Share

Scars of yesterday

Author: Pyongieshii
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

07

Kaagad namin ginamit ang mga perang napanalunan ni Vayne sa paglalaro ng ahedres sa pag-renta ng mga libro sa public library. Pagkarating namin sa kwartong nirenta namin sa isang inn ay kaagad nilapag naman ni Damien ang anim na libro.

"Bakit ang dami?" pasinghal na tanong ko habang karga karga ko si Vayne na kasalukuyang sanggol ngayon. Samantalang kami naman ni Damien ay kasalukuyang nakasalampak sa sahig. Ang kaibahan nga lang ay nakaupo sa unan si Damien. Maarte kasi ang loko, madumi daw ang sahig.

"Hindi sapat ang isang libro!" kaagad na sagot ni Damien atsaka siya kumuha ng isang manipis na libro at pinakita ito sa akin. "At kakailanganin rin natin ito, tungkol ito sa mga tao rito na bigla na lang nawala. Paniguradong nandito rin ang mga magulang mo."

Napairap naman ako, "Alam ko, dahil binasa ko na rin ang libro na iyan. Pero wala pa rin akong nakuhang sagot sa mga tanong na matagal nang bumabagabag sa isip ko magmula bata pa ako." kaagad kong naisipan ibahin ang paksa ng usapan namin. "Ah basta! Hindi muna yan ang importante sa ngayon! Kailangan nating maibalik sa dati si Vayne!"

"Oo na! Oo na!" ani Damien atsaka na niya nilapag ang librong pinakita niya sa akin kanina. Dumapo naman si Celestia sa isang libro kaya iyon ang kinuha ni Damien.

"Salamat, Celestia!" nakangiting ani niya at kaagad dumapo na sa balikat niya ang alaga niya bago niya buklatin ang libro.

Pero sumapit ang hating gabi ay hindi pa rin bumabalik sa normal si Vayne. Sabay kaming napahikab ni Damien dahil sa antok. Dahan dahan ko namang nilapag ang sanggol na si Vayne kama habang mahimbing itong natutulog at sinisipsip ang hinlalaki niya.

"Paano ngayon iyan?" nanonoblemang sabi ko.

"Paampon mo na lang," kaagad na sagot ni Damien.

"Timang! Hindi ko aabandonahin si Vayne 'no!" asik ko.

"O edi wala kang ibang choice kundi maging ina niya," natatawang sabi niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

Dinuro ko siya, "Ikaw ang may kasalanan nito kaya responsibilidad mong maging ama niya!" maautoridad na sabi ko.

Napakurap naman siya atsaka niya ako pinandilatan ng mata, "Nakakalimutan mo bang isang prinsipe pa rin ang kausap mo?!"

"Wala akong pakielam! Hindi kita pababalikin sa kastilyo hangga't hindi mo binabalik sa dati si Vayne!"

Kaagad na nabaling ang tingin namin kay Vayne nang marinig na naman namin ang pag-iyak nito. Napahawak na lang ako sa ulo ko sa inis.

Tumalikod ako habang nakahalukipkip, "Bahala ka d'yan, Ikaw na bahalang magpatahan sa kanya! Kanina pa ko nagpapatahan d'yan."

Napatakip na lang kami pareho ng tenga nang mas lalong lumakas pa ang paghikbi nito.

"Ano bang problema nito?!" iritadong sabi ni Damien.

Humarap naman ako sa kanya, "Silipin mo yung ibaba niya o yung ilalim niya." utos ko. "Baka nagdumi siya o umihi siya sa lampin niya."

Kaagad namang inis siyang humarap sa akin, "Ayoko nga! Kadiri!" reklamo niya. "Seryoso ka ba?! Hahayaan mong madumihan ang kamay ko?"

"Aba't--!" nanggigigil na anas ko sa kaartehan niya. "Ikaw ang lalaki kaya ikaw ang gumawa n'yan!"

"Eh bakit hindi ikaw ang gumawa?! Bakit kailangan mo pang i-utos sa akin?"

Nag-palabas naman ako ng halaman sa kamay ko habang matalim ko siyang tinitigan, "Pwede bang gawin mo na lang ang iniutos ko? Wala ka sa kastilyo ngayon kaya huwag mo kong artehan!"

