04
Nagtagisan kaming dalawa ng tingin. Walang gustong kumawala, Walang gustong sumubok na umiwas ng tingin.
Ang ekspresyon ng mga asul niyang mata ay hindi pa rin nagbabago at base rito ay talagang malaki ang galit na nararamdaman niya sa akin.
Malayong malayo sa Snow White na nakilala ko noon.
Si Snow White ni isang beses ay hindi pa ito nagalit sa akin. Ayaw na ayaw niya sa karahasan pero minsan kung kailangan ay nagagawa niyang gamitin ang mahika niya sa iba maprotektahan lang ako. Mahinhin at tahimik siya. Sa akin lang siya nagiging palasalita. Pero sa ibang tao ay palagi siyang nakikitang may hawak na libro o nagbabasa.
Humigpit ang hawak niya sa handle ng espada habang patuloy pa rin kaming nakatitig sa isa't isa. Napansin ko rin ang unti unting panginginig ng kamay niyang may hawak na espada. Hindi ko alam kung dulot ito ng kaba o sa sobrang galit na nararamdaman niya sa akin na sa tingin ko ay ilang taon niya ring kinimkim.
Maya't maya narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Sabagay," ani niya. "Ano naman mapapala ko kapag pinaghigantihan kita?" Tinapik tapik niya ang dulo ng espada sa baba ko. "Kung tutuusin ay dapat magpasalamat pa ko sayo. Naging maganda ang buhay ko ngayon dahil sayo."
Unti-unti niyang binaba ang espada niya.
"At dahil rin sa akin hindi ba? Naging ganyan ang buhay mo. Isang indibidwal na walang sariling pinagkakakitaan kundi sa pagnanakaw lang," tumingin siya sa mukha ko atsaka kumurba ang labi niya. "Mababang uri ng tao, mas mababa pa sa mga manggagawa."
Unti unti kong iniyukom ang mga kamao ko.
Wala siyang karapatan.
Wala siyang alam.
Hindi porket na nasa mataas na posisyon na siya ay papayag ako na basta basta na lang niya ako iinsultuhin.
"Sumosobra ka na yata sa pananalita mo," inis na sabi ko.
Binalik niya sa lalagyan ang espada niya atsaka siya tumingin sa akin, "Ganun talaga kapag katotohanan ang lumalabas sa bibig mo, hindi 'ba?" atsaka niya ko pinanliitan ng mata.
"Gusto mo bang mas sumobra pa ko?" paghahamon niya. "Gusto mo bang manggaling pa sa bibig ko kung anong klaseng tao ka pa bukod sa magnanakaw?"
Yumuko siya at tinitigan ang mukha ko atsaka siya bumulong, "Mamamatay tao ka, Rose Red."
Napaatras ako at lumayo sa kanya.
Kumurba naman ang labi niya dahil sa reaksyon ko at naglakad pa palapit sa akin.
"Pinatay mo ang sarili mong kapatid."
~*~
Sinalubong ako ng napakadaming tanong ni Vayne nang makabalik na ako sa silid kung saan kami ikinulong. Pero ni isa sa mga tanong niya ay wala akong isinagot dahilan para mas lalo siyang mag-alala.
Lumipas ang isang araw, kinaumagahan at mas lalong nagtaka si Vayne dahil biglang sinabi ni Rolan na papakawalan na niya kaming dalawa at kakalimutan na niya ang atraso namin sa kanya. Pero ako mukhang alam ko na ang dahilan sa likod nito.
Alam kong malaki ang galit ni Snow White sa akin. Pero alam kong hindi pa siya tuluyang nagbabago. Katulad noon ay mahaba pa rin ang pasensya niya at mapagpatawad. Kahit nagawa kong kitilin ang buhay niya.
Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala at matakot. Mas lalo akong nag-aalala ngayon na basta niya lang ako pinakawalan. Hindi ko mabasa o mahulaan kung ano ang iniisip niya ngayon tungkol sa akin.
Tahimik ang buong biyahe habang nagpapatakbo ng kabayo si Rolan. Sabi niya pakakawalan niya daw kami pero hindi ko rin maintindihan kung saan niya kami balak dalhin.
Alam ni Vayne na wala siyang makukuhang sagot sa akin kaya si Rolan ang kinulit niya. Dahan dahan siyang lumapit dito at kinalabit ito.
