Share

Chapter Two

Author: Cinnamon
last update Last Updated: 2022-02-07 06:15:37

MAHIGIT tatlong oras ding nagkulong ang babaeng si Hannah sa loob ng suite habang nakatulala sa kawalan, nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Rafael.

Sa loob ng ilang minuto, nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niya ang matalim nitong paningin. Nang hindi niya makayanan ang nakapapaso nitong mga titig ay kusa siyang nagbawi ng tingin.

"Nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Andrea," narinig niyang sabi ng lalaki mula sa malamig na tinig.

Bahagya pa siyang nagtaka sa tinawag nito sa sariling ina, Andrea.

Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang mga luhang nagbabadya na naman sa pagbagsak. Sandali niyang ipinikit ang mga mata at humugot ng malalim na hangin.

Nagbaba siya ng tingin at pinilit na manatiling tahimik habang nasa paligid ang lalaki. Makalipas ang ilang sandali ay nilingon niya ito nang maramdaman ang pag-upo nito sa gilid ng kama malapit sa sofang inuupuan niya.

"Gusto mo bang mag-honeymoon pa tayo?" tanong ni Rafael mula sa mababang tinig.

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. Pakiramdam niya, pulang-pula ang mga pisngi niya sa init ng sariling mukhang.

Napalunok siya at mariing tinitigan ang simpatikong mukha ni Rafael. Nakatuon ang atensiyon nito sa pag-aayos ng sariling relong-pambisig.

Kahit na alam niya kung ano ang tingin sa kaniya ng lalaki, hindi pa rin maiwasan ni Hannah ang humanga rito. Siguro ay dahil na rin sa crush na mayroon siya para dito noong bata pa siya.

"H-ha?" Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng gown na suot niya upang hindi mapiyok sa pagsasalita ngunit nabigo pa rin siya.

"I'm sure you know that I'm a very busy person. Marami akong ginagawa sa opisina, hindi ako puwedeng mag-leave para lang sa mga walang kuwentang bagay kagaya ng—"

"Hindi na! O-okay lang... kahit wala nang ganoon," pigil niya sa sinasabi nito at muling nagbaba ng tingin.

Hindi na niya hinayaan na matapos ito sa pagsasalita dahil alam na niya kung saan iyon pupunta.

"Good. Nagsabi na ako kina Andrea na sa bahay tayo uuwi. Get your things, aalis na tayo."

Nag-angat siya ng tingin sa narinig. Unti-unting nangunot ang noo niya dahil sa pagtataka, pero nang makita itong dire-diretsong lumabas ng suite ay wala siyang nagawa kundi ang tumayo at sumunod rito.

Hindi na siya mag-e-emote o mag-iinarte. Tutal ay magaganda at sexy lang naman ang mga nag-iinarte at wala siya sa dalawang pagpipilian.

Nang marating nila ang lobby ay napansin niyang pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid. Napalunok siya nang mapagtantong pareho pa rin silang nakadamit pangkasal ni Rafael. Marahil ay iyon ang dahilan ng pagtitig ng mga ito.

Nagbuga siya ng malalim na hangin nang marating nila ang isang mamahaling sasakyan. Dali-dali siyang pumasok sa passenger's seat matapos buhayin ni Rafael ang makina ng kotse. Habang nasa biyahe naman ay hindi rin siya kinikibo ng lalaki.

Napahawak siya sa sariling seatbelt nang bilisan ni Rafael ang pagmamaneho. Tila wala itong pakialam kahit maaksidente pa sila. O baka nga sinasadya talaga nito para mawala na siya.

Hindi niya maiwasang hindi isipin na sagad hanggang buto ang galit sa kaniya ng lalaki dahil sa pagpapakasal nila. Kaya siguro wala itong pakialam kanina kahit na nakapulupot na sa braso nito ang mga kamay ng modelang si Samantha. Baka nagsisisi itong siya ang pinakasalan sa halip na ang ex-girlfriend nito na mukhang manika sa ganda.

