Share

Chapter 1

Author: ZealousEina
last update Huling Na-update: 2020-08-07 09:04:16

[Charl's PoV]


"Nasaan na ang babaeng 'yon?!"

Tinatamad na napapahid ako ng pawis mula sa noo ko gamit ang likod ng kamay habang pinagmamasdan mula sa itaas ng puno ang tatlong kalalakihan na nagpapalinga-linga sa paligid habang may mga hawak na baseball bat.

Mahigit apat na oras na rin kaming naghahabulan ng mga iyon. Nakakapagod na nga dahil paikot-ikot nalang kami. P'wede ko naman silang harapin nalang pero kabilin-bilinan pa naman ng pinsan kong si Uno na bawal akong masangkot sa kahit na anong gulo habang walang sila ng kapatid niyang si Dos.

Wala rin naman akong balak na ilagay ang sarili ko sa alanganin lalo na at mag w-walong oras palang ako rito sa Manila. Paano ng aba ko napadpad sa ganitong sitwasyon?

Simple lang. Kasalanan ni Dos.

Kinausap sina Uno at Dos nina lolo na pansamantalang maninirahan ako kasama sila rito sa Manila. Hindi ko naman alam na masyado pala akong na-miss ng pinsan kong si Dos at nagawa pang i-post ang picture ko sa Instagram niya at naglagay ng caption na, "Cous is coming home." At dahil likas na barumbado ang dalawang iyon at may lahing stalker ang mga nakakaaway nila, mukhang sa akin mabubunton ang galit ng mga ito para sa dalawa.

Nang sunduin ako ng mga pinsan ko sa Isabela at hinatid dito sa subdivision kung saan kaming tatlo ang magkakasama sa isang bahay, agad na nagpaalam ang dalawa na may pupuntahan sila. Kaya lang, nakalimutan yata ng mga magagaling kong pinsan na hindi ako marunong magluto at hindi pa ko kumakain simula kaninang umaga.

Kaya naman naisipan kong lumabas ng subdivision nang makaramdam ng gutom para sana bumili ng pagkain. Wala naman kasi akong load para tumawag nalang sa isang fast food chain e. At dahil nga baguhan palang ako sa lugar, heto at naligaw ako. Sa kasamaang palad, may nakasalubong akong kaaway nina Uno at Dos na mukhang namukhaan ako dahil sa lintik na Instagram post ni Dos.

"Tanga! Iisang babae lang 'yon, hindi niyo pa nahuli!" muling sigaw ng isang lalaki mula sa ibaba at binatukan ang dalawang kasamahan.

Napapailing nalang ako. Gutom na gutom na ko. Kasalanan talaga 'to ni Dos e. Imbis na nakabili na ako ng pagkain, heto at nakipag hide-and-seek pa 'ko sa mga kaaway nila.

"E, gago ka pala e! Ikaw nga nung malapitan natin 'yung babae, imbis hawakan mo, nakipag-kamay at nakipagkilala ka pa!"

"At least, hinawakan!"

Napapakamot ako sa ulo nang magsimula silang magbangayan sa ibaba. Peste, bakit ayaw niyong magsialis? Gutom na gutom na 'ko.

Bahagyang napaangat ang kaliwang kilay ko nang biglang mag-angat ng tingin ang isa sa mga lalaking nasa ibaba kanina at nagtama ang aming mga mata.

Umawang ang bibig nito at tila hindi makapaniwalang nandito ako. Mabuti nalang pala at may pinatunguhan ang pagiging mala-unggoy ni Dos dahil tinuruan ako no'n kung paano mag-a-akyat sa mga puno kaya madali para sakin ang makaakyat dito.

Tumaas ang hintuturo ng lalaki sa direksiyon ko pero mukhang may sariling mundo na ang dalawang kasama niya. Kaya bago pa man siya makapagsalita, ngumiti ako ng tipid dito at itinapat ang sariling hintuturo sa harap ng labi.

Ang isang kamay naman ay tumuro-turo sa isang direksiyon sa loob ng kakahuyan kung nasaan kaming apat.

Lihim akong nagdiwang nang makitang parang tutang tumango-tango ito sa akin at nagsimulang maglakad sa direksiyon na itinuro ko. "Hoy, saan ka pupunta?!" sigaw ng kasamahan nito na hindi nitong pinansin at patuloy lang sa pag-alis sa lugar. Mabuti nalang at napag-desisyunan nilang sundan ito.

Naghintay pa ko nang ilang minuto bago nagpasyang bumaba sa puno nang masigurong wala na talaga sila.

Finally,

Pinagpagpag ko ang short shorts at white shirt na suot ko at saka nagsimulang maglakad sa kabilang direksiyon nang may napagtanto. "Buwisit, 'di ko nga pala alam daan pauwi sa amin."

Marahas na napabuga ako ng hangin at napahawak sa baywang saka napatingala. Magdidilim na. Ang ayos lang ng first day ko rito, adventure agad.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa kaya agad ko itong kinuha.

Kumag Uno calling...

Mabilis ko itong sinagot at saka lumapit sa isang katawan ng puno at nakatayong sumandal do'n. "O, buti naalala mong may pinsan kang ginutom sa bahay?" bungad na tanong ko. Nakarinig ako nang sunod-sunod na malulutong na mura. Malamang si Dos 'yon.

["Nasaan ka? Bakit wala ka rito sa bahay?"] it was Uno with his hoarse voice. Mukhang nagmamadali at hindi magkandaugagang tanong niya. ["Hoy, Dos, magluto ka nalang dito, ako na ang susundo kay Cha—"Sasama ako!"—" Magluto ka nalang nga! Siguradong 'di pa kumakain 'to."] tapos ay narinig ko ang pagtunog ng sasakyan sa kabilang linya. ["Hello, Charl? Naririnig mo ba 'ko?"]

"Oo, pero hindi ko alam kung nasaan ako. Naghahanap lang naman ako ng kakainan kaso nakita ako ng mga kaaway niyo kaya napatakbo ako at ngayon, naliligaw." Napangiwi ako nang malakas itong nagmura at nag-sorry sa akin. "Kaya mo naman i-track down ang location ko, 'di ba? Bukas ang GPS ko."

He hummed in response. ["Sinaktan ka ba nila? Wait for me there. Magtago ka muna kahit saan. Susunduin kita. Mga tarantadong 'yon, pati ikaw dinadamay!"] gigil na aniya na agad kong pinutol.

"I'm fine, 'wag kang OA at wala na sila. Bilisan mo kasi gutom na gutom na talaga 'ko." Kibit balikat ko itong binabaan ng linya. Bahala na, alam ko naming mahahanap niya 'ko e. Hindi ko lang inaasahan na ganito katagal bago simula makauwi at malamang wala ako ro'n. Gaano ba kaimportante ang pinuntahan nila para matagalan?

Nag iinat-inat nalang ako habang naghihintay. Tinali ko na rin saglit ang itim na itim kong buhok para mas mapreskohan.

Naupo ako sa lupa at tinukod ang dalawang kamay para masuportahan ang sarili at saka tumingala.

Papalubog na nga talaga ang araw. Napapikit nalang ako para damahin yung pagdampi sa mukha ko polluted na hangin.

Ilang minuto lang akong nakaganon nang may naramdaman akong parang nakatingin sakin. Mabilis akong nagmulat ng mga mata at tumingin sa isang direksiyon. Nagsalubong ang tingin namin ng isang binata.

Naka hilig ito sa katawan ng isang puno, naka halukipkip at mataman akong pinagmamasdan. Hindi ko alam kung ilang bang maitatawag ang nararamdaman ko sa ilalim ng mausisa nitong tingin.

Kunot-noo ko itong tinignan nang masama. Pero ang hudas, nginisihan ba naman ako bago umayos ng tayo at tumalikod para makaalis.

What the heck was that?

Akmang sisinghalan ko sana ang papalayong pigura nito nang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon, ang humahangos na mestisong pinsan ko ang nakita. "Charl, tara na." Hindi na 'ko nag-aksaya ng oras na pagtuunan muli ng pansin ang lalaki kanina at sumama sa pinsan ko.

