Share

Chapter Three

Author: Cinnamon
last update Huling Na-update: 2022-02-07 06:16:11

"SH*T!" mahinang mura ni Hannah sa isip niya nang maalalang nakatuwalya nga lang pala siya. Mabilis siyang tumalikod mula sa lalaki sa labis na pagkapahiya.

She heard him cussed under his breath. Naramdaman niya ang mga yabag nito patungo sa kama at sandaling nanatili roon. Pagkatapos niyon ay agad na rin itong lumabas ng kuwarto.

Nang masigurong nakaalis na ito ay saka siya nagbuga ng hangin. "Ano ba itong ginagawa ko? Umaakto pa akong sexy! Hindi naman iyon magkaka-interest na tingnan ako, e!" sigaw ng isang bahagi ng isip niya. Umiirap siyang bumuntong-hininga. "Ano ba ito? Pati sarili ko, iniinsulto ko na," nakasimangot pa niyang dagdag.

May pagmamadali siyang naglagay ng lotion sa buong katawan bago nagbihis ng pambahay. Nang matapos ay agad rin siyang bumaba dala ang sariling maleta.

Hindi pa man tuluyang nakabababa mula sa hagdan ay muli siyang natigilan nang makarinig ng boses ng mga taong nag-uusap galing sa loob ng maliit na library. Kunot ang noong bumaba siya nang tuluyan nang walang nililikhang ingay.

Dahil sa labis na kuryosidad, nakagat niya ang ibabang labi at lumapit sa pinto.

"Baon sa utang ang mga magulang niya. Wala rin siyang pamilya na puwedeng kumupkop sa kaniya."

Nakarinig siya ng isang hindi pamilyar na boses ng babae. Sandali siyang napahinto bago niya inilapit lalo ang kanang tainga sa pinto.

"Alam ko na iyan. Why are you here, anyway?" boses iyon ni Rafael.

Muli siyang natigilan. May kausap itong babae sa loob ng library na iyon. Sa halip na humakbang palayo, natagpuan ni Hannah ang sariling nakatayo pa rin sa tapat ng pinto at mas lalong pinagduduldulan ang tainga upang marinig ang usapan sa loob.

Naturuan naman siya ng magandang asal ng mga magulang niya. Alam niyang masama ang makinig sa usapan ng iba, pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya magawang humakbang palayo. Pakiramdam niya ay kailangan niyang pakinggang ang mga pag-uusap ng mga ito.

Minsan naiisip niya, kasalanan niya rin naman kung bakit siya laging nasasaktan. May mga bagay siyang inaalam na hindi niya dapat pang malaman.

"This is the contract you are asking me. Basahin mo na lang," anang babae.

"Contract?" tanong ng isip niya.

"Mr. Fernando, ulila na si Hannah. Sana naman, hindi mo siya masyadong pahirapan."

Mabilis siyang nag-angat ng mukha nang marinig ang sinabi ng babae. Ibig sabihin ay siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

Biglang bumalik sa isip niya ang narinig kanina. Baon sa utang ang mga magulang niya. Napalunok siya nang mapagtantong sila ang tinutukoy nito.

Unti-unting bumibilis ang tibok ng kaniyang puso. "Ibig sabihin, baon sa utang sina Mama at Papa... "

"Once she sign this, wala na siyang poproblemahin pa," muling nakuha ang atensiyon niya nang marinig ang sinabi ni Rafael.

Pakiramdam niya ay sasakit ang ulo niya sa dami ng mga naiisip niya. Hindi na niya alam kung saan ang uunahin sa lahat ng iyon.

"Gaano ka kasigurado na pipirmahan ni Hannah ang kontrata? She's a smart girl. Baka hindi siya pumayag."

"Sa iyo na mismo nanggaling, matalino siya. If she's smart enough, she'll sign this contract."