Halos kalahating oras din ang itinagal ng kanilang biyahe bago huminto ang kotse sa tapat ng isang hindi kalakihang bahay. Nasa loob sila ng isa sa mga kilalang secured subdivision sa Pilipinas. Maliit lang pero mga kilalang personalidad ang mga residenteng nakatira doon.

Bumaba silang dalawa at pumasok sa loob ng bahay. Two-story iyon. Pagkapasok ay bumungad agad sa kanila ang hagdan patungo sa itaas. Ang kanang bahagi ng bahay ay kitchen at dining room, sa kaliwa naman ay maliit na library. Malapit sa pinto ang katamtaman ang laking sala.

"I'll go straight to the point," pag-uumpisa ni Rafael nang makaapak siya sa bungad ng pintuan. "Alam natin pareho na ikinasal tayo hindi dahil mahal natin ang isa't isa. So, we don't need to treat each other like husband and wife, Hannah. Siya nga pala, may tatlong kuwarto rito. Ang dalawa ay nasa itaas, isa sa iyo at isa sa akin."

Itinapon nito ang hinubad na puting coat sa pang-isahang silya na naroon sa sala. Nagbaba naman siya ng tingin bago isinara ang pinto sa kaniyang likod.

"Ang isa ay nasa kusina, para sa katulong," pagpapatuloy ng lalaki.

Nang muli siyang mag-angat ng tingin sa lalaki ay agad rin siyang nagsisi. Pakiramdam niya ay para siyang nahipnotismo habang nakatitig sa mukha ni Rafael. Hindi niya kayang mag-iwas ng tingin dito kahit pa matalim ang mga titig na ipinupukol nito sa kaniya.

Para itong bakal at siya naman ang magnet. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihila nito.

"O-okay..." wala sa sarili niyang tugon.

Huminto ito sa pag-aayos ng manggas at nilingon siya.

"Dito na muna tayo titira hangga't ginagawa pa ang bahay na lilipatan natin," matapos sabihin iyon ay pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nakaramdam siya ng pagkaasiwa sa uri ng tinging ibinibigay nito. Agad siyang nag-iwas ng mukha upang hindi masalubong ang mga mata nitong tila laging matalim sa tuwing tititig sa kaniya.

"Isang kuwarto lang ang magagamit natin sa ngayon dahil inaayos pa ang magiging kuwarto mo."

Isang lunok ang ginawa niya dahil sa narinig na sinabi ng lalaki. Kusang naglakbay ang isa niyang kamay patungo sa tapat ng kaniyang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang malakas na pintig doon. At sa bawat pintig nito ay may kaakibat na kirot.

Ganoon nga talaga siguro ang pakiramdam kapag halos abot-kamay mo na ang taong mahal mo, pero hindi naman puwedeng maging iyo. Masakit, malungkot at nakapanghihinayang. Katulad ng lagay nila ngayon ni Rafael—kasal nga siya sa lalaking lihim niyang minamahal, pero hanggang sa papel lang, wala pa rin siyang karapatan dito.

Mapait siyang ngumiti nang maalala kung sino siya—si Hannah Perez, ang babaeng laging kinukutya dahil sa katabaan. Sino nga ba siya para umasang mamahalin ni Rafael? Nalilimutan niya yatang walang lalaki ang kayang magmahal ng isang matabang babae. At kung mayroon man, sigurado siyang hindi isa si Rafael sa mga lalaking iyon.

Napaka-negative man ng kaniyang pananaw, pero bilang isang oversized woman, nakikita niya ang hindi nakikita ng ibang taong normal ang timbang. Na iba talaga ang tingin ng karamihan sa mga katulad niya. Madalas silang tampulan ng tukso. Madalas, hindi tanggap ng ibang tao. Namulat na siya sa ganoong pag-iisip kaya natatawa na lang siya ngayon kung bakit umasa-asa pa siyang mamahalin siya ng lalaking pinakasalan niya.

Said na said na ang pag-asa niya, lalo pa ngayong nalaman niya ang tingin sa kaniya ng mga barkada ng lalaki. Pakiramdam niya ay parang ibinaon lalo sa lupa ng mga masasakit nilang salita ang natitirang tiwala niya para sa sarili.

