[Charl's PoV]
First impression? Madaldal. 'Yan si Kleoff na 'di nauubusan ng k'wento sa buhay. Pati kung paano siya napunta sa 3-A ay kinu-k'wento niya.
According to him, wala talaga siyang ideya tungkol dito. Second year na rin naman kasi niya nakasama ang mga 'to which is last year lang. Isa siya sa mga pinaka bagong kaklase nila kasama na itong katabi niyang kumakain ng Nova na si Dan Absalon.
Kahit nung first year pa raw ang mga estudyante sa section na ito, 3-A na talaga ang tawag sakanila. Parang batas lang ah? Sila lagi nasusunod.
"Nung nalaman ko kasi kay kleoff na may 3-A pala, sumama akong nagpasa ng application form. May interview pa ngang naganap e. Akala ko hindi ako matatanggap kasi may ka-sungitan si Pres. Siya nakausap ko non," ngumunguya pa si Dan habang nagsasalita.
Napangiwi ako dahil panay talsik pa ng kinakain niya.
Bigla kasi itong lumapit samin kanina ni Kleoff nung naguusap kami at nakisali. Inaalok din niya kami nung malaking Nova na 'di naman namin tinanggihan.
"Si Emp nga nakaka intimidate nung kaharap ko. Tuwing naaalala kong nagtitigan lang kami buong oras dahil 'di man lang nagtanong, akala ko wala ng pag-asa." sabi ni Kleoff habang inaayos ang buhok.
Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan bago ako napatingin sa wall clock na nasa harap ng classroom. Alas otso y media na kasi pero wala paring pumapasok na teacher.
Ang sabi sakin ni Dos, kapag may bago talagang estudyante sa section nila, free time ang buong araw. Nasa mga estudyante nalang kung papasok ba sila o hindi.
Kompleto naman daw kami sabi ni Kleoff maliban sa limang magkakaibigang ma l-late at kabilang don ang President at Emperor ng room.
Natawa pa nga ko kasi parang ang sipag naman nila at complete attendance pa kahit walang magtuturo.
Nagk-k'wentuhan pa kami nang may maalala kong itanong na hindi ata nabanggit ni Dos sakin. "Kanina ko pa napapansing nababanggit niyo ang President and Emperor. How about the muse? Hindi ba kasama nung mga late?" tila natigilan ang dalawa. Nagpalitan pa ng tigin bago humarap sakin.
"Ang totoo niyan, tatlo lang kayong babae dito. Sina Georgia Limuco," tinuro ni Dan yung babaeng mahaba ang buhok, "At Selena Jung ang mga kasama mong babae rito at wala ni isa sa kanila ang nakatanggap ng card para maging muse."
Napaubo ako saglit dahil do'n.
Ilang saglit pa, biglang bumukas ang sliding door. Lahat doon napatingin, pati ako.
Nagpasukan ang limang matatangkad na lalaki sa room bago sinara ang pinto. Kapansin pansin din ang mga pasa, gasgas at sugat sa mga mukha nila. Agad na binati naman ng mga nandito ang mga ito.
"Ang daya niyo! May sinabakan pala kayong gulo, hindi niyo kami sinama," sabi ng isa sa mga lalaking kaklase ko.
"Pres, baka naman gusto niyo kaming i-inform next time!"
At naging mas maingay pa sila. Pati sina Dan at Kleoff nakisali sa mga nagrereklamo.
Napansin ko namang ang mga matang nakatitig sakin. Tinaasan ko ng kilay 'yung lalaking singkit na medyo pamilyar ang mukha sakin. Agad na lumakad ito papunta sa kinauupuan ko. Sumunod naman ang iba pa.
Huminto ito sa harap ko bago bahagyang pinilig ang ulo sa direksiyon ni Dos na nakatingin na pala rito. "Your cousin?"
"Yeah. " Naging matalim ang tingin ng pinsan ko. "Wag mo nang subukan, De Vera." seryosong sagot ni Dos dito na nakapag pakunot ng noo ko.
Tumahimik din ang iba dahil sa namuong tensiyon. Wow, kumusta naman akong nasa harap nila diba?
Ngisi lang sinagot nitong lalaki bago humarap sakin at inilahad ang kamay. "Grayson De Vera. I'm the President. It is nice to see you. Again." pagdidiin niya sa huling salita.
Dahil sa ngisi niya, doon ko naalala kung saan ko siya nakita. Nung naligaw ako last week. Siya yong nakasandal sa puno at nakatingin sakin.
Tumayo naman ako para tanggapin ang kamay niya. "Charl. It is nice to meet you, Pres." sagot ko na ikinangisi niya lalo. Mabilis na tumayo si Dos nang mapansing walang balak na bitawan nitong kaharap ko ang kamay ko saka kami pinaghiwalay.
