Share

Shattered Vows
Shattered Vows
Author: Fuji Kurenai

Prologue

Amara

Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi galing sa ina ng aking asawa. Napatungo ako sa sakit, habang iniinda ito. "You still can't have a child after all this time? Pinahintulutan ko ang anak kong pakasalan ka, kahit na ayaw ko! Ngunit hindi mo pa rin mabigyan ng anak si Javier?" Sigaw nito sa mismong mukha ko.

I noticed that ate Deanne stood up from her seat at inakay ang anak. She looked apologetically at me, bago ito lumayo kasama ang anak dahil sa ginawa ni mama. Si kuya Francis naman ay nanatili sa upuan na walang kibo. Napalitan ng seryosong ekspresyon ang mukha nitong kanina lamang ay may malapad na ngiti.

Pakiramdam ko sa tuwing may pagsasalo ang pamilya ay ako ang sumisira nito. Ang dining hall na dapat napapalibutan ng kasiyahan ay napalitan ng kaguluhan.

Kahit anong pagtitipon ay walang takas itong binabanggit ni mama. Wala akong nagagawa kung hindi ay yumuko at manahimik.

"Hindi naman kami nagmamadali mama." Sagot ng asawa ko sa marahan na boses ngunit ang mukha nito ay seryoso at kitang kita ang galit sa mga mata habang nakatingin sakanyang ina.

"Ang intindihin mo ay ang papa mo Javier! Tumatanda na siya, kailan niyo nanaising magkaanak? Kapag wala na siya?" Mas lalong tumaas ang boses nito at nangunot ng matindi ang kanyang noo. "Walang konsiderasyon!" Saad niya sa malakas na boses at tumingin nang deretso sa mga mata ko.

Bigla akong nanliit dahil sa ginawa nito. Harap harapan niyang ipinapamukha ang hindi niya pagkagusto sa akin bilang asawa ni Javier.

I want to speak, but the lump in my throat keeps me silent. I can't find the words. I want to stand up for myself, but I don’t want to come off as disrespectful. She’s right, and it hurts to admit that. I can’t even bring myself to give his son a child, and that realization cuts even deeper.

Hindi na bago sa akin ang mga ito. Hindi pa kami ikinasal ay ipinakita niya na sa akin na hindi niya ako magugustuhan para sa anak niya.

Despite her efforts to sabotage our relationship in the past, I didn’t let it bother me. I can’t bear the thought of losing Javier. He's the one I truly love, and nothing will stand in the way of that. Sa tuwing nararanasan ko ito, hindi ko naiisipang sumuko. Dahil alam kong si Javier ang una kong tatakbuhan at siya ang unang magpro-protekta sa akin.

Mas mahal ko pa siya sa buhay ko.

Sinubukan kong kunin ang loob ni mama. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang magustuhan niya rin ako. Hindi lang para sa anak niya, ngunit dahil rin sa pagkatao ko. Ngunit wala siyang ibang ginawa. Kung hindi ay walang tigil na pamimilit kay Tiana para kay Javier.

She's pretty and sexy. She's the type of beauty that allures every man. Morena at galing sa mayaman na pamilya. Matagal na itong kaibigan ni Javier. But I never think of her as a competition. Kahit na kitang kita ko naman na mas gusto ni mama si Tiana para kay Javier, kumpara sa akin.

Hindi niya ipinaramdam sa akin na isa siya dapat kong kalabanin upang ipamukha sa lahat na ako ang karapat-dapat kay Javier.

Javier turned his gaze toward me and gently took my hand. Hindi pa ito nakasagot nang magsalita muli si mama.

"Ang sabihin niyo, Amara is not able to bear a child. Huwag niyo ipagkait sa amin ang katotohanan!" Ang kanyang maamong mukha kaninang tumitingin sa apo ay napalitan ng punong galit habang isinigaw ito sa harapan ko.