"Hays!" inis na napabuntong hininga na lang siya. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago siya nagdabog at bago niya sinuri ang lampin ni Vayne. Kaagad ko namang pinalaho ang halamang sumulpot sa kamay ko.

"Wala."

Napataas ang kilay ko, "Sigurado ka?"

"Wala nga! Ang kulit mo!"

Patuloy pa rin ang malakas nitong pag-iyak. Pinainom naman na namin ito ng gatas kamakailan lang kaya imposibleng dahil sa gutom ang iniiyak iyak niya.

"I-hele mo!" utos kong muli kay Damien.

Inis na naman niya akong binalingan ng tingin, "Kanina ka pa utos ng utos sa akin ah!"

Napahinto naman kami bigla sa pagtatalo nang mapansin namin si Celestia na paikot ikot kay Vayne at sa isang iglap biglang napalitan ng mumunting tawa ang nakakarinding iyak nito.

Tipid na napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Vayne na tuwang tuwa sa paru-paro.

Madaling araw na ng makabalik na sa pagkakatulog si Vayne kaya ganoong oras na rin kami nakatulog ni Damien pero hindi pa nga kami tuluyang nakakabawi sa pagtulog namin ay nagambala na naman kami nang marinig na naman ang iyak ni Vayne.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Inis kong binalingan ng tingin si Damien na bumalik lang uli sa pagkakatulog at nag-bingi-bingihan na lang.

Kaagad ko namang binuhat sa bisig ko si Vayne pero kaagad ring nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong basa ang lampin nito. Napakagat na lang ako sa labi ko sa inis.

"Anak ng tipaklong ka naman, Vayne!" gigil na sabi ko sa kanya habang nakatitig ng diretso sa mata niya. Bigla namang dumapo ang maliit niyang kamay sa ilong ko.

"A-Aray!" daing ko nang madiin niyang pinisil ang ilong ko gamit ang buong kamay niya. Kulang na lang ay tanggalin niya ang mismong ilong ko sa mukha ko.

Nagawa ko namang mapalitan ng malinis na lampin si Vayne pagkatapos ng pang-aapi niya sa ilong ko kanina. Ngayon naman ay medyo tumahimik na siya dahil pinapainom ko na siya ngayon ng gatas habang nasa bisig ko siya ngayon.

Mabuti na lang ay may sapat pa kaming pera para makabili ng mga konting pangangailangan ng isang sanggol. Sa tulong ng teleportation stone na binenta ko.

Isang bagay na lang ang hindi ako nakasisigurado. Kung may pambayad pa ba kami para sa kwartong kasalukuyang nirerenta namin ngayon.

Tinanggal ko na sa maliit niyang bibig ang bote ng gatas kaagad kong binago ang pwesto ang pagkakarga ko kay Vayne para hindi siya mabulunan at pagkatapos 'nun ay binalik ko muli sa dati ang pagkakakarga ko sa kanya kaya muling nagtama na naman ang tingin namin.

Kumurap kurap naman siya sa akin at diretsong tumitig sa mukha ko. Talagang pokus na pokus talaga ang tingin niya sa pagmumukha ko kaya tinaasan ko naman siya ng kilay at bahagyang napabuka ang bibig niya bilang tugon. Napangiti naman ako sa inakto ng sanggol.

"Tinitingin tingin mo dyan ah," usap ko sa kanya. Naalala ko tuloy ang sabi sabi ng ibang tao na narinig ko rin dati mula kay Vayne na palagi daw nakapokus ang tingin ng sanggol sa mga bagay na magaganda sa paningin niya.

"Bakit?" kinausap ko na rin siya na parang bata dahil hindi ko din maiwasang panggigilan ang maamo niyang mukha. "Nagagandahan ka ba sa 'kin ha?" natutuwang tanong ko.

Napapikit naman ako ng bigla akong makatanggap ng sampal mula sa munting kamay niya.

Aba naman!

"Anak ng tokwa!" nasambit ko bigla pero hindi pa siya tapos bigla niya namang hinila ang ilang hibla ng buhok ko at pinanggigilan ang mga ito.

Kung ano ano ng ekspresyon o mura ang nasabi ko dahil sa pinag-gagawa sa akin ni Vayne kaya hindi na ako nakatiis at kaagad ko na siyang nilapag sa kama. Tahimik na rin ito dahil tinamaan na ito ng antok. Samantalang si Damien naman ay napakasarap pa rin ng himbing.

