Share

Prince of insects

Author: Pyongieshii
last update Last Updated: 2020-09-29 23:49:41

                                     05


"Rolan, ihatid mo muna si Damien sa silid niya," utos ni Snow White kay Rolan. Yumuko na ito bilang pagtugon at maayos na umalis na silang dalawa ni Damien.


Kaming dalawa ni Snow White na lang ang natira na ngayon. Kaagad niyang binaling sa akin ang tingin niya.


Inilagay niya naman sa likod ang dalawang kamay niya.


"Narinig mo lahat hindi 'ba?" tanong niya kaagad.


Hindi ako kaagad nakasagot. Mabilis na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya senyales na nag-konklusyon na kaagad siya na 'oo' ang sagot ko.


Tumango tango naman siya, "Oo, may pakay nga ako sayo. Pero hindi ito konektado sa pagtatraydor mo sa akin noon."


Naglakad siya palapit sa akin at hindi ko alam pero bigla rin akong napaatras.


"Hindi kita tinaraydor!" singhal ko. "Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko 'yon!" Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na isigaw sa kanya ang mga salitang iyon.


Mahina siyang tumawa at naglakad siya ulit palapit sa akin dahilan para muli na naman akong napaatras.


"Huli na para sabihin mo sa akin 'yan. Nagawa mo na, wala nang dahilan para maniwala pa ako sayo," mahinahong sabi niya at sinabayan niya ito nang pasarkastikong tawa.


"Alam mong hindi ko yon sinasadya!"


Napasinghap naman ako nang marahas niyang hinablot ang pulsuhan ko kaya muli na namang tumaas ang balahibo ko dahil naramdaman ko na naman muli ang malamig na kamay niya.


Inilapit niya ito sa dibdib niya at walang emosyon na tumitig sa mga mata ko.


"Nakakalimutan mo na ba?" malamig pero may halong pang-aasar ang tono niya. "Hindi ba't dito mo ako tinamaan?"


Sinubukan ko namang alisin ang kamay ko pero mas lalong hinigpitan niya ang hawak sa pulsuhan ko kaya di ko na  naiwasang mapadaing dahil mas lalong nakaramdam ng lamig ang pulsuhan ko.


"Hindi mo nga ba talaga sinasadya iyon?" walang emosyong tanong niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mas lalo pa akong nakaramdam ng panlalamig sa pulsuhan ko. Unti unti na pala itong nagyeyelo kaya nag-umpisa na akong mataranta. Bumilis ang tibok ng puso ko at maging ang paghinga ko. Hinihila ko ang kamay kong nakalapat sa dibdib niya pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak dito.


"Tama na," pabulong na pagsusumamo ko. "Tama na, Snow White!"


Pero parang wala itong narinig, walang emosyon lang ito nakatitig sa mukha ko pero ang mga asul na mata niya ay napuno na naman ito ng galit. Sinubukan ko naman iangat ang isang kamay ko pero napasinghap naman ako nang sinakal niya ang leeg ko gamit ang isa niya pang kamay kaya doon napahawak ang isa kong kamay.

Napaubo ako pero walang nag-iba sa ekspresyon ni Snow White. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na sumasakal sa leeg ko habang umuubo pero sadyang mas malakas siya. Alam ko dahil iyon ang palaging sinasabi sa akin simula nung bata pa ako. Mas malakas siya, mas magaling siya, mas matalino siya. Mas may awtoridad siya sa akin pero mas mahinahon siya kaysa sa akin. Malayong malayo sa nakikita ko ngayon.


"Pollum memorias pollum," rinig kong bulong niya sabay lakad paabante dahilan para mapaatras na naman ako.


"Pollum memorias pollum," ulit pa niya habang patuloy pa din akong napapaatras habang siya ay umaabante hanggang sa bigla na lang unti unting nagbago ang itsura ng paligid. Mas lalo akong nagtaka nang mapansin kong naging pamilyar bigla sa akin ang buong lugar.


"Pollum memorias pollum," biglang umulit ulit sa pandinig ko ang boses at unti unti rin akong nabibingi. Marahas niya akong binitawan at tinulak. Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtanto kong may bangin palang naghihintay sa likod ko. Nahulog ako sa bangin habang nakaangat ang kanang kamay ko at malakas kong sinisigaw ang pangalan niya.

                                  ~*~

"SNOW WHITE!"


Napabalikwas ako ng bangon habang hinihingal hingal. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.


