Share

149

HATING-GABI na nang makatanggap ng tawag si Raven mula kay Diego. Mukhang hinihingal ito at nahihirapan sa paghinga. Nang oras na iyon, nasa kanyang opisina siya sa loob ng bahay, samantalang si Caroline ay natutulog na sa kanilang kwarto. Kunot-noo man si Raven dahil sa biglaang tawag nito, hindi niya magawang balewalain dahil mukhang may nangyari.

Mabilis na kinutuban si Raven kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumayo at kunin ang susi ng kanyang kotse. Alam niyang hindi pa sila lubusang nagkakasundo ni Diego, pero hindi na niya ito kalaban ngayon. Wala na siyang kailangang patunayan dahil alam niyang si Caroline at ang mga bata ay sa kanya pa rin

"Nasaan ka?" kalmadong tanong ni Raven habang pinapaandar ang kanyang sasakyan.

"Sa bahay ko, alam mo na kung saan 'to, dahil nakapunta ka na rito noong dinala mo si Matthew," hirap na hirap nitong sabi. Rinig na rinig din ni Raven ang mabigat na paghinga ni Diego.

Dinala niya kasi ang bata sa bahay nito isang beses, dahil gustong maki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status