NANG tuluyang matapos ang seremonya ng bagong kasal, sabay silang pumasok ni Rafael sa loob ng simbahan. Pinili nilang mas magtagal pa kaysa sa nauna nilang plinano dahil unang beses niya roon. Pinagsawa niya muna ang mga mata sa kagandahan ng paligid.
"Hannah," bigla niyang narinig ang boses ni Rafael sa kalagitnaan ng pagdadasal niya.Sinulyapan niya muna ang ilang tao sa unahang bahagi ng simbahan. May ilang mga lalaki ang naiwang nag-aayos at naglilinis ng paligid. Tahimik niyang nilingon si Rafael at hinintay kung ano ang sasabihin nito."Nakita mo ba? Nakakarwahe iyong ikinasal kanina." Ngumiti ito habang nakaupo lang nang tuwid, ni hindi nag-abalang magdasal, palibhasa, hindi ito relihiyosong tao.Napangiti na lang siya sa sanabi nito saka tumango. "Siguro pangarap iyon no'ng bride. Iyong mala-fairytale ang dating? Parang kay Cinderella."Tumango-tango ang lalaki. "Ikaw, gusto mo ba ng ganoong kasal?"Natahimik siya sa naging tanong nito. Matagal din siyang nakatitig dito bago nagkibit ng balikat at ibinalik ang mga mata sa harap."Hindi, okay na sa akin iyong simple." Ngumiti siya bago pinagsalikop ang dalawang mga palad na nakapatong sa harap.Bago magdasal ay nilingon niyang muli si Rafael. Tahimik itong nakatingin sa kaniya. Waring nangungusap ang mga mata."Simple lang? Are you sure? Sa pagkakaalam, halos karamihan sa mga babae, nangangarap ng enggrande para sa kasal nila."Malapad siyang ngumiti bago tumango. "Karamihan pero hindi lahat. At kabilang ako roon sa kakaunting babae na okay na sa simple. Saka para sa akin ay hindi mahalaga ang kasal, ang importante, ang taong pakakasalan."Nag-angat siya ng paningin sa altar nang maisip ang mga panahon na namulat siya at natutong mangarap para sa magiging kasal niya balang-araw."May isang tao akong nagustuhan noon. Bata pa lang ako, sabi ko sa sarili ko, kahit na anong klase ng kasal . . . kahit sa huwes lang, okay na. Kung sa taong iyon ako maikakasal."Sa isip niya noon, laging si Rafael ang groom, ang kaniyang mapapangasawa. Pero ni minsan, hindi sumagi sa isip niya na sa ganoon sitwasiyon iyon matutupad."At sino naman ang . . . lalaking iyon?" pagkuwa'y narinig niyang tanong nito.Muli niya itong nilingon. Pilit niyang binabasa ang reaksiyon ng mukha nito, pero mahusay nga talaga ito sa pagtatago ng nararamdaman. Ni walang kahit na anong emosiyon ang makikita sa mukha nito."Patay na," walang gana niyang tugon."Iyong lalaking gusto mong pakasalan, patay na?" nahimigan niya ng matinding kagustuhan malaman ang sagot sa tinig nito."Oo." Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Nagsisinungaling siya at sa loob pa ng simbahan. "Lord, patawad po.""Mabuti.""Ano!" Mabilis niyang nilingon si Rafael."Akala ko kasi, iyong bala ang tinutukoy mong gusto mong pakasalan.""Bala?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Si Bullet ba ang tinutukoy mo?"Nagde-kuwatro ito at bumaling sa malayo. Hindi na nag-abalang sagutin ang tanong niya. Nakangusong ibinalik niya ang mga mata sa altar."Huwag sanang masamid si Bullet.""How about a beach wedding?" maya-maya'y saad nito na muli niyang ikinalingon dito."Beach wedding?""Ayaw mo ba ng beach wedding?"Sandali siyang nag-isip. "Ang totoo niyan, kahit hindi ako marunong lumangoy, hilig ko ang dagat. So, okay naman ang beach wedding. Pero Rafael, bakit mo ba tinatanong?"Umiling ito at muling binaling sa malayo ang paningin. "Wala naman. I was just curious. Ano'ng klaseng babae ang pinakasalan