Nabaling naman ang tingin ko sa mga librong nagkandapatong patong sa lamesa sa gilid naman nito ay ang wand na ginamit ni Damien kay Vayne kaya naging sanggol ito. 

Kinuha ko ang wand at pinagmasdan ito. Pinadaan ko naman ang daliri ko sa disenyo nito. Simple lang ang itsura ng wand at mukhang madaling masira dahil siguro ay baguhan palang sa pag-aaral ang prinsipe.

Nilapag ko na ito sa lamesa at nabaling naman ang tingin ko sa mga librong nirenta namin. Nasa pinakaunahan naman ang isang manipis na libro na mga kontinh impormasyon tungkol sa mga taong misteryosong pagkawala.

Kinuha ko ang libro at binuklat ito.

Matagal nang nakalimutan ng mga tao sa lugar na ito ang misteryong ito. Dahil sa ngayon ay wala namang nababalitang may nawawala. Pero hanggang ngayon ay walang may alam kung anong dahilan kung bakit ang mga taong nasa libro na ito ay hindi na muling nagpakita.

Napadako naman ako sa larawan ng mga magulang ko sa libro. Nakasaad rito kung kaylan sila huling nakita at kung anong mahika ang meron sila. Pero wala rito ang tungkol sa aming dalawa ni Snow White.

Nalaman ko lang ang apelyido ng mga magulang ko dahil sa librong ito. Pero wala talaga akong naalala na apelyido nila mula sa pagkabata ko.

Napabuntong hininga na lang ako at sinarado ang libro. Matagal na rin pala nung huli kong binasa ang libro. Isang munting dalagita pa ako nung mga panahon na iyon. Bago bago pa lang ako sa lugar na ito.

Hanggang sa dumating rin ang araw na tinanggap ko na lang na ulila ako. Akala ko sa ganoong paraan ay matatahimik ako at makakalaya ako sa bigat ng nararamdaman ko. Magpahanggang ngayon ay naghahanap pa rin pala ako ng sagot pero umaasa na lang ako ngayon na darating na lang iyon ng kusa sa akin.

"Ayos ka lang?" napatigil ako sa pag-iisip at napalingon ako sa pwesto ni Damien na seryosong nakatitig lang sa mukha ko.

"Ikaw? Hanggang kailan mo balak d'yan sa kama?" tanong ko pabalik sa kanya atsaka ko nilapag ang librong hawak ko at kumuha ng isa pang libro pagkatapos ay saka ako umupo sa kamang hinihigaan niya.

Tumabi naman siya sa akin at sinilip ang  librong binubuklat ko.

"May ideya ka na ba?" tanong niya.

"Hindi ba't ikaw dapat ang tinatanong ko n'yan?" ani ko habang patuloy pa ding binubuklat ang libro. "Sabagay, mukhang baguhan ka pa lang sa pag-aaral ng spells."

"Bakit hindi tayo humingi ng tulong sa guro mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pwede!" kaagad na kontra niya kaagad ko naman siyang sinuway na hinaan ang boses niya na kaagad niya namang sinunod. "Baka magsumbong iyon na lumayas ako sa kastilyo namin."

Napangiwi na lang ako, "Sabagay, baka ibalik ka na lang sa kastilyo niyo nang hindi pa nakakabalik sa normal si Vayne. Kung ang guro mo naman ang magbabalik kay Vayne sa dati baka kung ano ano pa ang hingin niyang kapalit."

"Sa tingin ko naman hindi ganun ang guro ko."

"Sa tingin mo pero sa akin iba ang tingin ko sa kanya lalo na't hindi ko pa siya nakikita," sabi ko na lang at maya't maya ay napatigil ako sa isang pahina at bigla kong naisipang lingunin siya.

"Damien, Ano ba ang guro mo? Isa ba siyang wizard, spellcaster o sorcerer? Teka, isa na ba siyang mage?" sunod sunod na tanong ko.

"Huh?" tanging reaksyon niya.

"Hindi mo pa ba napag-aaralan ang pagkakaiba iba ng mga taong gumagamit ng magic spells?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot kaya bahagyang tumawa ako. "Ibig sabihin hindi mo alam kung anong klase ka?"

"Wizard," sagot niya. "Diba?"

Mahinang napatawa naman ako at pinindot ang ilong niya dahilan para mapakurap siya sa ginawa ko.

"Mahal na prinsipe," natatawang sabi ko. "Mukhang kailangan mo nang maagang pagdaragdag ng leksyon," nakangiting sabi ko. "Sige ituturo ko sayo, bago pa maituro sayo ng guro mo."

                                   ~*~

"Wizards at Witches karaniwan mo silang makikita na may hawak na wand. Dahil iyon ang ginagamit nila para maging epektibo ang isang spell. Pero kailangan pa rin ang chant para gumana ang spell. Iyon ang kasalukuyang tawag sa isang katulad mo at dahil baguhan ka pa lang na nag-aaral. Nakasisiguro ako na isa kang Class D wizard."

"Ang mga Wizard at Witches ay may iba pang bagay na eksperto sila bukod sa spells ay ang paggawa ng mga mahihiwagang potions."

Partida, nagbibigay pa ako ng impormasyon habang hinihele ko si Vayne. Mabuti na nga lang at hindi nag-inarte ang isang 'to.

Samantalang si Damien na nagsusulat sa kwaderno niya habang nagsasalita ako. Mukhang magugulat talaga ang guro niya kapag alam na kaagad ni Damien ang tungkol dito.

"Sunod naman ang mga spellcasters, karaniwan mo silang makikitang may bitbit na maliit na mahiwagang libro," medyo nakaramdam ako ng pagkasabik habang nagsasalita ako. Ito kasi ang mga bagay na natutunan ko mula kay Lady Annora nung nasa bahay ampunan pa lang ako.

"Hindi na nila kailangan ng wand para gumana ang spell. Sapat na ang chant o ang salita mula sa bibig nila."

Tinaas naman niya ang dalawang daliri niya kaya tumango lang ako para makapagtanong siya.

"Kung isa akong wizard, pwede rin ba akong maging spellcaster?" tanong niya.

"Umiling ako, Sa pagkakaalam ko hindi," tugon ko. "Tuloy ko na ba?"

Tumango naman siya sa akin kaya nag-umpisa pa akong magsalita sa harap niya.

"Sorcerer o sorceress..." panimula ko. "Ang iba sa kanila ay gumagamit ng wand ang iba naman ay hindi pero malalaman mo na isa silang sorcerer kapag hindi sila gumagamit ng chant. Dahil ang sariling isip lang nila ang ginagamit nila sa pagbigkas ng spell."

"At ang huli ay ang Mage," ani ko. "Matatawag ka lang na isang mage kapag may kakayahan ka nang mag-imbento ng spell."

Napatango tango naman siya sa sinabi ko atsaka niya sinara ang maliit niyang kwaderno.

"Ngayon dahil may tinuro na ako sayo na nalalaman ko, kailangan mo nang ibalik sa normal si Vayne," ngumiti ako ng makahulugan. "May utang na loob ka na sa akin ngayon."

Tumayo naman siya at kumuha ng isa pang libro, "Hindi ko ibabalik sa dati ang kaibigan mo," lumingon siya sa akin at siya naman ngayon ang ngumiti ng makahulugan.

Biglang napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha ko, "Anong sabi mo?!"

Ngumiti siya sa akin at pinakita ang manipis na libro, "Ngayong tayong dalawa na lang ang nagkakausap, matutulungan mo na akong malutas ang misteryong ito."

Dahan dahan kong nilapag si Vayne sa kama atsaka ako inis na tumingin sa kanya, "Alam mong walang maitutulong ang magulang ko. Isa lang sila sa mga biktima."

"Hindi ka ba natatakot na baka kayong dalawa ni Vayne ang susunod?" sabi niya. "Wala pang nakakaalam kung anong dahilan ng pagkawala nila kaya maaring may mga kasunod pa kahit matagal na taon na ang nakalilipas. Kung tutuusin, baka kulang pa ang mga biktima na nakalagay sa libro na 'to."

"Wala ka na bang pakielam sa magulang mo?" dagdag pa niya. "Bakit hindi ka interesadong malaman kung ano ba talagang nangyare sa kanila?"

