Share

The Witness

Author: Pyongieshii
last update Huling Na-update: 2020-10-02 20:51:06

09

"Pwede po bang magtanong?"

Naalala ko nung mga panahong nasa labing tatlong taong gulang pa lang ako. Wala na ako sa poder ng isang pamilya na nanakit at nag-abuso sa akin. Pero pabalik balik pa rin ako sa pampublikong librarya para paulit ulit kong hiramin ang librong may nilalaman na impormasyon tungkol sa magulang ko.

Tinaasan lamang ako ng kilay ng babaeng tagapagbantay ng librarya. Kaya tumikhim naman ako bilang senyales na nag-aabang ako ng sagot niya.

"Nagtatanong ka na, hija," pamimilosopo niya sa akin. "Ano ba iyon?" medyo iritado pa ang tono ng boses niya habang nagtatanong.

"Saan po matatagpuan ang may akda ng libro na ito?" pinakita ko sa kanya ang manipis na librong hawak ko.

Kinunotan naman niya ako ng noo at bahagyang binaba niya ang salamin niya, "Ano ba tingin mo sa amin 'ha? Sa dami ng libron inaalagaan namin sa tingin mo may oras pa kami para alamin ang may-akda ng mga libro? Mag-isip isip ka nga!"

Napabuntong hininga na lang ako. Pero nag-lakas loob akong magtanong muli.

"Pwede po bang akin na lang ang librong ito?"

Napataas na naman muli ang kaliwang kilay niya, "Ano ka ba?!" inis na singhal niya sa akin at nagulat naman ako ng hablutin niya ang libro mula sa akin. Akmang kukunin ko naman ito muli mula sa kanya pero bigla na lang itong naglaho mula sa kamay niya.

"Hindi pwede," mariing saad niya. "Pagmamay-ari ng librarya na ito ang libro na iyan. Kahit nakawin mo pa yan, kusa at kusang babalik iyan sa libraryang ito. Naiintindihan mo?"

"Pero kailangan ko po ang libro na iyan," katwiran ko. "Matagal nang nawawala ang mga magulang ko at nakapaloob dyan ang mga impormasyong tungkol sa kanila."

"Sumusunod lang kami sa alituntunin ng libraryang ito," ani niya habang inaayos ang salamin niya. "At kung ako sayo, umalis ka na. Ayoko sa mga taong makukulit at hirap makaintindi!"

Wala akong nagawa kundi umalis sa harapan niya.

Sumunod na araw ay muli akong bumalik sa libraryang iyon at hinanap ko muli ang libro. Kinabisado ko ang pangalan ng may akda. Nang makabisado ko ay saka ako nagtanong tanong sa mga tao kung may kilala ba silang ganoong pangalan.

"L. A. Fayeress," banggit ko sa pangalan ng may akda ng libro. "May kilala po ba kayong ganoong pangalan?"

Umiling lang sa akin ang isang babaeng manunulat ng mga balita sa bayan, "Pasensya na, binibini," iyon na lang ang tanging sinabi niya sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako at umalis.

Kung saan saan ako napadpad pero wala akong napala sa kahahanap sa misteryong manunulat ng libro na iyon. Kung kilala niya lahat ng mga naging biktima, malamang ay may ideya na siya kung ano ang mga posibleng nangyare sa kanilang pagkawala.

Posibleng siya ang susi sa mga sagot na matagal na naming hinahanap ni Snow White.

~*~

"Wala ba talaga kayong balak sabihin sa akin kung bakit nagising akong nakahubad kanina?" tanong ni Vayne habang kumakain kaming tatlo. Nakadamit na siya ngayon.

Pasimpleng sumulyap sa akin si Damien na parang nagsasabi na ako na bahalang sumagot kay Vayne.

"Hulaan mo," tugon ko atsaka ako sumubo ng pagkain.

Napakunot noo si Vayne, "Hinubaran niyo kong dalawa?"

Napatawa naman ako, "Bakit ka naman namin huhubaran? Baliw!"

"Lasing ba ako kagabi?" tanong niya. "Imposible naman iyon dahil hindi ako basta basta nalalasing."

"Talaga lang 'ha?" ani ko. "Lasing na lasing ka nga eh 'nung uminom kayong dalawa ni Damien."

"Di 'ah! Nagpapanggap lang akong lasing para may karamay ang mahal na prinsipe," palusot niya.

"Sus!"

