Share

Chapter 9

Author: ZealousEina
last update Huling Na-update: 2020-08-07 09:28:02

[Charl's PoV]

         

Alam kong pumayag akong maging nanay-nanayan ng mga pugo. Hindi dahil sa gusto ko nang magka-anak, kundi dahil alam ko ang pakiramdam na may gustong matawag na 'mama'. Walang namilit sa akin, kusa akong pumayag sa kapritsuhan nila.

          

Pero ngayon, halos pagsisihan ko ang naging desisyon ko isang linggo na ang nakaraan. Dahil magmula non, puro sakit ng ulo nalang ang dala sakin ng mga pugo na 'to.

      

"Mama Lotlot, good morning!" malawak ang ngiti na bati ni Dan at sumabay sa'min sa paglalakad papuntang building namin.

      

Kasunod nito sina Kleoff, Ray at River na nakangising bumabati. "Mama Lot, anong umagahan niyo?" it was Kleoff na sinamaan ko ng tingin. Pero ang bata, kinindatan lang ako. Tusukin ko kaya mata neto?

         

Lotlot lang naman ang tawag nitong dalawa sakin dahil sa pangalan kong Charlotte. I never liked my name but I never used the word 'HATE' because I'm pretty sure that HATE is a strong word to use. Pero ngayon, parang magagamit ko na talaga ang salitang HATE para sa pangalan ko dahil sa ginagawa ng dalawang 'to.

Hindi na ako nagulat nang maramdamang may lumingkis sa aking kanang braso at sumabay sa lakad ko. Nang lingunin ko ito, deretso lang ang tingin nito sa daan pero malawak ang ngiti.

                    

"River, kung hindi ka bibitaw sa pagkakalingkis mo, mapuputulan ka ng braso," bagot na sabi ko rito saka tinapunan ng saglit na tingin ang pinsan kong kung mayroon lang laser sa mata, kanina pa pulbos ang parang tukong nakakapit na Ilog na ito.

         

Umismid lamang siya pero agad ding napalayo sakin nang hatakin siya palayo ng kunot na kunot ang noo na si Dos.

        

"Isa pang dikit mo kay Charlotte, talagang magiging isa nalang 'yang braso mong ilog ka." May pagbabanta sa boses ng pinsan ko.

Mabilis naman ang pag atungal ni Kleoff sa ginawa nito. "Kung hindi lang namin alam na mag pinsan kayo ni Mama, baka isipin kong nagseselos ka samin," nakaingos na aniya.

         

Natahimik naman si Dos dahil dito. Pinakatitigan ko pa ito bago inilipat ang tingin sa katabi nitong si Uno na kanina pa tahimik lang.

            

Magmula nang malaman ni Uno ang tungkol dito, wala naman siyang naging komento. Pero magmula rin no'n, naging tahimik nalang ito at paminsan minsa'y binabantayan ang kilos ni Dos.

       

Alam kasi namin na hindi nagugustuhan ni Dos ang nangyari.

         

Naipilig ko ang ulo ko nang mapansin na nakarating na kami sa sariling building. Nag paalam na rin si Uno na aalis na siya kaya hinayaan na namin.

          

Pagkabukas ng sliding door ng room, napalingon sa'min ang lahat at ngumisi. Alam naman kasi nila ang sitwasyon namin. Nung una, hindi pa magkamayaw sa pagtawa si Mike pero kalauna'y naintindihan din nila. Mukhang alam nila ang kwento ni River kaya wala na ring nangahas na magkomento.

           

Ang nakapukaw ng pansin ko ay sina Shin at Grayson na nakatayo sa harapan. Mukha namang hindi pa sila ang uumpisa dahil sa inaantay pa nila ang pagdating namin. Nasabi kasi samin ni Dos na nag-text si Grayson na ipapaalam ang napag meeting-an ng mga officers ng bawat klase at ipapaalam samin ang mga nakalatag na activities na sasalihan namin.

          

Nagbatian lang kami at kaniya kaniyang punta sa upuan. Sa pagkakataong ito, hindi kami naka paikot. Parang letrang C at nakaharap sa dalawang lalaking nakatayo malapit sa white board.

         

"Okay, let's start," panimula ni Grayson. "Kahapon, nagbaba na ang admin ng Hillman ng order patungkol sa kaso ng kambal noong isang buwan. Kung naaalala niyo, sumugod lang naman sa freshmen building ang dalawa at binanatan ang mga bagong estudyanteng nakabungguan ni Dillie nang magpunta sila ng cafeteria nung umaga. Ayos lang sana kung basta suntok lang ang ginawa, pero nauwi sa pagka-comatose ang lagay ng lalaki." Tahimik lang na nakikinig ang lahat.

  

Lumapit si Shin sa white board na may hawak na marker at nagsulat ng VIOLATION "Mahigpit na pinatutupad ng eskwelahan at mismo naming mga nakatataas sa inyo ang 'No Violence outside the territory.' At ang teritoryo lang natin ay itong buong building." Malamig na sabi nito at tinapik tapik pa ang kaliwang kamay na may hawak na marker sa board.

