SIMULA nang sabihin ni Hannah kay Rafael na hindi siya papayag sa pakikipaghiwalay nito, mas lalo pa itong dumistansya sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, maaga siya kung umalis ng bahay at late na kung umuwi.
Kung sakali mang magtagpo ang mga landas nila sa kalagitnaan ng gabi, para itong walang kasamang tao sa paligid. Para bang hangin lang siya para sa lalaki. Ganoon siya kung ituring ni Rafael. Kaya nagdesisiyon siyang ibaling na lang sa pag-aaral ang buo niyang atensiyon.
Malapit na ang finals nila kaya sinubsob na lamang niya ang sarili sa pagre-review. Kung walang klase, lagi siyang nasa loob ng library at abalang nag-aaral. Naisip na rin niya, kung iintindihin pa niya ang nangyayari sa buhay niya, mapapabayaan niya lalo ang pag-aaral niya. Ito na lang ang tanging bagay na mayroon siya sa ngayon. Hindi puwedeng mapabayaan niya ito.
"Hey, kanina ka pa nandito?"
Mula sa librong binabasa niya, nag-angat si Hannah ng paningin nang marinig ang boses ni Athena. Hinila nito ang upusan sa tapat niya at naupo roon.
"Ni hindi ka man lang nag-lunch." Makikita ang pag-aalala sa mukha ng babae.
Banayad siyang ngumiti at nagkibit ng balikat. "Hindi ako nagugutom, e."
"Girl, condolence pala, ha?" Nahinto siya sa pagbabasa ng libro nang marinig iyon mula kay Athena.
Binigyan niya ito ng malungkot na ngiti bago tumango. "Salamat," maikli niyang tugon.
Hindi pa man sila nakapagsisimulang mag-usap, dumating naman si Cassandra. Itinaas nito ang isang kamay nang makalapit sa kanila.
"Hey, girls. I've been looking everywhere for the two of you." As usual, masigla ito. Sa kanilang tatlo, ito ang pinaka-jolly.
Si Cassandra kasi ang pinakamaganda at pinakamasayahin sa kanila. While Athena's the most sexy, smart, and the luckiest. Masuwerte sa magulang, sa pamilya, sa pag-aaral, at may boyfriend itong ubod ng guwapo at bait.
Sila ang mga best friends ni Hannah simula pa noong elementary niya. Kahit papaano ay thankful siya dahil may mga kaibigan siyang katulad nila. Maliban kasi sa mga magulang niya at sa mga librong kinukolekta niya noon, ang dalawa rin ang dahilan kung bakit siya sumasaya. Hindi sila katulad ng ibang babae na mapili sa mga kinakaibigan.
"Hannah, do you want to eat? Let's go. Kumain tayo sa canteen," pag-aaya ni Cassandra nang senyasan ito ni Athena.
Lahat ng bagay, nasasabi niya sa dalawa, iyon nga lang, hindi alam ng mga kaibigan ito ang tungkol sa sitwasyon niya ngayon. Wala silang nalalaman tungkol sa pagpapakasal niya. Ang tanging alam lang ng mga ito ay nag-absent siya ng halos isang buwan dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya.
Hindi niya nasabi sa mga ito na nagpakasal siya sa lalaking walang pakialam sa kaniya.
"Hindi ako gutom. Isa pa, kailangan ko mag-review. Almost one month akong nag-absent. Dapat akong bumawi."
Muli na naman niyang naalala ang kaniyang mga magulang. Kung nasa tabi niya lang sana ang mga ito, hindi magiging ganoon kasakit at kahirap ang lahat.
Pinili niyang manatiling tahimik kahit na sunod-sunod ang tanong at pangungumusta sa kaniya nina Cassandra at Athena. Nakokonsensiya nga siya dahil halatang nag-aalala talaga ang mga ito.
Nang sumapit ang hapon ay umuwi siya na laglag ang mga balikat. Pakiramdam niya sa tuwing nasa loob siya ng bahay ni Rafael ay nauupos siya. Nauupos na parang kandilang nakasindi sa buong magdamag, nasa gitna ng dilim habang unti-unting natutunaw.
