"Ayan, idampi-dampi mo lang kung ayaw mo ibabad sa malamig," Sabi ni Sandy habang hawak pa rin naman niya ang yelo na binalot niya lamang sa tela. Hindi nagsasalita si Dimitri at pinagsasawa niyang matitigan ng mas malapit si Sandy. "Ako na ang hahawak." Sabay hawak naman ni Dimitri sa kamay niyang hawak ang yelo ngunit parehong hindi na rin naman sila nakakilos. Napatingin naman si Sandy kay Dimitri nang ilang sigundo hanggang sa nakailang na rin siya 't nagbaba na ng tingin maging ang kanyang kamay ay binawi na niya sa pagkakahawak sa yelo. "K-kumain ka na, ayan na iyong ginawa kong sandwich," alok na niya kay Dimitri. "Wow! Mukhang masarap nga iyan ah. Tikman ko nga!" Agad ba kinagatan na iyon ni Dimitri. "Hmmn... Masarap nga! Kumain ka na rin," alok na rin sa kan'ya nito. Mabilis lamang na naubos ang dalawang sandwich nito samantalang iyong sa kan'ya ay nakakalahati pa nga lang niya. "Salamat, nabusog ako. Sana palaging ganito 'no?" Napataas naman ang kilay ni Sandy. "Ang al
Habang nagsisimula nang kumain si Sandy ay mataman lang din na nakatitig sa kanya si Dimitri. Nakailang subo na siya ngunit pansin na nga nitong hindi pa rin kumakain itong isa kaya sinita na niya ito at naiilang na rin si Sandy sa kanina pang paninitig nito sa kanya. “Wala ka bang balak kumain? Ano tititigan mo na lang ako riyan? Aba ‘y mabubusog ka talaga niyan, Dimitri!” “Ah, pasensiya na. Kanina ko pa kasi ina-abangan ang sasabihin mo tungkol sa pagkain na inihanda ko para sa atin. Masarap ba?” Nang hindi pa agad sumagot si Sandy ay napabuntong-hininga na lamang si Dimitri. “‘Wag mo nang kainin iyan, Sandy. Baka masira pa iyong tiyan mo–” Akmang kukunin na nito ang pagkain ni Sandy ang pigilan siya nito ay ilayo ang pagkain sa kanya. “Hey! Akin ‘to!” “Akin na, hindi naman masarap kaya baka mamaya niyan masira pa iyong tiyan mo. Akin na, kukuha na lang ako ng delata.” “Ano, ka ba! May sinabi ba akong hindi masarap?” tanong naman ni Sandy. “W-wala, pero hindi mo rin naman sin
Naglakad na nga si Dimitri upang lapitan ang mga bagong dating. Pribado ang islang ito kaya paanong nakapunta ang mga ito rito? Alam kaya ng kaibigan niyang si Ford ang tungkol rito?"Ah, magandang gabi ho, ano pong kailangan ninyo?" magalang na tanong ni Dimitri. "Magandang gabi, rin. Narito kami para isama na pabalik ang iyong kasama. Kung gusto mo naman ay puwede ka ring sumama sa amin pabalik sa siyudad," sabi pa ng isang lalaki kay Dimitri. Napakunot-noo siya sa sinasabi nitong isamama ng mga ito ang asawa niya. Para saan? "Sandali lang, bakit ninyo isasama ang asawa ko? Sinong nag-utos niyan, huh?" hindi mapigilan na mainis ni Dimitri. Hindi niya papayagan na basta-basta na lamang na hayaan ang asawa sa kung saan lalong-lalo na sa ganito pagkakataon, wala siyang tiwala! Hinding-hindi niya ipagkakatiwala ang asawa sa iba! "Pasensiya na, sir. Kami ay napag-utusan lang naman. At kung hindi mo naman po ibibigay ng maayos sa amin, si, Ms. Sandy ay mapipilitan kaming Kunin siya n
Umuubo-ubo si Dimitri at habang nahihirapan na huminga. Kitang-kita niya mukha ni Sandy habang luhaan na nakatunghay sa kanya. Pinilit niyang idilat pa ang mga mata dahil napapapikit na rin siya na tila ba ina-antok. Itinaas niya ang isang kamay upang abutin ang magandang mukha ni Sandy habang nakahilig ang ulo niya sa kanlungan nito. "H-huwag k-ka n-nang, u-umiyak... P-patawarin m-o a-ako, k-kasalanan k-ko i-ito," nahihirapan na sambit sa mga katagang iyon ni Dimitri. Umiling-iling naman si Sandy at umiiyak na hinawakan din ang kamay ni Dimitri na nasa kanyang mukha. "Dimitri, kumapit ka lang! Dadalhin kita sa ospital, huh? 'Wag ka na munang magsalita... Nandito lang ako." Binalingan na niya ang tatlong lalaki na nakatunghay lang sa kanila. "Ano pang hinihintay ninyo?! Tulungan niyo na 'kong dalhin sa ospital ang asawa ko!" Nagtinginan naman ang tatlo bago siya sinunod ng mga ito. Nauna nang lumakad ang isa patungo sa bangka habang iyong dalawa naman ang pinagtulungan na buhatin
