan na pumili ng nararapat para kay Eliza. Punong-puno ang kanyang sasakyan ng mga pinamili niya para kay Eliza. "Mananatili lang ba si Eliza doon sa mansion mo? Hanggang kailan siya nandoon? Ano ang gagawin niya sa mansion araw-araw? Wala ba siyang kailangan na gawin?" basag ni Nico sa katahimikan sa loob ng sasakyan habang pabalik na sila sa mansion. Sinulyapan siya ni Alexander matapos niyang itanong ito dito. Nagpakawala muna si Nico nang malalim na buntong-hininga bago sinagot ang katanungan niyang 'yon."Maraming salamat sa pagtanong mo sa akin ng ganyang klaseng mga tanong. Alam mo sa tooo lang talaga ay tinatanong ko rin ang aking sarili kagaya ng tinatanong mo sa akin, eh," sagot ni Alexander kay Nico na personal assistant niya na kaibigan pa nga niya. Napakunot-
Walang ginawa si Eliza sa loob ng kuwarto niya kundi ang humiga sa malambot na kama. Hindi naman siya nakakatulog dahil sa dami ng iniisip niya. Gusto talaga niya na umalis sa mansion ngunit hindi niya puwedeng gawin. Malalagot siya kay Alexander. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung hanggang kailan siya ganito na mananatili sa mansion ni Alexander. Hindi niya alam kung hanggang kailan. Gusto niyang tanungin ito ngunit nahihiya siyang gawin 'yon. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanya. Alam naman niya na binenta na siya ng Tita Linda niya dito. Umaasa siya na makakabalik siya sa kanila kahit alam naman niya na imposible na ngang mangyari. Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Bumangon kaagad siya para tingnan kung sino 'yon. Pagkabukas niya ay ang isang kasambahay ang nakita niya. Binati muna siya nito ng magandang gabi bago sinabi ang sadya nito sa kanya. Wala naman ito masyadong sadya sa kanya kundi ang sabihin lang na kakain na. Pinababa siya ni Alexander. Gust
Pagkatapos nilang kumain sa dining room ay bumalik na si kuwarto niya habang si Alexander ay hindi niya alam kung saan pumunta. Hindi naman ito tumaas kagaya niya. Nasa taas rin ang kuwarto nito. Hindi lang talaga niya alam kung saang parte. Hindi rin niya responsibilidad ang alamin kung saan nga ito pumunta. Ang responsibilidad niya ay ang kanyang sarili, hindi ito kahit binibigay nito ang kailangan niya at hindi siya pinababayaan na nararamdaman naman niya.Simula kaninang umaga ay hindi pa rin siya nagpapalit ng damit na suot niya pagpunta niya sa mansion ni Alexander kahit maraming puwedeng pagpilian na siyang damit dahil bibilhan siya kanina. Nangangati na siya. Hindi na nga siya nakatiis kaya pumili siya ng damit na puwede niyang suotin. Mabilis naman ng siyang nakapili kaya sinuot kaagad niya 'yon. Kaysa naman sa kanya ang damit na binili ni Alexander. Sigurado siya na lahat ng mga damit na binili ni Alexander sa kanya ay kakasya. Mabuti ay marunong itong mamili ng kakasya sa
Maagang nagising kinabukasan si Eliza. Unang pumasok sa isipan niya pagkagising niya kahit nakahiga pa siya sa malambot na kama walang iba kundi ang pangalawang pamilya niya na kumupkop sa kanya lalo na ang Tito Arthur niya. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung na-operahan na kaya ito o kaya ay kumusta na ito. Gusto niyang malaman ang kalagayan nito ngayon. Nag-aalala siya para sa Tito Arthur niya. Habang iniisip niya ito ay naalala niya ang sinabi ni Alexander sa kanya kahapon na babalitaan siya nito tungkol sa kalagayan ng Tito Arthur niya. Umaasa siya kahit papaano na babalitaan siya nito tungkol sa Tito Arthur niya. Galit at masama pa rin ang loob niya sa kanyang Tita Linda sa ginawa nito ngunit iniisip na lang niya ang ikabubuti ng Tito Arthur niya kaya kahit papaano ay nababawasan ang nararamdaman niyang 'yon. Gising na nga siya ngunit hindi pa rin siya bumabangon. Ayaw pa niyang lumabas sa kuwarto niya. Wala naman. siyang gagawin sa labas lalo na maaga pa. Baka nga tulog