Mula sa school, kalahating oras ang ginugugol niya sa paglalakad bago makarating sa bahay. Alas-sais na siya kung umalis sa eskuwelahan dahil mas gusto niyang naaabutan ng dilim sa daan. Hindi maliwanag, hindi rin masiyadong marami ang mga tao sa kalye. Walang masiyadong huhusga sa kaniya.
Nang makarating siya sa bahay ay dire-diretso siyang nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Ilang minuto rin siyang nakatanga roon at nag-iisip ng kung ano-ano nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng bahay.
Nagulat na lang siya nang makita ang nakangiting mukha ni Samantha. Umaalingawngaw sa katahimikan ng paligid ang tunog ng takong ng suot nitong sapatos. Nakasuot pa ito ng maiksing dress na kulay itim, yumayakap iyon sa magandang hubog ng katawan nito. Kulay itim din ang sandal na suot ng babae na tinernohan ng mga alahas na kulay gold silver. Ang mga labi naman ng babae ay pulang-pula habang punong-puno ng makapal na kolorete ang mukha.
Nakita niya ang paglaho ng ngiti sa mga labi ni Samantha nang makita siya. Agad na umasim ang mukha nito at umikot pa ang mga matang may mapipilantik na pilikmata.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" nakamaang niyang tanong. Naisip niya na baka si Rafael ang sadya nito kaya parang kinurot ang puso niya.
Pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makita ang pagpasok ni Rafael mula sa pintuan ng bahay. Nakasuot ito ng suit na may dark blue na blazer. Matikas ang tindig at napakaguwapong pagmasdan. Kung ganoon, magkasamang dumating ang dalawa—magkasama sina Rafael at Samantha.
Napalunok siya nang ilang beses nang makita ang pag-smirk ni Samantha. Waring nang-iinsulto ang bawat tinging ibinibigay nito. Si Rafael naman, malamig ang mga matang nakapukol sa kaniya.
"Baby, hurry up. Nababagot na ako," malanding wika ni Samantha kay Rafael.
Natigilan siya at bahagyang umawang ang bibig nang bigla nitong halikan si Rafael sa labi, sa mismong harap pa niya. Pakiramdam niya ay parang huminto nang ilang segundo ang kaniyang puso. Dampi lang iyon pero hindi man lang nito inisip na nandoon siya?
Napalunok siya nang makita ang pagtapon ng tingin sa kaniya ni Rafael na para bang tinitingnan nito ang reaksyon niya, dahilan upang mag-iwas siya ng mukha. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito.
"Ano ba, Hannah? Ano naman ngayon kung m********n sila? Ano ka ba ni Rafael? Asawa! Asawa sa papel. In short, kontrabida sa love story nila!" Mariin niyang kinagat ang ibabang labi habang iniisip ang mga bagay na iyon.
Sunod-sunod siyang napalunok matapos marinig ang mga yabag nina Rafael at Samantha patungo sa itaas ng hagdan. Tuluyan nang pumatak ang isang luha sa kaniyang pisngi nang makapasok ang mga ito sa kanilang kuwarto.
Wala sa sariling naibaba niya ang basong hawak na naglalaman ng malamig na tubig. Kung ganoon, hindi ex ni Rafael si Samantha, dahil sila pa rin hanggang ngayon. Hindi naghiwalay ang dalawa kahit nang ikasal na sila ni Rafael.
"Hindi. Hindi ako puwedeng umiyak. Ano bang karapatan ko? Wala!" Pilit niya na lang nilunok ang lahat ng sakit.
Hindi siya puwedeng maging mahina ngayon. Wala na ang mga magulang niya para umalo at umalalay sa kaniya, mag-isa na lang siya. Kaya hindi siya dapat maging mahina na lang lalo na kung sina Rafael at Samantha lang din ang magiging dahilan.