"Jusko! Nakakagulat ka naman, Red!" napalingon naman ako sa kanan ko at bumungad sa akin si Vayne na nakahawak rin sa dibdib niya at mabilis din ang paghinga katulad ko.


Napakunot noo naman ako nang mapagtanto kong nasa loob kami ng gumagalaw ng karwahe at si Rolan ang kasalukuyang nagpapatakbo nito.


"Saan mo kami dadalhin?" tanong ko kay Rolan.


Si Vayne ang sumagot sa tanong ko, "Pakakawalan na daw tayo."


Kaagad akong napatingin kay Rolan, "Totoo ba? Hahayaan na lang ng prinsesa na hindi kami maparusahan?"


"Totoo ang sinasabi ng shapeshifter," ani Rolan. "Kaya kung ako sa inyo ay kontrolin niyo na ang pangangati ng kamay niyo. Baka hindi kayo suwertehin sa pangalawang beses na mahuli kayo."


Nagtatakang napatingin naman ako kay Vayne.


"Nasa silid pa tayo at nakagapos pa ako sa pagkakaalala ko," naguguluhang saad ko pero tinawanan lang ako ni Vayne.


"Aba, ewan ko sayo," natatawang saad niya sa akin kaya sinamaan ko lang ito ng tingin atsaka sinuntok sa balikat dahilan para mapahawak siya dito at mapadaing.


Maya't maya naman ay tumigil na ang karwaheng sinasakyan namin.


"Wala kayong permanenteng tirahan diba?" ani Rolan. "Kaya dito sa isang inn ko na lang kayo ibababa."


"Salamat," turan ko at tipid na ngumiti sa kanya. Sinuklian niya rin ako ng isang tipid na ngiti bilang pagtugon. Pagkatapos 'nun ay ako na ang naunang bumaba sa karwahe atsaka sumunod sa likod ko si Vayne.


Nang tuluyan na kaming makababang dalawa ay kaagad nang pinatakbo ni Rolan ang mga kabayo na siyang humihila sa karwahe at mabilis rin siyang nawala sa paningin namin.


"Dating gawi?" rinig kong tanong ni Vayne.


Umangat naman ang sulok ng labi ko, "NORMAL na gawi," pagtatama ko atsaka na ako unang pumasok sa inn. Mahinang tumawa naman siya atsaka na siya sumunod sa akin.

                               ~*~

Lumipas ang ilang mga araw o mga ilang linggo ay parang wala lang ang nangyare sa amin nung nakaraan. Pinagpatuloy lang namin ang gawain namin na para bang dito lang nakadepende ang buhay namin.


Kung sabagay ay sa pagnanakaw lang naman talaga namin dinedepende ang lahat. Isang bagay na wala kaming kasiguraduhan kung kailan ba talaga kami titigil.


Mabilis na tumakbo si Vayne na nasa kasalukuyang nasa anyong pusa at dumaan siya sa harap ko. Samantalang ako  ay nakasandal naman sa pader at umaakto na hindi kami magkakilala.


Nang makalapit na si Vayne sa isang ginang ay mabilis niyang inagaw ang bag nito gamit ang bibig niya atsaka siya tumakbo.


"HOY! PESTENG PUSA!" gigil na sigaw ng ginang at akmang hahabulin ang pusa pero kaagad na may pumulupot na mga halamang rosas sa kanang paa paakyat sa binti niya dahilan para mapadapa siya.


Samantalang si Vayne naman ay nag-umpisa nang umakyat sa bubong at doon muling tumakbo habang bitbit ang maliit na bag na pagmamay-ari ng ginang na patuloy pa rin siyang minumura.


Kaagad kong pinalaho ang mga halamang pumulupot sa kanya at dahan dahang umalis na sa lugar na iyon dahil may isang tao nang lumapit sa kanya para tulungan siyang makatayo.


Lihim na napangiti na lang ako habang nakapamulsa at naglalakad palayo.


Kaagad naman napakinabangan ang mga nakuha namin sa ginang na iyon. Ginamit namin iyon pangkain sa mumurahing hapagkainan. Dahil kahit malaki rin ang nakuha namin ay hanggang dito pa rin ang kaya lang namin.


"HOY! PESTENG PUSA!" inipit naman ni Vayne ang boses niya at ginaya ang sinabi sa kanya ng ginang sabay tawa.


"Sobrang babaw ng kaligayahan mo," natatawang komento ko sa kanya. "Pero sayang hindi mo nakita kung paano siya nadapa kanina."


