Share

Chapter Five

Author: Cinnamon
last update Last Updated: 2022-04-03 22:47:13

TUMATAMA sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na tumatagos mula sa puting kurtina ng balkonahe ng kuwarto niya. Sa sandaling minulat niya ang mga mata, langhap agad ni Hannah ang pinaghalong amoy ng piniritong isda at sinangag.

Napangiti siya nang bahagya nang maisip na dumating na si Aling Myrna at nagluluto na ng agahan. Naramdaman niya naman ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Ilang araw na kasi siyang hindi nakakakain nang maayos. Kagabi nga'y natulog lang siya na tanging tubig ang laman ng sikmura. 

Ang nakatatawa lang... hindi siya nakararamdam ng gutom kahit ilang araw na siyang walang matinong kain. Mas higit kasi ang sakit na nararamdaman niya sa puso kaysa sa sakit ng tiyan.

Pero lahat ng pait at pighati, mabilis na naglaho nang masilayan niya ang larawang nasa ibabaw ng mahabang drawer sa harap ng kaniyang kama. Kuha iyon noong nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang. Noong family day nila sa school isang taon na ang nakararaan. Nakangiti silang tatlo habang nakaharap sa camera.

Sa gitna ng masayang paggunita sa isa sa masasayang alaala kasama ang kaniyang mga magulang, biglang nagbalik sa isipan niya ang nangyari kagabi. Malungkot siyang umiling. Grabe, sinusuhulan na siya ni Rafael, pumayag lang siyang makipaghiwalay rito. Ganoon ito kadesperadong mawala siya.

Tumayo si Hannah at humarap sa malaking salamin sa kanan ng kuwarto niya. Pinagmasdan niya ang sarili habang pinag-iisipang mabuti ang binabalak na gawin. May namumuo nang itim na bilog sa ilalim ng mga mata niya, idagdag pa ang pamumutla ng balat niya.

Bakas na bakas sa kaniyang buong katawan ang madalas na pagpapabaya sa kaniya sa kusina. Tila siya siopao na nasobrahan sa harina. Nalungkot siya nang walang makitang magandang bagay sa kahit na saang parte ng katawan niya. 

Nagpakawala siya nang malalim na hangin bago kinuha ang wallet sa loob ng school bag niya kung nasaan ang calling card na ibinigay sa kaniya ni Attorney Santiago. Mataman niya itong tinitigan bago kinuha ang cell phone na hiniram niya kay Athena.

Sinubukan niyang tawagan ang numero sa calling card, makalipas lamang ang dalawang ring, sinagot din agad ng attorney ang kaniyang tawag. 

"Hello. This is Attorney Santiago. How can I—"

Hindi na niya ito pinatapos na magsalita. "Attorney, pasensiya na po sa abala. Si Hannah po ito," pagsisimula niya habang nakapikit nang mariin.

"Oh, Hannah. Ikaw pala. How are you doing? Is there anything I can help you?"

Humugot ako nang malalim na hangin bago muling nagsalita, "S-si Rafael po... gusto po niyang maghiwalay na kami."

Hindi niya mapigilang hindi sisihin ang sarili. Napakatanga niya kasi. Bakit kailangan niyang umasa sa lalaking katulad ni Rafael? Kung bakit kasi sa dinami-rami ng lalaking puwedeng magustuhan noong bata pa lang siya, si Rafael Alejandro Fernando pa ang minahal niya? Naging madali siguro ang pagdedesisyon niya ngayon sa gusto niyang gawin, kung hindi niya lang ito minahal noon. 

"A-ano pong gagawin ko, attorney?" tila nawawalan ng pag-asang tanong niya sa babaeng abogado.

Ito ang maalam sa batas, kaya naniniwala siya na mas magandang ito ang kausapin. Masiyado siyang natataranta sa mga nangyayari. Hindi niya kayang magdesisyon nang mag-isa.

"I suggest, hija, na pumayag ka na lang sa gustong mangyari ni Rafael," malumanay nitong sagot na ikinatigil niya.