"Hindi mo naiintindihan," malamig na pagkasabi ko sa kanya at naglakad ako palapit sa kanya. "Labing isang taong gulang akong pumunta ng mag-isa sa lugar na ito para lang masagot ang mga tanong tungkol sa mga magulang ko."

"Sa murang edad na iyon ay pumasok ako ng katulong para lang may matirhan ako pero sa murang edad ko ay maagang namulat ang kaisipan ko kung gaano kababa ang tingin sayo ng mga taong may kaya." may halong hinanakit ang pagkukwento ko sa kanya. "Kapag mahirap ka at walang pera. Lahat may karapatan silang gawin kung anong gusto sayo."

Tumalikod ako sa kanya at dahan dahan kong itinaas ang damit ko mula sa likod. Narinig ko naman ang pagsinghap niya dahilan para umangat ang sulok ng labi ko.

"Kung hindi ka naniniwala pwede mong hawakan ang mga peklat sa likod ko," walang emosyong sabi ko. Pero hindi ko naramdaman ang kamay niya sa likod ko at wala rin akong narinig na tugon mula sa kanya kaya dahan dahan ko nang ibinaba ang damit ko.

"Pero kahit malupit ang naging trato sa akin at kahit nabalot ako ng takot nung mga araw na iyon. Hindi ako tumigil kakahanap ng sagot tungkol sa mga magulang ko. Tumakas ako sa lugar nila, naging palaboy dahil wala nang matirhan. Hanggang sa nakilala ko si Vayne at naging kasama ko na rin siya sa paghahanap ng sagot." humarap ako sa kanya at tinignan ang mukha niya. "Ilang taon na kaming dalawa? Parehong labing siyam na kami pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakukuhang sagot."

"Naiintindihan mo ba ang ibig sabihin kong iparating?" tanong ko sa kanya.

"Kung ikaw sumusuko ako hindi," determinadong sabi niya. "Mahahanap ko ang sagot. At sa oras na nahanap ko iyon, magpapasalamat ka rin sa akin."

"Hindi mo kailangan gawin iyan para sa akin," kunot noong sagot ko sa kanya.

Bahagyang natawa naman siya, "At sinong may sabing ginagawa ko ito para sayo?" natatawang sagot niya. "Gusto ko lang patunayan na mas karapat dapat na ako ang maging tagapagmana ng trono at hindi ang babaeng anak lamang ng isang kerida."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko lang inaasahan na mababanggit niya si Snow White.

Napansin ko naman na nagtaka siya, "Teka?" natatawang sambit niya. "Huwag mong sabihing hindi mo alam na isang anak lang ng kerida ang crowned princess?"

Hindi siya anak ng kerida, Damien. Kapatid ko siya. Kakambal ko siya.

Humalikipkip siya, "Kung ganun, ngayon alam mo na," atsaka siya umalis sa harapan ko.

Lumingon naman ako sa kanya, "Sige na, hahayaan na kita na malaman kung ano ba talaga nangyare sa mga magulang ko. Basta ibalik mo muna sa normal si Vayne, kakailanganin din natin siya."

Napatingin naman siya sa akin dahil sa mga sinambit ko.

"Baka sa pagkakataong ito, ay malaman ko na ang sagot tungkol sa magulang ko," kibit balikat na sabi ko. "Kung malaki ang tiwala mo sa sarili mo, Mukhang kailangan ko ring magtiwala sayo."

Related chapters

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Vampire's Beauty

    08"May alam ka ba na makakatulong sa amin para bumalik sa normal yung kaibigan namin?""Wala talaga?""Pasensya na kung naabala kita.""Ayos lang sa akin iyon, huwag kang mag-alala.""Nga pala, ito nga pala ang kaibigan kong si Celestia."Napangiwi na lang ako habang pinapanood ko si Damien na nakikipagusap sa isang tutubi.Kasalukuyang nasa labas kami ngayon nakatambay dahil umaga naman at hindi naman ganun nakakasilaw ang araw. Si Vayne naman ay syempre sanggol pa rin at karga karga ko ngayon.Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Snow White noon na si Damien ay walang nakikitaang isang katangian para mamuno ng isang k

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Witness

    09"Pwede po bang magtanong?"Naalala ko nung mga panahong nasa labing tatlong taong gulang pa lang ako. Wala na ako sa poder ng isang pamilya na nanakit at nag-abuso sa akin. Pero pabalik balik pa rin ako sa pampublikong librarya para paulit ulit kong hiramin ang librong may nilalaman na impormasyon tungkol sa magulang ko.Tinaasan lamang ako ng kilay ng babaeng tagapagbantay ng librarya. Kaya tumikhim naman ako bilang senyales na nag-aabang ako ng sagot niya."Nagtatanong ka na, hija," pamimilosopo niya sa akin. "Ano ba iyon?" medyo iritado pa ang tono ng boses niya habang nagtatanong."Saan po matatagpuan ang may akda ng libro na ito?" pinakita ko sa kanya ang manipis na librong hawak ko.Kinunotan naman niya ako ng noo at

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Questioning the friendship

    10Kinurap ko ang mata ko para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko at mabuti na lang ay nagtagumpay akong pigilan ito.Samantalang si Damien ay nakarehistro pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. Malungkot na napabuntong hininga na lang ako atsaka ako sumulyap sa alaga niyang paru-paro."Kahanga-hanga ang alaga mo," komento ko atsaka ko binalik ang tingin ko kay Damien. "Hindi ko akalain na isang insekto ang unang makakatuklas ng sikreto ko.""Pati si Vayne ay wala ring alam sa ginawa mo?" 'di makapaniwalang tanong niya."Syempre," kaagad na tugon ko. "Hindi niya alam." seryosong sabi ko. "Hindi naman ako papayag na matuklasan niya ang sikreto ko."Mahinang tumawa naman siya samantalang ako ay pinatili kong blangko ang ekspre

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Secret of Shapeshifter

    11Isa o dalawang oras na yata ang lumipas o di kaya tatlong oras na rin yata pagkatapos akong umalis sa silid na iyon. Nanatili lang akong nasa hapag kainan at tumutungga ng alak na para bang isang ordinaryong tubig lang ito.Natulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng malalim. Punong puno ng pag-alala ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako ngayon haharap sa kanila pagkatapos ng naging usapan kanina.Napabuntong hininga ako at muli na namang tumungga ng alak. Napakunot noo naman ako ng may dumapong paru-paro sa baso.Sarkastikong napatawa naman ako, "Hanggang ngayon, sinusundan mo pa rin ako?" ani ko kay Celestia. "Pwede bang doon ka na sa amo mo?" inis na sabi ko. "Tutal nakumpirma mo na rin naman yung hinala mo sa akin kaya huwag mo na akong susundan!" Napatingin naman sa aki

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Wanted

    12Kaagad kong kinuwento kay Vayne ang tungkol sa natanggap kong sulat. Katulad ko ay naguluhan rin siya at nagulat rin sa mga sinabi sa akin ni Damien."Sabi ko naman sayo eh," ani niya sa akin. "Susulat rin siya sayo, kaya lang nakakapagtaka lang na natuklasan na niya na daw ang lahat,"kunot noong banggit niya. "Sigurado ba siyang ang LAHAT talaga ang natuklasan niya?""Hindi rin siguro basta basta ang talino ni Damien kaya siguro posible ang bagay na iyon," kibit balikat na sagot ko."Pero kung natuklasan na nga niya ang lahat. Bakit wala siyang binigay na impormasyon sayo?"nagtatakang tanong niya. "Nakakapagtaka eh, agad-agad? Wala muna siyang lista ng mga taong pinagsususpetyahan niya. Talagang sigurado na siya na ang taong iyon ang pumatay sa magulang mo?"

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Escape or stay

    13Nasa kamay ko na ang susi para makalabas sa lugar na ito. Ang problema nga lang ay namamanhid pa rin ang kanang hita ko kaya hindi pa ako makakatayo at makakalakad ng maayos.Kailangan ko nang mapuntahan kaagad si Vayne.Sana lang ay maayos ang kalagayan niya ngayon. Kahit alam kong kakayanin naman niya dahil sa kakayahan niya. Pero kahit na ganoon ay posible pa ring manganib ang buhay niya sa mga nilalang na pwedeng umatake sa kanya.Pero paano kung mas lalo siyang mapahamak kapag sinundan ko siya. Paano kung sundan ako ng mga taong gustong humuli sa kanya?Pero nangako ako kay Vayne. Nangako ako na susundan ko siya. Paano rin kung may masamang mangyare sa kanya habang wala ako sa tabi niya?Sumapit ang gabi, ginalaw gala

