Share

Vampire's Beauty

Author: Pyongieshii
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

08

"May alam ka ba na makakatulong sa amin para bumalik sa normal yung kaibigan namin?"

"Wala talaga?"

"Pasensya na kung naabala kita."

"Ayos lang sa akin iyon, huwag kang mag-alala."

"Nga pala, ito nga pala ang kaibigan kong si Celestia."

Napangiwi na lang ako habang pinapanood ko si Damien na nakikipagusap sa isang tutubi.

Kasalukuyang nasa labas kami ngayon nakatambay dahil umaga naman at hindi naman ganun nakakasilaw ang araw. Si Vayne naman ay syempre sanggol pa rin at karga karga ko ngayon.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Snow White noon na si Damien ay walang nakikitaang isang katangian para mamuno ng isang kaharian. Sa tingin ko meron naman, yun ay ang pagiging determinado nya. Pero kung malaman ng mga tao rito na si Prince Damien ang lalaking nakikipagusap sa mga tutubi at paru-paro ay tiyak na iba ang magiging pagtingin nila dito.

Pakiramdam ko ang sama ko sa sasabihin ko pero hindi ko alam kung magagawa siyang respetuhin ng mga tao rito kapag nalamang ganito siya.

"Sigurado talaga kayo na wala kayong kilalang tao na malalapitan?"

"Oo nga pala, sabagay sa dami ng taong nadadaanan niyo paniguradong wala na kayong matatandaan."

"Pero sana, maalala niyo ang mukha ko. Ako lang naman ang nakakaintindi sa inyo eh."

Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang pag-ngiwi ko sa bibig ko habang pinagmamasdan siya. Hindi sa panlalait pero para talaga siyang tanga. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya. Nakasisiguro naman ako na wala siyang sakit sa pag-iisip pero sigurado ba siyang naiintindihan niya sila? Parang hindi kapani-paniwala. Anubayan.

Narinig kong nag-lumikot si Vayne sa bisig ko kaya napatingin naman ako sa kanya. Nag-uumpisa nang lumukot ang mukha niya kaya alam kong iiyak na naman ito kaya tinitigan ko ito ng masama.

"Ano? Naghahanap ka ng gatas ng ina? Pasensyahan tayo wala ako 'nun."

At ayun na nga, umiyak na naman siya ng malakas kaagad ko namang sinayaw sayaw ang bisig ko para mawili siya at matigil ang pag-iyak niya. Mabuti na lang at naging epektibo ito at unti unting humina ang boses niya.

Napatigil naman ako ng may maramdaman akong may dumapo sa balikat ko at si Celestia na naman ito. Hindi ko na lang ito pinansin at hinayaan ko na lang siyang nakadapo sa balikat ko.

Napabuntong hininga na lang ako, "Nakakapagod naman maging nanay," nasambit ko na lang. "Hindi na ako mag-aasawa habang buhay."

Maya't maya ay medyo matirik na ang araw kaya niyaya ko na si Damien na bumalik sa loob dahil wala naman siyang nakuhang impormasyon sa mga tutubi.

Bumalik kami sa kwarto namin at pinainom ko na muna ng gatas si Vayne habang nakalapag ito sa kama. Buti pa ito ang sarap ng buhay. Tulog, gising, iyak, gatas lang trabaho nito. Gusto ko na din tuloy maging isang sanggol na lang.

Nang mabusog na si Vayne ay hinayaan ko na lang muna siyang nakahiga lang sa kama.

Humalikipkip naman ako atsaka na ako lumapit kay Damien na kasalukuyang nagbabasa ng isang maliit na libro habang nakatayo. Seryosong seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa isang pahina ng libro.

"May ideya ka na kung paano bumalik sa normal si Vayne?" tanong ko sa kanya habang nakahalukipkip. Kaagad niya namang sinarang ang libro at inipit ang daliri niya atsaka niya binaling ang tingin sa akin.

"May ideya na ako," turan niya. "Kaya lang kailangan natin siyang painumin ng potion."

"Anong klaseng potion?" kaagad na tanong ko.