"Pero ano bang ginawa ko? Bakit nga ba ako nakahubad?" naguguluhang tanong niya pa rin kaya mas lalo pa akong nawiwiling asarin siya.

"Bakit mo ba pinoproblema ang bagay na iyan?" sabi ko atsaka ako mahinang tumawa. "Lahat naman tayo pinapanganak ng nakahubad."

Pati si Damien ay hindi na rin napigilan at natawa na rin sa sinabi ko. Mas lalong nabalot naman ng pagtataka ang mukha ni Vayne kaya mas lalo kaming natawa ni Damien.

"Sabihin mo na nga!" singhal sa akin ni Damien. "Baka mamaya magbuga na naman iyan ng apoy! Balik na naman tayo sa umpisa!"

Napatawa na naman akong muli dahil sa sinabi ni Damien. Pagkatapos ay saka ko na inumpisahang ikuwento kay Vayne ang nangyare sa kanya. Mula sa pagwawala niya bilang isang Longma at sa pagiging sanggol niya dahil sa spell ni Damien. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang makapagpalit ng anyo bilang isang uri ng halimaw na hindi naman siya pamilyar.

"Talaga? Seryoso ba kayo? Naging kalahating kabayo at dragon ako? Eh hindi ko nga kayang makapagshift bilang dragon kahit ano ngang gawin ko eh!" naguguluhang sabi niya.

"Siguro kaya mo rin nagawa iyon nang hindi mo sinasadya dahil sobrang galit ka nung araw na iyon," sabi naman ni Damien. "Nga pala, Bakit ba Figtus ang tawag sayo nung lalaking nakaaway mo?"

Tumungga muna ng tubig si Vayne bago sumagot sa tanong ni Damien, "Iyon ang tawag sa tribong pinanggalingan ko." tugon niya sa seryosong tono.

Ako naman sumunod na nagtanong sa kanya, "Ano ba kasing dahilan kung bakit galit na galit ka sa katunggali mo sa ahedres?"

Hindi kaagad sumagot si Vayne sa tanong ko. Panandalian muna siyang tumahimik pero nang mapansin niyang pareho kami ni Damien na nag-aabang sa sagot niya ay napabuntong hininga na lang siya atsaka na siya nag-umpisang magsalita.

"Ininsulto niya ang mga katulad namin," ani Vayne. "Mga salot, mga isinumpa at mga taong halimaw," mapait siyang ngumiti pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Dahil hindi ako sanay na ganun siya, binatukan ko siya kaya siya napadaing at kaagad nabaling sa akin ang tingin niya habang hinihimas niya ang ulo niya.

"Ano ka ba!" singhal ko. "Alam mo namang walang katuturan ang mga sinasabi niya!"

Napabuntong hininga na lang si Vayne. Para bang hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ko.

"Alam mo," ani niya. "Iyon rin ang paniniwala ng mga katribong iniwanan ko. Kaya pinili nilang lumayo sa mga tao at manahan na lang sa mga bundok."

Kumibit balikat naman si Vayne at pinagpatuloy lang ang pagkain habang nagsasalita, "Pero iba ako sa kanila, hindi ako magiging malaya kung ikukulong ko rin ang sarili ko sa bundok."

"Hindi rin kayo magiging malaya kung ikukulong niyo lang din ang sarili niyo sa masasamang salita ng mga tao," sabat ni Damien.

"Tama ka nga," pag-sang-ayon ni Vayne sa kanya dahilan para lihim na mapangiti ako.

Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Vayne. Para bang may napagtanto siya.

"Nga pala," ani niya. "Talaga bang naging sanggol ako?"

"Oo nga!" sagot ko. "Ilang beses mo kayang tinorture ang mukha ko!Ibang klase ka pala kapag sanggol ka, bibiglang nanampal sa mukha!"

"Alam mo bang hirap na hirap kaming patulugin ka kasi napaka-iyakin mo?" reklamo naman ni Damien sa kanya kahit ako naman ang madalas nagpapatulog kay Vayne.

"Ako pa nga nagpapakahirap magpalit ng lampin mo 'non!" sabi ko naman.

"A-ANO?!" gulat na sabi ni Vayne.

"Bakit sino bang inaasahan mo na gagawa ng bagay na iyon? Hindi naman maasahan sa bagay na iyan si Damien." turan ko sa kanya.

Tumigil na lang si Vayne sa pagkain atsaka na siya tumayo habang umiiling, "Ewan ko sa inyo! Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga pinasasabi niyo!"

Sabay naman kaming napatawa ni Damien dahil sa sinabi niya. Pero kunot noong napatingin lang sa aming dalawa si Vayne. Mas lalong lumakas ang tawa naming dalawa dahil sa naguguluhang ekspresyon ng mukha ni Vayne.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakangiti, "Magsi-ayos na kayong dalawa. Magtutungo tayo sa public library para ibalik na yung mga librong hiniram natin."

"Teka lang!" biglang sabat ni Damien. "Yung isang libro na may impormasyon tungkol sa nawawalang magulang mo. Kailangan ko iyon madala pag-uwi ko."

Muli pa siyang nagsalita, "Pag-balik ko kasi sa kastilyo ay doon ko na rin ipagpapatuloy ang paglutas ng misteryo tungkol sa nawawalang biktima."

Pasimple naman akong tumingin kay Vayne. Baka sakaling may ideyang pumapasok na sa isip niya.

"Problema ba iyan?" ani Vayne. "Hindi ba't pera ang palaging solusyon ng mga maharlika?"

Napakunot noo naman si Damien, "Anong ibig mong sabihin?"

"Bibilhin natin ang libro na iyan," tugon ni Vayne. "Pero dahil hindi basta basta nagpapabili ng libro ang mga tao roon. Bibilhin natin sa mataas na halaga."

~*~

"Anong ginagawa natin dito?"

"Shh!" saway ko kay Damien.

Nilibot ni Vayne ang tingin niya sa buong paligid. Siguradong nag-iisip na siya ng taktika kung paano namin maiisahan ang mga nagbabantay sa paligid ng isang magarang mansyon.

Kasalukuyang nakatago kami sa mga halamanan at nakaharap sa likod ng mansyon.

"Magiging mahirap ito dahil maaraw ngayon," mahinang sabi ni Vayne. "Madali kaagad mapapansin ng presensya natin."

"Ako lang, hindi ikaw," kontra ko sa sinabi niya.

Napangisi naman si Vayne, "Ganun na nga," makahulugang sabi niya. "Maiisahan pa rin natin sila."

Samantalang si Damien naman ay naguguluhan pa rin siya sa kung anumang binabalak naming dalawa ni Vayne. Napaka-ignorante nga talaga.

"Red," tawag sa akin ni Vayne. "Alam mo na kung anong dapat gawin sa mga asungot."

Tumango naman ako bilang tugon.

"Huwag niyong hahayaan na makita nila kayo," huling habilin niya bago siya nagpalit anyo bilang isang ibon at lumipad na palapit sa magarang mansyon. Nagtagumpay naman siya sa pagpasok sa bintana nang hindi namamalayan ng dalawang lalaking nagbabantay sa likuran ng bahay.

Kung may makaharap siya roon ay sigurado namang makakaya niyang patumbahin iyon.

Dahan dahan akong nagpatubo ng dalawang halaman sa tabi nila. Hanggang sa unti unting may sumulpot na malaking bulaklak na rosas sa parehong tuktok nito dahilan para makuha ng atensyon nito ang dalawang nagbabantay.

Ginalaw ko ang mga kamay ko at saka naman walang pasintabing nilamon ng dalawang bulaklak ang ulo hanggang sa kalahating katawan ng dalawang lalaki dahilam para magwala silang dalawa pero hindi ito gaano maririnig dahil nasa loob ng bulaklak ang mga ulo nila. Di ko maiwasang mapaangat ang sulok ng labi ko dahil sa pagkahanga ko sa sarili ko.

Gumawa naman ako ng halamang rosas na konektado sa bintana na pinagpasukan ni Vayne. Maya't maya ay sumulpot na si Vayne rito na nasa anyong tao na. May bitbit bitbit na siyang supot na hindi naman masyado kalakihan atsaka niya ginamit ang halamang rosas na gawa ko para makababa mula sa bintana.

Matagumpay siyang nakababa mula sa binata atsaka na siya tumakbo kaagad palapit sa amin. Tumayo na rin kami ni Damien mula sa pagkakadapa namin aa damuhan at sinabayan siya sa pagtakbo.

Hinagis niya naman papunta sa akin ang supot na kaagad ko namang nasalo pagkatapos ay saka na siya nagpalit ng anyo bilang isang pegasus. Kaagad naman kaming sumampa ni Damien sa likod niya atsaka agad agad lumipad si Vayne sa ere.