Hindi siya nakapagsalita sa pinaghalong pagtataka at pagkabigla. Hindi niya tuloy alam kung tama pa bang ito ang kinausap niya.

"Kumuha ka na lang ng malaking halaga bilang kapalit, Hannah."

Hindi siya umimik sa mga narinig. Baliktad sa sagot nito ang inaasahan niya at gusto niyang makuha. Nabibili na pala ngayon ng pera ang kasal?

"P-paano po kung hindi ako pumayag? Ano po ba ang magagawa ni Rafael? Ano ba ang mangyayari?" Kahit na katiting lang na pag-asa, gusto niyang kapitan. Ayaw niyang makipaghiwalay kay Rafael dahil natatakot siyang maiwan mag-isa. 

Kahit hindi pag-ibig ang dahilan ng pagsasama nila, ikinasal pa rin silang dalawa. Nakatali na siya rito, sa batas ng mga tao at sa mata ng Diyos. Hindi niya magagawang baliin ang sinumpaan niya sa harap ng altar.

"I don't think you know your husband very well, hija. He's capable of doing things na hindi aakalain ng ibang tao sa paligid niya na magagawa niya. But don't hate him. Mabait na tao si Rafael. Pili nga lang ang mga taong pinapakitaan niya ng kabaitan."

"At hindi ako kabilang sa mga piling taong iyon, ganoon ba? Iyon ba ang gusto nitong sabihin sa akin?" Pinigilan niya ang sarili na isatinig ang nilalaman ng isip.

Hindi pa man siya nakapagsasalita, bigla siyang nakarinig ng paghinto ng isang kotse sa labas ng bahay. Nang maisip na si Rafael iyon ay halos tumalon sa labas ang puso niya.

"Hiwalayan mo na lang siya, hija." Muli niyang narinig ang boses ni Attorney sa kabilang linya.

Ilan sandali pa ay rinig na niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kuwarto ni Rafael.

Nalungkot siya sa isiping galing ito kay Samantha. God knows kung ano ang ginawa nilang dalawa.

"Kahit po ano ang piliin ko, pakiramdam ko, talo pa rin ako."

"Kung gano'n, at least, piliin mo ang desisiyon kung saan makikinabang ka."

Iyon ang huli niyang narinig mula sa attorney bago siya tuluyang nagpaalam dito. Ibig bang sabihin, kailangan niya talagang hiwalayan si Rafael?

TANGHALI na nang lumabas siya ng kuwarto. Nakahanda na ang pagkain sa mesa pero ni hindi lumalabas mula sa kuwarto nito si Rafael. Wala rin naman siyang ganang kumain. At saka, nahihiya siya na baka abutan siya nitong lumalamon matapos ng nangyari kagabi. Kung mangyayari iyon, wala na talaga siyang mukha na ihaharap dito.

"Ano'ng pangalan mo, ineng?" tanong ni Aling Myrna sa kaniya habang tinatapos niyang inumin ang malamig na tubig sa basong hawak niya.

"Hannah po, manang," sagot niya rito at nginitian ito.

"Hannah, huwag mo sanang mamasamain itong sasabihin ko."

Bahagya siyang natigilan nang maisip na pagsasabihan na naman yata siya tungkol sa timbang niya o kahit na anong bagay na may kinalaman sa taba niya.

Nagbigay nang mabining ngiti ang matanda. Hindi niya maiwasang hindi ngumiti pabalik dito dahil sa init na nararamdaman niya dahil sa ngiti nito. Iyong ngiting sincere, iyong ngiti ng mga nanay. Ganoon ang ngiti ngayon ng babae.

"Sana sa halip na layuan mo si Rafael, ipakita mo sa kaniya na asawa ka niya. Hindi iyong pareho kayong nagkukulong sa kuwarto ninyo," saglit siyang natigilan sa sinabi nito. "Ang mga lalaki, kapag ipinakita mo sa kanila na mahalaga sila sa 'yo at inaalagaan mo sila, madaling mahuhulog ang loob nila sa 'yo."