"Bamfyro grozis," banggit ni Damien. "Tinatawag rin itong Vampire's beauty."

Namilog naman ang mata ko, "Ano?" gulat na sabi ko. "Teka? Gagawin mong bampira si Vayne? Kung yung pagiging shapeshifter nya nakakatakot na nga eh pagiging bampira pa kaya?"

"Hindi ka naman gagawing bampira ng potion na iyon," ani Damien. "May isang ingredient lang ng potion na iyon na galing sa mga bampira. Karaniwan itong ginagamit ng mga matatandang mayayaman para bumata ang itsura nila."

"Pero sa kaso ni Vayne..." napatingin naman siya sa humahagikgik na sanggol sa kama kaya pati ako rin ay napatingin na rin kay Vayne.

"....baka maging fetus siya," ani niya atsaka siya napatawa ng malakas. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero hindi ito natinag kaya binatukan ko na lang siya para tumigil.

Napahawak siya kaagad sa ulo niya at inis na tinignan ako, "Ano ba?!" inis na sabi niya.

Inis na napabuntong hininga na lang ako atsaka ko siya tinaasan ng kilay, "Wala na bang ibang potion na makakabalik sa kanya sa normal?"

"Sa ngayon, ito pa lang ang naiisip kong solusyon," ani niya. "Mahirap kasi makahanap ng mga potion na makakatulong sa edad ng tao at itong bamfyro grozis potion lang ang pinakakilala sa ngayon na may ganung klaseng potion."

Napangiwi na lang ako at napameywang. Hindi rin maganda ang kutob ko sa potion na sinasabi niya. Baka mas lalong lumala lang sa lagay ni Vayne.

"Matatagalan tayo kakahanap ng impormasyon kung iisip pa tayo ng ibang solusyon."

"Ayos lang!" sabi ko atsaka ako tumalikod mula sa kanya at kumuha ng iba pang libro. "Maghanap pa tayo ng ibang solusyon. Baka 'yang potion na sinasabi mo ay wala talagang maitutulong sa sitwasyon ni Vayne."

"Kung lumapit kaya tayo sa mga bumebenta ng potion? Tanungin natin kung kaya rin ba ng Bamfyro grozis patandain ang isang tao?" suhestyon ni Damien.

Napaisip naman ako sa sinabi niya kaya matagal akong nanahimik at hindi ko muna siya inimik. Mukhang inaabang naman niya ang magiging sagot ko sa sinabi niya.

Hanggang sa lumipas ang ilang segundo  atsaka ko napagdesisyon na sumang-ayon na sa kanya, "Sige."

                                          ~*~

Hindi ko na mabilang kung ilang bentahan ng potion na nga ba ang napuntahan namin. Karamihan sa kanila hindi alam ang potion na iyon kaya kailangan pang ipakita sa kanila ang libro na pinagbasehan ni Damien para maipakita lang sa kanila. May iba naman na nakakaalam ng tinutukoy naming potion pero hindi daw sila nagbebenta nito.

"Sabi ko naman sayo eh," ani Damien. "Mahirap makahanap ng potion na nakakatulong sa edad ng tao."

"Akala ko ba pinakakilala ang bamfyro grozis?" nagtatakang tanong ko habang nasa bisig ko pa rin si Vayne habang naglalakad lakad kaming dalawa.

"Ang sabi ko! Sa mga potion na related sa edad! Bamfyro grozis lang ang pinakakilala sa kanila! Kapag lumapit ka sa bentahan ng potion at nagtanong ka kung paano bumata yada yada Bamfyro grozis ang sasabihin nila sayo! Yun ang ibig kong sabihin!" paliwanag niya sa medyo malakas na boses.

"Kalma!" sambit ko. "Di mo naman kailangan magalit. Nagtatanong lang naman."

"Hindi ako galit!" asik niya. "Biro lang, medyo pagalit na pala. Ang bobo kasi ng tanong mo eh."

"Pasensya na po kamahalan!" sarkastikong sabi ko. "Handa po akong tanggapin ang kaparusahang ipapataw niyo sa akin dahil sa aking katangahan, kamahalan!" yumuko yuko pa ako para asarin siya.

