06
Napabuntong hininga na lang ako. Ito ang parusang pinataw sa amin ni Lady Annora sa paglabag ng pangunahing tuntunin niya sa kanyang ampunan. Ang ikulong kaming tatlo sa isang silid. Dito na lang daw kami magpatayan gamit ang mga sariling mahika namin.
Pero si Snow White ay tahimik lang na nakaupo sa isang sulok. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha niya at nagbabasa lang ng libro habang tumatapik tapik sa sahig ang kanyang kanang paa.
"Kasalanan mo 'to!" inis na sabi ko kay Ciela. "Mahilig ka kasi mambintang ng ibang tao!"
Napakunot noo naman si Ciela at inis na binalingan ako ng tingin, "Bakit? Nandoon ang mga sikreto ko eh! Syempre magwawala ako sa sobrang pag-aalala!"
"Eh bakit ako ang pinipilit mong paaminin?! Wala ka namang proweba na ako talaga kumuha ng talaarawan mo!" singhal ko sa kanya.
"Bakit ba!? Eh masama ang ugali mo eh!"
Napataas naman ang kilay ko sa sagot niya, "Alam ko!" buong pagmamalaki na sagot ko. "Eh ikaw! Baka puro kalandian naman laman ng talaarawan kaya takot na takot kang may makakuha kasi ayaw nilang makilala ang tunay na kulay mo!"
"Tignan mo! Masama talaga ugali mo!" inis na sabi niya sa akin sabay duro.
Hinampas ko naman ang daliri niyang nakaduro sa akin, "Talaga! Masamang masamang masamang masama ako!"
Napayukom naman ang kamao niya at akmang maglalabas ng apoy sa kabilang kamay niya pero may lumabas lang na kakaibang simbolo ang lumutang sa palad niya.
Napakunot noo naman ako at tinuro iyon, "Ano iyan?"
Nagtaka rin si Ciela at napatingin sa palad niya, "Hindi ko rin alam," sagot niya. Maya't maya ay nawala na ang kakaibang simbolo na lumutang sa palad niya.
"Sa tingin ko isang seal ang nilagay ni Lady Annora sa atin," nagulat naman kaming dalawa nang biglang magsalita si Snow White at nakatayo na siya malapit sa amin. "Syempre hindi hahayaan ni Lady Annora na pagsamantalahin natin ito para saktan ang isa't isa. Siguradong pagsisisihan natin iyon."
Nang pinalabas na kami sa isang buong araw na pagkakakulong namin sa silid na iyon ay kasalukuyang may bisa pa din ang seal na nilagay sa amin ni Lady Annora. Tatlong araw ang itatagal nito. Pero habang tumatagal unti unti ring lumalabas ang kapangyarihan ko pero ilang segundo lang itatagal nito at susulpot na naman muli ang isang simbolo sa palad ko.
"Naiintindihan ko na kung bakit ayaw na ayaw ni Lady Annora na basta basta na lang natin gamitin ang sariling mahika natin," kaagad naman akong napalingon sa likod ko at bumungad naman sa akin ang nakangiting si Snow White. "Kapag pinangunahan natin ang ating emosyon, hindi natin nagagamit ng maayos ang mahika natin."
"Ganun ba," tanging naitugon ko. Nagulat naman ako nang hinawakan bigla ni Snow White ang braso ko.
"Kaya kung ako sayo, magkaayos na kayong dalawa ni Ciela para matahimik na ang isip niyong dalawa," at bigla na lang akong hinila pero hinila ko din pabalik ang braso ko.
"Ayoko Snow white! Ayokong makipagbati sa impakta na iyon!"
"Sige na, wala namang mawawala sayo~" mahinahon pero parang nang-aasar na sabi niya dahil medyo pakanta ang tono nito.
"Ayoko! Ayaw!"
Pero nagtagumpay pa din siya na hilain ako papunta kay Ciela kahit na anong pagtanggi ko.
~*~
"Bakit ano ba mga magulang mo?" tanong niya. "Ano ka ba?"
"May sarili akong mahika," sagot ko sa kanya. "At namana ko 'yon sa mga magulang ko."
"Talaga?" hindi makapaniwalang ani niya na may halong pagkamangha rin. Pero maya't maya ay biglang nagbago ang ekspresyon niya atsama napataas ang kaliwang kilay niya.
