ISANG mariin na paglunok ang ginawa ng dalagang si Hannah nang makarinig ng impit na ungol mula sa pamilyar na boses. Tila siya pinanlalamigan ng katawan at halos manlumo sa kinatatayuan nang makilalang boses iyon ni Rafael.
"Raf! Harder, babe!"
At si Samantha ang babaeng katalik nito. Napuno ng ungol ng dalawa ang buong paligid. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo at nakulong siya sa oras na iyon kung saan ang malalakas na ungol lang ng dalawa ang naririnig niya.
"Deeper, Raf!"
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago nagmamadaling bumaba ng hagdan at dumiretso sa labas ng bahay.
Walang pag-aalinlangan siyang humakbang papalayo, nang hindi lumilingon sa pinanggalingan. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha niya nang makalayo sa bahay na iyon.
Pakiramdam niya, sinasadya ni Rafael gawin ang lahat ng ito, upang saktan siya at mapahiya. Nang sa ganoon, ibigay na niya ang gusto nitong mangyari. Kasi kung hindi, bakit ito ginagawa ng lalaki? Dahil ba kay Samantha?
Hindi niya mapigilang hindi isipin na labis na mahal ni Rafael si Samantha kaya kahit kaunting respeto, hindi nito maibigay sa kaniya.
Sa kaiikot niya sa buong compund, nakarating sa plaza. Tinalo niya pa ang may sakit habang naglalakad nang nakatulala. Ayaw mawaglit sa isipan niya ang mga narinig. Ang bawat halinghing at ungol ni Samantha, ang bawat pagtawag nito sa pangalan ni Rafael—tila kutsilyong humihiwa sa kaniyang puso.
"Raf! Harder, babe!"
Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan ang mga salitang iyon. Lumipas ang napakahabang oras na tanging iyon ang laman ng kaniyang utak.
Nakaupo lamang siya sa isang swing habang nagpapalipas ng oras. Itinaas niya ang kanang-bisig para makita ang oras sa suot niyang wristwatch—alas diyes na ng gabi.
"Nandoon pa kaya si Samantha?" tila hangin na umalpas ang tanong na iyon mula sa bibig niya.
Hindi niya yata makakaya kapag nag-abot silang tatlo sa bahay. Sa halip na ipaglaban ang karapatan niya, baka magyuko lang siya ng ulo at umiyak. Hindi naman siya pinalaki ng kaniyang mga magulang para apihin, pero hindi niya talaga kayang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Compared to Samantha David, sino ba naman siya? Isa itong sikat na modelo, maganda at sexy, malayong-malayo sa tulad niyang walang maipagmamalaki.
Nang sumapit ang alas-onse ng gabi ay saka siya nagdesisiyon na bumalik sa bahay. Mabuti na lamang dahil maraming poste sa bawat gilid ng daan kaya kahit magkakalayo ang bawat bahay ay hindi nakakatakot lakaran sa gabi.
Mula sa kinatatayuan ay tanaw na niya ang bahay ni Rafael. Pero natigilan din siya nang matanaw ang lalaking nakatayo sa bungad ng pintuan ng bahay na tila ba naghihintay.
Si Rafael.
Ewan niya kung imahinasiyon niya lang pero nakakita siya ng kaunting pag-aalala sa mukha nito nang tuluyang makalapit sa lalaki. Pero siyempre, mas malaki ang pursyentong imahinasyon niya nga lang iyon.
"Where have you been?" bungad nitong tanong sa mala-awtoridad na boses. Matalim ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.
"Plaza," tipid niyang tugon. Pinilit niyang mawalan ng emosison habang sinasabi iyon. Ayaw na niyang maging kaawa-awa sa paningin nito. Walang kibo naman niyang nilagpasan ang lalaki.
Masakit para sa kaniya na tanggapin ang mga nangyayari. The room where Samantha and Rafael did it, that was supposed to be their room. Kung hindi lang sana siya ginagamit ni Rafael para makuha ang kumpanya ng mga Fernando—at kung hindi siguro hindi siya matabang babae, mamahalin kaya siya nito? Magsasama kaya sila sa loob ng iisang kuwarto? Matatanggap ba siya ni Rafael?
Paakyat na sana siya ng hagdan nang marinig itong muling nagsalita.
