Share

Chapter 8

Author: ZealousEina
last update Last Updated: 2020-08-07 09:27:21

[Charl's PoV]

   

Napatunganga nalang ang apat na batang kasama ko matapos kong ubusin ang laman ng pitsel ng beer. Hindi makapaniwala ang mga mata nila habang palipat lipat sa mukha ko at sa pitsel na nasa lamesa ang tingin nila.

Tumaas ang kilay ko sa mga ito. "What? Nasa legal age na ko, unlike the four of you," kibit balikat na sabi ko. Akma ko pang aabutin ang isa pang pitsel nila nang may naunang kumuha na'n kaysa sakin.

Napalingon ako at nakitang si Uno pala ang may hawak ng pitsel at mataman akong tinitigan. Nasa tabi naman niya sina Dos at Mike.

"Wow, close pala kayong lima? Dapat sinasali niyo ko sa circle of friends niyo," malawak ang ngiting sabi nito. Mabilis itong nakisiksik at talagang sa tabi ko naupo kaya halos matulak paalis sa upuan si Kleoff.

    

Napahugot ako nang malalim na hininga. I threw a sharp glance at him before pushing him away from. Sunod ay binalingan ko si Kleoff na masama rin ang tingin sa lalaki at saka siya tinulungan makatayo.

      

"Hoy, Mike! H'wag ka nga rito! Bawal ang pangit sa grupo namin!"

      

"Hoy, Totoy Dan, kung pa-guwapuhan lang din naman ang usapan, kayang-kaya kitang palitan diyan sa upuan mo."

     

"Anong sabi mong sisiw ka?!"

       

Nalukot ang mukha ko sa pagbabangayan at ingay ng dalawa. Itong tatlong bata naman, imbis na awatin si Dan, sinusulsulan pa ng mga siraulo. Napailing nalang ako at saka biglang napatayo nang hatakin ako ni Dos.

         

"Uwi na tayo. Nakausap ko na si Emp, handa lang naman daw pala 'to para sa birthday nitong batang 'to," then, he glared at River.

        

Wala naman akong nagawa nang tuloy-tuloy itong naglakad palabas ng building habang mahigpit ang hawak sa palapulsuhan ko. Lumingon pa ako sa mga kasama kanina para tignan 'yung mga pugo sa puwesto namin kanina na nakatanga sa pag-alis namin.

          

Sunod kong tinapunan ng tingin ang puwesto nina Shin at nakitang nakatingin din sila sa amin. Tumango lang ako sa direksiyon nila nang itaas ni Athan ang kamay niya tanda nang pag-intindi kung bakit kami aalis agad ngayon.

       

I blew a loud sigh.

        

Sa sasakyan, naging tahimik kaming tatlo. Hindi ko na rin kasi pinilit na magsalita ang dalawa at mukhang sabay pa silang nawala sa mood. Ang hirap talaga kapag mas moody pa ang lalaki kaysa saming mga babae.

        

Nang makarating sa bahay, wala paring nagsi-imikan sa aming tatlo. Kaya naman dumeretso nalang ako sa kuwarto. Ilang minuto akong nagpahinga bago bumangon sa kama at nagtungo sa drawer na malapit sa akin at saka nilabas ang mga kakailangan ko sa gagawin ko.

      

Habang abala sa ginagawa, sunod-sunod na tumunog ang cellphone kong ipinatong ko sa study table kanina. Tinapunan ko iyon ng tingin at nakita ang pagpasok ng mga notifications at messages. Wala pa sana akong balak na hawakan iyon kung hindi lang lumabas ang 'HIM' sa screen, tanda na tumatawag siya.

       

Ibinaba ko sandali ang ginagawa ko at saka kinuha ang phone at sinagot ang tawag. ["Hi,"] he greeted from the other line. A small smile appeared on my lips. ["Nakaistorbo ba 'ko?"]

  

"Hindi naman," agad na tugon ko. I heard him heaved a sigh of relief. "Why did you call?"

