"Ba't ka tumigil?" tanong nito sa kanya. Alam na ni Eliza kung ano ang tinutukoy nito sa kanya. Nahiya siya sa harapan ng guwapong si Alexander. Umiwas siya ng tingin dito. Wala pa rin siyang imik kaya muling nagsalita si Alexander sa kanyang harapan. "Nahihiya ka ba sa akin, Eliza? Kung nahihiya ka kaya hindi mo na pinagpatuloy ang ginagawa mo ay sasabihin ko sa 'yo na hindi mo naman kailangan na mahiya lalo na sa akin, okay? Alisin mo na ang hiya-hiya mo, Eliza. Nandito ka na sa akin at saka kumain ka na. Kaya kita pinadalhan ng mga pagkain para kumain ka kung nagugutom ka. Kumain ka na, Eliza. 'Wag ka nang mahiya pa. Walang rason para mahiya ka sa akin," sabi ni Alexander kay Eliza.Nagpakawala si Eliza nang malalim na buntong-hininga. Naghahagilap pa siya kung ano ang isasagot niya kay Alexander sa sinabi nito. Nahihiya talaga siya. Sinasagot nito sa kanya na hindi niya kailangan na mahiya ngunit hindi naman maiwasan na maramdaman niya 'yon na mahiya siya. Tahimik pa rin si Eliz
Ang gusto ni Alexander bago niya bilhan ng mga damit at ibang gamit na kailangan ni Eliza ay ipakita na dito ang magiging room niya sa mansion kaya 'yon ang ginawa niya. Dinala niya si Eliza sa magiging room niya. Mabuti ay pumayag naman ito sa kanya na ipakita ang magiging room niya sa mansion. Tahimik lang si Eliza at patango-tango sa kanya. Nakasimangot ito. Naiintindihan naman ni Alexander kung bakit ganoon si Eliza. Hinayaan lang niya ito. Ginagawa lang niya ang kanyang dapat gawin para sa dalaga na si Eliza. Maganda si Eliza. Hindi lang ang mukha nito ang maganda pati ang pangangatawan nito. Hindi tuloy maiwasan na makaramdam ng pagka-attract si Alexander sa kanya. Kasalukuyan pa rin silang dalawa nasa loob ng room na 'yon na para kay Eliza. Malaki ang room na 'yon. May malaking kama si Eliza. Mabango sa loob ng magiging room niya. Para ngang umulan ng pabango doon sa bango. Maganda ang magiging room niya. Sigurado siya na malambot ang magiging kama niya. Nakasimangot siya ha
Maraming biniling mga damit at gamit si Alexander para kay Eliza na ngayon nga ay sa mansion na titira sa ayaw at gusto nito. Sa tulong ng personal assistant niya na kaibigan pa niya na si Nico ay hindi siya nahirapan na pumili ng nararapat para kay Eliza. Punong-puno ang kanyang sasakyan ng mga pinamili niya para kay Eliza. "Mananatili lang ba si Eliza doon sa mansion mo? Hanggang kailan siya nandoon? Ano ang gagawin niya sa mansion araw-araw? Wala ba siyang kailangan na gawin?" basag ni Nico sa katahimikan sa loob ng sasakyan habang pabalik na sila sa mansion. Sinulyapan siya ni Alexander matapos niyang itanong ito dito. Nagpakawala muna si Nico nang malalim na buntong-hininga bago sinagot ang katanungan niyang 'yon."Maraming salamat sa pagtanong mo sa akin ng ganyang klaseng mga tanong. Alam mo sa tooo lang talaga ay tinatanong ko rin ang aking sarili kagaya ng tinatanong mo sa akin, eh," sagot ni Alexander kay Nico na personal assistant niya na kaibigan pa nga niya. Napakunot-
