Share

Chapter 7

Author: ZealousEina
last update Huling Na-update: 2020-08-07 09:26:40

[Charl's PoV]

Natapos ang lunch break namin at tulad nang sinabi ni Dos, pinagdala nga niya ko ng cake. Isang slice ng strawberry shortcake, my favorite. Dahil wala namang nagbalak na pumasok na teacher ngayon sa klase namin matapos ang ginawa ng mga ito kahapon sa supposed to be adviser daw namin, naging parang homeroom nalang ang oras na iyon. Kaya naman nakain  ni Prince 'yung cake na inabot ko.

Nagtaka pa nga si Dos kung bakit ko ibinigay sa binata ang dala niyang cake na para sana sakin na agad ko namang pinaliwanag sakaniya na kabayaran sa niluto nito para samin kanina ang cake na 'yon. Kaya lang, hanggang sa pag-uwi, nakabusangot ang pinsan kong nagtatampo dahil sinayang ko raw ang effort niya at ipinamigay lang sa iba.

"I told you, Dos. Hindi ko rin naman ine-expect na aabutan ako ni Prince. Peppero lang talaga ang plano kong kainin kanina," napapakamot sa ulong sabi ko sa kasabay kong naglalakad papuntang parking lot ng school. "Hindi na 'ko nakatanggi kasi mukhang mapilit siya kaya ayun, bayad ko sa luto niya."
                    
               

Hindi naman niya ko kinibo hanggang makarating sa parking kung saan nag aantay si Uno. Nagtatakang napasunod ng tingin si Uno sa kapatid na medyo padabog kung maglakad bago bumulong sakin. "Problema niyan?"

Nakasimangot na hinarap ko 'to at sinabi ang problema. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Uno bago iiling iling na pinagbuksan ako ng pinto. Padabog na pumasok ako sa loob kasi hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng ngiting 'yon.

Pagkabuhay ng makina ng sasakyan, hindi pa kami nakakaandar ay may kumatok sa bintana ng sasakyan sa banda ni Uno. Kunot-noong binaba niya iyon at hinarap sina Georgia. 

"Pasabay. Gamit ni Green ang sasakyan ko. Sa black building daw lahat ng 3-A. Kasama 'yang pinsan niyo at ikaw," it was Georgia. "Kailangan niya ng kotse dahil may dadaanan pa yata siya at may kailangang bitbitin papuntang BB."

Naiiling na in-unlock ni Uno ang pinto ng sasakyan. Umusog ako sa kabilang parte para makapasok 'yung dalawa.

Sumulyap sa'kin saglit si Uno. "Ayokong isama ka sa Black Building pero mukhang required lahat ng 3-A na umattend don ngayon," Sabi nito at pinaandar na 'yung sasakyan.

"Bakit pati ikaw? Hindi ka naman 3-A," takang tanong ko rito. Napalingon pa sakin 'tong katabi kong si Selena.

"Ahead kasi ako ng one year sainyo. Pero nabigyan ako ng invitation ng Emperor niyo na sa section niyo mag-senior. Pwede naman kaso lang mas pinili kong huwag nalang kasi hassle rin."

tumango nalang ako rito bago umandar ang sasakyan. Tahimik lang ang dalawang babaeng kasama namin habang naririnig ko pa ang paminsan minsang bulong ni Dos mula sa unahan.

Napapalatak nalang tuloy si Uno sa kapatid. "Dos, para ka ng timang. Tigilan mo 'yan."

Inismiran lang naman siya nito kaya sakin nalang siya bumaling. "Nabalitaan ko yung ginawa niyo sa bago niyong adviser kanina." Binalik niya ang atensiyon sa daan. "Did you join?"

Agad na umiling ako rito bago napasulyap sa umilaw kong phone nang makatanggap ng mensahe. Agad ko 'yung binuksan at binasa bago sumagot kay Uno. "Nope. Gusto ko  kasing tignan muna paano nila gawin," kibit balikat na sabi ko

"Good. Pero kailangan mo parin makisali kahit twice a month sa mga ganiyan dahil parte 'yan ng classroom rules niyo." 

            

"I know."

Muli niya kong tinapunan ng tingin bago tumuon sa harap ang mga mata. "Just.. Just don't over do it."

               

Tumango lang ako rito at 'di na sumagot pa. Alam kong nakuha namin ang interes ng dalawang kasama pero hindi ko nalang pinansin.

Makalipas ang mahigit kalahating oras, huminto na ang sasakyan. Napatingin ako sa labas ng bintana at hindi pamilyar na lugar ang nakita ko.  

Mukha itong field o school ground sa mga napapanood ko na drama. Marami nga lang na motor na  hindi malaman kung saan ang tamang parking'an dahil sa magugulong ayos ng mga ito.

Mabilis na bumaba sina Georgia at Selena nang hindi nagpapaalam at naunang maglakad sa isang direksiyon. Makakas na bumuntong hininga ang mga pinsan ko.

"Kahit kailan talaga ang dalawang yon," naiiling na bulong ni Uno bago naunang lumakad kaya sumunod kami ni Dos.

Nakarating kami sa isang building na may isang palapag lang. Malaki nga lang ito at oo, black building nga. Daig pa namin papasok sa haunted house dahil dito.

Pero kung akala kong haunted house siya sa labas, sa loob naman ay parang club. Iba't ibang umiikot na kulay ang ilaw sa loob, maingay, amoy sigarilyo at alak din. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang mga kaklase kong may sari-sariling ginagawa.

May naglalaro ng billiards, darts, cards at may boxing ring pa nga sa isang tabi kung saan may nagsusuntukan. Cool, maganda sigurong ayain si Dos sa ganito minsan. 

Ang unang nakapansin nang aming pagdating ay si Mike.

Malapad ang ngiting binitawan nito ang barahang hawak at inabot kay Green na nanunuod mula sa likuran niya.

"Yo! Buti naman at nakarating kayo. Kanina pa namin kayo inaantay."  

"Nasaan si Emp? Itatanong ko kung pwede na ba kaming umuwi," bored na sabi ni Dos na hindi parin nawawala sa pagka bad mood. Grabe!

Napabagsak balikat naman si Mike sa narinig. "Boo! Kj. Kung si Emp lang, ayun, kasama sina Pres, Prince at Athan. Nanunuod ng porn," malakas na humalakhak ito kaya naagaw ang pansin ng ibang malapit samin.

Agad na tumaas ang kilay ko at napatingin sa itinuro nito direksiyon. Nandoon nga ang apat at tutok na tutok sa laptop na nakapatong sa glass table.

Seryoso pa ang mukha ng apat na parang 'di pwedeng maistorbo. Wow. Masyadong focus sa pinapanood ah.

Napaiwas nalang ako ng tingin at nahagip ng mga mata ko ang mga batang nagtatawanan habang lumalagok sa isang glass pitcher at naglalaman ng beer.

Walang basong ginagamit, tumutungga talaga sila mula sa mga hawak na pitsel at parang tubig na lumalagok.

Mabilis na naglakad ako palapit sa apat na iyon na nakakumpol sa isang gilid at isa isa silang binatukan.

"Aray!"

"Shit!"

"What the fuck?"

"Tangina!" 

Daing ng mga lasinggerong bata. Humalukipkip ako at inaantay na matapos silang maka-get over sa batok kong muntik na nilang ikasubsob sa lamesita.

"Ano bang problema mo?!" sigaw ni Kleoff sabay harap sa'kin kaya agad rin itong napaatras mula sa kinauupuan. "Charl?!"

Nakataas ang kilay na sinipat ko silang apat ng tingin. "Mga laklakero kayo. Kay babata niyo pa. Nauna pa kayong mag iinom kaysa mga matatanda sainyo. Hindi ba at kinse lang kayo?"

Nag iwas naman ng tingin si Kleoff at humaba ang nguso na bumubulong bulong. Dumukwang ako rito at mabilis na hinila ang nakangusong labi nito. "Mukha kang bibe," seryosong sabi ko habang tinititigan siya sa mata. Natulala naman siyang napatitig din sakin kaya binitiwan ko na ito at umayos ng tayo saka namaywang at hinarap ang iba.

Si Dan naman yumuko lang at tinakpan ang bibig ng dalawang kamay. Baka tinatago ang ngumunguso rin niyang labi. Sunod kong tinapunan ng tingin si Ray namabilis na itinaas ang dalawang kamay. "Sixteen na ko, Charl," isang batok pa ulit ang ibinigay ko rito na nakapag pabusangot sakanya.

Si River ang sunod kong hinarap. "Ako sixteen rin ako, Charl. Kaka sixteen ko lang ngayong araw!" mabilis na sabi niya nung ambaan ko siyang babatukan. Nabitin sa ere ang kamay ko at napatitig dito. Malawak ang ngiti niya nang makita ang pagtigil ko.

"Birthday mo ngayon?" pagkukumpirma ko. Masigla naman itong tumango tango kaya itinuloy ko ang pagbatok dito.

"Aray! Huhu! Bakit nanaman, Charl?  Ganiyan mo ba batiin ang birthday boy?" nakasimangot na tano nito.

Napahugot ako ng malalim na hininga. "Siraulo ka kasi. Hindi mo agad sinabi na birthday mo pala."

            

"Hindi mo naman tinanong e," tinapunan ko siya ng masamang tingin kaya umakto itong izinip ang bibig.

Napabuntong hininga nalang ako nakiupo sa tabi ni Kleoff bago kunin yung isang pitsel at tumungga rin ng beer mula roon. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status