Kagat-labing napasandal siya sa pinto. Sa lakas ng tibok ng kaniyang puso, pakiramdam niya ay aatakihin siya. Naguguluhan siya sa mga narinig. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pinag-uusapan ng mga ito at kung anong kontrata ba ang tinutukoy nila.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang maramdaman niya mula sa likod ang biglang pagbukas ng pinto.

"Si Rafael!" sigaw ng isip niya.

Mabilis siyang lumingon at bumungad sa kaniya ang matalim na tingin at seryosong mukha ng lalaki.

"What are you doing here?" malamig nitong tanong.

Ilang beses siyang napakurap ng mga mata bago nakahanap ng lakas ng loob na magsalita, "T-totoo bang... baon sa utang sina Mama?"

Sinubukan niyan pigilan ang sarili na mapaluha, pero bigo siyang gawin iyon. Unti-unting naglandas ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi.

Ipinasok ni Rafael ang magkabila nitong kamay sa bulsa bago nagbuga ng hangin. "Attorney Alfaro, ikaw na ang bahala sa kaniya."

Matapos niyon ay tinalikuran siya nito at tuluyan nang lumabas ng bahay. Nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso dahil sa paraan ng pagtrato sa kaniya ng lalaki. Ni wala itong pakialam kahit na nakita na siyang umiiyak.

"Hannah."

Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa pisngi at nilingon ang babaeng tinawag ni Rafael na Attorney Alfaro.

Nagbigay ito ng mabining ngiti bago tuluyang lumapit sa kaniya. "Mag-usap tayo sa loob."

Isang lunok ang kaniyang ginawa bago tumango. Pumasok sila sa loob ng maliit na library. Bumungad sa kaniya ang malalaking bookshelf na nakapaikot sa buong kuwarto. May nakita siyang dalawang klase ng table sa loob; ang isang malaki ay nasa kaliwang bahagi ng kuwarto; at ang isa naman na may kaliitan ay nasa dulong bahagi at nakaharap sa pinto. Sa magkabilang dulo nito ay may dalawang side chair kung saan sila naupo.

Ipinaliwanag sa kaniya ni Attorney Alfaro ang lahat. Nalaman niyang baon na pala sa utang ang kaniyang mga magulang. At dahil gustong makabawi ng pamilya ni Rafael sa ginawang tulong noon ng kaniyang ama sa kompanya ng mga ito, binayaran ng pamilya Fernando ang lahat ng utang nila.

"Chairman Fernando won't give him the company if he refuses to marry you. Gusto ka talaga ni Chairman para sa apo niya," paliwanag pa ng abogada bago siya binigyan ng maliit na ngiti.

Muli siyang napalunok at nagtaas ng tingin sa abogada. "Paano na po ako mag-aaral nito?"

Lumapad ang ngiting makikita sa mga labi nito. "Don't worry about that, Hannah. Si Rafael na ang magpapa-aral sa iyo."

Nangunot ang noo niya sa narinig. Bigla siyang nabahala dahil doon. Hindi niya kasi sigurado kung papayag si Rafael na pag-aralin siya. Having an overweight wife was already too much for him. Natatakot siya na baka magalit ito nang tuluyan kapag nakiusap siyang pag-aralin siya nito.

Mukhang nabasa naman ni Attorney Alfaro ang iniisip niya dahil muli itong nagsalita.

"Nobody force him to do that, Hannah. Si Rafael mismo ang may gustong magpa-aral sa iyo."

Bahagya siyang natigilan sa mga nalaman. Nagtataka man ay nakahinga rin siya nang maluwag. Pero nang maalala na isang kompanya ang kapalit ng pagpapakasal nila, nabawasan ang pagtataka niya.

Sa kabila niyon, hindi niya maiwasang hindi malungkot sa isiping, kung wala lang mahihita sa kaniya si Rafael ay paniguradong hindi rin siya pag-aaralin nito. Hindi ito mag-aaksaya ng panahon at pera sa kaniya.

Ngayon naging malinaw sa kaniya ang lahat.