Para akong napako sa kinatatayuan. That echoed repeatedly in my ears. Naramdaman kong nagbabadya sa luha ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Pinigilan ko ang mga luhang umapaw. I shouldn't let this bring me to tears. It's so shallow.

Tiniis kong marinig ang bagay na iyon at iniangat ang mga mata upang tingnan siya nang deretso. "I've been visiting my doctor, and she reassured me that there's nothing wrong with me mama." I said in a low voice.

I jumped when she slapped me again, twice as hard as before. It felt like the whole room shook. "Now you're just using that as a convenient excuse! Wala ka talagang kwentang babae!" Sigaw nito nang sobrang lakas sa mukha ko. Wala akong nagawa kung hindi ang yumuko sa harapan niya.

"That's enough!" Javier's voice resonated through the dining hall. "If you can't respect my wife, then don't expect any respect from me, mama." He grasps my hand firmly, urging me to walk away.

"No Javier!" Sigaw nito sa anak at saka ibinaling sa akin ang mga mata. "Gaano ba kahirap para sa iyo na sabihin ang totoo?" Tanong nito habang galit na galit na nakatingin sa akin.

I feel so devastated, as if every part of me is being crushed by her words. I’m trying so hard... I really have tried. I can’t understand why she hates me when all I've ever wanted is to have a child too.

Hindi ba’t mas masakit para sa akin na matagal nang gustong magkaanak, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin? I never wanted it to come to this. All I wished for was a normal and peaceful life with Javier, free from chaos.

Bago pa ako makapagsalita ay namayani ang seryosong tono ni kuya Francis. "If that’s what she said, mama, you should trust her. That’s enough, why would she lie?" Pagtatanggol ni kuya Francis sa akin, na kasabay namang pagpatak ng aking mga luha.

"Let's go" Marahan akong hinila ni Javier. He gently wiped my tears.

"Isa kang iresponsableng asawa Amara! Hindi mo iniisip si Javier bilang asawa mo! Sarili mo lang ang iniisip mo!" Patuloy ito sa pang iinsulto sa akin habang dinuduro ako sa mukha. "I still can't accept that Javier chose you over Tiana as his wife! You're nothing but a disgusting woman. Did you really think I wouldn't find out your secret? Huh?"

I looked at her confused. Ano ang sekretong sinasabi niya? Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sakanya.

"Ano? Nanginginig kana ngayon? Isa kang malandi na babae! Pumapatong sa ibang lalaki sa tuwing wala ang anak ko!" Pagkatapos niya itong sabihin ay parang naguho ang mundo ko.

Walang pumapasok sa isipan ko, masyado akong napangunahan ng takot. Alam kong kayang kaya niya itong gawin sa akin. Tears streamed down my cheeks continuously. I was shaking so violently that my vision blurred, consumed by overwhelming pain.

I felt Javier's grip tighten painfully on my hand. I glanced at his face, filled with fury. "Anong ibig sabihin mo mama? Are you seriously accusing my wife of cheating on me?" His voice trembled with rage and disbelief.

"Why don't you ask your lovely wife, son? Mas alam niya yata iyon." Lumapit ito sa dereksyon namin na may mabibigat na yapak.

I looked at Javier, and I could see how his expression changed. Agad hinawakan ng kamay kong nanginginig ang kamay niya. "Javier... I would never do that." I pleaded, nangingig ang boses.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sino ang uunahin ko. Nanlalambot ang mga tuhod, gusto ko na lamang lumuhod sa harapan nila at magmakaawa. Hindi ba ako katanggap-tanggap pag walang anak? Bakit si Tiana ang dali niya lang tanggapin kahit pa ayaw nitong mag buntis? Ako ba ang problema?

"Sinasabi mo bang sinungaling ako Amara?" Napaangat ako ng tingin sakanya. Hindi matigil ang pagsakit ng dibdib dahil sa mga nangyayari ngayon.

