“Girl, may chika ako sa ‘yo.”
“Napaka-maretes mo talaga, Cori.” Pairap naman umupo si Corrine sa tapat niya dahil sa pagtawag na naman sa kan'ya ng kaibigan.
“Badtrip naman ‘to eh. ‘Wag na nga lang!” maktol pa nito.
“Hmmn… Sabihin mo na, kilala kita. Alam kong hindi mo kayang manahimik kapag tungkol sa tsismis,” pang-aasar ni Sandy sa naghahabang nguso na si Corrine habang kaniyang mga mata sa ay nasa ginagawa pa rin.
“Tss. Sige na nga! Kainis ka, alam na alam mo talaga ‘ko eh,” natawa naman si Sandy.
“Si Dimitri mo. Talagang gusto niyang mapa sa kan’ya ang mga designs at ang gusto pa niya ay tanging i-hire ka. Paano kaya kapag nalaman ng gag*ng iyon na ikaw ang hinanap niya? Exciting ‘di ba? Sampalin mo ng million times!” gigil na sabi pa ni Corrine na dahil sa ginawa ng lalaki sa kaibigan.
“Darating din tayo riyan, talagang magpapakilala ako sa kanila,” diterminadong sabi naman ni Sandy. Sisiguraduhin niyang magmamakaawa sa kan’ya si Dimitri kapag dumating ang araw na iyon!
Alam na rin ni Sandy na maliban sa pinapahanap ni Dimitri ang designer ay maging siya bilang asawa nito ay gno'n din, na kaniyang ipinagtataka?
Ang dapat nga ay maging masaya na ‘to dahil makakasama na niya ang babaeng mahal. Ano pa ang rason para ipahanap pa siya nito?
‘Hindi pa kaya niya natanggap ang annulment papers?’
Ngali niyang tinawagan si Jamie dahil ito ang pinagawa niya sa bagay na iyon. “Hello, Jamie?”
“Ano po iyon, Young lady”
“Naipadala mo ba ang annulment kay Dimitri? Nagawa mo ba?” mariin na tanong niya rito. Kaya siya umano siguro nito ipinapahanap ay dahil do’n.
“Oo naman, no’ng sinabi mo sa akin ay pinadala ko na agad,” siguradong sabi pa nito kaya napalagay naman si Sandy.
Mahigit tatlong buwan na, tawagan mo nga ang lawyer kung nai-file na ang annulment namin? Hindi puwedeng hindi pa.”
“Sige po, tatawagan ko na ngayon din.” Ilang minuto lang ang lumipas ay si Jamie naman ang tumawag sa kaniya kung kaya 't agad niya iyong sinagot.
“Ano na?”
“Young lady, hindi pa po pumirma sa inyong annulment si Mr. Dimitri Vinocenci, sabi ng abogano.” Sumibol na naman ang galit niya sa lalaki. Ano na naman kaya umanong problema at dahilan? Siya nga itong nagpaubaya, hindi ba at iyon naman ang gusto nito?
Tumayo na siya at itinigil na muna ang pag-sketch dahil kailangan siguro na siya ang humarap sa lalaki. Dapat ay pareho na silang makalaya sa kasal gayong hindi naman siya nito nagawang mahalin sa loob ng tatlong taon na pagsasama sila.
“Oh? Aalis ka?” nagtatakang tanong ni Corrine nang bigla siyang tumayo at itinigil ang ginagawa.
“Oo, kailangan ko na siyang harapin. Kailangan na naming magkalinawan." Nagsalubong naman ang kilay ni Corrine dahil bakas sa mukha ni Sandy ang galit at paamumula nito.
“Bakit? May ginawa na naman ba ang gag*ng iyon? Bakit kailangan na ikaw ang pumunta? Nariyan naman si Jamie–”
“Hindi! Kakausapin ko siya ‘t ako mismo ang magpa-pirma sa kan’ya ng annulment papers naming dalawa. Ako na rin ang magpa-file sa RTC para hindi na siya maabala!” Saka kinuha ang bag at nagmamadali nang lumabas si Sandy. Paglabas niya ng opisina ay natigilan naman siya bigla dahil naro'n sa Jewelry shop nila si Dimitri at may kasama itong babae na abala sa pagtingin ng mga alahas.
Nang suriin niya ang babae ay maganda ito, matangkad at sopistikada. Halata rin na galing sa mayamang pamilya kaya siguro umano hindi ikinahihiya ni Dimitri na kasama sa labas ang babae at dalhin sa kung saan lugar, hindi katulad niya na hanggang bahay lang nila noon.
Bumalatay na naman ang hapdi sa puso ni Sandy. Nakangiti pa ang lalaki habang kausap ang babaeng mahal nito na kailan man ay hindi niya man lang nasilayan kay Dimitri sa tuwing magkausap silang dalawa nito no’n. Akmang babalik papihit na sana si Sandy ay siya naman ang paglabas ni Corrine kung kaya ‘t nagkabanggaan pa silang dalawa.
“Aray!” sabay na daing nila kung kaya ‘t napatingin sa gawi nila si Dimitri at ang babaeng kasama nito.
Huli na, dahil nagtama agad ang paningin nilang dalawa ni Dimitri. Halata sa mga titig nito na maging ang lalaki ay hindi inaasahan na magkikita sila ro’n. Hindi nagpatinag si Sandy, nilabanan niya ang mga matang iyon ni Dimitri na halos hinahalukay ang buo niyang pagkatao.
“Ah– ma’am, sandali lang po ah? Tanungin ko lang po si Ms. Corrine kung ipinagbibili na po ba itong singsing,” magalang na sabi ng sales kay Lindsay kaya nabaling naman ang atensyon nito kina Corrine at Sandy.
“Okay, thanks.”
Nagmamadali naman na lumapit sa kanilang dalawa ang sales lady. “Ma’am, gusto raw po bilhin ni Ma’am iyong couple diamond ring, ibibenta niyo na po ba?” Ang tinutukoy nito ay ang singsing na idinesenyo ni Sandy para sa kanila ni Dimitri at ireregalo sana sa birthday nito subalit hindi na mangyayari.
“Ay, sabihin mo not for sale–”
“Go ahead. Sell it, ask her if she's really sure, so I could name the price, Corrine,” wala pagdadalawang-isip na sabi ni Sandy. Wala na rin naman silbi pa ang mga iyon. Mas maganda nang ibenta na lang, kumita pa sila.
“Girl, are you sure? ‘Di ba–”
“A hundred percent, Corrine. Ikaw na kumausap and tell them that it cost Fifty Million. If they agree with the price, close the deal.” Maging si Corrine at ang sales lady ay nagulat sa laki ng presyo. Halos lumuwa ang kanilang mga mata habang laglag ang mga panga.
“What?! Napataas pa ang kilay ni Sandy. Isip-isip niya, kulang pa iyon sa tatlong taon na nasàyang niya upang pagsilbihan ang lalaki. Tumalikod na siya ‘t babalik na muna sana sa loob ng opina nang bigla ay muli niyang nilingon sina Corrine at ang sales lady. “And one more thing– Bawal tumawad.” Bago tuluyan na nga siyang pumasok sa loob.
Napatiim-bagang naman si Dimitri nang makita niyang pumasok si Sandy sa pintong iyon. Kung saan-saan niya na ito hinanap ay narito lang pala ang asawa!
Hindi niya maikakaila na tila may nagbago sa kaniyang asawa. kahit tatlong buwan pa lang itong hindi niya nakikita ay kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa ayos nito kung manamit at simple kulerete nito sa mukha na talagang bumagay kaya lumabas ang natural nitong ganda. Sa ilang minutong nakatayo lang do’n si Sandy ay hindi niya rin inaalis ang paningin sa babae na kahit kinakausap pa siya ni Lindsay ay wala siyang pakialam at nakalimutan.
Kailangan niyang makausap si Sandy. Hindi niya ito pakakawalan ngayon nakita na niya itong muli, hindi siya makapapayag na basta na lamang siya nito baliwalain. Lalo nang tila hindi man lang siya nito kilala nang magkatitigan silang dalawa.
“Hello, good afternoon. What can I do?” pekeng binati naman ni Corrine ang dalawa at in-entertain na nga si Lindsay.
“Yes, please. May I know how much is this?” Turo naman ni Lindsay sa couple diamond ring na naro'n. Excited na siyang bilhin iyon para sa kanila ni Dimitri.
“Oh– That precious couple ring? Mura lang iyan, ma’am. It cost, Fifty Million Pesos lang naman,” masiglang sambit ni Corrine habang nakamuwestra pa ang kamay at napahampas pa sa balikat ni Lindsay na sinad’ya niya naman talaga dahil nangigigil siya. Ma-igante man lang ang best friend niya.
‘Feeling close? ASA KA!’
Tulad sa reaksyon kanina nila Corrine ay gano’n rin si Lindsay. Napahawak pa ito sa kan’yang dibdib at nag-inarte na nahirapan sa pahinga. Napangiwi naman si Corrine sa reaksyon nito.
‘OA! Sikmuraan ko kaya ‘to para talagang hindi makahinga!’
Nang marinig naman ni Dimitri ang presyo ay nagtaka rin ito kung bakit gano'n ka-mahal. Dahil nga curious siya ay hindi na niya napigalan na magtanong.
“Excuse me, ladies. May I ask why that couple ring is very expensive? If you don't mind,” pormal na tanong ni Dimitri kay Corrine.
“Sure! But, honestly. That couple ring has a story and it was personally designed by the girl who owned the other one.” Turo naman ni Corrine sa ring na para sana dapat kay Sandy. Napasinghap naman si Lindsay sa kuwento ni Corrine at gusto rin malaman ang tungkol sa story.
“And then? What happened?”
“But suddenly, the girl changed her mind about giving this ring to his husband because she found out that the guy had cheated on her. Ang sakit ‘di ba? Ano sa palagay mo, ma’am?” tanong naman ni Corrine kay Lindsay na ngayon ay tila nalungkot sa kuwento.
“W-well, I feel pity for her. Sadly, but I hope she will move on at the right time,” pakikisimpat’ya pa nito sa babaeng may ari ng singsing.
‘Talaga ba? Bakit ka lumandi? Gaga!’
“Ay totoo iyan! Sang-ayon ako sa sinabi mo, ma’am. Lalo na ‘t WALANG K’WENTA ‘YONG LALAKi!” Sabay lipat ng tingin kay Dimitri sandali at ibinalik ulit kay Lindsay habang madiin iyong sinasabi ni Corrine. “Halika ma’am, may ibubulong ako, secret lang dapat ‘to ah?” Lumapit naman kaunti si Lindsay na talangang willing na makinig kay Corrine.
“Kaya, ikaw. ‘Wag kang papayag na maging kabit ka, ma’am. Kilalanin at kung maari ay mag-imbistiga ka muna sa isang lalaki. Naku! Mahirap na, digital pa naman na ngayon ang karma!”
Bahagya naman napalayo si Lindsay sa sinabi ni Corrine. Napalunok pa ito sa huling sinabi nito sa kan’ya. Nagdiwang naman ang kalooban ni Corrine dahil kitang-kita niya kung paano namutla ang babae.
‘Tsk! Timaan ka ngayon. Dasurv!’
“Ano, ma’am? Check out mo na ba?”
“Wait– Ahmmn… Pag-iisipan ko na muna–”
“Will buy it. Give me your bank account,” biglang sabi naman ni Dimitri, nagulat man si Corrine at hindi niya iyon ipinahalata bagkus ay ngumiti pa siya nang napakalapad.