"Teka?" naging seryoso ang boses niya. "Paano mo nalaman na wala akong sariling mahika?"
Hindi ko inaasahan na masasabi niya iyon. Atsaka ko lang napagtanto na nadulas pala sa bibig ko ang dapat na sikreto niya na nalaman ko mula kay Snow White.
Pero mabilis lang din ako kaagad nakaisip ng palusot.
Pasimple ko naman tinignan si Vayne at binalik ang tingin sa kanya, "Hindi ka naman matatakot sa kanya kung meron kang angking abilidad din, diba?"
Hindi naman siya kaagad nakasagot. Pagkatapos ay napabuntong hininga na lang siya at tumingin sa akin at tinapik ang tabi niya.
"Pwede mo bang ikuwento sa akin kung paano nangyare yun sa mga magulang mo?"
Hindi naman ako sumagot at napatitig lang ako sa kanya nang may pagtataka sa mukha.
Napakibit balikat na lang siya at napaiwas ng tingin, "Ayos lang naman kung ayaw mo, Sobrang nacucurious lang ako sa kwento nung guro ko. Ngayon lang kasi ako nakarinig ng kwento na ganun tungkol sa lugar na ito."
Kumuha naman ako ng dalawang tinapay atsaka ko muling pasimpleng hinakbangan si Vayne na kasalukuyang tulog mantika pa din sa sahig.
Umupo naman ako sa tabi niya at inabutan siya ng tinapay na tinanggap niya rin naman kaagad.
"Limang taong gulang ata ako 'nun," panimula ko. "Basta ang liit ko pa sobra 'nun, tanda ko pa kasi medyo may malay na rin ako sa mundo. Umalis yung mga magulang ko kasi bibili sila ng mga pagkain. Madaming madaming pagkain dahil may ipagdidiwang yata kami pag sumapit na ang dilim."
"Tapos?" ani niya habang ngumunguya.
"Tapos? Hindi na sila bumalik."
"Huh?" naguguluhang sagot niya. "Inabandona ka nila? Pero imposible naman iyon. Pero bakit ka nga pala iniwang mag-isa? Eh bata ka pa nun ah!"
Mahinang napatawa na lang ako. Hindi naman ako iniwang mag-isa. May kasama ako syempre. Kaming dalawa ni Snow White ang iniwan nung araw na iyon.
Hindi ko pinansin ang huling tanong niya at tumayo na ako mula sa pagkakaupo at kinain na ng buo ang tinapay, "Basta yun ang huling beses na nakita ko sila."
Muli ko na namang hinakbangan si Vayne at bahagyang gumalaw siya kaya muntikan na akong matalisod dahilan para mag-umpisa na akong mairita. Napameywang naman ako at inis na napatingin kay Vayne na nakanganga habang natutulog.
"HOY! KAILAN MO BALAK BUMANGON DYAN?!"
Napabalikwas naman ng bangon si Vayne dahil sa pagsigaw ko.
~*~
"Oh?" reaksyon ni Vayne. "Kinuwento mo na kaagad sa kanya?" tanong naman ni Vayne sa akin.
"Kung alam mong delikado pala kayong dalawa sa lugar na ito eh bakit nandito kayo?" muli na naman nagtanong sa akin si Prince Damien.
"Hindi naman ako masyadong nag-aalala sa lugar na ito," saad ko. "Hindi naman sa lahat ng oras ay palaging may nawawala rito kaya nga hindi masyadong maingay ang isyu na iyon dito."
"Pero sa tingin mo, may ideya ka ba na kahit ano kung bakit hindi ka na binalikan ng mga magulang mo?" tanong naman ni Vayne.
"Alam mong matagal na akong sumukong alamin ang tungkol sa bagay na iyan," sagot ko. "Dagdag mo pa na hindi ko na din maalala ang buong pangalan nila."
"Bakit hindi mo alamin kung ano munang rason kung bakit di na sila nakabalik?" suhestyon ni Prince Damien.
Dinuro naman siya ni Vayne, "At ikaw, kailan mo ba balak bumalik sa inyo?"
"Ba't ka ba nakikisabat eh hindi naman ikaw ang kinakausap ko?" iritadong sabi ni Prince Damien kay Vayne.
"Alam mo kasi hindi ka nababagay sa amin," ani Vayne. "Porket naikwento na ni Red ang tungkol sa mga magulang niya ay hindi ibig sabihin 'nun na welcome ka na sa amin."
