Kaya pinapunta ang Tita Linda ni Eliza sa taas kung saan si Alexander na nasa opisina nito habang siya ay naiwan sa sala para ibigay ang perang kailangan niya. Hindi 'yon utang o ano pa kundi 'yon ay kabayaran. Ang perang binigay sa kanya ay kabayaran sa pagbenta niya kay Eliza na pamangkin niya sa bilyonaryo na si Alexander sa tulong ni Nico na kakilala niya.
Binenta nga ni Linda ang kanyang pamangkin na si Eliza sapagkat kailangan talaga nila ng pera para sa operasyon ng asawa niya. Wala siyang ibang maisip na paraan para magkaroon ng pera para sa ibabayad sa operasyon ng asawa niya kaya 'yon ang naisip niya. Si Eliza naman ang sinisisi niya sa lahat ng nangyaring 'yon kaya nararapat lang na gawin niya 'yon para sa asawa niya. Kung aasa siya sa tulong na sinasabi nito sa kanya ay alam naman niya na hindi 'yon mangyayari. Malaking halaga ng pera ang kailangan nila. Saan naman kukuha ng pera ang pamangkin niya na si Eliza? Kahit umutang ito o magtrabaho ay kulang pa rin kaya 'yon ang ginawa niya na ibenta na lang ito. Naisip pa niya na 'yon na lang ang gawin na tulong nito sa kanila lalo na sa Tito Arthur niya na asawa niya. Ibinenta niya si Eliza kay Alexander na isang bilyonaryo para magkaroon ng malaking halaga ng pera para ma-operahan ang asawa niya ay maisalba ito sa hindi magandang mangyayari kung hindi kaagad ito ma-operahan. Kinuha kaagad niya ang perang binigay sa kanya ni Alexander. Naluluha siya sa tuwa matapos niyang mahawakan ang perang kailangan niya para sa operasyon ng asawa niya. "Maraming salamat po sa 'yo, Sir Alexander..." naluluha na pasalamat nga niya kay Alexander na nakaupo sa swivel chair nito. He has his own office inside his mansion. Hindi lang guwapo si Alexander. He's hot too. Matangkad siya at talaga namang pantasya ng mga kababaehan. Isa siyang bilyonaryo at may-ari ng iba't ibang kompanya sa bansa. Hindi lang sa buong bansa siya may pag-aari na mga kompanya pati sa mga bansa dito sa southeast Asia. Hindi lang siya mayaman o bilyonaryo. Isa rin siya sa mga maipluwensiya na tao sa bansa. Patay na ang mga magulang niya. May isa siyang kapatid na nasa America nakatira. Ito ang bunso. Siya ang panganay. "Walang anuman 'yon," sabi ni Alexander kay Linda. "Kulang pa ba ang bayad ko sa 'yo, huh? Kung nakukulangan ka pa ay magsabi ka lang dahil dadagdagan ko." Nagkatinginan sina Linda at Nico matapos na sabihin 'yon ni Alexander. "Huwag na po, Sir Alexander. Malaking halaga na po itong bayad mo sa akin. Sobra pa nga ito, eh. Sigurado po ako na kahit ma-operahan at makalabas na ang asawa ko sa ospital ay hindi pa po ubos ang bayad mo sa akin na five million. Maraming salamat po talaga. Ang dami na po nito, Sir Alexander," tanggi nga niyang sagot kay Alexander. Alexander sighed and nodded immediately. "Okay. Sinabi mo 'yan. You're always welcome," sabi ni Alexander sa kanya. "Ikaw na po ang bahala sa pamangkin ko na si Eliza. Mabait naman po siya at wala ka pong kailangan na problemahin sa kanya. Masunurin po ang batang 'yon. Mapagkakatiwalaan mo rin po siya. Kailangan na kailangan talaga namin ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng asawa ko kaya ko nagawa ang bagay na 'to, eh. Wala akong ibang maisip na puwedeng gawin na madali kundi ito lang talaga," sabi pa ni Linda kay Alexander na may kasamang paliwanag sa harapan nito. Alexander gave her a quick nod and said, "Ako na ang bahala sa kanya. You sold her to me already kaya ako na ang bahala sa kanya. Anyway, I have a question to you." Umawang ang mga labi ni Linda matapos na marinig ang sinabi ni Alexander na may tanong siya. "Ano po ang tanong mo sa akin, Sir Alexander?" tanong nga niya dito. He sighed again and asked, "Alam