Bigla siyang napaisip, sabagay. Ngayon niya lamang napagtanto, reklamo siya nang reklamo, nagde-demand sa isip na ituring siya ni Rafael na parang asawa pero wala naman siyang ginagawa para bigyan ito ng dahilan na tingnan siyang ganoon. 

"Ilang taon kong inalagaan ang batang iyan. Mabait naman iyan, ineng. Bigyan mo lang ng oras," dagdag ng matanda. Kung titingnan ay nasa animnapu na ang edad nito, yaya kaya ito ni Rafael?

Lumakas ang tibok ng puso niya nang biglang bumaba si Rafael mula sa itaas at halata pa sa mukha nito ang pagkaaburido. Dahil sa takot at gulat, nang lumapit ito sa refrigerator ay mabilis siyang napaatras. Kumuha ito ng isang miniral bottle sa loob ng ref. May problema kaya ito? Hindi kasi maipinta ang mukha nito. 

"Get dress. May pupuntahan tayo," malamig nitong wika nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

Natigilan siya nang maisip na baka pupunta sila sa judge, o sa mga may kapangyarihan para pilitin siyang pumirma ng kontrata.

Kahit na kinakabahan ay mabilis siyang sumunod sa utos nito. Ilang oras lang ang lumipas ay nasa daan na sila, lulan ng mamahalin nitong kotse at patungo na sa kung saan ito lang ang nakakaalam. Luminga-linga pa siya sa labas ng bintana nang mapansin na ang daan papunta sa bahay ng mga Fernando ang tinatahak nila.

"Ano'ng gagawin natin dito, Rafael?" Halata sa tinig niya ang kaba.

Halos hindi na marinig ang kaniyang boses sa takot na baka bigla itong magalit. Nakakunot ang noo at matalim ang mga titig nito habang nagmamaneho. Ramdam niya ang init ng ulo ni Rafael, para nga itong nag-aapoy sa galit. 

"Nagsumbong ka ba?" pigil ang inis na anas nito.

Agad naman siyang napatingin dito dahil doon. "H-huh?"

"Forget it." Galit na ipinarada nito ang kotse sa labas ng mansiyon ng mga Fernando.

Hindi pa man nakabababa ay nakita na niya si Andrea habang nakatayo ito sa bungad ng malaking pintuan ng mansiyon. Mabilis siyang sumunod kay Rafael.

"Hijo!" baling ng babae sa anak nito. Hinalikan ito ni Rafael sa pisngi at ngumiti naman ito sa kaniya bago lumapit at nakipagbeso. 

"Where is he?" malamig na tanong ni Rafael sa ina. 

"He's in the study room. Kanina niya pa kayo hinihintay ni Hannah." Mabilis na naglakad patungong study room si Rafael.

Malakas naman ang kabog ng dibdib na sumunod siya rito. Ano ba kasing nangyayari? Bakit ba parang may digmaan na magaganap? Pakiramdam niya, anumang oras ay aatakihin siya sa puso dahil sa tensiyon sa paligid.

Huminto sa harap ng malaking pinto ng study room si Rafael. Matapos nitong kumatok nang ilang beses ay binuksan na nito ang pintuan at pumasok. 

"Grandpa," bungad ni Rafael nang tuluyan silang makapasok sa loob ng silid.

Nanuot naman agad sa kaniyang balat ang lamig na dala ng aircon sa loob. Mula sa librong hawak, nakita niyang nalipat ang atensiyon ng chairman sa kanila. 

"Kumusta ka, hija?" 

Baling nito sa kaniya na agad niya naman sinagot. "O-okay l-lang po..." nauutal niyang tugon.

Halos ayaw lumabas ng boses mula sa loob ng bibig niya dahil sa labis na kaba. Tinanguan siya nito at pagkatapos ay saka binalingan si Rafael. Wala naman ka-emo-emosiyon sa mukha ang lalaki.

"Are you treating her right, Rafael?"