"Attorney, para saan ho ba iyong sinasabi ninyong kontrata? Ano ho ba iyon?" lakas-loob niyang tanong bagay na sandaling ikinatahimik ng babae.

Ngumiti ito sa kaniya bago nagbuga ng malalim na hangin.

"I think, Rafael should be the one to tell you about that," anito sabay tayo at iniabot sa kaniya ang isang maliit na card. Kinuha niya naman iyon at binasa. "That's my calling card. Call me if you need anything."

Matapos ng kanilang pag-uusap ay nagpaalam na rin agad ang abogada. Naiwan naman siyang mag-isa sa bahay.

Buong umaga ay hindi siya mapakali habang hinihintay ang pag-uwi ng lalaki. Ni hindi na niya nagawang kumain. Paano'y sa tuwing makakaramdam siya ng gutom ay sasagi sa isip niya si Rafael at ang sinabi ng mga kaibigan nito tungkol sa kaniya. Matinding kahihiyan ang nararamdaman niya kaya nawawalan siya ng gana.

Hindi niya maiwasang hindi isipin na malayong-malayo si Rafael sa kaniya. Halata kasi na maalaga ang lalaki sa katawan. Kitang-kita sa muscles nito ang resulta ng lagi nitong pagj-gym. Malayo sa kaniya na pagkain na lang yata ang ginagawang dahilan para mabuhay sa mundo.

"Nakakainis," hindi niya maiwasang hindi sabihin sa sarili. Bigla kasi siyang na-concious sa katawan dahil sa lalaki, bagay na hindi naman niya madalas maramdaman noon.

Kutyain man siya ng ibang tao noon, wala siyang pakialam sa mga ito. Pasok sa isang tainga, labas sa kabila. Ganoon ang ginagawa niya kaya umabot ng tatlong daan ang timbang niya.

Pagsapit ng alas-onse ng tanghali, dumating ang isang babaeng nagpakilala sa pangalang Aling Myrna. Ayon dito ay katulong daw nila ito, pero sa halip na sa kanila matulog, pinagsabihan ito ni Chairman Fernando na pupuntahan na lang sila sa araw.

"May dala akong mga pagkain galing kay Ma'am Andrea, para daw sa inyo," nakangiti pa nitong turan.

Sa palagay ni Hannah ay nasa late 40's na ang babae base sa hitsura nito. Dumiretso ito sa kusina at sandaling may inasikaso roon. Pagkatapos siyang paghandaan ng pagkain ay dumiretso na ito sa itaas, ngunit hindi sa kuwarto ni Rafael nagtungo, kundi sa kabilang kuwarto—ang magiging kuwarto niya.

Mabilis lumipas ang isang buong araw. Sa pagsapit ng gabi, nagluto lamang sandali si Aling Myrna at pagkatapos ay nagpaalam din ito sa kaniya. Bago umalis ay sinabihan siya nitong tapos na nitong linisin ang kuwarto niya.

Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang marinig iyon. Hindi kasi siya sanay matulog sa sofa kaya labis siyang natutuwa.

Aminado si Hannah na hindi siya maganda, pero kahit ganoon, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magiging ganoon ang kaniyang kapalaran. Kahit na doble ang laki niya sa ordinaryong laki ng mga kaedad niya, hindi nagsasawang magpaalala ang kaniyang ama na may darating na lalaking tunay siyang mamahalin.

"Pero mukhang hindi si Rafael iyon," mahina niyang sambit habang nakatitig sa kawalan.

Kahit papaano ay napapangiti siya sa tuwing naaalala ang usapan nila ng ama. Naalala niya, noong bata pa siya ay ilang beses niyang hiniling na sana ay si Rafael ang lalaking iyon—ang lalaking magmamahal sa kaniya nang totoo—dahil noon pa man, crush na niya ito, pero nagkamali siya.

Kasal nga siya sa lalaking gusto niya noong bata siya at nakatira sila sa iisang bubong, pero magkahiwalay naman ng kuwarto. Kumbaga sa liriko ng isang kanta, "So close, yet so far".