ko? Ano ang mga hilig niya? Anong kasal ang pinangarap niya?"Nagkatitigan sila nang muli siya nitong tingnan. Walang halong pagbibiro ang mukha ng lalaki kaya para bang dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya."Hindi ako makahinga," bulong niya sa sarili habang nakahawak sa tapat ng kaniyang dibdib. Gusto na naman niyang batukan ang sarili dahil sa nararamdaman niya."How about music?" Tumikhim ito, nakatuon na ang tingin sa harap. "What song do you like for a wedding?"Sa pagkakataong iyon, umayos na siya ng pagkakaupo sa tabi nito. "Ang dami mong tanong."Sandali siyang nag-isip sa puwedeng rason ng kakaibang ikinikilos nito, pero nang may isang sagot na pumasok sa isip niya, matinding kirot sa puso ang kaniyang nakuha."Is it for Samantha?"Nakita niyang natigilan ito. Hindi siguro inaasahan ang magiging tanong niya."Naghahanda ka na ba para sa kasal n'yo?" Bahagya siyang ngumuso bago nagkibit ng balikat. "Hindi dapat ako ang tinatanong mo tungkol diyan. Nakita mo naman kung gaano kami ka-opposite."Natigilan siya nang makitang magkasalubong ang mga kilay ni Rafael. Halata rin sa mukha nito na hindi nito nagugustuhan ang naririnig.Nag-iwas siya ng mukha at piniling manahimik na lang. Napakasensitibo naman masiyado ng lalaking ito. Hindi naman masama ang sinabi niya tungkol sa Samantha nito, pero ang sama na agad ng tingin sa kaniya ng lalaki.Matapos nilang manatili pa nang ilang sandali, nagdesisiyon si Rafael na bumalik na sila sa resort. Muli silang sumakay ng traysikel at bumaba sa bungad ng gate ng beach resort."La Paraiso Escondido," basa niya sa malaking signboard sa bungad ng gate. Nilingon niya si Rafael na nakasunod sa kaniya, saka itinuro iyon. "Ano'ng ibig sabihin niyan?""The hidden paradise," tugon nito at ngumiti. "El Angel de Infierno was the former name of this resort."Lumapit ito sa kaniya at sinabayan siya sa paghakbang. Nasa loob ng bulsa ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay abala sa pagtitipa sa cell phone. Tini-text na naman siguro si Samantha."Rafael, bakit n'yo pinalitan ang pangalan ng resort n'yo noon?" tanong niya. Ang totoo, gusto lang niyang mawala ang init ng ulo nito. Baka kasi pakitunguhan na naman siya nito nang masama."Why'd you asked?" balik tanong naman nito habang nasa cell phone pa rin ang atensiyon."Wala lang," nakasimangot niyang tugon.Huminto ito sa paglalakad sa harap ng isang kainan. Mukhang coffee shop iyon pero nasa labas ang mga mesa't upuan na gawa sa kawayan. Hawaiian style ang hitsura nito. Napalilibutan ng iba't ibang halaman at halos kulay luntian ang buong paligid.Nang sa wakas ay huminto na si Rafael sa pagtitipa sa selpon nito, nakapokus naman ang atensiyon niya sa mga pagkaing hinahanda sa loob ng kainan."El Angel de Infierno means Hell's angel. We all experienced hell before our lives got a little bette." Malayo ang tingin nito na para bang nagbabalik-tanaw sa nakaraan. "Nang itayo namin ang resort na ito, we promised to make this place a paradise. Paraiso kung saan namin dadalhin at ititira ang babaeng makakasama namin habang-buhay."Natigilan siya at biglang napaisip. Naalala niya noong sabihin ng bangkerong si Mang Roben, na buong akala nila, si Samantha ang makakatuluyan ni Rafael.Ibig sabihin, madalas nitong dalhin doon si Samantha. Ito ang babaeng gusto nitong makatuluyan.Nagbuga siya ng hangin bago itinuon ang paningin sa mga halaman sa labas ng kainin. May gumamelang nakatanim doon, kulay rosas at dilaw.Natigilan siya nang makitang lumapit doon si Rafael at pumitas ng kulay rosas na gumamela, saka ibinigay sa kaniya.Nang dahil sa gulat, hindi agad siya nakapag-isip. Matagal niyang tinitigan ang inabot nitong bulaklak bago nag-iwas ng tingin."Why are you blushing? Is this the first time you received a flower?" Kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa kaniyang palad ang gumamela.Tinanggap niya iyon at pigil ang sarili na ngumiti. "No, mali ka." Inirapan niya ito bago nagpatuloy sa paglalakad."Oh? Talaga?" Natigilan siya nang marinig iyon. Muli niya itong nilingon at hinintay ang sunod nitong sasabihin. "Si Tito ba ang unang nagbigay sa iyo?"Muli siyang umirap bago pumitas ng isang talutot ng gumamela. "Si Bullet."Napangiti siya nang maalala ang isang bouquet ng red roses na ibinigay ni Bullet sa kaniya noong araw ng graduation niya. Pero ewan ba niya kung bakit abot hanggang langit ang saya niya sa isang gumamela na pinitas lang ni Rafael sa isang tabi. Siguro dahil galing iyon dito?Tahimik nilang binagtas ang daan pabalik sa cottage. Buong oras ay tahimik lang si Rafael at nakasimangot. Gustuhin man niyang kausapin ito, natatakot naman siyang masigawan ng lalaki.Nagbago lang ang mood nito nang matanaw nila ang kanilang cottage mula sa kinatatayuan. Bahagyang umawang ang bibig niya nang makita ang ayos ng paligid.Sa harap ng cottage nila, naroon at nakalatag ang mahabang cream carpet. Sa gilid carpet, nakahilera ang mga azalea rush bushes. Nagkalat din sa pinong buhangin ang mga rose gold ground lightnings na bukod sa mga puting bulaklak, may kasama pang maliliit na puting kandila na nakasindi na.Agaw pansin naman sa dulo ng carpet ang arch na pinalilibutan ng white chiffon at may palamuting mga keiras flowers. Naghihintay rin sa dulo ang isang pari."May ikakasal?" bulong niya sa sarili.May iilang tao ang nakapalibot sa paligid at tila naghihintay sa susunod na mangyayari. Natigilan na siya at kunot-noong nilingon si Rafael. Naghihintay ng sagot mula rito.Sa halip na magsalita, nginitian siya nito at inabot ang kamay niya. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niyang hawak ng lalaki.Marahan siyang hinila nito papalapit sa cottage bago sila nilapitan ng dalawang babaeng sa palagay niya ay mga staff ng resort. Inabot ng isang babae kay Rafael ang kumpon ng mga kulay rosas na peonies. Ang isa pang babae ay lumapit sa kaniya, nilagyan siya nito ng kaunting makeup na agad niya naman pinigilan."T-teka lang, ano'ng ginagawa mo?" Palubog na ang araw. Parami naman nang parami ang mga tao sa paligid. Lalong lumalalim ang gitla sa noo niya dahil sa matinding pagtataka.Ibubuka niya sana muli ang bibig, pero bago pa man siya makapagsalita, ibinigay ni Rafael ang bulaklak sa kamay niyang hawak nito. Kinuha naman nito ang gumamela mula sa isa niyang kamay at saka inipit sa kabilang tainga niya.Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. "Marry me again, Hannah."HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang
UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy
HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K
"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
"Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h
"Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K
HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.
UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy
HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang