Share

Chapter Six

Author: Cinnamon
last update Last Updated: 2022-04-04 16:09:13

NAALIMPUNGATAN si Hannah nang marinig ang pabagsak na pagsarado ng pintuan ng bahay. Malakas ang naging pagtibok ng puso niya nang maisip na dumating na si Rafael. Mabilis niyang nilingon ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table niya, at nakitang alas-kuwatro na ng madaling araw.

Narinig niya ang mabibigat na yabag sa hagdan. Dahan-dahan naman siyang bumangon at nagtungo sa pinto ng sariling kuwarto. Gusto niyang silipin kung si Rafael nga talaga ang dumating, at kung kasama nito ang babaeng si Samantha.

Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ang siyang pagbukas naman ni Rafael ng pintuan ng silid nito. Pinagmasdan niya ito habang halos mabuwal na ito sa paglalakad. Lasing na lasing ang lalaki.

Nang makita na tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kuwarto nito, muli na sana niyang isasara ang pintuan ng kuwarto niya, pero mabilis din natigilan nang marinig ang sigaw ni Rafael sa kabilang silid. 

"Hannah!"

Napasinghap siya sa ginawa nitong pagtawag sa kaniyang pangalan. Para bang may kuryenteng dumaloy sa buo niyang katawan.

Nakaramdam siya ng matinding kaba, hindi malaman kung sasagot ba, tatakbuhin ito sa kuwarto nito o magbibingi-bingihan na lang. Pero nang maisip na baka may problema ito, tumalima agad siya para puntahan ito sa kuwarto.

Huminto siya sa bungad ng pintuan ni Rafael. Mula roon, walang imik niyang sinilip si Rafael habang nagkukubli sa pinto. Madilim sa kuwarto nito at tanging ang ilaw na nanggagaling sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa loob.

Mula sa kinatatayuan ay nakita niya si Rafael habang nakatayo ito at nakasandal sa malaking kabinet sa tabi ng flat-screen TV sa harap ng kama. Tila ba hinihintay talaga nito ang pagdating niya. 

Nang maramdaman ang presensiya niya, habang nakasandal pa rin sa puting kabinet at nakapikit ang mga mata, pilit nitong inaabot sa kaniya ang hawak nito. Noon niya napansin ang isang folder na hawak nito sa kanang kamay. 

"A-ano iyan?" may pag-aalinlangan niyang tanong kahit na may ideya na siya sa kung ano ang nilalaman ng folder na iyon.

"Annulment papers."

At nakumpirma nga ng sinabi nito ang hula niya.

Mataman niyang tinitigan ang mukha ni Rafael habang panaka-nakang sumusulyap sa folder na nasa kamay nito. Nang hindi niya tanggapin iyon ay hinagis ito ni Rafael sa kaniya. Nahulog ang papel sa mismong paanan niya, ngunit iniwasan niya naman itong tingnan.

"Rafael, sinabi ko nang—"

"Ikaw," putol nito sa kaniyang sinasabi. "Ikaw at si Grandpa... ang balakid sa mga plano ko."

"Plano?" ulit ng isang bahagi ng utak niya. 

Maraming katanungan ang pumasok sa isipan niya nang dahil sa sinabi nito, pero isa lang ang nasisiguro niya—na isa siyang tinik sa lalamunan ng lalaking lihim niyang minamahal noon.

"Mawala ka na lang," napaangat siya ng mukha nang marinig ang bulong ni Rafael.

Bulong iyon pero tila bomba na nagpabingi sa pandinig niya. Bulong na nagawang basagin sa ilang libong piraso ang kaniyang puso. Bakit ba madali lang para sa ibang tao ang manakit ng damdamin ng iba, lalo na ng mga taong nagpapahalaga sa kanila? 

Doon niya hindi napigilan ang sarili na lumuha. Alam niyang iyon ang gusto nitong mangyari, ang mawala siya, pero masakit pa rin na marinig mismo mula sa bibig ng taong tanging kinakapitan mo. 

