Home / Romance / Revenge Of The Hieress Ex-Wife / Chapter 5 - Desperate

Share

Chapter 5 - Desperate

Naghihintay na lamang si Sandy sa loob ng opisina habang naro’n pa si Corrine sa labas kausap sina Dimitri at ang babaeng kasama nito. 

Napapailing pa rin siya mga nangyayari, akalain mo ba naman na iyong singsing na siya mismo ang nag-designed para sa kanilang mag-asawa ay sa ibang babae pala nito ipasusuot. Muling nangilid na naman ang kanyang mga luha, aminado siyang nasasaktan siya nang makita ang dalawa na magkasama. Kung paano ngumiti si Dimitri sa babaeng at ibigay nang gano'n kadali ang nais nito ay tila naman pinipiga ang puso niya. 

Gusto na niyang mawala ang sakit, gusto na niyang makalimutan, hinihiling na lamang niya na isang panaginip na lang sana ang lahat. 

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa na nga no’n si Corrine na nakabusangot ang mukha. “Ka-imbyerna no’ng kabit ng asawa mo, ah! Ang arte, mas maganda ka pa ro’n!” 

“Nariyan pa ba sila?” tanong ni Sandy dahil itutuloy niya pa rin ang na-antalang plano kanina. 

“Wala na, pero, tinatanong no’ng damumo mong asawa kung bakit ka raw nandito? Pakialam niya ba? Ngayon siya magtatanong eh matagal naman na siyang walang paki sa iyo! Pero, siyempre, kunwari mabait ako. Sinabi kong kaibigan mo ‘ko at bumisita ka lang,” sagot ni Corrine. Kating-kati na nga sana siya na sampalin ang lalaki kung hindi lang dahil sa fifty million. 

Isip-isip niya ‘Next time na lang pala iyong sampal with interest.’ 

“Thanks, girl. Aalis na muna ako at kikitain ko na muna ang lawyer ko. Kukuha ako ng kopya ng annulment at ako na mismo ngayon ang magpapa-pirma kay Dimitri para matapos na.” 

“Sure, ‘wag mong panghinayangan ang lalaking iyon! Mag-iingat ka, ah? Alam mo na ang gagawin kapag kailangan mo ng tulong,” bilin pa ni Corrine at lumapit ito kan'ya upang yakapin siya nang mahigpit. 

“Ang OA mo na masiyado!” Sabay pitik sa noo ng kaibigan. “Sige na, let's celebrate later when I get back. Sabihan mo iyong mga staff, deserves nila iyon.”

Bigla naman lumiwanag ang mukha ni Corrine sa na narinig. “OMG! Akong bahala sa outfit mo, girl! Lumayas ka na ‘t makabalik ka na agad, aayusan pa kita and I'll make sure na luluwa ang mga mata ng mga hottie na naro’n mamaya.” Ngayon ay pinagtutulakan naman na siya nito paalis. 

“Sira! Ano? Ibubugaw mo na ‘ko? Hindi pa naman ako desperada, ‘no!” 

“Ayss! Ang Kj mo naman. Konting landi lang naman mga one-fourth,” pang-aasar nito kay Sandy. “Joan,” tawag naman ni Corrine sa isang sale assistant nila na agad namang lumapit. “Mag-close na muna tayo. Tell everyone to prepare for tonight, we are gonna have fun! Treat ni Ma’am Sandy ninyo kaya, go!”

“Wahhh… Talaga, ma’am? Sige, sasabihin ko na ang mga bakla!” nagtawanan naman sina Corrine at Sandy sa naging reaksyon ni Joan. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam at naisip niya ngang kailangan niya rin ang magsaya na hindi niya nagawa sa loob mang tatlong taon. 

Habang hawak ma ni Dimitri ang annulment papers ay binasa niya ang kasunduan na nakapaloob doon. Maging ang mga cards na ibinigay niya kay Sandy ay naro'n din. Agad na nag-iisang linya ang dalawang kilay ni Dimitri sa nabasa na at nagtatagis ang mga bagang nito sa nararamdaman inis! Bahagyang napahilot pa siya ng kaniyang sintido dahil nag-iinit na ang ulo niya! 

“Are you serious about this?! Hindi makapaniwalang tanong pa ni Dimitri kay Sandy. Nagtitimpi siyang hindi magalit sa babae upang makapag-usap sila sana ng maayos pero–

Tinaasan lamang siya ng kilay ni Sandy at humalukip-kip pa ito sa kaniyang harapan na tila walang kagana-ganang kausapin siya. “At ano namang aasahan mo? You think, I'm wasting my time to come here just to see you?” naiinis na sabi naman ni Sandy. “Pirmahan mo na iyan para ma-kumpleto na. Ako na nga ang gumagawa at kumikilos na dapat sana ay ikaw. In the first place ay ikaw naman ang may kagagawan talaga nitong lahat!” Napatulala si Dimitri sa inasta ngayon ng kaniyang asawa. Ibang-iba kasi ito sa Sandy na nakilala niya.

Sa loob ng tatlong taon ay alam niya na likas na mabait ang babae, simple lang ito at Wala itong ginawa na ikakagalit niya. Ginampanan rin nito ang pagiging asawa sa kanya pero ngayon, parang ibang tao na ang kanyang kaharap. 

‘Hiba ka ba, Dimitri? Pagkatapos mong saktan ay umaasa ka pa ba na magpapaka-tanga pa rin iyan sa iyo?’

Napadako ang mga mata ni Dimitri sa mapupulang labi ni Sandy, bigla ay tila nakadama siya nang pakauhaw. Maging ang ayos ng asawa ay sad’yang nag-iba kumpara sa dati ngunit hindi pa rin nagbabago ang maamong mukha nito, mas lalo lang bumagay sa babae ang pagbabagong ito. 

Nakaramdam ng kung ano sa kaniyang dibdib si Dimitri. Tila ba ay naguguluhan kung kaya ‘t mabilis na umiwas ng tingin, tumalikod siya sa asawa upang hindi nito mahalata ang kan'yang emosyon. 

“Just leave it here, babasahin ko na muna ito bago ko pirmahan,” ani nito na hindi naman maintindihan pa ni Sandy dahil malinaw naman na pabor na sa lalaki ang lahat nang nando’n. 

“Ano? Bakit pa? My God, Dimitri! Pipirma ka na lang, malinaw naman na lahat nang nariyan ay nabasa mo na. Ano pang rason mo para patagalin pa? Gaano ba kahirap iyan pirmahan, huh?! hindi mapigilang mainis, magalit pa ni Sandy. Gusto na niyang matapos na ang kaugnayan niya sa lalaking kaharap. 

“Why are you so desperate?! Do you have someone kaya ka magkaka-ganiya–” 

Hindi na natuloy pa ni Dimitri ang sasabihin nang dahil sa isang malakas na sampal ni Sandy ang sa kaniyang mukha. Nanginginig ang buong katawan ni Sandy sa kaniyang samo ‘t saring emosyon. 

'Siya pa ngayon ang Pag-iisipan nito ng may iba?'

Akala niya ay handa na siya, ngunit sa sandaling ito ay napagtanto niya na tumitibok pa rin ang puso niya sa kay Dimitri. Parang may tumusok na libo-libong karayom sa dibdib niya ‘t namamanhid ang kalahati ng kaniyang katawan. 

“Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan! Ako pa talaga ngayon ang desperada? Huh, Dimitri?! Humihingal na sumbat niya sa lalaki. 

Para naman biglang natauhan si Dimitri nang makita ngayon ang lumuluhang si Sandy sa kanyang harapan. Gusto niyang bawiin ang nasabi dahil hindi naman iyon ang ibig niya sanang sabihin, sad’yang hindi lamang nito matanggap na basta na lamang siya pakakawalan si Sandy, iba kasi ang inaakala niya. 

Wala nang nagawa pa si Dimitri nang umalis si Sandy, bago pa man siya nito tinalikuran ay tinapunan pa muna siya nito nang nanlilisik na mata sa labis na galit. 

Pagpasok ni Sandy sa kaniyang kotse ay doon niya na lahat ibinuhos lahat nang sakit. Bakit pa ba siya pinahihirapan? Siya itong niloko ‘t pinagtataksilan! Siya itong nasayang ang tatlong taon upang maging butihing asawa para kay Dimitri. 

Pero bakit hindi niya makuha agad ang nais niyang kalayaan? 

“Ahahh! Hayup ka Dimitri! Manloloko! Wala kang kuwenta!” sigaw niya ‘t pinaghahampas Ang manibela. Nagagalit siya dahil apektado pa rin siya sa lalaki, sa kabila nang pangga-gag* nito sa kan'ya ay tumitibok pa rin ang puso niya para rito. 

Mahal niya pa rin si Dimitri. 

Kung puwede lang baklasin sana ang puso sa kaniyang dibdib ngayon ay ginagawa na niya. Gusto na niya alisin sa puso ang lalaki, kung may gamot man lang sana para mangyari iyon ay handa siyang bilhin kahit sa anong halaga.

Pinasibat ni Sandy ang kaniyang kotse sa napakabilis na speed. Tila ba may sarili siyang mundo at walang nakikita sa kan'yang paligid, ‘di alintana na may nakakasabayan siyang mga sasakyan. 

Walang ibang laman ang kan'yang isipan kun ‘di ang mga panlolokong natuklasan niya sa asawa. Lalong dumiin ang kamay ni Sandy sa manibela, masiyado na siyang nilalamon ng kaniyang emosyon. 

Hanggang sa may muntik siyang marinig na tinig sa kung saan kung kaya ‘y unti-unti na siyang kumalma. “Mahal na mahal kita, anak.” 

Ang daddy niya. Muntik na niyang makalimutan na mayro’n pa siyang ama na labis siyang minamahal. Sandali siyang tumigil sa gilid ng kalsada dahil sa panginginig na ngayon ng kan'yang mga kamay. Muntik na siyang sayangin ang sariling buhay nang dahil sa walang kuwentang lalaki. 

“I'm sorry, dad. I'm so sorry,” mahinang sambit niya sa pahingi ng tawad. Sigurado masasaktan ang kaniyang daddy kapag nawala siya at hindi niya kakayanin ang bagay na iyon. Nasaktan na niya ito noon nang piliin niya ang ang itinitibok ng kan'yang puso kaya ngayon ay nais na niyang bumawi sa kaniyang ama. 

Palagay niya ay hindi na niya kaya pang magmaneho kung kaya't tinawagan na lamang nito si Jamie. 

“Hello, Jamie. Sunduin mo ‘ko ngayon, please…” 

“Young lady? Anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?” nag-alala naman agad ni Jamie nang marinig ang boses ni Sandy na umiiyak sa kabilang linya. May kutob na siya agad kung sino ang rason no’n. 

‘Gag*ng iyon ah!’ 

“Sige, sabihin mo sa ‘kin kung nasaan ka. Hintayin lang ako riyan.” 

“Okay, salamat Jamie.”

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari. Isang aksidente ang nangyari sa kalsada at saktong naro’n ang kotse ni Sandy sa pinangyarihan. 

Napatayo naman si Dimitri sa kan’yang swivel chair nang makita sa balita at makilala niya ang kotse ng asawa. 

“Jules. Alamin mo ang nangyari at kung kumusta ang asawa ko!”

   

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Fyanggie
Kuuuhh!!!! Para ano naman? ... Babaero ka!
goodnovel comment avatar
Katana
Epal mo rin Dimitri! Ikaw ang may ginagawa ng katarantaduhan tapos si Sandy pa babaliktarin mo! ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status