Share

Chapter 15

Author: ZealousEina
last update Huling Na-update: 2020-08-07 13:02:52

[Charl's PoV]

"Alam mo, ang tanga mo," sarkatiskong ani Selena matapos iabot sakin ang binalatang mansanas.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalaro ng Mobile Legends. Warrior palang naman ako dahil kasisimula ko lang ngayon at ayon nga, gamit ko si Layla.

"Hoy, sinasabihan kitang tanga, hindi mo narinig?" irita pang dagdag ni Selena at sinubukan kunin 'yung phone ko.

Kunot noo ko naman siyang sinamaan ng tingin. "Mamaya na, p'wede? May usapan kami ni Uno na kapag napa Master ko 'to ngayong araw, bibigyan na niya ko ng sarili kong motor." Saka pindot ko sa SS ni Layla tapos may nakita akong nag-flash sa screen na 'double kill'.

Malakas na pumalatak naman ito at binalingan ang isa pang kasama namin dito sa hospital room na pinag admit-an ko. "Green, bakit daw ba kasi ako ang pinagbabantay ni Emp dito sainyong mga tanga kayo?" maktol nito.

Nandito kasi kami sa ospital na pag mamay-ari ng pamilya ni Jonathan Israel. Dito ako sinugod ni Dos matapos kong mahimatay kaninang tanghali. Hindi naman dapat ako i-a-admit pero makulit ang lalaking 'yon at sinabing dito muna 'ko hanggang bukas para makasigurado. Pumayag naman si Athan na siya mag asikaso ng stay ko kaya nandito kami sa pinakamalaki at mahal na room sa ospital nila.

Dumalaw din si Uno rito at nagdala ng mga prutas. Hindi naman siya nagtagal dahil pagkatapos niya kong hamunin na mag pa-rank agad sa Mobile Legends na siya mismo nag download sa phone ko, umalis na siya.

Nagdesisyon din si Shinichi na isama rito sa hospital room ko si Green para mas makapagpahinga na ito at mabilis makapag recover. Umalis din naman silang lahat na kanina ay sabay-sabay na bumisita samin na may mga dalang kandila at kape pagkatapos nang walang tigil nilang pagsasabi ng 'condolence'. Mga demonyo.

Pero dahil sa kung anong dahilan, naiwan si Selena para bantayan kami. Ewan ko sa trip ni Shin. Dapat kasama si Georgia rito pero nagpaalam siya sa Emperor at President na may lakad siya ngayon. Sa kabilang banda, 'yung apat na batang makukulit, shockingly, hindi naging makulit kanina. Tahimik lang na nakatayo sa sulok. Hindi ko na nga nakausap dahil mas nauna pang umalis ang mga 'yon. Mga busy yata sila.

"I don't know. By the way, anong rank ka na Charl? Laro tayo." Nang mabasag na namin ang base nung kalaban at nag display sa screen ko ang VICTORY napalingon ako kay Green na busy rin pala sa phone niya.

"Warrior I palang. Sandali, isang star nalang kulang. Anong sunod nito? Master na ba?"


"May Elite pang kasunod. Mamaya, classic lang tayo. Legend I na 'ko e. Sali natin yung mga ungas."


Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Paanong sali? Kampi-kampihan? P'wede ba 'yon?" tanong ko habang namimili ng bagong hero na bibilhin.

Umalis naman ito sa inookupang kama at lumipat sa kama ko. Hindi ko naman kelangan umusog dahil malalaki naman ang dalawang kama dito sa loob ng hospital room.

"Oo, wait bibili ka bagong hero? Suggest ko sayo si Diggie, support yan."

Hindi ko naman naintindihan sinasabi niya kaya pinaliwanag niyang mabuti. Apparently, Assassin user siya. Best pick niya raw si Gusion? Pina try niya pa 'kong laruin sa phone niya gamit 'yung hero niya pero hindi ko bet kaya nag-try pa kami ng iba sa classic. Sabay pa kaming napapangisi kapag madalas akong napapatay dahil 'di ko kayang gamitin 'yung hero tapos pinagmumura ako ng mga kakampi namin. Nung nakapili na 'ko na yung Baka ang gusto kong hero, 'yun ang binili ko sa account ko.

"Nice, tank user ka pala. I was expecting na baka maging support or mage user ka."