Mula sa sahig, mabilis siyang nag-angat ng mukha sa naging tanong ng matanda. Mga ilang minuto rin ang lumipas bago nakasagot si Rafael dito. 

"Yes, grandpa."

Nagyuko na lang muli siya ng ulo at pumikit nang mariin. Gusto niya sanang magsalita at sabihin sa matanda ang tungkol sa planong pagkuha ng divorce ni Rafael para hindi na iyon matuloy, pero laking gulat niya sa mga sumunod na nangyari.

Ang libro na hawak ng matandang chairman kanina ay bigla na lamang lumipad sa ere. Marahas nito iyong ibinato kay Rafael. Mabuti na lamang at mabilis na nakailag sa libro ang lalaki. 

"You're a married man, Rafael! What on earth are you doing with that woman! At hindi ka pa raw umuwi kagabi? You stayed in your mistress' house! Are you out of your mind!" singhal nito kay Rafael, ngunit hindi man lang natinag ang huli sa kinatatayuan. Ni wala itong reaksiyon sa nangyayari. Poker face pa rin ito.

Palakas nang palakas naman ang kabog ng dibdib niya. Sunod-sunod na kirot sa puso ang naramdaman niya dahil sa mga narinig.

Alam na alam niya kung saan natulog kagabi si Rafael. Pero ang marinig ito mula sa ibang tao at makumpirma, masakit pa rin pala.

"How can I leave my company with someone so irresponsible! Kung ganiyan ang istilo mo, puwes!" galit nitong wika at sunod-sunod na napailing, "Hindi na kita mapagkakatiwalaan! Ayusin mo iyan, Rafael!" dagdag pa nito.

Naramdaman niya na lang ang mahigpit na paghawak ni Rafael sa kamay niya. Hinila siya nito paalis nang hindi man lang nagpapaalam sa chairman.

Buong biyahe pabalik ay tahimik lamang sila. Hindi niya rin magawang magsalita dahil alam niyang mas magagalit lang ito sa kaniya. Ang tingin niya ngayon, parang nagliliyab na apoy si Rafael at siya ang gasolina. Alam niyang mas lalo itong magliliyab sa galit kapag nagsalita siya.

Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay nila, tahimik siyang bumaba mula sa kotse nito. Pagkababa na pagkababa pa lang ay pinaharurot na nito ang kotse palayo.

Nang gabing iyon, hindi na naman umuwi si Rafael. Marahil ay kasama na naman nito si Samantha. Nang gabi ring iyon, muli niyang nakatulugan ang pagluha nang nag-iisa.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hay naku Rafael Tama Ang grandfather mo na may Asawa ka na tapos malalaman nila na natulog ka sa kabit mo, dapat itrato mo si Hannah bilang Asawa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Six

    NAALIMPUNGATAN si Hannah nang marinig ang pabagsak na pagsarado ng pintuan ng bahay. Malakas ang naging pagtibok ng puso niya nang maisip na dumating na si Rafael. Mabilis niyang nilingon ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table niya, at nakitang alas-kuwatro na ng madaling araw.Narinig niya ang mabibigat na yabag sa hagdan. Dahan-dahan naman siyang bumangon at nagtungo sa pinto ng sariling kuwarto. Gusto niyang silipin kung si Rafael nga talaga ang dumating, at kung kasama nito ang babaeng si Samantha.Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ang siyang pagbukas naman ni Rafael ng pintuan ng silid nito. Pinagmasdan niya ito habang halos mabuwal na ito sa paglalakad. Lasing na lasing ang lalaki.Nang makita na tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kuwarto nito, muli na sana niyang isasara ang pintuan ng kuwarto niya, pero mabilis din natigilan nang marinig ang sigaw ni Rafael sa kabilang silid."Hannah!"Napasinghap siya sa ginawa nitong pagtaw

    Last Updated : 2022-04-04
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Seven