"Aba!" nasabi na lang ni Prince Damien. "Bakit?" taas kilay na tanong nito kay Vayne.
"Tumigil na kayong dalawa," mahinahong sabi ko.
Inunahan naman kami ni Prince Damien sa paglalakad at humarap sa amin dahilan para mapatigil kaming dalawa ni Vayne.
"Baka kaya hindi mo pa nalalaman kung ano ang dahilan ng pagkawala bigla ng magulang mo dahil kailangan mo ng tulong ko."
Napakunot noo naman ako, "Ano bang pinagsasabi mo?"
Sarkastikong napatawa naman ng mahina si Vayne.
"Ayaw mo 'nun? Matutulungan kita?" ani Prince Damien. "Magiging ligtas na rin ang lugar na ito."
"Isang ilusyon iyan, Damien." seryosong sambit ko. Napansin ko pa ang pabirong pagnganga ni Vayne dahil sa kaswal na pagtawag ko ng pangalan niya.
"Paano mo naman nasabi?" takang tanong niya.
Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad atsaka ko nilampasan siya. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Vayne pero kaagad rin akong napatigil nang mapunta sa harapan ko si Celestia, ang alagang paru-paro ni Prince Damien.
"Sabi ni Celestia ay pati siya ay tutulong rin sa paglutas ng misteryo ng pagkawala ng magulang mo kaya pumayag ka na sa gusto ko," sabi ni Prince Damien habang naglalakad palapit sa amin.
Tumawa na naman si Vayne habang ang ekspresyon nito ay parang hindi pa rin makapaniwala sa inaakto ng tinaguriang prinsipe ng aming kaharian. Kaya sinamaan naman siya ng tingin ni Prince Damien.
"Jusmeyo marimar!" natatawang sabi ni Vayne.
"Bakit ba interesadong interesado ka sa mga magulang ko?" tanong ko.
Napataas naman ang kilay niya, "Ano kamo? Hindi ako interesado sa magulang mo no! Interesado ako sa kinuwento ng guro ko at nakasisiguro ako na AKO ang makakalutas ng misteryong iyon!" sabi niya na may halong pagmamalaki atsaka siya nagpatiunang maglakad sa amin.
Napabuntong hininga na lang ako at napakibit balikat pagkatapos ay tumingin ako kay Vayne habang nakapamulsa, "Hmm...Kaya pala magkasundo kayong dalawa. Halos magkaugali pala kayo."
"Ano?!" kunot noong tugon ni Vayne.
"Hindi ah! Hindi kaya!"
Mapang-asar na ngumiti ako sa kanya, "Ang cute niyo kayang dalawa nung lasing kayo pareha." pagkatapos ay sumunod na akong maglakad kay Damien.
Ang lakas ng loob mag-una-unahan ng batang 'to! Eh hindi niya naman kabisado ang daan dito.
~*~
"May bayad naman talaga, rerentahin mo yan eh!" saad naman ni Vayne. "Bakit madami ka namang baong pera dyan diba?"
"Kulang iyong pera ko!" katwiran naman ni Damien.
"Edi bawasan natin yung mga libro na hihiramin mo."
"Ayoko!" singhal ni Damien kay Vayne.
"Shh!" saway ko. "Baka nakakalimutan niyong nasa loob pa rin kayo ng library. Pag di pa kayo tumigil pag-uumpugin ko 'yang mga ulo niyo!"
"Shhh!" sinamaan ko naman ang tingin ang nanaway sa akin. Napakadaya! Bakit yung dalawang lalaking ito na kanina pa nagtatalo pero hindi naman nila sinusuway?! Tsk!
Lumabas na kami sa public library na iyon habang si Damien naman ay sobrang iritadong iritado ang mukha at nagmamaktol pa na parang bata.
Pero dahil mabait kaming mga magnanakaw, may solusyon naman na kami kaagad sa problema niya.
Napangisi naman si Vayne nang mapunta kami sa isang pamilyar na lugar.
Kung saan unang beses namin nakilala si Rolan at kung saan ko unang nakita si Snow White bilang isang crowned princess na.
"Anong lugar ito?" takang tanong ni Damien.
"Dahil mababait kaming nilalang at may kasama kaming ignorante pa sa mundo ay ibang paraan muna ang gagamitin namin para magkapera," ani Vayne at muling lumawak ang ngiti niya. "Sabik na kong maulanan ng mga swerte muli!" atsaka siya mabilis na naglakad palapit sa palaruan ng ahedres.
"Marunong siyang maglaro ng ahedres?" di makapaniwalang bulong sa akin ni Damien. "Buong akala ko'y walang laman ang utak niya."
Mahinang napatawa naman ako sa sinabi niya.
Kaagad namang nakahanap ng katunggali si Vayne at syempre pero ang naging usapan nila bilang kapalit. Nang manalo na naman siya ay mukhang nawili na naman siya kaya naghanap pa siya ng iba pang makakatunggali. Samantalang kami naman ni Damien ay tahimik na nanonood lang sa likod niya.
"Sampung libo."
"Labinglimang libo!"
"Dalawampung libo."
"Dalawampu't limang libo."
"Mate." nakangising sabi ni Vayne nang matapos niyang galawin ang itim na rook. At muli na namang nakatanggap ng pera si Vayne mula sa kanyang katunggali.
Maya't maya ay may bagong nakatunggali na naman si Vayne.
"Wag kayong mag-alala, huli na 'to," nakangiting paalala sa amin ni Vayne. Pinandilatan ko lang ito ng mata bilang tugon pero dahil sanay na ay tinawanan lang ako bilang tugon.
"Bibili lang kami ng pagkain," paalam ko sa kanya. "Kanina pa kasi nagrereklamo ang ating kamahalan," pangangasar ko kay Damien sabay hampas sa balikat nito kaya napadaing siya at kunot noong tinignan ako habang hinihimas nito ang parteng hinampas ko. Nginitian ko na lang ito at sinenyasan na sumunod sa akin.
~*~
Pero pabalik balik lang ang tingin niya sa mga pagkain. Napabuntong hininga na lang ako at napairap sa hangin.
"Pareho yan masasarap! Huwag kang mag-alala!"
"Mukhang hindi kati-katiwala ang mga itsura kasi nila eh," katwiran ni Damien. "Tignan mo, ang papanget. Kadiri!"
Lumapit naman ako sa kanya atsaka ko siya binatukan dahilan para mapahawak siya sa ulo niya, "Ang arte mo!"
"Ano ba?! Bakit kailangan mo akong batukan?!" singhal niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin at ako na lang ang pumili ng pagkain para sa kanya atsaka ko naman din kaagad binayaran.
Habang naglalakad kami pabalik sa palaruan ng ahedres ay inabutan ko naman siya ng pagkain na kaagad naman niyang tinanggap na may pagdadalawang isip pa rin sa mukha niya. Pero kalaunan ay dahan dahan niya ring kinain ito. Pinagmasdan ko naman siya ng maiigi para maabangan ang kasunod na magiging reaksyon nito.
Napatango tango naman siya habang ngumunguya, "Hindi na masama."
Napangiti na lang ako at napailing iling, "Kakaiba talaga panlasa ng mga maharlika."
Sinamaan niya naman ako ng tingin pero bigla rin siyang napatigil at napatitig sa balikat ko kaya napatingin rin ako roon.
"Oh!" napangiti ako nang makita ko si Celestia na nakadapo sa balikat ko. "Bakit ganun siya sa akin? Pero mailap siya pagdating kay Vayne."
"Kinikilatis ka niya."
Nanliit naman ng mga mata ko, "Huh?"
Bahagyang ngumiti naman siya at binaling ang tingin sa alaga niyang paru-paro, "Pamilyar ka daw kasi sa kanya."
Napakunot noo naman ako,"Ano?" natatawang sabi ko. "Pinagsasabi mo?"
Inilapit niya naman ang hintuturo niya sa balikat ko kaya doon na dumapo ang paru-paro niya.
"Bakit? Iniisip mo rin ba na baliw ako?" taas kilay na tanong niya sa akin. "Ayos lang naman!" masiglang sabi dahilan para magtaka ako. "Kahit ano pang sabihin sa akin ng mga tao. Hindi ko pa rin ikakahiya ang sarili kong kakayahan," nakangiting sabi niya.
"Paano ka nakakasiguro na tama ang pagkakaintindi mo sa kanya?" tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Dahil kakaiba ang pandinig ko kumpara sa inyo," pagmamalaki niya.