"Hannah, we need to talk."
Natigilan siya at napairap bago nilingon ang lalaki. Wala na ang panlalamig sa tono ng boses nito, hindi katulad ng mga nagdaang araw.
Nagbuga ito ng hangin habang mataman na nakatitig sa kaniya. "I'm sorry."
Ilang minuto siyang natulala habang tinatantiya kung seryoso ba ito o hindi. Pakiramdam niya, lahat ng sakit, galit, at iba pang negatibong emosiyon na naramdaman niya para sa lalaking ito ay naglaho na lang bigla. Nawala lahat. Nawala na parang bula. Napalitan na naman ng paghanga at pagnanais na matanggap nito, nang dahil lang sa dalawang salitang iyon. Dahil lang sa isang sorry.
"P-para saan?" Kinuyom niya ang mga kamao para pigilin ang sarili niya na umasa.
"For being so insensitive. You just lost your parents, and grandpa forced you to marry me. Hindi ko man lang inisip ang nararamdaman mo. I'm sorry."
May ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan ang mga mata nitong nakatitig din sa kaniya.
Hindi niya alam kung bukal sa loob nito ang mga sinabi o baka ginagawa lang nito iyon para na naman sa kompanya, pero wala rin naman halong kaplastikan ang tinig nito. At kahit nagdududa ang isip niya, may kung anong bahagi ng kaniyang puso ang gustong maniwala sa mga sinabi nito.
Kinabisa niya ang bawat korte ng mukha ng lalaking pinakasalan niya. Makapal ang mga kilay nito na bumagay sa mapungay at malalim nitong mga mata, ang mga labi nito ay maninipis, at napakatangos ng ilong. Maging ang kulay chestnut nitong mga mata na kung tumitig ay waring tumatagos hanggang sa kaluluwa niya, ito ang mga katangian na hindi nagpatahimik sa kaniya noong bata pa siya.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita.
"Let's talk about the contract, Rafael." Malungkot siyang ngumiti.
Nakapag-isip-isip na siya. Tama ang sinabi ni Rafael kagabi, she has to be practical. Wala na siyang mga magulang, walang pamilya na puwedeng malapitan dahil parehong only child ang mga magulang niya.
Kailangan niya itong gawin, kaysa naman hayaan niya lang na masaktan ang sarili niya araw-araw, at pagkatapos ng lahat, itatapon lang siya ni Rafael na parang basura. Mas mabuti pang tanggapin niya na lang ang alok nitong pera.
Matagal siyang tinitigan ni Rafael sa mga mata bago nagpakawala nang malalim na hangin. "Okay, sa library tayo," anito at nagpatiuna na sa paglalakad patungo sa maliit na silid ng library.
Oras na pumayag siya sa kailangan ni Rafael, ibig sabihin ay isinusuko na rin niya ang kasal nila. Na kahit pa sabihing sa papel lamang, wala na siyang magiging karapatan sa lalaking minsan na niyang minahal.
Humugot muna siya ng hangin bago tuluyang pumasok sa loob ng library. Naabutan niya itong nakatayo sa harap ng study table nito habang naghihintay sa kaniya.
Sinenyasan siya nitong lumapit sa coffee table sa tabi ng mahabang leather sofa at dalawang armchairs.
"Ito ang annulment papers natin," umpisa nito bago inilapag sa table ang ilang papel. "And here is the contract. Nakalagay na riyan ang kondisiyon ko. Kung may gusto kang idagdag at kung ilan ang halaga na gusto mong makuha, isulat mo lang diyan."
Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa puso nang makitang pirmado na ni Rafael ang mga papeles; ang annulment papers, at ang kontrata. Para bang hindi na ito makapaghintay na hiwalayan siya.
Kung alam lamang ng lalaking ito kung gaano niya ito kagusto at kamahal noon. Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi nang maramdaman ang nagbabadyang mga luha sa pagbagsak.
"Ano ba ang kailangan kong gawin sa loob ng anim na buwan?" Nang mag-angat siya ng mukha upang makita ito, nakita niyang titig na titig sa kaniya ang mga mata nitong puno ng pagtataka.