Kahit na nanginginig ang mga labing gustong magsalita. Mas pinili kong itikom ito at umiyak. Napakahina ko, hindi ko man lang magawang protektahan ang sarili ko.

Hinawakan ako sa braso ni Javier kaya napatingin ako roon. "Let's go." sinabi niya ito ng marahan ngunit ramdam ko ang galit sa boses nito. I looked at him pleadingly.

"Javier, I would never really do that. Please..."

"Let's talk later." he said firmly kaya hindi na ako umalma at sumunod nalang sakanya palabas ng mansion.

Narinig ko pa ang pag sigaw ni mama sa pangalan ni Javier ngunit pinigilan siya ni kuya Francis at hindi na rin ito pinansin ni Javier.

Tahimik akong sumunod patungo sa sasakyan ni Javier habang walang tigil sa pag patak ang aking mga luha.

I couldn't even feel the ground beneath my feet right now. Each step felt like walking on shards of glass, but the physical pain was nothing compared to the storm raging inside me.

Nanatili ang kamay ni Javier sa kamay ko hanggang sa makaabot kami sa sasakyan niya. Binuksan niya ang pintuan kagaya ng palagi niyang ginagawa, ngunit nang bitawan niya ang kamay ko ngayon para pumasok ako. Ang bigat sa pakiramdam. Nangingibabaw sa akin ang takot sa hindi malamang dahilan.

Before he could turn his back on me, I reached out desperately, grabbing his hand to stop him. He froze, looking back at me with serious, confused eyes. My heart pounded painfully in my chest. Nasasaktan ako sa tuwing ganito ang tingin niya sa akin. Natatakot ako na balang araw makakalimutan niyang mahal niya ako.

"Save it later." Pagkatapos niya itong sabihin ay para akong sinaksak. Bakit parang ang sensitibo ko naman yata ngayon?

Babalik lang kami sa bahay. Uuwi lang.

Inalis niya ang mga kamay ko sa kamay niya at isinara ang pintuan ng sasakyan. Umikot siya at pumasok na rin.

Tahimik kong pinunasan ang mga luha habang nakatingin lang sa labas ng sasakyan habang nag mamaneho siya. I had hoped he would talk to me like usual, or at least ask about what Mama just said. Pakiramdam ako ay inabandona ako sa isang lugar na wala akong kakilala kahit ni isang tao.

Ang katahimikan sa pagitan namin ay nakabibingi, at bawat segundo na lumipas ay parang isang walang katapusang paghihirap.

Mas okay pa sana kung tinanong niya ako ngayon kaysa manatiling tahimik. Mas masakit ito para sa akin. Wala siyang kibo at parang sinisigawan ako nito ng kawalan niya ng pakialam. Isang matinding sampal iyon para sa akin.

Maganda at payapa ang dinadaanan namin ngayon dahil gabi na at kitang kita ang iba't ibang ilaw sa daan. Sa tuwing umuuwi kami ng ganitong oras ay tuwang tuwa ako habang nakatingin sa naglalakihang gusali na napapalibutan ng mga ilaw. Kasabay ng pagtanaw nito, ay ang mga musikang tumutunog sa stereo ng kanyang sasakyan.

Ngunit ngayong gabi, ay ibang iba. I just want the tension to lift, for him to say something, anything, to break this silence. Pero kahit yata gawin ko ang bagay na ginagawa namin noon, ay mahirap pa rin. Parang ang bigat ng buong mundo ay nasa balikat ko.

Tumungo ang mga mata ko sa aking mga hita. Walang tigil ko na pinaglalaruan ang mga kamay upang maibsan ang nararamdaman. Ilang minuto ang nakalipas ngunit ni isa sa amin ay hindi naglakas loob upang sirain ang nakakabinging katahimikan.

Nakauwi kami ng payapa. Nauna siyang bumaba kagaya ng nakasanayan. Pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto. Kahit sa simpleng bagay na iyon parang napatanag ako kahit na kaunti. Parang nabawasan ang bigat na kanina ko pa na naramdaman.