"Buti naman at inaamin mo na tanga ka," komento niya. "At pwede ba? Huwag mo kong tawaging 'kamahalan'? Bukod sa para kang ewan, para lang sa hari ang ganyang tawag."

Natawa naman ako pero natutuwa pa akong asarin siya kaya mas lalo ko pang pinag-igihan ang ginagawa ko, "Ayaw mong tawagin kang kamahalan? Sige." lumawak naman ang ngiti ko. "Panginoon! Panginoon! O Panginoon ng mga insekto!"

Mas lalo akong natuwa nang makita ko ang nanggigil na ekspresyon ng mukha niya. Napatakip pa talaga siya ng tenga niya dahil sa mga sinambit ko.

"Tumigil ka nga!" singhal niya. "Mas lalong ayoko n'yan!"

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa reaksyon niya pero nginiwian niya lang ako atsaka niya ako inirapan.

Maya't maya ay nakarating na kami sa isang munting bahay  na sa tingin ko ay nagbebenta rin ng mga potion. Kaagad kong sinenyasan si Damien na buksan ang pinto dahil karga karga ko pa si Vayne.

Sinenyasan niya naman ako na ako na ang unang pumasok. Nang makapasok na ako ay saka naman siya sumunod sa akin.

Kaagad kaming binati ng isang babae, "Magandang hapon, ano pong hanap niyo?"

Kaagad lumapit sa kanya si Damien dahil alam ko naman na makapal ang mukha ng isang 'to, "May potion ba kayo na tinatawag na bamfyro grozis?"

"Teka lang ha? Itatanong ko lang muna!" nakangiting sagot ng babae. Akmang magsasalita pa sana si Damien pero mabilis kaagad na nakapasok sa isang silid ang babae.

Napakamot naman si Damien sa noo niya, "Tatanungin ko pa lang kung nakakatanda din ba yung potion na iyon," nanonoblemang saad niya.

Maya't maya ay may taong lumabas sa isang silid pero hindi ito yung babae na nakausap ni Damien kanina. Isa siyang lalaking may edad na at may hawak na mahabang staff. Kaagad naman rumehistro ang gulat sa mukha nito nang makita si Damien.

"G-Guro?" gulat na sambit ni Damien kaya nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Mahal na prinsipe!" sambit ng lalaking tinawag ni Damien na guro. "Anong ginagawa mo dito sa bayan?!"

"Nagbabakasyon?" hindi siguradong sagot ni Damien.

                                            ~*~

NAPAKAHABANG sermon ang natanggap ni Damien mula sa kanyang guro. Bukod sa ang daming leksyon ang na-miss ni Damien dahil sa paglayas niya sa kanilang kastilyo. Pinapahanap na rin siya ng kanyang mga magulang sa piling tao na napag-utusan nila. Sinermonan niya rin si Damien sa ginawa niya kay Vayne at pati rin ang balak niyang pagbili ng Bamfyro grozis.

"Mabuti na lang at dito kayo pumunta," sabi ni Ginoong Edward. Yung Guro ni Damien. Napailing iling na lang siya. "Kung hindi baka walang nakapigil sayo at tuluyan mo nang napainom talaga ng potion na yun ang sanggol na yan."

Nilingon naman niya si Damien, "Ikaw talagang bata ka! Hindi ka nag-iisip! Basta basta ka lang nagdedesisyon! Hindi pwede sa sanggol ang potion na iyon!"

"Kung ganun," ani ko. "Paano po ba siya maibabalik sa normal?"

"Ako nang bahala sa kanya," pagkukusang loob ng guro. "Sasambitan ko lang siya ng chant. Kaya lang hindi ito kaagad eepekto sa kaniya. Maghihintay pa kayo ng matagal,"

Napatango tango ako, "Maraming salamat."

Binaling niya naman ang tingin kay Damien, "At ikaw pasaway na prinsipe, kailangan mo nang bumalik sa palasyo. Ngayon din!" mautoridad na wika niya.