Mabilis itong nag-iwas ng tingin at tumikhim. "Magpapanggap ka lang na mahal mo ako, na okay tayo. After 6 months, babalik si Grandpa sa America. Mananatili siya roon ng tatlong buwan. Doon na tayo maghihiwalay, Hannah. I'll give you the money and whatever the conditions stated on the contract. Kapag nakauwi si Lolo, dapat bumalik ka rin sa akin. A-attend lang tayo ng birthday party niya, iyon lang. After that, you're free again."
Tumango-tango siya sa sinabi nito habang isa-isang tinitingnan ang mga papeles.
"But I want you to sign that contract now, Hannah," dagdag pa nito at mataman siyang tinitigan.
Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "I told you, pagkatapos ng anim na buwan, saka ko lang pipirmahan ang mga ito. B-bakit ba kasi atat na atat kang pirmahan ko ito?" Mahihimigan ng inis ang boses niya.
Huminga naman nang malalim si Rafael bago sumagot, "Nakasaad riyan na kahit ano ang mangyari, pagkatapos ng anim na buwan ay maghihiwalay tayo. What if you won't sign the annulment papers after 6 months? I'm sorry pero naninigurado lang ako."
Naipikit niya nang mariin ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki. Naiinis na siya. Sobrang inis na inis na, pero hindi niya pa rin mapigilan ang hindi masaktan. Paano ba nagiging posible na magalit ka sa isang tao at sa parehong pagkakataon, masaktan?
"Don't worry about that, Rafael. I am fully aware that you despise me. Iyong sinabi mo kagabi na dahilan kung bakit ayaw ko pirmahan ito ay hindi totoo!"
Hannah gave him a bittersweet smile, trying her very best to hide every bit of pain she's feeling.
"Alam ko naman na kahit kailan, hindi mo ako magugustuhan. I can't blame you, look at me! Hindi ako ang taste mo. Alam ko iyon, Rafael! Pero kasi, nang pumayag ka na magpakasal sa akin, inakala ko na baka... baka kahit papaano, tanggap mo ako o kaya mo akong tanggapin. At may pamilya pa ako. Alam mo naman siguro na nag-iisa na lang ako, kaya siguro hirap na hirap ako sa gusto mong mangyari dahil kapag nawala ka, mag-isa ko na lang talaga."
Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa magkabila niyang pisngi. Ayaw niyang magmukhang kawawa, pero hindi niya mapigilan ang hindi maawa sa sarili niya. Tila siya naglilimos ng pagmamahal sa sarili niyang asawa.
Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ang simpatico nitong mukha, pity and guilt are all over his face. Mukhang naaawa nga ito sa kaniya.
Malungkot niya itong nginitian habang nagpipigil pa rin ng luha. "Huwag ka nang maawa sa akin. Don't worry, I'll sign this contract after 6 months. Panghawakan mo ang pangako ko."
Matapos sabihin iyon ay nagdesisyon na siyang lumabas ng library. Pero bago pa man siya tuluyang makatapak sa hagdan ay muli niyang narinig ang boses nito.
"Hannah," sambit ni Rafael sa pangalan niya.
Mabilis na tumibik ang kaniyang puso nang mapakinggan itong sambitin ang pangalan niya. Sa unang pagkakataon, ngayon niya lang yata narinig itong tawagan ang kaniyang pangalan nang walang halong galit ang tinig.
Nang lingunin niya si Rafael, nakatitig lamang ito sa kaniya. Mababakas ang pagdadalawang-isip sa mga mata nito. Nagtatalo siguro ang isipan kung isasatinig o hindi ang nilalaman ng isip.
"Ano ba iyon?" nagtataka niyang tanong.
Kumurap-kurap ito nang ilang ulit bago lumabi at tinitigan siya nang diretso sa mga mata. "Si Samantha, dito na muna siya titira."
