[Charl's PoV]
Natapos ang buong araw na wala talagang pumasok na kahit isang guro. Ang sabi ni Dan, p'wede namang may pumasok dito ang adviser ng 3-A para makilala ang bagong student pero mukhang nagdesisyon itong hindi nalang pumasok.
Hindi ko maintindihan kung bakit ayon sa mga k'wento nina Dos at Uno, maging ng ibang tao, magulo ang mga tao rito. Oo, maiingay sila. May bigla-biglang nagsusuntukan sa isang tabi pero nagkakaayos din.
Ang na-imagine ko kasing itsura dapat ng klase ay magulo, makalat at sobrang ingay. 'Yung huli, fit nga siya sa nadatnan ko pero hindi naman sila sobrang gulo at wala nga ni isang kalat.
Ngayon ay pauwi na kami sa bahay. Kasabay ko ulit sina Uno at Dos sa sasakyan. Nakuha ko na rin 'yung uniform, gamit sa school pati ang tablet mula sa admission office.
"How 's your first day, Charl?" Pagbubukas usapin ni Uno na nagbigay ng sulyap sa'kin mula sa salamin ng kotse.
Tumikhim ako saglit. "So far so good. They are different from what I've imagined them to be," nakangiting sagot ko. Bahagyang napalingon sa'kin si Dos.
"Huwag ka masyadong magpakampante, Pandak. Bukas mo pa talaga sila makikilala. For formality lang ang ginawa nila kanina. You'll meet the real 3-A tomorrow," seryosong sabi nito.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Nagpapanggap lang bang may katinuan ang klase dahil sa may bago? For formality raw sabi ni Dos. Oh well...
Nag-stop sandali ang sasakyan dahil sa red light ng traffic lights.
Ikinibit balikat ko nalang. Mukhang ihahanda ko talaga dapat ang sarili ko. Lalo na at nang pagbaling ko sa bintana, nakita ko sina Dan at Kleoff na may pinagtutulungang estudyanteng lalaking nakasalamin. Tumatawa pa ang dalawa habang may kasama silang iba pa naming kaklase na may hawak na camera at mukhang kinukuhanan ng video ang pangyayari.
Muling umandar ang sasakyan. Ngunit napansin kong ibang ruta ang dinaraanan namin.
"Saan tayo pupunta, Uno? Hindi ito ang daan pauwi," biglang sabi ko. Saglit na bumaling sakin si Uno.
"Nakalimutan ko palang sabihin. Wala na tayong stocks sa bahay. Grocery muna tapos sa labas nalang din tayo kumain," napa -'ahh okay' nalang ako. Kung mag g-grocery kami, makakabili na rin ako ng snacks ko. Yes!
Napangisi ako nang malapad. Excited na ko. Nandito kami ngayon sa SM. Pagka-park ni Uno, sabay-sabay kaming lumabas na tatlo sa sasakyan at pumasok sa mall.
Una kaming nagpunta sa Hypermarket at namili. Dalwang cart ang gamit. Siyempre sina Uno at Dos lang ang nagtutulak. Ako naman, tamang dampot sa mga junkfoods sabay lagay sa cart. Naiiling nalang tuloy 'yung dalawa.
"Meron na tayong meat, vegetables and fruits. Baka may gusto ka pa, Charl. Kunin mo na at nakakahiyang halos isang buong cart 'yung iyo." sarkastikong sabi ni Dos pero binelatan ko lang siya.
Nung napunta kami sa mga drinks, kumuha ako ng tatlong pinakamalaking bottle ng Mogu Mogu at inabot sa kanila. "Himala, kinuha mo rin kami."
"Dos, para sakin lahat yan," seryosong sabi ko. Napagpantastikuhang napatingin siya sakin. Tumawa lang naman si Uno at ginulo ang buhok ko.
Napasimangot tuloy ako. Puro na nga split ends, ginugulo pa. Kainis!
"Kumuha ka na rin ng gusto mo, Dos. Alam mo namang matakaw 'yang si Charl."
Matapos mamili, dumeretso kami sa cashier at nagbayad. Maraming bitbitin pero hindi nila ako pinaghawak kahit isa maliban sa inabot na Peppero ni Dos sa'kin.