"Six months is all I asked, Hannah. Hindi mo pa kayang ibigay!" Pilit itong humaharap sa kaniya habang nakahawak sa kabinet bilang suporta. "Babayaran naman kita. Ano pa ba ang gusto mo!" desperation is now visible in his voice.

Napalunok siya nang mahimigan nang matinding kagustuhan nitong mawala siya.

"Bakit, Rafael?" tila hangin na lumabas mula sa kaniyang bibig ang tanong, pero alam niyang hindi iyon aabot sa pandinig nito. 

Wala na siyang pamilya at si Rafael na lamang ang mayroon siya ngayon. Para sa kaniya, walang tutumbas na halaga kay Rafael. Ganoon kaimportante sa kaniya ang lalaki, kahit pa wala siyang halaga rito.

Kaawa-awa man kung pakikinggan, pero ayaw niyang mawala ito. Hindi pa niya kaya ang maiwan na mag-isa. Kailangan niya ng masasandalan. Gusto niyang isipin na kahit ayaw sa kaniya ng lalaking pinakasalan niya, at least, may pamilya pa rin siya.

Humugot siya ng hangin bago pinahid ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi niya. Hindi man siya kasing seksi at kasing ganda ni Samantha, pero nasisiguro niyang hindi mapapantayan nito ang nararamdaman niya para kay Rafael. She was given a chance to be with him, so she won't give up that easily. 

"We just got married, Rafael," giit niya sa lalaki.

Bahala na si Batman, pero hindi siya papayag. 

"Hindi ko sinasabing maghiwalay tayo agad! May anim na buwan pa, Hannah!"

"E, bakit ka pa nagpakasal sa akin? O sana pineke mo na lang ang marriage contract natin para wala kang problema ngayon!" hindi niya maiwasan ang hindi magtaas ng boses habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kaniyang mga luha.

"Kung puwede lang. Hell! Ginawa ko na!" pabulyaw nitong tugon. Mahahalata sa boses nito ang pagpipigil ng galit. Napasabunot pa ito sa sariling buhok habang mariing nakapikit ang mga mata. 

"No! Ayoko!" iling niya sa mga sinabi nito. 

Hindi sumagot si Rafael. Matagal itong nanatiling tahimik habang nakapikit pa rin ang mga mata nito.

Makaraan ang ilang minuto ay bigla itong nagsalita, "Why are you doing this? Pareho natin hindi ginusto ito, Hannah. Be practical. Wala na nga ang mga magulang mo! Stop acting like a brat!"

Natahimik siya matapos marinig ang mga bagay ng iyon. Biglang sumagi sa isip niya ang hitsua ng walang buhay na katawan ng kaniyang mga magulang sa ospital noong araw na naaksidente ang mga ito.

Nang mapagtanto ni Rafael ang sariling sinabi, tila nahimasmasan ito. Makalipas ang ilang minuto ay nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki. Hindi na ito mababakasan ng galit sa mukha. Ang tanging mapapansin na lamang dito ay ang konsensyang nararamdaman na kitang-kita sa mga mata. 

Huminga siya nang malalim matapos ang mahabang katahimikan na namagitan sa kanila. Nagpapasalamat siya dahil malamlam ang ilaw na nagmumula sa labas, kung kaya't hindi nakikita ni Rafael ang mga luha niya na patuloy ang pagbuhos.

Huminga siya nang malalim at pilit pinatatag ang tinig. "Kung gusto mo talagang hiwalayan ako, sige, pumapayag na ako. Pipirmahan ko ang annulment papers na iyan, pero pagkatapos na ng six months," pabulong ngunit may diin niyang wika. Pinipigilan ang sarili na mapiyok.

"Paano ko masisiguro na pipirma ka?" Rafael asked and she looked at him with disbelief. Ngayon ay matalim muli ang mga mata nito.

