Share

Chapter Twenty

Author: Cinnamon
last update Last Updated: 2022-04-28 02:58:07

"You're so hard to seduce."

Ilang ulit siyang napakurap-kurap habang nakatitig sa seryosong mukha ni Rafael.

"Ano?" bulalas niya. Sigurado siya sa narinig. Hindi naglalaro ang isip niya, talagang narinig niya ang salitang 'seduce'!

Tumawa ito nang bahagya. "Wala."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Wala? E, ni hindi nito magawang tumingin sa kaniya.

Umiirap niyang binawi ang paningin at mariin na pumikit. Sa bawat paglipas ng oras, mas lalong nagiging weird itong si Rafael.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang bigla siyang mapasinghap sa malakas at malakas pagkulog at pagkidlat. Sinabayan pa ito ng malakas na bugso ng hangin. Para bang bumabagyo na sa labas.

Tumingala siya at pinakatitigan ang pagbuhos ng ulan sa loob ng kuweba mula sa malaking butas sa itaas. Kulang na lang ay manginig siya habang dumadampi ang malamig na hangin sa kaniyang balat.

Bata pa lang ay takot na siya sa malakas na pag-ulan. Hanggang ngayon ay dala-dala niya iyon. Ang ipinagkaiba lang, wala na ang mama niya para pawiin ang takot sa dibdib niya.

Muli pang gumuhit ang kidlat sa kalangitan, isang tili na ang nagawa niya dahil sa matinding pagkagulat. Pero kahit nakakatakot ang malakas na kulog at kidlat, wala pa rin tatalo sa nakakikilabot na paggapang ng kamay ni Rafael sa kaniyang baywang.

"Rafael, tigilan mo nga iyan!"

"Hey, I'm trying to comfort you," pagdadahilan nito at tuluyang pinulupot ang braso sa katawan niya.

"Comfort? E, mas kinikilabutan ako sa ginagawa mo!"

Bahagya itong natawa. "Really? Kinikilabutan? Sa kilig?"

Umawang ang mga labi niya sa narinig. Nanghuhusgang tinitigan niya ito gamit ng matatalim na mga mata. "Ang lakas ng kumpiyansa mo sa sarili, ano?"

Ngumiti ito matapos siyang kindatan. "Of course. I am Rafael Fernando. Walang babae ang hindi magkakagusto sa akin."

Kumuyom ang mga kamay niya. Oo nga't guwapo ito at may karapatan itong lumaki ang ulo, pero sobra naman yata ang panlalaki ng ulo nito. Mas malaki pa kaysa sa planet mars!

"Well, not me!"

Hindi siya kapani-paniwala, alam niya iyon, pero hindi rin naman siya papatalo.

"Talaga lang, ah?" saad nito na tila naghahamon.

Mariin siyang lumunok bago determinadong tumango. "Hindi ako magkakagusto sa iyo katulad ng inaakala mo, because I am a lesbian."

Hindi nakapagsalita si Rafael sa mga sinabi niya. Nanatili lamang itong tahimik habang nakatitig nang mariin sa kaniyang mukha. Maya-maya lang ay makikita na ang pagkunot ng noo nito.

"What did you say?" Sa paglingon niya rito ay sinabayan ng kidlat ang mga titig nitong punong-puno ng pagtataka.

"You heard me right, Mr.Fernando. I'm a lesbian. So, stop seducing me if that's what you're doing because it won't work." Nakatulala ito nang mag-iwas siya ng mukha. Lihim naman siyang nakaramdam ng tuwa. At least, titigil na ito sa kalokohan nito.

"Too bad."

Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nagsalubong ang kilay sa narinig.

"You won't be like that for too long."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "At ano naman ang binabalak mo!"

Pilyong ngiti ang makikita sa mga labi nito habang nakatitig sa kaniya. Tila umaalon naman ang kaniyang dibdib dahil sa malalim at mabilis na paghinga.

Ganoon na lang ang pagbilog ng mga mata niya nang maramdaman ang muling dampi ng palad nito sa kaniyang kamay. Tila siya naestatwa sa kinauupuan habang sinasalubong ang dalawang pares ng mga mata nito.

Sa sobrang pagkalulong sa mga titig ni Rafael, ni hindi na niya napansin ang pag-angat ng kaniyang kamay na hawak ng lalaki, at ang paglapat ng palad niya sa matigas nitong mga abs.

