Chapter: Chapter Ninety-three |3|MALAKAS siyang humiyaw nang makita ang nakabulagta na katawan ng lalaki sa sahig. Ilang ulit siyang umiling habang nangingilid ang mga luha sa magkabila niyang pisngi.Ilang segundong walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Nakaawang lamang ang mga labi niya at sunod-sunod sa pag-agos ang luha sa magkabilang pisngi."R-Russel!" Sa wakas ay nagawa niyang isatinig habang nanginginig ang katawan niya sa labis na kilabot na nararamdaman. "Russel!"Muling tumawa si Narissa. Nangingilid ang luha sa magkabila nitong pisngi. Marahas siya nitong hinawakan sa braso at buong puwersang hinatak palayo roon."Bitiwan mo ako! Russel! Huwag!" Pilit inaabot ng kamay niya ang katawan ng lalaki, subalit marahas siyang hinatak ni Narissa.Kahit pa nang bumagsak siya sa sahig dahil sa pagpipilit na makawala rito, kinaladkad pa rin siya nito patungo sa pintuan.Pilit siyang pinatayo ng babae hanggang sa makalabas sila ng beach house."Ano'ng tinitingin
Last Updated: 2022-01-30
Chapter: Chapter Ninety-three |2|NGUMISI ang babaeng si Narissa matapos niyang mahablot sa buhok si Megara. Hinigpitan niya ang pagkakakapit sa buhok nito bago nito bago kinuha ang baril na itinatago niya sa kaniyang likod."Ilang taon man ang lumipas, kahit kailan, hindi kita magagawang kalimutan, Meg! Kung hindi ka na rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa kaniya!"Sa sinabi niyang iyon, malakas na humiyaw si Megara bago tinabig ang baril na hawak niya. Hindi sinasadyang mapaputok niya iyob kaya mabilis na nagtakip ng magkabilang tainga nito si Megara nang makawala sa kaniya.Napalingon naman siya sa pinto nang marinig ang paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Mabilis niyang pinulupot ang mga braso sa leeg ng babae at tinutukan ito ng baril.Sumunod ay bigla na lamang bumukas ang pintuan ng bahay at bumungad sa kanila ang gulat na mukha ni Russel."Megara!"Ngumisi siya nang marinig ang nag-aalalang boses ng lalaki. Akmang lalapitan sila nito pero agad niy
Last Updated: 2022-01-30
Chapter: Chapter Ninety-three MALAPAD na ngumiti si Narissa bago nginuso ang silyang katapang nito. Tila inuutusan siyang maupo roon."Mag-uusap tayo."Binawi niya ang paningin at binitiwan ang hawak na siradura. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit dito, subalit hindi na siya naupo at nanatili na lang na nakatayo."Hindi ko naisip na aabot ka sa ganito.""Ako rin," mabilis nitong tugon. "Ni minsan ay hindi ko inakalang magkakaganito ako. Ang dami kong tao na nagamit, para lang makaabot sa kung nasaan ako ngayon. Nagpanggap pa akong buntis ako, sinulsulan ang mga doctor, maipalabas lang na totoo ang kasinungalingan ko."Umiling siya sa babae. "Itigil mo na ito, Narissa. Tama na. Magbagong-buhay na tayo.""Nasasabi mo iyan kasi masaya ka. Paano naman ako?" Lumamlam ang mga mata ng babae.Mariin siyang lumunok. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin, para lang makumbinsi ang babae na tumigil na."Hindi puwede, Meg. Hangga't hindi ka bumabalik sa
Last Updated: 2022-01-30
Chapter: Chapter Ninety-two |2|MATAPOS maligo ni Russel ay naabutan nito ang asawa sa dulo ng kama. Nakaupo habang nakatulala sa kawalan. Agad siyang nakaramdam ng kaba nang maisip na baka may nangyari dito nang iwan niya.Mabilis niyang nilapitan ang asawa at lumuhod sa paanan nito. "Baby, what's the matter? I-inaway ka ba ni Narissa? May ginawa ba siya sa iyo?"Mabilis itong umiling nang mapansin ang galit at pag-aalala sa tono niya. Mariin itong lumunok bago yumakap sa kaniya nang mariin."Russel." Nagsimula itong umiyak habang yumuyugyog ang balikat.Nang dahil dito ay mas lalo siyang kinabahan. Mula sa pagkakaluhod, tumayo siya at naupo sa tabi nito."Ano ba'ng nangyari? Sabihin mo sa akin." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at nag-aalalang tinitigan.Humihikbi itong lumuluha. Hindi ito nagsalita pero nagpatuloy lang sa pag-iyak. Lalo siyang nakaramdam ng takot nang dahil doon."Meg, tinatakot mo ako. Sabihin mo na sa akin, ano ba'ng problema?"P
Last Updated: 2022-01-30
Chapter: Chapter Ninety-two MATAGAL binalot ng katahimikan ang dalawang babae matapos silang maiwan ni Russel. Nakakrus ang dalawang braso ni Narissa sa tapat ng dibdib nito, siya naman ay mataman na nakatitig sa babae.Nag-umpisang mangilid ang luha sa magkabilang pisngi niya. Nang makita iyon ni Narissa ay napapalunok itong nag-iwas ng tingin.Huminga siya nang malalim bago lumapit sa harap nito. Ilang ulit pa siyang huminga bago tuluyang lumuhod sa paanan ng babae. Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa magkabilang pisngi niya.Tumalim naman ang mga mata ni Narissa. Pilit nitong iniiwas ang mukha sa kaniya ngunit hindi nito naitago ang pamumula ng mga mata."Please, please, nagmamakaawa ako. Riss, pabayaan mo na kami!"Kumuyom ang mga kamao ng babae, pero hindi ito natinag sa kinatatatuan"Please, huwag mong sirain ang pamilya na gusto kong buuin!" Ilang ulit siyang umiling pero tila walang pakialam si Narissa sa pag-iyak at pagluhod niya.Huminga ito nang malal
Last Updated: 2022-01-30
Chapter: Chapter Ninety-one |2|HALOS manlisik ang mga mata ni Narissa habang nakatitig sa pader na nagsisilbing tanging harang sa silid na tinutuluyan niya at sa kuwarto nina Megara at Russel.Nanginginig ang mga kamao niya sa bawat ungol at halinghing na ginagawa ng dalawa. Nasisiguro niya na sinasadya ng mga ito ang ginagawa para marinig niya."Magbabayad ka sa ginawa mo. Sisiguraduhin ko na mababawi ko siya mula sa iyo!"Nangilid ang luha sa magkabila niyang pisngi, subalit marahas niya itong pinalis. Malayo na ang narating niya. Hindi siya papayag na mauwi lang sa wala ang pagtitiis niya.Noong gabing iyon, matagal siyang nanatiling gising habang nakatitig sa kawalan. Nang umabot ang alas-tres ng madaling araw, walang ingay siyang lumabas ng silid at bumaba sa kusina.Mabilis niyang tiningnan ang sariling cell phone para i-check kung may natanggap ba siyang mensahe. Mahina siyang nagmura nang makitang walang ni isang text doon.Kinuha niya ang baso ng tubig at mabilis
Last Updated: 2022-01-29
Seducing My Overweight Wife
Hannah Perez had never been in a relationship before both of her parents were killed in a car accident. A family friend, the chairman and owner of an airline company, asked her to marry his grandson, Delta Empire's only heir.
Her peaceful life turned upside-down after her wedding with Rafael. She learned that he agreed to marry her against his will in order to inherit the company of his family. He had no intention of staying with her and is still madly in love with Samantha, his ex-girlfriend and a famous model.
Will Hannah, a 300-pound lady, and Rafael, a fastidious man who is constantly attempting to stay on top of things, find love in their loveless marriage?
Read
Chapter: Chapter Thirty-two LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h
Last Updated: 2022-12-15
Chapter: Chapter Thirty-one "Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
Last Updated: 2022-12-11
Chapter: Chapter Thirty"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
Last Updated: 2022-12-08
Chapter: Chapter Twenty-nineHINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
Last Updated: 2022-05-08
Chapter: Chapter Twenty-eight"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
Last Updated: 2022-05-08
Chapter: Chapter Twenty-sevenNAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K
Last Updated: 2022-05-08
Chapter: Epilogue ISINARA ni Lucas ang pinto sa kaniyang likuran upang magawa ang bagay na matagal din niyang pinanabikang mangyari. He had been waiting for this day to come and all he ever wanted was to make love with Shazna without having to worry about anything.He seated on the edge of their bed and made Shazna sit on his lap."Lucas! Ano ba? Itigil mo nga `yan," natatawang pigil ni Shazna sa lalaki.Naroon sila ngayon sa vacation house nila sa Palawan. They wanted to get married as soon as possible, but they want it in Immaculate conception cathedral.Lucas playfully moved his hand in between Shazna's legs. May pananabik niyang hinawakan ang pagkababae ng nobya na natatabunan pa ng suot nitong lace panty. Shazna kissed Lucas torridly, making him moan her name between their kiss.Nang hindi na makapagpigil si Lucas ay may pagmamadali itong tumayo at binuhat si Shazna. Maagap nitong hiniga ang babae sa kama. He took off his shirt and threw it on the ground.
Last Updated: 2022-03-29
Chapter: Last Chapter SHAZNA took a sip of her own drink, madras. Nakaupo siya sa pinakadulong stool ng bar counter. Ngayon ang grand opening ng bagong club ni Matteo at isa sila ng kaniyang mga kaibigan sa iilan na inimbita nito.Two days left and it'll be Lucas' wedding. Sumama siya sa grand opening ng club ni Matteo sa pagbabakasakaling pupunta roon ang lalaki. Matapos ng nangyari sa opisina nito, hindi na niya ito magawang hagilapin kahit saan. Ilang beses na siyang nagpunta sa Hotel Prime ngunit lagi itong wala. She tried calling him countless times also but he wouldn't pick up. She even went to his unit but he's not there.Pakiramdam niya ay pinagtataguan siya ni Lucas. "O baka naman busy lang sa pag-aasikaso ng kasal," naalala pa niyang sabi ni Vanessa.Umiling siya nang marahas. Iginala niya ang tingin sa paligid upang hanapin ang dalawang kaibigan, pero si Vanessa lang ang nakita niya. Her friend seems to be busy talking to Matteo. Mukhang enjoy na enjoy itong kasama ang lal
Last Updated: 2022-03-29
Chapter: Chapter NineHINDI mapakali si Shazna. Kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa loob ng kaniyang hotel room. Hindi niya alam kung tama bang puntahan niya si Lucas matapos ng naging pag-uusap nila sa simbahan.It's been three days since she last saw him. Three days and she misses him so bad. Nananabik na siyang muling makausap ang lalaki. Kahit pa sabihin na lagi na lang siyang sinasaktan nito sa tuwing sila ay nag-uusap, wala siyang pakialam. She badly wants to talk to him."Shaz, kumalma ka nga. Kanina ka pa paikot-ikot. Ako ang nahihilo sa `yo!"Isang malalim na paghinga ang kaniyang ginawa bago binalingan ng tingin si Vanessa na ngayon ay nakaupo sa ibabaw ng kaniyang kama at naka-crossed arm."How can I calm down, Vans? Limang araw na lang, ikakasal na si Lucas sa ibang babae!" halos umiyak siya habang sinasabi iyon.Gusto niyang sumigaw at magwala. Muli niyang sinisi ang sarili dahil pakiramdam niya, hindi niya ginawa ang lahat upang mabawi si Lucas.
Last Updated: 2022-03-29
Chapter: Chapter EightSHAZNA woke up with her head on Lucas' chest. Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ng nahihimbing na lalaki bago marahang hinatak ang asul na kumot sa kaniyang hubad na katawan.She slowly lifted her head off his chest and sat up carefully. Napalunok siya nang mapagmasdan maigi ang mukha nito. He looked so beautiful while sleeping. Ngayon niya napagtanto na mas guwapo pa ito kaysa noon. Para ngang araw-araw, lalo itong gumaguwapo. Hindi tuloy niya mapigilang suklayin ang buhok nito gamit ng kaniyang mga kamay.What she felt for him was something that dictionaries could not be able to explain. Mahal na mahal niya si Lucas hanggang sa maubos siya. Kahit gaano kasakit at kahit gaano kahirap, hahayaan niyang umikot ang mundo niya sa lalaking pinakamamahal.Hindi naman nagbago ang nararamdaman niya para dito, kinain lang talaga siya ng takot niya noon. At ngayon na kasama na niya uli ito, mas lalo lang lumalim ang nararamdaman niya.She stared at him for a few
Last Updated: 2022-03-29
Chapter: Chapter SevenPILIT ngumiti si Shazna nang makapasok sa loob ng simbahan. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan, gagawin niya ang lahat upang hindi mawala sa kaniya si Lucas. Sa pagkakataong ito, hindi na siya susuko. Hinding-hindi na niya ito iiwan.Isang pagkakataon, iyon lang ang kaniyang hiling.Pumikit siya at taimtim na nanalangin sa Maykapal. Ilang minuto rin siya sa ganoong ayos hanggang sa muli niyang imulat ang mga mata. At ang tawanan ng ilang mga batang naglalaro sa labas ng simbahan ang unang bagay na umagaw sa atensiyon niya. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi bago nilingon ang mga bata mula sa bakal na bintana ng simbahan.Hindi inaasahan na sa kaniyang paglingon, ang mukha ng lalaking laman ng kaniyang mga dasal ang siyang bumungad sa kaniya."Lucas . . . " her voice cracked when their eyes met.Mabilis na tumibok ang kaniyang puso nang magkatitigan sila nito. Pakiramdam niya ay biglang bumagal ang ikot ng mundo."A-
Last Updated: 2022-03-29
Chapter: Chapter SixNAKATAYO si Shazna sa harap ng private bus, ang siyang sasakyan na gagamitin nila patungong Palawan. Sina Daniel at Sapphire, at sila na mga malalapit na kaibigan ng mga ito ang siyang mauuna sa lugar kung saan gaganapin ang kasal.Maliban sa kailangan i-featured ang kasal ng dalawa sa magazine ng kompanya na pagmamay-ari ng pamilya ni Vanessa, ay kilala rin ang mga ito sa buong bansa kaya paniguradong magiging laman sila ng balita. Daniel is the only son of a well-known business man, while Sapphire is the youngest daughter of the famous and rich action star, Ronaldo Baltazar.Para sa mga tao, maituturing na isa sa mga wedding of the year ang pag-iisang dibdib nina Daniel at Sapphire."Shazna, are you sure you're not coming with us?" pukaw sa kaniya ni Gabrielle.Nakatayo ito sa harap ng kotse ni Vanessa, habang ang huli naman ay abala sa pakikipag-usap sa kung sinumang kliyente nito sa cell phone. Napailing na lang siya nang makita ang kaibigan, kayod-ka
Last Updated: 2022-03-29