Huminga siya nang malalim nang magsimula siyang tumuntong sa hagdan, pero hindi pa man nakadadalawang hakbang, muli niyang inatras ang mga paa pababa at nanatili sa kinatatayuan.

"D-dito na lang ako matutulog," pagkuwa'y nauutal niyang pahayag.

Nang marinig iyon ay huminto sa pag-akyat si Rafael at nilingon siya. Puno ng panlalamig ang mga mata nito nang hagurin siya ng tingin.

"Sa sofa h-habang hindi pa ayos ang kabilang kuwarto," pagpapatuloy niya. Hindi niya mapigilan ang lumunok ng ilang ulit dahil sa panunuyo ng lalamunan.

Ngayon siya nakaramdam ng inggit sa kaniyang ina. Kahit hindi sila ganoon kayaman, mahal na mahal naman ito ng papa niya at masaya ito sa marriage life nila. Habang siya, heto, inaayawan ng sarili niyang asawa.

"Ikaw ang bahala," pagkuwa'y sabi ng lalaki at tuluyan siyang tinalikuran.

Nang makapasok ito sa loob ng silid, doon niya naramdaman ang pagbuhos ng mga luha sa kaniyang pisngi. Mabilis niya iyon pinalis gamit ng likod ng kaniyang kamay sa takot na muling lumabas si Rafael at makita siyang umiiyak. Paniguradong pagtatawanan lamang siya nito.

Naalala niyang iyon ang gusto ng kaniyang ina, ang makasal siya sa apo ni Chairman Fernando. At hindi siya magpapaka-ipokrita. Kahit pa nasasaktan siya, aaminin niyang may munting kasiyahan pa rin sa kaniyang puso dahil nakasal siya sa lalaking pinapangarap niya.

Lumapit siya sa mahabang sofa malapit sa pinto at saka umupo. Humiga siya patagilid at tinitigan ang vase na may bulaklak ng mirasol. Napangiti siya habang nakatitig dito. Kahit paano ay matutulog siyang nakatingin sa magandang bagay. Iyon na lamang ang inisip niya hanggang sa tuluyan siyang hinila ng antok.

NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ingay ng dumaang sasakyan mula sa labas ng bahay. Pakiramdam niya ay binabahay siya dahil nahihirapan siyang makatulog nang maayos. Idagdag pang ni hindi man lang nagmagandang loob si Rafael na bigyan siya ng unan o kahit kumot. Mukhang malayo nga talaga ang ugali nito sa inaakala niyang ugali ng isang Rafael Alesander Fernando.

Nilingon niya ang malaking orasang nakasabit sa pader ng sala at nakitang alas-singko pa lamang ng madaling araw.

Mula sa orasan, binaling niya ang tingin sa pinto kung saan pumasok kagabi ang lalaki. Napabuntong-hininga siya nang muling maalala ang mga nangyari kagabi. Ang sabi nito, kailangan siya nitong pakasalan para makuha ang kompanya ng lolo nito.

"Kailangan niya ako," wala sa sariling nasambit niya habang nakatitig sa kawalan.

Isang luha ang biglang umalpas mula sa mata niya dahil sa naisip. Wala na siyang mapupuntahan at sa pamilya Fernando siya pinagkatiwala ng mga magulang niya. Para makuha ang kompanya, kailangan siya ng lalaki at kailangan niya rin ito para may matuluyan.

Napalunok siya ng ilang beses bago natanggap ang reyalidad na ayos lang na gamitin siya ni Rafael, kung ang kapalit naman niyon ay ang mga bagay na makatutulong sa kaniya.

Lumipas pa ang isang oras at narinig na niya ang pagbukas ng pinto sa kuwarto ni Rafael. Nilingon niya ito at nakitang pababa ito ng hagdan. Diretso nitong tinungo ang kusina nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. May mga kinuha ito sa loob ng refregerator na malamang ay pagkain.

"Maligo ka sa taas. Nandoon na ang lahat ng mga gamit mo," mabilis siyang nag-angat ng mukha nang marinig itong nagsalita.