             

"Isa pang violation na ginawa nila ay ang paninira ng school properties. Binasag nila ang bintana ng classroom ng lalaking tinarget nila. Pinaghahagis ang lahat nang mahablot na upuan. May mga natamaang inosente kaya mas bumigat ang kaso," pagpapatuloy nito. "Ngunit sa mahabang usapan, nauwi rin sa iisang konklusyon ang usaping ito."

          

Isang malamig na ngisi ang gumuhit sa labi ni Grayson. "Humiling ng kalahating milyon ang magulang ng lalaking biktima bilang kapalit sa hindi nila pagsasampa ng kaso sa kambal. Wala na rin namang problema sa mga ibang natamaan dahil nakausap na namin ang mga pamilya nila at sumang ayon na hindi makikialam sa problemang ito." Nagtawanan ang mga kalalakihan sa narinig.

           

"Napaayos na rin namin ang mga nasirang properties ng school at dahil dito, ibinasura nalang ng admin ang kasong ito dahil wala na rin silang mai-record sa pangyayari dahil wala ni isa sa mga naging biktima ang nagsasalita. Kung kaya naman, makakabalik na ulit ang dalawa next week."

            

Malakas na naghiyawan ang lahat.

         

"Sa wakas! woooh!"

     

"Babalik na ang mga demonyo! Magpapalaganap nanaman tayo ng kababalaghan dito sa campus!"

        

Mabilis na dumukwang palapit sakin ang katabi kong si River para bumulong. "Elli and Dillie Wico are devils. Identical twins sila. I suggest na huwag kang masyadong maglalapit sa dalawang iyon. Mahilig mang trip at madaling uminit ang mga ulo."

Nakisali rin si Ray sa usapan namin. Kinuha nito ang phone at pinakita ang litrato ng dalawang magkamukhang magkamukhang lalaki.

          

"This is Elli. Mas bata siya kay Dillie ng ilang minuto. Sobrang dali uminit ng ulo lalo na kapag may kinalaman sa kakambal niya." Sabay turo nito sa lalaking nasa litrato na nasa kaliwa. Tapos ay sinunod niyang tinuro ang katabi ng lalaki, "And this is Dillie. This guy is an evil. Mahilig mantrip. Depende sa mood kung nakakatuwang trip o nakakapandala sa ospital na trip ang ginagawa niya."

          

"Apparently, there are only three people who can distinguish who is who. The Emperor, the President and Prince. Kaya namin kilala mula sa litratong ito ay dahil sa necktie na pinilit ni Pres na isuot nila nung araw na 'yan para hindi kami malito kung sino ang sino," paliwanag pa ni River. "Just be careful with them. Kahit mga babae, hindi nila sinasanto." Mabilis na tumango ako sa mga ito habang pinakatititigan ang litrato bago kami umayos ng upo.

         

Nagtuloy tuloy ang ingay nila hanggang sa malakas na hampasin ni Shin ang board. "Silence!" agad na natahimik ang lahat.

        

"We will move on to the next topic. The Intramurals. Next month na gaganapin. Dapat ang intrams natin ay itatapat ng Nobyembre pero may iba tayong naka-schedule na activity rito. Sa taong ito, kasama na tayong aattend ng Retreat with the seniors."

        

"Retreat? Tayo? Pumayag sila?" May pagtatakhang tanong ni Jeff.

          

Tumango si Grayson dito bago inangat ang isang papel. "Pag uusapan natin ang retreat sa ibang araw. Sa ngayon, intramurals muna. Eto rin ang unang beses na papayagan tayong makasali sa mga sports at patimpalak. Hindi na tayo basta judges o kaya taga panood lang tulad noong nakaraang taon," malapad ang ngiti nitong saad.

           

"Ibig sabihin, gagawa tayo ng sarili nating team? Makikipaglaban tayo sa ibang klase?" bakas ang gulat at excitement sa boses ni Kleoff.

               

"Oo. Kaya magpapaikot kami ng papel mamaya para sa mga gustong sumali sa mga sports game, Gagawa kayo ng sarili niyong team tapos isulat niyo nalang dito. Pag usapan niyo kung sino ang representatives natin sa Basketball, Volleyball, Swimming at Tennis."

        

Ramdam ko mula sa kinauupuan ko ang excitement ng lahat. Si Dos nga na simangot na simangot kanina, nasa harap na at nakikipag usap sa iba naming kaklase. Baka naghahanap ng sariling team. Sana lang may tumatanggap sakanila ng may saltik.

     

"Emp, paano itong Mr. and Ms. Intramurals?" nakataas ang kamay na tanong ni Athan. Sabay na napatingin sina Grayson at Shin dito.

