Share

147

Nasa kumpanya ngayon si Caroline at tinatapos ang ibang reports. Seryoso siya at walang iniisip kundi ang matapos ang trabaho at makauwi nang maaga dahil gusto niyang sa labas sila kumain ng pamilya ngayong gabi. Request kasi iyon ni Matthew, at plano rin nilang imbitahan si Diego sa family dinner. Dahil matagal-tagal na rin hindi nakikita ang mag-ama.

Habang patuloy siyang nagtatrabaho, naririnig niya ang bulungan ng kanyang mga kasamahan, pero wala siyang pakialam at minamadali ang mga reports. Wala siyang panahon para maki-chismiss.

"Is that the well-known Diego Solise? Hindi ba patay na siya?" Kunot-noo siyang napatigil sa pagta-type nang marinig ang pangalan ni Diego.

"Oo nga, 'di ba? Binalita pa nga na pinatay siya ng kanyang asawa," sabat naman ng isa pang empleyado. Wala silang kaalam-alam na ang asawang binanggit nila ay kasama lang nila sa department.

"Paanong nabuhay siya? Nakakaloko ha."

"True."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nawawala ang issue tungkol sa krim
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status