"Hindi man lang ako pinagpawisan!" pagmamayabang ni Vayne habang tumatawa atsaka siya uminom at sumubo muli ng pagkain.


Napatigil ako sa pag-nguya at napataas naman ang kilay ko, "Pinagpapawisan ba ang mga pusa?"


Pagkatapos namin kumain ay napagpasyahan naming bumili bili sa mga pamilihan ng mga mumurahing prutas at kung ano ano pang mga bagay na mapapakinabangan namin.


"Ubos na ang teleportation stone na ninakaw ko nung isang araw," mahinang sabi ni Vayne habang naglalakad kaming dalawa.


Napakunot noo ako, "Kailangan pa ba natin 'nun? Eh ang mamahal ng mga 'yon eh."


"Kaya pa naman nating makabili ng dalawa. Siguro?" nagdadalawang isip rin na tugon niya.


"Masyadong magastos!" ani ko. "Tama na yung isa na lang." kaagad naman akong napatigil at sinuri ang isang maliit na bote.


"Binibini!" tawag ko sa manininda. "Magkano ang pabango na ito?"


Napataas naman ang kilay ni Vayne at kumunot rin ang kanyang noo, "Akala ko ba ayaw mo nang masyadong magastos?"


"Isang daa---" naputol naman sa pagsagot ang manininda nang walang pasintabi akong hinila ni Vayne palayo sa bilihan ng babae.


"Hoy teka--!" nasambit ko na lang.


"Isang teleportation stone," sambit ni Vayne sa tindero nang makarating na kami sa bilihan ng mga bagay na katulad ng teleportation stone. Kaagad namang inabot sa kanya ang isang pulang bato na nasa maliit na supot atsaka naman inabot sa kanya ni Vayne ang bayad niya.


Kunot noong napatingin naman ako sa kanya, "Hindi ka ba nababahuan sa sarili mo?"


"Depende pag trip kong aminin na mabaho ako," sagot niya. Napahalukipkip naman ako at napataas naman ang kilay ko. Bigla naman siyang natawa dahil sa inakto ko.


"Naniwala ka naman kaagad," ani niya. "Syempre hindi ako mabaho, naliligo ako ng araw araw. Ewan ko nga lang sayo."


"Bilhin na kasi natin iyon!"


Natatawang ginulo naman niya ang buhok ko, "Nakawin mo na lang," atsaka niya ako nilampasan at naunang maglakad. Napairap na lang ako sa hangin at sumunod sa kanya.


Bigla akong napatigil nang may maramdaman akong dumapo sa kanang balikat ko. Kaagad akong napatingin rito at napakurap kurap naman ako nang mapagtanto kong isang paru-paro pala ang dumapo sa balikat ko. Kulay bahaghari ang mga pakpak nito.


Akmang papagpagin ko ito nang bigla na lang may sumigaw na boses lalaki sa likod ko.


"HOY!"


Pareho kaming napalingon ni Vayne sa likod ko. Nagtaka naman ako nang biglang nag-iba ang ekspresyon ng binatilyo nang makita niya ang mukha ko. Para bang nakikilala niya ako.


"Ikaw na naman!" singhal niya sabay duro sa akin.


"Huh?" naguguluhang turan ko. "May atraso ba ko sayo?" Napagnakawan na ba namin ito? Posible, mukhang may kaya siya eh.


Maamo ang mukha niya pero sobrang inis na inis ang ekspresyon ng mukha niya at hindi ko maintindihan kung bakit.


Napakunot noo naman siya, "Ano? Nakalimutan mo na kaagad? Alam mo bang dahil sayo ay muntikan nang di makalipad si Celestia?!"


"Sinong Celestia? Teka! Sino ka ba?" naguguluhang tanong ko.


Mas lalong kumunot ang noo niya at nagsalubong na ang mga kilay niya. Bigla niya namang inangat ang kanang kamay niya atsaka niya pinitik ang daliri niya habang nakatingin sa balikat ko kaya napatingin na rin ako doon.


"Celestia!" tawag niya sa paru-paro na kaagad namang lumipad palapit sa kanya at dumapo sa kamay niya. "Ano ka ba? Bakit ka ba biglang dumadapo sa babaeng iyon? Baka saktan ka lang niya uli kagaya nang ginawa niya sayo dati!" nagulat naman ako nang biglang naging malambing ang boses niya habang kinakausap niya ang paru-paro.


"Baliw ba 'yan?" bukod sa akin ay pati rin si Vayne ay naweweirduhan din sa lalaki. Napakamot na lang siya sa ulo niya.


Kaagad naman napatingin ang lalaki kay Vayne at nanlilisik na naman ang mga mata nito.


"Lapastangan!" singhal niya at naglakad siya palapit kay Vayne. "Hindi mo kilala kung sinong sinasabihan mong 'baliw', dukha."


Kaagad naman nagdilim ang mukha ni Vayne at naglakad rin palapit sa binatilyong matalas magsalita.


"Hindi mo rin kilala kung sinong sinasabihan mo ng 'dukha', bata," malamig na sabi ni Vayne at nag-uumpisa nang magpalit ng anyo ito kaya napaatras bigla ang bata.


"Hoy! Hoy! Vayne! Huwag mo nang patulan!" saway ko sa kanya. Bigla naman siyang napatigil at napahalakhak nang malakas habang nakaduro sa bata.


"Ano? Madali ka lang naman pala masindak eh! Ang yabang yabang mo pa kanina! Ahahahahaha!" at mas lalo pang nilakasan ang tawa niya para mas lalong asarin ang binatilyo.


Napayukom naman ang kamao ng binatilyo kaya kaagad na akong pumunta sa harapan ni Vayne.


"Kung ano mang atraso ko sayo, pasensya na," mahinahong sabi ko sa kanya. "Mauuna na kami."


Tipid na ngumiti naman ako atsaka na ako tumalikod sa kanya.


"Sandali!"


Napatigil bigla kaming dalawa ni Vayne atsaka kami sabay na napalingon sa kanya.

"Pwede ba akong sumama sa inyo?" biglang tanong niya. "Hindi ko kasi kabisado ang lugar na ito."


Napatawa na naman ng malakas si Vayne, "Ano?" di makapaniwalang sabi niya. "Pagkatapos mo kaming insultuhin bigla kang hihingi ng pabor sa amin?" tinignan naman siya ni Vayne mula ulo hanggang paa. "Ano ka sinuswerte?"


"Bakit hindi mo kabisado ang lugar na ito?" nagtatakang tanong ko. "Hindi ka ba taga-rito?"


Napataas naman ang kilay niya, "Syempre taga rito ako noh!" tumaas na naman ang boses niya. "Hindi lang ako pamilyar dito kasi palagi lang akong nasa loob ng kastilyo."


Napasinghap naman ako at napabuka ang bibig ko nang bigla akong may mapagtanto.


'Ang kawawang bata na iyon.Walang ibang ginawa ang bata na iyon kundi mag-aral ng tungkol sa mga insekto at kausapin ang mga ito na parang mga kaibigan niya.'


"Huwag mong sabihing ikaw si Prince Dam---"


Bigla naman siyang nataranta at mabilis na naglakad palapit sa akin, "Shhh! Huwag ka maingay!" ani niya. "Ililibre ko kayo ng kahit na ano basta hayaan niyo kong makasama kayo."

                                ~*~

"Ano palang ginagawa mo dito sa village? At bakit wala ka 'don sa kastilyo niyo?" tanong ni Vayne habang kumakain.


"Bibili lang ako ng mga kagamitan para sa pag-aaral ko ng Wizardry," ani niya.


"Bakit kailangan ikaw pa talaga ang bumili? Pwede mo naman ipag-utos sa mga tagapaglingkod niyo," nagtatakang tanong ko.


"Ano bang pakielam niyo?" nakasimangot na anas niya. "Eh sa ayoko eh, Baka mali-mali yung mga bibilhin nila. Tch!"


"Pero maya't maya lang din ay magdidilim na. Baka magsara na rin ang mga bentahan ng mga kailangan mo," nag-aalalang turan ko.


"Problema ba iyon? Edi makikituloy ako sa tirahan niyo. Hindi niyo naman ako magagawang tanggihan diba?"


Napangiwi na lang ako atsaka kami nagkatinginan ni Vayne. Si Vayne na ang nagdesisyong magsalita kay Prince Damien.


"Pasensya ka na pero wala kaming permanenteng tinitirhan."


Namilog naman ang mga mata ni Prince Damien.


"Seryoso ba kayo?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Kung ganun, saan kayo natutulog?"


"Depende sa sitwasyon namin," sagot ko. "Kapag may sapat kaming pera ay nagagawa naming tumuloy sa mga inn. Pero pag hindi ay sa tabi lang basta kung saang lugar alam kong ligtas kami."


"Grabe kawawa naman kayo," nakomento niya. "Bakit naman naging ganun ang buhay niyo? Nasaan ang magulang ninyong dalawa?"


Tinaas naman ni Vayne ang kamay niya, "Lilinawin ko lang ah," ani niya. Atsaka niya tinuro ang sarili niya at ako. "Ako at si Red, Hindi kami magkapatid."


"Eh magkaano ano kayo?" pabalik balik naman ang tingin ni Damien sa aming dalawa.


"Magkaibigan syempre ano pa nga ba!" sagot ni Vayne atsaka siya uminom ng juice.


"Paano kayong dalawa nagkakilala?" muling tanong na naman ni Prince Damien.


"Mahabang kwento," ako na ang sumagot. "Sabihin na lang natin, pareho kami ng sitwasyon ni Vayne kaya nang magkakilala kami ay naging sandalan na namin ang isa't isa."


"Ikaw? Ilang taon ka na ba?" biglang tanong ni Vayne kay Prince Damien.


"Labing anim," sagot niya. "Maglalabing pito sa mga susunod na buwan."


"Talaga? Pwede na yan!" napangisi naman si Vayne kaya napailing iling na lang ako. "Uminom tayo!"


Napakunot noo naman si Prince Damien, "May mga inumin naman tayo ah."


Pinatong naman ni Vayne ang kanang kamay niya sa balikat ni Prince Damien, "Mahal na prinsipe, Ang mga inumin na 'yan ay para lang sa mga mahihina."


Lumipas ang ilang minuto o ilang oras na rin pala ay namumula na ang dalawa at tumatawa na lang ng malakas sa hindi mo malamang dahilan. O pwede ring idahilan ang beer na iniinom nilang dalawa ngayon.


Si Prince Damien na unang beses pa lang yata uminom ng mga alcoholic ay mabilis lang kaagad siya nalasing.


Si Vayne naman siguro sa tagal naming pagtatambay dito at sa dami na rin niyang ininom kaya naging siraulong unggoy na naman siya.


Ako lang ang hindi uminom kaya ako lang ang kasalukuyang nasa matinong isip ngayon.


Pero ngayon parang pinag-sisisihan ko na hinayaan ko lang sila at hindi ko pinigilan.


"Alam mo ba ang pangalang Vayne ay nagsisimula sa 'V'? At nagtatapos ito si 'E'? AHAHAHAHAHAHA!"


"Alam mo ba ang pangalang Damien ay nasisimula sa 'D' at nagtatapos sa 'N'? HAHAHAHAHAHA!"


Hindi ko maintindihan kung ano ang nakakatawa sa mga biro nila pero gawa ng epekto ng alak ay naging sobrang mababaw ang kaligayahan nila.


"AHAHAHA! Ang panget ng tawa mo! Hindi tawang pangmaharlika! AHAHAHAHA!" sabog na komento ni Vayne kay Damien.


"Aba! Iniinsulto mo ba ako?" atsaka akmang kumuha ng tinidor at tinutok kay Vayne. "Lapastangan! Ikaw ay aking paparusahan!Shimining!"


Malakas na napahagalpak ng tawa si Vayne habang pumapalakpak dahil sa inakto ng prinsipe. Napatakip na lang ako ng bibig ko at pasimpleng tumatawa na rin habang pinagmamasdan silang dalawa.


Kung ano ano pa ang pinagsasabi nilang dalawa sa isa't isa at nandito lang ako at pinakikinggan sila. Hindi ko lang alam kung kaylan ko sila balak akayin paalis pero natutuwa pa kong panoorin ang mga kabaliwan nila.


"Ewan ko ba! Hindi naman ako interesado mag-aral ng mga spells! AHAHAHAHAHA!"  rinig kong sabi ni Prince Damien. "Kaya nga ako tumakas sa amin. Nadidistorbo lang nito ang mga pag-aaral ko tungkol sa mga bagay na interesado ako." Napatingin naman si Damien sa alaga niyang paru-paro. "Diba, Celestia ko?"


"Ako nga rin eh! Lumayas din ako sa tribo namin!" kwento naman ni Vayne. "Ayokong manatili sa ganung pamumuhay, Nagtatago sa mga bundok?" Umiling iling si Vayne at tumungga ng isang beer. "Ewan ko ayoko lang makuntento sa klase ng pamumuhay na ganun!"


"Wala akong sinabing naglayas ako!" segunda naman ni Damien.


"Nagbabakasyon lang ako dito," bigla naman siyang napadukmo sa lamesa at nakatulog.


Napailing iling na lang ako atsaka ko inagaw ang baso ni Vayne.


"Tama na yan, magpahinga na kayo."

                                   ~*~

Pagpasok ko sa kwarto ay namataan kong nakaupo na sa kama si Prince Damien at kasalukuyang kinakausap niya ang alaga niyang paru-paro. Samantalang si Vayne naman ay nakahiga sa sahig at kasalukuyan pa ring natutulog. Ang lakas lakas pa nga ng hilik.


"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kung ganun saan mo siya nakita?"


Tumikhim naman ako kaya kaagad siyang napatingin sa akin at bigla na lang napuno ng gulat ang mukha niya.


"Andyan ka na pala," nasambit niya. Naglakad naman ako palapit sa kanya atsaka ko hinakbangan si Vayne at umupo sa tabi niya.


"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya. "Masakit ba ang ulo mo? Parang may mabigat na pumasok dito o parang may pumupokpok sa loob?"


Napahawak naman siya sa ulo niya at nagtatakang napatingin sa akin, "Paano mo nalaman?"


Hindi ko sinagot ang tanong niya at inabutan lang siya ng isang kulay lilang dahon, "Oh gamot sa hangover."


Nagtatakang napatingin lang siya sa dahon, "Anong gagawin ko dyan?" nakataas kilay na sabi niya. Walang sabi-sabi ko namang pinasok sa bibig niya ang dahon. Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya kaya mahinang napatawa ako.


"Ano ka ba! Bakit mo ko pinakain ng dahon! Kadiri! Ang panget ng lasa! Ahck!" reklamo niya at inis na tumingin sa akin. Napatawa naman ako. Maya't maya ay napaubo pa siya at akmang nasusuka pero bigla rin siyang napatigil.


"Ano? Gumaan kaagad pakiramdam mo diba?" kinunotan lang niya ako ng noo bilang tugon kaya inabutan ko na lang siya ng tubig.


"Hindi nagsisinungaling ang lasing," ani ko. "Tumakas ka talaga mula sa kastilyo niyo?"


"Sinabi ko talaga iyon?" ani niya. "Totoo palang sinabi ko iyon?"


Tumango naman ako bilang tugon.


Naiilang na napakibit balikat na lang siya, "Babalik rin naman ako doon sa kastilyo namin. Nagsasawa lang ako sa itsura 'nun kaya nagpagala-gala muna ako dito."


"Ibig sabihin hindi ka talaga pumunta dito para bumili ng mga kagamitan mo sa pag-aaral mo?" naiiling na sabi ko. "Hindi ka magaling magsinungaling. Umpisa pa lang ay nagduda na ako kaagad sa rason mo."


"Tch." tanging natugon na lang niya.


Umakmang tatayo naman ako, "Nagugutom ka na ba? May binili akong mga pagkain dito para hindi na natin kailangan pang lumabas," atsaka ko na naman muling hinakbangan si Vayne at naglakad.


"May gusto pala akong itanong," kaagad naman akong napalingon sa kanya.


"Ano iyon?" tanong ko.


"Totoo bang may mga mamamayan rito na nawawala na lang bigla na parang bula?" Napakunot noo naman ako sa tanong niya.


"Bakit mo naman natanong iyan?"


"Naalala ko lang yung kinuwento sa akin ng guro ko," ani niya. "Ibig sabihin hindi ligtas ang lugar na ito?"


Napabuntong hininga na lang ako at humarap ako sa kanya.


"Huwag kang mag-alala," sabi ko. "Ang mga hindi ligtas naman dito ay ang mga katulad ko."


Napakurap naman siya sa sinabi ko at muli akong nagsalita, "At isa sa mga biktima ng misteryong iyon ay ang mga magulang ko."

Related chapters

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Longma

    06Kasalukuyang nakadungaw kaming dalawa ni Ciela sa bintana. Habang ang mga kasama naman namin ay sinasanay sa paggamit ng mga sarili nilang mga mahika.Napabuntong hininga na lang ako. Ito ang parusang pinataw sa amin ni Lady Annora sa paglabag ng pangunahing tuntunin niya sa kanyang ampunan. Ang ikulong kaming tatlo sa isang silid. Dito na lang daw kami magpatayan gamit ang mga sariling mahika namin.Pero si Snow White ay tahimik lang na nakaupo sa isang sulok. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha niya at nagbabasa lang ng libro habang tumatapik tapik sa sahig ang kanyang kanang paa."Kasalanan mo 'to!" inis na sabi ko kay Ciela. "Mahilig ka kasi mambintang ng ibang tao!"Napakunot noo

    Last Updated : 2020-10-01
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Scars of yesterday

    07Kaagad namin ginamit ang mga perang napanalunan ni Vayne sa paglalaro ng ahedres sa pag-renta ng mga libro sa public library. Pagkarating namin sa kwartong nirenta namin sa isang inn ay kaagad nilapag naman ni Damien ang anim na libro."Bakit ang dami?" pasinghal na tanong ko habang karga karga ko si Vayne na kasalukuyang sanggol ngayon. Samantalang kami naman ni Damien ay kasalukuyang nakasalampak sa sahig. Ang kaibahan nga lang ay nakaupo sa unan si Damien. Maarte kasi ang loko, madumi daw ang sahig."Hindi sapat ang isang libro!" kaagad na sagot ni Damien atsaka siya kumuha ng isang manipis na libro at pinakita ito sa akin. "At kakailanganin rin natin ito, tungkol ito sa mga tao rito na bigla na lang nawala. Paniguradong nandito rin ang mga magulang mo."Napairap naman ako, "Alam ko, dahil bi

    Last Updated : 2020-10-02
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Vampire's Beauty

    08"May alam ka ba na makakatulong sa amin para bumalik sa normal yung kaibigan namin?""Wala talaga?""Pasensya na kung naabala kita.""Ayos lang sa akin iyon, huwag kang mag-alala.""Nga pala, ito nga pala ang kaibigan kong si Celestia."Napangiwi na lang ako habang pinapanood ko si Damien na nakikipagusap sa isang tutubi.Kasalukuyang nasa labas kami ngayon nakatambay dahil umaga naman at hindi naman ganun nakakasilaw ang araw. Si Vayne naman ay syempre sanggol pa rin at karga karga ko ngayon.Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Snow White noon na si Damien ay walang nakikitaang isang katangian para mamuno ng isang k

    Last Updated : 2020-10-02
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Witness

    09"Pwede po bang magtanong?"Naalala ko nung mga panahong nasa labing tatlong taong gulang pa lang ako. Wala na ako sa poder ng isang pamilya na nanakit at nag-abuso sa akin. Pero pabalik balik pa rin ako sa pampublikong librarya para paulit ulit kong hiramin ang librong may nilalaman na impormasyon tungkol sa magulang ko.Tinaasan lamang ako ng kilay ng babaeng tagapagbantay ng librarya. Kaya tumikhim naman ako bilang senyales na nag-aabang ako ng sagot niya."Nagtatanong ka na, hija," pamimilosopo niya sa akin. "Ano ba iyon?" medyo iritado pa ang tono ng boses niya habang nagtatanong."Saan po matatagpuan ang may akda ng libro na ito?" pinakita ko sa kanya ang manipis na librong hawak ko.Kinunotan naman niya ako ng noo at

    Last Updated : 2020-10-02
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Questioning the friendship

    10Kinurap ko ang mata ko para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko at mabuti na lang ay nagtagumpay akong pigilan ito.Samantalang si Damien ay nakarehistro pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. Malungkot na napabuntong hininga na lang ako atsaka ako sumulyap sa alaga niyang paru-paro."Kahanga-hanga ang alaga mo," komento ko atsaka ko binalik ang tingin ko kay Damien. "Hindi ko akalain na isang insekto ang unang makakatuklas ng sikreto ko.""Pati si Vayne ay wala ring alam sa ginawa mo?" 'di makapaniwalang tanong niya."Syempre," kaagad na tugon ko. "Hindi niya alam." seryosong sabi ko. "Hindi naman ako papayag na matuklasan niya ang sikreto ko."Mahinang tumawa naman siya samantalang ako ay pinatili kong blangko ang ekspre

    Last Updated : 2020-10-07
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Secret of Shapeshifter

    11Isa o dalawang oras na yata ang lumipas o di kaya tatlong oras na rin yata pagkatapos akong umalis sa silid na iyon. Nanatili lang akong nasa hapag kainan at tumutungga ng alak na para bang isang ordinaryong tubig lang ito.Natulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng malalim. Punong puno ng pag-alala ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako ngayon haharap sa kanila pagkatapos ng naging usapan kanina.Napabuntong hininga ako at muli na namang tumungga ng alak. Napakunot noo naman ako ng may dumapong paru-paro sa baso.Sarkastikong napatawa naman ako, "Hanggang ngayon, sinusundan mo pa rin ako?" ani ko kay Celestia. "Pwede bang doon ka na sa amo mo?" inis na sabi ko. "Tutal nakumpirma mo na rin naman yung hinala mo sa akin kaya huwag mo na akong susundan!" Napatingin naman sa aki

    Last Updated : 2020-10-07
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Wanted

    12Kaagad kong kinuwento kay Vayne ang tungkol sa natanggap kong sulat. Katulad ko ay naguluhan rin siya at nagulat rin sa mga sinabi sa akin ni Damien."Sabi ko naman sayo eh," ani niya sa akin. "Susulat rin siya sayo, kaya lang nakakapagtaka lang na natuklasan na niya na daw ang lahat,"kunot noong banggit niya. "Sigurado ba siyang ang LAHAT talaga ang natuklasan niya?""Hindi rin siguro basta basta ang talino ni Damien kaya siguro posible ang bagay na iyon," kibit balikat na sagot ko."Pero kung natuklasan na nga niya ang lahat. Bakit wala siyang binigay na impormasyon sayo?"nagtatakang tanong niya. "Nakakapagtaka eh, agad-agad? Wala muna siyang lista ng mga taong pinagsususpetyahan niya. Talagang sigurado na siya na ang taong iyon ang pumatay sa magulang mo?"

    Last Updated : 2020-10-07
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Escape or stay

    13Nasa kamay ko na ang susi para makalabas sa lugar na ito. Ang problema nga lang ay namamanhid pa rin ang kanang hita ko kaya hindi pa ako makakatayo at makakalakad ng maayos.Kailangan ko nang mapuntahan kaagad si Vayne.Sana lang ay maayos ang kalagayan niya ngayon. Kahit alam kong kakayanin naman niya dahil sa kakayahan niya. Pero kahit na ganoon ay posible pa ring manganib ang buhay niya sa mga nilalang na pwedeng umatake sa kanya.Pero paano kung mas lalo siyang mapahamak kapag sinundan ko siya. Paano kung sundan ako ng mga taong gustong humuli sa kanya?Pero nangako ako kay Vayne. Nangako ako na susundan ko siya. Paano rin kung may masamang mangyare sa kanya habang wala ako sa tabi niya?Sumapit ang gabi, ginalaw gala

    Last Updated : 2020-10-15

Latest chapter

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Epilogue

    Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Goodbye, Butterfly

    34Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Snow White and Rose Red

    33Agresibong lumabas ang mga halaman ng rosas sa paligid ko habang masamang nakatitig sa isang impostor na nasa harapan ko ngayon. Samantalang siya naman ay walang emosyong nakatitig lang sa akin.Nanginginig ko

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Last Victim

    32"Nakakalungkot," malumanay na sabi ni Snow White habang nakaharap kami sa isang maliit na cupcake at may maliit itong kandila na nakapatong sa gitnang bahagi. "Tuwing kaarawan natin, palagi kong naalala sina Ama at Ina."

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   What the heart tells

    31Bahagyang napabuka ang bibig ko. Nagsinungaling sa akin si Damien. Buong akala ko ay ang markang nasa palad ko ay para bigyan ako ng sumpa sa oras na naglihim o nagtraydor ako sa kaniya pero ayun pala ay para protektahan ako sa alinmang sumpa.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Shape of Lies

    Shape of Lies30“Base sa nakikita ko sa sitwasyon mo ngayon, gan’yan rin ang kalagayan ng ibang nilalang na nakita ko bago sila mamatay para pakinabangan.”“Ikaw?!” gulat na ani ko.Hindi siya nagsalita. Namilog lang ang mga mata niya habang nakatitig rin ito sa mga mata ko. Kasalukuyan nahihirapan pa rin ito sa paghinga dahil sa halamang nakapulupot sa leeg niya. Ang mga kamay niya ay pinipilit naman luwagan ang pagkakapulupot

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Dear Huntsman

    29Bigla akong napahinto sa paglalakad. Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.Bakit?

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Magic Wielders

    28Walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Pati rin ang mga labi ko. Nawala rin pansamantala ang natural na kulay ng balat ko dahil sa pagkakaputla ko. Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos mahulog ng kapatid ko sa bangin.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   When Someone Dies

    27Wala na ang alaga niyang Pegasus na nakadagan sa likod ko kanina. Kasalukuyang nakatayo na ako ngayon habang pabalik balik ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang lalagyan."Sigurado ka?" taas kilay na

DMCA.com Protection Status