Home / Romance / Revenge Of The Hieress Ex-Wife / Chapter 3 - Nowhere to be found

Share

Chapter 3 - Nowhere to be found

"Daddy..." 

Patakbong bumama si Sandy sa mula sa mataas na hagdan nang makita ang kaniyang ama na prenteng nakaupo sa mahabang sofa sa sala. 

"Ariella, anak ko," maluha-luhang sambit ni Don Sibastino na ngayon ay nakatayo na 't hinihintay na makalapit ang anak na tatlong taon na  nawalay sa kan'ya. 

Sinalubog ng kaniyang mga bisig ang ngayon ay umiiyak na si Sandy. Humihikbi na itong nakayakap sa ama na matagal na rin siyang nangulila. "Sshhh... Tanan na, anak, masaya akong nagbabalik ka. Miss na miss ka na ng daddy."

"Patawad po. Patawarin mo ako, dad," lumuluhang sambit ni Sandy. 

"Hindi ako kailan man nagalit sa iyo kahit pa labag sa loob ko ang ginawa mong iyon, pero, 'wag mo rin isipin na hindi kita naiintindihan. Gayun pa man, siguro ay alam mo na ngayon sa sarili mo kung bakit hindi ako pabor sa desisyon mo noon?" mahabang saad ng Don habang hinahaplos ang mababang buhok ni Sandy. 

"Upo." Dalawang tango bilang tugon naman nito sa kaniyang ama. 

"May natutunan ka naman ba? Nagmahal ka lang anak, walang mali ro'n. Iyon nga lang, hindi lahat nang pagmamahal ay nasusuklian pabalik. Ayos lang anak, patuloy ang buhay. Narito ako na siyang tunay na nagmamahal sa iyo. Kami lahat dito sa mansyon ay mahal ka 't hinintay ang pagbabalik mo." 

Sa mga sinabing iyong ng kaniyang ama ay gumaan ang pakiramdam ni Sandy kahit papano. Hindi man lubusang nawala ang bigat, bagay sariwa pa, nabawasan naman. 

"Halika na, maraming silang inihanda para sa iyo, Ariella." 

"Hmmn... Gusto ko po iyan, dad. Gutom na nga talaga ako." 

Naging masaya si Sandy sa kaniyang pagbabalik sa totoo niyang buhay. Binati siya ng lahat sa kanilang mga tauhan. Ngayon ay ang lahat sa mansyo 'y ay maligaya. Magana rin siyang kumain kasama ang mga ito na pinasalo na rin nila ng Don. 

Hindi lingid sa kaalaman ni Don Sibastino ang nangyayari sa kaniyang anak dahil pasikreto niya itong pinapasubay-bayan. Nagagalit siya sa lalaking minahal ng kaniyang anak at hindi na lamang siya mananahimik. 

"Jamie, ito ang nais kong ipagawa," ipinaliwag niya ritong mabuti ang ang kaniyang nais. 

"Ito lang po ba, Young lady?" 

"Oo, iyan na lang muna sa ngayon," tugon niya naman kay Jaimie na para rito ay walang kahirap-hirap ang gagawin. 

"Okay, very basic lang pala," natatawang ani nito na maging si Sandy ay natawa na rin. 

"Sige, aalis na muna ako, young lady. Maya talaga akong nandito ka na ulit at inuutusan ako. Ang boring kaya no'ng nawala ka."

"Sira! Sige na, gusto ko pang makausap si dad." Nagpadala na rin siya ng mensahe kay Corrine kung nasaan na siya ngayon upang hindi na ito mag-alala at alam niyang tatawagan din siya nito kapag nabasa na iyon. 

Makalipas ang tatlong buwan ay pala-isipan naman kay Dimitri kung nasaan na nagpunta ang kaniyang asawa. 

Kasalukuyan itong nasa opisina at mainit ang kaniyang ulo dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot ang taong gusto niyang kunin bilang jewelry designer. Nalaman niya rin sa nakalap na impormasyon nito na wala pa itong pinapasukang iba at basta na lamang naglalabas ng sarili niyang design, paunahan na lang sa mga gusto bilhin ang kaniyang mga obra.l

Naisip niya kasi na kapag sa company niya lang ito mapunta at lahat ng gawa nito ay sa kanila lang ay tiyak na sila lang ang mangunguna sa lahat dahil marami ang humahanga sa taglay nitong kakayahan sa pagdesenyo ng mga alahas. 

Tatlong katok sa pinto ang nakapagpatigil ng kaniyang malalim na pag-iisip. "Come in." 

Pumasok naman ang kaniyang secretary upang i-update sa kanya ang mga ipinag-uutos niya.

"Sir, Dimitri." 

"Any update, Jules?" Ngunit bumuntong-hininga muna ito bago umiling. 

"I'm sorry, Sir. Hindi pa rin po talaga sinasagot ng designer na iyon ang proposal natin," pagkasabi no'n ay may inilapag din itong isang papel sa table ni Dimitri. "At ayan po pala ang isa mo pang pinapagawa. Nakapagtatakang wala na po ang record ng pangalan ni Ma'am Sandy ni kahit anong bakas kung saan ito maaring magtungo ay wala rin po." 

Sa mga nalamang iyon ni Dimitri ay nag-iisang linya ang kilay nito. "B*ll sh!t! Ayan lang ba ang maisasagot mo sa akin, Jules? Puro kapalpakan!" asik nito sa kaniyang secretary na ngaon ay nakatungo lamang at hindi siya makuhang tingnan dahil sa takot. 

"Imposibleng nawala na lang siya nang parang bula! Ako ba ay pinagluloloko mo? Ginagawa mo ba ang trabaho mo?" bulyaw pa nito kay Jules. 

"Eh, Sir. Bakit hindi kayo kumuha ng private investigator? Secretary mo po ako rito!" hindi na napilang sumamot ni Jules sa boss niyang tila kinulang sa utak. 

Nagtatangis ang mga bagang na naman ni Dimitri kung kaya 't binato niya ng signing pen ang nagawa siyang sagot-saguting secretary.

"Sa tingin mo ba ay hindi ko ginawa?! Kaya nga sa iyo na rin ako nagpapatulong baka may kakayahayan ka!" 

"Owww! Talaga ba, boss? Gano'n ka katiwala sa akin?" hindi naman makapaniwala itong si Jules sa narinig. Gano'n pala siya pinagkakatiwalaan ng boss niyang tila bulkan kung mag-alburoto. Para sa kanya ay isa iyong achievement. 

"Tsk! Lumayas ka na nga sa harapan ko, Jules! Buwisit!" taboy niya na sa secretary. Napapikit na lamang si Dimitri at hinilot ang sintido nang bigla na naman sumakit. 

'Where the hell are you, Sandy? Hindi mo 'ko puwedeng iwan nang basta gano'n na lang!' 

Hindi maintindihan ni Dimitri ang kaniyang sarili. Hindi niya lubos akalain na nagawa siyang iwan ng asawa, nasanay siyang palagi nitong ginagawa ang lahat mapansin o  magpatupunan niya lamang ng oras at panahon.   

Aminin niya man sa hindi ay simula nang mawala si Sandy ay hinahanap-hanap ito ng kaniyang sistema lalo na ang mainit na tagpo nila sa kama na talagang napupunan ni Sandy ang kailangan ng kaniyang katawan. May kung anong hatid para sa kan'ya kapag si Sandy na ang kasiping. 

Biglang lumabas sa kaniyang balintataw ang mainit ang huling mainit na tagpo nila, hindi niya akalain na iyon na pala huli. 

Nag-iinit siya sa tuwing maalala kung ano ka ganda ang katawan ng kaniyang asawa. Ang lambot ng labi nito at ang makinis na balat nitong walang ka galos-galos man lang maging ang natural na amoy ng babae na talagang nakakahalina para sa kan'ya. 

“Sir, may update na po ako sa designer na hinahanap mo. May mga bagong labas po siyang designs pero may problema, Sir.”

“Ayan ka na naman, Jules. Kung problema lang pala, ‘di ‘wag mo nang ituloy–”

“Hindi raw po available ang designs niya, Sir. Ang katunayan ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang Designing firm at malapit na rin po iyong magbukas.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status