Nakaparada ang midnight blue Aston Martin nito hindi kalayuan sa amin. Nang makasakay kami, mabilis na binuhay nito ang makina at s'yempre nangaral na dapat hindi ako naglalalabas sa bahay.

"Sa susunod, kapag wala kami ni Dos, at nagugutom ka, itawag mo nalang sa mga fast food chain. Huwag ka nalang lumabas ng bahay at baka mapano ka sa daan." sermon nito.

Tumatango tango lang ako rito at hindi na sinabing wala kasi akong load. Mahirap na, baka mabatukan pa kapag nakapagsalita nang mali. "Siya nga pala," sabay sulyap sakin bago binalik sa daan ang tingin. "Naayos ko na yung papel mo sa Hillman. Next week, pwede ka nang pumasok. Nilagay kita sa klase ni Dos kahit na hindi naman dapat. Walang choice e. Naging pabaya si gago at napakalat na pinsan ka namin."

Ayaw nila Uno at Dos na sa klase ni Dos ako mapunta pero wala raw kasing mag p-protekta sa akin kapag nasa ibang section ako napag trip-an.

As if namang kailangan ko ng proteksiyon.

Hindi naman ako ignorante sa kung anong meron at kaganapan sa eskwelahan nila. Pinaliwanag agad nina Uno at Dos para hindi ako magmukhang mangmang pagka pasok ko ron. 

"Uno, wala pa kong gamit," sabi ko bigla nang maalala. Hindi ko naman kasi alam na papayag pa sina lolo na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko matapos ng nangyari noong isang buwan.

Nakita kong nasa tapat na kami ng bahay. Pinarada muna ni Uno yung sasakyan at pinatay ang makina. Nang makababa, saka lang ako sinagot nito.

"Provided na sa school lahat. Attendance mo nalang ang kailangan next week."

Tumango nalang ako rito at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Agad akong dumeretso sa kusina at napangiti nang makitang hindi ako nabigo, may mga pagkaing hinanda si Dos. Nagugutom na kasi talaga ako e.

Kaugnay na kabanata

  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 2

    [Charl's PoV]Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse kasama sina Uno na nag d-drive at si Dos na nasa passenger seat. Monday na, ngayon ang unang araw ko sa Hillman High.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 3

    [Charl's PoV]First impression? Madaldal. 'Yan si Kleoff na 'di nauubusan ng k'wento sa buhay. Pati kung paano siya napunta sa 3-A ay kinu-k'wento niya.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 4

    [Charl's PoV]Natapos ang buong araw na wala talagang pumasok na kahit isang guro. Ang sabi ni Dan, p'wede namang may pumasok dito ang adviser ng 3-A para makilala ang bagong student pero mukhang nagdesisyon itong hindi nalang pumasok.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 5

    [Charl's PoV]Maaga akong nagising kinabukasan. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para matignan ang oras.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 6

    [Charl's PoV]Lunch break na nang matapos sila sa paglilinis ng room.Nailigpitna rin nila 'yung teacher na sana ay magiging bagong adviser namin kapalit daw nung naka-comatose na teacher.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 7

    [Charl's PoV]Natapos ang lunch break namin at tulad nang sinabi ni Dos, pinagdala nga niya ko ng cake. Isang slice ng strawberry shortcake, my favorite. Dahil wala namang nagbalak na pumasok na teacher ngayon sa klase namin matapos ang ginawa

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 8

    [Charl's PoV] Napatunganga nalang ang apat na batang kasama ko matapos kong ubusin ang laman ng pitsel ng beer. Hindi makapaniwala ang mga mata nila habang palipat lipat sa mukha ko at sa pitsel na nasa lamesa ang tingin nila.

    Huling Na-update : 2020-08-07
  • Secrets of the Muse | Filipino    Chapter 9

    [Charl's PoV] Alam kong pumayag akong maging nanay-nanayan ng mga pugo. Hindi dahil sa gusto ko nang magka-anak, kundi dahil alam ko ang pakiramdam na may gustong matawag na 'mama'. Walang namilit sa akin, kusa akong pumayag sa kapritsuhan nila.

    Huling Na-update : 2020-08-07

Pinakabagong kabanata

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status