“Of course! I want to see you, babe. I'm worried, kagabi pa kita tinatawag pero hindi mo naman sinasagot,” may himig na tampong pagkasabi niya rito. Nagkatinginan naman ang tatlong empleyado at napapatanong kung si Lindsay na nga ba ang tinutukoy ng boss nila. “Siya na kaya iyon? Hindi sila bagay.”“Agree! Mukhang ma-arte at maldita. Kanina nga nabangga lang siya ni Ema ay tinalakan na niya ng bongga!” “Anong magagawa natin kung siya nga? Kita ninyo, nasa kanya na nga iyong bulaklak oh!” “Kuhh! Magtigil na nga kayo kung ayaw ninyong matanggal sa mga trabaho!” muling saway na naman ng isa nilang kasamahan.Tinataw na lamang nila ang boss at ang babae habang papalayo. “Those flower is not for you,” agad na sabi ni Dimitri kay Lindsay at nagulat pa ito nang kuhanin iyon ni Dimitri sa pagkakahawak niya.“What?! “Follow me! Let's talk at my office.” mababang boses na pagkasabi ni Dimitri. Ngayong narito naman na si Lindsay ay mumibuti na ni Dimitri na ipagtapat sa babae ang lahat. Na
Agad nang tumalikod na si Lindsay para lumabas ng opisina ni Dimitri. Pabalibag na isinara pa nito ang pinto bago pa muna ito tuluyang nakalabas. Bigla ay nangamba si Dimitri sa huling sinabi nito sa kanyang pagbabanta ngunit sa isip-isip niya ay nadala lamang siguro ng galit nito si Lindsay at hindi naman ito gagawa ng bagay na alam nitong mali at pagsisisihan sa huli. May dinukot siya sa kan'yang bulsa at napangiti nang buksan niya iyon. Nasa kanya lang naman ang couple ring na nabili niya ro’n sa shop ng kaibigan ni Sandy. Hindi niya ito naibigay kay Lindsay sa mismong araw na iyon na ipinagpasalamat niya, paniguradong mas lalo lamang niya masasaktan si Sandy kaya ibibigay niya ito sa asawa. Silang dalawa ang magsusuot nito, pero, saka na.Kapag sinagot na siyang muli nito sa kanyang panliligaw. “Ano kamo?! nabibiglang sambit naman ni Corrine sa nalaman mula sa kaibigan. “G*ga ka! Ang rupok mo! I hate you!” inis na tinalikuran nito si Sandy na naghahaba ang nguso sa paninermo
“Damn! Babalian ko ng leeg kung sino mang lalaki iyon!” nag-aalburutong parang bulkan na si Dimitri lalo pa ‘t pinatayan siya ng cellphone ni Sandy. Marahas na napa-sabunot na lamang siya sa kanyang ulo!“Jules!” tawag niya sa secretary na abala sa ginagawa sa harap ng laptop nito. Agad naman nito iniwan ang ginagawa upang puntahan na ang boss na halatang banas na naman. “Yes, boss?” “I want you to know who that bastard invites my wife! Get his name so I will ruin his business, asap!” Nabigla naman si Jules sa narinig. Ano na naman umano ang trip ng boss niya?“Seryoso? A-abot ka na talaga gano'n, sir?” Sinamaan naman siya ng tingin ni Dimitri sa pangingi-alam pa umano niya.“Just do it and don't ask!” asik pa ni Dimitri rito kaya wala namang nagawa si Jules kun ‘di sundin ang nais nito.“Tss. Nakaraan lang, iba ang kasama– Ngayon ay parang baliw kahahabol sa asawa!” sabi niya habang pabalik na sa puwesto. “What did you say?” tanong naman ni Dimitri dahil sa naririnig niya ang mahi
Inabot na nang gabi subalit hindi pa rin malaman ni Dimitri kung saan naro’n sina Sandy. Parang gusto na nga niyang magpunta sa prisinto para lang ipahanap na ito. ‘G*go! Anong akala mo kay Sandy? Bata?’ kontra ng kaniyang isipan. Maraming beses niya na rin itong tinawagan subalit hindi talaga siya sinasagot ni Sandy. Natatawa na lamang siya kung bakit ba hinahayaan niyang ganituhin siya ng asawa! Hindi pa sila tuluyang hiwalay kaya may karapatan pa rin siya kay rito. At sa oras na makita niya na ito ay ikukulong niya talaga ito at parurusahan sa pagpapahirap sa kanya! Siya na nga ang nagpapakumbaba ay mas lalo naman yata umano siyang inaabuso! ‘Do I deserve this? I am changing now. Bakit ba kasi ayaw niya akong paniwalaan?’ Naiinis na talaga siya kaya nakaisip siya ng susunod na gagawin. Siya na itong nagtitino kaya dapat maging matino na rin umano si Sandy sa kan'ya. Nagdial siya sa kanyang cellphone upang tawagan ang isang malapit na kaibigan. Si Sean Ford, may private islan