Nagpatuloy lang kami sa paglalaro hanggang sa malakas na hinablot ni Selena ang mga phones namin. "Ang alam ko, kaya kayo nanditong dalawa at binabantayan ko dahil kailangan niyo mag pahinga at mag pagaling. Pero the fvck? Bukod sa puro laro inaatupag niyo, mukhang kinalimutan niyong may iba kayong kasama," madiin na sita niya. Napaingos naman ako rito tapos nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko si Green na napakamot lang sa batok.

Bumuntong hininga ako bago inagaw ulit ang phone namin ni Berde rito sa babaeng laging highblood. "Maglagay ka nalang din sa phone mo tapos maglaro ka. Spare us. Alam mong hindi namin kailangan mag-stay rito pero mapilit lang ang mga 'yon." Mahinang sabi ko rito at naglaro na ulit.

Hindi ko alam kung ginawa niya rin 'yung sinabi ko o ano dahil nanahimik nalang siya hanggang sa pare-pareho kaming nakatulog habang in-game dahil alas onse na rin pala nang gabi.

Lintek, 'di man lang ako dinalaw ng mga pinsan ko?

..

  
Kinabukasan...

Nag-aayos na 'ko ng gamit kasama si Selena habang nasa banyo si Green at naliligo. Ala-singko palang pero susunduin kami nung mga baliw at sabay-sabay na papasok sa school.

Nagpadala ng damit 'yung tauhan ni Shin para samin kaya hindi na kami nagkaproblema. Ilang sandali lang, lumabas na si Green sa banyo na nakatapis lang ng t'walya sa bewang niya. Nabato tuloy siya ng unan ni Selena pero wala lang sakin. Lagi naman kasing ganyan sina Uno at Dos sa bahay kaya parang wala na sakin ang gano'ng ekseba. Lalo na at mas patpatin pa katawan nito kaysa do'n sa mga pinsan ko.

Speaking of Uno at Dos, nung dumating ang mga sundo naming sina Jonathan Israel at Jefferson Bacasno, wala ang dalawa. Anong nangyari sa mga 'yon? As far as I can remember, clingy masyado si Dos at Uno sakin lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

"Si Dos?" 'di ko napigilang itanong kina Jeff habang nasa sasakyan kami. First yata nila 'to kasi alam ko, lahat sa section namin, motor ang gamit maliban samin ni Dos na sampid sa sasakyan ni Uno at sina Georgia at Selena. Kaya nga nung hinamon ako ni Uno sa mobile legends, pumayag ako sa challenge niya para hindi na 'ko makikisabay sakanya.

Nakita ko sa salamin ang pagkabalisa nung dalawa kaya napataas ang kilay ko. "A..Ah, busy lang. May inutos si Emp e," sagot nang nagmamanehong si Athan.

Parang tangang sinang ayunan naman siya ni Jeff na nakaupo sa passenger seat. Okay, hindi naman sila halatang may tinatago sakin. Sige lang, malalaman ko rin 'yan maya maya lang.

Nagkibit balikat na lang ako at inantay na makarating sa school. Doon, paglabas palang namin sa kotse, agad na nagtakbuhan ang mga maiingay na schoolmates namin sa kung saan at biglang naglaho sa paningin ko.

"Alam kong weirdo mga estudyante rito pero seriously? Mukha ba kayong may mga nakakahawang sakit?" kunot noong tanong ko sa mga kasama.

Masama naman akong tinignan ni Selena. "FYI, Miss trouble magnet, ikaw ang mas may mukhang nakakahawang sakit satin. Tignan mo nga yang mukha mong kulay ube. Para kang pinutakte." Napasimangot naman ako sa sinabi nito. Nagkapasa kasi  ang pagkakatama nung bola sa mukha ko kahapon e. Gagamitan ko sana ng concealer kaso tinamad ako.

"O, tama na yan, girls. Baka naman magsabunutan pa kayo rito sa campus. Wala pa tayo sa building natin, kalma lang." Green Yamzon smirked at us. Isa rin namang batik batik pa.

Tumigil nalang kami ni Selena pero masama parin ang tingin niya sakin. Tinaas ko lang 'yung isang sulok ng labi ko kaya mas lalo itong nainis at nagmartsa na para maunang makarating sa room.

Nakarating din naman kami agad sa building namin at pumasok na sila sa room. Medyo nahuli lang ako sakanila dahil bahagyang nananakit ang kamay ko. Nang ako na ang papasok sa room, may malakas na puwersa ang humila sa palapulsuhan ng kamay kong hindi naman namamaga. Malakas ang napasinghad nang halos kaladkarin ako nito paakyat sa third floor. Agad na nag-adjust ang paningin ko sa lalaking humahatak sa akin.

Mabilis niyang pinindot ang password para sa theater room at agad itong nagbukas. Nang makapasok kami at agad niyang naisara muli ang pinto, may kung ano pa siyang pinindot sa gilid na nagkaroon ng sign na 'DO NOT DISTURB' yung buong silid. Green light ito na nakapaskil sa bawat sulok nang malaking room.

Magsasalita na sana ko nang mabilis ako nitong sinandal sa pader at niyakap. "Princess..." he sounded hurt. Napatigil ako dahil do'n. Pinag alala ko nanaman ba siya?

I patted his back and hugged him back. "Sorry, Ouji," mahinang sabi ko sakanya. Hindi naman siya sumagot at hinigpitan lang ang yakap sakin. Nakabaon pa 'yung mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

"Sorry," sabi ko ulit sakanya matapos ang ilang segundong pananahimik niya. Kumalas siya saglit ng yakap at pinakatitigan ang mukha ko. Umangat ang kanang braso niya para haplusin ang aking mukha. Pinapasadahan ng kanyang mga daliri ang mga pasa na natamo ko dahil sa nangyari kahapon. He also reached for my hand na nakabenda.

"Princess.. hindi ko na kaya," nanghihinang sabi niya at dahan dahang napaluhod habang hawak ang dalawa kong kamay. Inilapit niya ang mga kamay ko sa mukha niya at sumubsob don. "Hindi ko na kayang kada malilingat ako, may kung anong nangyayari sa'yo. Please Princess, let me protect you. Wala na kong pakialam kung malaman nila ang tungkol satin. Gusto kong nasa tabi mo 'ko palagi para walang kahit na anong bagay o kung sinong mananakit ang makakalapit sayo," seryoso pero may desperasyong sabi niya sa ganoong pwesto.

Napatitig naman ako sa ulo niya. "Huwag muna ngayon, Ouji. Please," mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko bago dahan-dahan akong tiningala. Kung may maaatrasan lang ako, napaatras pa nga siguro ulit ako sa nakikita ko sa mga mata niya.

"You still love him, don't you?" mapait na tanong niya.

"No!" agad na kontra ko naman.

Naiiling lang siya at napasinghap. "Princess, sakin ka pa ba magsisinungaling? Kilalang kilala na kita e. Simula pagkabata, magkasama na tayo."

Humugot ako nang malalim na hininga at pilit na pinapatayo siya. "Ouji, please," pagmamakaawa ko sakanya.

Matagal niya kong pinakatitigan sa mukha bagong naiiling na napapangiti bago bumuntong hininga. "Alright. Bibigyan pa kita ng oras para mahanda mo sarili mo, Princess. Pero sooner, kailangan mo ring harapin 'to. Tandaan mo, ikaw mismo ang pumili sakin. Huwag mo namang iparamdam na parang inagaw lang kita sakanya." 

Nanginginig na ang buo kong katawan. Ang aga pa. Masyado pang maaga para sa mga ganitong bagay. Ilang linggo palang akong nagpunta rito galing Isabela. Ilang buwan palang ang nakakalipas no'ng nangyari ang insidenteng iyon. 

Wala akong nagawa kundi tumango tango nalang sakanya. Ayoko nang ganito. Ang bilis ng mga pangyayari.

"Ang daya lang. Ako at Ikaw naman talaga ang nauna e. Si Prince at Princess lang naman talaga simula palang. Ewan ko bakit biglang may napasaling iba," napatawa pa ito nang pagak bago dahan=dahang bumalik sa normal na postura. Nawalan ng emosyon ang mukha nito. Malalim ang kaniyang pagbuntong hininga.

Tumayo siya at lumapit sa pinto saka may pinindot at muling bumukas ang pinto ng theater room. "Mauna ka na sa room para hindi nila mahalatang magkasama tayo rito," mahinang sabi niya at iginiya ako palabas. Natulos lang ako sa pwesto ko bago siya dahan dahang nilingon. He was just looking at me blankly. Parang tulad ng mga nagdaang araw. Yung tingin niya sakin ay tulad ng tingin niya para sa lahat ng mga kaklase niya.

"Mauna na 'ko?" alanganing paalam ko. Ngumiti lang siya ng tipid at tumango. Kaya naman nagsimula na 'kong maglakad pababa para makapasok na sa room.

Habang pababa ng hagdan, nilabas ko ang phone ko at nag text sakanya.

To:Him

Sorry ulit, Prince. Give me more time. I promise, ako mismo magsasabi sakanila ng totoo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status