[Charl's PoV]
Nag-iinat ako ng mga brasong lumalakad pauwi sa bahay matapos kong manggaling sa bahay niya. Gustohin man niyang ihatid ako pauwi, hindi ako pumayag dahil trip ko ang maglakad-lakad.
Tinatamad din kasi akong sumakay ng taxi kaya naisipan kong lakarin nalang mula kina Ouji hanggang sa subdivision namin. Medyo may kalayuan ang lalakarin at hindi ako ganoon kasanay sa mahabang lakaran pero kaya naman. Siguro.
Nang may nadaanan na 7/11, pumasok muna ako rito para makabili ng pagkain. Sa pag-iikot ko, wala naman akong nagustuhan kaya kumuha nalang ako ng vitamilk at saka siopao.
Habang nag-iisip nang kung anong siopao ang kukunin ko, may isang alaala ang lumitaw sa isip ko.
"Siopao? Hindi ba nakakadiri 'yan?" nalilito at nakangiwing tanong niya habang nakatingin sa mga siopao.
Inaya ko kasi siyang dumaan ditto saglit sa 7/11 dahil nakaramdam ako nang gutom.
Taka naman akong napatingin sakaniya habang nakabukas 'yung glass na pinaglalagyan ng mga siopao. "Anong nakakadiri sa siopao?"
"Pusa."
"Pusa?"
Tumango siya at seryosong seryoso pa ang mukha. "Pusa ang nasa loob niyan, 'di ba? 'Yun ang sabi ni Ali e."
Napatawa ako nang bahagya. "You are seventeen na, 'di ba? Bakit naniniwala ka pa rin sa ganiyan? Silly." Natatawang sabi ko rito at kinuha na ang bola bola na siopao saka inabot sakaniya. "That was just an urban legend, hun. If I am not mistaken, dahil daw noong World War II, kulang sa meat ang Pilipinas at nagkataong maraming pusa during that time. Kaya naisipan nilang gamitin ang meat ng mga ito para gawing palaman sa siopao. Tapos mas naging kapani-paniwala ang bagay na 'yon dahil sa feline-eating culture ng China kung saan nagmula ang siopao."
Nag-aalangan parin niyang tinanggap ang inaabot ko kaya kinuha ko ang kamay niya at nilagay ang pagkain doon saka kumuha ng isa pa at hinila siya para makapagbayad.
Nang makapagbayad, nagpilitan pa kami na kumagat siya sa siopao. Kahit parang diring diri at nag aalangan talaga, ginawa naman niya. Napangiti ako dahil doon.
Mabilis na pinilig ko ang ulo para mawala sa isip ko ang alaalang iyon at kumuha nalang ng Asado na siopao. Pagbaling ko sa likod ko ay agad ding akong napa-atras nang bumunggo ako sa isang katawan.
Hawak ang ilong kong tumama sa matigas na bagay, inangat ko ang ulo ko.
"Emp," banggit ko sa titulo niya sa klase. Matamang napatitig ito sa akin bago tinignan ang lalagyan sa likuran ko. Agad akong umalis sa pagkakaharang sa daan. Pinanood ko pa siya saglit na kumuha ng Bola-bola na siopao bago ako nagpuntang counter para magbayad.
Pinabuksan ko na rin ang Vitamilk ko at naisipang kakainin ko nalang ang meryenda ko habang naglalakad pauwi.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa 7/11, agad na may humintong motor sa tabi ko. Kunot-noo kong tinignan ito dahil hinaharangan niya ang daan ko. "Sakay," aniya pagkaalis ng suot na helmet.
Agad akong napailing sakaniya. "Hindi na, mas gusto kong maglakad-lakad." Pero hindi siya nakinig. Nanatili siya sa tapat ko at hinihintay na sumakay ako. Isinuot pa nga niya ang helmet niya sakin.
"Malayo pa 'yung inyo. Do'n ka nalang sa first gate magsimulang maglakad."
Wala na kong nagawa pa kundi ang umangkas sa motor niya. Pero bago 'yon, sinabi kong uubusin ko muna ang Vitamilk ko na ikinatango niya.
"O," sabay hagis niya ng leather jacket niya na galing sa compartment ng motor niya. "Itakip mo sa hita mo," sabi pa niya kaya napatingin ako sa school uniform kong palda nga pala ang pang-baba.
Napapailing na tinanggap ko iyon. Humawak din ang isang kamay ko sa balikat niya habang ang isa ay nasa jacket para hindi liparin.
Habang binabagtas ang daan papuntang subdivision namin, hindi ko maiwasang damhin ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. Ilang sandali lang ay nakarating na kami. Agad akong bumaba sa motor at inabot sakaniya ang jacket niya. "Thanks, Emp," saka ako tumalikod at nagsimula nang pumasok sa subdivision. Hindi na rin naman siya sumagot at narinig ko nalang ang pag-alis ng motor.
Nakakailang hakbang palang ako papasok sa subdivision nang mapansin kong walang tao sa guard house. Sinubukan kong silipin ang loob pero wala talaga.
"Ma'am!" agad akong napalingon at nakita ang isang security guard na mukhang pagod na pagod sa ginawa niya. "Ano hong kailangan ma'am?"
Umiling ako. "Nothing. Nagtakha lang na walang bantay sa first gate."
Napakamot ito sa batok. "Pasensiya na ma'am, mayroon kasing mga kabataan kaninang nagsasapakan diyan sa harapan e. Kaya sinaway ko tapos nagsitakbuhan kaya napahabol ako sakaniya dahil bugbog sarado nila 'yung isang lalaki."
