Nakangiting pinagmasdan ni Dina ang lalaking katabi niya ngayon. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha, at pakiramdam niya'y nagtagumpay siya. Kasama niya ngayon si Diego sa kama, at naging routine na nila ang magkita tuwing gabi at gumising na magkasama sa iisang kama. "Hawak na kita ngayon, Diego. Ngayon na annulled na ang kasal ninyo ni Caroline, pwede na akong maging Mrs. Solise," sabi niya sa isip. Nag-iinit ang kanyang pisngi habang iniisip na magiging Mrs. Solise na siya sa hinaharap. Hindi na siya matatawag na kabit. Marahan niyang pinapatakbo ang kanyang daliri sa likuran ni Diego, na himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Alam niyang mahal pa ni Diego si Caroline, ngunit wala siyang pakialam. Mahal niya si Diego, at gagawin niya ang lahat para maging kanya lang ang lalaki. "You're mine now, Diego," bulong niya sa sarili.Bumaba na siya sa kama at tinungo ang banyo. Agad siyang nag-shower at nagulat nang makita ang ilang hibla ng buhok sa sahig ng shower room. Hindi sa
Pagdating ni Diego sa mansyon ng mga Solise, nadatnan niya ang kanyang ama sa sala kasama ang kanyang mga kapatid at ang ina. Hindi maipinta ang mukha ng ama at halatang galit na galit ito. Bigla namang kinabahan si Diego sa ikinikilos ng ama.“Dad, may problema ba?” agad niyang tanong nang makalapit siya rito.Huminga ng malalim ang kanyang ama, at isang malakas na sampal ang itinugon nito sa kanya. Gulat si Diego at hindi niya agad mag-proseso sa isip ang nangyayari.“Honey?” gulat na sambit ni Melissa habang agad inaawat ang asawa. “Kausapin mo muna ang anak mo bago ka magalit,” nag-aalalang sabi ni Melissa habang hinarap ang anak.“Okay ka lang ba, anak?” tanong niya habang hinahaplos ang pisngi nito.“Mom, ano ba ang nangyayari?” mahinang tanong niya sa kanya. Huminga ng malalim si Melissa at tiningnan siya diretso sa mata.“Kumakalat na ngayon sa social media ang balita tungkol sa pangangaliwa mo, anak. At hindi kami maniniwala hangga't hindi nanggagaling sa'yo ang katotohanan.”
Nasa kumpanya ngayon si Caroline at tinatapos ang ibang reports. Seryoso siya at walang iniisip kundi ang matapos ang trabaho at makauwi nang maaga dahil gusto niyang sa labas sila kumain ng pamilya ngayong gabi. Request kasi iyon ni Matthew, at plano rin nilang imbitahan si Diego sa family dinner. Dahil matagal-tagal na rin hindi nakikita ang mag-ama. Habang patuloy siyang nagtatrabaho, naririnig niya ang bulungan ng kanyang mga kasamahan, pero wala siyang pakialam at minamadali ang mga reports. Wala siyang panahon para maki-chismiss. "Is that the well-known Diego Solise? Hindi ba patay na siya?" Kunot-noo siyang napatigil sa pagta-type nang marinig ang pangalan ni Diego. "Oo nga, 'di ba? Binalita pa nga na pinatay siya ng kanyang asawa," sabat naman ng isa pang empleyado. Wala silang kaalam-alam na ang asawang binanggit nila ay kasama lang nila sa department. "Paanong nabuhay siya? Nakakaloko ha." "True."Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nawawala ang issue tungkol sa krim
Natameme si Diego sa narinig. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, nanghina ang kanyang mga tuhod, at napaluhod siya. Hindi siya makapaniwala na ang kabit pala ang dahilan ng pagkawala ng panganay niyang anak—at kasalanan niya rin iyon. Isa siyang pabaya na asawa. Napahilamos siya sa kanyang mukha, at sunod-sunod na nagsilabasan ang kanyang mga luha. Tahimik siyang napahagulgol habang ang kanyang mga kamay ay nasa mukha pa rin. Ngayon, mas lalo siyang nagsisisi dahil sa kanyang nagawa. Napakalaki ng kasalanan niya kay Caroline, at hindi katanggap-tanggap ang kanyang ginawa. "Patawad," humihikbing sabi ni Diego. "Walang kapatawaran ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Kasalanan ko ang lahat," hagulgol niya. "Patawarin mo ako, Caroline. Labis kitang nasaktan. Napaka-gago kong tao—irresponsable, manloloko, sinungaling. Hindi mo deserve ang isang katulad ko. Nabigo akong maging lalaki para sa'yo, nabigo akong maging ama, at nabigo akong maging asawa. Pinabayaan kita, Caroline," pat