He held my hand tightly as we walked inside our house, but it felt like a lifeline slipping away. Bawat yapak papasok sa aming tahanan ay mabigat. I am desperate for comfort, but all I feel is the crushing weight of his silence. Mas lalo lamang akong nasasaktan sa ginagawa niyang ganito.

Kahit man ay natatakot, tumigil ako sa paglalakad at pinigilan siya habang hawak ang kanyang mga kamay.

"Hindi mo ba ako tatanungin?"

He looked at me intently, his brows furrowing in deep concentration. With a single, purposeful step, he closed the distance between us. His voice was low and insistent. "What do you want me to ask?"

I swallowed hard, the lump in my throat feeling like a stone. I averted my gaze, staring at the floor as if it might offer some solace from the intensity of his gaze. Ngunit hindi ito nagtagal nang hawakan niya ang pisngi ko at iniharap sakanya.

“Hmmm? What do you want me to ask, wife?” His baritone voice rumbled softly, filled with a mix of curiosity and concern. His hand settled firmly on my hips, his touch warm and grounding as he gently guided me to meet his gaze, parang naghahanap ng kung ano para malaman ang gusto kong marinig.

"Tungkol sa sinabi ng mama, Javier." Nanginginig ang boses kong sinabi iyon. I dropped my gaze, the weight of the moment pressing heavily on me.

He gently placed his fingers beneath my chin, tilting my face upwards to meet his eyes once more. “Look at me,” he urged softly, his voice steady yet insistent.

"Whether we have a child or not, Amara, you are still my wife. And that’s because I love you deeply." Sinabi niya iyon ng marahan habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

His words began to lift the heavy weight from my heart. Each time he spoke, it was as if he had the power to mend my wounds with his voice alone. Hindi ko kaya nang wala siya.

He gently tucked a stray strand of hair behind my ear, his touch soft and reassuring. Then, he leaned in, resting his cheek against my neck. "Not having a child doesn’t make you any less my wife."

Nagbagsakan muli ang mga luha ko ng marinig ko iyon sakanya. I love him more than words can say, and it tears me apart that I can’t give him a child. He deserves to be a father, and I hate myself for being the reason he can’t have that. The thought of him being a wonderful father, and knowing I’m the barrier to that dream, crushes me with unbearable guilt.

"I'm sorry..." I whispered, my voice trembling as I rested my head against his chest.

"Sorry for what?" He chuckled You're more than enough, sweetheart."

"Hindi ako nangaliwa."

He chuckled softly, his breath warm and comforting against my neck. As his hand gently wrapped around my waist, he hummed a soothing melody, his touch both reassuring and tender. "I know," he murmured, his voice a gentle caress.

"Bakit tumatawa ka pa? Hindi ako natutuwa." Naiinis na ako, kaysa naiiyak. Kanina pa siya singhot nang singhot sa leeg ko, hindi ko na alam kung nakikinig pa ba siya.

He gently pulled back from my neck, his expression becoming serious. "I'm sorry, wife," he said softly, his voice filled with sincerity. "I was just trying to lighten the mood." His eyes held a depth of concern, as if he hoped his words might ease the weight of the moment and bring us some comfort.

Bigla naman akong na guilty dahil sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin.

"Is my baby feeling guilty now?" he teased with a dark chuckle as he noticed my expression. He leaned in and placed a gentle kiss on my chin, his touch both tender and reassuring.

"I'm sorry for what Mama said. You didn’t deserve that," he said, his voice steady and sincere. Hinila niya ako lalo para yakapin nang mahigpit, his arms encircling my waist.

I felt a wave of relief wash over me. Naramdaman ko ang paglaho ng kaninang mabibigat na nararamdaman ko. Para akong alipin niya. Isang salita kaya niyang baguhin lahat ng nararamdaman ko. I'm always thankful to have someone like Javier by my side. He’s the kind of man everyone dreams of.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status