Share

Rose Red (Tagalog/Filipino)
Rose Red (Tagalog/Filipino)
Author: Pyongieshii

Prologue

Author: Pyongieshii
last update Huling Na-update: 2020-09-29 20:21:54

Punong puno ng mga maharlika ang buong hall sa Seradia Castle. Lahat sila ay sabik nang makita ang pagdating ng bagong bisita ng kastilyo. 


Samantalang ang hari at reyna ay prenteng nakaupo sa trono pero gaya ng mga bisita nila na nasa loob ng hall ay nasasabik rin sila sa pagdating ang inaabangang bida ng kanilang pagtitipon-tipon. 


Dahan dahang bumukas ang pintuan kaya natahimik ang lahat. May ibang tumigil muna saglit sa pagkain at pag-inom ng mga mamahaling alak. 


Halos lahat ay namangha nang makita nila ang isang maganda at misteryosang babae na iniluwa ng malaking pintuan. May mga suot itong magagandang palamuti kaya naging mabigat at makapangyarihan ang impresyon nito sa mga bisita. Pero sa kabila 'non ay nabighani naman sila ng maamong mukha nito. May kasama rin itong mga dalawang babae na nakayuko. 


Nag-umpisa nang tumugtog ang mga musikero kaya nag-umpisa na rin maglakad ang babae sa gitna papunta sa kinaroroonan ng trono ng hari. Ang dulo ng puting bestida nito ay sumasadsad sa carpet ang maluwag at mahabang manggas naman nito ay pumapagaspas na parang mga pakpak. 


Puting bestida na kasalukuyang suot niya ay sumisimbolismo ng pagiging puro, busilak at malinis na hangarin. Minsan rin ay sinisimbolismo nito ang pagiging mahinhin at maamo ng isang babae. 


Pero sinisimbolo din nito ang isang nyebe, malamig pero kaakit akit. Kabigha bighani ngunit nakakapinsala. 


Kaagad na tumayo ang hari nang makalapit na ang babae sa trono niya. Tumabi naman sa gilid ang mga royal maids na kasama ng babae. 


Buong galang yumuko ang babaeng nakasuot ng puting bestida sa hari. Sinserong ngumiti naman sa kanya ang hari bilang tugon. Tumigil naman sa pagtugtog ang mga musikero nang dumating na ang tagapaglingkod ng kastilyo na may bitbit na maliit na unan at nakapatong dito ang kumikinang na korona. 


Marahas na hinugot naman ng hari ang kanyang espada. Dahan dahang lumuhod ang babae. Ipinatong naman ng hari ang kanyang espada sa kanang balikat, kaliwa at sa huli naman ay sa ulo ng babae. Pagkatapos ay ibinalik na niya sa kanyang lalagyan ang kanyang espada atsaka kinuha naman ang korona. 


Maingat na pinatong iyon ng hari sa kanyang ulo at pagkatapos ay dahan dahan nang tumayo ang babae. Nagpalakpakan naman ang mga bisita nang humarap sa kanila ang babae na may tipid na ngiti sa kanyang labi. 

Kaugnay na kabanata

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Crowned Princess

    01Asul na asul ang dagat at kumikinang kinang pa ito dahil sa sinag ng araw.

    Huling Na-update : 2020-09-29
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Runaway

    02

    Huling Na-update : 2020-09-29
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Worthy for punishment

    03

    Huling Na-update : 2020-09-29
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Royal Guard

    04

    Huling Na-update : 2020-09-29
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Prince of insects

    05

    Huling Na-update : 2020-09-29
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Longma

    06Kasalukuyang nakadungaw kaming dalawa ni Ciela sa bintana. Habang ang mga kasama naman namin ay sinasanay sa paggamit ng mga sarili nilang mga mahika.Napabuntong hininga na lang ako. Ito ang parusang pinataw sa amin ni Lady Annora sa paglabag ng pangunahing tuntunin niya sa kanyang ampunan. Ang ikulong kaming tatlo sa isang silid. Dito na lang daw kami magpatayan gamit ang mga sariling mahika namin.Pero si Snow White ay tahimik lang na nakaupo sa isang sulok. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha niya at nagbabasa lang ng libro habang tumatapik tapik sa sahig ang kanyang kanang paa."Kasalanan mo 'to!" inis na sabi ko kay Ciela. "Mahilig ka kasi mambintang ng ibang tao!"Napakunot noo

