"DITO ka natulog kagabi!" Mabilis na tinakpan ni Hannah ang bibig ng kaibigang si Cassandra nang bahagyang tumaas ang tinig nito.
Kinuwento niya kasi sa babae na hindi siya umuwi at doon sa coffee shop natulog. Mabuti na lamang dahil pinayagan siya ng boss nila.
"Ikaw babae, umamin ka nga sa akin, maayos ba naman iyang pakikitungo sa iyo ng kaibigan ng magulang mo?" nakapamaywang pang tanong ng babae.
Nagbuga siya ng hangin. Kung alam lang nito ang totoong nangyayari sa buhay niya, paniguradong kung hindi sisigawan ay babatukan siya ng kaibigan.
"Maayos naman," pabulong niyang sagot habang inaayos ang mga table cloth sa ibabaw ng mesa. Sampung minuto na lang kasi ay magbubukas na sila.
"Kung maayos, bakit ka naman dito matutulog, ha? Inaapi ka ba nila? Sinabi na kasing sa amin ka na lang tumira!"
Napabuntong-hininga na lamang siya sa narinig. Nang malaman ng mga ito na nakatira siya sa bahay ng family friend nila, agad siyang inalok ng dalawa na tumira na lamang sa mga ito. Sana pala hindi niya na lang sinabi rito na hindi siya umuwi at sa coffee shop nagpalipas ng gabi.
"Nag-away kasi iyong boss ko at saka ang girlfriend niya, kaya dito na lang ako natulog. Para walang istorbo sa kani—"
"Lalaki ang boss mo!" Nanlalaki ang mga matang hinawakan siya nito sa braso.
Agad niya naman tinakpan muli ang bibig ng dalaga. Kahit kailan talaga ay parang taong gubat itong kaibigan niya!
"Huwag ka ngang maingay!" suway niya rito at pinandilatan pa ito ng mga mata. Paanonl at nakuha na nila ang atensiyon nina Cristy at Ella.
"Ano ba iyang pinag-uusapan n'yo, ha? Mga guwapo ba?" sabat ni Ella habang binubuksan nito ang glass door ng coffee shop. Malapad ang ngiti nito sa mga labi na para bang walang kaproble-problema sa mundo.
Ngumiti lang sila ni Cassandra dito bago bumalik sa pinag-uusapan.
"Guwapo ba?" maya-maya ay biglang bulong sa kaniya ng babae. Nangunot naman bigla ang noo niya.
"Heh!" Inirapan niya na lang ito bago naupo sa isang mesa roon at nag-umpisang magsulat ng mga prutas na kakailanganin nilang order-in mamaya.
Habang nagsusulat ay hindi niya maiwasan hindi maisip na naman ang sitwasiyon nila ni Rafael. Gusto niya nang umalis sa bahay nito. Kung siya lang, makakaya niya pa sanang tumira doon kahit hindi maganda ang pakikitungo ng lalaki sa kaniya, kaso nandoon si Samantha.
Ano kaya kung isumbong niya na lang si Rafael sa lolo nito? Dalawa lang naman ang puwedeng mangyari kapag ginawa niya iyon: una, hinding-hindi na sila maghihiwalay ni Rafael, o pangalawa, hindi na nito kailanman makukuha ang kompanya ng pamilya nila.
"Sa sama ng ugali ng lalaking iyon, parang mas gusto ko pang mangyari iyong pangalawa," bulong niya sabay kagat sa ibabang labi. Pero sino bang niloloko niya? E, mas gusto niyang mangyari iyong una.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla niyang marinig ang masiglang boses ni Ella. Nang mag-angat siya ng mukha para tingnan ito ay nakita niyang nakangiti na ito nang malapad.
"Uy! Fafa pogi! Nandito ka ulit. Pasok kayo!" masigla pa nitong wika.
Akmang tatayo siya para iligpit ang mga gamit nang may biglang maalala. Fafa pogi? Naalala niyang iyon ang tinawag nito sa lalaking si Tristan noong nakaraang araw.
Nag-angat siya ng mukha para makita kung sino ang kausap ni Ella. Halos kapusin siya ng hininga nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. Agad siyang nagbaba ng tingin nang masigurong si Rafael nga ang kasama ni Tristan.
"Oh, anyare sa iyo?" usisa ni Cassandra nang lapitan siya nito.
Hindi niya nagawang sumagot. Ni hindi na nga niya magawang huminga nang maayos dahil sa matinding kaba. Anong ginagawa ni Rafael dito?