ILANG araw na ang lumipas, ilang araw na rin silang nag-iiwasan ni Rafael. Hindi pa man sumasapit ang alas-sais ng madaling araw, umaalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho. Kahit ang totoo nama'y ayaw niya lang talagang mag-abot sila ni Rafael sa bahay.At isa pa, ayaw niya rin na makita ang dalawa na maglandian. Panigurado, hindi niya kakayanin iyon.Noong gabing iyon, matapos nitong ipaalam na sa bahay nito patitirahin si Samantha, wala na siyang ibang nagawa kundi tumango at pagkatapos ay umiyak sa silid niya. Sino ba siya para humindi? Hindi kaniya ang bahay, hindi rin kaniya si Rafael. Wala siyang karapatan sa mga ito.Sinisiguro niya lang na hindi talaga sila magkikita ng lalaki. Bago ito magising o si Samantha ay nakaalis na siya ng bahay. Sa gabi naman, late na rin siya umuuwi. Minsan ay alas-siyete na, madalas, alas-otso y medya. Sa mga oras na iyon, panigurado busy na sa panghimagas ng mga ito ang dalawa kaya hindi na siya mapapansin pa.
MAHINA siyang napasinghap nang makita ang pagtigil ng sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Bakit ngayon lang ito nakauwi? Hindi ba dapat kanina pa ito sa bahay?Nakagat niya ibabang labi habang nakatitig pa rin sa kotse ni Rafael. Matapos ng ilang segundo, tuluyan na itong umibis ng sasakyan. Pagkababa na pagkababa pa lang ay matalim na agad ang mga mata nito.Kahit na nilalamon ng kaba, nakapagpasalamat siya sa lahat ng santo nang mapansin na hindi nito kasama si Samantha. Baka kasi gumawa na naman iyon ng eksena, mahirap na.Lumapit sa kanila si Rafael nang hindi inaalis ang matalim pagkatititig sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng paningin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito."Bakit ngayon ka lang?" mahinahon ngunit matigas nitong tanong nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Bullet.Napalunok siya bago sinulyapan ang lalaking si Bullet. Napansin niya ang pagtataka sa mukha nito habang nagpapalipat-lipat ito n
TRISTAN'S question caught Hannah off guard. Aminado siya sa sarili niya noon tungkol sa nararamdaman niya para kay Rafael, pero ngayon, hindi na siya sigurado.Puro pasakit at luha na lamang ang ibinibigay sa kaniya ng lalaki. Sa tuwing nakikita niya ito, o kahit maisip man lang, lagi siyang nasasaktan. Hindi niya naisip na ang taong minsang minahal niya noon, ay magdudulot sa kaniya ng labis na pasakit ngayon.Sa pangalawang pagkakataon, tila nakuha ni Tristan ang hinihinging kasagutan nito sa pagtahimik niya."That asshole," sambit muli nito at napasandal na sa kinauupuan.Biglan naman dumating ang dalagang si Ella dala ang order ng lalaki. Muli silang nabalot ng katahimikan matapos ilapag ni Ella ang mga pagkaing in-order nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang hindi kabahan. Paano kung ipaalam nito kay Rafael ang tungkol sa trabaho niya?Makalipas ang ilan pang sandali na puno ng katahimikan, nagsalita uli ang lalaki. "Alam mo na ba ang tungkol ka
"DITO ka natulog kagabi!" Mabilis na tinakpan ni Hannah ang bibig ng kaibigang si Cassandra nang bahagyang tumaas ang tinig nito. Kinuwento niya kasi sa babae na hindi siya umuwi at doon sa coffee shop natulog. Mabuti na lamang dahil pinayagan siya ng boss nila. "Ikaw babae, umamin ka nga sa akin, maayos ba naman iyang pakikitungo sa iyo ng kaibigan ng magulang mo?" nakapamaywang pang tanong ng babae. Nagbuga siya ng hangin. Kung alam lang nito ang totoong nangyayari sa buhay niya, paniguradong kung hindi sisigawan ay babatukan siya ng kaibigan. "Maayos naman," pabulong niyang sagot habang inaayos ang mga table cloth sa ibabaw ng mesa. Sampung minuto na lang kasi ay magbubukas na sila. "Kung maayos, bakit ka naman dito matutulog, ha? Inaapi ka ba nila? Sinabi na kasing sa amin ka na lang tumira!" Napabuntong-hininga na lamang siya sa narinig. Nang malaman ng mga ito na nakatira siya sa bahay ng family friend nila, agad siyang inalok ng
"RAFAEL!"Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at pilit na pinatayo. "Excuse us," cold na sabi ni Rafael at pagkatapos ay hinila siya palabas ng coffee shop.Nang dahil sa gulat, hindi na niya nagawang tumutol pa at nagpatianod na lang hanggang sa makalayo sila ng shop.Nararamdaman na niya ang pananakit ng braso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. Kaya nang huminto sila sa isang tabi, marahas niyang binawi ang sariling braso. "What's this? You're working here?" pabulong ngunit mariin nitong tanong.Napalunok siya nang matitigan ang mga mata ni Rafael. Matalim iyon at tila nag-aapoy sa galit. Mapapansin din ang pagpipigil nito sa sarili. Natakot tuloy siya dahil parang mananakit na ito sa tindi ng inis na makikita sa mukha nito.Dahil sa takot, ilang beses din siyang napaatras mula rito, bagay na napansin ni Rafael kaya muli siya nitong hinawakan sa braso."Dahil ba sa lalaki mo kaya ka hindi umuwi kagabi?" Ma
"Tristan, ako na."Nagpalipat-lipat ng tingin ang lalaki sa kanilang dalawa ni Rafael matapos ng sinabi ng huli, nakapaskil na ang ngiti sa mukha nito. Sinulyapan pa siya ng lalaki at kinindatan bago tinapik qsa balikat si Rafael at umalis na. "Three thousand five hundred pesos," wala sa sariling nasabi niya nang balingan ng tingin ang lalaki.Nakita niya ang pagdukot nito ng wallet sa bulsa ng suot nitong black pants, at ang pag-abot sa kaniya ng isang libo.Halos batukan niya ang sarili nang makita ang panginginig ng kamay niya habang inaabot ang pera. Kahit nahihirapan dahil parang may nakabara sa kaniyang lalamunan, pinilit niyang lumunok habang nakatuon ang atensiyon sa ginagawa."Give me your number."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Huh?""I said, give me your cell phone number," ulit nito na parang nauubusan ng pasensiya.Mariin niyang pinaglapat ang mga labi bago nagbuga ng malalim na hangin
BIGLA siyang natigilan sa paglalakad nang makita ang lalaking kumakaway mula sa malayo. "Bullet . . . "Mabilis siyang humakbang hanggang sa makalapit dito. Hindi na siya pumasok pa sa huling subject niya dahil malapit nang mag-alas-siete ng gabi. Balak niyang umuwi nang maaga dahil kay Rafael. Baka kasi magalit na naman ito kapag sinuway niya ang utos nito.Heto na naman siya, nagiging masunurin sa lalaking iyon. Hangal ba talaga siya?"Ano'ng ginagawa mo rito?" nakangiting tanong niya nang makalapit dito. Kumurba sa malapad na ngiti ang mga labi nito bago binuksan ang pintuan sa passenger's seat ng sariling sasakyan. "Hindi ba sabi mo, kailangan mong umuwi nang seven? Ihahatid na kita."Bigla niyang naalala, kanina kasi, t-in-ext niya ito gamit ng cell phone na bigay ni Rafael. Nasabi niya rin dito na uuwi siya nang maaga. Hindi niya naman alam na pupunta pala ito rito."Hindi mo naman kailangan gawin ito, Bullet."Sa
"Hannah . . . hey, wake up. We're here."Naalimpungatan siya dahil sa mahihinang tapik sa kaniyang pisngi. Unti-unti niyang minulat ang mga mata, at ang nakangiting mukha ni Rafael ang siyang unang bumungad sa kaniya."Kanina pa kita ginigising. Tulog mantika ka pala," sabi pa nito bago tumawa nang mahina. Binuksan na nito ang pinto sa driver's seat at lumabas.Mabilis siyang bumangon nang mapagtantong nakatulog siya sa loob ng kotse ni Rafael. Bigla niyang naalala, alas-otso na ng gabi sila nakaalis kagabi. Nangako pa man din siya sa sarili na hindi matutulog dahil nahihiya pa rin siyang kasama si Rafael.Hindi niya mapigilang hindi magkagat ng ibabang labi. Ang awkward lang kasi at ang weird. Honeymoon? Ano bang nangyayari sa lalaking ito?Naramdaman niya ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa kaniyang pisngi. Saka pa lang niya napansin na nasa tabing-dagat pala sila. Namangha siya nang makita ang malawak na karagatan sa harap ni
LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h
"Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K
HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.
UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy
HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang