Share

Chapter 14

Author: ZealousEina
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

[Charl's PoV]

From: Him
You didn't tell me about your hand.

  

Napakagat ako sa ibabang labi.

To: Him
I'm sorry.

  

From: Him 
You're hurt and you didn't tell me about it. Ako ang mag-bebenda niyan mamaya, ayos lang ba?

To: Him

Alright.

Agad na napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong pinag alala ko nanaman siya. Bakit kasi 'yung tungkol pa sa kamay ko ang hindi ko sinabi kagabi? Dahil alam mong mag-aalala siya at bigla kang pupuntahan sa bahay niyo para masiguradong ayos ka lang.

Hindi na 'ko magtataka kung isang araw ay bantayan at sundan nalang ako nito kahit saan. Hindi naman sa umaangal ako, ayoko lang maabala siya masyado.

Nawala ako sa pag mumuni-muni nang makaramdam ako nang malamig na bagay sa kanang pisngi ko. Pag-angat ko, mukha nang nakangiting Grayson ang bumungad sa'kin habang nakaumang ang isang can of root beer.

Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Grayson," banggit ko sa pangalan niya na nakapag patigil sakanya saglit pero agad ding nakabawi at pinitik ang noo ko.

Mahina akong napaaray sa sakit. Wow! Close kami?

"That's President or Pres to you, Charl." Tapos ay humatak ito ng upuan at naupo sa harap ko nang hindi inaayos ang upuan. Bale, nakasandal ngayon ang mga braso niya sa sandalan ng upuan at nakaharap sa akin.

Inilapag niya ang root beer sa desk ko at binuksan nito ang backpack nitong nasa likod niya saka naglabas ng  Mang Juan.

"Makapitik ha. Close ba tayo?" 'di ko naiwasang sabihin na nakapagpatawa rito.

"Funny. Pagkatapos mo 'kong tawagin sa first name ko, saka mo itatanong 'yan?" he tsk-ed.

Inirapan ko lang ito at binuksan ang rootbeer. Dahil nga sa namamagang kamay ko ay muntik ko na itong mabitawan. Mabuti nalang at tinulungan ako ng lalaking kaharap. Nang iabot sa akin ang lata ng soft drink ay matagal pang napatitig ang mga mata niya sa kamay ko.

Nandito kami sa room. Vacant time namin dahil wala pang ibang nahahanap na teachers para sa ibang subject namin. Sabi ni Alistair, siya na ang bahala ro'n kaya ayon, wala pa kaming klase. Nagbigay lang siya ng soft copy nung mga lessons sa bawat subject at kami na raw ang bahala.

Iilan lang kaming nandito sa room dahil ang iba ay nasa third floor, 'yung theater room do'n at nanunuod ng HLG. Ang nandito lang ay ako, si Dos na nakadukdok lang ang ulo sa upuan katabi ko at nagtatampo sa akin o sa sarili niya dahil hindi niya nalaman ang tungkol sa nangyari sa kamay ko, si Shin na busy sa mga hawak na papel dahil mukhang may mga nagpasa ng suggestions at nirereview nito, si Prince na tahimik lang sa isang tabi, may suot na earphones at hawak ang phone nito, si Green Yamzon na nagpapahinga pa, si River na ayaw rin umalis sa tabi ko at itong kararating lang na si Grayson.

Galing sa ref ang root beer na inabot niya sakin. Ang inumin namang nilabas niya para sa sarili ay sanmig.

"Kumusta ang kamay mo?" bigla ay pagbubukas topic nito nang mapansing tila hindi ko sasagutin ang pasaring niya kanina.

Wala sa sariling napahawak tuloy ako sa nakabendang kanang kamay ko. "Okay na."

Nakita ko itong malalim na napahugot ng hininga at tumitig nang seryoso sakin. "Wait me here,"

sabi nito at saka umalis sa upuan niya. Iniwan niya rin sa desk ko ang beer niya. Napasunod ang tingin ko sakaniya nang magpunta siya sa mga drawers sa gilid ng room at may kinuhang maliit na box.

