[Charl's PoV]
Lunch break na nang matapos sila sa paglilinis ng room. Nailigpit na rin nila 'yung teacher na sana ay magiging bagong adviser namin kapalit daw nung naka-comatose na teacher.
Hindi ko alam kung saan nila dinala, basta ang alam ko, kasama sa classroom rules and regulations na kung sino ang mga magpa-participate sa gulo, sila sila ang maglilinis sa magiging kalat at dumi sa room.
Mukha namang wala lang sa mga lalaking ito na nag m-mop. Parang sanay na sanay pa sila sa gawaing ganito.
Nang maayos na ang lahat, kahit magulo pa rin ang ayos ng mga upuan, tumayo sa gitna ang President at Emperor na sina Shinichi at Grayson.
"Ngayon lang namin napansin na paubos na ang laman ng ref natin. Wala na ring stocks sa pantry. Kaya naman hahatiin ulit namin ni Shin kung sinu-sino ang magkakasama para sa pamimili ng mga kakailanganin," panimula ng presidenteng si Grayson. Tahimik naman ang lahat at nakikinig. "Para sa araw na ito, sa cafeteria muna tayo kakain. Pero dahil may mga hindi ganoon ka-sanay sa mga pagkain sa caf tulad nina Selena at Georgia, kayo nalang muna ang gumamit sa mga natitirang ingredients sa ref."
Kahapon ko lang nalaman na sabay-sabay kumakain ang 3-A. May taga-luto na sakanila, taga ligpit ng mga pinagkainan at siyempre, taga pamili. Ang alam ko rin, paiba iba ang role ng bawat isa kada buwan para maging patas. Twice a month lang din kung mag grocery. 'Yung funds na ginagamit ay galing sa sinisingil araw-araw na sik'wenta bawat isa sa'min.
Ang treasurer na humahawak ng pera ay si Jonathan Israel, aka Athan. Katulong niya sa paghahawak ng pera 'yung Green Yamzon, isa rin naming kaklase, kung hindi ako nagkakamali.
"We have here the paper. Sinigurado kong walang mauulit na role ang kahit na isa sainyo," Shinichi.
Kakapasok lang kasi ng buwan ng Setyembre kaya palitan na raw ng duties. Kumuha saglit ng marker si Shin o Emp at nagsulat sa white board.
Dishwasher
Dan
River
Dos
Athan
Shinich
Errand Boys
Kleoff
Ray
Grayson
Jeff
Green
Cook
Prince
Georgia
Selena
Mike
Charl--
Charl?! Halos manlaki ang mga mata ko nang makita kung saan nakalista ang pangalan ko.
Tangina.
Cook! Ako, cook? Malakas na napahagalpak ng tawa si Dos nang matapos isulat ni Emp ang gagawin namin sa buong buwan.
"May nakakatawa ba, Villanueva?" kunot noong tanong ni Emp sa pinsan kong nasiraan nang bait.
Mas lumakas ang tawa ni Dos na sinabayan ni Dan kahit sa palagay ko ay hindi naman niya alam ang dahilan. Nang humupa ang tawa niya, sumagot siya. "M-meron... hahaha! Nga-ngayon ko lang kasi napansin hahaha! Nagsama-sama 'yung tatlong babae natin sa pagiging cook, e wala naman ni-isa sa mga 'yan ang marunong mag luto hahahah!" at tumawa nanaman ang gago.
Sige lang, push mo 'yan. Lalasunin kitang hayup ka. I mentally rolled my eyes.
Napangiwi tuloy yung iba. "Emp, baka hindi tayo umabot next month ah!" hinaing nung Jeff na tinuro ni Kleoff.
Tinapunan ko ito ng masamang tingin pero bago pa siya maka-react sa paraan ng pagtingin ko, napangiwi siya nang tumama sa mukha niya ang isang notebook.
"Shut up, Monkey! Ipagdasal mo na hindi ko hahaluan ng kung ano ang pagkain mo!" banta ni Selena rito na tinawanan lang ng iba.
Pati si Kleoff ay pakiramdoam ko ay kakabagin sa katatawa. "Buti nalang kasama niyo si Prince. Kahit maging taga abot ka nalang ng sibuyas kay Prince, Charl. Siya na ang bahala."
"Hoy! Bakit si Prince lang sinabi mo! Ano ako, display?!"
"Shut up, Mike! Alam kong hanggang paglalaga ka lang ng baboy! Takot na takot ka nga pag nag p-prito ng hotdog e!"
