Share

Runaway

Author: Pyongieshii
last update Last Updated: 2020-09-29 22:24:23

                                                                             

02


"Huwag ka nang magsinungaling pa, Rose Red!" singhal sa akin ng isang batang babae na kasama ko sa bahay ampunan. "Alam kong ikaw ang kumuha ng talaarawan ko!"


"Sinabi ngang hindi nga ako yung kumuha 'non!" pagdedepensa ko sa sarili ko. Hinila naman ng isa sa mga kaibigan niya ang pulang buhok ko dahilan para mapa 'aray!' ako.


Kasalukuyang nakaluhod ako ngayon sa lupa habang hawak naman ng dalawang kaibigan niya ang buhok ko at mahigpit rin nakahawak ang kabilang kamay nila sa pulsuhan ko dahilan para hindi ako makatakas sa kanila.


"Isa pang pagtanggi mo, gagamitin ko ang mahika ko sayo," pagbabanta niya sa akin habang nanlalaki ang mga mata niya pero wala akong naramdaman na kaba.


"Hindi ba't paalala sa atin na huwag natin gagamitin ang mahika natin kung hindi naman ito kinakailangan," paalala ko sa kanya. "At may kapalit na parusa ito kapag sinuway mo iyon. Hindi ako magdadalawang isip na isumbong kita kay Lady Annora."


Tinaasan niya lang ako ng kilay atsaka niya binaling ang tingin niya sa mga kaibigan niya.


"Lumayo kayo sa kaniya," utos nito sa kanilang dalawa.


"Seryoso ka ba?" nag-aalalang tanong ng isang kasama niya. Katulad ko ay hindi rin siya sang-ayon sa binabalak ng kaibigan niya.


"Oo nga!" sabat ng isa. "Hindi mo pwedeng gawin 'yan! Dahil lang sa kanya susuwayin mo na yung palatuntunin dito?"


"Aalis ba kayo o hindi?" nagbabantang sabi ng babae na kanina pa nambibintang sa akin. Kaya mabilis na binitawan ako ng mga kaibigan niya at dali daling umalis sa tabi ko.


Napatayo naman ako bigla nang bigla na lang akong napapalibutan ng apoy. Nabalot ng takot ang buong mukha ko at nagpalinga linga lang ako sa paligid pero kahit anong ikot ko wala akong matatakasan.


"Sabihin mo na kung nasaan ang talaarawan ko!" galit na sigaw sa akin ng babae.


"Hindi ko nga alam!" sigaw ko pabalik. "Tigilan mo na 'to! Mapapagalitan ka lang o di kaya baka maparusahan ka lang."


Napasinghap ako nang mas lalong napalapit sa akin ang paglibot ng apoy. Mas lalong naging limitado ang pagkilos ko. Sinubukan ko namang palibutan ang sarili ko gamit ang mahika ko ng mga halamang rosas pero nasunog lang ang mga ito.


"Ano? Aamin ka na ba?"


Natatarantang umiling iling na lang ako, "Wala nga akong alam! Sabi ko naman sayo, hindi naman ako makikinabang kung may malaman ako sa mga sikreto mo!"


"Tama na Ciela!" saway sa kanya ng isang kaibigan niya.


"Sa tingin mo maniniwala ako kaagad sayo? Sinong niloko m---Ah! Ang binti ko!" bigla siyang napadaing sa sakit kaya biglang nawala na parang bula ang mga apoy na pumalibot sa akin.


Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko ang kaliwang binti niya na unti unting nagyeyelo at paakyat ng paakyat ito sa hita niya. Napalingon naman sa likod nila ang dalawang kaibigan ni Ciela.


At saka ko lamang nakita si Snow White na hindi masyadong kalayuan sa amin. Nakaangat ang kamay nito at nakapormang pabilog na parang may kinokontrol. Pero kaagad agad niya ring ibinaba ang kamay niya dahilan para matigil ang pagyeyelo ng binti ni Ciela atsaka siya napaluhod sa lupa at patuloy pa ring iniinda ang pagkaramdam ng matinding lamig sa kaniyang binti.