Alanganin siyang tumayo at walang sabing nagtungo sa itaas. Kagat-labing nilapitan niya ang pinto na bahagyang nakaawang. Binuksan niya ito at pumasok sa loob. Bumungad sa kaniya ang malaki at malamig na silid.

Muli siyang nagbuga ng hangin bago tuluyang pumasok at sinara ang pinto sa kaniyang likod. Nilibot niya ang tingin sa buong silid. May malaking kama sa gitna, sa magkabilang gilid nito ay may bedside table. Sa ulunan ng kama ay may malaking air-conditioner. Isang malaking flat screen TV naman ang nakasabit sa pader malapit sa pinto. Sa tabi nito ang malaking cabinet at nasa tapat nito ang kaniyang maleta.

Agad niya itong nilapitan saka lumuhod para buksan. Habang kinukuha ang mga gamit na panligo ay hindi niya maiwasang hindi lingunin ang malaking kama sa gitna ng silid. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng mukha nang maisip na kung hindi siguro ganoon ang sitwasyon nila ni Rafael, magkasama kaya silang matutulog sa kama?

Napailing siya bago bumuntong-hininga. Kinuha niya ang isang puting tuwalya at tuluyang tumayo. Sa tabi ng TV ay isang puting pinto, nang buksan niya iyon ay napag-alaman niyang banyo ito. Agad siyang pumasok sa loob at nag-umpisang maligo.

Dahil sa kabang nararamdaman, naging mabilis ang kaniyang mga kilos. Makalipas lamang ang labing-limang minuto ay natapos na siya. Agad siyang lumabas ng banyo at nagmamadaling kinuha ang lotion at mga damit na isusuot sa kaniyang maleta. Tatayo na sana siya upang bumalik sa banyo nang muling matigilan dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng silid.

Napasinghap pa siya at ganoon na lamang ang panlalaki ng singkit niyang mga mata nang magtagpo ang tingin nila ni Rafael. Nakita niya ang bigla nitong paghinto at ang gulat sa mukha nito habang nakatitig sa kaniya.

Siya man ay parang pinako sa kinatatayuan at hindi man lang magawang igalaw ang katawan.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
wag ka nang malungkot Hannah matatanggap ka rin ni Rafael bilang Asawa nya
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hahaha nagkagulatan pa kayong dalawa baka namanay gusto na rin sa iyo si Rafael Kasi pumayag siyang ikasal sa iyo Hannah may ganyan na lalaki nagmamahal sa over weight na babae
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Three

    "SH*T!" mahinang mura ni Hannah sa isip niya nang maalalang nakatuwalya nga lang pala siya. Mabilis siyang tumalikod mula sa lalaki sa labis na pagkapahiya. She heard him cussed under his breath. Naramdaman niya ang mga yabag nito patungo sa kama at sandaling nanatili roon. Pagkatapos niyon ay agad na rin itong lumabas ng kuwarto. Nang masigurong nakaalis na ito ay saka siya nagbuga ng hangin. "Ano ba itong ginagawa ko? Umaakto pa akong sexy! Hindi naman iyon magkaka-interest na tingnan ako, e!" sigaw ng isang bahagi ng isip niya. Umiirap siyang bumuntong-hininga. "Ano ba ito? Pati sarili ko, iniinsulto ko na," nakasimangot pa niyang dagdag. May pagmamadali siyang naglagay ng lotion sa buong katawan bago nagbihis ng pambahay. Nang matapos ay agad rin siyang bumaba dala ang sariling maleta. Hindi pa man tuluyang nakabababa mula sa hagdan ay muli siyang natigilan nang makarinig ng boses ng mga taong nag-uusap galing sa loob ng maliit na library. Kunot a

    Last Updated : 2022-02-07
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Four