"Hi, Hannah!"
Mahina siyang napasinghap nang marinig ang boses na iyon. Kinakabahang nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang ngiti ng lalaking si Tristan. At ganoon na lang ang pagkainis niya nang ang table pa kung saan siya nakaupo ang napiling upuan ng mga ito.
Tinitigan niya nang masama si Tristan habang paupo na ito kasama si Rafael at ang isa pa nitong kaibigan. Halos manggigil siya habang nakatingin sa lalaki. Ngumiti lang ito sa kaniya na parang walang ginawang masama. Binabawi na niya ang sinabi niya kahapon! Hindi na ito mabait!
Tumayo siya habang nakakapit sa mesa, hindi nagtangkang tingnan man lang si Rafael dahil natatakot siya sa makikita sa mukha nito. Samantala, nakatutunaw naman ang titig sa kaniya ng lalaking kasama nina Rafael at Tristan. Palipat-lipat ito ng tingin sa kaniya at kay Rafael. Kapansin-pansin ang pagtataka sa mga mata.
Lumapit naman nang husto sa kinatatayuan niya si Cassandra at saka bumulong, "Kunin mo na ang order nila. In all fairness, ang guguwapo ng mga customer natin ngayon!"
Tinitigan niya ito nang masama dahil sa narinig. Kung alam lang nito ang ugali ni Rafael at ng mga kaibigan nito, naku! Sigurado siyang turn-off din ito!
Ngumiti naman si Cassandra sa kaniya kahit halos patayin na niya ito sa masamang pagtitig dito. Kinindatan pa siya nito bago tuluyang umalis. Nang-iinis talaga ang bruha.
Nang maiwan siya kasama sina Tristan ay humugot muna siya hangin bago nagsalita, "A-ano pong o-order n-ninyo?"
Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa sunod-sunod na pagkakautal. Nagmumukha na naman ba siyang alien? Halos hindi na nga niya marinig ang sariling tinig dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. Para siyang mabibingi sa sobrang lakas ng tambol nito.
Nang palihim niyang sulyapan si Rafael habang hinihintay ang mga order ng dalawang lalaki, nakahinga siya nang maluwag nang hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin.
"Hannah, by the way. This is Church, kaibigan namin." Muling nabaling kay Tristan ang paningin niya sa sinabi nito. "You already know him, right?"
Nang tapunan niya ng tingin ang lalaking si Church, nakita niyang nakangiti na ito sa kaniya. Nagbaba naman siya agad ng paningin matapos tumango rito.
"You work here?" tanong ng kaibigan ni Rafael—si Church, kaya muli niya itong binalingan.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa maliit na notebook at ballpen dahil sa inis. Hindi pa niya nakalilimutan ang mga narinig niya sa mga ito noong araw ng kasal nila ni Rafael.
Isang tango lang ang naisagot niya sa lalaki. Tumango naman ito pabalik.
"But why?" muli nitong tanong na ikinakurap niya nang ilang ulit, "Rafael, you let your wife work here?" Bumaling nito kay Rafael.
Bago pa man makasagot si Rafael, narinig na niya ang muling pagtunog ng bell sa pintuan hudyat na may bagong dating na customer.
"Han!" Napalingon agad siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Bullet," mahina niyang sambit sa pangalan nito nang makita itong kumakaway sa kaniya. "Good morning!"
Hindi siya nakaganti sa pagbati nito. Napuno lalo ng takot ang isip at puso niya. Bakit ngayon pa ito pumunta? Napakaliit naman ng mundo nila!
"Oh, nandito pala ang boss mo."
Mabilis na nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Napalingon agad siya sa gawi ni Rafael para makita ang reaksiyon nito, maging ni Tristan at Church.
"Boss?" sabay na tanong ng dalawang lalaki.
Mariin siyang lumunok.
"Bullet!" agaw niya bigla sa atensiyon nito nang makita itong papalapit na sa kanila. Hinawakan niya ito sa isang braso at hinila palayo.
Dinala niya ito sa kabilang dulo ng coffee shop at doon pinaupo. Malaking problema kapag nabuko siya roon!
"What are you doing here?" pabulong ngunit may diin niyang tanong nang makaupo sa tabi nito. Palihim niyang sinulyapan si Rafael, na pinagsisihan niya rin agad nang makitang matalim itong nakatitig sa kanila.
"Han, what's wrong?" nakakunot-noong tanong sa kaniya ni Bullet. At saka naman niya naalala na coffee shop nga pala ito at hindi private property niya.