Sumapit ang alas-siete, halos tumalon palabas ng dibdib niya ang kaniyang puso nang marinig ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng bahay.

Kasalukuyan siyang nasa sofa at nagmumuni-muni. Mabilis siyang tumayo at tinungo ang pinto upang salubungin ito. Hindi pa man nakabababa ng kotse ay tanaw na niya si Rafael. Nakasuot ito ng classic suit na kulay dark blue with grey necktie. Bagay na bagay ang suot ng lalaki sa mukha nitong simpatiko. Ang ipinagtaka lang niya, iba ang suot nito nang umalis kanina sa ngayon. Naalala niyang naka-plain gray suit ito kanina.

Mabilis siyang nagbaba ng tingin nang mapansin nitong nakatitig siya rito.

"Tapos na raw ang kuwarto mo," bungad nito nang makalapit sa kaniya at inabot ang isang susi.

Tinanggap naman niya iyon maski hindi pa niya alam kung para saan.

Mabilis niyang sinara ang pinto ng bahay sa kaniyang likuran at nilingon ang lalaki. Humugot siya ng malalim na hangin bago ibinuka ang bibig.

"R-Rafael?" nauutal pa niyang tawag sa pangalan nito. Muli na naman siyang lumunok at kumurap ng ilang beses bago muling humugot ng malalim na hangin. "Bahala na," bulong pa niya sa sarili.

Balak niyang magtanong dito tungkol sa kontrata. Gusto niyang malaman kung para saan iyon.

Narinig niya ang mahinang pag-ungol nito bilang tugon.

Paakyat na ito sa sariling kuwarto kaya mabilis siyang sumunod mula sa likuran nito. Nang makitang pumasok ang lalaki sa loob ng silid ay dagli siyang natigilan at nag-alangang pumasok, pero nang makitang hindi nito sinarado nang tuluyan ang pinto ay nagdesisyon na siyang pumasok sa loob.

Nanlaki ang mga mata niya nang sa pagpasok niya, ay siyang paghubad naman nito ng suot na puting polo ang nabungaran niya, saka ito humarap sa kaniya nang walang saplot na pang-itaas. Mas lalong namilog ang kaniyang mga mata nang maglandas ang tingin niya sa bato-bato nitong abs. Mabilis at natataranta siyang tumalikod nang marinig ang pagtikhim ng lalaki.

"I-I'm s-sorry!" nauutal niyang sabi.

Hindi niya narinig si Rafael na tumugon. Nanatili naman siyang nakatalikod habang kagat ang ibabang labi. Napakurap-kurap pa siya na tila hindi makapaniwala sa nakita.

Maya-maya ay nagsimulang magsalita ang lalaki, "Alam kong alam mo na ang dahilan kung bakit ako pumayag na pakasalan ka. My grandfather won't leave the country until next year, may anim na buwan pa tayo para—"

"Anim na buwan?" ulit niya sa sinasabi nito.

Hindi niya napigilan ang sarili at napalingon para itanong iyon, na agad rin niyang pinagsisihan dahil sa bumungad sa kaniya.

Natigilan si Rafael sa ginagawa at napatitig sa kaniya habang kasalukuyan itong naghuhubad ng sariling brief.

"Do you mind?" mahinahon nitong tanong.

Mula sa pagkakatitig sa p*********i nito ay nalipat ang tingin niya sa mukha nito. Nasa state of shock pa siya kaya hindi man lang niya napansin na nakatulala pa rin pala siya.

"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit niyang sigaw bago mabilis na itinakip ang mga kamay sa mukha.

Umiling naman si Rafael sa nakitang reaksiyon niya. "Will you stop acting like a virgin?" saad pa nito.

"I am a virgin!" inis niyang tugon.

"You are? Sabagay..." tila nang-uuyam nitong sabi.