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Kill or be killed

    14Kulay itim ang buong kulay ng katawan nila. Ang tindig nila ay parang isang tao pero bahagyang nakakuba sila dahil sa mahahabang braso nila. Anim o pitong talampakan ang tangkad nila at ang mga ulo nila ay isa nang bungo. Ngunit hindi ito bungo ng isang tao kundi bungo ng isang hayop.Ang mga kamay nila ay mahahaba pati rin ang mga kuko nila at sa tingin ko sobrang tatalas rin ng mga ito. Mahahaba rin ang mga dila nila at base sa mga inaakto ng mga ito ay mukhang gutom na gutom ang mga ito. Tuwang tuwa na may sumulpot na isang putahe sa harapan nila.Halos mabingi ako ng sabay sabay silang umatungal sa harapan ko habang pinalilibutan nila ako. Bago pa nila magawang sumugod sa akin ay kaagad na may matitinik na mga halamang rosas ang pumulupot sa buong katawan nila. Pinagsamantalahan ko kaagad ang pagkakataon na iyon para tumakbo pa

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Crime

    15"Oo, totoong kakambal ko si Snow White...Siya ang taong napatay ko."Pagkatapos kong sambitin ang pangalan ng kakambal ko ay madaming alaala ang kaagad na sumulpot sa isipan ko. Alaala na kahit anong baon ko sa kasuloksulokan ng isip ko ay hinding hindi ko magawang makalimutan.Sa murang edad na labing isa ay nakagawa na ako ng isang krimen. Nagawa kong makapatay ng isang tao at kakambal ko pa.At sa murang edad na iyon, buong akala ko'y doon na nagwakas ang buhay ni Snow White.Tahimik akong naglalakad sa labas ng bahay ampunan. Marami ring mga kabataan na katulad ko ang naglalaro sa labas, nagkukulitan at nagkwekwentuhan.Pero iilan sa kanila ay napapatingin sa akin sa tuwing madadaanan ko sila. Wala akong ideya

Latest chapter

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Epilogue

    Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Goodbye, Butterfly

    34Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Snow White and Rose Red

    33Agresibong lumabas ang mga halaman ng rosas sa paligid ko habang masamang nakatitig sa isang impostor na nasa harapan ko ngayon. Samantalang siya naman ay walang emosyong nakatitig lang sa akin.Nanginginig ko

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Last Victim

    32"Nakakalungkot," malumanay na sabi ni Snow White habang nakaharap kami sa isang maliit na cupcake at may maliit itong kandila na nakapatong sa gitnang bahagi. "Tuwing kaarawan natin, palagi kong naalala sina Ama at Ina."

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   What the heart tells

    31Bahagyang napabuka ang bibig ko. Nagsinungaling sa akin si Damien. Buong akala ko ay ang markang nasa palad ko ay para bigyan ako ng sumpa sa oras na naglihim o nagtraydor ako sa kaniya pero ayun pala ay para protektahan ako sa alinmang sumpa.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Shape of Lies

    Shape of Lies30“Base sa nakikita ko sa sitwasyon mo ngayon, gan’yan rin ang kalagayan ng ibang nilalang na nakita ko bago sila mamatay para pakinabangan.”“Ikaw?!” gulat na ani ko.Hindi siya nagsalita. Namilog lang ang mga mata niya habang nakatitig rin ito sa mga mata ko. Kasalukuyan nahihirapan pa rin ito sa paghinga dahil sa halamang nakapulupot sa leeg niya. Ang mga kamay niya ay pinipilit naman luwagan ang pagkakapulupot

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Dear Huntsman

    29Bigla akong napahinto sa paglalakad. Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.Bakit?

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Magic Wielders

    28Walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Pati rin ang mga labi ko. Nawala rin pansamantala ang natural na kulay ng balat ko dahil sa pagkakaputla ko. Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos mahulog ng kapatid ko sa bangin.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   When Someone Dies

    27Wala na ang alaga niyang Pegasus na nakadagan sa likod ko kanina. Kasalukuyang nakatayo na ako ngayon habang pabalik balik ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang lalagyan."Sigurado ka?" taas kilay na

DMCA.com Protection Status