Pareho silang natigilan nang tuluyan niyang mahawakan iyon. Siya ay napasinghap at si Rafael ay tila natauhan. Nang marahas niyang bawiin ang kamay at bumaling sa malayo, napapalunok itong tinitigan siya.

ALAS-OTSO na ng umaga nang makabalik sila sa beach resort. Hindi tumila ang ulan kahapon at mas lalo lang itong lumakas nang sumapit ang gabi, kaya hindi na sila nasundo pa ni Mang Ben. At dahil wala nang mapagpipilian, doon na lang sila natulog sa kuweba.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Hannah nang maalala ang eksenang bumungad sa kaniya kanina. Nagising siyang nakaulo sa balikat ni Rafael.

Mabuti na nga lang dahil hindi ito nagreklamo sa bigat niya. Gising na rin kasi ang lalaki nang maalimpungatan siya. Nagulat pa siya nang makitang tahimik lang itong nakatitig sa kaniyang mukha.

Kung ibang tao lang siguro, kikilabutan na sa senaryong nabungaran niya. Ang kaso si Rafael iyon. Kahit creepy at weird, hindi siya nakaramdam ng takot dito. Mukha ngang mga paruparo pa sa tiyan ang naramdaman niya.

Nang makapasok ng bahay ay iniwan niya agad si Rafael at patakbong dumiretso sa balkonahe. Doon niya naiwan ang cell phone niya kahapon. Kinabahan pa siya dahil inakala niyang aksidente niya itong nahulot sa dagat kahapon.

Agad niya itong binuksan at tiningnan ang mga texts at tawag. Nag-aalala na kasi siya dahil baka galit na sa kaniya si Bullet o baka nag-aalala na rin ang mga kaibigan niyang sina Athena at Cassandra.

Nang ma-on ang selpon, sunod-sunod na text messages ang natanggap niya. Ang ilan ay galing kina Cassandra at Athena, pero karamihan ay galing kay Bullet. Tinawagan niya ang numero nito pero ring lang iyon nang ring, walang sumasagot. Sinubukan niya ulit itong tawagan sa huling pagkakataon, pero ganoon pa rin.

Nakaramdam siya ng guilt habang iniisip ito. Nagalit na kaya sa kaniya ang lalaki dahil sa ginawa ni Rafael? Nag-aalala lang naman ito pero binabaan pa niya ng tawag. Inisip na lamang niyang abala na ito sa trabaho. Kaya sa halip na tumawag muli ay t-in-ext niya na lang ito.

'Hi, Bullet. Sorry kung nababaan kita ng tawag kahapon. Magpapaliwanag na lang ako sa iyo kapag nakabalik na ako. Nga pala, sa makalawa ang uwi ko. Sorry talaga Bullet.'

Matapos ipadala ang text, iniwan niya ulit sa veranda ang kaniyang cell phone at pumasok sa silid nila. Balak niyang maligo muna dahil nangangati na ang buong katawan niya.

Kinuha niya ang lahat ng gamit niya pampaligo, saka dumiretso sa loob ng banyo. Sinasabayan pa niya ang malamyos na awiting naririnig sa pinakamalapit na resto-bar sa cottage nila. Nang makapasok naman sa banyo, biglang namilog ang mga mata niya at agad na nabitiwan ang hawak na shampoo bottle, dahilan upang makuha ang atensiyon ni Rafael.

Lumingon ito at tumambad sa kaniya ang h***d nitong katawan. Naglakbay ang mga mata niya mula sa mukha nito pababa sa mga abs nitong mabato-bato . . . at pababa muli sa ulo nito—sa ulo sa ibaba.

Mariin siyang lumunok nang makipagtitigan sa makasalanang bahagi ng katawan ni Rafael ang dalawang pares ng birhen niyang mga mata. Hindi rin nakatulong ang mamahaling amoy na nagmumula sa sabon na gamit nito. Pakiramdam niya, nag-aapoy ang buo niyang katawan.

"Enjoying the view?" Nang marinig ang boses nito, mabilis siyang nag-angat ng ulo.

Sinalubong siya ng nakangisi nitong mukha. Nakatingin lang ang lalaki sa kaniya habang patuloy ito sa pagsabon ng sariling katawan.

Umiling siya at mabilis na tumakbo palabas ng banyo. Marahas pa niyang isinarado ang pintuan at saka sumigaw ng, "Sorry!"