“Wow! That's great!” bulalas niya at agad na ibinigay kay Dimitri ang kaniyang bank account.
“Oh, my god! Really, Dimitri? Bibilhin mo talaga iyan for us?” Napatakip pa ng kaniyang bibig si Lindsay. Pakiramdam niya ay siya ang pinaka-mangandang babae sa lahat. Biruin ba naman na sobrang laking halaga ng couple ring pero handa iyon ibigay ni Dimitri sa kan’ya. Hindi niya maipaliwanag ang galak sa kaniyang puso.
Lihim na nagpapasalamat siya tuloy sa may ari at gumawa ng naturang alahas.
“Napatingin pa ro’n mabuti si Dimitri sa pangalan. “Is this yours?”
“Yes, Sir. Why?” tanong pa ni Corrine. Kinabahan siya dahil baka naghihinala itong si Dimitri.
“Nothing. By the way, one more question if it's okay with you?”
May kutob si Corrine kung tungkol saan ang itatanong nito.
“Ask me, sasagutin ko kung alam ko ang sagot,” ani na tugon naman ni Corrine kay Dimitri.
“What is she doing here? I mean, the girl a while ago went inside that door?” tukoy nito kay Sandy.
“Ah, iyon ba? Kaibigan ko lang iyon at bumisita lang dito sa akin.” Nagkibit-balikat na lamang si Dimitri, hindi niya naman nakilala ang isa sa mga naging kaibigan ni Sandy noon.
“And lastly," hirit pa ni Dimitri. “Who was that designer behind your story?"
Naghihintay na lamang si Sandy sa loob ng opisina habang naro’n pa si Corrine sa labas kausap sina Dimitri at ang babaeng kasama nito. Napapailing pa rin siya mga nangyayari, akalain mo ba naman na iyong singsing na siya mismo ang nag-designed para sa kanilang mag-asawa ay sa ibang babae pala nito ipasusuot. Muling nangilid na naman ang kanyang mga luha, aminado siyang nasasaktan siya nang makita ang dalawa na magkasama. Kung paano ngumiti si Dimitri sa babaeng at ibigay nang gano'n kadali ang nais nito ay tila naman pinipiga ang puso niya. Gusto na niyang mawala ang sakit, gusto na niyang makalimutan, hinihiling na lamang niya na isang panaginip na lang sana ang lahat. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa na nga no’n si Corrine na nakabusangot ang mukha. “Ka-imbyerna no’ng kabit ng asawa mo, ah! Ang arte, mas maganda ka pa ro’n!” “Nariyan pa ba sila?” tanong ni Sandy dahil itutuloy niya pa rin ang na-antalang plano kanina. “Wala na, pero, tinatanong no’ng damumo mong asawa kung b
Dahil sa matinding takot ni Sandy ay nawalan ito ng malay. Akala niya ay katapusan na talaga niya nang mga oras na iyon. Nakita niya ang isang kotse na nagpa-ikot-ikot sa ere matapos sumalpok ito sa isang eight wheeler truck. Sa lakas ng impact no’n ay tumilapon sa gawi ng kotse ni Sandy at pagdating na nga ni Jaimie ay nasa gano'ng ayos na ang kaniyang amo. “Young lady!” bulalas ni Jamie. Agad na pinakiramdaman ang pulso ni Sandy at nakahiga naman siya ng maluwag dahil humihinga pa naman ito bago sinuri kung may galos o sugat ba si Sandy. Nagpapasalamat naman siya dahil wala naman siyang nakitang sugat at halos rito ngunit naro'n rin ang pag-aalala kung bakit ito ang nasa lugar at walang ngang malay? Tiyak na mananagot ang kung sino man ang sumalbahe sa babae. May pinaamoy siya na kung ano kay Sandy kung kaya ‘t unti-unti naman itong nagkamalay. “Uhm.. Jaimie?” “Ako nga, mabuti at gising ka na. Ano ba ang nangyari sa iyo, young lady? Pinakaba mo naman ako.” Pagmulat ng mga mata
Chapter 7 Kinabahan man si Corrine ay hindi naman siya nagpahalata sa harap ni Dimitri, bagkos ay mas tinapangan niya pa ang expression sa kaniyang mukha. “How dare you, too. For hurting my best friend?! nais palakpakan ni Corrine ang sarili dahil hindi siya nautal nang sabihin iyon ngunit ang totoo ay nangangatog na ang kaniyang mga tuhod. Isang Dimitri Vinocencio ba naman itong tinatarayan niya. Pero sa isip-isip niya ay kailangan niyang iganti man lang ang kaibigan at ngayon ay nakapa-maiwang pa siya sa harapan ng lalaki. “It’s none of your business, Ms. Corrine. I need to see her. Nandito ako dahil nag-aalala ako sa kan'ya, kaya, please… Let me talk to my wife.” “Anong it's none of my business? She's my business, too. I'm warning you! Mr. Vinocencio. Hindi ko na hahayaan pa na saktan mo na naman ang kaibigan ko. Nasisiguro kong maayos siya rito dahil, siyempre, wala siya sa puder mo!” Tila mauubusan naman ng pasensiya si Dimitri sa kaibigan ng asawa niya. Ibang klase kasi it
Nasa VIP room na ang grupo nina Sandy at Corrine. Dito na lamang nila balak uminom at sumang-ayon naman ang mga kasamahan nila. Nakaupo si Sandy sa couch habang nakapikit ang mga mata. Muli ay nasa balintataw niya na naman ang tagpong iyon ni Dimitri at Lindsay. Ang pagyakap at halik nito sa lalaki, nasabi niya sa sariling desidido na siyang hiwalayan ang asawa ngunit ang sakit pa rin pala na makitang may iba nga itong mahal. Ang gusto lang naman niya ay magsaya at makalimot man lang sana ngayong gabi, pero hindi pa ibinalato sa kanya. Sa dinami-rami ng bar ay dito pa sila nagkita-kita. Alam ni Corrine na nasasaktan na naman ang kanyang kaibigan kung kaya ‘t tinabihan niya ito. “Are you, okay?”Saglit naman na idinilat ni Sandy ang kaniyang mga mata na namimigat dahil sa tama ng nainom niya. Hindi naman kasi siya sanay uminom kaya kahit na low alcohol lang naman ang in-order niya ay may tama pa rin siya. “Yes, I'm fine. Don't worry, unimon lang kayo at ipapahinga ko lang ‘to,” ani
Nalilito si Sandy sa mga pinagsasabi ni Dimitri. Paanong mahal siya nito gayong si Lindsay nga ang mahal nito magpa-hanggang sa ngayon?“Anong pakulo mo? Tingin mo ay paniniwalaan pa kita? Dimitri, inamin mo sa ‘kin na mahal mo ang babaeng iyon!” Hinihingal niyang sumbat. Ang galing nitong paglaruan ang damdamin niya. Ibang klase talaga!“Anong ba ang nangyari sa iyo? Na-untog ka ba? Bakit biglang ako na ngayon ang mahal mo? Pinili mo siya, ‘di ba? Wedding anniversary natin no'ng ipamukha mo sa ‘kin na mas pinipili mo siya kaya ano ‘to?! Napailing-iling naman si Dimitri dahil sa ayaw na siya paniwalaan pa ni Sandy. Gusto niya nang ayusin ang pagsasama nila, gusto niya nang bumawi at umaasa siyang hindi pa huli ang lahat. Alam niyang mahal pa siya ng asawa. Nakita niya iyon sa mga ngiti nito kanina habang lalapitan niya sana ito sa loob kanina. “Please, wife. Umuwi na tayo sa bahay. Do’n tayo mag-usap. Let me drive the car, alam kong pagod ka na,” nang hihina si Sandy. Hindi niya na
Biglang nagbalik ang kuryente, dahil do’n ay natuhan naman si Sandy. Tila napapasong Itinulak niya ito palayo sa kanya at walang salita 't tumakbo pa-akyat ng hagdan patungong silid. Tinanaw na lamang ni Dimitri si Sandy, hindi na niya nagawa pang pigilan ang asawa. Napaupo na lamang siya sa sofa at napa-sabunot sa kanyang ulo habang nakayuko. Marami pala talaga siyang hindi alam sa babae. Hindi naman mapakali si Sandy sa loob ng silid nilang mag-asawa. Pabalik-balik siya habang hawak ang kanyang labi. Tumugon siya sa halik ni Dimitri, nagustuhan niya ba?‘No! Hindi ko ginusto iyon!’ Paano niya ngayon haharapin ang lalaki? Paano sila mag-uusap?“Buwisit kasing brown out na iyan eh!” naiinis na sambit niya. Kung hindi kasi dahil do’n ay hindi niya tatawagin si Dimitri. ‘Baka isipin niyang okay na kami dahil nagpahalik ako.’“Hayyst! Nakakainis naman!” mayamaya ay nagulat siya sa sunod-sunod na katok sa pinto. Bumuga muna siya ng hangin at ikinalma ang sarili na parang walang nangy
Nang magising na si Sandy ay ka-agad na siyang naligo. Masarap din ang kaniyang naging tulog at na-miss niya rin naman na matulog sa kanilang kuwarto ni Dimitri. May mga damit naman siya rito kaya nagbihis na muna siya ng simpleng pambahay lang. May pag-uusapan pa sila ni Dimitri kaya bumaba na siya para hintayin na ito. Wala pa naman siyang natatanggap na mensahe mula kay Corrine at marahil ay tulog pa ito. Balak na sana niyang magtimpla ng kape subalit pababa pa lang siya nang manuot sa kaniyang ilong ang nakakagutom na amoy na ng mga nilulutong pagkain na nagmumula sa kusina. Naisip niya na baka si Eden na iyon kaya nagmadali na siyang tumungo ro’n na may nakapaskil na malapad na ngiti sa kanyang labi. “Good morning!” masiglang bati na nga niya ngunit agad siyang natigilan nang makita ang malapad na likod ng taong nakatalikod habang abala sa kung anong ginagawa. Napangiti naman si Dimitri nang marinig ang masiglang boses ni Sandy. Maaga talaga siya nagising para ipagluto ang as
Chapter 12Lutang na kung lutang pero iyon talaga ang pakiramdam ni Sandy. Oo, narinig niya, seryoso? Natutulala na rin siya dahil pino-proseso niya pa ang mga sinabi ni Dimitri sa kanya. Gusto nito na ayusin ang pagsasama nila. Iyon ang tanging naintindihan niya sa mga nasabi nito.“Handa akong ligawan ka ulit, okay lang kahit hindi ka pa sumagot ngayon but let me, Sands. I wanted to prove to you how I realized now that I really loved you. I was a coward! Mahal kita at ayaw kong mawala ka sa akin.”“M-mahal m-mo a-ako? Paanong nangyari iyon, Dimitri? Nakaraan mo iyan din ang sinasabi mo, eh.” Hindi pa rin siya kumbinsido. “Pero iyan ang totoo, mahal kita.”“Paano naman iyong sa babae mo?! Akala mo nakakalimuan ko iyong sinabi mong ‘I still love her’ huh, Dimitri!” panggagaya niya pa sa sinabi nito sa kanya. “Yeah, I know, mahirap na maniwala ka sa akin. Pero mahal talaga kita, Sands. Sabihin mo lang kahit anong gusto mo at gagawin ko. ‘Wag mo lang akong hiwalayan.” Lumapit na nga