Mukhang hindi sanay si Damien sa pagiging kaskasero ni Vayne dahil muntikan na siyang mawalan ng balanse kaya napahawak siya ng mahigpit sa balikat ko.

"P-Pasensya na!" nauutal na sabi niya. "Hindi ko sinasadya!"

Akmang aalisin na sana niya ang kamay niya sa balikat ko pero kaagad ko siyang pinigilan, "Humawak ka lang ng mahigpit, kamahalan. Baka mahulog ka dyan sa ibaba."

Hindi naman siya umimik sa sinabi ko pero pinagpatuloy niya pa rin ang paghawak sa balikat ko bilang suporta.

Maya't maya naramdaman ko naman na lalong humigpit ang paghawak niya sa balikat ko.

"Huwag mong sabihing takot ka sa matataas na lugar?" biglang tanong ko.

"Hindi ah!" pagtatanggol niya sa sarili niya.

"O mabilis ka lang malula sa mataas na lugar?" taas kilay na sabi ko.

"Ano ba! Sinabi nang hindi!" inis na sabi niya dahilan para mapatawa naman ako.

"Vayne," tawag ko sa kanya. "Huwag mo masyadong bilisan. Baka magsuka at mahilo ang mahal na prinsipe."

"Tumigil ka na nga sa pang-aasar d'yan! Di ako magdadalawang isip na ihulog ka kapag tuluyang napikon na talaga ako sayo," pagbabanta ni Damien dahilan para mapatawa na naman akong muli.

Pilyang ngumiti naman ako dahil sa sinambit niya, "Gawin mo nga!" panghahamon ko na may halong pang-aasar.

"Ano ka ba! Gusto mo talagang itulak kita?" inis na singhal niya sa akin.

"Hindi mo pala kaya eh," bulong ko pero medyo nilakasan ko rin para marinig niya. Nagulat naman ako nang tinulak niya ako ng mahina kaya napahawak ako ng mahigpit sa batok ni Vayne.

"Siraulo 'to!" singhal ko. Kaagad ko namang narinig ang malutong niyang tawa mula sa likod ko. Napaismid na lang ako pero kalaunan ay napangiti rin ako.

Maya't maya ay nakalapag na kami sa lupa. Pinagpahinga muna namin si Vayne saglit atsaka na kami dumiretso sa lugar na pakay namin. Habang naglalakad kami ay napansin kong may kakaiba sa ekspresyon ng mukha ni Damien.

Alam ko na kung anong ibig sabihin ng ganoong ekspresyon kaya kaagad akong lumapit sa kanya at inakbayan siya. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko.

"Huwag kang makonsensiya, 'di ka naman namin nakasama sa pagnanakaw," mahinahong saad ko para gumaan ang pakiramdam niya.

Napatingin naman siya sa akin kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Bigla naman siyang napayuko at natatarantang inalis ang braso kong nakadantay sa balikat niya.

Napakunot noo naman ako dahil sa ginawa niya. Maya't maya narinig ko naman ang mahinang tawa ni Vayne.

"Naku, baka nahuhulog ang loob ng mahal na prinsipe," mapang-asar na sabi niya. Inis naman siyang binalingan ni Damien ng tingin.

"Pinagsasabi mo d'yan!" singhal sa kanya ni Damien. "Hindi siya ang tipo ko 'no!"

Napahagalpak naman ng tawa si Vayne at ginulo ang buhok ni Damien, "Bakit? Ano bang tipo mong babae 'ha? Baka naman may kasintahan ka na pala!"

Napasimangot na lang ang isa dahil sa ginawa ni Vayne sa buhok niya, "Manahimik ka d'yan! Wala akong kasintahan 'no! Hindi pa sumasagi sa isipan ko 'yan!" Mas lalong napahagalpak naman ng tawa si Vayne dahil sa sagot ni Damien sa kanya. Napailing na lang ako habang natatawa na rin sa pangangasar sa kanya ni Vayne.

Maya't maya ay nakarating na rin kami sa pampublikong librarya. Kaagad kaming dumiretso sa tagapagbantay. Hindi kami nagpatumpik tumpik pa at kaagad naming sinabi ang pakay namin.

"Ano 'yan?" mataray na sa sabi nito sa amin. "Sinusuholan niyo ba ako?"

"Ano ba sa tingin mo?" tugon ni Vayne sa kanya. "Kapalit lang ng mga gintong 'to ang libro na ito. Hayaan mo na lang na mapasakamay na namin ito."