Ilang sandali lang ay bumalik din siya. This time, hinarap na niya ang inuupuan at saka inilabag ang first aid kit sa desk no'n.

Napangiwi ako nang simulan niyang alisin ang benda ng kamay ko. Sabay pa kaming napasinghad nang mahina nang lumantad ang nagiging violet na kamao ko. Shit.

"Tangina," he cursed under his breath at may kinuhang maliit na bilog mula sa first aid kit. It was an ointment. 

Agad ko namang binawi ang kamay ko nang simulan niyang pahiran ng ointment ang apektadong bahagi ng kamao kong nagsisimula na ring mangitim. 

Nakapangako na 'kong siya ang mag b-benda nito mamaya.

" 'Wag matigas ang ulo, King." Inabot niya ang kamay ko at muling pinahiran ng malamig na bagay. "Ang sloppy nang pagkaka-bandage. Most probably, ikaw lang ang gumawa sa sarili mo kanina nito." 

He's right. Since naligo pa 'ko kanina, kinailangan kong alisin 'yung ginawa ni Uno sa akin at inulit ko sa sarili ko pagkatapos.

Agad na lumipad ang tingin ko sa isang partikular na tao sa loob ng room at nakitang nakatingin ito sa kamay kong hawak ni Gray na kasalukuyang ginagamot niya. Napakagat ako sa ibabang labi. Buwisit.

Umangat ang mga tingin niya at nagtama ang mga mata namin. I was subtlety shaking my head at him. He took a deep breath and nodded his head a little, telling me that he understands.

   

"Take care of yourself, Charl. Baka sa susunod, maputol na ang mga daliri mo nito," pangangaral niya habang magaan ang kamay na iniikot ang benda sa kamao ko. Marahan pa niyang panaka nakang pinipisil ito.

Napatanga nalang akong sinundan ito ng tingin nang matapos siya at tapikin ako sa pisngi saka umalis sa harap ko dala ang mga pagkain niya kanina.

Nang makaramdam na para akong pinagmamasdan ng katabi ko, agad kong nilingon ang taong nasa direksiyong iyon, si Dos na nakasilip ang isang mata nito mula sa braso at mataman akong tinitignan. Tinaasan ko siya ng kilay pero inirapan lang ako at muling inubob ang mukha sa braso. Arte!

Lumipas ang ilang oras na nando'n lang kami sa room ay tahimik lang kaming ang mga naiwan sa room maliban sa panaka nakang usapan namin ni River. Paminsan-minsan din ay nililingon kami nina Shin at Gray na hindi na lamang namin pinansin.

Dumating ang lunch time na wala pa ang iba kaya nagluto na rin si Prince. At dahil ako lang naman ang naiwan dito na nakatoka kasama niya, tumulong ako kahit imbis na makatulong, mas nakaabala pa. Lalo at isang kamay lang ang nagagamit ko sa pagtulong.

Paano ba naman, sinabi niyang mag gisa na raw ako at eto na nga, sunog na ang bawang at sibuyas. Kung hindi pa lumapit samin si Shin at inagaw yung kutsara na hawak ko pang gisa,  ewan ko nalang.

"Bakit ba kutsara ang gamit mo? Tsk!" singhal nito tapos kumuha nung pamalit do'n at siya ang gumawa nung dapat kong gawin. Napasimangot na umatras nalang  para panuorin yung dalawa sa pagluluto. Sabi na e, di ko talaga forte to. Hanggang pagkain lang ako ng mga niluluto nila.

Natatawang lumapit sa'kin si River at nginisihan. "Buti nalang talaga ma, may pera ako. Bili nalang tayo sa resto ng pagkain kapag wala tayong tagaluto." Binigyan ko siya ng irap na tinawanan lang niya. Napansin ko pa si Prince na nakatingin sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Naiiling na tinawag ako nito at pinalapit.

