Share

Chapter Fourteen

Author: Cinnamon
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

BIGLA siyang natigilan sa paglalakad nang makita ang lalaking kumakaway mula sa malayo. "Bullet . . . "

Mabilis siyang humakbang hanggang sa makalapit dito. Hindi na siya pumasok pa sa huling subject niya dahil malapit nang mag-alas-siete ng gabi. Balak niyang umuwi nang maaga dahil kay Rafael. Baka kasi magalit na naman ito kapag sinuway niya ang utos nito.

Heto na naman siya, nagiging masunurin sa lalaking iyon. Hangal ba talaga siya?

"Ano'ng ginagawa mo rito?" nakangiting tanong niya nang makalapit dito.

Kumurba sa malapad na ngiti ang mga labi nito bago binuksan ang pintuan sa passenger's seat ng sariling sasakyan. "Hindi ba sabi mo, kailangan mong umuwi nang seven? Ihahatid na kita."

Bigla niyang naalala, kanina kasi, t-in-ext niya ito gamit ng cell phone na bigay ni Rafael. Nasabi niya rin dito na uuwi siya nang maaga. Hindi niya naman alam na pupunta pala ito rito.

"Hindi mo naman kailangan gawin ito, Bullet."

Sa totoo lang ay nahihiya pa rin siya sa lalaki. Matagal na simula noong huling pagkikita nila. Bata pa siya noon, samantalang ngayon, pareho na silang nasa tamang edad.

Ngiti lang ang isinagot nito sa kaniya, matapos ay nilakihan pa ang awang ng pintuan kaya pumasok na lamang siya sa loob.

"I want to do this, Han. Hayaan mo na ako. Pitong taon tayong hindi nagkita, gusto kong bumawi sa iyo," paliwanag pa nito matapos makapasok sa loob ng sasakyan.

Hindi na siya nagsalita at tumahimik na lang. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan niya si Rafael. Ano ang tunay na pakay nito at kung ano ang sasabihin nito sa kaniya mamaya. Sa totoo lang, hindi na siya makapaghintay na malaman ang pinaplano na naman nito.

"By the way, Han, iyang cell phone mo, kanino galing iyan? Sa boss mo ba?" pagkuwa'y narinig niyang tanong ni Bullet sa kalagitnaan ng kanilang biyahe.

Nilingon niya ito at nakitang sa daan pa rin nakatutok ang tingin nito.

"Yeah, sinabi ko kasi sa kaniya na wala akong cell phone. Nakikihiram lang kasi ako kay Athena, e. Kailangan daw sa trabaho kaya binilhan na niya ako."

"Ah. Trabaho, huh?"

Muli niya itong nilingon dahil sa pilyong tono ng boses nito. Natatawang inirapan niya ang binata bago muling bumaling sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Bawas ito sa suweldo ko, ano."

"Magdadahilan ka pa. Umamin ka nga, do you like your boss?" Sinulyapan siya ng lalaki habang may ngiti sa mga labi.

Makikita ang pagsilay ng ilang linya sa noo niya nang muli itong lingunin. "Ano ka ba, Bullet? Hindi nga. Tigilan mo na nga iyang kaiisip na may something sa amin. Hindi iyon magkakagusto sa tulad ko."

Sandali siyang tumigil sa pagsasalita nang maisip ang babaeng si Samantha—ang babaeng tipo ni Rafael.

"I'm not his type. Look at me, ang taba ko kaya. Hindi ako maganda at sexy katulad ng tipo niya."

Sa totoo lang, nasaktan talaga siya sa mga sinasabi niya. Pero itatanggi pa ba niya sa sarili niya? Ganoon ang mundo, e. Kapag hindi ka maganda at sexy, mahirap kang magustuhan.

"Hey, don't say that. Maganda ka."

Napangiti siya sa narinig. Si Bullet, parang mga magulang niya. Laging maganda ang lumalabas sa bibig nito mapagaan lang ang bigat na nararamdaman niya.

"You've always been beautiful in my eyes, Han. Mula nang unang beses tayong magkakilala, and until now, you're still beautiful. Inside and out. I don't want to hear you saying that again, do you understand me?"

Muli siyang nilingon nito. Sa loob ng ilang segundo, nakaramdam siya ng pagbilis ng tibok ng puso. Hindi niya nagawang magsalita dahil tila nawalan siya ng lakas para tumugon sa mga sinabi ng lalaki. Kung mayroon siya dapat na magustuhan, ang mga katulad iyon ni Bullet. Hindi kagaya ni Rafael.