"Hindi pwed--!" Napatigil naman ito sa pagsasalita nang ilapit ni Vayne ang maliit na supot na naglalaman ng apat na hugis parihabang ginto.

"Tandaan mo, isang libro lang ang hinihingi naming kapalit," mahinahon ang boses ni Vayne na parang hinihipnotismo niya ang ginang. "Ito kapalit ng libro. Ano sa tingin mo?"

Pagkatapos nang pangyayareng iyon ay umalis na kami sa libraryang iyon habang nakarehistro ang tagumpay na ngiti sa aming mga mukha. Nagawa naming kunbinsihin ang ginang. Tuluyang napasakamay na namin ang libro.

~*~

"Maraming tao o halos lahat ng tao ay iniisip na isang natural na phenomena lamang ang nangyare sa mga magulang ko o sa iba pang mga katulad nila na bigla na lang nawala na parang bula," ani ko.

"Pero ang nagsulat ng libro na ito, naniniwala ang manunulat na may mga taong nasa likod na ito. Mahirap lang matukoy sa hindi malamang dahilan," ani naman ni Damien. "At sa tingin ko ay ganun rin ang pinaniniwalaan ni Gurong Edward."

"Posible naman kasi na may motibo dahil bakit puro may mga sariling mahika o kakayahan ang bigla bigla na lang nawawala," sabi ni Damien. "Kung ano mang motibo niya posibleng makasarili ito."

"Kung ganun, kung ginagawa man ng taong iyon ang mga ganung bagay para sa makasariling dahilan. Posibleng ang motibo niya ay para makuha ang kapangyarihan nila, diba?" suhestyon naman ni Vayne.

"Posible rin," pag-sangayon sa kanya ni Damien.

"Pero paano kung hindi lang nag-iisa ang may gawa 'nun?" napatingin naman silang dalawa sa akin ng magsalita ako. "Kasi matagal na panahon ng nawala ang iba mas maaga pa sa pagkawala ng magulang ko."

Napakunot noo si Damien, "Bakit ano naman koneksyon 'nun ngayon?"

"Kung gumagala ngayon ang may kagagawan ng bagay na iyon. Ibig sabihin, ang tanda na niya?" nag-aalinlangang paliwanag ko.

"Baka naman kaya walang nababalitaan ngayon kasi matanda na ang salarin. Hindi na niya kinaya," sabi naman ni Vayne.

"Kahit ilang taon na siya, kung totoong tao nga ang may kagagawan nito. Kailangan niya pa rin pagbayarin ang ginawa niya. Maraming pamilya rin ang nawalan ng mahal sa buhay nila, diba?" pasimpleng tumingin sa akin si Damien. Tipid na lang akong ngumiti bilang tugon.

Bigla akong napaisip, si Snow White kaya naisipan rin ba niyang lutasin ang misteryo ng pagkawala ng mga magulang namin. Mas mataas na ang posisyon niya. Maari siyang mag-utos ng maraming tao para mag-imbestiga para sa kanya.

"Paano kung patay na pala ang tunay na salarin nito?" biglang sabi ni Vayne dahilan para mapatingin kami sa kanya at bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha namin.

"Huwag naman sana, hindi ko talaga matatanggap iyon," saad ko. "Masyado na siyang sinuswerte pag ganun. Hindi ako makapapayag na ganun ganun lang ang mangyayare sa kanya. Mamatay lang siya ng wala man lang nakakaalam na may krimen na pala siyang ginawa."

"O paano nga kung madami nga sila," saas ni Damien. "Mukhang posible nga din yata ang sinasabi mo," sabi ni Damien sa akin.

"Kung marami sila, bakit hindi kaagad natuklasan ang grupo nila?" tanong ni Damien dahilan para manahimik naman kami at sabay sabay kaming malalim na nag-isip. Kaya lang, lumipas ang ilang minuto ay walang posibleng sagot ang lumabas sa mga bibig namin.

Hanggang sa naisipan na lang ni Vayne na bumili ng pagkain sa labas kaya naiwan kaming dalawa ni Damien sa silid. Malalim na napabuntong hininga na lang ako at naghalukipkip.

Napatingin naman ako kay Damien at napansin kong seryoso siyang nakatitig kay Celestia na kasalukuyang nakadapo sa hintuturo niya.

"Bakit?" biglang tanong ko. Kaagad naman siyang napalingon sa akin.