Umiling siya sa matinding inis na nararamdaman. "Bahala na sa iyo, Rafael! Basta, iyon ang gusto ko!"

Tatalikuran na sana niya ito pero bigla ring natigilan nang marinig ang mga sinabi ng lalaki. 

"If you're doing this because you think I'll fall for you later, then, you are wrong, Hannah."

Iyon ang mga huling salitang narinig niya bago tuluyang tinalikuran ang lalaki at pumasok sa sariling silid.

Pagkasarado pa lang ng pintuan sa kaniyang likuran, mabilis na nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha sa pisngi niya.

Gusto niyang tanungin kung ganoon ba talaga kahirap mahalin o kahit irespeto man lang ang isang katulad niya.

KINAUMAGAHAN ay mugto mula sa pagluha ang mga mata ni Hannah. Linggo noong araw na iyon kaya naisip niyang lumabas at magtungo sa simbahan. Bago umalis ay dumaan siya sa kusina para uminom ng tubig. 

Nagtatanong naman ang mga mata ni Aling Myrna nang kausapin niya ito. Mukhang napansin nito ang namamaga niyang mga mata. Mabuti na lang dahil hindi na nag-usisa pa ang matanda. Sinabihan na lang niya itong tingnan at dalhan ng pagkain si Rafael dahil may hang-over ang lalaki. Matapos niyon ay nagpaalam na rin siya rito at dumiretso na sa simbahan.

She wanted to ask for forgiveness and let Him know how much she's still thankful to Him. Kasi kahit na ang hirap ng pinagdadaanan niya sa mga oras na iyon, alam niyang nandiyan lang Siya. Na may plano para sa kaniya ang Diyos. At kung hindi man kasali sa mga plano Nito para sa kaniya si Rafael, then she will openheartedly accept it.

Kagabi matapos ng naging sagutan nila ng lalaki, napagtanto niyang hindi niya ito maaaring pilitin na mahalin siya o tanggapin. Hindi por que kinasal sila ay aangkinin na nila ang isa't isa.

Napag-isip-isip niya na hindi siya binigyan ng karapatan ng marriage certificate nila para mang-angkin ng kahit na sino. Ikinasal lang sila ni Rafael, pero hanggang doon lang iyon. Hanggang pagiging asawa lang sa papel ang karapatan niya rito. 

Pagkatapos magsimba ay nagtungo naman siya sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ng kaibigan niyang si Cassandra. May kaya ang pamilya ng mga ito, pero pinipili pa rin ng babae ang mag-part-time para sa sariling mga gastusin. Humingi siya ng tulong dito para makahanap ng trabaho.

Kahit naman kasi college student siya ay baka walang tumanggap sa kaniya bilang part-timer sa mga mall o sa ibang trabaho. Mga pang-miss universe kasi ang kadalasan na hanap ng iba sa mga aplikante. Sigurado siyang walang tatanggap sa kaniya dahil malayo siya sa pagiging sexy. Naiintindihan niya na kapag maganda, malakas ang benta.

"Tamang-tama! Kailangan namin ng cashier, best! Minsan, all around na rin. Six thousand a month nga lang dahil part-timer ka. Bet mo?" masigla nitong tanong habang malapad ang ngiti sa mga labi. 

Sunod-sunod siyang tumango sa dalaga. Malaki na rin iyon. Para sa isang cashier sa isang coffee shop, okay na ang ganoong suweldo. Naisip niyang kailangan niyang magtrabaho para naman makaipon bago sila maghiwalay ni Rafael. After six months ay itatapon na siya nito. Saan naman kaya siya pupulutin kung hindi siya magbabanat ng buto? 

Isipin pa lang na maghihiwalay sila ni Rafael balang araw ay nasasaktan na siya. Simula pagkabata niya hanggang sa pagdadalaga ay si Rafael lang ang tanging hinangaan niya.

Laman ng diary niya ang mga larawan nito at ang iba roon ay nakadikit pa sa pader ng silid niya. Hindi siya nahirapan noon na mangulekta ng mga larawan ng lalaki dahil laganap sa internet ang picture nito, lalo na nang mapabalitang nakikipag-live in ito kay Samantha sa America.

Isa ba namang sikat na Fil-Am model sa Pilipinas and one of the youngest bachelor in the Philippines, nabalitaang nagli-live in. Paniguradong pagkakaguluhan iyon ng mga tao. Mahigit isang taon din na ang dalawa lamang ang front cover ng mga sikat na magazines sa bansa. 

Napabuntong-hininga na lang siya nang maalala ang pagkabaliw niya noon sa lalaki. Ito rin marahil ang dahilan kaya labis siyang nasasaktan ngayon. Hindi niya matanggap na matapos niyang ikasal sa lalaking kinabaliwan noon, hihiwalayan din pala siya nito. 

"P-pero, best, papayag kaya sila? I mean, iyong boss mo, hindi naman kasi ako gandahin, oh. Hindi rin ako seksi, baka hindi ako matanggap," nahihiyang sabi niya sa babae.

Itatago niya pa ba? Basta naman overweight, pangit na sa mata ng iba.

"Ano ka ba? Tita ko ang may-ari nito! Welcome ka rito! At saka, college na tayo at matalino ka kaya walang dahilan para hindi ka niya tanggapin!" masayang turan ni Cassandra. 

NAKAHINGA siya nang maluwag nang sabihin ni Cristy, ang kaniyang bagong boss, na tanggap na siya sa trabaho. Ito ang tita ng kaibigan niyang si Cassandra. Sa susunod na araw mismo ang simula niya. 

Ilang ulit siyang nag-thank you sa babae dahil sa labis na katuwaan. Ni hindi nito alintana ang dami ng customer, nagbigay pa rin ito ng oras para makausap siya.

Hindi lang mabait ang babae, para sa isang tatlumpung-apat na taong gulang, napakaganda rin nito. Makinis at maputi ang kutis nito, tila porselana. Singkit ang mga mata nito at parang isang koreana.

Ayon sa kaibigan niyang si Cassandra, single pa rin ito dahil ibinuhos nito ang atensiyon sa pagpapalago ng bake and pastry shop nitong Brown Flower Cafe, kaya naman, ngayon ay isa na sa mga kilala sa kanilang lugar ang kainan ng babae.

Ang naging problema niya lang, walang magkasya na uniporme para sa kaniya kaya kinailangan niya pang magpatahi ng bago. May libreng uniform kasing ipinamimigay sa kanila ang kanilang boss. Pero wala naman siyang poproblemahin sa pagbabayad dahil sagot ng babae iyon. 

Maraming mga bagay ang itinanong sa kaniya ni Cristy, kabilang na roon ang free time niya dahil sa pagiging part-timer niya. Kaya sa mismong araw na iyon, nagdesisyon siyang ipalipat lahat ng klase niya sa hapon at gabi, para makapagtrabaho siya sa umaga. Alam din niyang ikasasaya ni Rafael ang ganoon, ang hindi sila magkita sa bahay.

"Mawala ka na lang," umaalingawngaw pa rin sa isip niya ang bagay na sinabi nito.

Sa tuwing naaalala niya iyon, pakiramdam niya ay sinasaksak ng kutsilyo ang kaniyang puso. Ngayon niya napatunayan na hindi mo kailangan mahalin ang isang lalaki para masaktan sa mga sasabihin nitong masama sa iyo.

Inabot din siya nang isang oras sa Brown Flower Cafe ni Cristy dahil may ipinaliwanag pa ang babae sa kaniya. Ayon din dito ay bukas sila mula 6 AM hanggang 8 PM ng gabi. Ang oras naman ng pagpasok niya ay 6:30 AM hanggang 3 PM. Binigyan siya nito ng konsiderasyon kagaya ng pamangkin nitong si Cassandra. 