Kaya habang naglalakad, sila ay may bitbit na mga plastic at tig isang karton habang ako kumakain. Pinagtitinginan na rin kami. P'wede naman kasi naming gamitin 'yung push cart hanggang paglabas ng mall pero ayaw nila.
Ilalagay muna kasi namin yung mga pinamili sa sasakyan bago kumain.
Kumuha nalang ako ng isang stick ng peppero at inumang kay Uno na deretso ang tingin. "Oh, kain," ngiti ko dito. Tumaas ang sulok ng labi niya bago ngumanga. Pagtapos sakanya, si Dos naman 'yung sinubuan ko.
Pagkalagay namin nung mga pinamili, bumalik kami sa loob at pumasok sa isang kainan. Tumawag sila ng waiter at sila na ang nag-order.
Habang naghihintay, kinuha ko muna 'yung phone ko at nag-compose ng message. Hindi ko naman masyadong kinakausap na sina Dos at Uno dahil may iba silang pinag uusapan.
Wala kaming minamanage na business. May monthly allowance na pinapadala ang pamilya namin. Madalas, sobra pa ang allowance dahil ewan ko kung saan nakakakuha ng extra income itong dalawa.
Nang dumating yung pagkain namin, agad kaming nagsilantakan. Tahimik lang. Ganito talaga pag gutom. Away away muna.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang makarinig ng pagkabasag ng plato. Subo ko pa 'yung pasta nang lumingon sa pinanggalingan ng ingay. Hindi medyo malayo ang pwesto nung dalawang pamilyar na babae sa'min.
"Tch! Nasaktuhan pa nating makasabay ang dalawang 'yan," dinig kong singhal ni Dos kaya napatingin ako sakanya.
"Georgia and Selena. Classmates natin," sabi niya nang mapansin ako. Napatango ako nang maalala sila at binalik ang tingin sa dalawang babae.
'Yung dalawang babaeng naghahalikan sa room.
Nakita ko kung paano ibinuhos ni Georgia 'yung laman ng pitsel sa isang lalaking staff. Maraming nagsinghapan. May mga lumapit para umawat pero mabilis na hinagis ni Selena ang mga pagkain sa mga lumalapit.
What the fuck are they doing? Akmang tatayo ako pero may isang humahangos na may katandaang babae ang lumapit sakanila. Nag usap sila pero mukhang mas lalong nagalit 'yung Georgia.
Napapailing na tumayo si Dos at lumapit. Nag isang subo pa 'ko sa pagkain ko at uminom ng juice bago sumunod kay Dos. Lumapit rin si Uno.
"So, is it our fault that your staffs are incompetent!? I said, I want my Meat to be half-cooked! But what?! You gave us an almost burnt one! Stupido!" Selena shrieked.
"No, ma'am. Hindi ho iyon ang ibig kong sabihin. Pero hindi ho ninyo dapat ginawa sa--"
"Huwag mo kaming pangaralan! Kayo ang may mali!" Georgia seethed. Kinuha nito ang isang pinggan at akmang ipupukpok sa ulo ng sa palagay ko ay Manager ng restaurant. Maraming napatili.
Ilang hibla nalang ay tatama sa ulo ng babae ang plato nang mahawakan ni Dos ang kamay ni Gorgia. "Fuck it, Gorgia! You are making a scene! Stop it!" he snarled at her.
"Let go of me, bastard! Gusto ko lang ipaalam sa babaeng 'to kung sino ang binabangga nila," madiin na sabi ni Georgia at pilit binabawi ang kamay. Hindi naman nagpatinag si Dos at mas hinigpitan ang hawak sa kamay nito.
Mabilis kong ipinilig ang ulo sa mga staffs indikasyon na umalis na muna sila.
Nang makita ang pag alis ng mga ito, nagalit lalo ang dalawa. "Bakit ba nakikialam ka ha?! Wala kang kinalaman dito!" sigaw naman ni Selena. Napatakip pa tuloy ako sa dalawang tenga ko sa lakas ng sigaw niya.
"Wala kaming pakialam kung hindi lang kayo nakakaistorbo sa pagkain namin! Umalis na nga lang kayo. Kami na magbabayad dito sa gulo niyo," may inis na sabi ni Dos.
Pabalang na binagsak ni Georgia ang hawak na plato. " Kaya kong magbayad. Kung inayos lang sana nila ang service nila!"
Nagtalo pa ang dalawa nang makaramdam ako na parang may nakatingin sa'kin. Agad na nabaling ang mata ko kay Selena na masama ang mga tinging pinupukol sa direksiyon ko. Tumaas ang kilay ko sakanya pero inirapan lang niya ko at tinignan ulit ng masama.
Naramdaman ko ang pag-akbay ni Uno. "Huwag mong matignan ng ganyan ang pinsan ko, Selena. Hindi ako mangingimi na dukutin ang mga mata mo kahit babae ka pa," seryosong sabi niya bago ako hinatak pabalik sa table namin.
Ilang minuto lang ay bumalik na rin si Dos. Mukhang napaalis na rin niya 'yung dalawa. Napahugot ako ng malalim na hininga. Mukhang for formality nga lang talaga ang kaayusan ng mga kaklase ko kanina.
[Charl's PoV]Maaga akong nagising kinabukasan. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para matignan ang oras.
[Charl's PoV]Lunch break na nang matapos sila sa paglilinis ng room.Nailigpitna rin nila 'yung teacher na sana ay magiging bagong adviser namin kapalit daw nung naka-comatose na teacher.
[Charl's PoV]Natapos ang lunch break namin at tulad nang sinabi ni Dos, pinagdala nga niya ko ng cake. Isang slice ng strawberry shortcake, my favorite. Dahil wala namang nagbalak na pumasok na teacher ngayon sa klase namin matapos ang ginawa
[Charl's PoV] Napatunganga nalang ang apat na batang kasama ko matapos kong ubusin ang laman ng pitsel ng beer. Hindi makapaniwala ang mga mata nila habang palipat lipat sa mukha ko at sa pitsel na nasa lamesa ang tingin nila.
[Charl's PoV] Alam kong pumayag akong maging nanay-nanayan ng mga pugo. Hindi dahil sa gusto ko nang magka-anak, kundi dahil alam ko ang pakiramdam na may gustong matawag na 'mama'. Walang namilit sa akin, kusa akong pumayag sa kapritsuhan nila.
[Charl's PoV] Mr. and Ms. Intramurals Representatives:
[Charl's PoV]Matapos ang buong araw na klase, nauna nang umuwi sina Uno at Dos dahil na rin sa kagustuhan kong makapagpaliwanag kay Alistair.
[Charl's PoV]Nag-iinat ako ng mga brasong lumalakad pauwi sa bahay matapos kong manggaling sa bahayniya.Gustohin man niyang ihatid ako pauwi, hindi ako pumayag dahil trip ko ang maglakad-lakad.
[Prince's PoV]"ARE YOU SURE you don't want me to drive you to Isabela?"I asked Princess for the nth time already and I swear, she's gonna punch any time soon now.
[Charl's PoV]*Seven years later*
[Charl's PoV]Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko sa kabila nang pamimigat ng mga ito.Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mukha ko kaya balak ko sanang takpan ito ng braso ngunit hindi ko maigalaw ang kamay ko.
[Charl's PoV]Jacquelyn Burgos, that was the name of my mother's friend. I remember her because lolo Bry told me that she was the one who brought me to my grandparents.
[Elli's PoV]For the nth time, she saved us.
[Prince's PoV]Sa labing walong taon kong pamumuhay, mulat ako sa klase ng pamilya na mayroon ako. Ang ama kong parang naglalaro lang ng buhay ng iba habang ang ina ko na sinusuka ang sariling buhay na pinagkakait ng nauna sa marami.
[Caryl's PoV]"They are gone."nawala ang mga ngiti sa labi namin nang makaalis ang 3-A dala sina ma'am Angielyn at ma'am Aubrey.
[Green's PoV]Aburidong pinipindot ni Kerr ang up button sa loob ng elevator. Dalawa lang naman ang palapag kaya hindi naman namin kinailangan maghintay ng ilang minuto.
[Uno's PoV]Tatlong araw matapos namin magsimulang magplano, something happened.