                           

"Nakalimutan kong sabihin. Required palang magkaroon tayo ng representative dito. Usually, Muse at Escort ang inilalaban diyan. Pero dahil bakante pa ang Muse natin, baka may gustong mag volunteer sa tatlong babae na narito?"

Walang umiimik sa lahat at tila nagpakiramdaman. Hindi ako nagtaas ng kamay dahil hindi ako interesado. Kung sana kahit lima kaming babae dito, makakasali sana ako sa girls basketball.

              

Tumikhim ng bahagya si Grayson. "Everyone is required to participate. 'Yung kambal nga napili na sa Volleyball sumali. Shin will be on basketball team. Ako naman sa swimming. None of you girls is excused," nakangiting sabi niya.

            

"Tennis. Double ang lalaruin namin." Georgia quickly answered. Bahagyang nagulat pa ako sa bilis ng pagsasalita nito kaya naiwan akong tahimik at hindi nakaatungal nang idineklarang dahil ako nalang ang babae na available, ako ang automatic representative.

            

"Mister Model, ikaw nalang ang ilalagay namin sa Mister Intrams. Mukhang wala ka namang balak sumali sa kahit na anong sports."

       

Grayson looked at Prince who was busy typing something on his phone. Hindi naman sumagot ang binata pero hindi rin tumanggi kaya sinulat na ito sa papel.

      

"Ten minute-break. Ipapaikot lang namin ang papel na susulatan niyo at aayusin natin ang team," sabi ni Shin.

       

Agad namang nagkagulo ang lahat sa harapan. Naiwan ako dito sa bandang dulo at pinakatititigan lang sila nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa ng palda at tinignan ang mensahe.

        

From: Him

Message:

I miss you.

          

Napangiti ako sa nabasa at nag tipa ng mensahe. Namiss ko na rin talagang makausap ang pinaka importanteng lalaki sa buhay ko. Ilang araw na kaming sa text lang nakakapag usap maliban nalang nung nagpunta ako sa bahay niya nung nakaraan para magpatulong sa regalo ko kay River.

   

Mabilis na ibinulsa ko ang phone nang makitang pabalik na sa pwesto namin ang mga itlog. Mga malalaki ang ngiti ng mga ito. Mukhang excited talaga sila sa mangyayari.

        

"Anong sinalihan niyo?" tanong ko nang makalapit sila. Agad na umupo sa kanan ko si River at ngumisi nang malaki. "Sumali ako ng Tennis. Single player. Matagal tagal na rin ang huli kong laro no'n."

    

"I'm on Swimming team. Relay kami nina Green, Athan at Mike," Ray grinned at me. Napangiti ako sa kanila.

        

Si Kleoff naman ay pumunta sa harap ko at umaktong nag di-dribble pa at patalon talon. "Basketball, mama Lot. Si Dan, volleyball."

        

"Oh? Sa liit niyong yan?" wala sa sariling nasabi ko. Agad na nanlaki ang mga mata nito at sinamaan ako ng tingin. Napalobo ang loon ng pisngi niya kaya natawa ako.

      

"Akala mo kung sino matangkad. Sayo lang naman kami nagmana," nakangusong aniya.

          

Dahil sa narinig ko, agad ko itong hinablot at kiniliti nang kiniliti. Sa isang linggong pagsasama namin, nalaman kong malakas ang kiliti nila ni Dan.

    

"Ah, ganon ah. Mana pala ah. Oh eto!" malakas na sabi ko at patuloy sa pagkiliti sakanya. Hinihipan ko rin siya sa tenga kaya naging sobrang likot nito. Malakas pa na nagtatawanan sina Ray, River at Dan at lumayo nang bahagya dahil natatamaan sila sa pagpiglas ni Kleoff.

        

"T-tama na ahahhaha! H-hindi na m-mama Lot!"

        

Malakas ang tawa nito at tili pero hindi ko pinansin. Patuloy ako sa pagkiliti rito at patuloy itong nagmamakaawang tigilan ko siya. Nang makaramdam ng pagod, saka lang ako tumigil at hinihingal na binitawan siya.

          

Nakasalampak sa sahig si Kleoff at pinipilit na habulin ang hininga. Nang makabawi ako at inilibot ang tingin sa paligid, doon ko lang napagtantong samin pala nakatingin ang lahat.

         

Umayos ako ng upo at hinawi ang tumabing na mahaba kong buhok sa mukha bago tumikhim. Nakakahiya!

         

"B-bakit?" naiilang na tanong ko sa titig na titig sakin na sina Shinichi at Grayson. Umiwas lang sila pareho ng tingin at umubo ng peke si Grayson bago ulit ako tinignan. "Anong surname mo, Charl? Ayaw kasi sabihin ni Dos. Kailangan para sa ipapasang application form," pormal na sabi nito.

          

Kunot noo kong tinignan ang sobrang seryosong mukha ni Dos na biglang tumalikod nang makitang tinitigan ko siya. Maarte! 

        

Muli kong hinarap si Grayson at tinanguan. "King. Charlotte King ang ilagay mo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status