Napatango nalang ako rito at nagpaalam na. Pero bago pa ako tuluyang makatalikod, pareho kaming napatigil ng guard nang makita ang isang duguang lalaking palapit sa puwesto naming. "S-shit, mga tarantadong 'yon. Napuruhan ako," ngiwing sabi nito bago nakarating sa harapan namin.
"Ma'am, 'yan 'yung tinutukoy kong pinagtutulungan kanina!" bulong ng guard sakin bago nilapitan ang isang pamilyar na lalaki.
"Sir, ayos lang ho ba kayo?"
"I—I'm fine. Pakikonekta ako k—kina Uno at D-dos Villanueva."
Do'n, naalala ko na kung sino ang duguang lalaking nasa harap. Nababalutan ng dugo at sugat ang mukha nito habang nagging kulay pula ang puting punti na school uniform ng Hillman.
"T—tell them that i—it's Green Yamzon." Saka ito napabuwal sa pagkakatayo. Mabilis namang umalalay ang guard.
He's our classmate.
Umangat ang ulo ni Green at nagtama ang mga mata naming. Bahagyang nanlalaki ang mag mata niya sa akin. "C-charl King..." banggit niya sa pangalan ko.
Agad akong lumapit sakanila at tinulungan ang guard sa pag-alalay kay Green. "I know him, kuya. Pakitawagan nalang ang mga pinsan ko."
Nakita ko ang pagkagulat niya sandali pero agad na tumango. Mas bumigat tuloy si Green kaya binitawan ko nalang siya sa semento. Mabigat e. "Hintayin mo nalang 'yung dalawa, 'di kita kayang buhatin." Mahina itong natawa kahit hirap na hirap.
Ilang minuto lang ang nakakalipas, dumating ang sasakyan namin lulan ang dalawang mas inuna pa 'kong i-check kung may mga sugat at galos sa katawan kaysa sa lalaking nakahandusay na sa semento at nawalan ng malay.
"I'm fine, I'm fine," napapabuntong hininga kong sabi kay Dos na kulang nalang ay baliktarin ako para masigurong wala talaga akong galos. Paano naman ako magkakagalos kung hindi naman ako kasama sa gulong pinasok nitong Berde na 'to?
"Sigurado ka?" matamang pagtatanong niya na ikinatango ko.
Nginuso ko nalang ang kaklase namin kaya lang ay wala talagang balak na humiwalay si Dos sa akin kaya si Uno lang ang nagbuhat sa duguang lalaki papasok sa sasakyan.
[Charl's PoV]Nang makarating sa bahay , mabilis na umibis ng sasakyan si Dos. Malakas na napabuntong hininga nalang ako dahil tinopak nanaman ang isang 'yon. Nagkatingin kami ni Uno at sabay na napailing.
[Charl's PoV]From: HimYou didn't tell me about your hand.Napakagat ako sa ibabang labi.
[Charl's PoV]"Alam mo, ang tanga mo,"sarkatiskong ani Selena matapos iabot sakin ang binalatang mansanas.
[Charl's PoV]Isang linggo na ang nakalipas matapos ang huli naming pag-uusap ni Prince sa theater room. Medyo magaling na rin ang kamay ko. Bumalik naman kami sa dati naming gawi. We don't talk too much in person pero for some reason, he likes texting? Siguro kasi naka-plan kaya malakas
[Charl's PoV]Tahimik na inabot ko ang kamay ni Dillie--nah, he's Elli, I'm sure of it. Mukhang plano nilang hindi ipakilala ang sarili nila nang maayos sakin.
[Charl's PoV]"Lo,"bati ko sa taong nasa kabilang linya matapos sagutin ang tawag ni Lolo Bry sa landline.
[Charl's PoV]"When are you coming back? Really, Ouji?"may pagkasarkasmong tanong ko sakanya na kanina pa napapahilot sa sentido niya.
[Charl's PoV]"Okay, that's a wrap!"Angielyn clapped her hands while smiling.
[Prince's PoV]"ARE YOU SURE you don't want me to drive you to Isabela?"I asked Princess for the nth time already and I swear, she's gonna punch any time soon now.
[Charl's PoV]*Seven years later*
[Charl's PoV]Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko sa kabila nang pamimigat ng mga ito.Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mukha ko kaya balak ko sanang takpan ito ng braso ngunit hindi ko maigalaw ang kamay ko.
[Charl's PoV]Jacquelyn Burgos, that was the name of my mother's friend. I remember her because lolo Bry told me that she was the one who brought me to my grandparents.
[Elli's PoV]For the nth time, she saved us.
[Prince's PoV]Sa labing walong taon kong pamumuhay, mulat ako sa klase ng pamilya na mayroon ako. Ang ama kong parang naglalaro lang ng buhay ng iba habang ang ina ko na sinusuka ang sariling buhay na pinagkakait ng nauna sa marami.
[Caryl's PoV]"They are gone."nawala ang mga ngiti sa labi namin nang makaalis ang 3-A dala sina ma'am Angielyn at ma'am Aubrey.
[Green's PoV]Aburidong pinipindot ni Kerr ang up button sa loob ng elevator. Dalawa lang naman ang palapag kaya hindi naman namin kinailangan maghintay ng ilang minuto.
[Uno's PoV]Tatlong araw matapos namin magsimulang magplano, something happened.