     

["Nawala kayo agad kanina sa black building. Why?"] 

       

"Dos," was my simple answer. Alam kong nakuha niya agad ang sinabi ko.

     

He laughed a little at that. ["Hindi parin nagbabago 'yang 'pinsan' mo."] Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagdiin niya sa isang salita pero hindi ko na pinuna pa.

     

Nagpatuloy ang pag-uusap namin sa selepono kaya naman naisipan kong i-loud speaker ang phone at saka muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa ko habang nakikipag-usap sakaniya.My day ended better than I expected.

     

...

     

Kinabukasan, maayos na ang mood nung dalawa. Mabuti naman. Mukhang nakatulog nang maayos ang mga ito dahil hindi na salubong ang mga kilay nila.

      

Matiwasay rin kaming nakarating sa Hillman at tulad nang mga naunang araw ko rito, gano'n parin ang nakagawiang mangyari. Agad atensiyon at pinagbubulungan kami ng mga estudyante rito.

        

Pagdating sa room, agad na inilibot ko ang paningin para hanapin si River. Hindi naman ako nahirapang makita siya dahil alam kong kapag nagkukumpulan sila, nandoon lang ang isang 'yon. Nakapaikot nanaman ang mga upuan nila. Mabilis akong lumapit doon.

      

Tumayo naman silang apat nang makita ako para batiin. Ngayon ko lang din napansin na may dalawang bakanteng upuan sa maliit na bilog na binuo nila. Nang maupo si Dos sa isa sa mga iyon, naintindihan ko nang para sa aming dalawa ang mga bakanteng upuan. I smiled at that. "Morning Charl, aga niyo, ah," Ray greeted.

         

Nagkibit balikat lang ako sa tinuran niya at hinarap ang bag ko sa'kin saka nagsimulang kalkalin ang loob nito. Abala kong hinanap ang bagay na ginawa ko kagabi.

       

Nang makapa, agad ko itong nilabas sa bag at inabot sa taong pagbibigyan ko nito. "O, River," sabi ko rito at inumang ang hawak na kahon. Agad na naagaw ang pansin ng iba naming kasama ang ginawa ko.

       

Nakataas ang isang kilay ni River na nag angat ng tingin sakin mula sa pagkakatingin niya sa hindi kalakihan na kahon.

        

"Hoy, hoy, ano 'yan, Charlotte? Nanliligaw ka kay Ilog kahit kakakilala mo lang sakanya?" maypagkasa-epal na sabi ni Dos na tila 'di makapaniwala sa ginagawa ko at mabilis na inaabot ang kahon. Inilayo ko na ito rito kasi hindi naman para sakanya 'to.

         

"Manahimik ka nga Dos. Birthday gift ko kay River 'to. Huwag kang epal." I rolled my eyes at him. Muli kong nilingon si River na nakatunganga lang sa kawalan. Bahagyang napahaba ang nguso ko sa ginawa niya. Ayaw niya ba?

      

Hindi parin niya inabot ang hawak kong kahon kaya agad ko ito nilapag sa desk niya. "Hindi ko alam kung magugustuhan mo. Kagabi ko lang kasi ginawa 'yan. Kung ayaw mo, pwede mo namang ibalik sakin at kay Uno ko nalang ibibigay."

             

"Bakit si Uno pagbibigyan mo? Ako nandito sa tabi mo!" Don't mind that Dos, Charl.

          

"Masyado ka kasing epal, Dos. Manahimik ka kundi wala ka talagang regalo sakin sa birthday mo."

         

Bumulong bulong nanaman sa isang tabi tong si Dos matapos iikot ang upuan nito sa kabila at nag-drama. Wala namang pumansin sakanya dahil nakatutok kami kay River na nakatitig lang sa kahon. Napakamot nalang ako sa batok ko. Dapat ba kay Uno ko nalang talaga binigay 'to?

