Share

145

Nakangiting pinagmasdan ni Dina ang lalaking katabi niya ngayon. Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha, at pakiramdam niya'y nagtagumpay siya. Kasama niya ngayon si Diego sa kama, at naging routine na nila ang magkita tuwing gabi at gumising na magkasama sa iisang kama.

"Hawak na kita ngayon, Diego. Ngayon na annulled na ang kasal ninyo ni Caroline, pwede na akong maging Mrs. Solise," sabi niya sa isip.

Nag-iinit ang kanyang pisngi habang iniisip na magiging Mrs. Solise na siya sa hinaharap. Hindi na siya matatawag na kabit.

Marahan niyang pinapatakbo ang kanyang daliri sa likuran ni Diego, na himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Alam niyang mahal pa ni Diego si Caroline, ngunit wala siyang pakialam. Mahal niya si Diego, at gagawin niya ang lahat para maging kanya lang ang lalaki.

"You're mine now, Diego," bulong niya sa sarili.

Bumaba na siya sa kama at tinungo ang banyo. Agad siyang nag-shower at nagulat nang makita ang ilang hibla ng buhok sa sahig ng shower room. Hindi sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status