11
Natulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng malalim. Punong puno ng pag-alala ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako ngayon haharap sa kanila pagkatapos ng naging usapan kanina.
Napabuntong hininga ako at muli na namang tumungga ng alak. Napakunot noo naman ako ng may dumapong paru-paro sa baso.
Sarkastikong napatawa naman ako, "Hanggang ngayon, sinusundan mo pa rin ako?" ani ko kay Celestia. "Pwede bang doon ka na sa amo mo?" inis na sabi ko. "Tutal nakumpirma mo na rin naman yung hinala mo sa akin kaya huwag mo na akong susundan!" Napatingin naman sa aki
12Kaagad kong kinuwento kay Vayne ang tungkol sa natanggap kong sulat. Katulad ko ay naguluhan rin siya at nagulat rin sa mga sinabi sa akin ni Damien."Sabi ko naman sayo eh," ani niya sa akin. "Susulat rin siya sayo, kaya lang nakakapagtaka lang na natuklasan na niya na daw ang lahat,"kunot noong banggit niya. "Sigurado ba siyang ang LAHAT talaga ang natuklasan niya?""Hindi rin siguro basta basta ang talino ni Damien kaya siguro posible ang bagay na iyon," kibit balikat na sagot ko."Pero kung natuklasan na nga niya ang lahat. Bakit wala siyang binigay na impormasyon sayo?"nagtatakang tanong niya. "Nakakapagtaka eh, agad-agad? Wala muna siyang lista ng mga taong pinagsususpetyahan niya. Talagang sigurado na siya na ang taong iyon ang pumatay sa magulang mo?"
13Nasa kamay ko na ang susi para makalabas sa lugar na ito. Ang problema nga lang ay namamanhid pa rin ang kanang hita ko kaya hindi pa ako makakatayo at makakalakad ng maayos.Kailangan ko nang mapuntahan kaagad si Vayne.Sana lang ay maayos ang kalagayan niya ngayon. Kahit alam kong kakayanin naman niya dahil sa kakayahan niya. Pero kahit na ganoon ay posible pa ring manganib ang buhay niya sa mga nilalang na pwedeng umatake sa kanya.Pero paano kung mas lalo siyang mapahamak kapag sinundan ko siya. Paano kung sundan ako ng mga taong gustong humuli sa kanya?Pero nangako ako kay Vayne. Nangako ako na susundan ko siya. Paano rin kung may masamang mangyare sa kanya habang wala ako sa tabi niya?Sumapit ang gabi, ginalaw gala
14Kulay itim ang buong kulay ng katawan nila. Ang tindig nila ay parang isang tao pero bahagyang nakakuba sila dahil sa mahahabang braso nila. Anim o pitong talampakan ang tangkad nila at ang mga ulo nila ay isa nang bungo. Ngunit hindi ito bungo ng isang tao kundi bungo ng isang hayop.Ang mga kamay nila ay mahahaba pati rin ang mga kuko nila at sa tingin ko sobrang tatalas rin ng mga ito. Mahahaba rin ang mga dila nila at base sa mga inaakto ng mga ito ay mukhang gutom na gutom ang mga ito. Tuwang tuwa na may sumulpot na isang putahe sa harapan nila.Halos mabingi ako ng sabay sabay silang umatungal sa harapan ko habang pinalilibutan nila ako. Bago pa nila magawang sumugod sa akin ay kaagad na may matitinik na mga halamang rosas ang pumulupot sa buong katawan nila. Pinagsamantalahan ko kaagad ang pagkakataon na iyon para tumakbo pa
15"Oo, totoong kakambal ko si Snow White...Siya ang taong napatay ko."Pagkatapos kong sambitin ang pangalan ng kakambal ko ay madaming alaala ang kaagad na sumulpot sa isipan ko. Alaala na kahit anong baon ko sa kasuloksulokan ng isip ko ay hinding hindi ko magawang makalimutan.Sa murang edad na labing isa ay nakagawa na ako ng isang krimen. Nagawa kong makapatay ng isang tao at kakambal ko pa.At sa murang edad na iyon, buong akala ko'y doon na nagwakas ang buhay ni Snow White.Tahimik akong naglalakad sa labas ng bahay ampunan. Marami ring mga kabataan na katulad ko ang naglalaro sa labas, nagkukulitan at nagkwekwentuhan.Pero iilan sa kanila ay napapatingin sa akin sa tuwing madadaanan ko sila. Wala akong ideya