Dahan dahang naglakad palapit sa amin si Snow White at maya't maya tumigil siya sa tabi ni Ciela. Napatingin naman si Ciela ng may bakas na takot sa mukha niya. Tinignan rin siya pabalik ni Snow White atsaka niya tinitigan ang binti nito dahilan para takpan iyon ni Ciela nang dalawang kamay niya.


Binaling naman ni Snow White ang tingin niya sa akin atsaka siya tipid na ngumiti pagkatapos ay mabilis siyang naglakad palapit sa akin.


Hinawakan niya naman ako sa magkabilang balikat ko, "Ayos ka lang?" mahinahong tanong niya sa akin.


Tumango lang ako bilang sagot. Ngumiti naman siya sa akin atsaka niya hinawakan ang kamay ko. Pagkatapos ay hinila na niya ako palayo sa kanila.

                                 ~*~

"Baliw ka ba? Paano kapag sinumbong ka nilang dalawa na gumamit ka ng mahika?" nakakunot noong sabi ko sa kanya habang sinusuklayan niya ang tuwid na mahabang pulang buhok ko.


Mahinang tumawa naman siya, "Madali lang 'yan gawan ng paraan, Rose Red."


Tumigil naman siya sa pagsusuklay atsaka siya tumingin naman sa salamin at ngumiti sa repleksyon ko, "Kung magsusumbong siya edi isusumbong ko rin siya. Mag-susumbungan lang kaming dalawa," pangangatwiran niya sa akin. "Saka hindi mo ba naalala ang sinabi ni Lady Annora. Hindi ba't sabi niya huwag gagamitin ang mahika kung wala kang malalim na dahilan. Sa sitwasyon ko, may dahilan naman ako kaya ko ginamit ang mahika ko," pagkatapos ay muli niyang tinuloy ang pagsusuklay sa buhok ko.


"Sabagay, tama ka." sabi ko. "Hindi ako ganun katalino at kalakas katulad mo para protektahan ang sarili ko. "


Napatigil naman siya bigla sa pagsusuklay at muli siyang napatingin uli sa repleksyon ko sa salamin pero naging seryoso na ang ekspresyon ng mukha niya.


"Huwag mong ibaba ang tingin mo sa sarili mo," mahinahong sabi niya. Nagulat naman ako ng hawakan niya ang mukha ko habang pareho kaming nakatitig sa salamin. "Ang totoo niyan ay maraming bagay na kahanga-hanga sayo, Rose Red. Mas higit kang mas maganda sa akin at mas malakas ang loob mo. Hindi mo na rin kailangan gumamit ng mahika para manakit ng ibang tao dahil natural na matalas at masakit kang magsalita."


Mabilis akong napalingon sa kanya ng nakakunot noo, "Ikaw!" medyo inis na sabi ko.


"Bakit? Totoo naman ah!" natatawang pangatwiran niya.


Masaya at normal lang ang pamumuhay namin sa bahay ampunan. Dito kami natuto kung paano kontrolin at gamitin ang abilidad o mahika na meron kami.


Pero sa isang iglap bigla na lang may nangyare na hindi inaasahan. Dahilan kung bakit namatay si Snow White at ako naman ay nagkaroon ng ganitong pamumuhay.

                                    ~*~

Nagulat naman ako ng maramdaman ko ang kamay ni Vayne sa ulo ko at pinayuko ito. Punong puno ng kaba ang puso ko nang maramdaman kong dumaan na sa harap namin ang crowned princess. Lumipas ang ilang segundo ay dahan dahan kong inangat ang ulo ko at nakalagpas na ang karwahe ng prinsesa sa amin.


"Tara na," bulong sa akin ni Vayne. Napakunot noo naman ako pero napatigil naman ako ng pasimple niyang inilabas sa palad niya ang pin ng knight na nakausap namin kanina.


