Share

Chapter 2

Author: ZealousEina
last update Last Updated: 2020-08-07 09:05:01

[Charl's PoV]

Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse kasama sina Uno na nag d-drive at si Dos na nasa passenger seat. Monday na, ngayon ang unang araw ko sa Hillman High.

Sa katunayan, wala pa akong uniform. Mamaya ko pa makukuha pag uwi kaya naman naka pang civilian pa 'ko. Nag away pa nga kami ni Dos kanina sa bahay kasi gusto kong naka shorts lang kaysa pants. Hindi talaga pumayag ang kumag na naka shorts akong papasok.

Wala naman sa rules and regulations ng school na bawal 'yon, etong mga 'to lang ang nagbabawal. Kaya ngayon, nakabusangot ako dito sa back seat at hindi pinapansin sina Uno at Dos.

" 'Wag mo 'kong simangutan, pandak. Hindi ka magsusuot ng maikling shorts lalo na at sa klase ka namin." inis na sabi ni Dos nahindi ko pinansin.

Bahala siya.

"Charl, hindi mo alam kung gaano mga katarantado mga tao sa Hillman. More specifically, sa 3-A. Kahit mga professors, hindi mapag patawad. Kaya intindihin mo kami," seryosong sabi ni Uno.

Nag-make face lang ako sa kanila at 'di pa rin sumasagot. Napabuntong hininga nalang silang dalawa.

Tumingin ako sa may bintana nang makakita ng malaking gate. Wala naman masyadong magarbo sa gate na to maliban sa nakasulat na 'HILLMAN HIGH' dito na kumikinang.

Huminto saglit ang kotse. Napapikit ako sa biglang flash ng ilaw na tumama sa sasakyan. Anong nangyari?

"Scanner. Tinitignan kung sino nasa loob ng sasakyan. Kapag wala sa system ng Hillman High ang na-scan, hindi bubukas ang gate." paliwanag ni Uno ng makita ang pagtataka ko.

Taray! May pa-scanner. 

Nang bumukas ang gate, pumasok na rin yung sasakyan namin. Naghanap lang ng parking space si Uno bago kami bumaba.

Habang naglalakad, napapagitnaan ako ng mga pinsan ko. ramdam ko rin 'yung tingin ng mga estudyante samin. Mga naka uniform sila hindi katulad ko pero alam kong alam nila kung sino ako at bakit ako nandito.

''Hala! Totoo ngang dito na mag-aaral ang pinsan nina Uno at Dos?"

"Omg! She looks pretty! Pero balita ko, sa 3-A din siya! Baka tarantado rin ang ugali tulad ng mga pinsan?"

"Maybe! Sayang naman kung ganon."

Napataas  ang kilay ko sa mga usap-usapan. Akala ko ba delikado ang mga tao rito? Bakit parang chismosa at chismoso yata ang mas dapat na deskripsiyon ng dalawang kumag?

Napapalatak nalang ako nang maramdaman kong umakbay si Dos sakin. Napatingala ako rito saglit pero deretso lang ang tingin niya sa daan.

Medyo malayo layo pa 'yung nilakad namin bago kami huminto sa isang kulay blue na building. May tatlong palapag siya pero walang kahit na anong klasrum sa unang palapag. Sa katunayan, mga motor ang nandirito. 

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Isang building lang nandito. May kalayuan sa mga naunang building na nadaanan namin.

"May sariling building ang section namin, natin. Medyo nilayo kami sa mga ibang estudyante rito sa Hillman." paliwanag ni Dos nang mapansing natigilan ako.

Kunot noo akong tumingala. "Don't tell me, ina-outcast ng school na 'to ang 3-A?" Malay ko bang hindi lang mga kapwa estudyante ang pwede mang trip. Pati management ng school.

Bahagyang natawa si Uno kaya napatingin ako sakanya. "Not really, Charl. If anything else, etong building niyo ang may pinaka magandang facilities. Kapag humiling lang kayo ng kahit ano, ibibigay ng school. Kailangan lang talagang medyo malayo sa ibang estudyante lalo na at marami sa mga magiging kaklase mo ang bayolente." Paliwanag niya bago kami nagtuloy sa paglalakad. Gumamit na rin kami ng hagdan para makarating sa ikalawang palapag.

"You'll get to know them all well later. Wala naman akong ipapaiwas sayo dahil hanggat nandito ako, walang gagalaw sayo sa loob." seryosong sabi ni Dos. Nginisihan ko lang naman siya. Ayos pala. Instant bodyguard.

Huminto kami sa tapat ng isang room. Hindi katulad ng mga pangkaraniwang pinto sa mga normal na klasrum ang meron dito. Sliding door ang nasa harap ko ngayon na may vandal pa na nakasalut sa kulay pulang tinta.

'Are you sure you want to open this door?'

Kumunot ang noo ko. Parang dugo pa yata ang gamit sa pagsulat nito, ah? O, baka pintura lang naman?

"Dugo ba 'yan?" wala sa sariling ani ko.

Natawa lang ang dalawang hudyo bago nagpaalam si Uno na mauuna na at pupunta na sa sariling klase. Hinatid lang naman daw niya 'ko kaya siya sumama.

Si Dos na ang nagbukas ng pinto. Nang mabuksan at tumama ang malamig na temperatura sa mukha ko dala ng aircon na nanggagaling sa loob, doon ko lang din napagtanto na soundproof ang room dahil umalingangaw ang malakas na hiyawan, sigawan, murahan at tugtugan nang mabuksan ang ni Dos and sliding door.

Hindi naman natinag ang mga nasa loob nang pumasok ang pinsan ko. Pero nung ako na ang umapak papasok sa loob, natahimik sila.