ba ng pamangkin mo na si Eliza na ibebenta mo siya sa akin?" "Hindi po, Sir Alexander. Hindi po niya alam na ibebenta ko siya sa 'yo. Nakikiusap pala ako sa 'yo na ikaw na lang po ang bahala na magpaliwanag sa kanya ng lahat. Hindi po siya papayag kung sinabi ko sa kanya ang totoong plano ko. Tatangi po siya at wala po akong magagawa nito para magkaroon ng malaking halaga ng pera kapag 'yon ang nangyari kaya mabuti na hindi ko sa kanya pinaalam ang plano ko. Tulong na rin niya ito sa asawa ko dahil siya po ang dahilan kung bakit naaksidente ito. Hindi naman po mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi dahil sa kanya kaya hindi siya dapat na magreklamo kung malaman nga niya na binenta ko siya sa 'yo. Ikaw na po ang bahala sa kanya, Sir Alexander," paliwanag na sagot ni Linda kay Alexander na tumango-tango lang habang pinapakinggan ang mga lumalabas sa labi niya. He grimaced as he heard it. May gusto pa sanang itanong at sabihin si Alexander ngunit hindi na lang niya ginawa. "Kagaya ng sinabi ko kanina ay ako na ang bahala ng lahat pati ang pagsabi ng bagay na 'yon sa kanya," seryosong sagot ni Alexander sa Tita Linda ni Eliza. "Opo, Sir Alexander. Ikaw na po ang bahala sa lahat-lahat. Maraming salamat po talaga sa 'yo," sabi pa ni Linda sa kanya. Hindi na si Linda puwedeng magpakita pa sa pamangkin niya na si Eliza sa baba dahil binayaran na siya ni Alexander. Ayaw na niya na magpaliwanag pa dito ng ginawa niya sapagkat baka kung ano pa ang mangyari. Kaya mabuti na hindi na siya magpakita pa kay Eliza na pamangkin niya. Kailangan na niyang bumalik sa ospital kung saan naka-confined ang asawa niya dala ang perang binayad sa kanya Nakiusap siya kay Alexander na kung puwede ay sa likuran na lang siya dumaan palabas ng mansion upang hindi na siya makita ngpamangkin niya na si Eliza. Pumayag naman nga si Alexander sa nais niyang mangyari kaya sinamahan ni Nico siya na dumaan sa likuran ng mansion palabas upang hindi na sila magkita ng pamangkin niya na si Eliza. Pinasalamatan naman nga ni Linda si Nico bago siya lumabas nang tuluyan sa mansion na 'yon. "Hindi mangyayari ang lahat ng 'to kung hindi dahil sa 'yo, Nico. Maraming salamat talaga sa 'yo," sabi ni Linda sa kanya na nagpapasalamat. Nico smiled at her. "Walang anuman po 'yon." Magkakilala silang dalawa ni Nico dahil pamangkin ng asawa niya na si Arthur ito. Kapatid ng papa ni Nico si Arthur na asawa ni Linda. "Ginagawa ko rin po ito para kay Tito Arthur, Tita Linda," sabi pa ni Nico sa kanya. "Hindi ko po alam ang lahat-lahat sa inyo ni Eliza ngunit dahil kailangan mo ng pera ay tinulungan kita para sa ikabubuti ni Tito Arthur. 'Wag ka pong mag-alala sapagkat babantayan ko po si Eliza na pamangkin mo po. Kami na po ang bahala ni Sir Alexander sa kanya." Nginitian ni Linda si Nico pagkasabi nito. "Sige. Maraming salamat talaga sa 'yo, Nico," pasalamat pa nitong sabi kay Nico. Saka lang bumalik sa opisina ng boss niya na si Alexander nang makalabas na nga si Linda na asawa ng Tito Arthur niya.Mag-iisang oras na si Eliza naghihintay sa Tita Linda niya ngunit hindi pa rin talaga ito bumaba mula sa taas. Wala siyang ideya kung bakit. Nakaupo pa rin siya sa inuupuan niyang sofa. Wala siyang kaalam-alam na iniwan na siya ng Tita Linda niya at bumalik na ito sa ospital kung nasaan ang asawa nito na tito rin niya. Mayamaya ay nakita niya na bumaba sa hagdan si Nico. Mag-isa lang itong bumababa sa hagdan. Hindi nito kasama ang Tita Linda niya. Nagtaka na naman tuloy si Eliza sa nakita niya. Mula sa pagkakaupo sa sofa ay mabilis siyang tumayo. Pagkalapit na pagkalapit ni Nico sa kanya ay tinanong kaagad niya ito kung nasaan ang tita niya. "Nasaan ang tita ko? Bakit hindi mo siya kasama na bumaba? Kausap pa rin ba niya ang boss n'yo?" nagtataka ngang tanong ni Eliza kay Nico. Wala rin siyang alam na pamangkin ng Tito Arthur niya si Nico. Hindi naman kasi ito pumupunta sa kanila kaya hindi niya kilala ito. Alam niya na may mga pamangkin ang Tito Arthur niya sa side nito ngunit hin