"Ah!" biglang lumiwanag ang mukha ni Damien. "Naalala mo pa ba yung huling kinuwento mo sa akin, Guro?"

Napataas lang ang kilay ni Ginoong Edward.

Tinuro naman ako ni Damien, "Isa ang mga magulang niya sa mga taong misteryosong nawala na parang bula sa bayang ito."

Nagtatakang napapatingin naman sa akin si Ginoong Edward, "Talaga?"

Dahan dahan akong napatango bilang tugon, "Totoo ang mga sinabi niya."

"Kung ganun, mag-iingat ka," biglang sabi ng guro na siyang pinagtaka ko. "Kung ang mga magulang mo ay hindi nagawang maipagtanggol ang sarili nila talagang hindi biro ang nangyare sa kanila."

Hindi naman ako umimik at patuloy ko lang pinakinggan ang mga susunod niya pang sasabihin.

"Siguro nakalimutan na iyon ng mga tao, pero dahil hindi pa nalulutas ang misteryong iyon posibleng may mga susunod na biktima pa."

Pagkatapos niyang lagyan ng spell si Vayne para bumalik na sa normal ay kaagad ulit akong nagpasalamat sa kanya. At tapos 'nun ay saka na kami naglakad pabalik sa inn namin. Kasama ko pa rin si Damien dahil nakiusap siya na huwag mo nang sasabihin na nagkita na sila. Nangako siya sa kanyang guro na babalik siya gusto lang niyang makasiguro na tuluyang magiging normal na si Vayne.

Tahimik kaming naglalakad dahil patuloy pa rin ang pag-iisip ko sa mga sinambit sa akin ni Ginoong Edward. Hindi dahil sa nag-aalala ako para sa sarili ko kundi dahil nag-uumpisa na akong lamonin ng kuryosidad kung ano nga ba talagang totoong nangyare sa mga magulang ko.

Nang makauwi na kami ay kaagad kong nilapag si Vayne sa isang kama. Binaling ko naman ang tingin ko kay Damien.

"Dito ka lang," ani ko. "Bantayan mo ng maigi si Vayne."

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Kukuha ng pera," tipid na sagot ko habang tinatali ang buhok ko.

Hindi naman siya nakaimik. Pero maya't maya ay nagsalita rin siya.

"Mag-iingat ka," mahinahong sambit niya na medyo hindi bagay at nakakapanibago sa kanya.

Mahinang natawa naman ako, "Sila ang mag-ingat sa akin, Damien," makahulugang sabi ko atsaka na ako dali daling umalis ng silid.

                                           ~*~

Napangiti ako ng malawak nang matagumpay akong nakakuha ng mga mamahaling alahas mula sa bahay ng isa ring mayamang pamilya.

Napatigil ako sa paglalakad nang may bumulaga sa aking isang paru-paro.

"Celestia?" ani ko. Napuno ng pagtataka ang mukha ko. "Sinundan mo ba ako?"

At syempre dahil wala naman itong kakayahang magsalita kaya isang mahabang katahimikan lang ang naging tugon nito sa akin.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko pabalik sa kasalukuyang tinutuluyan namin.

Nang makarating ako sa lobby ng inn ay kaagad akong lumapit sa innkeeper at inabutan ko siya ng pera.

"Pasensya na kung muntikan na kaming mahuli ng bayad, sapat na siguro iyan para sa isa pang linggo."

"Kulang pa ito ng---!"

Naputol siya sa pagsasalita nang malakas kong hinampas ang lamesa habang masama akong nakatitig sa mga mata niya. 

Hinayaan kong malagay sa alanganin ang sarili kong buhay nang mag-isa tapos sasabihin niyang kulang ang malaking perang binayad ko?!

"Kaming mga babae, malakas kaming makadama kung niloloko kami ng isang tao," walang emosyong sabi ko. Mukhang nasindak siya sa ginawa ko dahil hindi siya kaagad nakapagsalita. Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa lamesa atsaka ako walang atubiling umalis sa harapan niya.

Pumunta na ako sa kwarto namin atsaka ko dahan dahang binuksan ang pintuan. Si Damien ay mahimbing nang natutulog sa kabilang kama samantalang si Vayne na kasalukuyang sanggol pa rin ay mahimbing ring natutulog.

Kung sabagay, malapit nang sumapit ang hating gabi kaya paniguradong nakaramdam na sila ng antok. Pero ako ay kasalukuyang gising pa rin ang diwa ko.

Naglakad ako papunta sa lamesa atsaka ko kinuha ang isang manipis na libro. Hanggang ngayon ay hindi pa namin ito naibabalik sa public library.

Umupo ako sa sahig atsaka ko muling binuklat ito at binasa ulit ang mga impormasyon tungkol sa mga nawawalang tao.

Napatigil ako bigla nang may mapansin akong nakaipit na papel sa isang pahina. Mukhang yung papel ay mula sa kwaderno ni Damien. Mukhang pumilas yata siya ng papel mula 'don.

Binasa ko naman ng maigi ang sulat-kamay ni Damien.

Walang koneksyon sa isa't isa

Pare-parehong may sariling mahika

Iba iba ang edad

Posibleng motibo=???

Napakunot noo ako at napatulala ako sa kawalan.

Oo nga pala, wala ring nakakaalam kung anong posibleng motibo ng may kagagawan nito. Kahit ako hindi ko nagawang i-base sa posibleng motibo sa paghahanap ko ng sagot noon.

Nang sumapit ang alasdos ng madaling araw ay saka ko lamang naisipang matulog. Pero nagawa ko pa ring magising ng maaga para bumili ng pagkain.

Pagkagising ko ay kasalukuyan pa ring sanggol si Vayne kaya napabuntong hininga na lang ako buhat ng aking pagkadismaya.

Lumabas na ako ng silid at namili ng mga pagkain. Alasais pa lang ng umaga pero nagdagsa na ang mga tao. Madami dami na ring bukas na mga tindahan.

Napatigil ako sa paglalakad nang may maramdaman akong may sumusunod sa akin. Nagpalinga linga naman ako at tumingin sa likod pero wala akong nakitang kahina-hinala. Bigla ko namang naisipang tumingala at napakunot noo na naman ako nang makita na naman ang paru-parong alaga ni Damien.

"Celestia?" ani ko. "Bakit ka na naman sumama?" medyo iritadong anas ko. Napabuntong hininga na lang ako at saka ko siya hinayaang sundan ako at pinagpatuloy ko na ang pamimili ng pagkain.

Pagkatapos kong mamili ng pagkain ay kaagad agad rin akong umuwi kaagad. Napansin ko pa ang pag-iwas ng tingin sa akin ng innkeeper. Lihim na lang akong napangiti dahil sa inakto niya. Madali lang pala masindak ang taong ito.

Dahil medyo mabigat ang supot na buhat buhat ko ay sinipa ko na lang ang pintuan para bumukas.

Kaagad namang napabangon ang dalawang lalaki dahil sa ingay ng pintuan.

Nanlaki naman ang mata ni Damien pero hindi dahil sa pagdating ko kundi dahil sa pagiging binata na muli ni Vayne.

Samantalang si Vayne ay punong puno naman ang pagtataka ang mukha niya atsaka siya dahan dahang napatingin sa katawan niyang natatakpan ng kumot.

Napangisi ako, "Wow naman! Gising na ang baby!"

Mas lalong napakunot noo si Vayne sa tinuran ko at mas lalong binalot ang katawan niya ng kumot, "A-Anong ginawa niyo sa'kin?" nauutal na tanong niya atsaka niya ako dinuro. "Ba-Bakit nakahubad ako?!"

"Naging sa---!" kaagad kong inunahan si Damien sa pagsasalita.

"Hindi namin alam!" hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha ko. Bahala siyang sumakit ang ulo niya kakaisip.

Nagtatakang napatingin sa akin si Damien at nagsalubong naman ang kilay ni Vayne.

"Paanong hindi niyo alam?!" nagtatakang tanong ni Vayne. "Ikaw Red! Nantitrip ka eh!" singhal niya sakin sabay bato ng unan na kaagad ko namang naiwasan habang tumatawa.