Nang makalapit, inumang niya ang kutsara na may sabaw nung kaldereta na niluto niya. "Tikman mo kung okay na." Tumango naman ako rito at tinikman yo'n. Ninamnam ko pa kasi masarap naman saka ako tumango sakanya at nag thumbs up. Ngumiti lang siya sakin at siya naman ang gumamit nung kutsara para tikman yung luto niya.

Akala ko ay tapos na nang biglang may lumitaw na kutsara pa ulit sa harap ko. Nilingon ko ito at nakitang si Shin naman ang may hawak ng kutsara na may karne ng menudo. "Tignan mo kung ayos na 'yung luto ng karne," was his only response saka muling inumang ang kutsara sa harap. 

Nag-aalangang napabalik ang tingin ko kay Prince na seryosong naghahalo ngayon ng tinitimpla niyang juice sa dalawang pitsel. Nang ibalik ko ang tingin kay Shin, ngumanga ako at tinikman ang karne na nasa kutsarang hawak niya. 

Agad akong ngumiti at tumango rito. Tumango rin naman siya sa akin at ginamit ang kutsarang ginamit ko para tikman ang niluluto nila. Seriously?

Narinig ko ang hagikgik ni River sa tabi ko na ikinalingon ko sakaniya. He just grinned at me and nudged me on my side. 

Matapos magluto, sakto namang nagdatingan ang lahat. Agad na sumama ang mukha ko nang makita si Mike na tuwang tuwa sa mga pagkain. Haynako!

Tulad dati, sabay-sabay kaming kumain. Pagkatapos mag-lunch, bumalik sila sa third floor dahil may balak pa ulit silang panuorin na kung anong movie. Pinasama ko na si River. Pati 'yung iba sumunod na. Ayaw nga lang talaga ako iwan ni Dos kaya heto kaming dalawa ngayon, gumagala sa campus.

Hindi ko alam kung allowed ba kami lumabas pero mukha namang oo dahil walang sumisita sa'min. Wala rin halos tao sa school ground lalo na at class hour naman talaga. Nakabili na nga rin kami nang kung anu-ano sa cafeteria.

"Dos," tawag pansin ko sakanya na nasa harapan ko at nakapamulsa. Paikot ikot lang naman kaming dalawa e. Ewan ko ba rito kung anong trip sa buhay.

Nilingon ako nito ng bahagya. "O?" Nagmamataray na tanong niya. Kala mo talaga gwapo. Tsk!

"Pagod na ko maglakad-lakad. Ang init pa. Pahinga na tayo," sabi ko rito. Napapansin ko kasing namumula na ang balat ko sa pagkakababad sa init. Alas dos na kasi ng hapon.

Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako. Sinipat ako ng tingin niya bago bumuntong hininga at hinila ako sa isang bleachers dito sa ilalim ng malaking puno. Ngayon ko lang napansin na nasa field na pala kami. May mga iilang estudyante na nagpapraktis ng soccer sa field.

"Your hand," panimula niya at inabot ang kamay ko saka ipinatong sa hita niya. "Bakit hindi ko 'to napansin kahapon?" salubong ang kilay na tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nauna kang pumasok e."

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Mag-aalala ka, tapos magiging O.A."

"Palagi naman akong nag-aalala sa'yo."

Natahimik ako sa sinabi niya. Nang hindi ako sumagot, malakas nalang siyang napabuntong hininga. Napatanaw nalang kaming dalawa sa mga naglalarong estudyante sa soccer field.

Nakatingin lang kami do'n. Tahimik lang kaming nakamasid nang bigla akong inakbayan ni Dos. "Picture tayo, Charl. Pang insta, sabi nalang niya makalipas ng ilang minuto at inumang 'yung braso niya. Sinabayan ko nalang sa trip niya 'tong baliw na 'to at nagpicture kami.