Alexander took a very deep breath before he speaks to her. Nararamdaman na niya na naiinip na si Eliza kahihintay sa kanya sa sasabihin niya kung nasaan ang Tita Linda nito na nakaalis na kanina pa."Eliza, umalis na ang Tita Linda mo," dahan-dahan na sabi ni Alexander kay Eliza. He's looking at her eyes as she speaks to her. Eliza's eyes got bigger when she heard him saying that her aunt left. Umawang pa lalo ang mga labi niya. "Umalis na ang Tita Linda mo kaya wala na siya dito sa opisina ko, Eliza. Kung nandito pa sana siya ay makikita mo siya kaso wala na siya. Umalis na siya. Kaya wala na siya dito dahil umalis na siya," pahabol pang sabi ni Alexander sa kanya."A-Ano po ang sinabi mo, Sir Alexander? Umalis na po si Tita Linda? Talaga po ba? Totoo?" nagtatakang tanong ni Eliza kay Alexander. Alexander nodded again. "Oo, Eliza. Umalis na nga ang Tita Linda mo. Wala na siya dito sa loob ng opisina ko," malumanay na sagot ni Alexander kay Eliza."Bakit wala na po siya dito sa opi
Napamura na lang si Eliza sa isipan niya matapos na marinig ang sinabing 'yon ni Nico sa kanya. Kung ano ang sinasabi ni Alexander sa kanya ay ganoon rin ang sinasabi nito sa harapan niya. Kaya siya nagsasalita para patunayan na rin na totoo nga ang sinasabi ng boss niya upang maniwala na talaga si Eliza na binenta na siya ng kanyang sariling tita kay Alexander.Napatakip si Eliza ng kanyang mga labi sa narinig niyang 'yon. Ramdam niya na totoo ang sinasabi ni Nico sa harapan niya. She couldn't speak after that. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa nalaman nga niyang 'yon mula sa dalawang lalaki na nasa harapan niya lalo na kay Alexander na boss na bumili sa kanya. Umiwas siya ng tingin sa dalawa."Now you heard him, Eliza. He's defending me not just because I'm his boss, but that is the truth. Iyon ang totoo. Hindi ako nagsisinungaling sa harapan mo. Mismong personal assistant ko na ang nagsasabi sa 'yo. Kung ano ang sinabi ko ay ganoon rin ang sinabi niya sa 'yo. Baka isipin mo pa n
Alexander was right. Kung gusto nga ni Eliza na bumalik sa Tita Linda niya kailangan na ibalik niya ang perang binigay nito sa kanya bilang bayad sa pagbenta sa kanya nito. Aminado naman si Eliza na hindi niya maibabalik ang perang 'yon na bayad sa Tita Linda niya ni Alexander sa pagbenta sa kanya nito sapagkat wala siyang ganoon kalaking halaga ng pera. Sigurado naman siya na wala siyang kawala nito. Hindi siya makakatakas o makakaalis sa mansion ni Alexander. Kailangan niyang sumunod sa sinasabi nito sa kanya. Nabili na siya ni Alexander. Binili siya nito mula sa Tita Linda niya gamit ang pera nito. Pagmamay-ari na nga talaga siya nito. Hindi na nagsalita pa si Eliza matapos ang sinabing 'yon ni Alexander sa kanya. Nawalan na siya ng gana na magsalita. Na-realize pa niya na kahit ano'ng gawin niya na pagsabi ng kung ano ay walang mangyayari. Kung sa laban ay matatalo siya kahit lumaban pa siya nang todo kaya mas mabuti na sumuko na lang at tanggapin ang katotohanan na pilit pinapaa