    ISANG mariin na paglunok ang ginawa ng dalagang si Hannah nang makarinig ng impit na ungol mula sa pamilyar na boses. Tila siya pinanlalamigan ng katawan at halos manlumo sa kinatatayuan nang makilalang boses iyon ni Rafael."Raf! Harder, babe!"At si Samantha ang babaeng katalik nito. Napuno ng ungol ng dalawa ang buong paligid. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo at nakulong siya sa oras na iyon kung saan ang malalakas na ungol lang ng dalawa ang naririnig niya."Deeper, Raf!"Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago nagmamadaling bumaba ng hagdan at dumiretso sa labas ng bahay.Walang pag-aalinlangan siyang humakbang papalayo, nang hindi lumilingon sa pinanggalingan. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha niya nang makalayo sa bahay na iyon.Pakiramdam niya, sinasadya ni Rafael gawin ang lahat ng ito, upang saktan siya at mapahiya. Nang sa ganoon, ibigay na niya ang gusto nitong mangyari. Kasi kung hindi, bakit ito ginagawa n

    Last Updated : 2022-04-05
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Eight

    ILANG araw na ang lumipas, ilang araw na rin silang nag-iiwasan ni Rafael. Hindi pa man sumasapit ang alas-sais ng madaling araw, umaalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho. Kahit ang totoo nama'y ayaw niya lang talagang mag-abot sila ni Rafael sa bahay.At isa pa, ayaw niya rin na makita ang dalawa na maglandian. Panigurado, hindi niya kakayanin iyon.Noong gabing iyon, matapos nitong ipaalam na sa bahay nito patitirahin si Samantha, wala na siyang ibang nagawa kundi tumango at pagkatapos ay umiyak sa silid niya. Sino ba siya para humindi? Hindi kaniya ang bahay, hindi rin kaniya si Rafael. Wala siyang karapatan sa mga ito.Sinisiguro niya lang na hindi talaga sila magkikita ng lalaki. Bago ito magising o si Samantha ay nakaalis na siya ng bahay. Sa gabi naman, late na rin siya umuuwi. Minsan ay alas-siyete na, madalas, alas-otso y medya. Sa mga oras na iyon, panigurado busy na sa panghimagas ng mga ito ang dalawa kaya hindi na siya mapapansin pa.

    Last Updated : 2022-04-07
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Nine

    MAHINA siyang napasinghap nang makita ang pagtigil ng sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Bakit ngayon lang ito nakauwi? Hindi ba dapat kanina pa ito sa bahay?Nakagat niya ibabang labi habang nakatitig pa rin sa kotse ni Rafael. Matapos ng ilang segundo, tuluyan na itong umibis ng sasakyan. Pagkababa na pagkababa pa lang ay matalim na agad ang mga mata nito.Kahit na nilalamon ng kaba, nakapagpasalamat siya sa lahat ng santo nang mapansin na hindi nito kasama si Samantha. Baka kasi gumawa na naman iyon ng eksena, mahirap na.Lumapit sa kanila si Rafael nang hindi inaalis ang matalim pagkatititig sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng paningin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito."Bakit ngayon ka lang?" mahinahon ngunit matigas nitong tanong nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Bullet.Napalunok siya bago sinulyapan ang lalaking si Bullet. Napansin niya ang pagtataka sa mukha nito habang nagpapalipat-lipat ito n

    Last Updated : 2022-04-08
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Ten

    TRISTAN'S question caught Hannah off guard. Aminado siya sa sarili niya noon tungkol sa nararamdaman niya para kay Rafael, pero ngayon, hindi na siya sigurado.Puro pasakit at luha na lamang ang ibinibigay sa kaniya ng lalaki. Sa tuwing nakikita niya ito, o kahit maisip man lang, lagi siyang nasasaktan. Hindi niya naisip na ang taong minsang minahal niya noon, ay magdudulot sa kaniya ng labis na pasakit ngayon.Sa pangalawang pagkakataon, tila nakuha ni Tristan ang hinihinging kasagutan nito sa pagtahimik niya."That asshole," sambit muli nito at napasandal na sa kinauupuan.Biglan naman dumating ang dalagang si Ella dala ang order ng lalaki. Muli silang nabalot ng katahimikan matapos ilapag ni Ella ang mga pagkaing in-order nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang hindi kabahan. Paano kung ipaalam nito kay Rafael ang tungkol sa trabaho niya?Makalipas ang ilan pang sandali na puno ng katahimikan, nagsalita uli ang lalaki. "Alam mo na ba ang tungkol ka

