NARINIG niya itong mahinang tumawa kaya para na namang may naghahabulang kabayo sa dibdib niya. Gusto niya itong murahin pero ayaw niyang muling makita ang makasalanang tanawin.
"Paabot naman ng bag ko," rinig niyang sabi nito mula sa malalim na boses.Napalunok siya bago mabilis na kinuha ang bag nitong nasa ibabaw ng luxury sofa sa tabi ng kabinet, saka inabot iyon dito habang pilit pa rin iniiwas ang paningin."Thanks, Hannah," he said in a husky voice.Mariin niyang kinagat ang ibabang labi nang sa isang kisap-mata, bumilis ang pintig ng puso niya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makapasok ulit ito sa banyo at marinig ang rumaragasang tubig mula sa loob ng shower.Dapat siguro hindi na lang siya pumayag na sumama kay Rafael. Paano kung bigla na naman itong magalit sa kaniya? May mga napapanood siya noon na namamatay dahil sama nang sama kung kani-kanino."Kani-kanino," sambit niya nang maalalang hindi lang kung sino ang kasama niya. Asawa niya ito. Asawang niyang ibang babae ang gusto.Huminga siya nang malalim at pilit winaglit sa isipan ang bagay na iyon. Natigilan lamang siya nang biglang maalala ang eskuwelahan. Agad na kinuha niya ang selpon na ibinigay ni Rafael. Na-lowbat ito kagabi sa biyahe dahil sa pagsa-soundtrip niya habang natutulog. Icha-charge na lang niya muna, saka niya naman naalala si Bullet. Hindi nga pala siya nakapagpaalam sa lalaki.Sa halip na i-charge ang selpon, mabilis niya itong in-on. Makalipas lang ang ilang minuto ay sunod-sunod na text ang natanggap niya—mula lahat kay Bullet."Morning, Han :)""Are you busy? I want to call you. I have to tell you something.""Hey, I went to the coffee shop. Nag-leave ka raw sabi ng boss n'yo. May problema ba?""Princess, I'm worried about you. Call me when you get this."Napangiti siya bigla nang mabasa ang mga texts nito, lalo na ang sa huli. Nakapagtatakang hanggang ngayon, wala pa itong girlfriend. Kung sa kaniya nga na kaibigan lang nito, ganoon na ito ka-sweet, what more pa kaya sa magiging girlfriend ng lalaki?Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone.Calling Bullet . . .Sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya at agaran na sinagot ang tawag nito."Han? Where on earth are you? Kanina pa ako nag-aalala sa iyo," bungad nito sa kabilang linya. Halata nga sa boses nito ang pag-aalala."Sorry, Bullet. Unexpected, e. Ano kasi—" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas si Rafael na nakatuwalya lang.So wet and so... hayop!Naramdaman niya ang muling pagbilis ng tibok ng kaniyang puso sa preseniya pa lamang nito—o dahil kaya sa pa-wet na abs nito? Hindi siya mapakali na ewan.Sino ba naman ang makakapag-isip nang tama kung may biglang lalabas na lalaking hubo't h***d at natatakpan lang ng tuwalya ang basang-basa at makasalanan nitong katawan? Tumutulo pa ang tubig mula sa wet din nitong buhok."Hey, Han, nakikinig ka ba?"Bumalik siya sa realidad nang muling marinig ang boses ni Bullet."H-ha? Ah, oo—ay! T-teka, ano nga ulit?" Naipikit niya nang mariin ang mga mata nang maramdaman ang mga titig ni Rafael mula sa likuran niya."Sabi ko kung nasaan ka ba ngayon? Ano ba'ng nangyari? Bakit bigla kang nag-leave?"Nakaramdam siya ng guilt nang marinig ang mga sinabi ni Bullet. Hindi man lang siya nakapagpaalam dito. Nag-aalala na ito sa kaniya."Ah, s-sa . . . bakasiyon?"Napapikit siya bago umiling. Alangan