Biglang lumapit sa kanila si Ella at sinabihan siyang ito na lang ang kukuha ng order nina Rafael. Laking pasalamat niya naman dito nang marinig iyon.
"Hey, Han, mag-relax ka nga," natatawang sabi ni Bullet at buong lakas nitong pinaharap dito ang inuupuan niya.
"B-Bullet! Ano ba? Nakakagulat ka naman," malakas ang kabog ng dibdib na saad niya.
Nginitian lamang siya ng lalaki bago nito sinulyapan ang table na kinaroroonan nina Rafael. "Sino iyong mga kasama ng boss mo?"
Siya man ay muling nilingon ang mga ito. Muli ay nagsisi na naman siya. Nagsalubong ang mga mata nila ni Rafael kaya mabilis siyang nag-iwas ng mukha.
"M-mga kaibigan ng boss ko," kinakabahan niyang tugon. Tinanguan naman siya ni Bullet.
"By the way, Han, saan ka natulog kagabi?" Tinitigan niya ito nang may pagtataka sa mukha. Nang mapansin naman iyon ni Bullet, muli itong nagsalit, "Hindi kasi kita napuntahan kahapon dahil naging abala ako sa trabaho. So I went to your boss' house instead."
Umawang ang bibig niya sa narinig. Halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa natuklasan mula rito. Kung ganoon ay nagkita ito at ni Rafael kagabi?
"Sabi ng boss mo, hindi ka raw umuwi," dagdag pa nito habang mataman na nakatitig sa kaniya.
"Ah. D-dito lang sa coffee shop."
"But why?" muli nitong tanong.
Matagal niya itong tinitigan sa mukha nang wala siyang mahagilap na isasagot.
Kagat-labing bumaling siya sa malayo. "W-wala lang. Nagpaalam naman ako kay Ra—sir. Sir Rafael. Nagpaalam ako sa kaniya, kaya okay lang."
Tumango-tango ito sa sinabi niya. Makaraan naman ang ilang minuto ng katahimikan sa pagitan nila ni Bullet, bigla siya nitong inakbayan. Normal na iyon sa kanila noon, hindi na lang niya ito pinansin. Abala rin kasi siya sa pag-iisip kung ano na naman ang idadahilan mamaya kay Rafael. Paniguradong away na naman ang mangyayari.
Dahil sa iniisip, hindi na niya napansin ang paglapit ni Bullet ng mukha nito sa mukha niya bago siya binulungan, "Han, puwede bang magtanong?"
"A-ano iyon?"
"Iyan bang boss mo... may gusto sa iyo?"
Mabilis na namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. Sunod-sunod siyang umiling bilang tugon. Bakas pa rin ang kabiglaan sa mukha.
"Wala ba siyang... you know, feelings for you?"
"Bullet, are you serious? Ano ka ba? Boss ko iyon! A-at isa pa, imposibleng magkagusto iyon sa akin! Hindi, ano!" Awkward siyang tumawa at pilit iniiwas ang mukha.
Natawa naman si Bullet sa nakikitang reaksiyon niya. "Too defensive."
Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi sa narinig. Napahawak pa siya sa kabilang pisngi niya dahil sa pag-iinit nito. Napakamarites naman ng lalaki. Ngayon ay hinuhuli pa siya nito.
"Bakit mo ba naitanong?" Tinitigan niya ito habang naniningkit ang mga mata.
"Well, last night kasi, noong pumunta ako sa inyo, obvious na may galit sa akin ang loko. Nakabusangot nga ang mukha habang kinakausap ako," naiiling nitong kuwento habang nakaakbay pa rin sa kaniya.
Saglit siyang batigilan at napaisip sa narinig. Hindi naman siguro dahil sa selos iyon, obvious naman. Pero dahil kaya sa hindi niya pag-uwi? May nagsumbong kaya sa lolo ni Rafael kaya mainit na naman ang ulo nito?
"Takot lang iyon mawalan ng kompanya," umiirap niyang bulong.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Bullet. "Kompanya? What do you mean—" Bigla itong huminto sa pagsasalita saka nilapit ang mga labi sa tainga niya. "—Sandali, tingnan mo ang sinasabi ko, nandiyan na."
Natigilan siya at napatingin sa mukha ng lalaki. Napansin niyang nakatingin ito sa gawi ng mesa nina Rafael kaya lilingunin niya sana iyon, ngunit may biglang humablot sa kamay niya.
Napasinghap siya sa gulat. "Rafael!"
"RAFAEL!"Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at pilit na pinatayo. "Excuse us," cold na sabi ni Rafael at pagkatapos ay hinila siya palabas ng coffee shop.Nang dahil sa gulat, hindi na niya nagawang tumutol pa at nagpatianod na lang hanggang sa makalayo sila ng shop.Nararamdaman na niya ang pananakit ng braso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. Kaya nang huminto sila sa isang tabi, marahas niyang binawi ang sariling braso. "What's this? You're working here?" pabulong ngunit mariin nitong tanong.Napalunok siya nang matitigan ang mga mata ni Rafael. Matalim iyon at tila nag-aapoy sa galit. Mapapansin din ang pagpipigil nito sa sarili. Natakot tuloy siya dahil parang mananakit na ito sa tindi ng inis na makikita sa mukha nito.Dahil sa takot, ilang beses din siyang napaatras mula rito, bagay na napansin ni Rafael kaya muli siya nitong hinawakan sa braso."Dahil ba sa lalaki mo kaya ka hindi umuwi kagabi?" Ma
"Tristan, ako na."Nagpalipat-lipat ng tingin ang lalaki sa kanilang dalawa ni Rafael matapos ng sinabi ng huli, nakapaskil na ang ngiti sa mukha nito. Sinulyapan pa siya ng lalaki at kinindatan bago tinapik qsa balikat si Rafael at umalis na. "Three thousand five hundred pesos," wala sa sariling nasabi niya nang balingan ng tingin ang lalaki.Nakita niya ang pagdukot nito ng wallet sa bulsa ng suot nitong black pants, at ang pag-abot sa kaniya ng isang libo.Halos batukan niya ang sarili nang makita ang panginginig ng kamay niya habang inaabot ang pera. Kahit nahihirapan dahil parang may nakabara sa kaniyang lalamunan, pinilit niyang lumunok habang nakatuon ang atensiyon sa ginagawa."Give me your number."Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Huh?""I said, give me your cell phone number," ulit nito na parang nauubusan ng pasensiya.Mariin niyang pinaglapat ang mga labi bago nagbuga ng malalim na hangin
BIGLA siyang natigilan sa paglalakad nang makita ang lalaking kumakaway mula sa malayo. "Bullet . . . "Mabilis siyang humakbang hanggang sa makalapit dito. Hindi na siya pumasok pa sa huling subject niya dahil malapit nang mag-alas-siete ng gabi. Balak niyang umuwi nang maaga dahil kay Rafael. Baka kasi magalit na naman ito kapag sinuway niya ang utos nito.Heto na naman siya, nagiging masunurin sa lalaking iyon. Hangal ba talaga siya?"Ano'ng ginagawa mo rito?" nakangiting tanong niya nang makalapit dito. Kumurba sa malapad na ngiti ang mga labi nito bago binuksan ang pintuan sa passenger's seat ng sariling sasakyan. "Hindi ba sabi mo, kailangan mong umuwi nang seven? Ihahatid na kita."Bigla niyang naalala, kanina kasi, t-in-ext niya ito gamit ng cell phone na bigay ni Rafael. Nasabi niya rin dito na uuwi siya nang maaga. Hindi niya naman alam na pupunta pala ito rito."Hindi mo naman kailangan gawin ito, Bullet."Sa
"Hannah . . . hey, wake up. We're here."Naalimpungatan siya dahil sa mahihinang tapik sa kaniyang pisngi. Unti-unti niyang minulat ang mga mata, at ang nakangiting mukha ni Rafael ang siyang unang bumungad sa kaniya."Kanina pa kita ginigising. Tulog mantika ka pala," sabi pa nito bago tumawa nang mahina. Binuksan na nito ang pinto sa driver's seat at lumabas.Mabilis siyang bumangon nang mapagtantong nakatulog siya sa loob ng kotse ni Rafael. Bigla niyang naalala, alas-otso na ng gabi sila nakaalis kagabi. Nangako pa man din siya sa sarili na hindi matutulog dahil nahihiya pa rin siyang kasama si Rafael.Hindi niya mapigilang hindi magkagat ng ibabang labi. Ang awkward lang kasi at ang weird. Honeymoon? Ano bang nangyayari sa lalaking ito?Naramdaman niya ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa kaniyang pisngi. Saka pa lang niya napansin na nasa tabing-dagat pala sila. Namangha siya nang makita ang malawak na karagatan sa harap ni
NARINIG niya itong mahinang tumawa kaya para na namang may naghahabulang kabayo sa dibdib niya. Gusto niya itong murahin pero ayaw niyang muling makita ang makasalanang tanawin."Paabot naman ng bag ko," rinig niyang sabi nito mula sa malalim na boses.Napalunok siya bago mabilis na kinuha ang bag nitong nasa ibabaw ng luxury sofa sa tabi ng kabinet, saka inabot iyon dito habang pilit pa rin iniiwas ang paningin."Thanks, Hannah," he said in a husky voice.Mariin niyang kinagat ang ibabang labi nang sa isang kisap-mata, bumilis ang pintig ng puso niya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makapasok ulit ito sa banyo at marinig ang rumaragasang tubig mula sa loob ng shower. Dapat siguro hindi na lang siya pumayag na sumama kay Rafael. Paano kung bigla na naman itong magalit sa kaniya? May mga napapanood siya noon na namamatay dahil sama nang sama kung kani-kanino."Kani-kanino," sambit niya nang maalalang hindi lang kung sino an
NAPAPIKIT siya nang mariin habang nasa loob ng shower at hinahayaang dumaloy ang malamig na tubig sa buo niyang katawan.Hindi mawaglit ni Hannah ang sinabi ni Rafael kanina. Is he serious? Ano na ba ang nangyayari sa lalaking iyon? Una, bigla na lang naging mabait ito sa kaniya. Pangalawa, dinala siya nito sa napakagandang lugar na iyon para daw mag-honeymoon. At pangatlo, ang mga sinabi nito.Umiling siya bago pumikit at bahagyang tumingala sa shower. Aaminin niya, tumitibok nang malakas ang puso niya dahil sa mga bagay na sinabi nito. Lalo siyang naiinis sa sarili dahil kahit halata nang ginagago lang siya ni Rafael, natutuwa pa siya.Pero can anyone blame her? May nararamdaman siya noon para sa lalaking pinakasalan niya. Hindi malayong bumalik ang feelings niya rito lalo pa't bumabait na ito.Kahit na alam niya kung ano talaga ang mayroon sa kanila, kahit na alam niya kung ano talaga ang gusto nito—kung sino talaga ang gusto nito, hindi niya p
NAKARATING sila sa isang maliit na isla hindi kalayuan mula sa beach resort. Pero dahil bangka ang sinakyan nila, halos kalahating oras ang itinagal bago nila narating ang isla.Ayon kay Rafael, maraming turista ang dumating sa resort, kaya lahat daw ng de makinang bangka, gamit. Iyong bangka lang na pasagwan-sagwan ang natira at puwede nilang sakyan. Pagkababa pa lamang nila mula sa puting bangka, agad na siyang namangha sa islang bumungad sa kaniya. Sulit naman pala ang pagtatawag niya sa lahat ng santo, kamangha-mangha ang isla at masarap sa mga mata ang tanawin!Lumingon siya sa buong paligid hanggang sa maabot ng kaniyang paningin ang sinakyan nilang bangka kanina. Ang bangkero, nagsasagwan na palayo! "Oh! Ba't umalis si Mang Ben!" nanlalaki ang mga matang tanong niya."Babalikan niya tayo mamaya. Why are you so afraid, Hannah? It's not like I'm going to bite you," tumawa ito matapos sabihin iyon. "Unless, you want me to."
HINDI siya magsisinungaling. Masarap sa pakiramdam ang lahat ng kabutihan na ginagawa at ipinapakita ni Rafael, pero alam niya na hindi totoo ang lahat ng iyon. Kaya kahit na masaya siya, mas mabuti pang itigil na.Kompanya lang naman ang dahilan ng lahat ng ito at tanggap na niya iyon. Ayaw na ulit niyang masampal ng reyalidad, na kung kailan sanay na siya sa mga kabaitan nito, saka naman siya iwan ng lalaki sa ere. Buong akala niya, kaya niyang sakyan itong pagpapanggap ni Rafael, pero mahirap pala. Lalo na't puso niya ang nakataya. Mataman niyang tinitigan sa mga mata si Rafael upang malaman ang reaksiyon nito. But his face was emotionless. Walang ni katiting na emosiyon ang makikita sa mukha at mga mata nito.Ibig niyang tumawa. Mukhang kahit kabutihan na ang gusto niyang ipakita sa lalaki, wala man lang itong pakialam. Sabagay, ano ba kasing inaasahan niya? Ang magpasalamat ito? Ang magbago ang puso nito at kahit na papaano, lumambot para sa kaniya?
LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h
"Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K
HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.
UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy
HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang