Share

Secrets of the Muse | Filipino
Secrets of the Muse | Filipino
Author: ZealousEina

PROLOGUE

Author: ZealousEina
last update Huling Na-update: 2020-08-07 09:03:52


"Hindi ka pa ba matutulog?" nakangiting tanong ko habang sinusuklay ang hanggang balikat na buhok niya.

Marahan niyang iniling ang ulo bago sumandal sa akin. "Hindi mo pa tinatapos ang kuwento mo," nakangusong sabi niya at hinuli ang kamay kong patuloy na naglalaro sa buhok niya"Tell me more about your past. Your first love, your first heartbreak, I want to know you more."

Natahimik ako nang mahimigan ang pagka-seryoso sa tinig niya. Ilang saglit pa ay natatawang binuhat ko siya paalis sa kandungan ko at ibinaba siya sa kama niya. "How about I tell you more about myself tomorrow? Sa ngayon, kailangan mo munang matulog dahil gabi na," pang-uuto ko sakaniya at saka tinuro ang orasang nakasabit sa pader. Mag-a-alas diyes na nang gabi.

"Madaya ka," sinamaan niya ko ng tingin saka umatras para makahiga na sa kama niya. "Bukas ha," nandidilat na sabi niya na ikinatawa ko.

Lumapit ako sakaniya at saka iginiya siya pahiga at inayos ang kaniyang kumot. Hinalikan ko siya sa noo na ikinahagikgik niya at saka nagpaalam. "Good night, Mama."

"Good night, baby Shane."

Nang maisara ko ang pinto ng kuwarto niya, agad akong nagtungo sa kuwarto naming dalawa. Pagkapasok ko palang sa loob, agad kong nakita ang malaking litratong nakalagay sa isang frame na nakasabit sa pader ng aming silid.

Nakangiti ko itong nilapitan. Inabot ko ito at mabining hinaplos ang larawan. Sa ibabang bahagi niyon nakasulat ang pirma ng bawat isa. Nakalagay rin ang taon kung kailan kinuhanan ang litrato.

"It's been seven years, huh."     

Pitong taon na pala ang nakakaraan magmula nang makompleto kami. Magmula nang makilala ko ang mga taong bumuo sa pagkatao ko. Magmula nang mangyari ang pangyayaring iyon.Nang pumasok ako sa paaralang tinatawag nilang HILLMAN HIGH.

...

Kung mayroon mang kinatatakutang pasukang silid-aralan ang mga guro sa Hillman High, eto na yata ang klase ng 3-A. 

Aminado ang lahat na ang mga nasa loob nito ay mga natatanging mag-aaral na kayang makipag kompetensiya sa kahit na sino sa patagisan ng isip, kaalaman, talento at kabarumbaduhan.

Oo, tinatawag silang mga gifted. Kung hindi lang sana mga barumbado ang mga estudyante rito, baka sila pa ang naging pride ng eskuwelahan.

Maraming umiyak, nasugatan, nag-agaw buhay at sumuko bago makalabas ng silid-aralan. Maraming nag nais na mapatalsik sa mga ito, ngunit wala ni-isang nag tagumpay.

Mga gangsters? Oo, siguro, pwede, hindi. Basta takaw-gulo. Mga walang sinasanto.

Ngunit paano nga ba magbabago ang mga buhay ng mga ito sa pagdating ng kanilang MUSE?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Terex Mercado
Ang cute nman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 1

    [Charl's PoV]"Nasaan na ang babaeng 'yon?!"Tinatamad na napapahid ako ng pawis mula sa noo ko gamit ang likod ng kamay habang pinagmamasdan mula sa itaas ng puno ang tatlong kalalakihan na nagpapalinga-linga sa paligid habang may mga hawak na baseball bat.Mahigit apat na oras na rin kaming naghahabulan ng mga iyon. Nakakapagod na nga dahil paikot-ikot nalang kami. P'wede ko naman silang harapin nalang pero kabilin-bilinan pa naman ng pinsan kong si Uno na bawal akong masangkot sa kahit na anong gulo habang walang sila ng kapatid niyang si Dos.Wala rin naman akong balak na ilagay ang sarili ko sa alanganin lalo na at mag w-walong oras palang ako rito sa Manila. Paano ng aba ko napadpad sa ganitong sitwasyon?Simple lang. Kasalanan ni Dos.Kinausap sina Uno at Dos nina lolo na pansamantalang maninirahan ako kasama sila rito sa Manila. Hindi ko naman alam na masyado pala akong na-miss ng pinsan kong si Dos at nagawa pang i-post ang picture ko sa Instagram niya at naglagay ng caption n

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 2

    [Charl's PoV]Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse kasama sina Uno na nag d-drive at si Dos na nasa passenger seat. Monday na, ngayon ang unang araw ko sa Hillman High.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 3

    [Charl's PoV]First impression? Madaldal. 'Yan si Kleoff na 'di nauubusan ng k'wento sa buhay. Pati kung paano siya napunta sa 3-A ay kinu-k'wento niya.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 4

    [Charl's PoV]Natapos ang buong araw na wala talagang pumasok na kahit isang guro. Ang sabi ni Dan, p'wede namang may pumasok dito ang adviser ng 3-A para makilala ang bagong student pero mukhang nagdesisyon itong hindi nalang pumasok.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 5

    [Charl's PoV]Maaga akong nagising kinabukasan. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para matignan ang oras.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 6

    [Charl's PoV]Lunch break na nang matapos sila sa paglilinis ng room.Nailigpitna rin nila 'yung teacher na sana ay magiging bagong adviser namin kapalit daw nung naka-comatose na teacher.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 7

    [Charl's PoV]Natapos ang lunch break namin at tulad nang sinabi ni Dos, pinagdala nga niya ko ng cake. Isang slice ng strawberry shortcake, my favorite. Dahil wala namang nagbalak na pumasok na teacher ngayon sa klase namin matapos ang ginawa

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 8

    [Charl's PoV] Napatunganga nalang ang apat na batang kasama ko matapos kong ubusin ang laman ng pitsel ng beer. Hindi makapaniwala ang mga mata nila habang palipat lipat sa mukha ko at sa pitsel na nasa lamesa ang tingin nila.

    Huling Na-update : 2020-08-07

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status