HATING-GABI na nang makatanggap ng tawag si Raven mula kay Diego. Mukhang hinihingal ito at nahihirapan sa paghinga. Nang oras na iyon, nasa kanyang opisina siya sa loob ng bahay, samantalang si Caroline ay natutulog na sa kanilang kwarto. Kunot-noo man si Raven dahil sa biglaang tawag nito, hindi niya magawang balewalain dahil mukhang may nangyari.Mabilis na kinutuban si Raven kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumayo at kunin ang susi ng kanyang kotse. Alam niyang hindi pa sila lubusang nagkakasundo ni Diego, pero hindi na niya ito kalaban ngayon. Wala na siyang kailangang patunayan dahil alam niyang si Caroline at ang mga bata ay sa kanya pa rin"Nasaan ka?" kalmadong tanong ni Raven habang pinapaandar ang kanyang sasakyan."Sa bahay ko, alam mo na kung saan 'to, dahil nakapunta ka na rito noong dinala mo si Matthew," hirap na hirap nitong sabi. Rinig na rinig din ni Raven ang mabigat na paghinga ni Diego.Dinala niya kasi ang bata sa bahay nito isang beses, dahil gustong maki
Dinala nina Raven at Caroline si Diego sa ospital dahil nahihirapan itong huminga. Kahit ayaw nitong magpadala sa ospital, dinala pa rin nila ito upang magamot din ang mga sugat niya. May bantay sa kwarto niya upang walang sinuman ang makapasok. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa kwarto ni Diego sa ngayon dahil sa nangyari. Nagsimula na rin mag-imbestiga ang mga pulis sa bahay ni Diego, at nagbigay na rin ng pahayag sina Raven at Caroline. Ayon kay Diego, ang mga kapatid niya ang may pakana ng nangyari sa kanya. Nagpaiwan si Caroline sa ospital upang bantayan si Diego, na hindi pa rin nagigising simula nang dinala nila siya roon. May nais ding malaman si Caroline. Gusto niyang maintindihan kung bakit laging sinasabi ni Diego na masakit ang kanyang ulo. Sinabi rin ni Raven na uminom si Diego ng pain reliever bago sila umalis ng bahay. Hindi siya mapakali, lalo na nang mahawakan niya ang ulo ni Diego at mapansin ang labis na pagkalagas ng buhok nito. Malakas ang kutob niya na
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Stiffany nang magkita silang dalawa sa hideout nila. Nagulat si Stiffany sa ginawa ni Dina, sa biglaang pagsampal na hindi niya alam ang dahilan. Dahil dito, sinampal din niya si Dina ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Nanlilisik ang kanilang mga mata, at tila konti na lang ay mag-aaway na sila at magdadambahan."Ano ba ang problema mo?" singhal ni Stiffany kay Dina."Ikaw! Kayo ng mga kuya-kuyahan mo! Ano ang ginawa ninyo kay Diego?" nanlilisik ang mga mata ni Dina habang nagsasalita.Inirapan ni Stiffany si Dina at tinalikuran ito. "He deserves to die," ani Stiffany. "Dahil sa ginawa niya, nawala sa amin ang lahat. Sinumbong niya kay Daddy kung ano ang ginawa namin nina Kuya. Kung tumahimik lang sana siya, hindi siya mapapahamak." Nanggigigil na sambit nito."Paano mo nagagawa 'yon sa kapatid mo? Hindi ba baliw na baliw ka kay Diego? Ano'ng kapahamakan ang ginawa ninyo sa kanya?" sigaw ni Dina. "Mabait si Diego sa inyo, paano ni
Nagulat si Caroline sa paghingi ng basbas ni Diego sa kanya. She felt something touch her heart, at pakiramdam niya'y napawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi sakit at selos ang nararamdaman niya ngayon, kundi saya sa kanyang puso. The way humingi si Diego ng basbas sa kanya ay para bang sigurado na siya kay Dina—na para bang ito ang babaeng habang buhay niyang mamahalin.Tears streamed down her cheeks. Tiningnan niya ang kalagayan ni Dina na wala pa ring malay at pagkatapos ay tumingin kay Diego, na para bang sinasabi, "Please, let us be happy together.""C-Caroline, sorry. Please, don't cry. H-hindi na kita tatanungin tungkol sa bagay na 'yon. I am sorry, masyado lang ata akong desperado," he said in panic as he held Caroline's hand.Akala ni Diego ay galit pa rin si Caroline sa kanilang dalawa. Alam ni Caroline na hindi madaling maghilom ang sugat na dinulot nila."Maybe giving them a chance isn't bad, right?" sa isip ni Caroline.Pinahiran niya ang kanyang mga luha, at mahi