Share

Chapter Thirty-two

Author: Cinnamon
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.

Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?

Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!

Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!

Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.

Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps her so hard.

Hindi sila bagay dalawa. Para silang beauty and the Beaste. Of course, siya si Beast, at si Rafael ang magandang lalaking pinakasalan siya. Napakaguwapo nito sa suot nitong puting tuxedo, para itong prinsipe na labag sa loob na ikinakasal sa katulad niya.

Labag sa loob dahil halata sa mga larawan na ayaw ni Rafael sa kasal na iyon. Muli siyang bumuntong-hininga. Naalala niya ang pag-uusap nila kagabi. Alam niyang alam talaga ni Rafael na sa kaniya iyong photo album. Matalino ito, kaya siguradong hindi nito paniniwalaan ang ganoong kawalang kuwentang kasinungalingan.

Hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya, tanaw na ang bahay ni Rafael. Muli niya sanang ipapasok ang mga larawan sa loob ng envelope, pero napansin niya ang isang litrato ni Rafael. Kasama nito sa larawan si Samantha, nakapulupot ang kamay ng higad sa braso nito.

Nasaktan siya nang makitang nakangiti si Rafael. Iyon lang yata ang picture na nakangiti ito at mukhang masayang-masaya.

Mabigat ang loob na ibinalik niya sa loob ng envelope ang mga pictures saka pumasok sa bahay. Kahit naman anong gawin niya, mas lamang pa rin talaga si Samantha. She's beautiful and sexy, and a super model in America.

Bigla niyang naalala noong kumalat ang balitang ikakasal na sila ni Rafael. Pilit itinago ng lahat ang identity niya dahil may ilang tagahanga o warfreak fans sina Samantha at Rafael ang nagalit. Sa sobrang galit ng mga ito, pinagbantaan pa nilang hahanapin siya.

"Mga baliw," bulong na lang niya sa sarili.

"Hannah!" Nagulat pa siya nang marinig ang malakas na boses ni Rafael. Mabilis siyang lumingon at nakita itong kalalabas lang ng sariling sasakyan.

"Rafael! Ginulat mo naman ako!" Magkasalubong na ang mga kilay niya nang lapitan ako. Mukhang bad mood na naman ito dahil napakadilim ng mukha niya. "May dalaw yata," bulong pa ng isip ko.

"Where have you been? I've been calling you but your cell phone's off! Pumunta ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan mo, pero sarado! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Are you avoiding me again, Hannah?" Sunod-sunod ang mga tanong nito nang tuluyang makalapit sa kaniya.

Napatda naman si Hannah. Nagtatakang sinipat niya ang buong mukha ni Rafael. Ano ba ang nakain ng lalaking ito? Medyo hindi halata na galit na galit na naman ito. Nakita kaya nito si Samantha na may kasamang iba?

Sana! Sana mag-away na sila nang bonggang-bongga at tuluyan nang maghiwalay. Kahit hindi maging sila ni Rafael sa huli, nako! Magpapa-party talaga siya kapag hiniwalayan ni Rafael ang cheater na iyon!

"Iniiwasan agad? Rafael naman, busy lang ako." Inirapan niya ito bago lumapit sa hagdan.

"Wala ka bang pasok? Bakit sarado ang coffee shop n'yo?" Sumunod si Rafael sa likuran niya.

"No class. It's Saturday, hello? Saka, may pinuntahang importante si Ma'am Cristy kaya—" Hindi niya naituloy ang sinasabi nang bigla siyang hawakan ni Rafael sa baywang at kinabig paharap dito.

"Don't ever do that again, Hannah. Masiyado kang maagang umaalis at hindi ka man lang nagpaalam sa akin! Nag-aalala ako!"

Hindi niya nagawang sumagot agad. Nakatingin lang siya sa pulang-pulang mukha ni Rafael. Para itong kamatis na nasobrahan sa hinog, sa madaling salita, overripe tomato. Hindi tuloy niya napigilan ang sarili na hindi matawa.

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Rafael nang makita ang reaksiyon niya. Kagat-labi tuloy siyang nagpigil ng tawa. Naiilang siyang dumistansiya rito.

"Huwag ka nang magalit—" Natigilan siya sa pagsasalita nang maramdaman niya ang matigas na pader sa kaniyang likod. Kakaatras mula kay Rafael, hindi tuloy niya napansin ang dingding ng kusina.

Napangiti naman si Rafael. Lalo siyang nilapitan nito para ma-corner. "Palamigin mo ang ulo ko. Init na init ako dahil sa iyo."

Halos matulala siya sa mga sinabi ni Rafael. Mataman itong nakatitig sa kaniya at halos gahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Panay baba pa ng tingin nito sa mga labi niya na para bang . . . pinagbabalakan na naman siyang halikan.

No!

"Rafael?" Pilit niya itong nginitian. Kahit pa gustong tumalon ng puso niya palabas ng kaniyang dibdib, nagawa niyang maging kalmado sa harap nito.

Marahan niya itong itinulak sa matitipuno nitong dibdib. Subalit napasinghap siya nang bigla nitong hinuli ang kamay niya. Hinila siya ni Rafael palapit dito nang hindi tinatanggal ang pagkakatitig sa mukha niya.

"Yes, Hannah?" Sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa, amoy na amoy na niya ang mabango nitong hininga. Gumagamit ito ng mouthwash kaya ang fresh ng hininga nito, parang gusto niyang tikman.

Ay, shit! Nababaliw na naman siya!

Hindi siya nagpahalatang apektado siya sa ginagawa ni Rafael, kaya sinalubong niya ang mga mata nito.

"I have a surprise for you!" masigla niyang sabi na ikinangiti nito. Bumaba pa ang paningin nito sa bandang ano niya . . . doon, sa may kuweba.

Bastos talaga!

"Pipirmahan ko na ngayon din ang kontrata! Exciting, isn't it?"

Mabilis na naglaho ang ngiti sa mukha ni Rafael. Parang bula na bigla itong naglaho. Nag-isangguhit pa muli ang mga kilay nito.

"Ang saya, `di ba? Finally, pumayag na ako!" Nginitian niya ito nang malapad.

Ramdam niya ang pagkirot ng puso niya, pero kailangan niya itong gawin para hindi na siya umasa pa kay Rafael. Hindi sila nababagay. Kailangan niyang itanim iyon sa kaniyang utak.

"Nalimutan ko kasi, e. Sorry, huh?" Tinitigan niya nang mabuti ang mga mata ni Rafael. Inaasahan niyang liliwanag iyon at kikislap sa sobrang saya.

Matagal din itong hindi nakapagsalita. Tahimik siyang pinagmamasdan, na para bang tinatantiya kung seryoso siya o hindi. Makalipas ang ilang segundo ay ngumiti ito. Ngiting hindi abot sa mga mata.

"Let's not talk about that for now, Hannah. Hayaan na muna natin matapos ang anim na buwan."

Natigilan siya sa narinig. Totoo ba ang mga narinig niya? O pati pandinig niya, pinaglalaruan na rin siya? Hindi siya makapaniwalang tinanggihan ni Rafael ang bagay na iyon. Is he sick? May lagnat ba ito?

"Pero bakit?"

Banayad itong ngumiti bago kinuha ang kamay niya. "Dahil gusto ko."

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Lina De Guzman
ay, matagal na palang walang UD si author. Sayang naman po, maganda po tong novel nia
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
bakit Wala pang update?
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Ms. Cinnamon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Seducing My Overweight Wife   Prologue

    HILAM pa sa luha ang mga mata ng dalagang si Hannah nang maramdaman niya ang lamig na dulot ng malakas na aircon sa buong silid. Nanunuot iyon sa kaniyang balat na nakapagpadagdag lamang sa nararamdaman niyang kaba.Nasa loob siya ng isang malaking study room ng pamilya Fernando habang nakaupo sa harap ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas."Our deepest condolences, hija," saad ng matandang lalaki, the chairman of the well-known airline company in the Philippines and in Asia—the Delta Empire. Iyon ang naaalala niyang sabi ng mommy niya noong bata pa lamang siya."S-salamat po," tugon niya rito matapos magbaba ng tingin. Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.Tumikhim ang matanda. "We know that this is not the right time to talk about something like this, but we want you to marry my grandson as soon as possible."Dahil sa narinig, mabilis siyang nag-angat ng mukha. Ang totoo ay hindi na nabi

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter One

    "YOU may now kiss the bride!" Hindi na siya nagulat nang dampi lamang ang ginawad na halik ni Rafael sa kaniya matapos iyon sabihin ng pari. Ni wala itong katiting na kislap o sigla sa mga mata katulad ng ibang lalaking ikinakasal. Ano nga ba ang in-i-expect niya? Ang matuwa ito o ngumiti nang malapad? Himala na ngang maituturing na pumayag itong makasal sa kaniya. Humarap si Rafael sa mga taong abala sa pagpapalakpak. Ni wala itong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa camera. Wala ring makikitang bahid ng kahit na anong emosiyon sa mukha nito. Humarap na rin siya sa mga tao pero nakayuko lang ang ulo—dala na rin ng nararamdaman niyang hiya. Ilang beses siyang napalunok habang paulit-ulit silang kinukunan ng litrato ng mga mangreretrato. Hindi naman kasi lingid kay Hannah na alam ng mga taong naroon sa loob ng simbahan na wala ni katiting na pagmamahal si Rafael para sa kaniya. Ang totoo, hindi na iyon kailangan pang hulaan ng mga taong

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Two

    MAHIGIT tatlong oras ding nagkulong ang babaeng si Hannah sa loob ng suite habang nakatulala sa kawalan, nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Rafael. Sa loob ng ilang minuto, nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya ang matalim nitong paningin. Nang hindi niya makayanan ang nakapapaso nitong mga titig ay kusa siyang nagbawi ng tingin. "Nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Andrea," narinig niyang sabi ng lalaki mula sa malamig na tinig. Bahagya pa siyang nagtaka sa tinawag nito sa sariling ina, Andrea. Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang mga luhang nagbabadya na naman sa pagbagsak. Sandali niyang ipinikit ang mga mata at humugot ng malalim na hangin. Nagbaba siya ng tingin at pinilit na manatiling tahimik habang nasa paligid ang lalaki. Makalipas ang ilang sandali ay nilingon niya ito nang maramdaman ang pag-upo nito sa gilid ng kama malapit sa sofang inuupuan niya. "Gusto mo bang mag-honeymoon pa tayo

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Three

    "SH*T!" mahinang mura ni Hannah sa isip niya nang maalalang nakatuwalya nga lang pala siya. Mabilis siyang tumalikod mula sa lalaki sa labis na pagkapahiya. She heard him cussed under his breath. Naramdaman niya ang mga yabag nito patungo sa kama at sandaling nanatili roon. Pagkatapos niyon ay agad na rin itong lumabas ng kuwarto. Nang masigurong nakaalis na ito ay saka siya nagbuga ng hangin. "Ano ba itong ginagawa ko? Umaakto pa akong sexy! Hindi naman iyon magkaka-interest na tingnan ako, e!" sigaw ng isang bahagi ng isip niya. Umiirap siyang bumuntong-hininga. "Ano ba ito? Pati sarili ko, iniinsulto ko na," nakasimangot pa niyang dagdag. May pagmamadali siyang naglagay ng lotion sa buong katawan bago nagbihis ng pambahay. Nang matapos ay agad rin siyang bumaba dala ang sariling maleta. Hindi pa man tuluyang nakabababa mula sa hagdan ay muli siyang natigilan nang makarinig ng boses ng mga taong nag-uusap galing sa loob ng maliit na library. Kunot a