16"At pagkatapos 'nun, umalis ako sa lugar na iyon," sabi ko. "Nagpakalayo layo ako hanggang sa makarating ako sa ibang bayan. Nagpagala gala ako sa ibang lugar at kung saan saan lang ako natulog hanggang sa matagpuan ako ng isang mayamang pamilya at kinuha akong katulong," kumibit balikat ako pagkatapos. "Pero tumakas rin ako sa kanila at ayon.... Nagkakilala tayo."Umismid ako at umiwas ng tingin sa kanya pagkatapos kong magkwento. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanya at natatakot rin akong makita ang reaksyon niya."Ano?" nasabi ko na lang dahil wala akong narinig na salita mula sa kanya. Hindi ako komportable sa pagiging tahimik niya. "Wala ka bang sasabihin d'yan?"Kasalukuyang nakasandal ako ngayon sa puno samantalang si Vayne naman ay nakaupo naman sa harapan ko. Na
17Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng isang malakas at makapangyarihang presensya. Alam kong pati si Vayne ay nararamdaman rin iyon sa babaeng kalahating kabayo o unicorn na biglang sumulpot sa harapan namin ngayon.Pero mabuti naman at meron nang nilalang rito na nagsasalita sa lenggwahe namin. Kaya lang, mukhang hindi madaling kausapin ang babaeng ito.Pabalik balik naman ang tingin sa amin ng babae kay Vayne at sa akin hanggang sa bigla na lang siyang mahinang tumawa na siyang kinataka namin ni Vayne."Biro lang," nakangiting saad niya sa amin. Kahit purong puti ang mata niya ay lalong gumanda siya dahil sa pagngiti niya. "Mga manlalakbay siguro kayo, ano?"Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Vayne. Parehong nag-uusap kaming dalawa gamit ang mata ku
18Naging tahimik ang buong paligid na kinaroroonan ko. Tanging ang malakas na pag-agos ng tubig sa ilog ang nag-iisang nangingibabaw sa pandinig ko.Tahimik akong nakaupo. Nakatingin sa kawalan. Tulala. Kanina lang ay apat kaming nandirito pero ngayon ay nag-iisa na lang ako. Ang ingay ng tubig sa likod ko na lang ang tanging naging karamay ko.Pabalik balik sa isipan ko ang eksena kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ngayon si Vayne sa tabi ko. Hindi man lang ako nagtagumpay sa pag-awat kay Rolan dahil hawak ako sa leeg ni Snow White.Si Snow White, talagang nagbago na talaga siya. Dati ay pinoprotektahan niya ako kay Ciela pero ngayon ay hindi na siya nagdadalawang isip na saktan ako.Pero wala akong karapatang husgahan siya sa ikinikilos niya nga
19"Tumayo ka dyan, binibini," may diin na utos sa akin ni King Lash ngunit hindi pa rin ako gumalaw.
Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu
34Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.
33Agresibong lumabas ang mga halaman ng rosas sa paligid ko habang masamang nakatitig sa isang impostor na nasa harapan ko ngayon. Samantalang siya naman ay walang emosyong nakatitig lang sa akin.Nanginginig ko
32"Nakakalungkot," malumanay na sabi ni Snow White habang nakaharap kami sa isang maliit na cupcake at may maliit itong kandila na nakapatong sa gitnang bahagi. "Tuwing kaarawan natin, palagi kong naalala sina Ama at Ina."
31Bahagyang napabuka ang bibig ko. Nagsinungaling sa akin si Damien. Buong akala ko ay ang markang nasa palad ko ay para bigyan ako ng sumpa sa oras na naglihim o nagtraydor ako sa kaniya pero ayun pala ay para protektahan ako sa alinmang sumpa.
Shape of Lies30“Base sa nakikita ko sa sitwasyon mo ngayon, gan’yan rin ang kalagayan ng ibang nilalang na nakita ko bago sila mamatay para pakinabangan.”“Ikaw?!” gulat na ani ko.Hindi siya nagsalita. Namilog lang ang mga mata niya habang nakatitig rin ito sa mga mata ko. Kasalukuyan nahihirapan pa rin ito sa paghinga dahil sa halamang nakapulupot sa leeg niya. Ang mga kamay niya ay pinipilit naman luwagan ang pagkakapulupot
29Bigla akong napahinto sa paglalakad. Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.Bakit?
28Walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Pati rin ang mga labi ko. Nawala rin pansamantala ang natural na kulay ng balat ko dahil sa pagkakaputla ko. Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos mahulog ng kapatid ko sa bangin.
27Wala na ang alaga niyang Pegasus na nakadagan sa likod ko kanina. Kasalukuyang nakatayo na ako ngayon habang pabalik balik ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang lalagyan."Sigurado ka?" taas kilay na