"Siraulo k--!" di ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya kaagad akong hinila palayo sa mga tao at natagpuan na lang namin ang sarili namin na tumatakbo ng mabilis.


"Bakit mo ginawa 'yon? Akala ko ba magpapakabait tayo ng isang linggo?" naguguluhang tanong ko habang tumatakbo pa din kami.


"Pinahiya niya ako kanina eh," nakangising sagot niya sa akin. "Mas masama pala ako kaysa sayo dahil hindi ko na kinayang tiisin ang isang araw. Tignan lang natin kung saan siya magkakandaugaga kakahanap ng pin niya." tumawa pa siyang muli atsaka siya humarap sa akin at inihagis ang pin na nasalo ko naman kaagad.


"Alam mo na ang gagawin mo Red kapag nakarating na tayo sa ere," makahulugang sabi niya habang naglalakad ng paatras atsaka siya tumalikod at biglang na lang siya naging isang pegasus.


"Aba't dinamay pa ako sa kademonyohan nito," inis na sabi ko atsaka ako sumampa sa likod niya. "Wala kang takas sa parusa mo. Hindi ka sumunod sa usapan."


Tumakbo naman siya ng mabilis at pagkatapos ay kaagad na siyang lumipad.

                                  ~*~

Mahimbing na mahimbing ang tulog ni Vayne sa kabilang kama. Ang sarap sarap ng tulog, ni hindi man lang nakonsensya sa ginawa niya. Kung sabagay, minsan lang kaming makatulog sa magandang kwarto at magandang kama. Kaya wala naman masamang sulitin niya ang tulog niya sa kwartong nirentahan namin.


Samantalang ako ay patuloy pa rin binabagabag sa crowned princess. Hindi lang tuwa ang nararamdaman ko nang malaman kong buhay ang kakambal ko. May halong takot at pagkagulo at parehong mas nangingibabaw ang dalawang ito kaya hindi na ako nagawa nitong patulugin.


Hindi ko na kinaya ang maupo na lang sa kama kaya sinindihan ko nang ilaw ang mga kandila na nakasabit sa gilid. Nagpalakad lakad ako at kinagat kagat ang kuko ko sa hinlalaki.


Matagal na bang kinupkop ng Royal Family si Snow White? Kung ganun bakit ngayon lang siya ipinakilala?


Pero mas lalong nakakapagtaka kung siya ang ginawang Crowned Princess. Eh hindi naman nila kadugo ito. Bakit ito ang pinili na maging tagapagmana imbis na ang pangalawang anak na lalaki? Si Prince Damien.


Napatigil naman ako bigla sa paglalakad at biglang nadagdagan ang kaba sa dibdib ko.


Alam kong madaming tao ang dumayo kanina para makita ang prinsesa.


Pero nakita niya kaya ako?

                                     ~*~

"King Lash? Queen Mariana? Prince Damien? Princess Snow White?"


Naalimpungatan naman ako ng marinig ko ang boses ni Vayne. Kaagad kong inangat ang kamay ko habang nakapikit.


"Suso ko yang hawak mo, Red." kaagad akong napadilat atsaka ko inangat ang mukha ko sa pagkakadukmo ko sa gilid ng kama at muli ko akmang hinablot ang papel na hawak ni Vayne pero mabilis niya kaagad iniwas ito.


"Anong oras kang natulog? Nagpuyat ka para  lang isulat ang pangalan ng mga myembro ng Royal Family?" tanong sa akin ni Vayne.


"Akin na yan!" singhal ko at akmang kukunin ulit ang papel pero umatras lang siya at iniwas na naman ito ulit.


"Kailan ka pa nacurious sa Royal Family?" natatawang tanong nito sa akin.


"Bakit hindi ka ba nagtataka kung bakit ngayon lang nila pinakilala ang Crowned Princess?" tanong ko rin pabalik. "At bakit ito pa ang naging tagapagmana ng trono imbis na ang Prinsipe."


"Baka naman anak sa labas ang prinsesa kaya huli na siyang napakilala at baka kaya ito ang piniling tagapagmana kasi wala silang nakakitaang potensyal sa prinsipe. Ano bang pakielam ko sa kanila? Problema naman nila 'yan. Nakakapagtaka rin pero ikaw hindi ka talaga nakatulog ng maayos dahil lang d'yan?" natatawang sabi niya na may halong pagtataka.


Napabuntong hininga na lang ako atsaka ako yumuko at ginulo gulo ang buhok ko.


"Teka? Paano mo pala nalaman na Snow White ang pangalan ng crowned princess?" biglang tanong niya habang tinitignan ang papel na hawak niya. Akmang muli ko na namang aagawin ito sa kanya pero iniwas na naman niya ito ulit.


"Yun ay dahil kakambal ko ang prinsesa."


Bigla naman siyang natahimik at gulat na napatingin sa akin.


"Ano?" gulat na sabi niya at bigla naman siyang napahagalpak ng tawa.


Napasimangot naman ako at tinitigan ko siya ng masama. Pero hindi ito umobra dahil bentang benta sa kanya ang mga sinabi ko. Ganun kababaw ang kaligayahan niya.


Tinampal ko naman ang noo niya dahilan para mapa 'aray!' siya at nagtagumpay na akong mahablot ang papel mula sa kamay niya.


Napatitig naman ako sa kanya nang patuloy pa rin siyang tumatawa.


Sa inis ko ay sinipa ko ang paa niya, "Pwede bang tumigil ka na kakatawa dyan!"


"AHAHAHAHA! A-Ano? Yung prinsesa na nakita natin kahapon? Yun ba yung  Snow White? Yung ba yung sinasabi mong kakambal mo?"


Hindi naman ako sumagot ay kinunotan ko lang siya ng noo. Pero di ko maintindihan kung bakit ang pagtahimik ko ang naging dahilan para mas lalo pa siyang tumawa.


"Baliw ka ba? Sa tingin mo maniniwala ako? Eh hindi nga kayo magkamukha," natatawang sabi niya.


"Bakit? Hindi naman lahat ng magkakambal magkamukha ah," katwiran ko.


"Eh bakit ngayon mo lang nabanggit sa akin na may kakambal ka?" nagtatakang tanong niya pero medyo natatawa pa din.


Napabuntong hininga na lang ako atsaka ako umiwas ng tingin sa kanya.


"Ewan ko," nasabi ko na lang atsaka ako tumayo. "Kalimutan mo na lang na sinabi ko iyon," dagdag ko pa atsaka na ako naglakad palabas ng kwarto.


"Saan ka pupunta?" tanong niya.


"Sa impyerno," tipid na sagot ko atsaka ako mahinang tumawa. "Bibili lang ng pagkain." atsaka ko na sinara ang pinto.


Biglang napawi ang ngiti sa mukha ko. Hanggang paggising ko ay puno pa rin ako ng pag-aalala. Isa na lang siguro ang solusyon na kasalukuyang naiisip ko ngayon.


Kahit na anong mangyare, kailangan hindi magkrus ang landas naming dalawa ni Snow White.


Dahan dahan akong naglakad paibaba sa hagdanan hanggang sa makarating ako sa lobby ng inn na kasalukuyang tinutuluyan namin ni Vayne. Binati naman ako ng innkeeper ng 'magandang umaga' pero hindi ko ito pinansin at dire-diretsong naglakad palabas habang nakapamulsa.


Nang makarating ako sa palengke ay nag-umpisa na akong bumili ng iba't ibang klase ng mga prutas at mga tinapay. Nang sa tingin ko ay sapat na ang mga binili kong pagkain ay kaagad na ako naglakad pabalik habang yakap yakap ang supot.


Nagulat ako ng bigla na lang may sumulpot na bata sa likuran ko at hinablot ang supot ko.


Pero hindi siya nagtagumpay dahil nahulog ang supot sa lupa dahilan para gumulong palabas sa supot ang ilang mga prutas.


Mabilis kong kinuha ang supot bago pa gumulong palabas ang iilan na mga laman nito sa loob samantalang ang bata naman ay nagmamadaling pulutin ang mga prutas na nahulog atsaka siya mabilis na tumakbo palayo.


Hindi ko napigilan ang sarili ko na pagmasdan siya habang palayo siya ng palayo. Nakuha ng atensyon ko ang paa niyang walang sapin. Ang butas butas at madungis niyang damit.


Napabuntong hininga na lang ako atsaka ko na pinagpatuloy ang paglalakad ko. Pero maya't maya napatigil ako sa paglalakad nang bigla na lang may humarang sa akin na isang itim na pegasus.


Inangat ko naman ang tingin ko at bahagyang napabuka ang bibig ko nang makakita ako ng pamilyar na mukha.


"Anong kailangan mo?" tanong ko. "Rolan? Ikaw si Rolan diba?" pinatili ko munang kalmado ang sarili ko.


Mahinang tumawa siya, "Natutuwa akong naalala mo pa ako." ani niya. "Siguro baka dahil naaalala niyo pa ako kasi kayong dalawa ng kasama mo talaga ang kumuha ng pin ko."


Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na iyon kaagad ang mga salita na lalabas sa bibig niya.


"Pin? Iyong pinakita mo sa amin nung hinamon mo ang kasama ko sa chess?" maang-maangan kong tanong sa kanya.


"Ayun nga," nakangiting sagot niya.


"Pasensya na pero mali naman na akusahan mo kaagad kaming dalawa na kumuha ng pin mo," turan ko sa kaniya.


"Tama ka, kaya ako nandito sa harapan mo ngayon. Kailangan mong sumama sa akin para mapatunayan mo sa sarili mo na inosente ka."


"Tinatanggihan ko ang imbitasyon mo. Pasensya ka na, hindi ako sasama sayo," tugon ko atsaka ako tumalikod sa kanya.


Narinig ko naman na bumaba siya sa pagkakasampa sa kanyang pegasus, "Yan ang huwag mong gagawin."


Nagtatakang napalingon naman ako sa kanya.


Kinuha niya naman ulit mula sa bulsa ng polo niya ang isang piraso ng rose petal na nakasilid sa isang plastik at pinakita sa akin.


"Ipapabigay kita sa mga nag-iimbestiga kung sino ang mga magnanakaw sa barko nung nakaraang araw."


A-Ano?


Ibig sabihin iyon na pala ang matagal niyang balak sa akin kaya ako ang hinihingi niyang kapalit nung hinamon niya si Vayne sa chess.


"Ang mga alahas kasi na kinuha doon, Mga pagmamay-ari iyon ng prinsesa," sabi nito.

"Mga alahas na dapat ibabahagi para sa pagsusubasta."


"Ano?" gulat na sabi ko at huli ko na napagtanto na isang pagkakamali ang ginawa ko. Napangiti naman siya sa akin senyales na nakuha na niya ako dahil sa reaksyon ko.


Dahan dahan akong napaatras at nabitawan ko ang supot na dala dala ko. Kaagad akong tumalikod at tumakbo ng mabilis. Maya't maya ay narinig ko ang mabibigat na yapak ng pegasus sa likod ko.


"Hiyahh!" sigaw ni Rolan sa pegasus. Sumilip naman ako sa likod at napansin kong mas lalong bumibilis ang takbo nito.


Kaagad kong ginamit ang kapangyarihan ko at sa isang iglap ay kaagad na may tumubong mga halamang rosas sa lupa at kaagad itong pumulupot sa apat na mga paa ng pegasus.


Mas binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa makarating na ako sa inn na tinutuluyan namin ni Vayne.


Dire-diretsong pumasok ako sa loob at umakyat ng hagdanan. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kwartong nirerentahan namin ni Vayne.