At nagpatuloy na nga sila sa pagbabangayan na kung hindi pa sinaway ni Grayson ay mga walang balak magsitahimik at magsitigil.
Nagtaas ng kamay si Prince para maagaw ang atensinyon ng dalawa. Napataas ang kilay ko dahil do'n. Bago 'to ah. Simula kahapon, hindi pa siya nagsasalita. 'O hindi ko lang nakita? Palagi kasing nakahawak sa phone niya.
"How about the twins? Bakit wala sila riyan? Hindi na ba sila babalik?" Napa -ohh ako sa lamig ng boses niya. Hindi yung lamig na parang walang emosyon. Basta suave kasi ang dating.
Natahimik naman ang buong klase. Mukhang inaantay rin ang sagot ng dalawa. Doon ko lang din napansin na parang bumigat ang tensiyon sa loob ng klasrum.
Tumikhim saglit si Grayson. "We're still trying to negotiate with the heads. Malaking offense ang ginawa ng dalawa. Nahihirapan kami pakiusapan ang mga boards. As of now, hindi muna natin sila isasama sa kahit na anong maaaring makasira sa schedule natin."
Tumango naman si Prince at bumalik sa pagtingin sa Phone. Tahimik parin ang lahat dahil sa nangyari.
"Adjourned."
Nagpulasan ang lahat. Bumaling muna sakin si Dos habang may inaayos sa bag niya. "Cafeteria? O dalhan nalang kita rito?"
Napatingin ako sa cellphone ko bago siya sinagot. "May dala akong Peppero, Dos. Yun nalang muna kakainin ko," sagot ko.
Agad naman itong umangal pero wala ring nagawa. "Pagdadala nalang kita ng cake mamaya. Mauna na ko," Tumango nalang ako dito para umalis na siya.
Nang ilibot ko ang mga mata ko, apat nalang kaming naiwan. Ako, sina Georgia at Selena na naghahanap ng maluluto sa ref at si Prince na busy sa cellphone.
Nilabas ko sa bag 'yung peppero ko at nagsimulang kumain. Hawak ko rin yung phone ko habang nagre-reply sa mga messages.
Tili nina Georgia at Selena ang pumukaw sa atensiyon ko makalipas ang ilang sandali. Nagkukumahog na lumayo sila sa kawali. Nakataas ang kilay kong tinignan sila habang may subo pang Peppero.
"Shit! Prince! Help us! Mamaya ka na mag text! Pare-pareho naman tayong cook ngayon, 'di ba?" ani Georgia.
"Where the hell is that Mike?! Ang yabang pang makipagtalo kanina pero mag c-cafeteria naman pala!"
Gustohin ko man makatulong since dito ako in-assign, pare-pareho lang kaming magtatago sa kung saan kapag lumapit ako ro'n at nagpakabida.
"Hey, newbie! Help us here!" Napabuga nalang ako ng hininga habang hawak ang Peppero ko at lumapit. Sila ang tumawag e. Pero hindi ako pumunta sakanila para tumulong. Gaya nang sinabi ko, wala akong alam sa pagluluto kaya hindi ko sila matutulungan do'n.
Kahit medyo malayo pa ko sa kalan, pinatay ko yung apoy tapos hinarap sila.
Inabot ko yung isang box ng peppero ko. "Hindi ako marunong magluto. Nangangamoy sunog na rito. Ayan, mag peppero nalang kayo," sabay hawak ko sa kamay ni Selena at nilagay don yung pagkain ko bago bumalik sa pwesto.
Nakapangalumbaba ako habang inuubos yung sariling Peppero. Mukha namang pinagtiyagaan nalang nila yung binigay ko kasi tumigil nalang din sila sa pag iingay.
Habang nakapangalumbaba, hindi ko maiwang mapaisip sa mga bagay bagay sa loob ng klasrum ng 3-A. Iniisip ko lang naman kasi kung bakit dito sa room 'yung lutuan. Since naka aircon kami, nangangamoy yung mga niluluto sa loob at dumidikit sa damit namin. Maiintindihan ko kung bakit 'yung ref ay nandito pero bakit dito kami magluluto?
Bukod sa theater room ang isa sa mga room sa third floor, hindi ko alam kung para saan ang isa pang room. Apat na rooms kasi meron sa building namin. Yung isang room na katabi ng classroom namin na ito, ay ang pantry.
Pwede kaya akong mag suggest na gawin nalang na cooking /kitchen room 'yung isang room sa third floor? Pfft, bago lang ako rito. Maybe, sa mga susunod na buwan nalang. Like, Next month?
Napaatras ako saglit nang may mainit na bagay ang dumikit sa mukha ko. Napatingin ako at nakita ang isang mangkok. Pagtaas ko ng tingin, nagulat pa ko nang makita si Prince.
"Eat. Hindi ka mabubusog sa Peppero mo," sabay lapag niya nung mangkok sa mesa ko.
Napalingon pa ako kina Selena at Georgia na may kinakain na rin. Napaharap ulit ako kay Prince.
"Uh, thanks? How about you?" Hindi ko naman kasi napansing kumain na siya. Sabagay, baka 'di ko lang talaga napansin tulad nang nakapag luto na pala siya at mukhang isinalba lang niya yung masusunog na dapat na luto nina Georgia.
Nag kibit balikat lang ito at kinuha yung Peppero kong may dalawang stick nalang ata. "Mine."
Hinayaan ko nalang siya. Kung magdadala nga ng pagkain si Dos, bibigay ko nalang dito. Kaya naman napandesisyunan kong maengganyong kainin nalang yung luto niya. Masarap din kasing magluto e.
[Charl's PoV]Natapos ang lunch break namin at tulad nang sinabi ni Dos, pinagdala nga niya ko ng cake. Isang slice ng strawberry shortcake, my favorite. Dahil wala namang nagbalak na pumasok na teacher ngayon sa klase namin matapos ang ginawa
[Charl's PoV] Napatunganga nalang ang apat na batang kasama ko matapos kong ubusin ang laman ng pitsel ng beer. Hindi makapaniwala ang mga mata nila habang palipat lipat sa mukha ko at sa pitsel na nasa lamesa ang tingin nila.
[Charl's PoV] Alam kong pumayag akong maging nanay-nanayan ng mga pugo. Hindi dahil sa gusto ko nang magka-anak, kundi dahil alam ko ang pakiramdam na may gustong matawag na 'mama'. Walang namilit sa akin, kusa akong pumayag sa kapritsuhan nila.
[Charl's PoV] Mr. and Ms. Intramurals Representatives:
[Charl's PoV]Matapos ang buong araw na klase, nauna nang umuwi sina Uno at Dos dahil na rin sa kagustuhan kong makapagpaliwanag kay Alistair.
[Charl's PoV]Nag-iinat ako ng mga brasong lumalakad pauwi sa bahay matapos kong manggaling sa bahayniya.Gustohin man niyang ihatid ako pauwi, hindi ako pumayag dahil trip ko ang maglakad-lakad.
[Charl's PoV]Nang makarating sa bahay , mabilis na umibis ng sasakyan si Dos. Malakas na napabuntong hininga nalang ako dahil tinopak nanaman ang isang 'yon. Nagkatingin kami ni Uno at sabay na napailing.
[Charl's PoV]From: HimYou didn't tell me about your hand.Napakagat ako sa ibabang labi.
[Prince's PoV]"ARE YOU SURE you don't want me to drive you to Isabela?"I asked Princess for the nth time already and I swear, she's gonna punch any time soon now.
[Charl's PoV]*Seven years later*
[Charl's PoV]Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko sa kabila nang pamimigat ng mga ito.Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mukha ko kaya balak ko sanang takpan ito ng braso ngunit hindi ko maigalaw ang kamay ko.
[Charl's PoV]Jacquelyn Burgos, that was the name of my mother's friend. I remember her because lolo Bry told me that she was the one who brought me to my grandparents.
[Elli's PoV]For the nth time, she saved us.
[Prince's PoV]Sa labing walong taon kong pamumuhay, mulat ako sa klase ng pamilya na mayroon ako. Ang ama kong parang naglalaro lang ng buhay ng iba habang ang ina ko na sinusuka ang sariling buhay na pinagkakait ng nauna sa marami.
[Caryl's PoV]"They are gone."nawala ang mga ngiti sa labi namin nang makaalis ang 3-A dala sina ma'am Angielyn at ma'am Aubrey.
[Green's PoV]Aburidong pinipindot ni Kerr ang up button sa loob ng elevator. Dalawa lang naman ang palapag kaya hindi naman namin kinailangan maghintay ng ilang minuto.
[Uno's PoV]Tatlong araw matapos namin magsimulang magplano, something happened.