"Ah wala!" sabi niya at pilit siyang ngumiti sa akin. Nakaramdam tuloy ako bigla ng pag-alala sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" tumango naman siya ng ilang ulit sa akin bilang tugon kaya hindi na ako muling nagsalita pa.

Pagkalipas ng ilang minuto ng pananahimik naming dalawa ay bigla siyang nagsalita.

"Red," tawag niya sa akin kaya kaagad naman akong tumingin sa kanya. "May gusto lang akong kumpirmahin tungkol sayo."

Tipid na ngumiti naman ako sa kanya. May ideya na rin naman ako kung anong gusto niyang sabihin sa akin, "Oo, mga magnanakaw nga kami," kaagad na wika ko sa kanya.

"Hindi iyon ang tinutukoy ko," napakunot noo naman ako sa naging tugon niya.

"Eh ano?" kaagad na tanong ko.

Napatingin muna siya sa alaga niyang paru-paro bago niya ibinalik ang tingin sa akin. Bumuntong hininga muna siya bago niya ibinuka ang bibig niya.

"Alam mo ba kung bakit pamilyar ka kay Celestia?" panimula niya. "Hindi ba't nasabi ko sayo iyon nung nakaraan?"

"Oo," sagot ko naman. "Naaalala ko pa naman."

Tumitig siya ng matagal sa mukha ko kaya bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Napakunot noo ako at nagtataka akong tumingin pabalik sa kanya.

"Imposible talaga," rinig kong sabi niya.

"Imposible ang ano?"

Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya kaya mas nabalot ng pagtataka ang mukha niya. Pero ang seryosong mukha niya ay may halong pagtataka rin na para bang may isang bagay na naguguluhan siya.

"Pamilyar ka daw kay Celestia at ngayon naaalala na niya kung saan ka niya nakita," saad niya. Hindi ko naman inasahan ang susunod niyang mga salita.

"Nakita ka niya isang beses na may pinatay kang isang tao."

Napakurap kurap naman ako sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa paru-paro na kasalukuyang lumilipad sa tabi ni Damien atsaka ko binalik muli ang tingin kay Damien.

Magsisinungaling ba ako? Paanong ang isang paru-paro---

Pero tama siya, may napatay nga akong isang tao. Pero nabubuhay na siya ngayon bilang isang crowned princess.

Mahinang tumawa naman si Damien, "Pero imposible naman iyon, hindi 'ba?" ani niya. "Pasensya ka na sa akin, huwag mo sana mamasamain yung sinabi ko sayo." napatigil siya bigla nang mapansin niyang tulala pa rin akong nakatingin sa kanya.

"Huwag mo sabihing totoo ang sinasabi ni Celestia?" kunot noong tanong niya.

Nagsimulang magbatis ng luha ang mga mata ko. Hindi ko rin maintindihan kung anong koneksyon ng mga luha ko sa nararamdaman ko ngayon. Parang isang gripo na bigla na lang bumuhos ang pagkakonsensyang nararamdaman ko na matagal kong kinimkim mag-isa.

Bumuntong hininga ako at mapait akong ngumiti sa kanya, "Oo, totoo nga. Nakapatay ako ng isang tao." kaswal na sagot ko sa kanya.

Kaugnay na kabanata

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Questioning the friendship

    10Kinurap ko ang mata ko para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko at mabuti na lang ay nagtagumpay akong pigilan ito.Samantalang si Damien ay nakarehistro pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. Malungkot na napabuntong hininga na lang ako atsaka ako sumulyap sa alaga niyang paru-paro."Kahanga-hanga ang alaga mo," komento ko atsaka ko binalik ang tingin ko kay Damien. "Hindi ko akalain na isang insekto ang unang makakatuklas ng sikreto ko.""Pati si Vayne ay wala ring alam sa ginawa mo?" 'di makapaniwalang tanong niya."Syempre," kaagad na tugon ko. "Hindi niya alam." seryosong sabi ko. "Hindi naman ako papayag na matuklasan niya ang sikreto ko."Mahinang tumawa naman siya samantalang ako ay pinatili kong blangko ang ekspre

    Huling Na-update : 2020-10-07
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Secret of Shapeshifter