"Vayne!"


Pero pagkapasok ko sa loob, wala akong nakitang Vayne. Kahit ang anino niya. Nakarinig naman ako ng kaluskos kaya napalingon ako sa isang sulok at nakita ko naman ang isang daga kaya kaagad akong lumapit dito.


"Vayne!" tawag ko rito.


"Hoy! Sinong Vayne ang tinatawag mo dyan?"


Napalingon naman ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Vayne. Puno ng pagtataka ang mukha niya.


Kaagad naman akong lumapit sa kanya.


"Kailangan na nating umalis," seryosong sabi ko. "Kung ayaw mong mahuli tayo at makulong."


"Ano kamo?" naningkit naman ang mga mata niya.


"Huwag ng madaming sinasabi," sabi ko atsaka siya napaatras dahil tinulak ko siya at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. "Mamaya ipapaliwanag ko sayo basta kailangan na natin lumayo bago pa tayo mahanap ni Rolan." dagdag ko pa at mabilis akong naglakad pababa ng hagdanan. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.


"Huh?" nagtataka pa rin si Vayne. "Sino si Rolan?"


Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagmamadali sa paglalakad. Pero nang makalabas na kami ng inn ay kaagad kong nasilayan si Rolan sa ere na medyo may kalayuan sa pwesto namin. Nakasakay pa rin ito sa pegasus niya pero may hawak na itong matalas at mahabang espada.


"Ah si Rolan! Yung bwisit na knight kahapon," anas ni Vayne.


"At ako pa rin ang pakay niya," sabi ko naman.


"Dito tayo!" ani Vayne at nagumpisa nang tumakbo. Kaagad naman akong sumunod sa kanya dahil si Rolan ay palapit na ng palapit sa amin at sinusundan pa rin kami nito sa ere.


Marami namang mga tao sa daan ang nakakakuha ng atensyon namin. Normal sa kanila ang makakita ng pegasus. Pero kahit naman sinong tao ay paniguradong magtataka kung bakit may humahabol sa amin.


"Tumabi kayo!" sigaw ni Vayne sa mga bata na naglalaro sa daan. Kaagad namang sinunod siya ng mga ito at bigla siyang nagpalit ng anyo bilang isang pegasus. Sumampa naman ako sa likod niya atsaka siya kaagad lumipad.

                                   ~*~

Unti unti ko namang minulat ang mga mata ko. Napakunot noo naman ako nang mapansin kong hindi pamilyar ang silid sa akin.


Nanumbalik ang diwa ko at nanlaki ang mga mata ko. Napatingin naman ako sa paa ko at nakatali ang mga ito. Samantalang ang mga kamay ko naman ay nakagapos sa likod at parang may bakal na nakatakip sa dalawang kamay ko. 


Nabaling naman ang tingin ko sa kanan ko at nakita ko naman ang isang kulangan na medyo malayo sa pwesto ko. Isang kulangan na kakasya lamang ang tao kung nakaupo ito at sa loob ng kulungan na iyon ay mahimbing na natutulog si Vayne.


Biglang bumukas ang pintuan kaya kaagad akong napatingin doon.


"Mabuti naman at gising ka na," nakangiting sabi ni Rolan.


"Tch." nasabi ko na lang sa inis.


Naisahan kaming dalawa.

Related chapters

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Worthy for punishment

    03

    Last Updated : 2020-09-29
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Royal Guard

    04

    Last Updated : 2020-09-29
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Prince of insects

    05

    Last Updated : 2020-09-29
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Longma

    06Kasalukuyang nakadungaw kaming dalawa ni Ciela sa bintana. Habang ang mga kasama naman namin ay sinasanay sa paggamit ng mga sarili nilang mga mahika.Napabuntong hininga na lang ako. Ito ang parusang pinataw sa amin ni Lady Annora sa paglabag ng pangunahing tuntunin niya sa kanyang ampunan. Ang ikulong kaming tatlo sa isang silid. Dito na lang daw kami magpatayan gamit ang mga sariling mahika namin.Pero si Snow White ay tahimik lang na nakaupo sa isang sulok. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha niya at nagbabasa lang ng libro habang tumatapik tapik sa sahig ang kanyang kanang paa."Kasalanan mo 'to!" inis na sabi ko kay Ciela. "Mahilig ka kasi mambintang ng ibang tao!"Napakunot noo

    Last Updated : 2020-10-01
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Scars of yesterday

    07Kaagad namin ginamit ang mga perang napanalunan ni Vayne sa paglalaro ng ahedres sa pag-renta ng mga libro sa public library. Pagkarating namin sa kwartong nirenta namin sa isang inn ay kaagad nilapag naman ni Damien ang anim na libro."Bakit ang dami?" pasinghal na tanong ko habang karga karga ko si Vayne na kasalukuyang sanggol ngayon. Samantalang kami naman ni Damien ay kasalukuyang nakasalampak sa sahig. Ang kaibahan nga lang ay nakaupo sa unan si Damien. Maarte kasi ang loko, madumi daw ang sahig."Hindi sapat ang isang libro!" kaagad na sagot ni Damien atsaka siya kumuha ng isang manipis na libro at pinakita ito sa akin. "At kakailanganin rin natin ito, tungkol ito sa mga tao rito na bigla na lang nawala. Paniguradong nandito rin ang mga magulang mo."Napairap naman ako, "Alam ko, dahil bi

    Last Updated : 2020-10-02
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Vampire's Beauty

    08"May alam ka ba na makakatulong sa amin para bumalik sa normal yung kaibigan namin?""Wala talaga?""Pasensya na kung naabala kita.""Ayos lang sa akin iyon, huwag kang mag-alala.""Nga pala, ito nga pala ang kaibigan kong si Celestia."Napangiwi na lang ako habang pinapanood ko si Damien na nakikipagusap sa isang tutubi.Kasalukuyang nasa labas kami ngayon nakatambay dahil umaga naman at hindi naman ganun nakakasilaw ang araw. Si Vayne naman ay syempre sanggol pa rin at karga karga ko ngayon.Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Snow White noon na si Damien ay walang nakikitaang isang katangian para mamuno ng isang k

    Last Updated : 2020-10-02
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Witness

    09"Pwede po bang magtanong?"Naalala ko nung mga panahong nasa labing tatlong taong gulang pa lang ako. Wala na ako sa poder ng isang pamilya na nanakit at nag-abuso sa akin. Pero pabalik balik pa rin ako sa pampublikong librarya para paulit ulit kong hiramin ang librong may nilalaman na impormasyon tungkol sa magulang ko.Tinaasan lamang ako ng kilay ng babaeng tagapagbantay ng librarya. Kaya tumikhim naman ako bilang senyales na nag-aabang ako ng sagot niya."Nagtatanong ka na, hija," pamimilosopo niya sa akin. "Ano ba iyon?" medyo iritado pa ang tono ng boses niya habang nagtatanong."Saan po matatagpuan ang may akda ng libro na ito?" pinakita ko sa kanya ang manipis na librong hawak ko.Kinunotan naman niya ako ng noo at

    Last Updated : 2020-10-02
  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Questioning the friendship

    10Kinurap ko ang mata ko para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko at mabuti na lang ay nagtagumpay akong pigilan ito.Samantalang si Damien ay nakarehistro pa rin ang pagkagulat sa mukha niya. Malungkot na napabuntong hininga na lang ako atsaka ako sumulyap sa alaga niyang paru-paro."Kahanga-hanga ang alaga mo," komento ko atsaka ko binalik ang tingin ko kay Damien. "Hindi ko akalain na isang insekto ang unang makakatuklas ng sikreto ko.""Pati si Vayne ay wala ring alam sa ginawa mo?" 'di makapaniwalang tanong niya."Syempre," kaagad na tugon ko. "Hindi niya alam." seryosong sabi ko. "Hindi naman ako papayag na matuklasan niya ang sikreto ko."Mahinang tumawa naman siya samantalang ako ay pinatili kong blangko ang ekspre

