Share

Chapter 5

Author: ZealousEina
last update Last Updated: 2020-08-07 09:24:48

[Charl's PoV]

Maaga akong nagising kinabukasan. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para matignan ang oras.

It's 4:48 AM.

Masyadong maaga. Alas otso pa ang klase namin. Panigurasong tulog pa sina Uno at Dos. Kinukusot ko pa ang mata ko habang nagtitipa ng reply sa mga messages na nakaligtaan kong sagutin dahil sa nakatulugan ko.

Tumayo na rin ako at lumabas ng kwarto para gumawa ng breakfast. Hindi naman ako marunong magluto kaya cereals lang na galing sa pinamili namin ang ginawa ko.

Oo, hindi ako marunong magluto. Bakit ba? Ayaw kasi akong paglutuin ng mga tao sa bahay namin dahil may mga katulong naman daw at baka mapano pa ko. Baka raw mapaso, matalsikan ng mantika sa mata o ano pa. Napakibit balikat nalang ako.

Naiintindihan ko naman kung bakit sobrang protective nila sa'kin. 

Umilaw ang phone ko habang kumakain ako. Agad ko namang binuksan nang makita kung kanino galing ang mensahe.

Naiiling na nagreply nalang ako ng 'okay'. Ngayon na nga pala ay kailangang naka school uniform na ko dahil sa kumpleto naman na ang mga gamit ko.

Nang maubos ang cereals, binabaran ko nalang ng tubig yung pinagkainan ko. Si Dos naman ang naka toka ngayong araw sa paghuhugas e. Hindi ako marunong magluto pero tinuruan ako ng isang tita ko kung paano maghugas ng plato para naman daw may alam ako kahit papaano. Pero dahil si Dos naman ang naka assign, 'di ko na hinugasan pinagkainan ko.

Naghintay lang ako sa kwarto ng ilang minuto bago naligo. Isang oras din ang tinagal ko sa banyo bago lumabas at nag ayos. Sinuot ko na rin 'yung uniform namin. Since malamig sa room, pinatungan ko na rin ng blazer ang uniform ko na bumagay sakin. Tinali ko na rin ng pa-bun ang buhok ko.

Pinakatitigan ko ang sarili sa salamin. Sinubukan ko pang ngumiti.

'Your smile is the most beautiful smile I've ever seen.'

Mas lalo akong napangiti ng malapad nang umalingangaw sa kaisipan ang boses niya. 

Isang katok sa aking pinto ang pumukaw sa atensiyon ko.

"Charl, tapos ka na ba? Kakain na." It's Uno.

Hindi ko pala nasabing nakakain na ko. Pero dahil cereals lang naman ang kinain ko at kanina pang alas kwatro 'yon, napag desisyunan kong kumain nalang ulit.

Pag bukas ko ng pinto, napatigil pa si Uno nang makita ako. Nakataas ang isang kilay na sinipat ang itsura ko. Nakangising pumaywang ako sakanya.

"What do you think, Uno? Ang ganda ko ba?" ngisi ko.

Inirapan lang ako nito pero halata ko ang pinipigilang pag supil ng ngiti niya. "Whatever cous. Malamang, kanino ka ba magmamana? Edi sakin." Napasimangot ako. "Tara na sa baba. Baka mahuli pa tayo sa klase, maririndi lang tayo sa boses ni Dos," sabi nito at inakay ako pababa.

Pagdating sa dining room, nandon na si Dos na abala sa cellphone niya. Nakahain na rin ang mga pagkain. French toast, bacon, eggs at may isang bottle of Milk na palagay ko ay akin.

"Dos, mamaya na 'yan. Kumain muna," ani Uno. Sumunod naman si Dos at nag angat ng tingin sa'min. Nakita kong paano ito natigilan nang makita ang ayos ko at sinipat ako mula ulo hanggang paa at pabalik. Tumaas ang kilay ko nang tumikhim ito at nag iwas ng tingin.