"Hoy!" tawag niya rito. "Bakit bigla mo na lang kaming pinakawalan? Paano na yung pin mo?" sunod sunod na tanong niya. "Ang cute kasi kausap ng kasama ko eh," sarkastikong pagpaparinig niya sa akin. Napairap na lang ako sa hangin.
"Bakit nag-aalala ka sa pin ko?" takang tanong ni Rolan habang nakapokus pa din ito sa pagpapaandar ng karwahe.
"Di ako nag-aalala, naguguluhan lang ako," sagot ni Vayne. "Diba nga nawawala pin mo? Paano na 'yon?"
"Gagawan na lang ng paraan, papalitan na lang daw iyon ng prinsesa. Kaya kalimutan mo na lang na may atraso ka sa akin," natatawang sabi ni Rolan.
Sarkastikong tumawa naman si Vayne, "Atraso?" natatawang ani niya. "Wala akong atraso sayo, minalas ka lang,"
"O ang galing diba sumunod ka kaagad sa akin. Nakalimutan mo na kaagad, masunurin ka rin naman pala eh," pangaasar ni Rolan.
Nagsimula na naman magngitngit ang mukha ni Vayne sa inis. Lihim na napangiti na lang ako at napailing.
"Grr! Bwiset ka talaga!"
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Rolan dahil sa tinuran ni Vayne.
"Pasalamat ka na lang at mabait ang prinsesa. Pinagbigyan pa kayong dalawa sa pagnanakaw ng mga pagmamay-ari niya sa barko at pati rin pala sa pagnanakaw niyo ng pin ng isang knight," nasabi bigla ni Rolan.
"Hindi ba't dapat responsibilidad mo na gumawa ng paraan sa pagkawala ng pin mo at hindi ang isang prinsesa?" biglang tanong ko habang nakahalukipkip kaya biglang napalingon si Vayne sa akin.
"Huwag mo sagutin 'yan, Rolan. Hindi niya ako sinasagot sa mga tanong ko sa kanya," parang bata naman kung makautos si Vayne kay Rolan. Parang kanina lang ay mukhang gustong gusto na niya itong sakmalin.
Hindi ko siya pinansin at seryosong tumingin ako kay Rolan, "Anong meron sa inyong dalawa ng prinsesa?"
Mahinang napatawa naman si Rolan, "Walang 'meron' sa aming dalawa ng prinsesa, bakit sa lahat ng tanong ay yan pa ang itatanong mo?" natatawang sabi niya. "Palaging palihim kung kumilos ang prinsesa at sabihin na nating ako ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng mga knights," buong pagmamalaking turan niya.
"Kumbaga isang royal guard?" sabat ni Vayne. "Isa kang royal guard?"
"Magiging royal guard pa lang ako ngayon," pagtatama ni Rolan kay Vayne. "Yun ang ibinigay na kondisyon sa akin ng prinsesa kapag naunahan ko ang mga nagsisiyasat sa pagtunton kung sino ang mga nagnakaw sa mga gamit niya, ang maging royal guard niya."
Sabihin na nating sa pagtunton talaga sa akin. Iyon talaga ang sa tingin kong pakay ni Snow White.
"Ang galing," manghang komento ni Vayne.
"Magkano kaya kinikita ng isang royal guard?"
"Bakit? May balak ka bang pagnakawan ako?" natatawang tanong ni Rolan. "Masyado ka namang pahalata."
Tumawa rin pabalik si Vayne, "Masyado ka namang mapanghusga, nagtatanong lang naman eh."
"May tanong rin ako sayo,Shapeshifter," ani Rolan.
"Oh ano iyon?" tanong rin pabalik ni Vayne.
"Bukod sa iba't ibang klase ng hayop, Kaya rin bang gayahin ng shapeshifter ang wangis ng ibang tao?"
Hindi.
"Sige papakitaan kita," malawak na ngiting sabi ni Vayne atsaka bigla siyang tumigil at hindi gumalaw.
Lumipas ang ilang segundo ay nagmistulang estatwa pa rin siya. Nagsalita naman siya.
"Oh? May nakikita ka na bang ibang tao?"
"Wala," sagot ni Rolan.
"O diba? Edi wala!" napangiwi na lang ako dahil sa sinabi niya. Pwede naman niyang diretsong sabihin na lang na 'hindi'. Kailangan pa talaga pagmukhaing tanga ang sarili niya.