    11Isa o dalawang oras na yata ang lumipas o di kaya tatlong oras na rin yata pagkatapos akong umalis sa silid na iyon. Nanatili lang akong nasa hapag kainan at tumutungga ng alak na para bang isang ordinaryong tubig lang ito.Natulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng malalim. Punong puno ng pag-alala ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako ngayon haharap sa kanila pagkatapos ng naging usapan kanina.Napabuntong hininga ako at muli na namang tumungga ng alak. Napakunot noo naman ako ng may dumapong paru-paro sa baso.Sarkastikong napatawa naman ako, "Hanggang ngayon, sinusundan mo pa rin ako?" ani ko kay Celestia. "Pwede bang doon ka na sa amo mo?" inis na sabi ko. "Tutal nakumpirma mo na rin naman yung hinala mo sa akin kaya huwag mo na akong susundan!" Napatingin naman sa aki

    Huling Na-update : 2020-10-07
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Wanted

    12Kaagad kong kinuwento kay Vayne ang tungkol sa natanggap kong sulat. Katulad ko ay naguluhan rin siya at nagulat rin sa mga sinabi sa akin ni Damien."Sabi ko naman sayo eh," ani niya sa akin. "Susulat rin siya sayo, kaya lang nakakapagtaka lang na natuklasan na niya na daw ang lahat,"kunot noong banggit niya. "Sigurado ba siyang ang LAHAT talaga ang natuklasan niya?""Hindi rin siguro basta basta ang talino ni Damien kaya siguro posible ang bagay na iyon," kibit balikat na sagot ko."Pero kung natuklasan na nga niya ang lahat. Bakit wala siyang binigay na impormasyon sayo?"nagtatakang tanong niya. "Nakakapagtaka eh, agad-agad? Wala muna siyang lista ng mga taong pinagsususpetyahan niya. Talagang sigurado na siya na ang taong iyon ang pumatay sa magulang mo?"

    Huling Na-update : 2020-10-07
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Escape or stay

    13Nasa kamay ko na ang susi para makalabas sa lugar na ito. Ang problema nga lang ay namamanhid pa rin ang kanang hita ko kaya hindi pa ako makakatayo at makakalakad ng maayos.Kailangan ko nang mapuntahan kaagad si Vayne.Sana lang ay maayos ang kalagayan niya ngayon. Kahit alam kong kakayanin naman niya dahil sa kakayahan niya. Pero kahit na ganoon ay posible pa ring manganib ang buhay niya sa mga nilalang na pwedeng umatake sa kanya.Pero paano kung mas lalo siyang mapahamak kapag sinundan ko siya. Paano kung sundan ako ng mga taong gustong humuli sa kanya?Pero nangako ako kay Vayne. Nangako ako na susundan ko siya. Paano rin kung may masamang mangyare sa kanya habang wala ako sa tabi niya?Sumapit ang gabi, ginalaw gala

    Huling Na-update : 2020-10-15
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Kill or be killed

    14Kulay itim ang buong kulay ng katawan nila. Ang tindig nila ay parang isang tao pero bahagyang nakakuba sila dahil sa mahahabang braso nila. Anim o pitong talampakan ang tangkad nila at ang mga ulo nila ay isa nang bungo. Ngunit hindi ito bungo ng isang tao kundi bungo ng isang hayop.Ang mga kamay nila ay mahahaba pati rin ang mga kuko nila at sa tingin ko sobrang tatalas rin ng mga ito. Mahahaba rin ang mga dila nila at base sa mga inaakto ng mga ito ay mukhang gutom na gutom ang mga ito. Tuwang tuwa na may sumulpot na isang putahe sa harapan nila.Halos mabingi ako ng sabay sabay silang umatungal sa harapan ko habang pinalilibutan nila ako. Bago pa nila magawang sumugod sa akin ay kaagad na may matitinik na mga halamang rosas ang pumulupot sa buong katawan nila. Pinagsamantalahan ko kaagad ang pagkakataon na iyon para tumakbo pa

    Huling Na-update : 2020-10-16
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Crime

    15"Oo, totoong kakambal ko si Snow White...Siya ang taong napatay ko."Pagkatapos kong sambitin ang pangalan ng kakambal ko ay madaming alaala ang kaagad na sumulpot sa isipan ko. Alaala na kahit anong baon ko sa kasuloksulokan ng isip ko ay hinding hindi ko magawang makalimutan.Sa murang edad na labing isa ay nakagawa na ako ng isang krimen. Nagawa kong makapatay ng isang tao at kakambal ko pa.At sa murang edad na iyon, buong akala ko'y doon na nagwakas ang buhay ni Snow White.Tahimik akong naglalakad sa labas ng bahay ampunan. Marami ring mga kabataan na katulad ko ang naglalaro sa labas, nagkukulitan at nagkwekwentuhan.Pero iilan sa kanila ay napapatingin sa akin sa tuwing madadaanan ko sila. Wala akong ideya