Nanatili siya sa kusina. Ayaw niyang umakyat sa itaas dahil pader lang ang pagitan ng kuwarto niya at ng silid ni Rafael. Ayaw niyang marining ang kung ano mang milagrong gagawin ng mga ito.
Makalipas ang halos isang oras, habang nakaupo sa harap ng mesa, narinig niya na rin ang muling pagbukas ng pintuan sa kuwarto ni Rafael, at ang pagbaba ng mga ito. Nag-angat siya ng mukha nang makitang tuloy-tuloy lang si Samantha sa paglalakad hanggang sa makalabas ito ng bahay. Samantalang tumigil naman sa bungad ng kitchen si Rafael.
Bumuntong-hininga ito bago nagsalita, "If you change your mind, the contract is inside the drawer beside the bed. Puwede mong ilagay roon ang kondisyon mo, a hundred or half a million, even higher if you want, ibibigay ko ang halagang kailangan mo. Hiwalayan mo lang—"
"Sinabi ko na, ayokong makipag-hiwalay!" mariin niyang putol sa sinasabi nito habang pinipilit ang sarili na hindi iyakan ang lalaking ito. "Kung para sa 'yo, laro lang ang pagpapakasal, well, para sa akin, hindi!"
Rafael is her first in everything. First kiss, first man to touch her hand, first man to love besides her father. Nawala man ang nararamdaman niya para dito noon, unti-unti na iyon bumabalik ngayon. But she doesn't want him to be just her first, she wants him to be her last. Imposible man pero hindi niya mapigilan ang sarili na umasa.
Masakit ang pagkawala ng mga magulang niya, pero kahit papaano ay nakatulong sa kaniya ang isiping may makakasama na siya sa pagtanda. Pero hindi ganito, malayo ito sa inaasam niyang happy ending.
Hindi ba puwedeng huwag na lang itong makipag-divorce sa kaniya? Na kahit hindi na siya mahalin ni Rafael, basta pumayag lang itong manatili siya sa buhay nito?
Nakita niya ang pagpakawala nito ng malalim na hangin bago mariing pumikit. Magkasalubong ang mga kilay nito, waring nagtitimpi ng galit. Makalipas lang ang ilang segundo, muli itong nagmulat ng mga mata at tinitigan siya.
"Fine, you ask for this. Kumain ka na dahil kay Samantha ako matutulog ngayon gabi," matapos sabihin ang mga bagay na iyon na puno ng panlalamig, tuluyan na siya nitong iniwan.
Nakarinig siya ng ingay ng pagbukas ng makina ng sasakyan sa labas, na alam niyang kay Rafael, saka pinaharurot palayo.
Matapos masigurong wala na ang mga ito ay saka niya lang hinayaan na tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Sino ba kasing niloloko niya? Umaasa pa siya na kahit na kaunti ay magkakaroon ito ng pagmamalasakit sa kaniya. Ni hindi niya nga magawang mahalin ang sarili niya, pagkatapos, mag-e-expect pa siyang may magmamahal sa kaniyang ibang tao.
Nang gabing iyon, natulog siyang umiiyak at nag-iisa sa kuwarto. Magdamag siyang lumuha kaya kinaumagahan, ramdam niya ang pananakit ng namamaga niyang mga mata.