Ilang minuto pa silang nagkatitigan bago ito ngumiti at ibinalik ang atensiyon sa daan.

"I'm serious, Hannah. Ayoko nang maririnig pa iyon mula sa iyo, nagkakaintindihan ba tayo?" pagkuwa'y sabi uli nito.

Natatawang inirapan niya ito. "Oo na."

Well, what does she expect? He is Bullet Verzosa. Ang hero niya noong bata pa siya, at mananatiling hero niya kahit ngayong dalaga't binata na sila.

Ilang minuto pa ang lumipas, huminto na rin ang kotse nito sa tapat ng bahay ni Rafael. Ayaw na niya sanang bumaba pa ito dahil baka maulit lang ang nangyari noong isang gabi, pero mabilis itong umibis ng sasakyan saka siya pinagbuksan ng pintuan.

"Sweet ka pa rin, kuya. Paniguradong maraming babae ang lumuha dahil sa iyo," natatawa niyang biro.

"Sa iyo lang ako ganito, sa prinsesa namin nina Tito at Tita Anne." Lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang turan nito.

Bigla niyang naalala, malapit talaga noon si Bullet sa mga magulang niya. Masaya siguro ngayon ang mga ito kung nag-abot lang sila.

"Salamat, Bullet. Napalayo ka pa tuloy."

"It's nothing, Han. Basta ikaw. Sandali, nandito na ba ang boss mo?"

Sinipat niya ang oras sa cell phone na bigay ni Rafael. 7:10. Napalunok siya nang makita ang oras. "S-siguro. Seven sharp ang uwi niyon, e."

Ngumiti si Bullet dahilan para lumabas ang dimples nito. "Ah. Good," anito at sabay halik sa pisngi niya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Mabilis niya itong hinampas sa braso, puno ng pagkabigla ang mukha.

"Ano'ng ginawa mo!"

Natawa lamang ito bago tuluyang kumaway upang magpaalam. Naiwan siyang nakatulala habang hinahatid ito ng tanaw.

"Ano bang nangyayari sa lalaking iyon?" Nakagat niya ang ibabang labi nang dahil sa inis. Iyon ang unang beses na may dumamping labi ng ibang lalaki sa kaniyang mukha maliban sa papa niya.

"Alam mo ba kung anong oras na?"

Halos atakihin siya sa puso nang biglang magsalita si Rafael mula sa kusina nang makapasok siya ng bahay. Matalim ang mga matang ipinupukol nito sa kaniya habang nakaupo sa isang silya sa harap ng mesa.

"Thirteen minutes late lang naman ako. S-sorry. May tinapos kaming exam sa school, e," pagpapaliwanag niya rito kahit ang totoo, wala naman talaga silang exam. Natakot lang siyang umuwi agad at masiyado siyang nagpalunod sa pag-iisip.

Tumayo ito at humakbang papalapit sa kinatatayuan niya habang hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig sa kaniya. Kahit hindi komportable, sinalubong niya ang mga titig nito nang taas noo.

Matagal siya nitong tinitigan. As usual, magkasalubong na naman ang mga kilay.

"Kailangan ba talagang ihatid ka niya?" natigilan siya bigla nang itanong iyon ni Rafael sa pabulong na paraan.

Pakiramdam niya, kinakapos siya ng hininga habang nakatitig sa kulay kastanyas nitong mga mata. Parang nahihipnotismo na naman siya ng mga mata nito. Mahirap umiwas ng paningin!

"Masama ba?" balik tanong niya rito. Halos kapusin siya ng hangin dahil sa pinaghalong takot at kaba. Bakit ba kasi tumapang siya nang ganito?

Pigil-hiningang tinalikuran niya ito at mabilis na tinungo ang hagdan. Sumunod naman si Rafael sa likuran niya hanggang sa makapasok silang pareho sa loob ng kaniyang kuwarto.

"What are you doing, Rafael! Lumabas ka!" Hindi niya mapigilan ang magtaas ng tinig nang isarado nito ang pinto ng kaniyang silid.

"Am I not allowed in my own wife's room?" Ngumiti pa ito bago siya nilapitan.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Totoo ba ito? Nginingitian siya ni Rafael? At isa pa, tinawag siya nitong asawa!