    Last Updated : 2022-04-11
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Eleven

    "DITO ka natulog kagabi!" Mabilis na tinakpan ni Hannah ang bibig ng kaibigang si Cassandra nang bahagyang tumaas ang tinig nito. Kinuwento niya kasi sa babae na hindi siya umuwi at doon sa coffee shop natulog. Mabuti na lamang dahil pinayagan siya ng boss nila. "Ikaw babae, umamin ka nga sa akin, maayos ba naman iyang pakikitungo sa iyo ng kaibigan ng magulang mo?" nakapamaywang pang tanong ng babae. Nagbuga siya ng hangin. Kung alam lang nito ang totoong nangyayari sa buhay niya, paniguradong kung hindi sisigawan ay babatukan siya ng kaibigan. "Maayos naman," pabulong niyang sagot habang inaayos ang mga table cloth sa ibabaw ng mesa. Sampung minuto na lang kasi ay magbubukas na sila. "Kung maayos, bakit ka naman dito matutulog, ha? Inaapi ka ba nila? Sinabi na kasing sa amin ka na lang tumira!" Napabuntong-hininga na lamang siya sa narinig. Nang malaman ng mga ito na nakatira siya sa bahay ng family friend nila, agad siyang inalok ng

    Last Updated : 2022-04-12
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twelve

    "RAFAEL!"Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at pilit na pinatayo. "Excuse us," cold na sabi ni Rafael at pagkatapos ay hinila siya palabas ng coffee shop.Nang dahil sa gulat, hindi na niya nagawang tumutol pa at nagpatianod na lang hanggang sa makalayo sila ng shop.Nararamdaman na niya ang pananakit ng braso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. Kaya nang huminto sila sa isang tabi, marahas niyang binawi ang sariling braso. "What's this? You're working here?" pabulong ngunit mariin nitong tanong.Napalunok siya nang matitigan ang mga mata ni Rafael. Matalim iyon at tila nag-aapoy sa galit. Mapapansin din ang pagpipigil nito sa sarili. Natakot tuloy siya dahil parang mananakit na ito sa tindi ng inis na makikita sa mukha nito.Dahil sa takot, ilang beses din siyang napaatras mula rito, bagay na napansin ni Rafael kaya muli siya nitong hinawakan sa braso."Dahil ba sa lalaki mo kaya ka hindi umuwi kagabi?" Ma

    Last Updated : 2022-04-12
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirteen

    "Tristan, ako na."Nagpalipat-lipat ng tingin ang lalaki sa kanilang dalawa ni Rafael matapos ng sinabi ng huli, nakapaskil na ang ngiti sa mukha nito. Sinulyapan pa siya ng lalaki at kinindatan bago tinapik qsa balikat si Rafael at umalis na. "Three thousand five hundred pesos," wala sa sariling nasabi niya nang balingan ng tingin ang lalaki.Nakita niya ang pagdukot nito ng wallet sa bulsa ng suot nitong black pants, at ang pag-abot sa kaniya ng isang libo.Halos batukan niya ang sarili nang makita ang panginginig ng kamay niya habang inaabot ang pera. Kahit nahihirapan dahil parang may nakabara sa kaniyang lalamunan, pinilit niyang lumunok habang nakatuon ang atensiyon sa ginagawa."Give me your number."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Huh?""I said, give me your cell phone number," ulit nito na parang nauubusan ng pasensiya.Mariin niyang pinaglapat ang mga labi bago nagbuga ng malalim na hangin

    Last Updated : 2022-04-13

Latest chapter

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-two

    LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-one

    "Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty

    "Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-nine

    HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-eight

    "Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-seven

    NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-six

    HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-five

    UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-four

    HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang

DMCA.com Protection Status