May mga natigil sa mga ginagawa katulad ng dalawang babaeng naghahalikan sa isang sulok ng room. Nakakandong 'yung isang babaeng maikli ang buhok sa babaeng may mahabang buhok at kahihiwalay lang ng labi nila nang makita ako.

Meron pang isang lalaki na may hawak na drumstick at nakabitin sa ere ang kamay na sana ay ihahampas nito sa teacher's table.

Nilibot ko ang paningin. Walang vandal ang mga walls pero may mga nakadikit na papers at nakasabit na picture frames dito. Sa may likod, may isang shelf na may nakapatong na anim na trophy. Sa tabi nito ay may lababo. 

Lababo?

Doon ko lang napansin na may lutuan din sa dulo. Mayroon pa ngang may kalakihang ref sa kabilang sulok.

What the? Classroom ba 'to?

"Welcome to 3-A, Charl. This is our room. Hindi naman makalat ang mga yan. Maiingay  lang."

Pansin ko nga. Kahit parang napakagulo nilang tignan, makintab ang sahig nilang nakatiles! Walang kahit na anong agiw sa sulok-sulok.

"Idiots, this is my cousin, Charl, " seryosong pakilala ni Dos. "Mess up with her and I'll kill you." Saka niya 'ko hinatak papunta sa isang upuan.

Sa katabing upuan ko naman siya nakaupo. Mabilis na nakipag daldalan siya sa lalaking nasa kabilang bahagi niya.

Ilang saglit lang nang bumalik ang ingay sa loob. Nilabas ko nalang ang cellphone ko para makapag tipa ng message dahil wala pa 'ko sa mood makipag kilala sa ibang wala rin namang balak na i-approach ako.

From: Him

Message: Enjoy your first day. 

Napangiti ako sa nabasa ko at nag-reply. Ganon nalang ang gulat ko nang may lumitaw na mukha sa harap ko at natakpan ang screen ng cellphone ko.

Napaatras ako saglit ng makita ang naka bend na ulo ng isang batang lalaki? Habang nakatukod ang mga kamay sa mesa ko. Titig na titig sakin at halos iduldol sa mukha ko ang mukha niya.

"What the fuck," I hissed. He was smiling at me, sending me a creepy vibes.

Umayos siya ng tayo at gaya ng obserba ko, mukha talaga siyang bata. O baka maliit lang din tulad ko?

"Hi, pinsan ni Dos!" labas gilagid pang bati nito. "I'm Kleoff Ablaza. I'm 15 years old. Pangarap kong maging isang obstetrician-gynecologist pero parehong neurologist ang mga magulang ko kaya 'yon nalang din ang kukunin ko. Gusto ko kasing magpaanak ng mga buntis dahil bukod sa libre chansing, mahilig din ako sa dugo at mga bata." Mahabang pakilala niya.

Nalilitong tinitigan ko siya bago tinanggap ang kamay na nakalahad. "Charl. I'm actually 18 years old," nag aalangang pakilala ko.

Mabilis naman niyang ginagap ang kamay ko ng isa pa niyang kamay at mas lumawak ang ngiti.

"Wow, ate! Hindi lang ikaw ang matanda rito, don't worry. Repeater ka ba? Repeater din sina Athan at Jeff kaya 'di ka nag-iisa." Malawak pa rin ang ngiti niya na nakapag pa-ngiwi sa'kin.

Hindi naman ako repeater, sadyang late lang ako nag start mag aral tulad nina Uno at Dos dahil na rin sa issue namin sa pamilya. Hindi ko nalang tinama itong kaharap ko na si Kleoff.

"Alam mo na ba ang mga bagay tungkol dito sa section natin? Na-k'wento ba ni Dos ang mga kalakaran?" Tumango ako sakanya.

Alam kong ang 3-A section ay tinawag na 3-A hindi dahil sa Section A ng mga third year ang klaseng ito. Ang alam ko, sa loob ng klaseng 'to, may tatlong namumuno. The Emperor, The President at The Muse. Kumbaga sa normal na klase, mga officers sila. Dadaanan sa kanila ang mga suggestions at opinions ng iba at dadalin sa nakatataas.

Alam ko rin na ang klase na 'to ang nagdeklara na sila ang highest section. Self proclaimed class A ba. Hindi naman talaga official dapat ang section na 'to. Sila-sila lang ang bumuo ayon kay Dos. Mula first year, sila sila na ang magkakasama. May qualification at dapat na may approval mula sa tatlong namumuno  bago mapapayag kung ang isang estudyante ay dapat na mapunta sa section nila.

"Great!" nawala ako sa pag iisip ng magsalita uli si Kleoff. This time, humugot siya ng isang upuan at umupo don. Nakaharap siya sakin pero sa kabila ang harap ng upuan. Nakapatong tuloy ang dalawa niyang braso sa sandalan.

"Wala pa sina Pres at Emp na magpapaliwanag sayo. Gusto ko lang sanang makipagkilala sa bagong ate ko."

Tumatango tango lang ako sa mga sinasabi niya. Ngayon ko lang din napansin na malamig sa room. Nagsisi tuloy akong manipis na tshirt ang gamit ko. Unconsciously, ni-rub ko ang mga braso gamit ang mga kamay.

Naramdaman kong napalingon pa si Dos sa p'westo ko at agad na tumayo para pumunta sa isang sulok. Sinundan ko ito ng tingin at nagbukas siya ng isang drawer bago may kinuha na jacket at dinala sa'kin para ipatong sa balikat ko.

Tapos gusto mo pa naka shorts!

Related chapters

Latest chapter

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status