Pinagmasdan niya ang lalaki habang inililibot nito ang paningin sa kabuuan ng silid. Maya-maya'y bigla na lang itong lumapit sa kama niya at naupo sa gilid.

Nagbuga ito ng malalim na hangin. "Look, Hannah, alam kong nag-umpisa tayo sa mali, pero hindi ba natin puwedeng itama iyon?"

Dahil sa kakaibang ikinikilos nito, hindi tuloy niya nagawang iproseso sa kaniyang utak ang sinabi ng lalaki. Pinagmasdan niya lang ang mukha nitong may banayad na ngiti sa mga labi.

Sa unang tingin, hindi mo iisipin na isa itong cheater, arrogant at walang kuwentang asawa. Tila ito perpektong tao. Gusto niyang umiling. Hindi siya dapat nagpauto sa kaguwapuhan nito noon.

Ilang sandali pa, bigla na lang itong tumayo at matulin na naglakad papalapit sa kaniya. Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Sa bawat hakbang nito ay katumbas nang dobleng tibok ng puso niya.

"W-what do you mean?" kinakabahan niyang tanong habang pigil ang hininga.

"Mag-umpisa uli tayo, puwede ba?" malumanay nitong sabi habang nakatitig sa mga mata niya.

"R-Rafael . . . "

Inilahad nito sa harap niya ang kanang kamay habang nakaguhit ang matamis na ngiti sa mga labi. "Hannah Perez, puwede bang kalimutan na natin ang mga nangyari sa nakaraan at mag-umpisa muli?"

Nakatitig lang ito sa mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya nanatili siyang walang imik.

"Will you trust me?" inilapit nito lalo ang mukha sa mukha niya at pabulong na sinabi iyon.

Hindi niya maiwasan ang hindi magduda. Palabas na naman ba ito? Para na naman ba ito sa kompanya o para kay Samantha?

Hindi niya alam kung ano ang totoo, pero ayaw niya. Ayaw niyang pumayag sa gusto nito dahil natatakot siyang baka mahulog sa bitag nito at masaktan lang sa huli.

Sa halip na sabihin ang nilalaman ng isip, kusang sumilay ang malungkot na ngiti sa mga labi niya, at saka tinanggap ang kamay na inaalok nito bago tumango.

"S-sige . . . "

Lumapad ang ngiti sa mga labi nito. Five months, limang buwan siyang magpapakatanga. Limang buwan lang para makasama nang panandalian ang nag-iisang lalaking hinahangaan niya nang labis noon. Pagkatapos ng limang buwan, magmo-move on na talaga siya!

Nang bitiwan ni Rafael ang kamay niya, may awkward na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya makatingin dito habang ito naman, mataman siyang tinititigan.

"Ready your things. Ako na ang bahala magsabi sa school mo at sa trabaho mo."

Mabilis na nangunot ang noo niya sa narinig. "Magsabi ng ano?"

"Na aabsent ka."

"A-aabsent ako? Bakit?"

"We're going to have our honeymoon."

Honeymoon?

Honeymoon?

Honeymoon!

"Honey—pinagsasabi mo?" Bahagya itong natawa sa naging reaksiyon niya.

"Hindi na ako masiyadong abala sa trabaho. Tatlong araw lang naman, aalis tayo ngayon din. I'll wait for you outside."

Pagkatapos sabihin iyon ay hinawakan siya nito sa ulo at ginulo ang kaniyang buhok na parang bata.

"By the way, Samantha left. Simula ngayon, tayong dalawa na lang ang magsasama."

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
anung balak mo Rafael baka lalong masaktan si Hannah sa binabalak mo
goodnovel comment avatar
Erica Mae Buemia D
hmmm ayusin mo raf!
goodnovel comment avatar
Yohanna Leigh
yan ung pinag-usapan nila ni Samantha sa previous chapter, lol... Hi, ma'am Josephine!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Fifteen