    Huling Na-update : 2020-10-16
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Queen of the Forest

    16"At pagkatapos 'nun, umalis ako sa lugar na iyon," sabi ko. "Nagpakalayo layo ako hanggang sa makarating ako sa ibang bayan. Nagpagala gala ako sa ibang lugar at kung saan saan lang ako natulog hanggang sa matagpuan ako ng isang mayamang pamilya at kinuha akong katulong," kumibit balikat ako pagkatapos. "Pero tumakas rin ako sa kanila at ayon.... Nagkakilala tayo."Umismid ako at umiwas ng tingin sa kanya pagkatapos kong magkwento. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanya at natatakot rin akong makita ang reaksyon niya."Ano?" nasabi ko na lang dahil wala akong narinig na salita mula sa kanya. Hindi ako komportable sa pagiging tahimik niya. "Wala ka bang sasabihin d'yan?"Kasalukuyang nakasandal ako ngayon sa puno samantalang si Vayne naman ay nakaupo naman sa harapan ko. Na

    Huling Na-update : 2020-10-19
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   We meet again

    17Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng isang malakas at makapangyarihang presensya. Alam kong pati si Vayne ay nararamdaman rin iyon sa babaeng kalahating kabayo o unicorn na biglang sumulpot sa harapan namin ngayon.Pero mabuti naman at meron nang nilalang rito na nagsasalita sa lenggwahe namin. Kaya lang, mukhang hindi madaling kausapin ang babaeng ito.Pabalik balik naman ang tingin sa amin ng babae kay Vayne at sa akin hanggang sa bigla na lang siyang mahinang tumawa na siyang kinataka namin ni Vayne."Biro lang," nakangiting saad niya sa amin. Kahit purong puti ang mata niya ay lalong gumanda siya dahil sa pagngiti niya. "Mga manlalakbay siguro kayo, ano?"Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Vayne. Parehong nag-uusap kaming dalawa gamit ang mata ku

    Huling Na-update : 2020-10-19

Pinakabagong kabanata

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Epilogue

    Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Goodbye, Butterfly

    34Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Snow White and Rose Red

    33Agresibong lumabas ang mga halaman ng rosas sa paligid ko habang masamang nakatitig sa isang impostor na nasa harapan ko ngayon. Samantalang siya naman ay walang emosyong nakatitig lang sa akin.Nanginginig ko

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Last Victim

    32"Nakakalungkot," malumanay na sabi ni Snow White habang nakaharap kami sa isang maliit na cupcake at may maliit itong kandila na nakapatong sa gitnang bahagi. "Tuwing kaarawan natin, palagi kong naalala sina Ama at Ina."

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   What the heart tells

    31Bahagyang napabuka ang bibig ko. Nagsinungaling sa akin si Damien. Buong akala ko ay ang markang nasa palad ko ay para bigyan ako ng sumpa sa oras na naglihim o nagtraydor ako sa kaniya pero ayun pala ay para protektahan ako sa alinmang sumpa.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Shape of Lies

    Shape of Lies30“Base sa nakikita ko sa sitwasyon mo ngayon, gan’yan rin ang kalagayan ng ibang nilalang na nakita ko bago sila mamatay para pakinabangan.”“Ikaw?!” gulat na ani ko.Hindi siya nagsalita. Namilog lang ang mga mata niya habang nakatitig rin ito sa mga mata ko. Kasalukuyan nahihirapan pa rin ito sa paghinga dahil sa halamang nakapulupot sa leeg niya. Ang mga kamay niya ay pinipilit naman luwagan ang pagkakapulupot

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Dear Huntsman

    29Bigla akong napahinto sa paglalakad. Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.Bakit?

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Magic Wielders

    28Walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Pati rin ang mga labi ko. Nawala rin pansamantala ang natural na kulay ng balat ko dahil sa pagkakaputla ko. Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos mahulog ng kapatid ko sa bangin.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   When Someone Dies

    27Wala na ang alaga niyang Pegasus na nakadagan sa likod ko kanina. Kasalukuyang nakatayo na ako ngayon habang pabalik balik ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang lalagyan."Sigurado ka?" taas kilay na

DMCA.com Protection Status