Alam ni Hannah na insulto iyon pero hindi na lang niya pinansin. Manggaling ba naman sa lalaking lihim niyang hinahangaan noong bata pa siya—masakit! Sampung beses na masakit!

"A-ano bang ibig mong sabihin d-doon sa a-anim na buwan?" Halos batukan niya ang sarili nang sunod-sunod siyang mautal habang nagsasalita.

Hindi kasi maalis sa isip niya ang nakita kanina. First time niya kasing makakita ng alaga ng isang lalaki kaya ganoon na lang ang reaksiyon niya.

Narinig niyang nagbuga ng hangin si Rafael. "May anim na buwan tayo para magpanggap. After six months, we'll get an annulment."

Literal na huminto sa pagtibok ang puso ni Hannah dahil sa narinig. Mabilis niya itong nilingon at hinanap sa bawat korte ng mukha nito ang pagbibiro, pero hindi niya nakita.

"W-what do you mean?" kusang lumabas ang mga salitang iyon sa mga labi niya.

Huminto naman sa pagsusuot ng damit si Rafael at nilingon siya. Siguro ay napansin nito ang pinaghalong lungkot at pait sa kaniyang boses. Makikita naman sa mukha ng lalaki ang bahagyang pagkalito, pero kalaunay ngumisi rin.

"You're not actually thinking that I married you for good, right?" natatawa nitong tanong. Makikita sa mukha ang pagkamangha, na para bang may nakakatawa sa naging reaksiyon niya.

Ilang minuto rin siyang natahimik. Hindi niya alam kung sasagot ba o mananatiling walang imik. Naghahalo ang gulat, lito, sakit at hiya na nararamdaman niya.

Makalipas ang ilang sandali ay huminga siya nang malalim. Nang makabawi ay agad na nagsalita.

"I-I'm sorry, Rafael. B-but you agreed to this marriage. Walang pumilit sa iyo. So, I'm sorry, pero... hindi ako makikipaghiwalay." Sinalubong niya ang matalim nitong mga mata. Pilit niyang pinatatag ang sarili at muling nagsalita, "Hindi ako papayag sa annulment."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
go Hannah wag Kang pumayag na maghiwalay kayo ni Rafael pasasaan at mahuhulog din Yan sa alindog mo
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
Tama Hannah wag kang pumayag na hiwalayan ka ni Rafael
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Four

    SIMULA nang sabihin ni Hannah kay Rafael na hindi siya papayag sa pakikipaghiwalay nito, mas lalo pa itong dumistansya sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, maaga siya kung umalis ng bahay at late na kung umuwi. Kung sakali mang magtagpo ang mga landas nila sa kalagitnaan ng gabi, para itong walang kasamang tao sa paligid. Para bang hangin lang siya para sa lalaki. Ganoon siya kung ituring ni Rafael. Kaya nagdesisiyon siyang ibaling na lang sa pag-aaral ang buo niyang atensiyon. Malapit na ang finals nila kaya sinubsob na lamang niya ang sarili sa pagre-review. Kung walang klase, lagi siyang nasa loob ng library at abalang nag-aaral. Naisip na rin niya, kung iintindihin pa niya ang nangyayari sa buhay niya, mapapabayaan niya lalo ang pag-aaral niya. Ito na lang ang tanging bagay na mayroon siya sa ngayon. Hindi puwedeng mapabayaan niya ito. "Hey, kanina ka pa nandito?" Mula sa librong binabasa niya, nag-angat si Hannah ng paningin nang marinig ang boses

    Huling Na-update : 2022-03-10
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Five