    "Hannah . . . hey, wake up. We're here."Naalimpungatan siya dahil sa mahihinang tapik sa kaniyang pisngi. Unti-unti niyang minulat ang mga mata, at ang nakangiting mukha ni Rafael ang siyang unang bumungad sa kaniya."Kanina pa kita ginigising. Tulog mantika ka pala," sabi pa nito bago tumawa nang mahina. Binuksan na nito ang pinto sa driver's seat at lumabas.Mabilis siyang bumangon nang mapagtantong nakatulog siya sa loob ng kotse ni Rafael. Bigla niyang naalala, alas-otso na ng gabi sila nakaalis kagabi. Nangako pa man din siya sa sarili na hindi matutulog dahil nahihiya pa rin siyang kasama si Rafael.Hindi niya mapigilang hindi magkagat ng ibabang labi. Ang awkward lang kasi at ang weird. Honeymoon? Ano bang nangyayari sa lalaking ito?Naramdaman niya ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa kaniyang pisngi. Saka pa lang niya napansin na nasa tabing-dagat pala sila. Namangha siya nang makita ang malawak na karagatan sa harap ni

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Sixteen

    NARINIG niya itong mahinang tumawa kaya para na namang may naghahabulang kabayo sa dibdib niya. Gusto niya itong murahin pero ayaw niyang muling makita ang makasalanang tanawin."Paabot naman ng bag ko," rinig niyang sabi nito mula sa malalim na boses.Napalunok siya bago mabilis na kinuha ang bag nitong nasa ibabaw ng luxury sofa sa tabi ng kabinet, saka inabot iyon dito habang pilit pa rin iniiwas ang paningin."Thanks, Hannah," he said in a husky voice.Mariin niyang kinagat ang ibabang labi nang sa isang kisap-mata, bumilis ang pintig ng puso niya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makapasok ulit ito sa banyo at marinig ang rumaragasang tubig mula sa loob ng shower. Dapat siguro hindi na lang siya pumayag na sumama kay Rafael. Paano kung bigla na naman itong magalit sa kaniya? May mga napapanood siya noon na namamatay dahil sama nang sama kung kani-kanino."Kani-kanino," sambit niya nang maalalang hindi lang kung sino an

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Seventeen

    NAPAPIKIT siya nang mariin habang nasa loob ng shower at hinahayaang dumaloy ang malamig na tubig sa buo niyang katawan.Hindi mawaglit ni Hannah ang sinabi ni Rafael kanina. Is he serious? Ano na ba ang nangyayari sa lalaking iyon? Una, bigla na lang naging mabait ito sa kaniya. Pangalawa, dinala siya nito sa napakagandang lugar na iyon para daw mag-honeymoon. At pangatlo, ang mga sinabi nito.Umiling siya bago pumikit at bahagyang tumingala sa shower. Aaminin niya, tumitibok nang malakas ang puso niya dahil sa mga bagay na sinabi nito. Lalo siyang naiinis sa sarili dahil kahit halata nang ginagago lang siya ni Rafael, natutuwa pa siya.Pero can anyone blame her? May nararamdaman siya noon para sa lalaking pinakasalan niya. Hindi malayong bumalik ang feelings niya rito lalo pa't bumabait na ito.Kahit na alam niya kung ano talaga ang mayroon sa kanila, kahit na alam niya kung ano talaga ang gusto nito—kung sino talaga ang gusto nito, hindi niya p

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Eighteen

    NAKARATING sila sa isang maliit na isla hindi kalayuan mula sa beach resort. Pero dahil bangka ang sinakyan nila, halos kalahating oras ang itinagal bago nila narating ang isla.Ayon kay Rafael, maraming turista ang dumating sa resort, kaya lahat daw ng de makinang bangka, gamit. Iyong bangka lang na pasagwan-sagwan ang natira at puwede nilang sakyan. Pagkababa pa lamang nila mula sa puting bangka, agad na siyang namangha sa islang bumungad sa kaniya. Sulit naman pala ang pagtatawag niya sa lahat ng santo, kamangha-mangha ang isla at masarap sa mga mata ang tanawin!Lumingon siya sa buong paligid hanggang sa maabot ng kaniyang paningin ang sinakyan nilang bangka kanina. Ang bangkero, nagsasagwan na palayo! "Oh! Ba't umalis si Mang Ben!" nanlalaki ang mga matang tanong niya."Babalikan niya tayo mamaya. Why are you so afraid, Hannah? It's not like I'm going to bite you," tumawa ito matapos sabihin iyon. "Unless, you want me to."