    Huling Na-update : 2020-10-01
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Scars of yesterday

    07Kaagad namin ginamit ang mga perang napanalunan ni Vayne sa paglalaro ng ahedres sa pag-renta ng mga libro sa public library. Pagkarating namin sa kwartong nirenta namin sa isang inn ay kaagad nilapag naman ni Damien ang anim na libro."Bakit ang dami?" pasinghal na tanong ko habang karga karga ko si Vayne na kasalukuyang sanggol ngayon. Samantalang kami naman ni Damien ay kasalukuyang nakasalampak sa sahig. Ang kaibahan nga lang ay nakaupo sa unan si Damien. Maarte kasi ang loko, madumi daw ang sahig."Hindi sapat ang isang libro!" kaagad na sagot ni Damien atsaka siya kumuha ng isang manipis na libro at pinakita ito sa akin. "At kakailanganin rin natin ito, tungkol ito sa mga tao rito na bigla na lang nawala. Paniguradong nandito rin ang mga magulang mo."Napairap naman ako, "Alam ko, dahil bi

    Huling Na-update : 2020-10-02
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Vampire's Beauty

    08"May alam ka ba na makakatulong sa amin para bumalik sa normal yung kaibigan namin?""Wala talaga?""Pasensya na kung naabala kita.""Ayos lang sa akin iyon, huwag kang mag-alala.""Nga pala, ito nga pala ang kaibigan kong si Celestia."Napangiwi na lang ako habang pinapanood ko si Damien na nakikipagusap sa isang tutubi.Kasalukuyang nasa labas kami ngayon nakatambay dahil umaga naman at hindi naman ganun nakakasilaw ang araw. Si Vayne naman ay syempre sanggol pa rin at karga karga ko ngayon.Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Snow White noon na si Damien ay walang nakikitaang isang katangian para mamuno ng isang k

    Huling Na-update : 2020-10-02

Pinakabagong kabanata

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Epilogue

    Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Goodbye, Butterfly

    34Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Snow White and Rose Red

    33Agresibong lumabas ang mga halaman ng rosas sa paligid ko habang masamang nakatitig sa isang impostor na nasa harapan ko ngayon. Samantalang siya naman ay walang emosyong nakatitig lang sa akin.Nanginginig ko

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Last Victim

    32"Nakakalungkot," malumanay na sabi ni Snow White habang nakaharap kami sa isang maliit na cupcake at may maliit itong kandila na nakapatong sa gitnang bahagi. "Tuwing kaarawan natin, palagi kong naalala sina Ama at Ina."

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   What the heart tells

    31Bahagyang napabuka ang bibig ko. Nagsinungaling sa akin si Damien. Buong akala ko ay ang markang nasa palad ko ay para bigyan ako ng sumpa sa oras na naglihim o nagtraydor ako sa kaniya pero ayun pala ay para protektahan ako sa alinmang sumpa.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Shape of Lies

    Shape of Lies30“Base sa nakikita ko sa sitwasyon mo ngayon, gan’yan rin ang kalagayan ng ibang nilalang na nakita ko bago sila mamatay para pakinabangan.”“Ikaw?!” gulat na ani ko.Hindi siya nagsalita. Namilog lang ang mga mata niya habang nakatitig rin ito sa mga mata ko. Kasalukuyan nahihirapan pa rin ito sa paghinga dahil sa halamang nakapulupot sa leeg niya. Ang mga kamay niya ay pinipilit naman luwagan ang pagkakapulupot

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Dear Huntsman

    29Bigla akong napahinto sa paglalakad. Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.Bakit?

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Magic Wielders

    28Walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Pati rin ang mga labi ko. Nawala rin pansamantala ang natural na kulay ng balat ko dahil sa pagkakaputla ko. Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos mahulog ng kapatid ko sa bangin.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   When Someone Dies

    27Wala na ang alaga niyang Pegasus na nakadagan sa likod ko kanina. Kasalukuyang nakatayo na ako ngayon habang pabalik balik ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang lalagyan."Sigurado ka?" taas kilay na

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status