Ilang beses niyang inuntog-untog ang likod ng ulo sa pinto dahil sa katangahan niya. Kung bakit ba kasi hindi man lang sumagi sa isip niya na nasa loob pala ng shower si Rafael at naliligo? Hindi niya man lang narinig ang agos ng tubig mula sa loob.

"Hannah, napakamanyak mo." Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Hindi niya matanggap na natagalan pa siya sa pagtitig sa dragon nito. Napaghahalataang nagustuhan niya ang nakita!

Nanginginig siyang lumapit sa kama at umupo roon. Doon na lamang niya hihintayin matapos si Rafael. Hindi naman nagtagal at bumukas din ang pintuan ng banyo, saka lumabas ang nakatuwalyang si Rafael. Pilyo itong napangiti nang mabaling sa kaniya ang paningin.

"T-t-tapos ka na?" uutal-utal niyang tanong. Sadya niyang kinagat ang ibabang labi dahil sa inis.

Tango lang ang isinagot nito sa kaniya habang naroon pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi. Agad siyang tumayo at mabilis na pumasok ng banyo, pero bago pa niya maisara ang pintuan, narinig niyang nagsalita si Rafael.

"Hannah," tawag nito sa pangalan niya.

Huminto siya sa bukana ng pintuan at nagdesisiyon na lingunin ito. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito kaya itinuon niya ang paningin sa carpeted floor.

"Lock the door. Baka kasi ako naman ang magkamali ng pagpasok," matapos sabihin iyon ay ngumiti ito nang makahulugan.

Mariin niyang kinagat ang kaniyang labi para mapigilan ang sarili na magsalita nang masama. Kasalanan naman niya ang nangyari. Walang ibang sisisihin kundi siya rin.

Huminga siya nang malalim at padabog na sinarado ang pintuan saka siniguradong naka-lock iyon nang mabuti.

"Bagay talaga sila ni Samantha, parehong mahilig."

Ilang minuto matapos niyang maligo at makapagbihis, langhap na niya ang masarap na amoy pagkaing niluluto ni Rafael. Kumurba sa maliit na ngiti ang mga labi niya.

Hindi niya alam kung bakit, pero napakainit ng puso niya sa mga sandaling iyon. Natutuwa siyang isipin na ang isang Rafael Fernando, nasa kusina at abalang nagluluto ng pagkain para sa kanila. Ngayon lang talaga nag-sink in sa utak niya ang lahat.

"Sandali na lang Ito," sabi nito nang makalabas siya ng silid. Ang atensiyon nito ay nakatuon sa niluluto.

Nanatili siyang nakatayo sa tabi ng mesa habang pinagmamasdan ang matipunong likod ni Rafael. Nakasuot ito ng fitted black shirt at denim jeans.

Napatingin naman ito sa kaniya nang mapansing nakatitig siya rito. Nginitian siya nito at bago isinenyas ang upuan sa tabi nito.

Ngayon lang niya napagtanto, her husband looks hotter in black. Bumagay rito ang kulay na iyon dahil sa bad boy nitong awra. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapangiti nang mapansing taliwas ang kulay ng suot nila.

She's wearing white blouse and blue jeans. Katulad ng kulay ng kanilang suot, silang dalawa ni Rafael ay ang total opposite ng isa't isa.

Tahimik siyang naupo sa silyang malayo rito habang pinanonood ito. Nagtitimpla ito ng kape sa dalawang puting baso. Kung titingnan, talagang pang-husband material ito ng mga babaeng walang alam sa gawaing bahay, lalo na sa pagluluto.

Malungkot siyang ngumiti. Ramdam niya ang pagkirot ng kaniyang puso nang maisip na mawawala na ito sa kaniya pagkatapos ng limang buwan.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Iniisip na naman niya na may karapatan siya kay Rafael. Hindi na siya nadala.

"That was deep. What's wrong?" Huminto ito sa ginagawa saka binaling sa kaniya ang buong atensiyon.

"I-I'm just worried about Bullet. Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko."

Hindi ito kumibo sa kaniyang sinabi. Ipinagpatuloy lamang nito ang ginagawa. Habang hinihintay na maluto ang breakfast na hinahanda nito, bigla na lang tumunog ang cell phone nitong nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

Pareho silang natigilan at natuon doon ang paningin. Nahagip ng mga mata niya ang pangalan ni Samantha sa screen ng cell phone bago pa man iyon madampot ni Rafael.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
tumawag si istorbo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-one

    NAG-IWAS agad siya ng paningin at ilang ulit na napalunok. Ayaw niyang makita ni Rafael na apektado siya, pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na masaktan.Matagal na tinitigan ni Rafael ang cell phone nito. Napansin pa niyang sumeryoso ang mukha ng lalaki. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam ito sa kaniya na sasagutin lang ang tawag at mabilis na lumabas ng cottage.Naiwan siyang mag-isa. Tahimik na nakatitig sa pintuan kung saan lumabas si Rafael.Ito ang reyalidad. Ito ang totoo. Na kahit anong kabaitan pa ang ipakita sa kaniya ng lalaki, sa huli, si Samantha pa rin ang nagmamay-ari dito. At kahit kasama pa niya ito ngayon, sa paglubog ng araw, babalik at babalik pa rin ito sa babaeng iyon.Nanatili siyang nakaupo at walang imik. Binibilang ang bawat segundong dumadaan habang wala pa ito. Matapos ng mahabang minuto, muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Rafael. Mabilis naman siyang nag-iwas ng mukha."Bakit hindi ka pa

    Last Updated : 2022-04-29
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-two

    MATULIN silang naglalakad sa may tabing-dagat habang walang kibo sa isa't isa. Parehong nasa ibang bagay ang kanilang atensiyon, pero maya't maya niyang nililingon si Rafael upang makita ang reaksiyon sa mukha nito.Hindi ganoon karami ang mga tao sa beach, siguro dahil hindi pa naman bakasiyon talaga. Halos karamihan kasi sa mga nakikita niya ay mga magkapareha na nasa early 20's pataas ang edad. May iilan ding foreigners na may mga kasamang pinay na jowa.Muli niyang binaling ang tingin sa asul na dagat. Malinaw at malinis ang tubig-alat doon. Nakangiti niyang hinawi ang ilang buhok na tumatabing sa harap ng kaniyang mukha dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin."Kayo ba mismo ang nagdisenyo nitong resort, Rafael?" basag niya sa katahimikan. Hindi na niya matiis ang hindi ito kausapin.Huminto ito sa paglalakad bago siya nilingon. "Ah, yeah. Mabulaklak ba? Gusto ng isa sa amin na paramihin ang halaman at mga bulaklak sa paligid."Ngumit

    Last Updated : 2022-04-29
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-three

    NANG tuluyang matapos ang seremonya ng bagong kasal, sabay silang pumasok ni Rafael sa loob ng simbahan. Pinili nilang mas magtagal pa kaysa sa nauna nilang plinano dahil unang beses niya roon. Pinagsawa niya muna ang mga mata sa kagandahan ng paligid. "Hannah," bigla niyang narinig ang boses ni Rafael sa kalagitnaan ng pagdadasal niya.Sinulyapan niya muna ang ilang tao sa unahang bahagi ng simbahan. May ilang mga lalaki ang naiwang nag-aayos at naglilinis ng paligid. Tahimik niyang nilingon si Rafael at hinintay kung ano ang sasabihin nito. "Nakita mo ba? Nakakarwahe iyong ikinasal kanina." Ngumiti ito habang nakaupo lang nang tuwid, ni hindi nag-abalang magdasal, palibhasa, hindi ito relihiyosong tao.Napangiti na lang siya sa sanabi nito saka tumango. "Siguro pangarap iyon no'ng bride. Iyong mala-fairytale ang dating? Parang kay Cinderella."Tumango-tango ang lalaki. "Ikaw, gusto mo ba ng ganoong kasal?"Natahimik siya sa naging tanong nito. Matagal din siyang nakatitig dito bag

    Last Updated : 2022-04-30
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-four

    HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang

    Last Updated : 2022-05-07
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-five

    UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy

    Last Updated : 2022-05-07
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-six

    HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.

    Last Updated : 2022-05-08
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-seven

    NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K

    Last Updated : 2022-05-08
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-eight

    "Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak

    Last Updated : 2022-05-08

Latest chapter

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-two

    LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-one

    "Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty

    "Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-nine

    HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-eight

    "Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-seven

    NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-six

    HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-five

    UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-four

    HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang

DMCA.com Protection Status