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Nineteen

    HINDI siya magsisinungaling. Masarap sa pakiramdam ang lahat ng kabutihan na ginagawa at ipinapakita ni Rafael, pero alam niya na hindi totoo ang lahat ng iyon. Kaya kahit na masaya siya, mas mabuti pang itigil na.Kompanya lang naman ang dahilan ng lahat ng ito at tanggap na niya iyon. Ayaw na ulit niyang masampal ng reyalidad, na kung kailan sanay na siya sa mga kabaitan nito, saka naman siya iwan ng lalaki sa ere. Buong akala niya, kaya niyang sakyan itong pagpapanggap ni Rafael, pero mahirap pala. Lalo na't puso niya ang nakataya. Mataman niyang tinitigan sa mga mata si Rafael upang malaman ang reaksiyon nito. But his face was emotionless. Walang ni katiting na emosiyon ang makikita sa mukha at mga mata nito.Ibig niyang tumawa. Mukhang kahit kabutihan na ang gusto niyang ipakita sa lalaki, wala man lang itong pakialam. Sabagay, ano ba kasing inaasahan niya? Ang magpasalamat ito? Ang magbago ang puso nito at kahit na papaano, lumambot para sa kaniya?

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty

    "You're so hard to seduce."Ilang ulit siyang napakurap-kurap habang nakatitig sa seryosong mukha ni Rafael."Ano?" bulalas niya. Sigurado siya sa narinig. Hindi naglalaro ang isip niya, talagang narinig niya ang salitang 'seduce'!Tumawa ito nang bahagya. "Wala." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Wala? E, ni hindi nito magawang tumingin sa kaniya.Umiirap niyang binawi ang paningin at mariin na pumikit. Sa bawat paglipas ng oras, mas lalong nagiging weird itong si Rafael.Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang bigla siyang mapasinghap sa malakas at malakas pagkulog at pagkidlat. Sinabayan pa ito ng malakas na bugso ng hangin. Para bang bumabagyo na sa labas.Tumingala siya at pinakatitigan ang pagbuhos ng ulan sa loob ng kuweba mula sa malaking butas sa itaas. Kulang na lang ay manginig siya habang dumadampi ang malamig na hangin sa kaniyang balat.Bata pa lang ay takot na siya sa malakas na pag-ulan. Hangg

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-one

    NAG-IWAS agad siya ng paningin at ilang ulit na napalunok. Ayaw niyang makita ni Rafael na apektado siya, pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na masaktan.Matagal na tinitigan ni Rafael ang cell phone nito. Napansin pa niyang sumeryoso ang mukha ng lalaki. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam ito sa kaniya na sasagutin lang ang tawag at mabilis na lumabas ng cottage.Naiwan siyang mag-isa. Tahimik na nakatitig sa pintuan kung saan lumabas si Rafael.Ito ang reyalidad. Ito ang totoo. Na kahit anong kabaitan pa ang ipakita sa kaniya ng lalaki, sa huli, si Samantha pa rin ang nagmamay-ari dito. At kahit kasama pa niya ito ngayon, sa paglubog ng araw, babalik at babalik pa rin ito sa babaeng iyon.Nanatili siyang nakaupo at walang imik. Binibilang ang bawat segundong dumadaan habang wala pa ito. Matapos ng mahabang minuto, muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Rafael. Mabilis naman siyang nag-iwas ng mukha."Bakit hindi ka pa

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-two

    MATULIN silang naglalakad sa may tabing-dagat habang walang kibo sa isa't isa. Parehong nasa ibang bagay ang kanilang atensiyon, pero maya't maya niyang nililingon si Rafael upang makita ang reaksiyon sa mukha nito.Hindi ganoon karami ang mga tao sa beach, siguro dahil hindi pa naman bakasiyon talaga. Halos karamihan kasi sa mga nakikita niya ay mga magkapareha na nasa early 20's pataas ang edad. May iilan ding foreigners na may mga kasamang pinay na jowa.Muli niyang binaling ang tingin sa asul na dagat. Malinaw at malinis ang tubig-alat doon. Nakangiti niyang hinawi ang ilang buhok na tumatabing sa harap ng kaniyang mukha dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin."Kayo ba mismo ang nagdisenyo nitong resort, Rafael?" basag niya sa katahimikan. Hindi na niya matiis ang hindi ito kausapin.Huminto ito sa paglalakad bago siya nilingon. "Ah, yeah. Mabulaklak ba? Gusto ng isa sa amin na paramihin ang halaman at mga bulaklak sa paligid."Ngumit

Pinakabagong kabanata

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-two

    LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-one

    "Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty

    "Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-nine

    HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-eight

    "Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-seven

    NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-six

    HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-five

    UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-four

    HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang

DMCA.com Protection Status