naman sabihin niya rito na kasama niya sa isang beach resort si Rafael and they're having their honeymoon kuno?Sa puntong iyon, hindi na niya napigilan ang sarili at napalingon kay Rafael para tingnan kung ano na ang ginagawa nito. Nakatayo pa rin ang lalaki sa harap ng pinto ng banyo at nakakrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib—matalim ang mga matang nakatitig sa kaniya."B-Bullet, I'm sorry. A-ano nga uli iyon?" muli niyang tanong nang may sabihin itong hindi niya masiyadong naintindihan.Ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa ginawa ni Rafael. Bigla itong lumapit bago naupo sa kaniyang tabi, at pagkatapos ay inilapit ang mukha sa kaniya saka nagsalita sa malakas na boses."Hannah, go and take a shower. Magbibihis lang ako."Nalaglag ang panga niya. Nilalakasan nito ang sariling boses and he's doing it on purpose! Pinaningkitan niya ito ng mga mata at hinampas ng nadampot niyang unan.Nag-smirk lamang ito sa kaniya. "Hurry up, sweetheart. We still have a date.""Hannah, who's that? Nasaan ka ba talaga?" Rinig niya ang boses ni Bullet sa kabilang linya pero pinatayan niya na ito ng tawag at saka in-i-off ang cell phone.Mabilis siyang tumayo, namumula ang buong mukha dahil sa inis. "What is wrong with you!"Nag-aalala siya dahil Baka biglang mag-isip ng iba si Bullet. Ano ba kasing problema ng lalaking ito? Sa lahat ng masasabi, bakit ganoon pa!Natatawa nitong hinuli ang kamay niya nang akmang hahampasin niya ito sa braso. "Why? Did I do something wrong?" Ngumisi ito at tinaasan siya ng kilay."Malamang, mayroon! Baka ano ang isipin ng tao sa akin! Ano ka ba, Rafael!"Sa sobrang inis niya, marahas niyang binawi ang kamay at muling kumuha ng unan saka malakas na hinampas dito. Nahawakan naman nito ang unan na hawak niya."Hey, young lady, just incase you're forgetting, I'm your husband, not him." Marahas siya nitong hinila para mapaupo sa tabi nito. "Ano bang ikinagagalit mo? Kayo ba?"Umurong naman ang dila niya sa tanong nito. May ilang segundo siyang hindi nakapagsalita habang nakatitig sa kulay kastanyas nitong mga mata. Nakagat pa niya ang ibabang labi nang maramdaman ang basa nitong katawan. Mabilis siyang umayos ng pagkakaupo."H-hindi pero sa pagkakaalam ni Bullet, boss kita! Mag-ingat ka naman sa mga pinagsasabi mo!"Kinuha niya na lang ang bag niya at mabilis na tinalikuran ito. Tinungo niya ang banyo para maligo, pero ang totoo, umiiwas lang siya kay Rafael.Hindi na maganda ang nangyayari sa kaniya. Hindi na siya makahinga dahil sa lalaki at hindi dahil sa katabaan niya. Masama ito. Nabibilog na naman ni Rafael ang kaniyang utak—maging ang puso niya."Hannah . . ."Mabilis siyang natigilan nang marinig ang malalim na boses ni Rafael. Napansin niyang seryoso ang tono ng tinig nito. Lumingon siya at nakita itong nakatitig na sa kaniya."What?" She asked him. Nakabusangot pa rin ang buo niyang mukha dahil sa naging sagutan nila."Do you . . . like him?"Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Si Bullet ba ang tinutukoy nito?"Hindi," diretso at walang pag-aalinlangan niyang tugon."Does he likes you?""Huh?" Mali yata ang pagkakaintindi niya kaya gusto niyang ulitin nito ang tanong.Tumayo si Rafael, mataman siyang tinititigan. N*******d pa rin ang pang-itaas nito kaya kinailangan niyang mag-iwas ng tingin."Layuan mo siya. Hangga't kasal ka sa akin, ayokong nakikipaglapit ka sa ibang lalaki."Mabilis siyang nag-angat ng mukha sa narinig. Tila ba seryosong-seryoso ito sa sinabi. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Bakit ba ito ginagawa ni Rafael? At saka, sa kanilang dalawa, ito ang nakikipagtalik sa iba, pero ito pa ang may ganang mag-utos ng ganoon?Hindi siya sumagot pero makalipas lang ang ilang minuto, ngumiti ito sa kaniya. Iyong ngiting nakakapagpatunaw ng puso, iyong ngiting kahit sino . . . mabibihag."This is our first day here, let's make it special."NAPAPIKIT siya nang mariin habang nasa loob ng shower at hinahayaang dumaloy ang malamig na tubig sa buo niyang katawan.Hindi mawaglit ni Hannah ang sinabi ni Rafael kanina. Is he serious? Ano na ba ang nangyayari sa lalaking iyon? Una, bigla na lang naging mabait ito sa kaniya. Pangalawa, dinala siya nito sa napakagandang lugar na iyon para daw mag-honeymoon. At pangatlo, ang mga sinabi nito.Umiling siya bago pumikit at bahagyang tumingala sa shower. Aaminin niya, tumitibok nang malakas ang puso niya dahil sa mga bagay na sinabi nito. Lalo siyang naiinis sa sarili dahil kahit halata nang ginagago lang siya ni Rafael, natutuwa pa siya.Pero can anyone blame her? May nararamdaman siya noon para sa lalaking pinakasalan niya. Hindi malayong bumalik ang feelings niya rito lalo pa't bumabait na ito.Kahit na alam niya kung ano talaga ang mayroon sa kanila, kahit na alam niya kung ano talaga ang gusto nito—kung sino talaga ang gusto nito, hindi niya p
NAKARATING sila sa isang maliit na isla hindi kalayuan mula sa beach resort. Pero dahil bangka ang sinakyan nila, halos kalahating oras ang itinagal bago nila narating ang isla.Ayon kay Rafael, maraming turista ang dumating sa resort, kaya lahat daw ng de makinang bangka, gamit. Iyong bangka lang na pasagwan-sagwan ang natira at puwede nilang sakyan. Pagkababa pa lamang nila mula sa puting bangka, agad na siyang namangha sa islang bumungad sa kaniya. Sulit naman pala ang pagtatawag niya sa lahat ng santo, kamangha-mangha ang isla at masarap sa mga mata ang tanawin!Lumingon siya sa buong paligid hanggang sa maabot ng kaniyang paningin ang sinakyan nilang bangka kanina. Ang bangkero, nagsasagwan na palayo! "Oh! Ba't umalis si Mang Ben!" nanlalaki ang mga matang tanong niya."Babalikan niya tayo mamaya. Why are you so afraid, Hannah? It's not like I'm going to bite you," tumawa ito matapos sabihin iyon. "Unless, you want me to."
HINDI siya magsisinungaling. Masarap sa pakiramdam ang lahat ng kabutihan na ginagawa at ipinapakita ni Rafael, pero alam niya na hindi totoo ang lahat ng iyon. Kaya kahit na masaya siya, mas mabuti pang itigil na.Kompanya lang naman ang dahilan ng lahat ng ito at tanggap na niya iyon. Ayaw na ulit niyang masampal ng reyalidad, na kung kailan sanay na siya sa mga kabaitan nito, saka naman siya iwan ng lalaki sa ere. Buong akala niya, kaya niyang sakyan itong pagpapanggap ni Rafael, pero mahirap pala. Lalo na't puso niya ang nakataya. Mataman niyang tinitigan sa mga mata si Rafael upang malaman ang reaksiyon nito. But his face was emotionless. Walang ni katiting na emosiyon ang makikita sa mukha at mga mata nito.Ibig niyang tumawa. Mukhang kahit kabutihan na ang gusto niyang ipakita sa lalaki, wala man lang itong pakialam. Sabagay, ano ba kasing inaasahan niya? Ang magpasalamat ito? Ang magbago ang puso nito at kahit na papaano, lumambot para sa kaniya?
"You're so hard to seduce."Ilang ulit siyang napakurap-kurap habang nakatitig sa seryosong mukha ni Rafael."Ano?" bulalas niya. Sigurado siya sa narinig. Hindi naglalaro ang isip niya, talagang narinig niya ang salitang 'seduce'!Tumawa ito nang bahagya. "Wala." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Wala? E, ni hindi nito magawang tumingin sa kaniya.Umiirap niyang binawi ang paningin at mariin na pumikit. Sa bawat paglipas ng oras, mas lalong nagiging weird itong si Rafael.Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang bigla siyang mapasinghap sa malakas at malakas pagkulog at pagkidlat. Sinabayan pa ito ng malakas na bugso ng hangin. Para bang bumabagyo na sa labas.Tumingala siya at pinakatitigan ang pagbuhos ng ulan sa loob ng kuweba mula sa malaking butas sa itaas. Kulang na lang ay manginig siya habang dumadampi ang malamig na hangin sa kaniyang balat.Bata pa lang ay takot na siya sa malakas na pag-ulan. Hangg
NAG-IWAS agad siya ng paningin at ilang ulit na napalunok. Ayaw niyang makita ni Rafael na apektado siya, pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na masaktan.Matagal na tinitigan ni Rafael ang cell phone nito. Napansin pa niyang sumeryoso ang mukha ng lalaki. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam ito sa kaniya na sasagutin lang ang tawag at mabilis na lumabas ng cottage.Naiwan siyang mag-isa. Tahimik na nakatitig sa pintuan kung saan lumabas si Rafael.Ito ang reyalidad. Ito ang totoo. Na kahit anong kabaitan pa ang ipakita sa kaniya ng lalaki, sa huli, si Samantha pa rin ang nagmamay-ari dito. At kahit kasama pa niya ito ngayon, sa paglubog ng araw, babalik at babalik pa rin ito sa babaeng iyon.Nanatili siyang nakaupo at walang imik. Binibilang ang bawat segundong dumadaan habang wala pa ito. Matapos ng mahabang minuto, muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Rafael. Mabilis naman siyang nag-iwas ng mukha."Bakit hindi ka pa
MATULIN silang naglalakad sa may tabing-dagat habang walang kibo sa isa't isa. Parehong nasa ibang bagay ang kanilang atensiyon, pero maya't maya niyang nililingon si Rafael upang makita ang reaksiyon sa mukha nito.Hindi ganoon karami ang mga tao sa beach, siguro dahil hindi pa naman bakasiyon talaga. Halos karamihan kasi sa mga nakikita niya ay mga magkapareha na nasa early 20's pataas ang edad. May iilan ding foreigners na may mga kasamang pinay na jowa.Muli niyang binaling ang tingin sa asul na dagat. Malinaw at malinis ang tubig-alat doon. Nakangiti niyang hinawi ang ilang buhok na tumatabing sa harap ng kaniyang mukha dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin."Kayo ba mismo ang nagdisenyo nitong resort, Rafael?" basag niya sa katahimikan. Hindi na niya matiis ang hindi ito kausapin.Huminto ito sa paglalakad bago siya nilingon. "Ah, yeah. Mabulaklak ba? Gusto ng isa sa amin na paramihin ang halaman at mga bulaklak sa paligid."Ngumit
NANG tuluyang matapos ang seremonya ng bagong kasal, sabay silang pumasok ni Rafael sa loob ng simbahan. Pinili nilang mas magtagal pa kaysa sa nauna nilang plinano dahil unang beses niya roon. Pinagsawa niya muna ang mga mata sa kagandahan ng paligid. "Hannah," bigla niyang narinig ang boses ni Rafael sa kalagitnaan ng pagdadasal niya.Sinulyapan niya muna ang ilang tao sa unahang bahagi ng simbahan. May ilang mga lalaki ang naiwang nag-aayos at naglilinis ng paligid. Tahimik niyang nilingon si Rafael at hinintay kung ano ang sasabihin nito. "Nakita mo ba? Nakakarwahe iyong ikinasal kanina." Ngumiti ito habang nakaupo lang nang tuwid, ni hindi nag-abalang magdasal, palibhasa, hindi ito relihiyosong tao.Napangiti na lang siya sa sanabi nito saka tumango. "Siguro pangarap iyon no'ng bride. Iyong mala-fairytale ang dating? Parang kay Cinderella."Tumango-tango ang lalaki. "Ikaw, gusto mo ba ng ganoong kasal?"Natahimik siya sa naging tanong nito. Matagal din siyang nakatitig dito bag
HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang
LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h
"Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K
HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.
UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy
HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang