Share

Chapter 13

Author: ZealousEina
last update Last Updated: 2020-08-07 09:32:50

[Charl's PoV]

Nang makarating sa bahay , mabilis na umibis ng sasakyan si Dos. Malakas na napabuntong hininga nalang ako dahil tinopak nanaman ang isang 'yon. Nagkatingin kami ni Uno at sabay na napailing.

Dahil sa pagmamadaling umalis ni Dos, ako nalang ang tumulong kay Uno na magbukas ng pinto habang buhat niya ang walang malay na si Green sa balikat niya. 

Pinauna ko nang makapasok sina Uno at nang akmang papasok na ko, nagulat ako nang sipain ng pinsan ko ang pinto habang nakatalikod. Pigil ko ang paghiyaw nang maipit ang kamay ko sa pagitan ng pinto.

"SHIT! Nasaktan ka ba, Charl?" napahinto sa paghakbang at biglang napaharap sa akin si Uno. Mabilis din niyang inilapag sa sahig si Green at lumapit sakin. He held my hand to take a look. "Tangina! Nakalimutan kong nasa likod kita." Sunod-sunod na pagmumura niya at agad akong hinawakan sa palapulsuhan. 

Natataranta siya at hindi mapakali nang makita ang pamumula ng kamay ko. Agad ko naman siyang pinigilan. "I'm fine." Napapahugot hiningang sabi ko at pinilit na huwag pansinin ang pangangapal sa kamao. "Asikasuhin mo na si Green at ako na ang bahala rito. Hindi naman masakit gaano. Don't make a big fuss about this. Malalaman pa ni Dos."

"I don't care kung malaman ni Dos. Gamutin muna natin ang kamay mo saka ko haharapin galit ng isang 'yon 'pag nalaman niyang ako ang may gawa niyan."

Napailing ako rito at ngumisi. "Take care of Green, Uno. Kaya ko na 'to. Baka magkasakit pa ang isang 'yan at inilapag mo sa sahig." Sabay nguso ko sa kaklase naming dumadaing sa sakit ng katawan.

Kahit nag-aalangan ay sinunod naman niya ko. Dumeretso agad ako sa kuwarto ko at ginamot ang kamay. Medyo nahihirapan lang ako sa paggalaw rito pero nagawa kong bendahan kahit papaano. Hoodie rin ang sinuot ko ngayon para maitago sa bulsa ang kamay dahil ayoko nang malaman pa ng isang pinsan ko ang nangyari. O.A. masyado ang isang 'yon e. 

Tapos nang gamutin ni Uno ang mga natamong sugat at galos ni Green. Nagpapahinga na ang huli sa isang kuwartong walang gumagamit. 

... 

NANDITO AKO ngayon sa sala kaharap ang dalawang pinsan ko. Si Dos na sobrang seryoso habang si Uno ay nag-aalalang napapatingin sa kanang bulsa ng hoodie ko kung saan nakasuksok ang kamaong naka-bandage.

Masama ang tingin ni Dos sa'kin na kaharap ko at alam kong pigil na pigil ang pagsabog niya. "Bakit ka ba kasi kinausap ng lampang teacher na 'yon? Hindi ka man lang hinatid! Paano kung nadawit ka sa gulo ng isang 'yon at may nangyari sayo?" singhal nito sakin na nakapagpataas ng kilay ko.

"Lampa? Si Alistair? Pinatumba ka niya kanina sa isang suntok lang diba?" naghahamong wika ko na lalong nagpasama sa mukha nito.

"Nagulat lang ako! Kaya napagbigyan ko siya!" depensa nito sa sarili at napataas pa ang boses. Binigyan ko lang siya ng nakakalokong ngiti.

"He challenged you guys. Pumatol ka. Ikaw unang umamba pero nasuntok ka niya. Paanong ikaw pa ang nagulat?" nang aasar ko pang dagdag kaya tuluyan itong nanggigil.

Dinuro pa ko nito at napatayo pa, "Huwag mong ibahin ang usapan, Princess Charlotte King!" Hmp, akala ko pa naman makakalusot na.

Agad na napasimangot ako sa tinawag niya. Nasiyahan naman ang tanga sa nakita. Proud na proud na nainis ako dahil alam nyang ayokong tinatawag ako sa buong pangalan ko.

Inirapan ko nalang siya at bumaling kay Uno na tahimik lang pero seryosong nakikinig sa amin. "Nag-usap lang kami ni Alistair, yung bagong homeroom teacher namin. Naging kaibigan ko siya sa Isabela. Hindi na 'ko nagpahatid dahil mas gusto kong maglakad lakad pauwi. Tapos nakita ko si Green Yamzon na duguan. He was actually asking for the two of you. Kuya Guard saw him first being beaten by a group of guys. He followed them pero mabilis silang nawala. Nang makabalik 'yung guard sa first gate, nag-usap kami saglit tapos 'yun, nakita namin si Yamzon na bumalik dito at nagpapakonekta sainyo." Walang kuwentang paliwanag ko. Hindi ako sanay mag explain e, bakit ba. Maiintindihan na nila yan, magagaling yan e.

Tumatango tango lang si Uno pero si Dos... malakas na napabuntong hinga ako nangtumayo ito at balak sugurin yung isa na nagpapahinga sa guestroom. Kinakabahan ako at baka bukas makalawa, uugod ugod na tong si Dos. Daming problema sa buhay. Tatanda nang maaga 'to. 

Kinabukasan, maaga akong nagising at nag ayos. Papasok na rin kami agad sa eskwela dahil hindi nakausap ko si Uno na ayos lang ako. Kumatok pa nga siya sa kuwarto ko noong bandang alas dose para siya mismo ang maayos na nag-bandage ng kamay ko. Si Yamzon naman, nagising siya kaninang mga alas dos pero nanatili pa rito samin at samin nalang daw sasabay pumasok. Okay na rin siya. Normal na raw sakanila ang gano'ng mga pangyayari.

Ang totoo niyan, uuwi naman talaga dapat si Yamzon pagkagising niya. Kaya lang, sinuntok siya ni Dos at sinisi. Inaway ng siraulong pinsan ko ang sugatang kaklase namin dahil muntik niya na raw akong ilagay sa kapahamakan. Paano nalang daw kung sinundan pa siya ng mga kaaway niya rito sa subdivision namin? Tapos nakita ako at ako ang napagdiskitahan? Kaya 'yun, nakatulog ulit. Malakas 'yung suntok e. Wow lang diba? Ang alam ko, kaya ako nakilala ng mga kaaway nila ay dahil kay Dos mismo. Baliw talaga.

Kaya ayun, si Uno na ang nagdesisyon na isabay nalang namin si Yamzon sa pagpasok at pahihiramin nalang ni Dos ng uniform niya. Hindi na siya nakaangal dahil si Uno na mismo ang sumaway.

Kasalukuyan akong nasa harap ng salamin. Sinisipat ang ayos ko. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil kailangan ko pang ipaalam sakaniya ang nangyari dahil ayoko namang sa iba pa niya malaman. Naging matagal ang pag-uusap namin sa cellphone dahil ang dami niyang naging tanong.

Minsan talaga, para rin siyang si Dos sa pagiging O.A.

Mabilis na winaksi ko sa isip ang mga iyon at lumabas na. Naging tahimik lang naman ang byahe namin maliban sa paminsan minsang sulyap ni Green Yamzon sa'kin mula sa passenger's seat. Dun dapat 'tong katabi kong si Dos pero hindi pumayag si Dos na katabi ko yung kaklase namin, kaya heto, kami ang nasa backseat.

Pinagtitinginan nga kami ng mga estudyante nung makarating kami sa school. Malalakas ang bulungan nila habang nakasunod ang tingin kay Green na tila walang pakialam sa atensiyong nakukuha niya mula sa iba dahil sa mga pasa at galos niya sa mukha. 'Yung kamay ko namang pakiramdam ko ay namamaga na talaga, nasa bulsa ng blazer ko.  Medyo namamasa na nga ang palad ko dahil kanina pa sa bahay ko 'to tinatago.

Si Dos na ang nagbukas ng sliding door namin nang makarating sa classroom at dire-diretsong pumasok. Nagkatinginan kami ni Yamzon bago sabay na nagkibit balikat at pumasok sa room. 

 Mabilis na nakalapit sa amin si Kleoff at umabresete sa kanang braso ko kaya wala sa oras na napalabas ang kamay ko mula sa bulsa.

"Anong nangyari sayo, mama Lot?!" gimbal na tanong ni Kleoff na siyang bumasag sa katahimikan. Itinaas nito ang kamay kong nakabenda at marahang hinaplos haplos habang sinusuri. Nakita ko rin ang biglang pagtayo at pag alis sa upuan nila sina Dan, Ray at River. Napapalibutan tuloy ako nitong mga batang 'to ngayon. Bakas ang pagtataka at pag aalala sa mga mata nila? Bakit?

Bago pa 'ko nakasagot, si Yamzon ang nagsalita. "Kasalanan ko. Sorry," mahinang sabi nito pero rinig ng lahat. Saka lang tila napansin ng mga ito ang namamagang mukha ng kasama ko. Nagpabalik balik ang tingin ni Kleoff sakin at kay Yamzon. 

 Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.  Kasalanan niya? 

Marahas na lumakad si liit don saka kinwelyuhan ang bugbog na si Yamzon. Kawawa naman 'to. Una, binugbog na nung lima, pangalawa, nasuntok ni Dos at eto ngayon, mukhang pagtutulungan nung apat na bata na nakakuyom ang mga kamao.

"Ikaw ang nanakit kay Charlotte?!" sigaw ni Kleoff dito.

  

"Hoy hindi, ah! " agad na dipensa nito sa sarili.

"E, bakit sabi mo ikaw may kasalanan!"

"E, ako naman talaga e!"

"So, ikaw nga ang may gawa!"

"Hindi nga!"

"Ano ba talaga?! Mas magulo ka pa kausap kaysa mga babae!" 

  

Mabilis na may lumipad na sapatos na tumama sa ulo ni Kleoff. It was from Selena na masama ang tingin sa'min.

Naiiling na inawat nina Athan at Jeff ang dalawa at pinaghiwalay. Lumapit na rin sina Shin at Grayson.

"Kumalma ka, Kleoff. Pagpaliwanagin mo muna si Green." ani Grayson bago sumulyap sakin at muling binalik ang tingin kay Yamzon.

"Green, explain." It was Shin.

Inayos saglit ni Yamzon ang nagusot na uniporme ni Dos at huminga ng malalim bago nagpaliwanag. "Kahapon, nung uwian, naharang ako ng grupo nung mga nakaaway natin noong nakaraang linggo. Kaya ko naman sanang labanan sila kaso may mga panghampas e. Kaya tinakbuhan ko nung napansin kong dehado na 'ko. Tapos nakita kong nasa may subdivision ako nina Uno at Dos. Hindi ko naman alam na masusundan ako ro'n at doon ako mismo binugbog ng mga gago. Mabuti nalang at may guard na sumaway kaya nakatakas ako kaso hinabol parin ako, hanep. Kaya no'ng nakapagtago ako at nasiguro kong wala na sila, bumalik ako sa subdivision para sana do'n muna magpahinga. Tapos nakita ko si Charl do'n," mahabang paliwanag niya sabay tapon ng tingin sa akin at napadako ang mata sa kamay kong nakabenda. "Siya ang umalalay sakin nung bumagsak ako. Nadali yata ang kamay niya."

Natahimik naman saglit ang iba. "So, kasalanan mo nga," Kleoff.

"Oo nga. Kasasabi ko lang diba?"

"Pero hindi ikaw ang gumawa."

   

"Oo."

"Okay," Kleoff at biglang ngumiti saka kinamayan si Yamzon at akmang lalabas  ng room.

"Saan ka pupunta?" Shin asked the kid seriously.

Nilingon kami bahagya ni Kleoff na ngayon ay may matalim na tingin na. "Gaganti lang, Pres. Isang suntok lang." 

  

Mabilis na sumang ayon si Dan at sasama pero agad kong pinigilan. "Stop it. This wasn't because of Green." Sabay tingin ko sa pinsan kong nakaawang ang labing nakatingin sa kamay kong hindi niya napansin mula pa kagabi. "Naipit 'to sa pinto kagabi noong pinasok namin si Green sa bahay. It was an accident."

"Kasalanan parin niya kahit saan tignan," sagot lang ni Kleoff. Napatampal ako sa noo.

Naglakad nalang ako papuntang upuan ko nang madaanan ko si Shin na may binulong sa tenga ko. "Mag iingat ka sa susunod."

  

Nangilabot ako sa tono ng salita nito. What was that? Bakit ang... soft? Tangina.

Hindi naman matigil si Kleoff at Dan sa pag aalburoto samantalang tahimik lamang si River. Nagtataka naman akong napatingin sa tahimik lang din na si Ray na tinapik pa 'ko sa balikat at tinanong kung ayos na ang kamay ko na agad ko namang tinanguan.

Maya-maya lang ay pumasok na rin si Alistair sa room at nagtaka nung nakita ang itsura ni Green at ang kamay kong nakabenda na nakapatong sa desk ko.

Ali approached me and held my hand. "Anong nangyari rito?" he sounded concern. 

"Naipit lang sa pinto," was my only answer while I could feel the intense gazes coming from that person.

Agad kong binawi ang kamay ko at ngumisi rito. Napapailing na sinabihan ako nitong mag ingat sa susunod bago naging seryoso ang mukha at binalingan si Green. Iisa lang din naman ang naging paliwanag niya sa una.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status