    TUMATAMA sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na tumatagos mula sa puting kurtina ng balkonahe ng kuwarto niya. Sa sandaling minulat niya ang mga mata, langhap agad ni Hannah ang pinaghalong amoy ng piniritong isda at sinangag.Napangiti siya nang bahagya nang maisip na dumating na si Aling Myrna at nagluluto na ng agahan. Naramdaman niya naman ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Ilang araw na kasi siyang hindi nakakakain nang maayos. Kagabi nga'y natulog lang siya na tanging tubig ang laman ng sikmura.Ang nakatatawa lang... hindi siya nakararamdam ng gutom kahit ilang araw na siyang walang matinong kain. Mas higit kasi ang sakit na nararamdaman niya sa puso kaysa sa sakit ng tiyan.Pero lahat ng pait at pighati, mabilis na naglaho nang masilayan niya ang larawang nasa ibabaw ng mahabang drawer sa harap ng kaniyang kama. Kuha iyon noong nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang. Noong family day nila sa school isang taon na ang nakararaan. Nakangiti silang tatl

    Huling Na-update : 2022-04-03
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Six

    NAALIMPUNGATAN si Hannah nang marinig ang pabagsak na pagsarado ng pintuan ng bahay. Malakas ang naging pagtibok ng puso niya nang maisip na dumating na si Rafael. Mabilis niyang nilingon ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table niya, at nakitang alas-kuwatro na ng madaling araw.Narinig niya ang mabibigat na yabag sa hagdan. Dahan-dahan naman siyang bumangon at nagtungo sa pinto ng sariling kuwarto. Gusto niyang silipin kung si Rafael nga talaga ang dumating, at kung kasama nito ang babaeng si Samantha.Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ang siyang pagbukas naman ni Rafael ng pintuan ng silid nito. Pinagmasdan niya ito habang halos mabuwal na ito sa paglalakad. Lasing na lasing ang lalaki.Nang makita na tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kuwarto nito, muli na sana niyang isasara ang pintuan ng kuwarto niya, pero mabilis din natigilan nang marinig ang sigaw ni Rafael sa kabilang silid."Hannah!"Napasinghap siya sa ginawa nitong pagtaw

    Huling Na-update : 2022-04-04
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Seven

    ISANG mariin na paglunok ang ginawa ng dalagang si Hannah nang makarinig ng impit na ungol mula sa pamilyar na boses. Tila siya pinanlalamigan ng katawan at halos manlumo sa kinatatayuan nang makilalang boses iyon ni Rafael."Raf! Harder, babe!"At si Samantha ang babaeng katalik nito. Napuno ng ungol ng dalawa ang buong paligid. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo at nakulong siya sa oras na iyon kung saan ang malalakas na ungol lang ng dalawa ang naririnig niya."Deeper, Raf!"Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago nagmamadaling bumaba ng hagdan at dumiretso sa labas ng bahay.Walang pag-aalinlangan siyang humakbang papalayo, nang hindi lumilingon sa pinanggalingan. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha niya nang makalayo sa bahay na iyon.Pakiramdam niya, sinasadya ni Rafael gawin ang lahat ng ito, upang saktan siya at mapahiya. Nang sa ganoon, ibigay na niya ang gusto nitong mangyari. Kasi kung hindi, bakit ito ginagawa n

    Huling Na-update : 2022-04-05
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Eight

    ILANG araw na ang lumipas, ilang araw na rin silang nag-iiwasan ni Rafael. Hindi pa man sumasapit ang alas-sais ng madaling araw, umaalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho. Kahit ang totoo nama'y ayaw niya lang talagang mag-abot sila ni Rafael sa bahay.At isa pa, ayaw niya rin na makita ang dalawa na maglandian. Panigurado, hindi niya kakayanin iyon.Noong gabing iyon, matapos nitong ipaalam na sa bahay nito patitirahin si Samantha, wala na siyang ibang nagawa kundi tumango at pagkatapos ay umiyak sa silid niya. Sino ba siya para humindi? Hindi kaniya ang bahay, hindi rin kaniya si Rafael. Wala siyang karapatan sa mga ito.Sinisiguro niya lang na hindi talaga sila magkikita ng lalaki. Bago ito magising o si Samantha ay nakaalis na siya ng bahay. Sa gabi naman, late na rin siya umuuwi. Minsan ay alas-siyete na, madalas, alas-otso y medya. Sa mga oras na iyon, panigurado busy na sa panghimagas ng mga ito ang dalawa kaya hindi na siya mapapansin pa.