         

"Ayaw mo ba, River? Ako nalang magbubukas kung ayaw mo." Biglang sabi Kleoff na matamang nakatingin sa kahon. Halatang curious na curious siya sa laman no'n.

        

Hindi sumagot si River kaya inagaw na ni Kleoff ang bagay na nasa mesa ng nauna at saka iyon binuksan. Mabilis na bumaling ito sakin. "Kagabi mo lang talaga to ginawa?"

      

Tumango ako rito. Mabilis din niyang inabot ang regalo kay River. "Kunin mo na, Dre. Para sayo yan, ginawa ni Charl."

       

Nag aalangan man, kinuha nito ang kahon na binuksan na ni Kleoff. Simple lang naman ang ginawa ko. It's DIY Care Pack. Sa loob ng kahon ay may puting mug na personal kong sinulatan ng pangalan niya, vitamins, naglagay rin ako ng ilang chocolate bars, handkerchief na ipinunta ko pa nang gabing gabi sakanya para ipatahi kasi 'di naman ako marunong.

           

Mayroon ding anim na sobre sa loob. Inilabas ni River ang mga iyon at isinalansan sa mesa.

       

Bawat sobre ay may nakasulat sa harap.

          

Katulad nalang ng 'Open this when you're sad,' 'Open this when you're happy,' 'Open this when you're bored,' 'Open this when you're angry,' 'Open this when you're scared,' at 'yung huling inilabas niya ay may nakasulat na 'Open this now'.

           

Kahit nagtataka ang mukha niya ay dahan-dahan niyang binuksan ang sobre. Napasilip nga agad 'yung tatlong bata para makita ang laman e. Napaismid pa ko nang mapansin na humahaba ang leeg ng pinsan kong kanina lang ay nag d-drama sa isang tabi para makiusyoso sa regalo ko kay River.

        

Nang ilabas niya ang nasa loob no'n ay pinakatitigan niyang mabuti ang bracelet na hawak niya. May initials niya iyong R.L. Mabuti nalang at magkasama kami kagabi kaya nalaman kong River Lopez ang buong pangalan niya. 

     

"T-thank you," mahina nitong bulong kaya naman inabot ko ang buhok nito at ginulo yon.

      

"Happy birthday, River."

        

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makitang nakangiti naman niyang sinuot ang bigay ko sakaniya. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko angkakaibang emosyon sa mga mata nina Dan at Kleoff habang si Ray ay nakamasid sa kaibigan.

    

Naiiling na muli kong kinalkal ang loon ng bag. Nang mahanap ang mga bagay na iyon, pinagkakalabit ko 'yung tatlong itlog. Takha silang lumingon sa akin pero itinaas ko lang ang mga hawak kong bracelets.

        

Binigyan ko si Kleoff ng bracelet na may KA na initials dahil sa pangalan niyang Kleoff Ablaza, kay Dan na may DA para sa pangalan niyang Dan Absalon at kay Ray na RL tulad kay River dahil sa pangalan niyang Raymond Lancaster.

        

Ang pinagkaiba ng mga bracelets nina Ray at River ay ang pagkakasunod-sunod ng mga kulay ng beads nito. Nakapaayon sa ROYGBIV ang kay Ray samantalang asul na iba't iba ang shades ang kay River.

            

"P-pati kami?" hindi makapaniwalang tanong ni Kleoff na may kakaibang kislap ang mga mata. Lihim akong napangiti. He looks like a kid who just received a gift from his parents.

         

I shrugged my shoulders at him. "Why not? We're friends, right?" nakangiting sabi ko. Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata ng mga ito at nagkatinginan bago lumapad ang pagkakaguhit ng ngiti sa mga labi nila.

     

They all cheered. Nagkumpulan pa sila para tignang mabuti ang mga gawa kong bracelets para sakanila nang maramdaman kong matamang nakatitig ang pinsan ko sa mukha ko. Taas kilay ko itong nilingon.