    Last Updated : 2020-10-07

Latest chapter

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Epilogue

    Simoy na simoy ko ang preskong hangin habang kasalukuyang nasa itaas ako at nakasampa sa likod ni Vayne na ngayon ay nasa anyong Pegasus. Ang mahabang pulang buhok ko naman ay sumasayaw sa lakas ng hangin na humahampas sa akin dahil sa tulin ng paglipad ni Vayne.Ilang taon na nga ba ang lumipas? Pito o walong taon na yata bago ko muling napagpasyahan na bumalik sa lugar na iyon. Sapat na siguro ang mga taong lumipas para harapin ang aking nakaraan. Ang ikinababahala ko lang ay kung malugod ba nila akong tatanggapin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila akong muli?Maya’t maya, lumipas ang ilang oras ay natanaw ko na ang bahay ampunan. Nakadama ako ng kaunting kaba sa aking dibdib pero isiniwalang bahala ko na lang muna iyon. Wala nang atrasan pa. Ako naman ang may gusto na gawin ang bagay na ito kaya kailangan kong panindigan ang naging pasiya ko.Nang makalapit na kami sa destinasyon namin ay napagpasyahan na ni Vayne na lu

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Goodbye, Butterfly

    34Marami na siyang taong napatay pero hindi pa pala niya ginagamit ang buong lakas niya kanina. Parang sinadya ng tadhana o siya mismo na ako ang huling makakalaban niya para sa akin niya mismo gamitin ang buo niyang lakas.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Snow White and Rose Red

    33Agresibong lumabas ang mga halaman ng rosas sa paligid ko habang masamang nakatitig sa isang impostor na nasa harapan ko ngayon. Samantalang siya naman ay walang emosyong nakatitig lang sa akin.Nanginginig ko

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   The Last Victim

    32"Nakakalungkot," malumanay na sabi ni Snow White habang nakaharap kami sa isang maliit na cupcake at may maliit itong kandila na nakapatong sa gitnang bahagi. "Tuwing kaarawan natin, palagi kong naalala sina Ama at Ina."

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   What the heart tells

    31Bahagyang napabuka ang bibig ko. Nagsinungaling sa akin si Damien. Buong akala ko ay ang markang nasa palad ko ay para bigyan ako ng sumpa sa oras na naglihim o nagtraydor ako sa kaniya pero ayun pala ay para protektahan ako sa alinmang sumpa.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Shape of Lies

    Shape of Lies30“Base sa nakikita ko sa sitwasyon mo ngayon, gan’yan rin ang kalagayan ng ibang nilalang na nakita ko bago sila mamatay para pakinabangan.”“Ikaw?!” gulat na ani ko.Hindi siya nagsalita. Namilog lang ang mga mata niya habang nakatitig rin ito sa mga mata ko. Kasalukuyan nahihirapan pa rin ito sa paghinga dahil sa halamang nakapulupot sa leeg niya. Ang mga kamay niya ay pinipilit naman luwagan ang pagkakapulupot

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Dear Huntsman

    29Bigla akong napahinto sa paglalakad. Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumaas ang balahibo ko sa batok.Bakit?

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   Magic Wielders

    28Walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko. Pati rin ang mga labi ko. Nawala rin pansamantala ang natural na kulay ng balat ko dahil sa pagkakaputla ko. Ilang minuto na ang lumipas pagkatapos mahulog ng kapatid ko sa bangin.

  • Rose Red (Tagalog/Filipino)   When Someone Dies

    27Wala na ang alaga niyang Pegasus na nakadagan sa likod ko kanina. Kasalukuyang nakatayo na ako ngayon habang pabalik balik ang tingin ko sa mukha niya at sa hawak niyang lalagyan."Sigurado ka?" taas kilay na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status