~Sandy’s Pov~Mabigat ang mga talukap subalit pinilit ko itong idilat pa unti-unti. Maging ang aking katawan ay parang may nakadagan na sampong tao sa bigat ng aking pakiram, hindi pamilyar sa akin ang silid na kinaroroonan ko ngayon. Napansin ko agad ang open window na ang kurtina nito ay sumayaw sa pag-ihip ng sariwang hangin. Presko ang hangin. Pero sandali? Nasaan na nga ba ako? Bigla ay pinilit kong isipin ang nangyari at kung nasaan ako sa sa huli kong pagkatatanda ay–Nasa Bahay ako ni Corrine, nagpaalam na ako uuwi, gas station and then– “Oh my, God!” Biglang npumasok sa isip ako ang buong pangyayari do’n sa gas station. “I'm kidnapped, but why?” tanong ko sa aking sarili. Bigla ang binalot na ako nang kaba. Hindi pala ako safe sa lugar na ito, I need to escape in here!Tumayo ako ‘t akmang lalabas na ng kuwartong ito nang biglang bumukas ang pinto nang dahan-dahan. Sa takot ko ay kumuha ako agad ng matigas na bagay na ipangpupukpok ko sa ulo ng kung sino mang masamang taong
Nasa isang bar si Lindsay at mag-isa lamang ito sa loob ng VIP room habang may hinihintay. Umiinom na rin siya paunti-unti pantanggal inip, nagbabaka-sakali lang naman siya kung sisiputin siya ng taong iyon dahil matagal na rin naman no'ng huli silang magkita. Nabaliaan niya lang naman na nakabalik na ito kung kaya ‘t naisipan niyang imbitahin upang magkausap sila. Mayamaya ay dumating na nga ang kaniyang hinihintay. Tumayo siya ‘t sinalubong ito nang mahigpit na yakap. “Welcome back!” “What do you want?” walang ganang tanong nito sa kanya. Kung hindi lamang nagpumilit itong si Lindsay ay wala naman siyang balak na makipagkita talaga! “Oh, so rude naman! Don't you miss me, lover boy?” mapang-akit na bulong pa nito sa tainga niya. Ito ang ayaw niya, dahil alam niya sa kanyang sarili na may epekto pa rin talaga sa kanya ang babae mula pa no’n. Subalit hindi siya ang gusto nito kaya wala siyang nagawa kun ‘di ang ilayo ang sarili. Umiiwas siya at nagpakalayo dahil masiyadong na siyan
Kanina pa pasilip-silip si Sandy sa labas o ‘di kaya ay pupunta sa may dalampasigan upang tanawin kung may paparating na ba ngunit wala man lang siyang nakitang bangka kahit isa na patungo sa kinaroroonan nilang isla. “Nakakainis naman!” bulalas niya sa sobrang inis. Samantalang si Dimitri naman ay lihim na nagbubunyi habang prenteng nakaupo sa balkonahe. Kanina pa kasi hindi mapakali ang babae, alam niyang bagot na bagot na ito. “Dimitri, wala ka man lang ba narinig sa usapan nila habang dinadala nila tayo rito?” tanong nito sa kanya. Pinagbuti naman ni Dimitri ang pagpapanggap, nagulat pa nga siya kanina nang makita niya ang pag-aalala ni Sandy sa kanya. Ang akala niya pa naman ay bubulyawan na siya nito at iisipin na kagagawan na nga niya ang pagpapadukot rito subalit, hindi, dahil inakala pa pala ni Sandy na magkasama silang nadukot. Totoong hindi siya nakapag-salita kanina dahil sa pagkamangha. Nasisiguro niyang mahal pa talaga siya ni Sandy, kita niya iyon kung paano ito mag-
Kanina pa pinipilit na matulog ni Sandy subalit hindi naman na siya dalawin ng antok. Sa totoo lang ay natutukso siyang maligo sa dagat pero wala naman siyang isusuot na panligo. “Tss… Ano ba naman kasing buhay ‘to!” Banas siyang bumangon! Lalabas na lamang siya para malibang, lilibutin na nga lang niya ang buong bahay kung ano pa ba ang naririto na puwede niyang pagka-aabalahan.Hinanap ng kanyang mga mata si Dimitri subalit nagtataka siyang wala ito roon. Isip niya ay marahil nainip na rin ito dahil wala namang makausap. Lumabas niya at nagpalinga-linga hanggang sa nakita niya nga si Dimitri na nasa dalampasigan, may kung anong ginawa. “Anong ginagawa niya?” Dahil sa kyuryusidad ay nagpasya na siyang lapitan ito na hindi naman namalayan ni Dimitri ang kanyang paglapit kung kaya ‘t hindi maiwanan na mapatitig si Sandy sa nangingintab na katawan ni Dimitri dahil sa pawis. Hindi naman niya naitatanggi na maganda talaga ang katawan ng asawa dahil alaga din naman nito ang katawan at