"Nakasuot ka ba ng cycling shorts?" tanong ni Dos. 

Um-oo ako bago umupo sa katapat nitong upuan. Umupo na rin si Uno at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos mag almusal, sumakay na kami sa sasakyan at pumunta sa school.

Pagkating, tulad kahapon, nasa amin ang atensiyon ng mga estudyante. Kunot na kunot 'yung noo ng magkapatid na kasama ko dahil sa mga sipol ng mga lalaki sa paligid.

"Shit pre, ang kinis. Konti nalang, kasing puti na niya 'yung uniform."

"Gago, isara mo bibig mo. Tumutulo na laway mo. Kadiri ka!"

Muntik pa nga sugurin ni Dos 'yung mga lalaki kung hindi lang napigilan ni Uno. Napapailing nalang ako habang naglalakad kami papuntang building namin. Hindi naman sa pagmamayabang, sanay na rin kasi ako sa mga ganitong tinginan. Isa sa mga dahilan kung bakit sobrang protective ng pamilya namin sa'kin.

Pagdating namin sa tapat ng room, umalis na si Uno at lukot na lukot na ang mukha ni Dos. "Ngayon lang ako na bwisit sa uniform na'yan. Mag-suggest kaya ako kay Emp na ibahin ang uniform niyo?" himutok niya kaya naman binatukan ko nalang.

"Magtigil ka nga, Dos. Huwag mong gawing big deal. Hindi naman ako nakabukaka kapag umuupo. Naka cycling shorts din ako," bagot na sagot ko at ako na ang nagbukas ng sliding door ng room.

Gaya nang sinabi ni Dos, mukhang for formality nga lang ang nangyari kahapon. Magulo na ang ayos ng mga upuan. May mga nakatumba, nagkapatong patong sa isang sulok, may mga nakakumpol at mayroong nasa mismong harap ng classroom. Hindi ko tuloy alam kung nasaan ang p'westo ko.

Napabuntong hininga nalang ako nang matigil sila sa mga ginagawa. Lahat nakatingin sa'kin at napapasipol. Kung hindi pa pinagbantaan ni Dos na dudukutin mga mata ng mga ayaw umiwas ng tingin, baka hindi pa sila natigil.

Hindi naman nagpatinag ang iba rito at nagsikuha pa ng camera.

"Babasagin ko talaga sa mukha niyo at 'yang mga hawak niyo kapag hindi kayo tumigil."

Mabilis na hinatak ako ni Dos sa isang tabi at ipinagtayo ng upuan at pinaupo ron.

"Emp!" bati niya sa Emperor na malapit pala sa pwesto namin at tahimik lang na nagbabasa ng libro. Binaba nito ang librong hawak at nakataas ang kilay na nilingon si Dos. Nasa harap lang kasi namin siya ni Dos kaya nakikita ko.

"Gusto ko sanang magpasa ng suggestion na magpapalit ng uniform ang mga babae. Kung hindi pants, baka pwedeng civilian nalang."

Tangina! Kasasabi lang na 'wag gawing big deal e. Bumaling ng kaunti ang tingin nito sa'kin bago napaayos ng upo. Ilang segundo pa ang tinagal nung tingin ni Emp bago binalingan ulit ng tingin si Dos.

"Minimum of three people, Dos. Three people. Kailangan nang at least tatlong taong kapareho mo ng kagustuhan bago ko ma-consider ang suggestion mo." sagot nito bago muling bumalik sa pagbabasa. 

Malakas na napapalatak nalang si Dos at padabog na naupo sa upuan niya.

Nahagip ng mga mata ko si Pres sa harap na nakatingin sa'kin. Siya yung nakaupo sa upuang nasa harap ng classroom. Nakasandal 'yung likod ng upuan sa white board.

"Charl! Good Morning!" bati nina Dan at Kleoff na malaki ang ngiti habang papalapit sakin.