"Chill, Villanueva. Nakikipag kamay lang si Pres." sabi ng isang lalaking kasama sa huling pumasok na may kulay blonde na buhok bago pumunta sa harap ko. "Hi Miss Charl. I'm Mike."
Agad namang umatungal sina Dan at Kleoff sa pakilala nito. " 'Wag kang maniniwala diyan, Charl. Mickey and tunay niyang pangalan. Ginagamit lang niya ang Mike dahil ayaw niya sa pangalan niya."
Mabilis kong tinanggap ang nakalahad na kamay. "Hi, Nice to meet you. You have a nice name. I like Mickey Mouse," nakangising tugon ko na nakapag patahimik sa lahat.
Nakita kong parang nanigas pa ito sa kinatatayuan bago biglang namula ang pisngi. Nagulat pa ko sa marahas na pag bawi niya ng kamay at itinakip ito sa mukha niya bago naglakad palayo.
O...kay.
"Idiot," bulong ng isa pang lalaki bago naupo sa bakanteng silya na nasa harap ko. Sa tangkad niya, wala na kong nakikita sa harap.
"That's the Emperor," bulong ni Kleoff at tinuro yung kauupo lang na lalaki. "Shinichi Vallega. Shin nalang ang itawag mo. At oo, Shinichi as in Shinichi Kudo from Detective Conan. Mahilig kasi sa anime ang mama niya."
Napatawa nalang ako ng mahina dahil don bago nagawi ang mga mata ko sa isa pang lalaking nakatayo 'di kalayuan sa upuan ko. Isang tango lang ang ginawad nito na sinuklian ko ng ngiti.
Napansin ata ako ni Dan na may tinitignan at bumaling do'n bago humarap ulit sakin. "That's Prince Walsh," bulong din nito na ikinatango ko.
[Charl's PoV]Natapos ang buong araw na wala talagang pumasok na kahit isang guro. Ang sabi ni Dan, p'wede namang may pumasok dito ang adviser ng 3-A para makilala ang bagong student pero mukhang nagdesisyon itong hindi nalang pumasok.
[Charl's PoV]Maaga akong nagising kinabukasan. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para matignan ang oras.
[Charl's PoV]Lunch break na nang matapos sila sa paglilinis ng room.Nailigpitna rin nila 'yung teacher na sana ay magiging bagong adviser namin kapalit daw nung naka-comatose na teacher.
[Charl's PoV]Natapos ang lunch break namin at tulad nang sinabi ni Dos, pinagdala nga niya ko ng cake. Isang slice ng strawberry shortcake, my favorite. Dahil wala namang nagbalak na pumasok na teacher ngayon sa klase namin matapos ang ginawa
[Charl's PoV] Napatunganga nalang ang apat na batang kasama ko matapos kong ubusin ang laman ng pitsel ng beer. Hindi makapaniwala ang mga mata nila habang palipat lipat sa mukha ko at sa pitsel na nasa lamesa ang tingin nila.
[Charl's PoV] Alam kong pumayag akong maging nanay-nanayan ng mga pugo. Hindi dahil sa gusto ko nang magka-anak, kundi dahil alam ko ang pakiramdam na may gustong matawag na 'mama'. Walang namilit sa akin, kusa akong pumayag sa kapritsuhan nila.
[Charl's PoV] Mr. and Ms. Intramurals Representatives:
[Charl's PoV]Matapos ang buong araw na klase, nauna nang umuwi sina Uno at Dos dahil na rin sa kagustuhan kong makapagpaliwanag kay Alistair.
[Prince's PoV]"ARE YOU SURE you don't want me to drive you to Isabela?"I asked Princess for the nth time already and I swear, she's gonna punch any time soon now.
[Charl's PoV]*Seven years later*
[Charl's PoV]Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko sa kabila nang pamimigat ng mga ito.Nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mukha ko kaya balak ko sanang takpan ito ng braso ngunit hindi ko maigalaw ang kamay ko.
[Charl's PoV]Jacquelyn Burgos, that was the name of my mother's friend. I remember her because lolo Bry told me that she was the one who brought me to my grandparents.
[Elli's PoV]For the nth time, she saved us.
[Prince's PoV]Sa labing walong taon kong pamumuhay, mulat ako sa klase ng pamilya na mayroon ako. Ang ama kong parang naglalaro lang ng buhay ng iba habang ang ina ko na sinusuka ang sariling buhay na pinagkakait ng nauna sa marami.
[Caryl's PoV]"They are gone."nawala ang mga ngiti sa labi namin nang makaalis ang 3-A dala sina ma'am Angielyn at ma'am Aubrey.
[Green's PoV]Aburidong pinipindot ni Kerr ang up button sa loob ng elevator. Dalawa lang naman ang palapag kaya hindi naman namin kinailangan maghintay ng ilang minuto.
[Uno's PoV]Tatlong araw matapos namin magsimulang magplano, something happened.