"A-anong i-ibig mong sabihin, Jaime?" nagulantang si Sandy sa kanyang nalaman mula kay Jaime. "Oo, nang malaman ko ang nangyari sa iyo ay ka-agad na akong kumilos para mabawi ka kay Dimitri. Ako rin ang nag-utos na na kung magmatigas ito ay gawin na nila ang nararapat," saad pa nito. "Niloloko mo ba 'ko, Jaime? Bakit niya naman gagawin ang bagay na iyon?""Ikaw lamang ang makaka-sagot niyan, ano bang gina ninyo habang naro'n kayo sa isla?" tanong nito sa kanya. Do'n ay inalala ni Sandy ang nangyari habang naro'n sila. Wala itong ibang bukang bubigi kun 'di ay ang makapag-usap sila at pagbigyan niya ito ng isa pang pagkakataon. Nanghihinang napaupo si Sandy, hindi man lang iyon pusok sa kanyang isipan. Hindi niya inakala na a-abot sa gano'n sir Dimitri. Pero isa lang ang alam niya, iyon ay nagsisisi na ito at ilang ulit din nitong sinabi kung gaano siya nito ka-mahal. 'Pero totoo naman kaya iyon?'Hindi na niya talaga alam, litong-lito na siya! Napapikit siya ay inalala ang mukha
"Girl, ano ba talaga ang plano mo? Iyong totoo?" tanong ni Corrine sa kanya nang i-kuwento niya rito na nagpunta si Lindsay sa ospital upang bisitahin si Dimitri. "Girl, ayaw mo bang lumagay muna sa tahimik ang buhay mo? Huminga ka man lang muna, iyong walang isipin tungkol sa dalawang 'yon! Sinabi na mismo ni Dimitri na hindi pumayag ang kabit niya na maghiwalay sila, 'di ba? Lalo lang gugulo ang buhay mo!" "Gusto ko rin naman na maging tahimik ang buhay ko, Corrine. Pero paano ko mapapaintindi kay Dimitri ang nais ko? Ayaw niya akong tantanan. Kita mo nang nagawa na nga niya akong dalhin sa islang iyon!" Bumuntong-hininga si Sandy dahil nahihirapan siya sa situwasyon nila gayung hindi pa rin nagiging si Dimitri. Hindi niya naman magawang iwan 'to ngayon, ano na lang ang sasabihin ng pamilya nito lalo na ang abuelo at abuela. "Kung ayaw mo talaga, wala na iyan siyang magagawa! Pakiusap, unahin mo naman sana ngayon ang sarili mo." Dahil do'n ay tila nabuksan ang kanyang pag-iisip a
Makalipas ang dalawang lingo mula nang makalabas na si Dimitri sa hospital ay ngayon lang ulit sila nagkaharap ni Sandy.Tinitigan ni Dimitri ang kasunduan na nakapaloob sa divorce agreement at ilang cards sa kanyang mga kamay. Napa-angat ang tingin niya kay Sandy habang nakasalubong ang mga kilay!“Sigurado ka?” asik niya ‘t nagpipigil ng galit. Napataas kilay naman si Sandy “Oo, sa tingin mo ba ay may oras pa akong magbiro? Pirmahan mo na iyan para maasikaso na ‘t matapos na agad.Pinakatitigan ni Dimitri ang asawa. Sa tatlong taon nilang kasal. Ginawa nito ang lahat para maging karapat-dapat bilang asawa niya ‘t dalhin ang apilyedo ng Vinocencio. Ngunit sa nakikita niya ngayon ay ibang-iba na ito sa nakilala niyang si Sandy. Napapatanong na lang siya sa kanyang sarili kung dahil ba sa kasamaan niyang nagawa rito kung kaya ‘t bigla na lamang ang pagbabagi nito?Kung dati ay wala kang makikita rito kung ‘di ang maganda at maamo nitong mukha? Ngayon ay halata ang magkainip at ani m
‘Mukhang hindi naman talaga siya nagpunta!’ Imposible kasing 20 minutes na lang naman ang sinabi niyang maghintay ito ay hindi pa nito magagawa!Sumakay na siya ng kotse at habang nakaupo ay huminga siya ng malalim dahil mukhang mabibigo na naman siyang magawa ang pag-apply ng pagdi-divorce nilang dalawa. Muli niya itong tinawagan upang sabihin na papunta na talaga siya. “Dimitri, hindi ka naman talaga napunta sa Civil Affairs Bureau, ‘di ba?Muli ay naiinis na naman si Dimitri “Ako? Ano tingin mo sa akin? Katulad mong walang isang salita?” Si Sandy na nga umano ang nahuli ng dating ay siya pa ang paghihinalaan nito!Ngunit sigurado si Sandy na hindi talaga ito pumunta, "Kung gayon ay padalhan mo ako ng larawan ng pinto ng Civil Affairs Bureau katunayan na nariyan ka nga–”Ngunit nabitin ang sasabihin ni Sandy nang pinatayan na siya ni Dimitri ng tawag.Sa inis ay pinaghahampas ni Sandy ang kanyang manibela. “Ahhh! Ang yabang niya talaga!”Nakatanggap siya ng mensahe kay Corrine na