Binati ko rin sila pabalik pero napako ang tingin ko sa dalawang taong kasunod nila at malawak din ang mga ngiti.

"Charl, eto pa pala mga ka-tropa namin ni Dan. Hindi sila agad lumapit kahapon kasi nahihiya raw. Pwe! Kala mo totoo. Mga mapag panggap!" binatukan lang siya nung lalaki blonde ang buhok.

"Charl, right? I'm Ray Lancaster. " nakangising pakilala niya at inilahad ang kamay niya. Inabot ko naman iyon at nginitian siya. Saglit itong natigilan bago lalong lumapad ang ngisi.

Nabaling ang tingin ko sa katabi niyang may hikaw sa kaliwang tenga. "River Lopez. Nice to meet you," ngumiti ito na nakapag pataas ng kilay ko. Nawalan siya ng mga mata e. I mean, singkit kasi.

"Charl. Nice to meet you too," tinanggap ko rin 'yung kamay niya. Kumuha silang apat ng upuan at ngayon ay nakapabilog kaming lima. 

Para nga lang tanga 'tong si Dos dahil pilit na inaalis ako sa bilog na nabuo at pilit na hinaharap sa upuan niya.

"Charl! Dito ka sabi!" sabay ikot nanaman sa upuan ko.

Sa inis ko, napatayo nalang ako, "Putangina naman, Dos! Baka kasi nakakahilo na ginagawa mo, 'di ba? Kita mong may kinakausap ako!" may kalakasang singhal ko rito.

Kunot na kunot na ang noo ko sa ginagawa niya. Hindi na kasi nakakatuwa. Nag uusap kami dito nina Dan tapos singit nang singit. Inaaya naman kasi kung gusto ba niyang sumali nalang sa bilog kung kulang sa pansin, umaayaw naman.

Natahimik naman 'yung mga malalapit samin. Nakita ko pa kung paano mapatigagal sakin lahat. Pati sina Dan na kanina alam kong malapit na ring mainis, napatulala. Kita ko rin 'yung pagtaas ng sulok ng labi ni Emp.

"S-sorry..." mahinang hinging paumanhin ni Dos. Alam kong napahiya siya sa ginawa ko kaya napabuga ako ng hangin. This guy, really...

"Sorry rin. Ang gulo mo kasi e. Sumali ka nalang kasi sa usapan namin. Tumayo ka diyan bilis," utos ko at pinwesto 'yung upuan niya para makasali sa bilog. Nag adjust naman 'yung apat kaya di na 'ko mahirapan. Mabuti nalang at sumunod na siya.

Nang maayos na, nagtawanan pa 'yung mga kaklase namin sa pangunguna nitong apat. "Hahaha! Tangina Dos, para kang batang pinagalitan ng ate mo nung nag-sorry ka," naiiyak pa sa katatawa si Ray.

Nakabusangot naman si Dos at pinilipit sa leeg nito dahil magkatabi lang naman sila.

Ganito lang naman kasi 'yung pagkakasunod. Ako, si Dos, si Ray, si River, si Dan at si Kleoff. So bali, sa kaliwa, katabi ko si Kleoff tapos sa kanan si Dos.

Nag asaran pa sila nang may pumasok sa room. Must be our teacher. Lalaki na halatang may edad na at nakasalamin pa. Mukha pa namang terror. 'Yun nga lang, wala ni-isang nagpatinag sa mga kasamahan ko. Walang tumahimik. Walang umalis sa p'westo.

"Class, settle down!" malakas na sabi nito at hinampas pa ng kamay yung teacher's table pero walang nakinig.

Tumawa pa nga ng malakas si Mike sa isang tabi habang tumatalsik 'yung laway na nakikipag kwentuhan sa iba naming kaklase.

"Tapos kahapon, nakita namin nung uwian 'yung nagtapon ng ice cream sa bag ni Dan kaya ayun, pinauwi namin sa kanila na hindi na makilala," maangas na kwento ni Kleoff.

Iyon ata 'yung nakita ko kahapon nung pauwi kami. 'Yung may pinagtutulungan silang estudyante.  Malakas na nagtatambol si River sa desk. "Sayang, may hinataw pa kasi ako ng tubo nung nagtangkang humawak sa motor ko kahapon kaya 'di agad kami sumunod ni Ray."

Kinuk'wento lang naman nila 'yung mga binugbog nila kahapon at pinagtatawanan. Etong si Dos nakikitawa lang kahit paminsan minsan, sinasakal si Ray dahil sa mga simpleng hirit at pangb-brusko sakaniya.

Wala naman kasing makuk'wento si Dos sakanila dahil kami ang kasama niya kahapon.

"CLASS! SILENCE!" sigaw muli nung matanda sa harap. Sinamaan lang ito ng tingin ng iba at muling bumalik sa mga sariling ginagawa.

Mabuti nalang din na walang mga nambabato ng itlog, papel o kung anu-ano tulad sa mga napapanood kong mga movies. Mukha namang maiingay lang tala--

Nabitin sa ere ang nasa isip ko ng makita ang pagbulusok ng isang sapatos sa kinatatayuan ng guro namin. Tumama sa mukha nito 'yung itim na sapatos.

"Strike one! Nice one Athan!" hiyaw ni River na tumayo pa sa upuan. Nagtawanan naman 'yung iba.

"Bullshit! Sino ang bumato nito?! Walang respeto!" nagagalit na sabi ng nasa harap.

Lalo lang nagtawanan yung iba nang makitang namumula ang mukha at may dugo pang umagos sa ilong. Pati si Dos ay nanunuyang tumatawa sa nangyayari. Mukhang orihinal ang black shoes na iyon dahil mukhang mabigat ang isang 'yon base na rin sa naging damage nito sa matanda sa harapan.

Maya maya pa, may lumilipad nanamang gamit patungo sa p'westo nito. This time, isang wedge naman na sumakto sa noo nito.

"Strike two! Nice throw, Selena!" Si Mike naman ang sumigaw.

Napatingin ako sa dalawang babae na nakaupo sa dulo. Hinawi lang ni Selena 'yung maikling buhok niya at umupo sa kandungan ni Georgia.

"Mga walang galang! Ganyan ba kayo pinapalaki ng mga magulang niyo?! Ang pagkakaalam ko mga third year na kayo!" this time, tumahimik ang lahat. Walang tumawa. Hanggang sa nakita kong tumayo si Pres at lumapit sa teacher namin. Since mas matangkad si Pres, madali niyang nasinop ang nagsisimula ng mamuting buhok ng guro sa harap at malakas na hinampas ng mukha nito sa teacher's table nang paulit ulit.

Naghiyawan ang lahat sa napapanood.

"Pres, kami rin! Gusto rin naming subukan! Masyadong maingay yang matanda na yan e!" nakangising sigaw ni Dos na kinagulat ko pa.

Napatingin pa ko rito pero hindi siya lumingon sa'kin. Nasa harap lang ang tingin niya.

"Okay, pila pila ha. Walang sisingit. Lahat makakapag-try," malapad ang ngisi ng Presidente ng room bago inangat ang dumudugo ng mukha ng guro. Nagsipila naman na parang bata ang mga kaklase ko. Kahit sina Dan at Ray ay nakisali.

Nag away pa nga sila kung paanong gagawin sa pila kaya nagdesisyon si Pres na by height ang gagawin. Para tuloy silang nagsisipila para sa flag ceremony.

Ang naiwan lang yatang hindi nakipila ay ako, si Emp, si Prince na nakatitig pala sakin mula sa katabi ng bintana, sina Georgia at Selena na nagtutukaan habang nanunuod sa nangyayari sa harap pati si Mike na nagvi-video ng nangyayari, Gusto rin sana makipila nina River at Kleoff pero next time nalang daw.

"Kaya walang pumuntang adviser kahapon dito dahil 'yung adviser natin, comatose pa since last month," paliwanag ni River nang tanungin ko siya kung eto ba ang dahilan kung bakit walang nagpakitang adviser namin kahapon.

Nabalaan na rin nga pala ako ni Uno na huwag makikialam sa kung anong mangyayari ngayong araw. Dahil kung ano ang makikita ko sa mga ito, ito talaga sila. At wala akong karapatang pigilan kung ano ang pagkataong mayroon ang mga taga class 3-A.

As if naman na may plano akong makipigil. Kung tutuusin, wala pa 'yan sa kaya kong gawin.

"T-Tama... naa.." nagmamakaawang sabi ng guro.

Natahimik naman lahat. "Hala, bakit gising ka pa? Ang tibay mo, sir!" sabay tawa ng isa naming kaklae at malakas na sinikmuraan ito. If I am not mistaken, he is Jefferson Bacasnon ayon na rin sa pagpapakilala ni Kleof sakin dito.

"Sa susunod kasi, makuntento ka nalang na maingay kami. Mas gugustuhin mong walang nakikinig sayo kaysa nasa'yo buong atensiyon namin," si Emp iyon na nakalapit na pala sa kanila at inangat ang ulo ng duguang mukha ng guro.

"Iyon ay kung may susunod ka pang tapak sa room na'to." Pabalya nitong binitawan ang mukha ng guro. "Ligpitin niyo na. Masyado nang nadudumihan ng dugo niya ang sahig natin."

Related chapters

  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 6

    [Charl's PoV]Lunch break na nang matapos sila sa paglilinis ng room.Nailigpitna rin nila 'yung teacher na sana ay magiging bagong adviser namin kapalit daw nung naka-comatose na teacher.

    Last Updated : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 7

    [Charl's PoV]Natapos ang lunch break namin at tulad nang sinabi ni Dos, pinagdala nga niya ko ng cake. Isang slice ng strawberry shortcake, my favorite. Dahil wala namang nagbalak na pumasok na teacher ngayon sa klase namin matapos ang ginawa

    Last Updated : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 8

    [Charl's PoV] Napatunganga nalang ang apat na batang kasama ko matapos kong ubusin ang laman ng pitsel ng beer. Hindi makapaniwala ang mga mata nila habang palipat lipat sa mukha ko at sa pitsel na nasa lamesa ang tingin nila.

    Last Updated : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 9

    [Charl's PoV] Alam kong pumayag akong maging nanay-nanayan ng mga pugo. Hindi dahil sa gusto ko nang magka-anak, kundi dahil alam ko ang pakiramdam na may gustong matawag na 'mama'. Walang namilit sa akin, kusa akong pumayag sa kapritsuhan nila.

    Last Updated : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 10

    [Charl's PoV] Mr. and Ms. Intramurals Representatives:

    Last Updated : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 11

    [Charl's PoV]Matapos ang buong araw na klase, nauna nang umuwi sina Uno at Dos dahil na rin sa kagustuhan kong makapagpaliwanag kay Alistair.

    Last Updated : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 12

    [Charl's PoV]Nag-iinat ako ng mga brasong lumalakad pauwi sa bahay matapos kong manggaling sa bahayniya.Gustohin man niyang ihatid ako pauwi, hindi ako pumayag dahil trip ko ang maglakad-lakad.

    Last Updated : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 13

    [Charl's PoV]Nang makarating sa bahay , mabilis na umibis ng sasakyan si Dos. Malakas na napabuntong hininga nalang ako dahil tinopak nanaman ang isang 'yon. Nagkatingin kami ni Uno at sabay na napailing.

    Last Updated : 2020-08-07

Latest chapter

DMCA.com Protection Status