Walang ginawa si Eliza sa loob ng kuwarto niya kundi ang humiga sa malambot na kama. Hindi naman siya nakakatulog dahil sa dami ng iniisip niya. Gusto talaga niya na umalis sa mansion ngunit hindi niya puwedeng gawin. Malalagot siya kay Alexander. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung hanggang kailan siya ganito na mananatili sa mansion ni Alexander. Hindi niya alam kung hanggang kailan. Gusto niyang tanungin ito ngunit nahihiya siyang gawin 'yon. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanya. Alam naman niya na binenta na siya ng Tita Linda niya dito. Umaasa siya na makakabalik siya sa kanila kahit alam naman niya na imposible na ngang mangyari. Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Bumangon kaagad siya para tingnan kung sino 'yon. Pagkabukas niya ay ang isang kasambahay ang nakita niya. Binati muna siya nito ng magandang gabi bago sinabi ang sadya nito sa kanya. Wala naman ito masyadong sadya sa kanya kundi ang sabihin lang na kakain na. Pinababa siya ni Alexander. Gust
Pagkatapos nilang kumain sa dining room ay bumalik na si kuwarto niya habang si Alexander ay hindi niya alam kung saan pumunta. Hindi naman ito tumaas kagaya niya. Nasa taas rin ang kuwarto nito. Hindi lang talaga niya alam kung saang parte. Hindi rin niya responsibilidad ang alamin kung saan nga ito pumunta. Ang responsibilidad niya ay ang kanyang sarili, hindi ito kahit binibigay nito ang kailangan niya at hindi siya pinababayaan na nararamdaman naman niya.Simula kaninang umaga ay hindi pa rin siya nagpapalit ng damit na suot niya pagpunta niya sa mansion ni Alexander kahit maraming puwedeng pagpilian na siyang damit dahil bibilhan siya kanina. Nangangati na siya. Hindi na nga siya nakatiis kaya pumili siya ng damit na puwede niyang suotin. Mabilis naman ng siyang nakapili kaya sinuot kaagad niya 'yon. Kaysa naman sa kanya ang damit na binili ni Alexander. Sigurado siya na lahat ng mga damit na binili ni Alexander sa kanya ay kakasya. Mabuti ay marunong itong mamili ng kakasya sa
Maagang nagising kinabukasan si Eliza. Unang pumasok sa isipan niya pagkagising niya kahit nakahiga pa siya sa malambot na kama walang iba kundi ang pangalawang pamilya niya na kumupkop sa kanya lalo na ang Tito Arthur niya. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung na-operahan na kaya ito o kaya ay kumusta na ito. Gusto niyang malaman ang kalagayan nito ngayon. Nag-aalala siya para sa Tito Arthur niya. Habang iniisip niya ito ay naalala niya ang sinabi ni Alexander sa kanya kahapon na babalitaan siya nito tungkol sa kalagayan ng Tito Arthur niya. Umaasa siya kahit papaano na babalitaan siya nito tungkol sa Tito Arthur niya. Galit at masama pa rin ang loob niya sa kanyang Tita Linda sa ginawa nito ngunit iniisip na lang niya ang ikabubuti ng Tito Arthur niya kaya kahit papaano ay nababawasan ang nararamdaman niyang 'yon. Gising na nga siya ngunit hindi pa rin siya bumabangon. Ayaw pa niyang lumabas sa kuwarto niya. Wala naman. siyang gagawin sa labas lalo na maaga pa. Baka nga tulog
Sasabihin naman talaga ni Eliza ang totoo sa kasambahay na si Jona ang pangako niya dito. Hindi niya puwedeng hindi sabihin 'yon sapagkat ano na lang ang sasabihin nito sa kanya. Umihip siya ng malalim na hangin at saka ibinuka muli ang mga labi para sagutin ang mga katanungan nito sa kanya. Hindi siya titigilan ng kasambahay na si Jona kung hindi niya sasabihin ang totoo. Curious pa naman ito."Ang dahilan kung bakit nandito nga ako sa mansion niya kahit hindi ko naman siya kaano-ano ay dahil binili na niya ako, Jona," dahan-dahan na sabi ni Eliza sa kasambahay na si Jona na nanlaki ang mga mata matapos sabihin 'yon sa kanya. Umawang pa nga ang mga labi niya."A-Ano po? Binili ka niya? Paano po? Sigurado ka po ba sa sinasabi mo sa akin? Hindi ka po ba nagsisinungaling? Baka niloloko mo po ako n'yan o kaya ay pinaglalaruan," tanong ni Jona sa kanya na naguguluhan. Seryosong nakatingin si Eliza sa kanya. Kaagad naman na tinanguan niya ito bago nagsalita. "Oo. Hindi ako nagsisinungali
Nginitian ni Eliza ang kasambahay na si Jona bago siya nagsalita muli sa harapan nito. "Maraming salamat sa sinabi mong 'yon sa akin, Jona. Maraming salamat talaga!" pasalamat ni Eliza sa kanya.Ngumiti nga rin si Jona pagkapasalamat nga niya."Walang anuman po 'yon. Nandito lang po kami lalo na po ako. Hindi mo po kailangan na mahiya lalo ngayon na alam ko na po ang totoo at unti-unti na po tayong dalawa nagiging close isa isa't isa," sagot ni Jona sa kanya.Eliza nods her head and said, "Salamat talaga sa 'yo, Jona. Ngayon na alam mo na nga ang tungkol sa akin at sa dahilan kung bakit nandito ako sa mansion ng boss n'yo ay may gusto sana akong itanong sa 'yo.""Ano po 'yon? Ano po ang itatanong mo sa akin?" tanong ni Jona sa kanya.Eliza licked her lips and replied slowly, "Ano ba ang pag-uugali ng boss n'yo na si Sir Alexander? Mabait ba siya, huh? Tinatanong lang naman kita dahil gusto ko na malaman tutal taon ka rin naman na nagtatrabaho dito sa mansion niya. Sigurado ako na alam
Habang lumilipas ang oras matapos na malaman nilang dalawa ang magandang balita na 'yon ay natatanggap naman nga ni Eliza ang katotohanan na buntis nga siya. Nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa ng boyfriend niya na si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala ngunit natanggap naman niya ang katotohanan na 'yon na siya ay buntis. Halu-halo ang kanyang nararamdaman. Hindi nga maalis d'yan ang takot. Natatakot siya dahil wala pa naman siyang karanasan sa pagbubuntis at lalong lalo na ang pag-aalaga ng bata. Gayumpaman ay wala pa ring kalagayan ang tuwang nararamdaman ni Alexander na boyfriend niya sa magandang balita na 'yon na buntis siya. Magiging ama na ito at siya ay magiging ina na rin. Siguro sa lahat ng tao sa mundong 'to ay siya ang pinkasamasaya dahil magkakaanak na silang dalawa ng babaeng mahal niya na si Eliza. "Aren't you happy with that, baby?" tanong ni Alexander sa kanya pagkapasok nila sa loob ng kuwarto para magbihis ng damit na pambahay. Naiinitan na kasi si Eliz
Kinumpronta nga ni Arthur ang asawa niya na si Linda tungkol sa nalaman niyang 'yon. Galit na galit siya sa asawa niya lalo na nagsinungaling pa ito sa kanya. Hindi nito sinabi ang totoong ginawa nito sa sariling pamangkin niya na si Eliza. Akala niya ay nagtatrabaho ito ngunit hindi naman pala. Binenta pala niya ito sa isang bilyonaryo."Bakit mo ba nagawa 'yon sa sariling pamangkin mo, Linda? Hindi ka naawa sa kanya! Wala naman siyang kasalanan sa nangyari sa akin. Siya ang sinisisi mo sa nangyari sa akin kahit wala naman! Ang sama mo sa totoo lang, Linda!" galit na sabi ni Arthur sa asawa niya."Ginawa ko 'yon para sa 'yo, Arthur! Ayaw ko na mawala ka sa buhay ko. Wala naman na akong naisip na paraan para magkapera at ma-operahan ka kundi ang gawin 'yon! Sa tingin mo ba ay buhay ka pa kung hindi ko ginawa 'yon, huh? Hindi! Matagal ka nang wala kung hindi ko ginawa 'yon sa 'yo. Huwag kang magalit sa akin dahil ginawa ko 'yon para sa 'yo dahil ayaw ko na mawala ka saa amin!" sagot ni
Matapos na mabura na ni Carl James nang tuluyan ang sex video ng kapatid niya na si Alexander at ex-girlfriend nito na si Marie Heart ay naging tahimik na ang lahat. Wala na ngang nangugulo pa sa dalawang magkasintahan lalo na kay Alexander. Tinigilan na nga siya ni Marie Heart dahil wala naman na itong magagamit na panakot sa kanya para bumalik ito sa piling niya. Tinanggap na lang niya ang katotohanan na hindi talaga siya gustong makasama muli ni Alexander na ex-boyfriend na niya. Malaki ang pasasalamat ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James sa ginawa nitong pagtulong sa kanya sa problema niyang 'yon tungkol sa sex video na pinapanakot sa kanya ni Marie Heart na ex-girlfriend niya. Kung hindi dahil dito ay baka hindi pa naayos ang lahat ng problemang 'yon. After one week ay umuwi na sina Alexander at girlfriend niya na si Eliza sa Maynila mula sa kanilang masayang pagbabakasyon sa lugar na 'yon na gusto muli nilang puntahan sa susunod. Balik sa normal ang lahat sa kanila. H
Tinawagan kaagad ni Alexander kinabukasan ang kanyang bunsong kapatid na si Carl James para malaman kung ano na ang nangyari sa plano nila. "Kumusta? Tagumpay ba kayo kagabi ni Nico?" tanong ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James.He heard him gasped for air before answering his questions. "Tagumpay kaming dalawa ni Nico, Kuya Zander. Nabura ko na ang sex video sa cell phone ni Marie Heart na ex-girlfriend mo po. Wala ka na pong kailangan na problemahin. Problem solved na po," masayang sabi ni Carl James sa kanya.Natuwa naman nga si Alexander matapos na malaman na tagumpay ang plano nilang 'yon. Nabura na nga ni Carl James ang sex video ng kapatid niya kasama ang ex-girlfriend nito na si Marie Heart. Wala na silang kailangan na problemahin pa. "Magandang marinig 'yan. Sa wakas ay nabura na rin ang sex video na 'yon na ginagawa niyang pananakot sa akin," sabi ni Alexander sa kapatid niya."Oo, Kuya Zander. Sinigurado ko na wala na ngang kopya siya ng sex video na 'yon para hi
Two days later...Tinawagan nga ni Alexander si Marie Heart na ex-girlfriend niya para sabihin na magkita silang dalawa mamayang gabi kahit ang totoo ay nasa bakasyon pa rin siya kasama ang babaeng mahal niya na si Eliza. Naniwala naman nga si Marie Heart sa kanya na pupunta siya dahil 'yon ang sabi niya na after two days ay kailangan na may desisyon na siya.Walang kaalam-alam si Marie Heart na hindi si Alexander na inaasahan niya ang makikita niya mamaya kundi ang kapatid nitong si Carl James. Iyon ang plano nilang dalawa na magkapatid. Sa isang bar silang dalawa magkikita dahil 'yon ang napagkasunduan nila. Pabor naman nga 'yon kay Carl James dahil lalasingin niya si Marie Heart at saka kukunin ang cell phone nito para i-delete doon ang sex video ng kapatid niya kasama ang babaeng ito. Kilala siya ni Marie Heart dahil ilang beses na silang nagkita dati ngunit hindi naman sila masyadong nag-uusap.Inaasahan na niya na magtataka ito kung bakit siya ang pumunta hindi ang kapatid niya
Hindi muna pinaalam ni Alexander ang tungkol sa bagay na 'yon kay Eliza na girlfriend niya. Ayaw niya kasi na mag-alala ito. Silang dalawa lang ng kapatid niya ang nag-uusap tungkol doon."Ano'ng gagawin mo, Kuya Zander? Gagawin mo ba ang nais ng babaeng 'yon?" tanong ni Carl James sa kanya kinagabihan. Nang masigurado niya na tulog na si Eliza na girlfriend niya ay saka niya tinawagan ang kapatid niya para pag-usapan ang bagay na 'yon na pino-problema niya. Bago siya sumagot ay huminga muna siya nang malalim. "Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw ko na kumalat ang sex video na 'yon at isa pa ay ayaw ko na bumalik sa kanya. Hindi ko siya gusto at mas lalong hindi ko siya mahal kaya hindi ako papayag na magkasama kaming muling dalawa. Ayaw ko na iwan si Eliza na babaeng mahal ko," sagot ni Alexander sa kapatid niya na si Carl James."Kapag hindi ka pumayag sa nais niyang mangyari ay ikakalat niya ang sex video n'yong dalawa, Kuya Zander. Mapapahiya ka nang sobra n'yan at masisira ang
Matapos na makausap ni Alexander ang kaibigan niya na si Kelvin sa kabilang linya ay sinabi naman kaagad niya 'yon kay Eliza na girlfriend niya. Hindi nito kilala si Kelvin kaya kinuwento niya dito ang tungkol sa kaibigan niya na nasa probinsiya. Never pa kasi niyang naiku-kuwento kay Eliza na girlfriend niya ang tungkol kay Kelvin. Ngayon nga na naikuwento na niya ang tungkol dito ay may nalalaman na ito kahit papaano. Kailangan na lang niya na na-meet at makilala sa personal ang isa pang kaibigan ng guwapong boyfriend niya na si Alexander.Wala namang nangyari pa sa kanila matapos 'yon. Nagpahinga na sila para bukas ay may energy muli sila sa pag-e-enjoy ng kanilang bakasyon sa lugar na 'yon. Tinuturuan nga ni Alexander ang girlfriend niya na si Eliza kung paano lumangoy. Willing naman nga na matuto si Eliza na lumangoy kaya kahit kanina pa lang siya tinuruan ni Alexander ay may natututunan na siya kahit papaano. Kaunti pa lang ngunit marami pa siya matutunan sa susunod. Hindi naman
Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Marie Heart na ayaw na sa kanya ng ex-boyfriend niya na si Alexander. Nasasaktan pa rin siya sa sinabing 'yon nito sa kanya. Iyak siya nang iyak. She really wants him to get back to her life. Mahal na mahal pa kasi niya ito hanggang ngayon. Wala naman na siyang magagawa pa dahil ayaw na nito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan na 'yon. Gagawa siya ng paraan upang maging sila muli at makasama niya ito. Gagawin niya ang lahat bumalik lang ito sa kanya. Nakita pa nga niya ito noong isang araw na kasama nga ang babaeng naabutan niya doon sa mansion nang pumunta siya na sinasabi nito sa kanya na girlfriend nito. Masayang-masaya silang magkasamang dalawa. Kasalukuyan niyang kasama si Kelvin Castro sa isang restaurant na may gusto sa kanya na kaibigan rin ni Alexander no'ng bata pa sila. Kararating lang nito galing sa probinsiya dahil doon na ito tumira kasama ang pamilya niya. Gobernador sa kanilang probinsiya ang daddy niya. Walang
Alexander nodded slowly and said, "Oo, baby. Sinabi ko na nga sa kanya 'yon kanina, baby. Alam na nga niya ang lahat-lahat. Wala na tayong kailangan na itago o ilihim sa kanya. Alam na niya ang totoo simula sa umpisa hanggang sa ngayon, baby. Sinabi ko naman sa 'yo na sasabihin ko sa kanya ang totoo, 'di ba? Nakakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa 'yo, baby?""Hindi, baby. Hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi mo sa akin. Sasabihin mo nga talaga 'yon sa kanya. Ngayon nga na sinabi mo na sa kanya ang lahat-lahat ay—""Ano 'yon, baby?" tanong ni Alexander sa kanya. Hindi pa nga natatapos niya ang kanyang sasabihan ay nagtanong kaagad siya dito."Ano ang naging reaksisyon ng bunsong kapatid mo matapos mong sabihin ang lahat-lahat sa kanya, huh? Nagalit ba siya o ano?" tanong ni Eliza sa guwapong boyfriend niya na si Alexander.He gasped for air before he speaks to her."Hindi, baby. Hindi siya nagalit o ano pa sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niyang malaman tungkol sa ating d