Mahinang tawa na lang ang itinugon ni Rolan, "Malapit lapit na tayo sa destinasyon natin," biglang saad niya.
Sinubukan ko namang ilibot ang tingin ko sa paligid pero hindi pa din pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" takang tanong ko.
"Malalaman niyo rin," sagot ni Rolan at mas lalong pinabilis ang takbo ng mga kabayo.
~*~
Lumipas lang ang tatlompung minuto ay may nasilayan na kaming isang kulay asul na malaking gusali. Teka, hindi ito basta isang gusali. Isa itong malaking kastilyo.
Napangiti si Rolan, "Maligayang pagdating sa Seradia Castle. Kung saan nakatira ang Royal Family na kasalukuyang namumuno ngayon sa kaharian natin."
"Anak ng---!" biglang nasambit ni Vayne. "Huwag mong sabihing---"
"Kumalma kayo," natatawang sabi ni Rolan. "Walang kulungan dyan, hindi ko kayo ipapakulong o kung ano pang ibang bagay na tumatakbo sa isip niyo."
"Bakit saan ba ang lokasyon ng kulungan ng mga kriminal dito?" tanong ni Vayne. "Para naman alam ko na kung saan ang lugar na dapat iwasan namin."
Siraulo talaga itong si Vayne, sa lahat ng taong pwede niyang pagtanungan ng tungkol sa bagay na iyan ay sa isang knight pa talaga siya magtatanong.
"Hindi ako mapa, shapeshifter," pambabara ni Rolan kay Vayne.
"Utot mo! Nagpapakipot ka lang sa aming dalawa eh," sagot naman ni Vayne.
Hindi na lang sumagot si Rolan kay Vayne kaya ako naman ang nagsalita ngayon.
"Bakit mo pala kami dinala sa kastilyo nila?" tanong ko. "Ano namang gagawin namin d'yan? Eh hindi naman kami mga 'angat' na tao para tumapak d'yan."
"Napag-utusan lang ako ng prinsesa," sagot ni Rolan sa akin. "Magtiwala lang kayo, sa tingin ko ay napatawad na kayong dalawa ng prinsesa at may mabuti naman siguro siyang plano sa inyong dalawa."
"Oh?" naintriga naman si Vayne. "Ang bait naman niya masyado, sabagay prinsesa nga naman."
"Tunay na busilak ang puso ng prinsesa," may halong pagmamalaki sa tono ng boses niya. "Kaya hindi na kataka taka kung siya ang naging tagapagmana."
Lihim na napangiti na lang ako sa tinuran ni Rolan bilang pag-sang ayon. Dahil alam ko at nakasisiguro ako na totoo ang mga sinasabi nito tungkol kay Snow White.
Maya't maya ay palapit na ng palapit sa paningin namin ang kastilyo at habang palapit kami ng palapit ay mas lalo ring lumalaki ito sa paningin namin. Hindi na namin maiwasan ni Vayne na mamangha sa ganda nito.
Nang makarating na kami sa malaking gate ay kaagad sumenyas si Rolan sa dalawang knight na nagbabantay dahilan para buksan nila ang gate.
"Hiyahh!" sigaw ni Rolan at pumasok na kami sa gate. Bumungad naman sa amin ang magandang garden ng kastilyo. Maya't maya lang ay tumigil na kami sa isang sulok.
Unang bumaba si Rolan at akmang tutulungan ako pero tinaasan ko lang ito ng kilay at bumaba mag-isa. Pagkatapos akong walang habas na tinulak sa isang silid nung nakaraan ay bigla na lang magpapaka-maginoo ngayon sa akin? Aba akala niya siguro ay nakalimutan ko na 'yon.
Sumunod namang bumaba ay si Vayne at pagkatapos nun ay nagsimula nang maglakad si Rolan kaya wala kaming ibang ginawa kundi sumunod na lang din sa kanya.
Nang makarating na kami sa malaking pinto ay tinanguan niya naman ang apat na knight na nakatayo doon atsaka na nila unti unting binuksan ang malaking pinto. Kaagad namang pumasok doon si Rolan kaya sumunod lang din kami sa kanya.
Pagpasok namin sa loob ay bumungad kaagad sa amin ang apat na trono sa kalayuan na kasalukuyang may nakaupong lalaki na sa tingin ko ay nasa 40s ang edad. Sa katabing upuan naman nito ay may babaeng nakaupo na kaedaran rin niya.
Si King Lash at si Queen Mariana.
Hindi ko akalaing makikita ko na sila sa personal ngayon.
Kasalukuyang may kausap silang isang lalaki sa harapan na sa tingin ko ay isang wizard base sa kasuotan nito at may hawak hawak rin kasi itong mahabang staff.
Biglang napatigil si Rolan kaya napatigil din kami. Nang mabaling sa amin ang tingin ng reyna ay kaagad yumuko si Rolan kaya yumuko na rin kaming dalawa ni Vayne.
"Babalik na lang po ako sa susunod na linggo upang maturuan na ang prinsipe," rinig kong sabi ng wizard habang nakayuko.
"Sige aasahan namin iyan," sagot ng hari. "Maraming salamat, Edward."
Naglakad muna paatras ang wizard atsaka na siya tumalikod at naglakad papunta sa pinto. Pinagbuksan naman siya ng pinto ng dalawang knight na nasa loob ng silid. Meron pa kasing apat na knight na nakaantabay malapit sa pintuan. Hindi ko alam kung maawa o mamamangha ba ako sa kanila dahil hindi sila pede basta bastang kumilos at nagawa nilang tiisin ang mainit at mabigat na suot nilang armor.
"Rolan," ani King Lash. "Sino sino iyang mga kasama mo?" kunot noong tanong niya.
Agad naman inangat ni Rolan ang ulo niya pero nanatili pa ding nakayuko ang mga ulo namin.
"Sila po ang mga inaasahan kong bisita, Amang hari." nagtaka naman ako nang hindi na boses ni Rolan ang narinig kong sumagot sa tanong ng hari kaya pasimple kong inangat ang tingin ko atsaka ko nakita si Snow White na naglalakad pababa sa hagdanan na nasa likod ng mga trono. May dalawang babaeng nakayuko naman ang nakasunod sa kanya.
Sinenyasan naman niya ang dalawang babaeng sa tingin ko'y mga alalay niya na huwag na siyang sundan atsaka niya muling pinagpatuloy ang pagbaba niya sa hagdanan.
"Pasensya ka na kung nahuli ako ng dating, Rolan."
Kaagad namang napayuko si Rolan, "Huwag ka pong mabahala! Sakto lamang ang iyong pagdating, Prinsesa!"
Nang tuluyan nang makababa ng hagdanan si Snow White at kaagad siyang lumapit sa trono ng hari at yumuko rito.
"Balak ko po sana gawin silang bagong tagapaglingkod ng ating kastilyo."
Nanlaki naman ang mata ko at nagkatinginan kaming dalawa ni Vayne na parehong may gulat at pagtataka sa mukha.
"Ano?" hindi makapaniwalang sabi ni Rolan. Maging siya ay hindi rin inaasahan ang mga salitang iyon mula sa prinsesa.
~*~
"Mahal na prinsesa," tawag ni Rolan kay Snow White. "Hindi po sa minamaliit ko ang paraan ng pagdedesisyon niyo pero alam naman po ninyo na hindi basta basta mapagkakatiwalaan ang dalawang ito," tukoy niya sa aming dalawa.
Kasalukuyang nasa garden kami ngayon ng Seradia Castle. Dito napagdesisyonan ni Snow White na makapag-usap kaming apat ng pribado.
"Narinig mo ba ang sinabi ko kanina, Rolan?" tanong ni Snow White habang diretsong nakatingin sa kanya. "Hindi ba't sinabi ko na binabalak ko pa lang silang gawing tagapaglingkod," at bigla na lang siyang tumingin sa aming dalawa ni Vayne. "Sa desisyon pa rin nila nakasalalay ang magiging kapalaran nila. Binibigyan ko lamang sila ng pagkakataong magbagong buhay."
Napansin ko naman na hindi komportable si Vayne nang mabaling sa amin ang tingin ni Snow White. Hindi ko siya masisisi, isang mataas na uri ng isang tao ang kaharap namin kaya hindi talaga maiiwasan na makaramdam ng pagkailang.
Dahan dahan namang naglakad palapit sa kanya si Snow White kaya alam kong mas lalo siyang nailang at nadagdagan na 'to ng kaba. Alam ko dahil sobrang halata sa ekspresyon ng mukha niya.
"Isa kang shapeshifter, hindi ba?" tanong ni Snow White. Hindi naman kaagad nakasagot si Vayne at nagmistulang pipi ito sa harapan niya. Kaagad siyang sinenyasan ni Rolan na sumagot kaagad siya.
"Ahm! O-Opo, mahal na prinsesa," naiilang na sagot ni Vayne sabay yuko ng kaunti.
"Nakakapanghinayang kung magiging tagapaglingkod ka lang ng kastilyo. Malaki ang magiging ganap mo kung mapabilang ka sa mga knights. Kung interesado ka ay maari mong lapitan si Rolan at siya ang bahala sayo," kaagad na nanlaki ang mata at napakunot si Vayne sa sinabi ng prinsesa.
Pero binalewala lang niya ang reaksyon na iyon ni Vayne at tumalikod na siya atsaka siya muling lumapit kay Rolan.
"Ipasyal mo muna sila sa buong kastilyo, baka sakaling makatulong iyon upang pumayag sila," bilin ni Snow White atsaka na siya akmang umalis.
Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko at nagsalita na ako sa kanya.
"Hindi na kailangan," seryosong sabi ko. "Buo na ang desisyon ko, hindi kami papayag na magsilbi dito sa kastilyo," determinadong sabi ko.
Napatigil naman si Snow White at tumitig sa mukha. Walang pagtataka sa mukha niya. Parang inaasahan na niya na kokontrahin ko siya sa gusto niya.
"Magsalita ka nang may pag galang," mautoridad na saway sa akin ni Rolan. "Prinsesa ang kausap mo."
Napabuntong hininga na lang ako at nagsalubong ang mga kilay ko, "Salamat pero hindi mo na kailangan gawin sa amin ito. Kahit kailan hindi ko maaatim na maging alila at taga sunod lamang ng mga maharlika!"
"Red," mahinang saway sa akin ni Vayne. Sa isang iglap ay nakatutok na sa akin ang espada ni Rolan. Walang emosyon lang na tumitig si Snow White sa mga mata ko.
"Naiintindihan ko ang sinambit mo," ani Snow White. "Kung akala mo ay wala kang pinaglilingkuran, nagkakamali ka," unti unti niyang binaba ang espada ni Rolan na nakatutok sa leeg ko habang nakatingin sa akin.
"Walang taong namumuhay na walang pinaglilingkuran. At sa kaso mo sa tingin ko, salapi ang pinaglilingkuran mo," lumapit siya sa akin.
"O baka naman, walang iba kundi sarili mo lang," bulong niya sa tenga ko atsaka siya kagad na lumayo at walang pasintabi siyang naglakad na paalis at iniwan kaming tatlo.
"Anong binulong niya sayo?" naiintrigang tanong ni Vayne sa akin.
"Wala," kaagad na sagot ko. "Hindi naman ganun kaimportante ang bagay na iyon."
"Ikaw ang kauna-unahang tao nagawang makapagsalita ng ganun sa prinsesa," ani Rolan. "Pasalamat ka at tayo tayo lang ang nakasaksi sa ginawa mo. Sa kabila ng pagwawalang bahala niya sa pagnanakaw niyo ng mga gamit niya ay nagawa mo pa siyang bastusin?" seryosong sabi ni Rolan. "Wala kang utang na loob sa prinsesa," malamig na saad niya atsaka siya naman ang sumunod na umalis.
"Siraulo ka din talaga," biglang komento ni Vayne. "Alam kong iyon ang dahilan kung bakit pinili mong maging isang magnanakaw na lang," sabi naman ni Vayne atsaka siya humarap sa akin. "At ganun rin naman ang paniniwala ko sa buhay ko, Hindi ko lang talaga inaasahan na hindi ka nakapagtimpi kanina," ani niya atsaka siya mahinang tumawa.
"Pasensya ka na sa akin," biglang sabi ko.
"Baliw ka ba? Bakit ka humihingi ng pasensya d'yan?" natatawang sabi ni Vayne. "Doon ka humingi ng tawad sa prinsesa baka ipagwalang bahala niya din ang sinabi mo kanina katulad nang sa pagnakaw natin sa mga gamit niya."
Napatango tango ako, "Oo nga tama ka," sabi ko. "Babalikan na lang kita dito," ani ko at naglakad na paalis.