TUMATAMA sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na tumatagos mula sa puting kurtina ng balkonahe ng kuwarto niya. Sa sandaling minulat niya ang mga mata, langhap agad ni Hannah ang pinaghalong amoy ng piniritong isda at sinangag.Napangiti siya nang bahagya nang maisip na dumating na si Aling Myrna at nagluluto na ng agahan. Naramdaman niya naman ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Ilang araw na kasi siyang hindi nakakakain nang maayos. Kagabi nga'y natulog lang siya na tanging tubig ang laman ng sikmura.Ang nakatatawa lang... hindi siya nakararamdam ng gutom kahit ilang araw na siyang walang matinong kain. Mas higit kasi ang sakit na nararamdaman niya sa puso kaysa sa sakit ng tiyan.Pero lahat ng pait at pighati, mabilis na naglaho nang masilayan niya ang larawang nasa ibabaw ng mahabang drawer sa harap ng kaniyang kama. Kuha iyon noong nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang. Noong family day nila sa school isang taon na ang nakararaan. Nakangiti silang tatl
NAALIMPUNGATAN si Hannah nang marinig ang pabagsak na pagsarado ng pintuan ng bahay. Malakas ang naging pagtibok ng puso niya nang maisip na dumating na si Rafael. Mabilis niyang nilingon ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table niya, at nakitang alas-kuwatro na ng madaling araw.Narinig niya ang mabibigat na yabag sa hagdan. Dahan-dahan naman siyang bumangon at nagtungo sa pinto ng sariling kuwarto. Gusto niyang silipin kung si Rafael nga talaga ang dumating, at kung kasama nito ang babaeng si Samantha.Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ang siyang pagbukas naman ni Rafael ng pintuan ng silid nito. Pinagmasdan niya ito habang halos mabuwal na ito sa paglalakad. Lasing na lasing ang lalaki.Nang makita na tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kuwarto nito, muli na sana niyang isasara ang pintuan ng kuwarto niya, pero mabilis din natigilan nang marinig ang sigaw ni Rafael sa kabilang silid."Hannah!"Napasinghap siya sa ginawa nitong pagtaw
ISANG mariin na paglunok ang ginawa ng dalagang si Hannah nang makarinig ng impit na ungol mula sa pamilyar na boses. Tila siya pinanlalamigan ng katawan at halos manlumo sa kinatatayuan nang makilalang boses iyon ni Rafael."Raf! Harder, babe!"At si Samantha ang babaeng katalik nito. Napuno ng ungol ng dalawa ang buong paligid. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo at nakulong siya sa oras na iyon kung saan ang malalakas na ungol lang ng dalawa ang naririnig niya."Deeper, Raf!"Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago nagmamadaling bumaba ng hagdan at dumiretso sa labas ng bahay.Walang pag-aalinlangan siyang humakbang papalayo, nang hindi lumilingon sa pinanggalingan. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha niya nang makalayo sa bahay na iyon.Pakiramdam niya, sinasadya ni Rafael gawin ang lahat ng ito, upang saktan siya at mapahiya. Nang sa ganoon, ibigay na niya ang gusto nitong mangyari. Kasi kung hindi, bakit ito ginagawa n
ILANG araw na ang lumipas, ilang araw na rin silang nag-iiwasan ni Rafael. Hindi pa man sumasapit ang alas-sais ng madaling araw, umaalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho. Kahit ang totoo nama'y ayaw niya lang talagang mag-abot sila ni Rafael sa bahay.At isa pa, ayaw niya rin na makita ang dalawa na maglandian. Panigurado, hindi niya kakayanin iyon.Noong gabing iyon, matapos nitong ipaalam na sa bahay nito patitirahin si Samantha, wala na siyang ibang nagawa kundi tumango at pagkatapos ay umiyak sa silid niya. Sino ba siya para humindi? Hindi kaniya ang bahay, hindi rin kaniya si Rafael. Wala siyang karapatan sa mga ito.Sinisiguro niya lang na hindi talaga sila magkikita ng lalaki. Bago ito magising o si Samantha ay nakaalis na siya ng bahay. Sa gabi naman, late na rin siya umuuwi. Minsan ay alas-siyete na, madalas, alas-otso y medya. Sa mga oras na iyon, panigurado busy na sa panghimagas ng mga ito ang dalawa kaya hindi na siya mapapansin pa.