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Four

    SIMULA nang sabihin ni Hannah kay Rafael na hindi siya papayag sa pakikipaghiwalay nito, mas lalo pa itong dumistansya sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, maaga siya kung umalis ng bahay at late na kung umuwi. Kung sakali mang magtagpo ang mga landas nila sa kalagitnaan ng gabi, para itong walang kasamang tao sa paligid. Para bang hangin lang siya para sa lalaki. Ganoon siya kung ituring ni Rafael. Kaya nagdesisiyon siyang ibaling na lang sa pag-aaral ang buo niyang atensiyon. Malapit na ang finals nila kaya sinubsob na lamang niya ang sarili sa pagre-review. Kung walang klase, lagi siyang nasa loob ng library at abalang nag-aaral. Naisip na rin niya, kung iintindihin pa niya ang nangyayari sa buhay niya, mapapabayaan niya lalo ang pag-aaral niya. Ito na lang ang tanging bagay na mayroon siya sa ngayon. Hindi puwedeng mapabayaan niya ito. "Hey, kanina ka pa nandito?" Mula sa librong binabasa niya, nag-angat si Hannah ng paningin nang marinig ang boses

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Five

    TUMATAMA sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na tumatagos mula sa puting kurtina ng balkonahe ng kuwarto niya. Sa sandaling minulat niya ang mga mata, langhap agad ni Hannah ang pinaghalong amoy ng piniritong isda at sinangag.Napangiti siya nang bahagya nang maisip na dumating na si Aling Myrna at nagluluto na ng agahan. Naramdaman niya naman ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Ilang araw na kasi siyang hindi nakakakain nang maayos. Kagabi nga'y natulog lang siya na tanging tubig ang laman ng sikmura.Ang nakatatawa lang... hindi siya nakararamdam ng gutom kahit ilang araw na siyang walang matinong kain. Mas higit kasi ang sakit na nararamdaman niya sa puso kaysa sa sakit ng tiyan.Pero lahat ng pait at pighati, mabilis na naglaho nang masilayan niya ang larawang nasa ibabaw ng mahabang drawer sa harap ng kaniyang kama. Kuha iyon noong nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang. Noong family day nila sa school isang taon na ang nakararaan. Nakangiti silang tatl

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Six

    NAALIMPUNGATAN si Hannah nang marinig ang pabagsak na pagsarado ng pintuan ng bahay. Malakas ang naging pagtibok ng puso niya nang maisip na dumating na si Rafael. Mabilis niyang nilingon ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table niya, at nakitang alas-kuwatro na ng madaling araw.Narinig niya ang mabibigat na yabag sa hagdan. Dahan-dahan naman siyang bumangon at nagtungo sa pinto ng sariling kuwarto. Gusto niyang silipin kung si Rafael nga talaga ang dumating, at kung kasama nito ang babaeng si Samantha.Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ang siyang pagbukas naman ni Rafael ng pintuan ng silid nito. Pinagmasdan niya ito habang halos mabuwal na ito sa paglalakad. Lasing na lasing ang lalaki.Nang makita na tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kuwarto nito, muli na sana niyang isasara ang pintuan ng kuwarto niya, pero mabilis din natigilan nang marinig ang sigaw ni Rafael sa kabilang silid."Hannah!"Napasinghap siya sa ginawa nitong pagtaw

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Seven

    ISANG mariin na paglunok ang ginawa ng dalagang si Hannah nang makarinig ng impit na ungol mula sa pamilyar na boses. Tila siya pinanlalamigan ng katawan at halos manlumo sa kinatatayuan nang makilalang boses iyon ni Rafael."Raf! Harder, babe!"At si Samantha ang babaeng katalik nito. Napuno ng ungol ng dalawa ang buong paligid. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo at nakulong siya sa oras na iyon kung saan ang malalakas na ungol lang ng dalawa ang naririnig niya."Deeper, Raf!"Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago nagmamadaling bumaba ng hagdan at dumiretso sa labas ng bahay.Walang pag-aalinlangan siyang humakbang papalayo, nang hindi lumilingon sa pinanggalingan. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha niya nang makalayo sa bahay na iyon.Pakiramdam niya, sinasadya ni Rafael gawin ang lahat ng ito, upang saktan siya at mapahiya. Nang sa ganoon, ibigay na niya ang gusto nitong mangyari. Kasi kung hindi, bakit ito ginagawa n

Pinakabagong kabanata

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-two

    LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-one

    "Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty

    "Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-nine

    HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-eight

    "Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-seven

    NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-six

    HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-five

    UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-four

    HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang

DMCA.com Protection Status