"Aba malay nga namin kung bakit ka nakahubad dyan!" natatawang sagot ko. Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko. "Hala ka Vayne! Baka naman ginahasa ka ng masamang espiritu!"

Napataas naman ang kaliwang kilay nito, "At sa tingin mo maniniwala kaagad ako d'yan?"

Binaling niya naman ang tingin kay Damien, "Sasabihin mo o sasabihin mo?" nagbabantang sabi nito.

"Hoy!" saway ko. "Huwag mo ngang ginaganyan ang kamahalan! Isa 'yang kalapastanganan sa panginoon ng mga insekto."

Kaagad naman akong sinamaan ng tingin ni Damien dahil sa sinabi ko pero mas lalo lang akong natuwa dahil sa parehong ekspresyon ng mukha ng dalawa. Halatang pinapatay na ako ng dalawa sa isip nila.

Naisipan ko naman na mag-iba na ng paksa at kausapin ko na si Damien, "Nga pala Damien, Diba sabi mo ay uuwi ka na kapag naging maayos na si Vayne?" Napansin ko naman ang panliliit ng mga mata ni Vayne sa tinuran ko. "Kailan mo balak umuwi sa inyo?"

"Pinapalayas mo na ba ako?" nakasimangot na sabi ni Damien.

"Hindi ah," kaagad na sagot ko. "Hindi ka pa maaring umuwi dahil may ipinangako ka pa sa akin."

"Anong ipinangako ko?"

"Anong ipinangako niya?"

Mahinang napatawa naman ako nang hindi nila sinasadyang magkasabay magsalita. Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay ring nag-si-iwasan ng tingin.

Tumikhim muna si Vayne bago siya pasimpleng kumatok sa matigas na bahagi ng kama.

"Kailan mo nga balak umuwi?" pag-uulit ko. "Linawin mo kung anong araw. Kailangan mong umuwi dahil kailangan mo nang ipagpatuloy ang pag-aaral mo."

Inis na napabuntong hininga si Damien,"Baka sa pangalawang araw na lang," sagot ni Damien. "Sa lunes?"

Napatango tango ako, "Sige, maari na nating simulan ang paghahanap ng sagot sa misteryosong pagkawala ng magulang ko," seryosong sabi ko na may halong determinasyon. "Umpisahan natin sa paghahanap ng pinakaposibleng motibo."

Related chapters

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Witness

    09"Pwede po bang magtanong?"Naalala ko nung mga panahong nasa labing tatlong taong gulang pa lang ako. Wala na ako sa poder ng isang pamilya na nanakit at nag-abuso sa akin. Pero pabalik balik pa rin ako sa pampublikong librarya para paulit ulit kong hiramin ang librong may nilalaman na impormasyon tungkol sa magulang ko.Tinaasan lamang ako ng kilay ng babaeng tagapagbantay ng librarya. Kaya tumikhim naman ako bilang senyales na nag-aabang ako ng sagot niya."Nagtatanong ka na, hija," pamimilosopo niya sa akin. "Ano ba iyon?" medyo iritado pa ang tono ng boses niya habang nagtatanong."Saan po matatagpuan ang may akda ng libro na ito?" pinakita ko sa kanya ang manipis na librong hawak ko.Kinunotan naman niya ako ng noo at

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Questioning the friendship

    10Kinurap ko ang mata ko para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko at mabuti na lang ay nagtagumpay akong pigilan ito.Samantalang si Damien ay nakarehistro pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. Malungkot na napabuntong hininga na lang ako atsaka ako sumulyap sa alaga niyang paru-paro."Kahanga-hanga ang alaga mo," komento ko atsaka ko binalik ang tingin ko kay Damien. "Hindi ko akalain na isang insekto ang unang makakatuklas ng sikreto ko.""Pati si Vayne ay wala ring alam sa ginawa mo?" 'di makapaniwalang tanong niya."Syempre," kaagad na tugon ko. "Hindi niya alam." seryosong sabi ko. "Hindi naman ako papayag na matuklasan niya ang sikreto ko."Mahinang tumawa naman siya samantalang ako ay pinatili kong blangko ang ekspre