"Ba't ka tumigil?" tanong nito sa kanya. Alam na ni Eliza kung ano ang tinutukoy nito sa kanya. Nahiya siya sa harapan ng guwapong si Alexander. Umiwas siya ng tingin dito. Wala pa rin siyang imik kaya muling nagsalita si Alexander sa kanyang harapan. "Nahihiya ka ba sa akin, Eliza? Kung nahihiya ka kaya hindi mo na pinagpatuloy ang ginagawa mo ay sasabihin ko sa 'yo na hindi mo naman kailangan na mahiya lalo na sa akin, okay? Alisin mo na ang hiya-hiya mo, Eliza. Nandito ka na sa akin at saka kumain ka na. Kaya kita pinadalhan ng mga pagkain para kumain ka kung nagugutom ka. Kumain ka na, Eliza. 'Wag ka nang mahiya pa. Walang rason para mahiya ka sa akin," sabi ni Alexander kay Eliza.Nagpakawala si Eliza nang malalim na buntong-hininga. Naghahagilap pa siya kung ano ang isasagot niya kay Alexander sa sinabi nito. Nahihiya talaga siya. Sinasagot nito sa kanya na hindi niya kailangan na mahiya ngunit hindi naman maiwasan na maramdaman niya 'yon na mahiya siya. Tahimik pa rin si Eliz
Ang gusto ni Alexander bago niya bilhan ng mga damit at ibang gamit na kailangan ni Eliza ay ipakita na dito ang magiging room niya sa mansion kaya 'yon ang ginawa niya. Dinala niya si Eliza sa magiging room niya. Mabuti ay pumayag naman ito sa kanya na ipakita ang magiging room niya sa mansion. Tahimik lang si Eliza at patango-tango sa kanya. Nakasimangot ito. Naiintindihan naman ni Alexander kung bakit ganoon si Eliza. Hinayaan lang niya ito. Ginagawa lang niya ang kanyang dapat gawin para sa dalaga na si Eliza. Maganda si Eliza. Hindi lang ang mukha nito ang maganda pati ang pangangatawan nito. Hindi tuloy maiwasan na makaramdam ng pagka-attract si Alexander sa kanya. Kasalukuyan pa rin silang dalawa nasa loob ng room na 'yon na para kay Eliza. Malaki ang room na 'yon. May malaking kama si Eliza. Mabango sa loob ng magiging room niya. Para ngang umulan ng pabango doon sa bango. Maganda ang magiging room niya. Sigurado siya na malambot ang magiging kama niya. Nakasimangot siya ha
Maraming biniling mga damit at gamit si Alexander para kay Eliza na ngayon nga ay sa mansion na titira sa ayaw at gusto nito. Sa tulong ng personal assistant niya na kaibigan pa niya na si Nico ay hindi siya nahirapan na pumili ng nararapat para kay Eliza. Punong-puno ang kanyang sasakyan ng mga pinamili niya para kay Eliza. "Mananatili lang ba si Eliza doon sa mansion mo? Hanggang kailan siya nandoon? Ano ang gagawin niya sa mansion araw-araw? Wala ba siyang kailangan na gawin?" basag ni Nico sa katahimikan sa loob ng sasakyan habang pabalik na sila sa mansion. Sinulyapan siya ni Alexander matapos niyang itanong ito dito. Nagpakawala muna si Nico nang malalim na buntong-hininga bago sinagot ang katanungan niyang 'yon."Maraming salamat sa pagtanong mo sa akin ng ganyang klaseng mga tanong. Alam mo sa tooo lang talaga ay tinatanong ko rin ang aking sarili kagaya ng tinatanong mo sa akin, eh," sagot ni Alexander kay Nico na personal assistant niya na kaibigan pa nga niya. Napakunot-
Walang ginawa si Eliza sa loob ng kuwarto niya kundi ang humiga sa malambot na kama. Hindi naman siya nakakatulog dahil sa dami ng iniisip niya. Gusto talaga niya na umalis sa mansion ngunit hindi niya puwedeng gawin. Malalagot siya kay Alexander. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung hanggang kailan siya ganito na mananatili sa mansion ni Alexander. Hindi niya alam kung hanggang kailan. Gusto niyang tanungin ito ngunit nahihiya siyang gawin 'yon. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanya. Alam naman niya na binenta na siya ng Tita Linda niya dito. Umaasa siya na makakabalik siya sa kanila kahit alam naman niya na imposible na ngang mangyari. Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Bumangon kaagad siya para tingnan kung sino 'yon. Pagkabukas niya ay ang isang kasambahay ang nakita niya. Binati muna siya nito ng magandang gabi bago sinabi ang sadya nito sa kanya. Wala naman ito masyadong sadya sa kanya kundi ang sabihin lang na kakain na. Pinababa siya ni Alexander. Gust