    Huling Na-update : 2022-04-07
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Nine

    MAHINA siyang napasinghap nang makita ang pagtigil ng sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Bakit ngayon lang ito nakauwi? Hindi ba dapat kanina pa ito sa bahay?Nakagat niya ibabang labi habang nakatitig pa rin sa kotse ni Rafael. Matapos ng ilang segundo, tuluyan na itong umibis ng sasakyan. Pagkababa na pagkababa pa lang ay matalim na agad ang mga mata nito.Kahit na nilalamon ng kaba, nakapagpasalamat siya sa lahat ng santo nang mapansin na hindi nito kasama si Samantha. Baka kasi gumawa na naman iyon ng eksena, mahirap na.Lumapit sa kanila si Rafael nang hindi inaalis ang matalim pagkatititig sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng paningin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito."Bakit ngayon ka lang?" mahinahon ngunit matigas nitong tanong nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Bullet.Napalunok siya bago sinulyapan ang lalaking si Bullet. Napansin niya ang pagtataka sa mukha nito habang nagpapalipat-lipat ito n

    Huling Na-update : 2022-04-08
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Ten

    TRISTAN'S question caught Hannah off guard. Aminado siya sa sarili niya noon tungkol sa nararamdaman niya para kay Rafael, pero ngayon, hindi na siya sigurado.Puro pasakit at luha na lamang ang ibinibigay sa kaniya ng lalaki. Sa tuwing nakikita niya ito, o kahit maisip man lang, lagi siyang nasasaktan. Hindi niya naisip na ang taong minsang minahal niya noon, ay magdudulot sa kaniya ng labis na pasakit ngayon.Sa pangalawang pagkakataon, tila nakuha ni Tristan ang hinihinging kasagutan nito sa pagtahimik niya."That asshole," sambit muli nito at napasandal na sa kinauupuan.Biglan naman dumating ang dalagang si Ella dala ang order ng lalaki. Muli silang nabalot ng katahimikan matapos ilapag ni Ella ang mga pagkaing in-order nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang hindi kabahan. Paano kung ipaalam nito kay Rafael ang tungkol sa trabaho niya?Makalipas ang ilan pang sandali na puno ng katahimikan, nagsalita uli ang lalaki. "Alam mo na ba ang tungkol ka

    Huling Na-update : 2022-04-11
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Eleven

    "DITO ka natulog kagabi!" Mabilis na tinakpan ni Hannah ang bibig ng kaibigang si Cassandra nang bahagyang tumaas ang tinig nito. Kinuwento niya kasi sa babae na hindi siya umuwi at doon sa coffee shop natulog. Mabuti na lamang dahil pinayagan siya ng boss nila. "Ikaw babae, umamin ka nga sa akin, maayos ba naman iyang pakikitungo sa iyo ng kaibigan ng magulang mo?" nakapamaywang pang tanong ng babae. Nagbuga siya ng hangin. Kung alam lang nito ang totoong nangyayari sa buhay niya, paniguradong kung hindi sisigawan ay babatukan siya ng kaibigan. "Maayos naman," pabulong niyang sagot habang inaayos ang mga table cloth sa ibabaw ng mesa. Sampung minuto na lang kasi ay magbubukas na sila. "Kung maayos, bakit ka naman dito matutulog, ha? Inaapi ka ba nila? Sinabi na kasing sa amin ka na lang tumira!" Napabuntong-hininga na lamang siya sa narinig. Nang malaman ng mga ito na nakatira siya sa bahay ng family friend nila, agad siyang inalok ng

    Huling Na-update : 2022-04-12

Pinakabagong kabanata

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-two

    LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-one

    "Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty

    "Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-nine

    HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-eight

    "Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-seven

    NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-six

    HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-five

    UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-four

    HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang

DMCA.com Protection Status