    SIMULA nang sabihin ni Hannah kay Rafael na hindi siya papayag sa pakikipaghiwalay nito, mas lalo pa itong dumistansya sa kaniya. Sa loob ng isang linggo, maaga siya kung umalis ng bahay at late na kung umuwi. Kung sakali mang magtagpo ang mga landas nila sa kalagitnaan ng gabi, para itong walang kasamang tao sa paligid. Para bang hangin lang siya para sa lalaki. Ganoon siya kung ituring ni Rafael. Kaya nagdesisiyon siyang ibaling na lang sa pag-aaral ang buo niyang atensiyon. Malapit na ang finals nila kaya sinubsob na lamang niya ang sarili sa pagre-review. Kung walang klase, lagi siyang nasa loob ng library at abalang nag-aaral. Naisip na rin niya, kung iintindihin pa niya ang nangyayari sa buhay niya, mapapabayaan niya lalo ang pag-aaral niya. Ito na lang ang tanging bagay na mayroon siya sa ngayon. Hindi puwedeng mapabayaan niya ito. "Hey, kanina ka pa nandito?" Mula sa librong binabasa niya, nag-angat si Hannah ng paningin nang marinig ang boses

    Last Updated : 2022-03-10
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Five

    TUMATAMA sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na tumatagos mula sa puting kurtina ng balkonahe ng kuwarto niya. Sa sandaling minulat niya ang mga mata, langhap agad ni Hannah ang pinaghalong amoy ng piniritong isda at sinangag.Napangiti siya nang bahagya nang maisip na dumating na si Aling Myrna at nagluluto na ng agahan. Naramdaman niya naman ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Ilang araw na kasi siyang hindi nakakakain nang maayos. Kagabi nga'y natulog lang siya na tanging tubig ang laman ng sikmura.Ang nakatatawa lang... hindi siya nakararamdam ng gutom kahit ilang araw na siyang walang matinong kain. Mas higit kasi ang sakit na nararamdaman niya sa puso kaysa sa sakit ng tiyan.Pero lahat ng pait at pighati, mabilis na naglaho nang masilayan niya ang larawang nasa ibabaw ng mahabang drawer sa harap ng kaniyang kama. Kuha iyon noong nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang. Noong family day nila sa school isang taon na ang nakararaan. Nakangiti silang tatl

    Last Updated : 2022-04-03
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Six

    NAALIMPUNGATAN si Hannah nang marinig ang pabagsak na pagsarado ng pintuan ng bahay. Malakas ang naging pagtibok ng puso niya nang maisip na dumating na si Rafael. Mabilis niyang nilingon ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table niya, at nakitang alas-kuwatro na ng madaling araw.Narinig niya ang mabibigat na yabag sa hagdan. Dahan-dahan naman siyang bumangon at nagtungo sa pinto ng sariling kuwarto. Gusto niyang silipin kung si Rafael nga talaga ang dumating, at kung kasama nito ang babaeng si Samantha.Kasabay ng pagbukas niya ng pintuan ang siyang pagbukas naman ni Rafael ng pintuan ng silid nito. Pinagmasdan niya ito habang halos mabuwal na ito sa paglalakad. Lasing na lasing ang lalaki.Nang makita na tuluyan na itong nakapasok sa loob ng kuwarto nito, muli na sana niyang isasara ang pintuan ng kuwarto niya, pero mabilis din natigilan nang marinig ang sigaw ni Rafael sa kabilang silid."Hannah!"Napasinghap siya sa ginawa nitong pagtaw

    Last Updated : 2022-04-04
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Seven

    ISANG mariin na paglunok ang ginawa ng dalagang si Hannah nang makarinig ng impit na ungol mula sa pamilyar na boses. Tila siya pinanlalamigan ng katawan at halos manlumo sa kinatatayuan nang makilalang boses iyon ni Rafael."Raf! Harder, babe!"At si Samantha ang babaeng katalik nito. Napuno ng ungol ng dalawa ang buong paligid. Pakiramdam niya ay huminto sa pag-ikot ang mundo at nakulong siya sa oras na iyon kung saan ang malalakas na ungol lang ng dalawa ang naririnig niya."Deeper, Raf!"Mariin niyang kinagat ang ibabang labi bago nagmamadaling bumaba ng hagdan at dumiretso sa labas ng bahay.Walang pag-aalinlangan siyang humakbang papalayo, nang hindi lumilingon sa pinanggalingan. Mabilis na nagbagsakan ang mga luha niya nang makalayo sa bahay na iyon.Pakiramdam niya, sinasadya ni Rafael gawin ang lahat ng ito, upang saktan siya at mapahiya. Nang sa ganoon, ibigay na niya ang gusto nitong mangyari. Kasi kung hindi, bakit ito ginagawa n

