Mag-iisang oras na si Eliza naghihintay sa Tita Linda niya ngunit hindi pa rin talaga ito bumaba mula sa taas. Wala siyang ideya kung bakit. Nakaupo pa rin siya sa inuupuan niyang sofa. Wala siyang kaalam-alam na iniwan na siya ng Tita Linda niya at bumalik na ito sa ospital kung nasaan ang asawa nito na tito rin niya.
Mayamaya ay nakita niya na bumaba sa hagdan si Nico. Mag-isa lang itong bumababa sa hagdan. Hindi nito kasama ang Tita Linda niya. Nagtaka na naman tuloy si Eliza sa nakita niya. Mula sa pagkakaupo sa sofa ay mabilis siyang tumayo. Pagkalapit na pagkalapit ni Nico sa kanya ay tinanong kaagad niya ito kung nasaan ang tita niya. "Nasaan ang tita ko? Bakit hindi mo siya kasama na bumaba? Kausap pa rin ba niya ang boss n'yo?" nagtataka ngang tanong ni Eliza kay Nico. Wala rin siyang alam na pamangkin ng Tito Arthur niya si Nico. Hindi naman kasi ito pumupunta sa kanila kaya hindi niya kilala ito. Alam niya na may mga pamangkin ang Tito Arthur niya sa side nito ngunit hindi naman niya kilala ang mga ito. Ang kilala lang talaga niya ang anak nito na pinsan niya dahil kapatid nito ang kanyang mahal na ina. Bago sinagot ni Nico ang tanong niyang 'yon ay nagpakawala muna ito nang malalim na buntong-hininga. "Sumama ka na lang sa akin sa taas," sabi ni Nico kay Eliza. "Huh? Bakit naman ako sasama sa taas? Saan ba? Sa opisina ba ng boss n'yo kung nasaan ang Tita Linda ko? Doon ba, huh?" sunod-sunod na tanong ni Eliza kay Nico na mabilis naman nga na tinanguan nito. Tumango lang ito at hindi na nagsalita sa kanya. Wala naman kasi siya ibang puwedeng sabihin kaya tumango na lang siya. Hindi muna niya puwedeng sabihin 'yon kung nasaan na ang Tita Linda ni Eliza. Si Alexander na boss niya na kaibigan niya ang magpapaliwanag dito. Sinusunod lang naman niya ang sinasabi nito sa kanya. Kung ano ang sinasabi nito ay kailangan niyang gawin. Sumama nga si Eliza sa taas kay Nico. Iyon ang sabi ni Alexander kaya niya binaba si Eliza. Ito ang magpapaliwanag kapag pumasok na ito sa kanyang opisina. Ang akala ni Eliza ay nandoon pa sa opisina ni Alexander ang Tita Linda niya ngunit wala siyang kaalam-alam na wala na ito. Ibinenta na siya nito. Dahan-dahan na binuksan ni Nico ang pinto ng opisina ng boss nila na si Alexander. Nauna siyang pumasok at sumunod naman si Eliza. Pagkapasok nila sa loob ng opisina ay nakita kaagad ni Eliza ang guwapong nilalang na nakaupo sa swivel chair na seryosong nakatingin sa kanya. Nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Alexander dahilan upang muli niyang maramdaman ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Mas bumilis pa nga 'yon. Iniwas kaagad niya ang kanyang mga mata dito dahil sa hiya. Naglakad pa rin siya palapit sa harapan nito. Nagtataka na naman siya dahil wala doon sa loob ng opisina ang Tita Linda niya. Ang akala niya ay nandoon ang Tita Linda niya sa loob ngunit nagtataka siya sapagkat wala ito doon. Umawang ang mga labi niya at kumunot ang noo. Imbis na bumati kay Alexander ay tinanong kaagad niya ito kung nasaan ang Tita Linda niya. "Nasaan po ang Tita Linda ko?" tanong niya kay Alexander na sinusulyapan rin niya ng tingin si Nico na nasa may gilid nito na nakatayo rin at nakatingin sa kanya. Ibang-iba ang kaguwapuhan ni Alexander at 'yon ang masasabi ni Eliza sa isipan niya kahit hinahanap niya ang kanyang Tita Linda. Ngayon lang niya nakita si Alexander. Imbis na bumagal ang tibok ng puso niya ay mas lalo pa ngang bumilis ito. Alexander is expecting that kind of question to her. He wasn't surprised when he hears it. Alam na niya ang kanyang sasabihin kay Eliza. He let out a deep breath and slowly opened his mouth to speak in front of her. "You're Eliza, right? You're her niece?" tanong ni Alexander sa kanya. Eliza shook her head and said, "Opo, Sir Alexander." "Okay. Kilala mo na pala ako. Magpapakilala pa rin ako sa 'yo bago ko sabihin kung nasaan ang Tita Linda mo kahit alam mo na ang pangalan ko," sabi ni Alexander sa kanya. Hindi kilala ni Eliza si Alexander. Ngayon pa lang niya ito nakita sa buong buhay niya. Kaya niya nalaman ang pangalan nito dahil sa sinabi ni Nico kanina nang bumaba ito nang magkasama pa sila ng Tita Linda niya. "Alam ko lang po ang pangalan mo dahil sa personal assistant mo po pero hindi po kita kilala," nakangusong sagot ni Eliza kay Alexander na tumango-tango pagkasabi niya. "I know, Eliza. Kaya nga ako magpapakilala sa 'yo para makilala mo talaga ako hindi lang ang pangalan ko. Pangalan ko lang ang alam mo, eh, hindi pa nga apelyido o ano pa. My name is Alexander John Hidalgo. I'm twenty-seven years old. Isa akong bilyonaryo at ako ang nagmamay-ari ng iba't ibang kompanya dito sa bansa. Hindi lang sa bansang ito ako nagmamay-ari ng iba't ibang kompanya kundi pati sa labas. I owned different companies in the other southeast asian countries. Wala na akong mga magulang, Eliza. They're both gone. Ulilang lubos na ako. May kapatid akong lalaki. Siya ang bunso at siya ngayon ay nasa America. He lives there. Hanggang doon na muna ang sasabihin ko sa 'yo, Eliza. Sinabi ko lang ang importanteng puwede mong malaman tungkol sa akin. Marami ka pang malalaman soon. 'Wag kang mag-alala, okay? Kilala mo na siguro ako kahit papaano sa sinabi ko sa 'yong major information about me?" seryosong sabi ng guwapong si Alexander sa kanya. Malinaw naman kay Eliza ang sinabing 'yon ni Alexander sa kanya. Hindi naman siya bingi upang hindi niya marinig 'yon. Kilala na niya kahit kaunti ang guwapong binata na nasa harapan niya. Tumango naman siya matapos 'yon at nagsalita, "Opo, Sir Alexander. Kilala na po kita kahit papaano dahil sa sinabi mong 'yon kahit may iba ka pang puwedeng sabihin tungkol sa 'yo." He nodded again. "Very good, Eliza." "Baka po puwedeng sabihin mo na sa akin kung nasaan ang Tita Linda ko, Sir Alexander. Nagpakilala ka na po sa akin kahit papaano. Ang sabi mo po ay sasabihin mo sa akin kapag nagpakilala ka na tungkol sa 'yo. Nasaan po ba ang Tita Linda ko? Bakit wala po siya dito sa opisina n'yo? Akala ko po ay nandito siya. Bakit wala po?" tanong nga ni Eliza kay Alexander. Tumayo muna si Alexander. Na-realize ni Eliza na matangkad pala si Alexander matapos nitong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Malaki rin ang pangangatawan nito. Halata na palagi itong nagwo-work-out. Puting long sleeve lang ang suot nga nito. Bakat na bakat ang katawan nito sa suot nitong 'yon. Malalaki rin ang braso nito. Naglakad si Alexander palapit sa kanya para makipagkamayan sa kanya. Nakipagkamayan na nga rin si Eliza kay Alexander dahil nakakahiya naman kung hindi siya makipagkamayan dito. Ang lambot ng kamay ni Alexander at ang bango-bango nito. Mabango sa loob ng opisina nito ngunit nang lumapit ito sa kanya ay naamoy niya ang pabango nito. Pabango pa lang ay masasabi na niya na lalaking-lalaki talaga ang kaharap niya. Hindi masakit sa ilong ang pabango nito kagaya ng mga naamoy niya. "It's a pleasure to meet you, Eliza," sabi ni Alexander sa kanya na nakangiti habang nagkakamayan silang dalawa. Eliza can't speak. Wala siyang ibang ginawa kundi ang tumango-tango sa harapan nito. Her heart is hammering inside her chest. Matapos na maghiwalay ang mga kamay nilang dalawa ay muling ibinuka ni Eliza ang kanyang mga labi para magsalita kay Alexander. Ayaw na niyang patagalin pa ang lahat. Gusto na niyang malaman kung nasaan ang Tita Linda niya. Para sa kanya ay hindi naman importante na magkamayan pa silang dalawa ni Alexander. Kilala na nila ang isa't isa kahit kaunti pa lang. Ang importante sa kanya ay malaman kung nasaan ang Tita Linda niya at wala nang iba pa. "Hindi mo pa po ba sasabihin sa akin kung nasaan si Tita Linda, Sir Alexander?" tanong nga ni Eliza sa kanya na may pagkainis sa tono ng pananalita nito. Alexander could feel it.Alexander took a very deep breath before he speaks to her. Nararamdaman na niya na naiinip na si Eliza kahihintay sa kanya sa sasabihin niya kung nasaan ang Tita Linda nito na nakaalis na kanina pa."Eliza, umalis na ang Tita Linda mo," dahan-dahan na sabi ni Alexander kay Eliza. He's looking at her eyes as she speaks to her. Eliza's eyes got bigger when she heard him saying that her aunt left. Umawang pa lalo ang mga labi niya. "Umalis na ang Tita Linda mo kaya wala na siya dito sa opisina ko, Eliza. Kung nandito pa sana siya ay makikita mo siya kaso wala na siya. Umalis na siya. Kaya wala na siya dito dahil umalis na siya," pahabol pang sabi ni Alexander sa kanya."A-Ano po ang sinabi mo, Sir Alexander? Umalis na po si Tita Linda? Talaga po ba? Totoo?" nagtatakang tanong ni Eliza kay Alexander. Alexander nodded again. "Oo, Eliza. Umalis na nga ang Tita Linda mo. Wala na siya dito sa loob ng opisina ko," malumanay na sagot ni Alexander kay Eliza."Bakit wala na po siya dito sa opi
Napamura na lang si Eliza sa isipan niya matapos na marinig ang sinabing 'yon ni Nico sa kanya. Kung ano ang sinasabi ni Alexander sa kanya ay ganoon rin ang sinasabi nito sa harapan niya. Kaya siya nagsasalita para patunayan na rin na totoo nga ang sinasabi ng boss niya upang maniwala na talaga si Eliza na binenta na siya ng kanyang sariling tita kay Alexander.Napatakip si Eliza ng kanyang mga labi sa narinig niyang 'yon. Ramdam niya na totoo ang sinasabi ni Nico sa harapan niya. She couldn't speak after that. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa nalaman nga niyang 'yon mula sa dalawang lalaki na nasa harapan niya lalo na kay Alexander na boss na bumili sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa dalawa."Now you heard him, Eliza. He's defending me not just because I'm his boss, but that is the truth. Iyon ang totoo. Hindi ako nagsisinungaling sa harapan mo. Mismong personal assistant ko na ang nagsasabi sa 'yo. Kung ano ang sinabi ko ay ganoon rin ang sinabi niya sa 'yo. Baka isipin mo pa n
Alexander was right. Kung gusto nga ni Eliza na bumalik sa Tita Linda niya kailangan na ibalik niya ang perang binigay nito sa kanya bilang bayad sa pagbenta sa kanya nito. Aminado naman si Eliza na hindi niya maibabalik ang perang 'yon na bayad sa Tita Linda niya ni Alexander sa pagbenta sa kanya nito sapagkat wala siyang ganoon kalaking halaga ng pera. Sigurado naman siya na wala siyang kawala nito. Hindi siya makakatakas o makakaalis sa mansion ni Alexander. Kailangan niyang sumunod sa sinasabi nito sa kanya. Nabili na siya ni Alexander. Binili siya nito mula sa Tita Linda niya gamit ang pera nito. Pagmamay-ari na nga talaga siya nito. Hindi na nagsalita pa si Eliza matapos ang sinabing 'yon ni Alexander sa kanya. Nawalan na siya ng gana na magsalita. Na-realize pa niya na kahit ano'ng gawin niya na pagsabi ng kung ano ay walang mangyayari. Kung sa laban ay matatalo siya kahit lumaban pa siya nang todo kaya mas mabuti na sumuko na lang at tanggapin ang katotohanan na pilit pinapaa
"Ba't ka tumigil?" tanong nito sa kanya. Alam na ni Eliza kung ano ang tinutukoy nito sa kanya. Nahiya siya sa harapan ng guwapong si Alexander. Umiwas siya ng tingin dito. Wala pa rin siyang imik kaya muling nagsalita si Alexander sa kanyang harapan. "Nahihiya ka ba sa akin, Eliza? Kung nahihiya ka kaya hindi mo na pinagpatuloy ang ginagawa mo ay sasabihin ko sa 'yo na hindi mo naman kailangan na mahiya lalo na sa akin, okay? Alisin mo na ang hiya-hiya mo, Eliza. Nandito ka na sa akin at saka kumain ka na. Kaya kita pinadalhan ng mga pagkain para kumain ka kung nagugutom ka. Kumain ka na, Eliza. 'Wag ka nang mahiya pa. Walang rason para mahiya ka sa akin," sabi ni Alexander kay Eliza.Nagpakawala si Eliza nang malalim na buntong-hininga. Naghahagilap pa siya kung ano ang isasagot niya kay Alexander sa sinabi nito. Nahihiya talaga siya. Sinasagot nito sa kanya na hindi niya kailangan na mahiya ngunit hindi naman maiwasan na maramdaman niya 'yon na mahiya siya. Tahimik pa rin si Eliz
Ang gusto ni Alexander bago niya bilhan ng mga damit at ibang gamit na kailangan ni Eliza ay ipakita na dito ang magiging room niya sa mansion kaya 'yon ang ginawa niya. Dinala niya si Eliza sa magiging room niya. Mabuti ay pumayag naman ito sa kanya na ipakita ang magiging room niya sa mansion. Tahimik lang si Eliza at patango-tango sa kanya. Nakasimangot ito. Naiintindihan naman ni Alexander kung bakit ganoon si Eliza. Hinayaan lang niya ito. Ginagawa lang niya ang kanyang dapat gawin para sa dalaga na si Eliza. Maganda si Eliza. Hindi lang ang mukha nito ang maganda pati ang pangangatawan nito. Hindi tuloy maiwasan na makaramdam ng pagka-attract si Alexander sa kanya. Kasalukuyan pa rin silang dalawa nasa loob ng room na 'yon na para kay Eliza. Malaki ang room na 'yon. May malaking kama si Eliza. Mabango sa loob ng magiging room niya. Para ngang umulan ng pabango doon sa bango. Maganda ang magiging room niya. Sigurado siya na malambot ang magiging kama niya. Nakasimangot siya ha
Maraming biniling mga damit at gamit si Alexander para kay Eliza na ngayon nga ay sa mansion na titira sa ayaw at gusto nito. Sa tulong ng personal assistant niya na kaibigan pa niya na si Nico ay hindi siya nahirapan na pumili ng nararapat para kay Eliza. Punong-puno ang kanyang sasakyan ng mga pinamili niya para kay Eliza. "Mananatili lang ba si Eliza doon sa mansion mo? Hanggang kailan siya nandoon? Ano ang gagawin niya sa mansion araw-araw? Wala ba siyang kailangan na gawin?" basag ni Nico sa katahimikan sa loob ng sasakyan habang pabalik na sila sa mansion. Sinulyapan siya ni Alexander matapos niyang itanong ito dito. Nagpakawala muna si Nico nang malalim na buntong-hininga bago sinagot ang katanungan niyang 'yon."Maraming salamat sa pagtanong mo sa akin ng ganyang klaseng mga tanong. Alam mo sa tooo lang talaga ay tinatanong ko rin ang aking sarili kagaya ng tinatanong mo sa akin, eh," sagot ni Alexander kay Nico na personal assistant niya na kaibigan pa nga niya. Napakunot-
Walang ginawa si Eliza sa loob ng kuwarto niya kundi ang humiga sa malambot na kama. Hindi naman siya nakakatulog dahil sa dami ng iniisip niya. Gusto talaga niya na umalis sa mansion ngunit hindi niya puwedeng gawin. Malalagot siya kay Alexander. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung hanggang kailan siya ganito na mananatili sa mansion ni Alexander. Hindi niya alam kung hanggang kailan. Gusto niyang tanungin ito ngunit nahihiya siyang gawin 'yon. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanya. Alam naman niya na binenta na siya ng Tita Linda niya dito. Umaasa siya na makakabalik siya sa kanila kahit alam naman niya na imposible na ngang mangyari. Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Bumangon kaagad siya para tingnan kung sino 'yon. Pagkabukas niya ay ang isang kasambahay ang nakita niya. Binati muna siya nito ng magandang gabi bago sinabi ang sadya nito sa kanya. Wala naman ito masyadong sadya sa kanya kundi ang sabihin lang na kakain na. Pinababa siya ni Alexander. Gust
Pagkatapos nilang kumain sa dining room ay bumalik na si kuwarto niya habang si Alexander ay hindi niya alam kung saan pumunta. Hindi naman ito tumaas kagaya niya. Nasa taas rin ang kuwarto nito. Hindi lang talaga niya alam kung saang parte. Hindi rin niya responsibilidad ang alamin kung saan nga ito pumunta. Ang responsibilidad niya ay ang kanyang sarili, hindi ito kahit binibigay nito ang kailangan niya at hindi siya pinababayaan na nararamdaman naman niya.Simula kaninang umaga ay hindi pa rin siya nagpapalit ng damit na suot niya pagpunta niya sa mansion ni Alexander kahit maraming puwedeng pagpilian na siyang damit dahil bibilhan siya kanina. Nangangati na siya. Hindi na nga siya nakatiis kaya pumili siya ng damit na puwede niyang suotin. Mabilis naman ng siyang nakapili kaya sinuot kaagad niya 'yon. Kaysa naman sa kanya ang damit na binili ni Alexander. Sigurado siya na lahat ng mga damit na binili ni Alexander sa kanya ay kakasya. Mabuti ay marunong itong mamili ng kakasya sa