May mga snapchat pa nga kung saan may filter 'yung pictures namin. May mukha kaming aso, pusa, demonyo saka bulaklak sa ulo. Tuwang tuwa namang kumalas sa pagkaka-akbay sakin at naging busy sa phone niya. Napangiti nalang tuloy ako habang pinapanood siyang nag mukhang batang tuwang-tuwa na tinitignan ang mga pictures naming dalawa. Nakalabas pa yung dimple niya kakangiti.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ng uniform ko. Kumunot ang noo ko sa nabasang text niya. 

  

From: Him

Lucky guy. He can post your pictures together online. 

  

Magrereply na sana ako nang sunud-sunod na notifications ang pumasok sa phone ko mula sa Facebook at Insta. Una kong inopen ang Insta at agad na nakita ang picture namin ni Dos.

Mahina pa akong napasinghap sa caption nitong 'In another life, I would be your man, lol kidding.' 

Agad kong nilingon si Dos na tila siyang-siya sa buhay habang patuloy ang pagtipa sa phone niya. Hindi ko nalang pinuna pa. Minsan lang ngumiti nang ganito ang isang 'to, e.

Nagbasa nalang ako ng mga comments at doon inabala ang sarili . Nakita ko pa ang mga nangungunang comments ng mga bata.

@_riverrsexxy : Ang daya! Kaya pala pinaalis ako! Gusto palang magpicture nang sila lang.

@Dandandan69 : Picture din tayo mamaya, Mama Lot!

@KleoffA_ : Ako rin Ma Lot! Magdadala ako ng costume natin!

@RaygunLncstr : Nice pic my dear. Inbox me later. 

Nasapo ko nalang ang ulo ko sa mga kalokohan ng mga ito. Napalingon pa ako kay Dos nang bigla itong tumawa. Hawak pa rin niya ang phone niya at mukhang tuwang tuwa sa mga likes!Famous!

"Para kang timang, Dos." Agad na nilingon lang ako nito at nakangising hinarap sa'kin ang phone niya.

It's a message from Uno.

'fvck you Dos! Hindi kayo nang aaya. Shit, bakit kasi ang tagal matapos magturo nitong prof namin!'

"Uno got it bad, Charl. Sinabihan na kasi naming sa 3-A nalang siya edi sana pagala gala lang din siya," sabay halakhak nanaman ng bruho.

Naiiling na binalik ko ang atensiyon sa sarili kong phone at binuksan ang Facebook.

55 notifications, 23 unread messages at 20+ friend requests. In-accept ko nalang ang mga kaklase ko kahit parang alam kong hindi dapat. Hayaan na nga. Kawawa naman ang mga 'to.

Napataas pa nga ang kilay ko nang makitang pati sina Georgia at Selena ay naka friend request sakin. Sunod na binuksan ko ang notif at nakitang naka mention ako sa mga posts, pati na tag ni Dos sakin.

Pati dito sa facebook nag-post? Naiiling na nagbasa basa ako ng comments.

Sila sila rin naman. Mayroon ding comments mga dati kong ka eskwela ay nangangamusta sa mismong post! Shit naman.

Bumuntong hininga nalang ako at ni-like 'yon saka inexit ang app.

Agad na kumunot ang noo ko nang maramdaman ko ang pag iba ng ihip ng hangin at nakaramdam nang kung anong bagay na papunta sa direksiyon ko. Sa pag angat ng aking ulo ay saktong pagtama ng soccer ball sa mukha ko.

Masyadong malakas ang naging impact. Naramdaman ko  ang paghapdi sa aking mukha pati ang paglipad ng isip ko sa nangyari. Ramdam ko rin ang malagkit na pagdaloy ng kung ano sa ilong ko at narinig ang malakas na pagmumura ni Dos sa tabi ko bago ako mawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status