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Secret of Shapeshifter

    11Isa o dalawang oras na yata ang lumipas o di kaya tatlong oras na rin yata pagkatapos akong umalis sa silid na iyon. Nanatili lang akong nasa hapag kainan at tumutungga ng alak na para bang isang ordinaryong tubig lang ito.Natulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng malalim. Punong puno ng pag-alala ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako ngayon haharap sa kanila pagkatapos ng naging usapan kanina.Napabuntong hininga ako at muli na namang tumungga ng alak. Napakunot noo naman ako ng may dumapong paru-paro sa baso.Sarkastikong napatawa naman ako, "Hanggang ngayon, sinusundan mo pa rin ako?" ani ko kay Celestia. "Pwede bang doon ka na sa amo mo?" inis na sabi ko. "Tutal nakumpirma mo na rin naman yung hinala mo sa akin kaya huwag mo na akong susundan!" Napatingin naman sa aki

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Wanted

    12Kaagad kong kinuwento kay Vayne ang tungkol sa natanggap kong sulat. Katulad ko ay naguluhan rin siya at nagulat rin sa mga sinabi sa akin ni Damien."Sabi ko naman sayo eh," ani niya sa akin. "Susulat rin siya sayo, kaya lang nakakapagtaka lang na natuklasan na niya na daw ang lahat,"kunot noong banggit niya. "Sigurado ba siyang ang LAHAT talaga ang natuklasan niya?""Hindi rin siguro basta basta ang talino ni Damien kaya siguro posible ang bagay na iyon," kibit balikat na sagot ko."Pero kung natuklasan na nga niya ang lahat. Bakit wala siyang binigay na impormasyon sayo?"nagtatakang tanong niya. "Nakakapagtaka eh, agad-agad? Wala muna siyang lista ng mga taong pinagsususpetyahan niya. Talagang sigurado na siya na ang taong iyon ang pumatay sa magulang mo?"

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Escape or stay

    13Nasa kamay ko na ang susi para makalabas sa lugar na ito. Ang problema nga lang ay namamanhid pa rin ang kanang hita ko kaya hindi pa ako makakatayo at makakalakad ng maayos.Kailangan ko nang mapuntahan kaagad si Vayne.Sana lang ay maayos ang kalagayan niya ngayon. Kahit alam kong kakayanin naman niya dahil sa kakayahan niya. Pero kahit na ganoon ay posible pa ring manganib ang buhay niya sa mga nilalang na pwedeng umatake sa kanya.Pero paano kung mas lalo siyang mapahamak kapag sinundan ko siya. Paano kung sundan ako ng mga taong gustong humuli sa kanya?Pero nangako ako kay Vayne. Nangako ako na susundan ko siya. Paano rin kung may masamang mangyare sa kanya habang wala ako sa tabi niya?Sumapit ang gabi, ginalaw gala

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Kill or be killed

    14Kulay itim ang buong kulay ng katawan nila. Ang tindig nila ay parang isang tao pero bahagyang nakakuba sila dahil sa mahahabang braso nila. Anim o pitong talampakan ang tangkad nila at ang mga ulo nila ay isa nang bungo. Ngunit hindi ito bungo ng isang tao kundi bungo ng isang hayop.Ang mga kamay nila ay mahahaba pati rin ang mga kuko nila at sa tingin ko sobrang tatalas rin ng mga ito. Mahahaba rin ang mga dila nila at base sa mga inaakto ng mga ito ay mukhang gutom na gutom ang mga ito. Tuwang tuwa na may sumulpot na isang putahe sa harapan nila.Halos mabingi ako ng sabay sabay silang umatungal sa harapan ko habang pinalilibutan nila ako. Bago pa nila magawang sumugod sa akin ay kaagad na may matitinik na mga halamang rosas ang pumulupot sa buong katawan nila. Pinagsamantalahan ko kaagad ang pagkakataon na iyon para tumakbo pa

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Crime

    15"Oo, totoong kakambal ko si Snow White...Siya ang taong napatay ko."Pagkatapos kong sambitin ang pangalan ng kakambal ko ay madaming alaala ang kaagad na sumulpot sa isipan ko. Alaala na kahit anong baon ko sa kasuloksulokan ng isip ko ay hinding hindi ko magawang makalimutan.Sa murang edad na labing isa ay nakagawa na ako ng isang krimen. Nagawa kong makapatay ng isang tao at kakambal ko pa.At sa murang edad na iyon, buong akala ko'y doon na nagwakas ang buhay ni Snow White.Tahimik akong naglalakad sa labas ng bahay ampunan. Marami ring mga kabataan na katulad ko ang naglalaro sa labas, nagkukulitan at nagkwekwentuhan.Pero iilan sa kanila ay napapatingin sa akin sa tuwing madadaanan ko sila. Wala akong ideya

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Queen of the Forest

    16"At pagkatapos 'nun, umalis ako sa lugar na iyon," sabi ko. "Nagpakalayo layo ako hanggang sa makarating ako sa ibang bayan. Nagpagala gala ako sa ibang lugar at kung saan saan lang ako natulog hanggang sa matagpuan ako ng isang mayamang pamilya at kinuha akong katulong," kumibit balikat ako pagkatapos. "Pero tumakas rin ako sa kanila at ayon.... Nagkakilala tayo."Umismid ako at umiwas ng tingin sa kanya pagkatapos kong magkwento. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanya at natatakot rin akong makita ang reaksyon niya."Ano?" nasabi ko na lang dahil wala akong narinig na salita mula sa kanya. Hindi ako komportable sa pagiging tahimik niya. "Wala ka bang sasabihin d'yan?"Kasalukuyang nakasandal ako ngayon sa puno samantalang si Vayne naman ay nakaupo naman sa harapan ko. Na

Latest chapter

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Epilogue

    Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Goodbye, Butterfly

    34Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Snow White and Rose Red

    33Agresibong lumabas ang mga halaman ng rosas sa paligid ko habang masamang nakatitig sa isang impostor na nasa harapan ko ngayon. Samantalang siya naman ay walang emosyong nakatitig lang sa akin.Nanginginig ko

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Last Victim

    32"Nakakalungkot," malumanay na sabi ni Snow White habang nakaharap kami sa isang maliit na cupcake at may maliit itong kandila na nakapatong sa gitnang bahagi. "Tuwing kaarawan natin, palagi kong naalala sina Ama at Ina."

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   What the heart tells

    31Bahagyang napabuka ang bibig ko. Nagsinungaling sa akin si Damien. Buong akala ko ay ang markang nasa palad ko ay para bigyan ako ng sumpa sa oras na naglihim o nagtraydor ako sa kaniya pero ayun pala ay para protektahan ako sa alinmang sumpa.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Shape of Lies

    Shape of Lies30“Base sa nakikita ko sa sitwasyon mo ngayon, gan’yan rin ang kalagayan ng ibang nilalang na nakita ko bago sila mamatay para pakinabangan.”“Ikaw?!” gulat na ani ko.Hindi siya nagsalita. Namilog lang ang mga mata niya habang nakatitig rin ito sa mga mata ko. Kasalukuyan nahihirapan pa rin ito sa paghinga dahil sa halamang nakapulupot sa leeg niya. Ang mga kamay niya ay pinipilit naman luwagan ang pagkakapulupot

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Dear Huntsman

    29Bigla akong napahinto sa paglalakad. Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.Bakit?

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Magic Wielders

    28Walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Pati rin ang mga labi ko. Nawala rin pansamantala ang natural na kulay ng balat ko dahil sa pagkakaputla ko. Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos mahulog ng kapatid ko sa bangin.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   When Someone Dies

    27Wala na ang alaga niyang Pegasus na nakadagan sa likod ko kanina. Kasalukuyang nakatayo na ako ngayon habang pabalik balik ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang lalagyan."Sigurado ka?" taas kilay na

DMCA.com Protection Status