      

Nagtama ang mga tingin naming dalawa. Hindi siya umiwas. Seryosong nakatingin lang siya sa akin kaya ako nalang ang nagdesisyong ibaling sa ibang direksiyon ang mga tingin. Pero bahagya pa kong nagulat nang makitang mataman din palang nakatingin sa direksiyon namin ang Presidente ng klase.

         

Kinunutan ko ito ng noo pero isang malaking ngisi lang ang sinagot niya na agad kong ikinairap. Mahina tuloy itong napatawa kaya napabaling sakanya ang atensiyon ng malalapit na kaklase namin sakaniya. Naiiling na ibinalik ko nalang ang tingin sa apat na pugo.

      

Gano'n nalang ang gulat ko nang mabungaran ang mukha ni River na kulang nalang ay idukdok ang mukha niya sa akin. Masyadong malapit. Hindi ko naiwasang mapansin na kahit na ang ganda ng mga mata niya, may lungkot akong nakikita ro'n.

     

Hindi ko alam kung pasasalamatan ko nalang si Dos na siyang naglayo sa mukha ni River sa akin dahil mukhang walang balak ang huli na gawin iyon.

         

Nagtatakang napatingin tuloy ako sa katabi kong si Ray na natahimik nalang tulad nina Dan at Kleoff.

        

Dumukwang ng bahagya si Ray at bumulong. "His mom died on his 5th birthday. Bracelet din ang regalo sakaniya pero nawala na niya 'yon nung bata pa kami kaya ganyan ang reaksiyon niya nang makatanggap ng bracelet para sa birthday niya."

Tumango ako rito at muling ibinalik kay River ang tingin. Humuhugot ito ng malalim na hininga at sinusuportahan nina Dan at Kleoff dahil mukhang nagiging emosyonal siya ngayon.

       

Nang sa wakas ay kumalma, tinitigan niya ko sa mga mata na hindi ko inurungan. "Thank you, really. Mama."

      

I stilled.

      

"Mama?" It was Dos na mukhang 'di makapaniwala sa narinig.

       

Mabilis na nagkibit balikat lang si River at ngumisi sa'kin. "Since you remind me of her, take responsibility of being my second mom. "

       

Gustuhin ko mang umangal at magsalita, hindi ko na nagawa pa.

         

Alam ko kasi ang pakiramdam ng nangungulila sa isang ina.

        

Kaya naman isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumango. "Okay. You can call me Mama Charlotte. That's my real name."

Awang ang bibig ng iba naming kasama samantalang gulat ang mukha ni River bago nagkaroon ng malawak na ngiti at tumayo para yumakap sa'kin.

      

Naiiling at nangingiting tinapik tapik ko ang likod nito bago humiwalay ng yakap.

      

"Seryoso ka ba, Charlotte? Talagang sinabi mo at hahayaan mong tawagin kang Mama Charlotte niyan? E diba ayaw na ayaw mo sa pangalan mo?" himutok nanaman ng pinsan kong may saltik na hindi ko nalang pinansin.

      

Napangiti nalang ako nang makita kong pinag aaralan mabuti ni River yung regalo ko sakanya. Ilang saglit lang din bago nagtaas ng kamay si Dan. "A-ako din. Gusto rin kitang maging mama. Please." paawang sabi ng bata.

        

"Wala ka bang mama?" tanong ko rito pero ngumuso lang siya at sumagot ng meron. "Pero gusto ko parin maging mama ka. Kahit dito lang sa school o kaya kahit sa labas. Basta hindi sa loob ng bahay namin," mabilis na sabi nito.

Pati si Kleoff ay nakisali rin na agad na kinokontra ni Dos. Nalingonan ko si Ray na nakatitig sa'kin at nang makitang bumaling ako sakanya, isang ngiti ang iginawad niya.

"Don't worry, hindi pa naman ako kinulang sa aruga ni mommy kaya hindi kita tatawaging mama," natatawang sabi niya na ikinailing ko nalang.

Related chapters

Latest chapter

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status