    Last Updated : 2022-04-05
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Eight

    ILANG araw na ang lumipas, ilang araw na rin silang nag-iiwasan ni Rafael. Hindi pa man sumasapit ang alas-sais ng madaling araw, umaalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho. Kahit ang totoo nama'y ayaw niya lang talagang mag-abot sila ni Rafael sa bahay.At isa pa, ayaw niya rin na makita ang dalawa na maglandian. Panigurado, hindi niya kakayanin iyon.Noong gabing iyon, matapos nitong ipaalam na sa bahay nito patitirahin si Samantha, wala na siyang ibang nagawa kundi tumango at pagkatapos ay umiyak sa silid niya. Sino ba siya para humindi? Hindi kaniya ang bahay, hindi rin kaniya si Rafael. Wala siyang karapatan sa mga ito.Sinisiguro niya lang na hindi talaga sila magkikita ng lalaki. Bago ito magising o si Samantha ay nakaalis na siya ng bahay. Sa gabi naman, late na rin siya umuuwi. Minsan ay alas-siyete na, madalas, alas-otso y medya. Sa mga oras na iyon, panigurado busy na sa panghimagas ng mga ito ang dalawa kaya hindi na siya mapapansin pa.

    Last Updated : 2022-04-07
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Nine

    MAHINA siyang napasinghap nang makita ang pagtigil ng sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Bakit ngayon lang ito nakauwi? Hindi ba dapat kanina pa ito sa bahay?Nakagat niya ibabang labi habang nakatitig pa rin sa kotse ni Rafael. Matapos ng ilang segundo, tuluyan na itong umibis ng sasakyan. Pagkababa na pagkababa pa lang ay matalim na agad ang mga mata nito.Kahit na nilalamon ng kaba, nakapagpasalamat siya sa lahat ng santo nang mapansin na hindi nito kasama si Samantha. Baka kasi gumawa na naman iyon ng eksena, mahirap na.Lumapit sa kanila si Rafael nang hindi inaalis ang matalim pagkatititig sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng paningin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito."Bakit ngayon ka lang?" mahinahon ngunit matigas nitong tanong nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Bullet.Napalunok siya bago sinulyapan ang lalaking si Bullet. Napansin niya ang pagtataka sa mukha nito habang nagpapalipat-lipat ito n

    Last Updated : 2022-04-08
  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Ten

    TRISTAN'S question caught Hannah off guard. Aminado siya sa sarili niya noon tungkol sa nararamdaman niya para kay Rafael, pero ngayon, hindi na siya sigurado.Puro pasakit at luha na lamang ang ibinibigay sa kaniya ng lalaki. Sa tuwing nakikita niya ito, o kahit maisip man lang, lagi siyang nasasaktan. Hindi niya naisip na ang taong minsang minahal niya noon, ay magdudulot sa kaniya ng labis na pasakit ngayon.Sa pangalawang pagkakataon, tila nakuha ni Tristan ang hinihinging kasagutan nito sa pagtahimik niya."That asshole," sambit muli nito at napasandal na sa kinauupuan.Biglan naman dumating ang dalagang si Ella dala ang order ng lalaki. Muli silang nabalot ng katahimikan matapos ilapag ni Ella ang mga pagkaing in-order nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang hindi kabahan. Paano kung ipaalam nito kay Rafael ang tungkol sa trabaho niya?Makalipas ang ilan pang sandali na puno ng katahimikan, nagsalita uli ang lalaki. "Alam mo na ba ang tungkol ka

    Last Updated : 2022-04-11

Latest chapter

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-two

    LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-one

    "Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty

    "Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-nine

    HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-eight

    "Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-seven

    NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-six

    HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-five

    UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-four

    HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang

DMCA.com Protection Status