Plano niyang tustusan ang sariling pag-aaral. Aaminin niyang masiyado niyang nabaliwala ang sariling pride para kay Rafael. Ngayon ay susubukan niyang bawiin at muling itaas iyon. 

Alas-siete ng gabi nang makauwi siya. Sa halip kasi na bukas ay nagdesisyon siyang ngayon na lang mag-umpisa sa pagtatrabaho.

Nalaman niyang sarado dapat sila sa Linggo, pero may mga Linggo talagang pumapasok si Cristy upang magbukas pa rin ng cafe shop nito. Hindi naman nito inoobliga ang mga staff nito na pumasok din, sadyang ang mga waitress lang nito ang nagdedesisiyon na pumasok dahil na rin sa kabaitan ng babae.

Naalala niyang tuwing Sabado ay dapat buong araw siya sa cafe shop, iyon ang napagkasunduan nila ni Cristy.

Pagdating niya ng bahay, hindi naka-lock ang pinto kaya agad siyang nakapasok. Bukas din ang lahat ng ilaw kaya naisip niyang nasa bahay na si Rafael. Nang muling maalala ang nangyari kagabi, muli siyang nakaramdam ng hiya. Tumingala siya at pinakatitigan ang pinto ng silid nito.

Pinilit niyang hindi makagawa ng ingay habang paakyat, pero nang mapatapat sa mismong kuwarto ng lalaki ay bigla siyang nanigas sa kinatatayuan nang marinig ang ingay sa loob.

"Ugh! A-ahh! Ohh!"

Bumungad sa kaniya ang sunod-sunod na ungol at halinghing ng babae mula sa loob ng silid. Idagdag pa ang maingay at malakas na paglangitngit ng kama na sa pakiramdam niya, anumang oras ay bibigay na.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hay naku Hannah wag mo nang paabutin ng six months para pirmahan Ang annulment ninyo ni Rafael, masakit pero mahalin mo naman Ang sarili mo hindi magiging masaya Ang magulang mo nakikita Kang nasasaktan ng ganyan dahil sa lalaking walang pakielam sa Asawa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Seven

    ISANG mariin na paglunok ang ginawa ng dalagang si Hannah nang makarinig ng impit na ungol mula sa pamilyar na boses. Tila siya pinanlalamigan ng katawan at halos manlumo sa kinatatayuan nang makilalang boses iyon ni Rafael."Raf! Harder, babe!"At si Samantha ang babaeng katalik nito. Napuno ng ungol ng dalawa ang buong paligid. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo at nakulong siya sa oras na iyon kung saan ang malalakas na ungol lang ng dalawa ang naririnig niya."Deeper, Raf!"Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago nagmamadaling bumaba ng hagdan at dumiretso sa labas ng bahay.Walang pag-aalinlangan siyang humakbang papalayo, nang hindi lumilingon sa pinanggalingan. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha niya nang makalayo sa bahay na iyon.Pakiramdam niya, sinasadya ni Rafael gawin ang lahat ng ito, upang saktan siya at mapahiya. Nang sa ganoon, ibigay na niya ang gusto nitong mangyari. Kasi kung hindi, bakit ito ginagawa n

    Last Updated : 2022-04-05
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Eight

    ILANG araw na ang lumipas, ilang araw na rin silang nag-iiwasan ni Rafael. Hindi pa man sumasapit ang alas-sais ng madaling araw, umaalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho. Kahit ang totoo nama'y ayaw niya lang talagang mag-abot sila ni Rafael sa bahay.At isa pa, ayaw niya rin na makita ang dalawa na maglandian. Panigurado, hindi niya kakayanin iyon.Noong gabing iyon, matapos nitong ipaalam na sa bahay nito patitirahin si Samantha, wala na siyang ibang nagawa kundi tumango at pagkatapos ay umiyak sa silid niya. Sino ba siya para humindi? Hindi kaniya ang bahay, hindi rin kaniya si Rafael. Wala siyang karapatan sa mga ito.Sinisiguro niya lang na hindi talaga sila magkikita ng lalaki. Bago ito magising o si Samantha ay nakaalis na siya ng bahay. Sa gabi naman, late na rin siya umuuwi. Minsan ay alas-siyete na, madalas, alas-otso y medya. Sa mga oras na iyon, panigurado busy na sa panghimagas ng mga ito ang dalawa kaya hindi na siya mapapansin pa.

    Last Updated : 2022-04-07
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Nine

    MAHINA siyang napasinghap nang makita ang pagtigil ng sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Bakit ngayon lang ito nakauwi? Hindi ba dapat kanina pa ito sa bahay?Nakagat niya ibabang labi habang nakatitig pa rin sa kotse ni Rafael. Matapos ng ilang segundo, tuluyan na itong umibis ng sasakyan. Pagkababa na pagkababa pa lang ay matalim na agad ang mga mata nito.Kahit na nilalamon ng kaba, nakapagpasalamat siya sa lahat ng santo nang mapansin na hindi nito kasama si Samantha. Baka kasi gumawa na naman iyon ng eksena, mahirap na.Lumapit sa kanila si Rafael nang hindi inaalis ang matalim pagkatititig sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng paningin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito."Bakit ngayon ka lang?" mahinahon ngunit matigas nitong tanong nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Bullet.Napalunok siya bago sinulyapan ang lalaking si Bullet. Napansin niya ang pagtataka sa mukha nito habang nagpapalipat-lipat ito n

    Last Updated : 2022-04-08
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Ten

    TRISTAN'S question caught Hannah off guard. Aminado siya sa sarili niya noon tungkol sa nararamdaman niya para kay Rafael, pero ngayon, hindi na siya sigurado.Puro pasakit at luha na lamang ang ibinibigay sa kaniya ng lalaki. Sa tuwing nakikita niya ito, o kahit maisip man lang, lagi siyang nasasaktan. Hindi niya naisip na ang taong minsang minahal niya noon, ay magdudulot sa kaniya ng labis na pasakit ngayon.Sa pangalawang pagkakataon, tila nakuha ni Tristan ang hinihinging kasagutan nito sa pagtahimik niya."That asshole," sambit muli nito at napasandal na sa kinauupuan.Biglan naman dumating ang dalagang si Ella dala ang order ng lalaki. Muli silang nabalot ng katahimikan matapos ilapag ni Ella ang mga pagkaing in-order nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang hindi kabahan. Paano kung ipaalam nito kay Rafael ang tungkol sa trabaho niya?Makalipas ang ilan pang sandali na puno ng katahimikan, nagsalita uli ang lalaki. "Alam mo na ba ang tungkol ka

    Last Updated : 2022-04-11
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Eleven

    "DITO ka natulog kagabi!" Mabilis na tinakpan ni Hannah ang bibig ng kaibigang si Cassandra nang bahagyang tumaas ang tinig nito. Kinuwento niya kasi sa babae na hindi siya umuwi at doon sa coffee shop natulog. Mabuti na lamang dahil pinayagan siya ng boss nila. "Ikaw babae, umamin ka nga sa akin, maayos ba naman iyang pakikitungo sa iyo ng kaibigan ng magulang mo?" nakapamaywang pang tanong ng babae. Nagbuga siya ng hangin. Kung alam lang nito ang totoong nangyayari sa buhay niya, paniguradong kung hindi sisigawan ay babatukan siya ng kaibigan. "Maayos naman," pabulong niyang sagot habang inaayos ang mga table cloth sa ibabaw ng mesa. Sampung minuto na lang kasi ay magbubukas na sila. "Kung maayos, bakit ka naman dito matutulog, ha? Inaapi ka ba nila? Sinabi na kasing sa amin ka na lang tumira!" Napabuntong-hininga na lamang siya sa narinig. Nang malaman ng mga ito na nakatira siya sa bahay ng family friend nila, agad siyang inalok ng

    Last Updated : 2022-04-12
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twelve

    "RAFAEL!"Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at pilit na pinatayo. "Excuse us," cold na sabi ni Rafael at pagkatapos ay hinila siya palabas ng coffee shop.Nang dahil sa gulat, hindi na niya nagawang tumutol pa at nagpatianod na lang hanggang sa makalayo sila ng shop.Nararamdaman na niya ang pananakit ng braso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. Kaya nang huminto sila sa isang tabi, marahas niyang binawi ang sariling braso. "What's this? You're working here?" pabulong ngunit mariin nitong tanong.Napalunok siya nang matitigan ang mga mata ni Rafael. Matalim iyon at tila nag-aapoy sa galit. Mapapansin din ang pagpipigil nito sa sarili. Natakot tuloy siya dahil parang mananakit na ito sa tindi ng inis na makikita sa mukha nito.Dahil sa takot, ilang beses din siyang napaatras mula rito, bagay na napansin ni Rafael kaya muli siya nitong hinawakan sa braso."Dahil ba sa lalaki mo kaya ka hindi umuwi kagabi?" Ma

    Last Updated : 2022-04-12
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirteen

    "Tristan, ako na."Nagpalipat-lipat ng tingin ang lalaki sa kanilang dalawa ni Rafael matapos ng sinabi ng huli, nakapaskil na ang ngiti sa mukha nito. Sinulyapan pa siya ng lalaki at kinindatan bago tinapik qsa balikat si Rafael at umalis na. "Three thousand five hundred pesos," wala sa sariling nasabi niya nang balingan ng tingin ang lalaki.Nakita niya ang pagdukot nito ng wallet sa bulsa ng suot nitong black pants, at ang pag-abot sa kaniya ng isang libo.Halos batukan niya ang sarili nang makita ang panginginig ng kamay niya habang inaabot ang pera. Kahit nahihirapan dahil parang may nakabara sa kaniyang lalamunan, pinilit niyang lumunok habang nakatuon ang atensiyon sa ginagawa."Give me your number."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Huh?""I said, give me your cell phone number," ulit nito na parang nauubusan ng pasensiya.Mariin niyang pinaglapat ang mga labi bago nagbuga ng malalim na hangin

    Last Updated : 2022-04-13
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Fourteen

    BIGLA siyang natigilan sa paglalakad nang makita ang lalaking kumakaway mula sa malayo. "Bullet . . . "Mabilis siyang humakbang hanggang sa makalapit dito. Hindi na siya pumasok pa sa huling subject niya dahil malapit nang mag-alas-siete ng gabi. Balak niyang umuwi nang maaga dahil kay Rafael. Baka kasi magalit na naman ito kapag sinuway niya ang utos nito.Heto na naman siya, nagiging masunurin sa lalaking iyon. Hangal ba talaga siya?"Ano'ng ginagawa mo rito?" nakangiting tanong niya nang makalapit dito. Kumurba sa malapad na ngiti ang mga labi nito bago binuksan ang pintuan sa passenger's seat ng sariling sasakyan. "Hindi ba sabi mo, kailangan mong umuwi nang seven? Ihahatid na kita."Bigla niyang naalala, kanina kasi, t-in-ext niya ito gamit ng cell phone na bigay ni Rafael. Nasabi niya rin dito na uuwi siya nang maaga. Hindi niya naman alam na pupunta pala ito rito."Hindi mo naman kailangan gawin ito, Bullet."Sa

    Last Updated : 2022-04-14

Latest chapter

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-two

    LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-one

    "Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty

    "Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-nine

    HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-eight

    "Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-seven

    NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-six

    HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-five

    UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-four

    HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang

DMCA.com Protection Status