"Teka, Red!" rinig kong sigaw niya pero pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad para hanapin si Snow White.
Nilakad ko ang buong garden ng kastilyo, sa tingin ko naman ay hindi pa nakakalayo si Snow White sa amin.
Kung saan saan ako napadpad hanggang sa bigla na lang akong may narinig na seryosong nag-uusap.
"Hindi na nila kailangan pang gawin iyon Rolan, hindi naman ako naapektuhan sa sinabi niya."
"Princess Snow White, masyado ka na pong nagiging mabait sa kanila. Masyadong iba na ang trato mo sa kanila kumpara sa ibang mga magnanakaw."
Kaagad kong hinanap ang mga boses na iyon atsaka ko namataan sina Snow White at Rolan. Nakatalikod si Snow White samantalang si Rolan naman ay kasalukuyang nasa likod niya pero nakaharap ito sa kanya.
Kaagad akong nagtago sa isang puno. Interesado ako sa pinag-uusapan nila dahil maging ako ay nagtataka rin sa mga desisyon ni Snow White.
"Dahil hindi sila mga ordinaryong magnanakaw," sagot ni Snow White at bahagyang lumingon kay Rolan. "At alam mo rin iyon, may mga kapangyarihan sila."
Muli siyang nagsalita, "Lalo na ang shapeshifter, mas higit na mapanganib ang mga katulad nila. Mas maigi kung hindi lang sila ang nakikinabang dahil sa mga kakayahan nila hindi ba?" dagdag pa niya. "Gaya nga nang sabi ko kanina, malaking tulong ang shapeshifter na iyon kapag naging kasapi niyo siya."
Tama siya, malakas nga si Vayne. Pero base sa nakikita ko sa kanya ay parang wala siyang interes sa pakikipaglaban. Napapalaban lang kami minsan kapag may humahabol sa amin kapag nagnanakaw kami kagaya ng kaso kay Rolan.
Kahit nga na wala siyang kakayahan mag-shapeshift bilang isang dragon ay isiniwalang bahala lang niya iyon. Hindi niya rin naman daw magagamit iyon kapag nagawa na niyang maging isang dragon.
"Pero si Red, may sariling mahika din po siya. Bakit ang shapeshifter lang ang gusto niyong maging kasapi namin?" tanong ni Rolan.
Ibinaling muli ni Snow White ang mukha niya sa harapan, "Ibang kaso naman ang sa babaeng may pulang buhok," ani niya at alam kong ako ang tinutukoy niya. "May iba pa kong pakay sa kanya."
Kaagad bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa huling sinabi niya. Napahigpit pa ang hawak ko sa damit ko.
Sabi ko na nga ba.
Gusto niya akong paghigantihan.
Pero sa paanong paraan?
Napatigil naman ako bigla nang maramdaman kong may dumapong paru-paro sa balikat ko. Makukulay ang mga pakpak ito na parang kulay ng isang bahaghari.
Napakunot noo naman ako at pinitik ko naman ito kaya kaagad itong tumilapon.
"Celestia!" rinig kong malakas na sigaw ng isang lalaki kaya kaagad akong napalingon dito. Pati sina Snow White at Rolan rin ay napatigil sa seryosong pag-uusap dahil sa pagkabigla.
Nakita ko naman ang isang binatilyong nakasuot ng royal suit at tumatakbo ito palapit sa direksyon ko.
Pero nagkamali ako dahil papunta pala ito sa direksyon kung saan tumilapon ang paru-paro. Kaagad niya itong dinaluhan sa palad niya.
"Bakit mo siya pinitik?" galit na galit na singhal niya sa akin kaya hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla. "Walang ginagawa sayo si Celestia! Bakit kailangan mo siyang saktan!" mas lalong tumaas ang boses niya kaya napapitlag na lang ako at nagtatakang napatingin sa kanya.
"Anong nangyayare dito?" seryosong tanong ni Snow White. Ngayon ko lang namalayan na lumapit na pala silang dalawa ni Rolan sa pwesto namin.
"P-Pasensya na," nasabi ko na lang habang nanlalaki ang mata. "Hindi ko alam na---"
"Anong hindi mo alam!" singhal sa akin ng binatilyo. "Porket isang paru-paro lang si Celestia ay pwede mo nang gawin ang kahit na ano sa kanya!" dagdag pa niya. "Sino ka ba at bakit pagala gala ka dito? Base sa kasuotan mo mukhang hindi ka naman galing sa mayamang pamilya!"
"Damien," may diin na sabi ni Snow White at may halong pagbabanta na ito.
Kaagad natahimik si Damien pero matatalim pa rin ang titig na binibigay niya sa akin.
Kagaya ni Haring Lash at Queen Mariana. Ngayon ko lang din nakita sa personal ang prinsipe na ito.
Nabaling naman ang tingin sa akin ni Snow White.
"Anong ginagawa mo pala dito?" kunot noong tanong niya. "Huwag mong sabihing kanina ka pa nakikinig sa usapan namin?"
05
06Kasalukuyang nakadungaw kaming dalawa ni Ciela sa bintana. Habang ang mga kasama naman namin ay sinasanay sa paggamit ng mga sarili nilang mga mahika.Napabuntong hininga na lang ako. Ito ang parusang pinataw sa amin ni Lady Annora sa paglabag ng pangunahing tuntunin niya sa kanyang ampunan. Ang ikulong kaming tatlo sa isang silid. Dito na lang daw kami magpatayan gamit ang mga sariling mahika namin.Pero si Snow White ay tahimik lang na nakaupo sa isang sulok. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha niya at nagbabasa lang ng libro habang tumatapik tapik sa sahig ang kanyang kanang paa."Kasalanan mo 'to!" inis na sabi ko kay Ciela. "Mahilig ka kasi mambintang ng ibang tao!"Napakunot noo
07Kaagad namin ginamit ang mga perang napanalunan ni Vayne sa paglalaro ng ahedres sa pag-renta ng mga libro sa public library. Pagkarating namin sa kwartong nirenta namin sa isang inn ay kaagad nilapag naman ni Damien ang anim na libro."Bakit ang dami?" pasinghal na tanong ko habang karga karga ko si Vayne na kasalukuyang sanggol ngayon. Samantalang kami naman ni Damien ay kasalukuyang nakasalampak sa sahig. Ang kaibahan nga lang ay nakaupo sa unan si Damien. Maarte kasi ang loko, madumi daw ang sahig."Hindi sapat ang isang libro!" kaagad na sagot ni Damien atsaka siya kumuha ng isang manipis na libro at pinakita ito sa akin. "At kakailanganin rin natin ito, tungkol ito sa mga tao rito na bigla na lang nawala. Paniguradong nandito rin ang mga magulang mo."Napairap naman ako, "Alam ko, dahil bi
08"May alam ka ba na makakatulong sa amin para bumalik sa normal yung kaibigan namin?""Wala talaga?""Pasensya na kung naabala kita.""Ayos lang sa akin iyon, huwag kang mag-alala.""Nga pala, ito nga pala ang kaibigan kong si Celestia."Napangiwi na lang ako habang pinapanood ko si Damien na nakikipagusap sa isang tutubi.Kasalukuyang nasa labas kami ngayon nakatambay dahil umaga naman at hindi naman ganun nakakasilaw ang araw. Si Vayne naman ay syempre sanggol pa rin at karga karga ko ngayon.Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Snow White noon na si Damien ay walang nakikitaang isang katangian para mamuno ng isang k
09"Pwede po bang magtanong?"Naalala ko nung mga panahong nasa labing tatlong taong gulang pa lang ako. Wala na ako sa poder ng isang pamilya na nanakit at nag-abuso sa akin. Pero pabalik balik pa rin ako sa pampublikong librarya para paulit ulit kong hiramin ang librong may nilalaman na impormasyon tungkol sa magulang ko.Tinaasan lamang ako ng kilay ng babaeng tagapagbantay ng librarya. Kaya tumikhim naman ako bilang senyales na nag-aabang ako ng sagot niya."Nagtatanong ka na, hija," pamimilosopo niya sa akin. "Ano ba iyon?" medyo iritado pa ang tono ng boses niya habang nagtatanong."Saan po matatagpuan ang may akda ng libro na ito?" pinakita ko sa kanya ang manipis na librong hawak ko.Kinunotan naman niya ako ng noo at
10Kinurap ko ang mata ko para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko at mabuti na lang ay nagtagumpay akong pigilan ito.Samantalang si Damien ay nakarehistro pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. Malungkot na napabuntong hininga na lang ako atsaka ako sumulyap sa alaga niyang paru-paro."Kahanga-hanga ang alaga mo," komento ko atsaka ko binalik ang tingin ko kay Damien. "Hindi ko akalain na isang insekto ang unang makakatuklas ng sikreto ko.""Pati si Vayne ay wala ring alam sa ginawa mo?" 'di makapaniwalang tanong niya."Syempre," kaagad na tugon ko. "Hindi niya alam." seryosong sabi ko. "Hindi naman ako papayag na matuklasan niya ang sikreto ko."Mahinang tumawa naman siya samantalang ako ay pinatili kong blangko ang ekspre
11Isa o dalawang oras na yata ang lumipas o di kaya tatlong oras na rin yata pagkatapos akong umalis sa silid na iyon. Nanatili lang akong nasa hapag kainan at tumutungga ng alak na para bang isang ordinaryong tubig lang ito.Natulala ako sa kawalan habang nag-iisip ng malalim. Punong puno ng pag-alala ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako ngayon haharap sa kanila pagkatapos ng naging usapan kanina.Napabuntong hininga ako at muli na namang tumungga ng alak. Napakunot noo naman ako ng may dumapong paru-paro sa baso.Sarkastikong napatawa naman ako, "Hanggang ngayon, sinusundan mo pa rin ako?" ani ko kay Celestia. "Pwede bang doon ka na sa amo mo?" inis na sabi ko. "Tutal nakumpirma mo na rin naman yung hinala mo sa akin kaya huwag mo na akong susundan!" Napatingin naman sa aki
12Kaagad kong kinuwento kay Vayne ang tungkol sa natanggap kong sulat. Katulad ko ay naguluhan rin siya at nagulat rin sa mga sinabi sa akin ni Damien."Sabi ko naman sayo eh," ani niya sa akin. "Susulat rin siya sayo, kaya lang nakakapagtaka lang na natuklasan na niya na daw ang lahat,"kunot noong banggit niya. "Sigurado ba siyang ang LAHAT talaga ang natuklasan niya?""Hindi rin siguro basta basta ang talino ni Damien kaya siguro posible ang bagay na iyon," kibit balikat na sagot ko."Pero kung natuklasan na nga niya ang lahat. Bakit wala siyang binigay na impormasyon sayo?"nagtatakang tanong niya. "Nakakapagtaka eh, agad-agad? Wala muna siyang lista ng mga taong pinagsususpetyahan niya. Talagang sigurado na siya na ang taong iyon ang pumatay sa magulang mo?"
Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu
34Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.
33Agresibong lumabas ang mga halaman ng rosas sa paligid ko habang masamang nakatitig sa isang impostor na nasa harapan ko ngayon. Samantalang siya naman ay walang emosyong nakatitig lang sa akin.Nanginginig ko
32"Nakakalungkot," malumanay na sabi ni Snow White habang nakaharap kami sa isang maliit na cupcake at may maliit itong kandila na nakapatong sa gitnang bahagi. "Tuwing kaarawan natin, palagi kong naalala sina Ama at Ina."
31Bahagyang napabuka ang bibig ko. Nagsinungaling sa akin si Damien. Buong akala ko ay ang markang nasa palad ko ay para bigyan ako ng sumpa sa oras na naglihim o nagtraydor ako sa kaniya pero ayun pala ay para protektahan ako sa alinmang sumpa.
Shape of Lies30“Base sa nakikita ko sa sitwasyon mo ngayon, gan’yan rin ang kalagayan ng ibang nilalang na nakita ko bago sila mamatay para pakinabangan.”“Ikaw?!” gulat na ani ko.Hindi siya nagsalita. Namilog lang ang mga mata niya habang nakatitig rin ito sa mga mata ko. Kasalukuyan nahihirapan pa rin ito sa paghinga dahil sa halamang nakapulupot sa leeg niya. Ang mga kamay niya ay pinipilit naman luwagan ang pagkakapulupot
29Bigla akong napahinto sa paglalakad. Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.Bakit?
28Walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Pati rin ang mga labi ko. Nawala rin pansamantala ang natural na kulay ng balat ko dahil sa pagkakaputla ko. Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos mahulog ng kapatid ko sa bangin.
27Wala na ang alaga niyang Pegasus na nakadagan sa likod ko kanina. Kasalukuyang nakatayo na ako ngayon habang pabalik balik ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang lalagyan."Sigurado ka?" taas kilay na