"Nakakapagduda pa rin kung totoo ba o hindi ang ganyang kakayahan mo," nasabi ko na lang habang umiiling. "Tara na! Baka nagastos na ni Vayne ang mga napanalonan niya."
Pagkarating namin doon ay pareho kaming napatigil ni Damien nang makita namin si Vayne na binalibag ang lamesang ginamit nila sa paglalaro ng ahedres.
"A-Anong nangyayare?" nag-aalalang sabi ni Damien.
"Bawiin mo yung sinabi mo," malamig na sabi ni Vayne sa katunggali niya pero nginisihan lang siya nito.
"Bakit apektado ka? Totoo ba ang mga salitang binitawan ko, Ginoo?"
Nanginginig na kinuyom ni Vayne ang mga kamao niya.
"Mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo," seryosong sabi ni Vayne. "Siguradong hindi mo magugustuhang magalit ang mga salot na sinasabi mo."
"Ibig sabihin, inaamin mo talaga na salot talaga sa lipunan kayong mga figtus?" mas lalo pang inasar ng lalaki si Vayne imbis na tapusin na lang kaagad ang usapan nila.
"Figtus?" sambit naman ni Damien ng may pagtataka sa kanyang mukha.
Hindi sumagot si Vayne pero matalim pa rin ang titig niya sa lalaki.
Nilapit naman ng lalaki ang mukha niya kay Vayne habang malawak pa rin ang ngisi niya, "Mga halimaw rin naman kayo kaya mas mabuting mamuhay na lang kayo sa mga bundok na parang mga hayop. Iyon ang nababagay sa mga katulad niyo, naiintindihan mo? Hindi kayo nararapat makisama sa mga katulad namin! Wala kayong lugar dit---!" Hindi na natapos ang sinabi ng lalaki dahil kaagad siyang sinuntok sa mukha ni Vayne dahilan para magsigawan ang iilang mga tao at maghiyawan naman ang mga kalalakihan na naeengganyo sa panonood.
Gumanti naman ang lalaki at hinampas niya si Vayne ng upuan.
"Vayne!" sigaw ko nang matumba ito sa lupa. Kaagad kong sinenyasan si Damien na huwag muna sumunod atsaka ko sinubukang lumapit sa pwesto ni Vayne pero napatigil rin ako nang dahan dahang bumangon si Vayne kahit medyo duguan ang mukha niya. Pinunasan naman niya ang dugo sa gilid ng labi niya nang makatayo na siya.
Napayukom muli ang kamao niya at masamang tinignan ulit ang lalaki.
"Sabagay, tama ka," ani Vayne at naglakad palapit sa lalaki habang nakayukom ang mga kamao niya. "Mga halimaw nga kami!" buong pagmamalaki na sabi niya nang makalapit na siya sa lalaki. "Kaya wala kang karapatan na maliitin at insultuhin ang mga katulad namin dahil KINATATAKUTAN KAMI!"
Napaatras naman at biglang natumba ang lalaki sa gulat sa biglaang pagsigaw ni Vayne dahil kasabay nun ang unti unting pagiibang anyo ng mukha niya. Nanlaki naman ang mata ko nang mapansin kung unti unting nagkakaroon ng kaliskis ng dragon ang iba't ibang parte ng katawan niya lalo na ang mukha niya.
Hindi maganda 'to!
Natataranta akong pumunta malapit kay Vayne habang tinatawag ang pangalan niya pero parang wala lang siya narinig at patuloy siyang naglalakad palapit sa lalaki habang unti unting nababalutan na ng kaliskis ang buong balat niya.
Samantalang ang lalaki na nakaaway ni Vayne ay patuloy lang sa pag-atras habang nakaupo. Ang mga tao namang nakiki-usyoso ay napasinghap lang sa nasaksihan nila. Akmang hahawakan ko na si Vayne sa kwelyo niya sa likod pero bigla akong napaatras nang may tumubong pakpak sa likod niya at unti unti nagiging kabayo na ang pigura niya habang lumalapit pa rin sa lalaki.
Dahil wala siyang balak tumigil sa paglapit sa lalaki ay kaagad kong inangat ang dalawang kamay ko at kaagad namang may sumulpot na mga halamang rosas sa ilalim ng pwesto ni Vayne at pumulupot sa buong katawan niya. Napigilan man nito ang paglapit niya sa lalaki pero hindi nito nagawang pigilan ang pagpapalit anyo niya.
Pinasamantalahan na ng pagkakataon ng lalaki at kaagad nang tumakbo palayo. Samantalang ako naman ay nahihirapan dahil pabigat ng pabigat si Vayne. Nanlaki naman ang mata ko nang matapos na ang pagpapalit ng anyo niya.

Hindi, Hindi ito isang dragon. Isa itong Longma. Isang uri ng kabayo na kuhang kuha ang wangis ng dragon. Pero sobrang delikado at nakakatakot pa rin ito dahil meron pa rin itong mga angking abilidad na katulad na katulad sa isang dragon.
Kaagad ko naman binalingan ng tingin ang ibang mga tao,"Ano pang tinutunganga niyo dyan?!" sigaw ko. "Umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay!"
Pero halos lahat ata ng mga tao ay natuliro sa itsura ni Vayne. Mukhang hinihintay pa yata nila na magbuga ito ng apoy bago sila bumalik sa mga huwisyo nila. Samantalang si Vayne ay patuloy pa rin sa pagwawala na parang tunay na isang hayop. Kaya nakasisiguro akong hindi niya kontrolado ang sarili niya.
Inis na napabuntong hininga ako dahil sa iritasyon, "Sige! Huwag na pala kayo umalis! Para mamatay na kayong lahat!" iritadong sigaw ko atsaka dun pa lamang nila naisipang magsi-alis sa lugar pero maya't maya lang ay unti unti nang nakakawala si Vayne sa mga halamang rosas ko kaya nagpatubo na naman ako ng mga bago sa lupa para ipulupot sa katawan niya at mas lalo ko pa itong pinahigpit sa katawan niya dahilan para umatungal ito ng malakas at magbuga ng apoy dahilan para magsigawan ang iilang mga taong natitira at kasalukuyan pa lang umaalis ng lugar. Mabuti na lang at hindi gaano malakas ang apoy na nanggaling sa bunganga nito.
"Vayne! Vayne!" tawag ko sa pangalan niya pero parang nakalimutan na niya ang sarili niyang pangalan.
"Vayne, Makinig ka," seryosong sabi ko habang pinipigilan ko siyang makawala. Wala siya sa sarili niya kaya paniguradong makakapanakit siya ng ibang tao kapag pinakawalan ko siya.
"Alam mong walang katuturan ang sinasabi ng lalaking iyon kaya huwag kang magpaapekto sa sinasabi niya," mahinahong sabi ko. Pero hindi na niya ako naiintindihan, patuloy pa rin siya sa pagwawala.
Maya't maya ay muli na naman siyang bumuga ng apoy at nataranta naman ako nang masunog ang iilang halaman kaya muli na naman ako nagpatubo ng madaming mga halamang rosas para ipulupot sa katawan niya.
"Walang mangyayare kung yan lang ang gagawin mo," napatingin naman ako sa nagsalita at nagulat naman ako nang mapagtanto kong nandito pa pala si Damien.
Malalim siyang napabuntong hininga at nanginginig na tinutok kay Vayne ang hawak niyang maliit at payat na wand.
"T-Teka! Anong gagawin mo?!"
"Tumutulong! Ano ba sa tingin mo?" pamimilosopo pa niya pero patuloy pa rin sa panginginig ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala, pinag-aralan ko naman ito." atsaka siya tumikhim ng dalawang beses. "I...Infala!"
Nanlaki naman ang mata ko sa bagong anyo ni Vayne na unti unting bumabagsak sa ere. Kaagad kong ginalaw ang kamay ko at bumagsak naman ito sa malambot na mga halamang rosas.
Dahan dahan kaming lumapit ni Damien kay Vayne na kasalukuyang nakahiga sa mga halamang rosas na ako ang may gawa. Biglang napuno ng pagkabahala ang mukha naming dalawa nang makarinig kami ng malakas na iyak ng sanggol.
"Anong ginawa mo kay Vayne, Damien?"
07Kaagad namin ginamit ang mga perang napanalunan ni Vayne sa paglalaro ng ahedres sa pag-renta ng mga libro sa public library. Pagkarating namin sa kwartong nirenta namin sa isang inn ay kaagad nilapag naman ni Damien ang anim na libro."Bakit ang dami?" pasinghal na tanong ko habang karga karga ko si Vayne na kasalukuyang sanggol ngayon. Samantalang kami naman ni Damien ay kasalukuyang nakasalampak sa sahig. Ang kaibahan nga lang ay nakaupo sa unan si Damien. Maarte kasi ang loko, madumi daw ang sahig."Hindi sapat ang isang libro!" kaagad na sagot ni Damien atsaka siya kumuha ng isang manipis na libro at pinakita ito sa akin. "At kakailanganin rin natin ito, tungkol ito sa mga tao rito na bigla na lang nawala. Paniguradong nandito rin ang mga magulang mo."Napairap naman ako, "Alam ko, dahil bi
08"May alam ka ba na makakatulong sa amin para bumalik sa normal yung kaibigan namin?""Wala talaga?""Pasensya na kung naabala kita.""Ayos lang sa akin iyon, huwag kang mag-alala.""Nga pala, ito nga pala ang kaibigan kong si Celestia."Napangiwi na lang ako habang pinapanood ko si Damien na nakikipagusap sa isang tutubi.Kasalukuyang nasa labas kami ngayon nakatambay dahil umaga naman at hindi naman ganun nakakasilaw ang araw. Si Vayne naman ay syempre sanggol pa rin at karga karga ko ngayon.Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Snow White noon na si Damien ay walang nakikitaang isang katangian para mamuno ng isang k
09"Pwede po bang magtanong?"Naalala ko nung mga panahong nasa labing tatlong taong gulang pa lang ako. Wala na ako sa poder ng isang pamilya na nanakit at nag-abuso sa akin. Pero pabalik balik pa rin ako sa pampublikong librarya para paulit ulit kong hiramin ang librong may nilalaman na impormasyon tungkol sa magulang ko.Tinaasan lamang ako ng kilay ng babaeng tagapagbantay ng librarya. Kaya tumikhim naman ako bilang senyales na nag-aabang ako ng sagot niya."Nagtatanong ka na, hija," pamimilosopo niya sa akin. "Ano ba iyon?" medyo iritado pa ang tono ng boses niya habang nagtatanong."Saan po matatagpuan ang may akda ng libro na ito?" pinakita ko sa kanya ang manipis na librong hawak ko.Kinunotan naman niya ako ng noo at
10Kinurap ko ang mata ko para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko at mabuti na lang ay nagtagumpay akong pigilan ito.Samantalang si Damien ay nakarehistro pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. Malungkot na napabuntong hininga na lang ako atsaka ako sumulyap sa alaga niyang paru-paro."Kahanga-hanga ang alaga mo," komento ko atsaka ko binalik ang tingin ko kay Damien. "Hindi ko akalain na isang insekto ang unang makakatuklas ng sikreto ko.""Pati si Vayne ay wala ring alam sa ginawa mo?" 'di makapaniwalang tanong niya."Syempre," kaagad na tugon ko. "Hindi niya alam." seryosong sabi ko. "Hindi naman ako papayag na matuklasan niya ang sikreto ko."Mahinang tumawa naman siya samantalang ako ay pinatili kong blangko ang ekspre
11Isa o dalawang oras na yata ang lumipas o di kaya tatlong oras na rin yata pagkatapos akong umalis sa silid na iyon. Nanatili lang akong nasa hapag kainan at tumutungga ng alak na para bang isang ordinaryong tubig lang ito.Natulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng malalim. Punong puno ng pag-alala ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako ngayon haharap sa kanila pagkatapos ng naging usapan kanina.Napabuntong hininga ako at muli na namang tumungga ng alak. Napakunot noo naman ako ng may dumapong paru-paro sa baso.Sarkastikong napatawa naman ako, "Hanggang ngayon, sinusundan mo pa rin ako?" ani ko kay Celestia. "Pwede bang doon ka na sa amo mo?" inis na sabi ko. "Tutal nakumpirma mo na rin naman yung hinala mo sa akin kaya huwag mo na akong susundan!" Napatingin naman sa aki
12Kaagad kong kinuwento kay Vayne ang tungkol sa natanggap kong sulat. Katulad ko ay naguluhan rin siya at nagulat rin sa mga sinabi sa akin ni Damien."Sabi ko naman sayo eh," ani niya sa akin. "Susulat rin siya sayo, kaya lang nakakapagtaka lang na natuklasan na niya na daw ang lahat,"kunot noong banggit niya. "Sigurado ba siyang ang LAHAT talaga ang natuklasan niya?""Hindi rin siguro basta basta ang talino ni Damien kaya siguro posible ang bagay na iyon," kibit balikat na sagot ko."Pero kung natuklasan na nga niya ang lahat. Bakit wala siyang binigay na impormasyon sayo?"nagtatakang tanong niya. "Nakakapagtaka eh, agad-agad? Wala muna siyang lista ng mga taong pinagsususpetyahan niya. Talagang sigurado na siya na ang taong iyon ang pumatay sa magulang mo?"
13Nasa kamay ko na ang susi para makalabas sa lugar na ito. Ang problema nga lang ay namamanhid pa rin ang kanang hita ko kaya hindi pa ako makakatayo at makakalakad ng maayos.Kailangan ko nang mapuntahan kaagad si Vayne.Sana lang ay maayos ang kalagayan niya ngayon. Kahit alam kong kakayanin naman niya dahil sa kakayahan niya. Pero kahit na ganoon ay posible pa ring manganib ang buhay niya sa mga nilalang na pwedeng umatake sa kanya.Pero paano kung mas lalo siyang mapahamak kapag sinundan ko siya. Paano kung sundan ako ng mga taong gustong humuli sa kanya?Pero nangako ako kay Vayne. Nangako ako na susundan ko siya. Paano rin kung may masamang mangyare sa kanya habang wala ako sa tabi niya?Sumapit ang gabi, ginalaw gala
14Kulay itim ang buong kulay ng katawan nila. Ang tindig nila ay parang isang tao pero bahagyang nakakuba sila dahil sa mahahabang braso nila. Anim o pitong talampakan ang tangkad nila at ang mga ulo nila ay isa nang bungo. Ngunit hindi ito bungo ng isang tao kundi bungo ng isang hayop.Ang mga kamay nila ay mahahaba pati rin ang mga kuko nila at sa tingin ko sobrang tatalas rin ng mga ito. Mahahaba rin ang mga dila nila at base sa mga inaakto ng mga ito ay mukhang gutom na gutom ang mga ito. Tuwang tuwa na may sumulpot na isang putahe sa harapan nila.Halos mabingi ako ng sabay sabay silang umatungal sa harapan ko habang pinalilibutan nila ako. Bago pa nila magawang sumugod sa akin ay kaagad na may matitinik na mga halamang rosas ang pumulupot sa buong katawan nila. Pinagsamantalahan ko kaagad ang pagkakataon na iyon para tumakbo pa
Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu
34Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.
33Agresibong lumabas ang mga halaman ng rosas sa paligid ko habang masamang nakatitig sa isang impostor na nasa harapan ko ngayon. Samantalang siya naman ay walang emosyong nakatitig lang sa akin.Nanginginig ko
32"Nakakalungkot," malumanay na sabi ni Snow White habang nakaharap kami sa isang maliit na cupcake at may maliit itong kandila na nakapatong sa gitnang bahagi. "Tuwing kaarawan natin, palagi kong naalala sina Ama at Ina."
31Bahagyang napabuka ang bibig ko. Nagsinungaling sa akin si Damien. Buong akala ko ay ang markang nasa palad ko ay para bigyan ako ng sumpa sa oras na naglihim o nagtraydor ako sa kaniya pero ayun pala ay para protektahan ako sa alinmang sumpa.
Shape of Lies30“Base sa nakikita ko sa sitwasyon mo ngayon, gan’yan rin ang kalagayan ng ibang nilalang na nakita ko bago sila mamatay para pakinabangan.”“Ikaw?!” gulat na ani ko.Hindi siya nagsalita. Namilog lang ang mga mata niya habang nakatitig rin ito sa mga mata ko. Kasalukuyan nahihirapan pa rin ito sa paghinga dahil sa halamang nakapulupot sa leeg niya. Ang mga kamay niya ay pinipilit naman luwagan ang pagkakapulupot
29Bigla akong napahinto sa paglalakad. Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.Bakit?
28Walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Pati rin ang mga labi ko. Nawala rin pansamantala ang natural na kulay ng balat ko dahil sa pagkakaputla ko. Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos mahulog ng kapatid ko sa bangin.
27Wala na ang alaga niyang Pegasus na nakadagan sa likod ko kanina. Kasalukuyang nakatayo na ako ngayon habang pabalik balik ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang lalagyan."Sigurado ka?" taas kilay na