MAHINA siyang napasinghap nang makita ang pagtigil ng sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Bakit ngayon lang ito nakauwi? Hindi ba dapat kanina pa ito sa bahay?Nakagat niya ibabang labi habang nakatitig pa rin sa kotse ni Rafael. Matapos ng ilang segundo, tuluyan na itong umibis ng sasakyan. Pagkababa na pagkababa pa lang ay matalim na agad ang mga mata nito.Kahit na nilalamon ng kaba, nakapagpasalamat siya sa lahat ng santo nang mapansin na hindi nito kasama si Samantha. Baka kasi gumawa na naman iyon ng eksena, mahirap na.Lumapit sa kanila si Rafael nang hindi inaalis ang matalim pagkatititig sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng paningin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito."Bakit ngayon ka lang?" mahinahon ngunit matigas nitong tanong nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Bullet.Napalunok siya bago sinulyapan ang lalaking si Bullet. Napansin niya ang pagtataka sa mukha nito habang nagpapalipat-lipat ito n
TRISTAN'S question caught Hannah off guard. Aminado siya sa sarili niya noon tungkol sa nararamdaman niya para kay Rafael, pero ngayon, hindi na siya sigurado.Puro pasakit at luha na lamang ang ibinibigay sa kaniya ng lalaki. Sa tuwing nakikita niya ito, o kahit maisip man lang, lagi siyang nasasaktan. Hindi niya naisip na ang taong minsang minahal niya noon, ay magdudulot sa kaniya ng labis na pasakit ngayon.Sa pangalawang pagkakataon, tila nakuha ni Tristan ang hinihinging kasagutan nito sa pagtahimik niya."That asshole," sambit muli nito at napasandal na sa kinauupuan.Biglan naman dumating ang dalagang si Ella dala ang order ng lalaki. Muli silang nabalot ng katahimikan matapos ilapag ni Ella ang mga pagkaing in-order nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang hindi kabahan. Paano kung ipaalam nito kay Rafael ang tungkol sa trabaho niya?Makalipas ang ilan pang sandali na puno ng katahimikan, nagsalita uli ang lalaki. "Alam mo na ba ang tungkol ka
"DITO ka natulog kagabi!" Mabilis na tinakpan ni Hannah ang bibig ng kaibigang si Cassandra nang bahagyang tumaas ang tinig nito. Kinuwento niya kasi sa babae na hindi siya umuwi at doon sa coffee shop natulog. Mabuti na lamang dahil pinayagan siya ng boss nila. "Ikaw babae, umamin ka nga sa akin, maayos ba naman iyang pakikitungo sa iyo ng kaibigan ng magulang mo?" nakapamaywang pang tanong ng babae. Nagbuga siya ng hangin. Kung alam lang nito ang totoong nangyayari sa buhay niya, paniguradong kung hindi sisigawan ay babatukan siya ng kaibigan. "Maayos naman," pabulong niyang sagot habang inaayos ang mga table cloth sa ibabaw ng mesa. Sampung minuto na lang kasi ay magbubukas na sila. "Kung maayos, bakit ka naman dito matutulog, ha? Inaapi ka ba nila? Sinabi na kasing sa amin ka na lang tumira!" Napabuntong-hininga na lamang siya sa narinig. Nang malaman ng mga ito na nakatira siya sa bahay ng family friend nila, agad siyang inalok ng
"RAFAEL!"Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at pilit na pinatayo. "Excuse us," cold na sabi ni Rafael at pagkatapos ay hinila siya palabas ng coffee shop.Nang dahil sa gulat, hindi na niya nagawang tumutol pa at nagpatianod na lang hanggang sa makalayo sila ng shop.Nararamdaman na niya ang pananakit ng braso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. Kaya nang huminto sila sa isang tabi, marahas niyang binawi ang sariling braso. "What's this? You're working here?" pabulong ngunit mariin nitong tanong.Napalunok siya nang matitigan ang mga mata ni Rafael. Matalim iyon at tila nag-aapoy sa galit. Mapapansin din ang pagpipigil nito sa sarili. Natakot tuloy siya dahil parang mananakit na ito sa tindi ng inis na makikita sa mukha nito.Dahil sa takot, ilang beses din siyang napaatras mula rito, bagay na napansin ni Rafael kaya muli siya nitong hinawakan sa braso."Dahil ba sa lalaki mo kaya ka hindi umuwi kagabi?" Ma
LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h
"Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K
HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.
UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy
HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang